SERENDIPITY (Completed)

By malebolge

65.8K 1.8K 222

More

SERENDIPITY
Fireworks meets Bittersweet
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Finale

Chapter 13

2.6K 80 14
By malebolge


Matt---

"Buti naman at nagawa mo pang ayusin ang ginawa mong gulo." Ang sabi ni Michael habang ang mga mata ay nakatuon sa labas ng diner.

"Gulo? Bakit? Anong nangyari?" Takang tanong naman ni Natnat.

"Wala yun---" Ang di ko pa natapos sabihin nang magsalita muli si Michael.

"Muntik na din niyang sirain ang puso nun." Sabi ni Michael at inginuso ang taong pinatutungkulan niya.

Napalingon naman si Natnat sa inginuso ni Michael at nang makita niya yun ay bigla balik-tingin nito sa akin.

"Ha? Bakit kuya? Akala ko ba---" Ang di din natuloy sabihin ni Natnat nang putulin ko ito.

"Mike naman! Tapos na yun at oo inaamin ko na mali ako, pero wag mo nang ipagduldulan pa dahil naayos ko din naman!" Ang sabi ko.

Hindi ko maiwasang mainis sa ikinikilos ni Michael. Alam ko naman na kampi ito kay Chino kahit pa man kaibigan ko siya, pero tila ba naluwagan ito ng turnilyo ngayon.

"Pasalamat ka at naayos mo, dahil kung hindi..." Ang pabitin na sabi nito na tila ba nagbabanta pa.

Parang bigla akong kinabahan sa susunod nitong sasabihin. Napatingin talaga ako sa kanya at di ko maiwasang maningkit ng kaunti ang aking mga mata sa kanyang pagbabanta.

"dahil kung hindi ay aagawin ko siya sa'yo." Ang seryosong sabi ni Michael.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam na ganun ang balak ng matalik kong kaibigan. Di ko tuloy naiwasang titigan siya ng seryoso at hindi din siya nagpatalo.

"Ba-bakit?" Tanong ko at di ko maiwasang mautal.

"Simple lang..." Tugon nito at saka muling tumingin kay Chino sa labas na kasalukuyang nakikipaglaro sa mga anak ni Michael at Natnat. "Si Chino ang klase ng taong mahirap hanapin." Dugtong pa nito.

"Matt, alam ko naman na pag nagmahal ka eh posible kang masaktan. Si Chino, tulad ng sabi mo ay nasaktan nang di lang isang beses. Namatayan, niloko at iniwan, pero tignan mo siya, buo pa din ang pagmamahal na binibigay niya sa'yo."

"Walang pag-aalinlangan at walang kapaguran. Oo at alam kong bumabawi ka sa mga nagawa mo kasi dapat mo lang talagang gawin yun. Kung sa akin ginawa yung mga ginawa mo, baka di ko na mapatawad ang taong yun. Pero si Chino, napakadali kang pinatawad. Ganun ka niya kamahal, Matt."

Sandali itong nanahimik at lumagok ng kanyang beer. Ilang sandali pa ay tumingin muli ito kay Chino at saka nagsalita...

"Tanga ka na talaga kung pakakawalan mo pa siya."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabing iyon ni Michael. Tulad ng dati ay tama lahat ng kanyang sinabi, pero hindi pa din ako makapaniwala na kaya akong taluhin ng kaibigan ko.

"Totoo ba yang banta mo kay Kuya Matt?!" Ang hindi din makapaniwalang tanong ni Natnat.

"Nagmahal na din ako ng katulad ni Chino noon, pero..." Ang di naituloy ni Mike dahil napatigil ito. Ilang sandali pa...

"naduwag lang ako."

Hindi na ako nagulat sa paglalahad ni Mike. Alam ko kung sino ang taong tinutukoy niya...si Tim.

"Kung nagawa ko lang magpakatotoo sa sarili ko noon at hindi inisip ang sasabihin ng iba, siguro ay masaya kaming nagsasama ngayon. Pero huli na ang lahat sa amin." At muling uminom si Michael ng beer.

"Bakit kuya, anong nangyari?" Tanong ni Natnat.

"Ayun, masaya na siya sa taong hindi siya kinakahiya. Matagal na nga sila. Mas matagal pa sa amin ni Amy." Pagkumpara nito sa yumaong asawa. "Para din kasing si Chino yun. Handang ibigay ang lahat sa taong minamahal niya." Dugtong pa nito.

Alam ko na sa mga oras na iyon ay seryoso ang kaibigan ko. Madalang kasi itong mag-open up patungkol sa kanyang personal na buhay. Si Natnat naman ay hindi makapaniwala sa kanyang nalaman.

"Akalain mo yun, may common denominator pala tayong tatlo." Ang namamanghang sabi ni Natnat.

"Mukhang ganun na nga." Ang sabi naman ni Michael.

Nagkaroon kami ng katahimikan matapos namin pag usapan ang tungkol kay Tim. Tila ba nagpapakiramdaman sa kung sino sa amin ang unang magsasalita. Mabuti na lamang ay pumasok na si Chino kasama ang mga anak nila Michael at Natnat.

"Mukhang inaantok na ata ang mga anak niyo." Nakangiting sabi nito habang hawak sa magkabilang kamay ang mga bata.

Napangiti na lamang kaming lahat nang makita naming nagkakamot ng mata ang dalawang bata at halata na ang pagka-antok sa mga ito. Nang mapatingin naman ako kay Chino ay alam kong pati ito ay mukhang sumusuko na din. Tulad ng dati ay wala pa din itong sapat na tulog dahil mas gusto nitong makapiling ako sa tuwing nagkikita kami.

"O pano, sa susunod na linggo na lang ulit. Mukhang pagod na din itong si Chino." Sabi ni Michael at tumayo ito para kunin ang anak kay Chino.

Ganun din ang ginawa ni Natnat at nang kargahin nito ang anak ay wala pang isang minuto ay nakatulog na ito sa mga bisig ng ama.

Hinatid na namin ni Chino sila Michael at Natnat sa kani-kanilang sasakyan. Sinabihan pa ni Chino ang dalawa kong kaibigan na mag-ingat dahil naka-inom ang mga ito at kasama pa nila ang kanilang mga anak. Sa mga oras na iyon ay kung si Chino lang ang masusunod ay hindi na nito papauwiin sila Michael at Natnat, pero nang i-assure siya ng dalawa ay napanatag na din siya.

"Sandali lang pare, parang naiwan ni Nate yung panyo sa Diner." Ang biglang sabi ni Michael.

"Sige Kuya Mike ako na titingin." Presinta ni Chino.

Nang makaalis si Chino ay agad naman akong kinausap ni Michael.

"Matt, tandaan mo yung mga sinabi ko kanina. Hindi ako nagbibiro." Pagbabanta nito sa akin.

"Oras na malaman kong binigo mo ulit si Chino, hindi mo na siya mababawi sa akin." Pahabol pa nito.

Alam kong seryoso siya sa kanyang mga sinabi at alam ko din sa sarili ko na isang pagkakamali ko lang ay mawawala sa akin si Chino kaya naman...

"Hayaan mo Mike, hindi mangyayari yan." Ang sabi ko.

"Siguraduhin mo lang." Pagtatapos niya.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Chino dala-dala ang panyo ni Nate. Matapos niya iyong i-abot ay nagpaalam na ng tuluyan sila Michael at Natnat. Maging kami ay nagpasya na din umuwi dahil napapapikit na si Chino at sinabihan na lamang ang mga tauhan ko na sila na lang ang magsara ng shop at ng diner.

"Kaya pa?" Ang di ko maiwasang biruin si Chino habang nasa loob kami ng sasakyan at kasalukuyang binabaybay ang daan pauwi sa amin.

"Oo naman. Bakit, may gagawin pa ba tayong iba?" Tugon nito sa akin na di ko alam kung inaakit ako nito o sadyang inaantok na base na din sa kanyang pananalita.

"Sira! Alam kong pagod na pagod ka na kaya di na muna kita papagurin pa. Mahirap na baka magkasakit ka pa." Ang natatawa kong tugon.

Hinihintay ko ang isasagot niya, pero nang lingunin ko ito dahil hindi siya nagsalita ay dun ko lamang napagtanto na nakatulog na ito ng tuluyan.

Hindi ko na siya ginising pa at kahit medyo nahahawa ako sa antok ni Chino ay minabuti ko na lamang na pagtuunan ng pansin ang aking pagmamaneho. Binuksan ko din ang radyo para magising ako at bahagyang hininaan ang air-conditioned ng sasakyan upang di ako tuluyang pumikit.

Naging maayos naman ang byahe namin pauwi at hindi din nagtagal ay narating namin aking bahay. Balak ko pa sanang buhatin si Chino, pero nagising ito at siya na ang nagkusang bumaba ng sasakyan.

"Bakit dito tayo tumuloy?" Tanong nito at napahikab.

"Bakit naman hindi eh bahay natin to." Tugon ko.

"Si Eve?" Tanong niyang muli.

"Andun kina mama. Gusto ko kasing masolo ka ngayong gabi." Ang pang-aakit ko dito.

Natawa na lamang ako nang isang hikab muli ang isinagot nito sa akin. Mukhang wala kaming love making ngayong gabi, pero okay lang sa akin dahil ang importante ay kapilinh ko siya buong magdamag.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad namin tinungo ang aming kwarto upang makapagpalit ng damit. Nang matapos kami ay sabay na kaming nahiga upang matulog sana, pero bigla kong naalala ang banta ni Michael kaya naman...

"Chino?" Pagtwag ko dito habang nakasiksik siya sa kili-kili ko.

"Hmm..." Tugon nito.

Ungol na lang ang sinagot ni Chino dahil patulog na ito, pero hindi ko maiwasang itanong sa kanya ang tungkol kay Michael.

"Sa tingin mo, posible ka bang ma-inlove kay Mike?" Tanong ko at bigla na lang napabangon si Chino at nagtatakang tumingin ito sa akin.

"Ano ba namang tanong yan, Matt?" At nagtataka pa din siya sa aking tinanong.

"Kanina kasi napag-usapan ka namin nila Mike at Natnat tungkol sa kagaguhang ginawa ko sa'yo. Ang sabi ni Mike, kapag binigo kita ulit eh aagawin ka niya sa akin." Paglalahad ko at bago pa siya sumagot..."At seryoso siya Chino."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Chino. Marahil ay hindi din nito inasahan ang balak ng aking matalik na kaibigan kapag pinaiyak ko siyang muli.

Magkaganunman ay napawi ang gulat sa kanyang mukha at saka ito ngumiti sa akin. Lumapit sa akin at hinawakan ang aking mukha...

"May balak ka pa bang paiyakin ako?" Tanong nito sa akin.

Umiling ako bilang tugon. Wala na talaga akong balak paluhain pa si Chino. Masyado na itong nasaktan dahil sa akin at inaamin kong takot na din akong mawala siya sa piling ko.

"Okay. Ngayon, tungkol sa tanong mo about Kuya Mike...hindi ko alam ang sagot." Ang sabi nito sa akin.

Sa totoo lang ay hindi ko inasahan ang sagot niyang iyon. Ang inasahan ko ay sasabihin niya na hindi at ako lang ang mahal niya, pero hindi. Dahil sa disappointment ay aayain ko na sana siyang matulog ngunit...

"Hindi din natin kasi masasabi ang hinaharap. Oo at gwapo din si Kuya Mike at talaga namang napakabait niya sa akin, pero Matt..." Kinuha nito ang aking kaliwang kamay at inilagay sa kanyang dibdib. "Ikaw lang kasi ang nagmamay-ari nito." At napangiti ako sa kanyang sinabi.

"Titigil lang akong mahalin ka kapag hindi na ako ang sinasabihan mo ng "I love you". Pahabol pa nito habang nakangitinh nakatingin sa akin.

Nagulat na lamang si Chino nang biglang ko siyang yakapin at halikan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ipadama sa kanya ang pagmamahal ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na may isang tao na handang mahalin ka ng buong buo kahit pa man may mga kamalian kang nagawa dito.

Hindi naglaon ay tuluyan na kaming nagpaubaya sa init ng aming pagmamahalan. Hindi alintana ang pagod at kalasingan. Sa mga oras na iyon ay tanging mga puso lang namin ang aming pinapakinggan.

-----------------------------------------

Lumipas pa ang mga araw at ang mga araw ay naging mga linggo. Unti-unti na din bumalik si Chino sa dati niyang kasiyahan. Maging ang pangangatawan nito ay naging maayos na din at dahil dun ay tuluyan na ding nawala ang guilt na nararamdaman matapos ang kagaguhang aking nagawa.

Sa paglipas ng mga linggo ay lalong lumalim ang pagmamahal ko kay Chino. Lahat ay ginawa nito upang maibaling ko sa kanya ang buo kong atensyon at pagmamahal. Alam kong labis labis na ang mga sakripisyo nito, pero dahil dun ay ramdam ko na din sa sarili ko na siya na talaga ang nilalaman ng aking puso.

Umaasa na siya na talaga...

Na kami ay tatagal pa...

Magmamahalan hanggang sa wakas.

Chino---

"Masayang masaya na naman siya." Ang sarkastikong sabi ni Marvin.

Kasalukuyan kaming nagtatapos ng aming report at sa totoo lang pilit ko itong minamadali dahil gusto ko ng umuwi upang makapiling si Matt.

"Ganun talaga ang inlove, boss. Subukan mo kaya." Pang-aasar ko sa kanya.

"Sinubukan ko na kaya, kaso binasted mo ako di ba?" Tila ba nangongonsensyang tugon nito.

Natawa na lang ako kay Marvin. Alam kong may kaunti itong sama ng loob sa akin, pero magkaganunman ay nandyan pa din siya sa tabi ko na handa akong damayan sa mga kabiguan ko.

Minsan ay napapaisip ako na kung si Marvin ang naging nobyo ko ay malamang sa malamang ay hindi na ako mabibigo. Pero sadyang hindi matuturuan ang puso lalo na kung tumibok na ito sa taong isinisigaw nito.

"Tuloy na ba ang paglipat niyo ni Tita Salve mamaya?" Biglang tanong ni Marvin.

Nitong nakaraang mga linggo ay nakahanap kami ng mom ko ng bahay na matatawag na naming amin at ngayon na nga ang araw ng aming pag-lipat doon.

"Oo. Pero alam mo nalulungkot din ako sa paglipat namin." Tugon ko.

"Bakit naman? Di ba pangarap niyo ng mom mo na magkaroon ng sariling bahay? Eto na yun ah. Dapat maging masaya ka." Sabi naman ni Marvin.

"Masaya naman ako. Nakakadama lang ako ng lungkot dahil sa mga alaala sa bahay na iiwan namin." Panimula ko.

"Matagal din kaming nanirahan dun. Nakamatayan na nga ng dad ko ang pagtira niya dun eh. Maging mga kabiguan ko sa buhay pag-ibig ay sa bahay na din ko iyon naranasan lahat." Patuloy ko pa.

"Syempre nandyan din yung mga masasayang alaala. Kumbaga, sa bahay na yun talaga ako nahubog bilang ako." Pagtatapos ko.

"Ikaw na ang madrama." Pang-aasar sa akin ni Marvin nang mapansin niyang namumuo ang mga luha ko sa mata.

Hindi ko lang kasi maiwasang hindi alalahanin ang lahat lahat ng mga nangyari sa akin at maging sa pamilya ko sa paninirahan namin sa bahay na iyon. Tipong nagfaglashback isa isa lahat nga mga alaala namin dun, masaya man o hindi.

"Teka, tutulong ba ang amg boyfriend mong ungas sa paglilipat niyo?" Tanong muli ni Marvin.

"Hindi eh." Nakangiti kong tugon.

"Ha? Bakit? Wag mong sabihing..." At binitin pa niya ako sa kanyang sinabi. Alam ko din naman ang ibig niyang sabihi, kaya naman...

"Okay kami ni Matt. Magsecelebrate nga kami ng monthsary namin mamayang gabi eh." At di ko napigilang kiligin habang ang boss ko ay tila ba nandiri.

"Hindi ko lang sinabi sa kanya na nakabili na kami ng bahay at lilipat na kami. Gusto ko kasi siyang surpresahin." Ang sabi ko pa.

"Eh kailan mo naman balak sabihin?" Tanong muli ni Marvin.

"Next week, pagsundo niya sa akin. Hindi kasi ako magpapasundo ngayon at sinabi ko na lang na may lalakarin kami ni mom." Tugon ko.

Tumango na lamang si Marvin sa aking sinabi at itinuloy na din ang paggawa ng report. Akala ko ay tapos na ang aming pag-uusap, pero hindi pa pala...

"Nga pala, yung offer sa Cebu, tinanggap mo na?" Tanong niyang muli.

In-offer kasi sa akin ni Ms. Gigi na maging temporary TM doon dahil magmamaternity leave daw yung Team Manager dun. Tatlong buwan lang naman ang ilalagi ko tapos babalik na din ako dito sa Manila.

"Pinag-iisipan ko pa eh. Tutal sabi naman ni Ms. Gigi eh hihintayin niya ang sagot ko hanggang next week." Sagot ko kay Marvin.

"Pag-isipan mong maige yan. Opportunity din yun." Sabi pa ni Marvin.

"Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nag-aalinlangan, di ba?" Sagot ko sa kanya.

Alam kong wala akong dapat na ikatakot kung tanggapin ko man ang alok ni Ms. Gigi. Kahit papaano ay panatag na ako sa pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Matt. Bumalik na kasi ito sa dati kung saan ay para bang sa akin lang umiikot ang mundo nito. Lalo din itong nag-effort pagdating sa aming relasyon.

"Naintindihan ko." Ang tanging sinagot sa akin ni Marvin.

Mabuti na lamang at mayroon akong maaalalahanin at masasandalang boss at kaibigan sa katauhan ni Marvin. Oo at nung una ay hindi ko siya makasundo, pero sa ilang buwan naming magkatrabaho ay nakilala ko na ito ng husto at masasabi kong maswerte akong magkaroon ng kaibigan na katulad niya.

Matapos naming mag-usap ay bumalik na kami sa pagggawa ng aming report at dahil sa pagtutulungan naming dalawa ay maaga kaming natapos.

--------------------------------------------

"Halika na anak." Pag-aya sa akin ng nanay ko na lisanin ang bahay na naging parte na ng aming buhay.

Pinagmamasdan ko kasi ang kabuuan ng bahay matapos mailigpit ng mga kargador ang aming mga gamit at ilagay sa delivery truck. Hindi ko napigilang maging emosyonal dahil sa mga alaala ko dito. Pakiramdam ko ay nagpapaalam ako sa isang napakaimportanteng tao sa buhay ko.

Matapos ang aking huling sulyap sa aming iiwanang tahanan ay sumunod na ako sa nanay ko na nakaupo na sa tabi ng driver ng delivery truck. Pagkasakay ko ay nakiusap muna ako sa driver na kung pwede ay may daanan kami sandali at pumayag naman ito.

Hindi nagtagal ay nasa harap na ako ng bahay ng taong nais kong pagpaalamanan. Kahit hindi man naging maganda ang pagtatapos ng aming relasyon ay naging magkaibigan naman kami ngayon.

"Oy Chino! Anong atin?" Tanong nito nang makalabas ng gate ng kanilang bahay.

"Magpapaalam lang sana ako James. Lilipat na kasi kami ng bahay eh." Nakangiti kong tugon.

Halatang nagulat ito sa aking sinabi, pero naging masaya naman siya para sa amin ng nanay ko matapos kong ilahad sa kanya ang pagbili namin ng bahay. Sinabihan pa ako na imbitahin ko sila ni Dave sa house blessing na akin namang sinang-ayunan.

------------------------------------------

"Home sweet home!" Ang tanging nasabi ko nang makapasok kami sa aming bagong tahanan.

Lubos ang kaligayahan ko at ng aking ina sa biyayang aming natanggap. Matagal din namin ito pinangarap at ngayon ay naisakatuparan na.

Isa-isa nang binaba ng mga kargador ang mga gamit namin mula sa delivery truck. Si mom ang natuturo kung saan ang mga ito ilalagay at ako naman ay tumulong din magbuhat ng mga maliliit naming bagay.

Matapos ang isang oras ay natapos na din kami sa paglilipat kung kaya nagsimula naman kaming mag-ayos ni mom ng aming mga gamit. Ang kwarto ang una naming binigyan pansin upang makapagpahinga din kami ng maayos kapag napagod na kami. Tinawagan ko din si Matt na mahuhuli ako ng bahagya dahil may tinatapos lang kami ng aking ina.

Matapos ang halos dalawang oras ay naiayos namin ng aking ina angbaming kwarto. Dala na din ng pagod at sobrang kaantukan ay di ko namalayan na nakatulog ako hanggang sa nagising na lang ako sa pagtunog ng aking cellphone.

"Hello?" Ang inaantok ko pang pagbati.

"Saan ka na ba?! Kanina pa ako naghihintay dito sa bahay." Tugon naman ng tumawag sa akin.

Halata ang pagkainis at tila ba lasing sa tinig ng aking kausap. Bahagya kong nilayo ang cellphone ko upanh makita kung sino ang tumawag at nalaman kong si Matt pala yun. Nang makita ko ang oras sa aking cellphone ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pasado alas diyes na ng gabi at sobrang huli na ako sa monthsary celebration namin ni Matt.

"Matt sorry, nakatulog ako. Pero pupunya na ako dyan ngayon. Hintayin mo lang ako." Ang sabi ko at hindi ko maiwasang mataranta.

Wala akong narinig na tugon mula kay Matt at bigla na lang nag-busy tone ang linya kaya lalo pa akong nataranta. Alam ko sa mga oras na iyon ay galit na sa akin si Matt kung kaya't di na ako nakapagbihis at basta na lang kinuha ang aking wallet at saka bumaba.

"Ma, alis na ako. Nahuli na ako sa date namin ni Matt. Lagot ako nito." Ang pagpapaalam ko sa aking ina.

Sinabihan naman ako nito na mag-ingat at wag kalimutan na magtext sa kanya sa oras na dumating ako sa bahay ni Matt.

Mabuti na lamang at nakasakay ako agad paglabas ko ng aming subdivision. Hindi na ako mapakali ng mga oras na iyon dahil hindi ako sinasagot ni Matt, pero sa kabilang banda ay masaya ako dahil nakalagpas kami sa kinakatakutan kong ika-limang buwan. Record breaker kumbaga ang relasyon namin ni Matt ngayon.

Matapos ang higit sa 30 minuto ay narating ko na ang subdivision kung saan nakapagpatayo ng bahay si Matt. Lakad-takbo ang aking ginawa dahil wala din naman akong masakyang pedicab. Matapos pa ang 15 minuto ay narating ko na din ang bahay ni Matt.

Hingal na hingal akong napahinto sa harapan ng pinto ng bahay ni Matt. Kakatatok na sana ako nang makita kong hindi ito nakasara. Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa aking nakita.

Halatang pinaghandaan ni Matt ang aming selebrasyon. May hugis pusong lobo at rose petals na nagkalat sa sahig. Sinundan ko iyon papuntang dining area at dun ko nakita ang mga pagkain na inihanda ni Matt para sa aming monthsary.

Hindi ko napigilang mapangiti dahil hindi ko akalain na magagawa ito ni Matt. Simple dinner lang kasi ang ginagawa namin sa tuwing ipinagdidiwang namin ang aming monthsary, pero hindi nakatakas sa aking paningin ang natutulog na si Matt sa dining table.

Nilapitan ko ito at pilit ginising. Dun ko napagtanto na tila ba naglasing ito dahil hard drink ang kanyang ininom at halos maubos na niya ang laman ng bote.

"Matt, andito na ako." Muli kong paggising sa kanya at ngayon ay tumalab na.

Tinignan ako nito at kita ko ang galit sa kanyang mga mata kaya naman agad akong humingi ng paumanhin sa aking aking pagiging huli.

Imbis na kausapib ako nito at bigla na lamang itong tumayo at nagtungo sa kanyang kwarto. Susuray-suray pa ito at halos madapa pa. Tinangka ko siyang tulungan, pero hinawi lang niya amg aking kamay.

Napabuntong hininga na lang ako dahil na din sa guilt na aking nararamdaman. Pakiramdam ko ay nabalewala ko ang effort na ginawa ni Matt.

Sa mga oras na iyon ay alam kong nasira ko ang aming selebrasyon at alam kong di na din kakain si Matt dahil sa kalasingan nito. Minabuti ko na lamang na itabi ang mga pagkain na nakahain sa mesa at sundan si Matr sa kwarto nito.

"Matt?" Ang pagtawag ko dito nang makapasok ako sa loob ng kwarto.

Nakita ko itong nakadapang nakahiga kung kaya lumapit pa ako sa kanya upang humingi muli ng tawad.

Alam ko na mahihirapan akong amuhin si Matt dahil nagtatampo ito at naka-inom pa. Pero dahil ako ay isang mapilit na tao ay hindi ko ito tinigilan.

Nang lingunin ako ni Matt ay halata pa din ang inis nito sa akin kaya naman ako na ang gumawa ng paraan upang mapawi ang galit na iyon.

"Matt, please naman. Ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?" Tanong ko sa kanya.

Umupo ito mula sa pagkakahiga at hinaplos ang aking mukha. Ilang sandali pa ay nagsalita ito...

"Make love to me." Seryoso niyang tugon.

Mula sa pagdampi ng aming mga labi ay unti-unti na kaming nahulog sa init ng aming pagniniig. Ilang beses na din kaming nagtalik ni Matt, pero ibang iba ang gabing iyon.

Ramdam ko ang kapanatagan sa bawat haplos na kanyang ginagawa. Ang mga halik niya at tila ba mas maalab kumpara sa sa mga nakaraan naming halikan. Sa bawat ulos niya nang ako'y pasukin niya ako ay pinapadama nya ang kanyang pag-iingat.

Matagal at masasabi kong nag-uumapaw sa pagmamahal ang pagtatalik na aming ginawa. Napaka-init at walang pagsidlang kaligayahan ang aming narating matapos ang pagniniig na iyon.

Ramdam ko ang mainit niyang paghinga habang nakadagan sa aking dibdib. Nakapikit ito at napakapayapa. Bakas din ang labis na kaligayahan sa mukha ni Matt na ngayon ko lang nasilayan matapos ang aming maalab na pagniniig.

"Happy monthsary, Matt. Mahal na mahal kita." Ang tangi kong nasabi habang hinahaplos ang kanyang mukha.

Di maalis sa akin ang mapangiti sa labis na kaligayahan na aking nadarama.

Pero...

Ang akala kong gabing ng selebrasyon ng aming pag-iibigan ay isang gabi pala nang nagbabadyang katapusan.

Isa isang namutawi sa bibig ni Matt ang mga salitang hindi ko inasahan...

Mga salitang hinding hindi ko malilimutan...

Ang kanyang tugon sa aking pagmamahal...

Dahilan upang ako'y masaktan nang lubusan...

"Mahal na mahal din kita..."

"..."

"..."

"..."

"Arden."




Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
1.9M 128K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
28.5K 738 9
Pakikiligin ko kayo Promise:'))))