My Prince is a Princess

By karlamadaldal

912 23 6

Basically the story is about a girl liking a guy who turned out to be gay. Maraming makakarelate. Alam ko yan... More

My Prince is a Princess (On Hiatus)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 2

130 4 3
By karlamadaldal

Chapter 2 – Hiya

           [A/N: Hello! I will be updating daily. Or kung kelan lang gagana utak ko. Haha! But I'm really really sure na matatapos ko to. 15 Chapters lang kaya ko. HAHA! Based on actual happenings yung iba at yung iba dagdag dagdag ko lang. 

           This episode features that little kid at Tacloban who sells keychains. That scene is based on a true to life happening. I miss that kid. Haha. Enjoy reading!]

                Ano ba meron sa mundo? It’s so confusing, you know?! Chos, English yun ah! Tsaka, di ko maintindihan yung mga bakla. Hindi naman sila nanganganak pero yung population nila increase lang ng increase! Tapos ang daming pogi dito sa mundo pero its either taken sila o bakla. Ang sayang lang nila eh! Sayang ng sobra! Kung kelangan ko magpaputol ng daliri para tumino yung mga gwapong bakla, aba, di ko gagawin! Kala niyo ha! :P

                “Hoy, anong minumukmok mo diyan?! Nasa astrodome ka na oh. Baba na.” sabi ni Kuya Matthew habang inaabot niya yung kamay niya.

                Sa sobrang lungkot ko, di ko na namamalayan kung anong nasa paligid ko. Lutang yung utak ko oh. </3 Hindi naman si Mr. Highlights yung  unang baklang nagustuhan ko, (yung isa, crush ko nung elementary pa ako tapos college na siya ngayon pero “I Like A Boy” parin.) pero ang sakit lang kasi! *With matching hampas sa pader*

                Napawi bigla yung lungkot ko pagpasok ng Astrodome. Ang laki at ang lamig! Ang galing naman ng mayor nila! Sa termino kasi ni Romualdez napatayo ang Astrodome. (Hey Romuladez! You make bayad your advertisement fee and my talent fee!) Ang daming tao. Kala mo may patay eh. Lahat nakasuot ng puti. HAHAHAHA.

                “Aba Kelsey, wag ka tumunganga diyan at tumulong ka maghanap ng mauupuan natin.” Sabi ni ate Lisa. Sorry ha! Na-Amaze lang!

                Nang nakahanap na kami ng upuan, biglang nagtext yung super-duper-ultra-mega crush ko na si Calvin. Ehmeghed. Waa! Sasabihan ko na sana si Ate Lisa nang biglang…

                “Uy Kels, crush mo oh.”

At nung inangat ko yung ulo ko, yun na nga siya. The love of my life <3. Joke. Yung crush ko. Hay nako Lord, mahal mo talaga ako no? Dalawang crush ko nagparamdam at the same time. Yiie. Kiligmats. HAHA! Pero teka. Diba dapat galit ako sa kanya kasi bakla siya? Okay. HMM. TRANSFORM!

                “Hayaan mo na. Bakla daw eh.” Inis kong sinabi. Ouch. </3

                “Ha? Sinong bakla?” Tanong ni ate Lisa habang nagtitext.

                “Si Highlights teh.” Matamlay kong sagot.

                Lumaki yung mga maliliit na mata ni Ate Lisa, Laglag panga sabay sigaw “HA? BAKLAAA?!”

                “SHH!” at tinakpan namin yung bibig ni Ate. Kahit kelan talaga ang ingay-ingay ng babaeng ito.

                “Pasensya! Pero seryoso, bakla?” Tanong ulit ni ate Lisa.

                “Oo nga! Unli lang? Pa-ulit ulit?!” Pang-asar ni Kuya Matthew.

                Agad kaming natahimik nung nagprayer at Pambansang Awit na. Pagkatapos nun, nagsiupo na kaming lahat at may nag welcome address echos na. Kaunti lang naman nakikinig sa mga ganyan kaya back to topic na kami tatlo.

                “Ay sayang naman. Kanino mo nalaman?”

                “Dun kay Tin, kasabay ko sa float.”

                “Ahh. Psh. Natanong mo ba yung si Tin kung anong pangalan ni pogi?” Mabagal na natanong ni ate Lisa habang nakatitig sa stage na may nakakasakit sa mata na mga ilaw.

                Yun nga. Katangahan Level: 999999. Di ko natanong ang ppangalan ni Mr. Highlights. Aray ko po naman. Tanga -.- Biglang umangat yung kanang kamay ko at dumapo sa aking noo.

                “Oh? Anyareh?” natatawang tanong ni Kuya.

                “Obviously, di ko natanong.” -.- Kainis! Waa!

                “Hmm. Try mo kaya puntahan dun at tanungin yung name niya. Make the first move ba. Babae din naman yun eh. Tsaka diba sabi mo sakin dati may girl crush ka? Edi tibo ka! Tibo ka, Bakla siya. PERFECT MATCH DIBA?!” Pang-asar nanaman ni Kuya. Tss. Batukan ko kaya to?

                “Eh kasi…. Nahihiya ako.”

                *Kroo Kroo* Moment of silence… Kala mo may prayer. Di ko maintindihan kung bakit. “Huy, ba’t hindi kayo umiimik? May multo ba sa likuran ko? May pogi ba? ORR? Ang weird niyo naman.”

                “Anong sabi mo? Nahihiya ka?” Dilat mata nilang natanong.

                “Oo.. Anong masama dun?” Nawiweirdohan na ako!

                Hinawakan ni Kuya Matthew yung balikat ko. “First time kasi namin narinig na NAHIHIYA KA. Usually kasi ikaw pa yung may gana na kumuha ng mga numbers ng mga gusto namin. Pero ngayong ikaw na ang nasa sitwasyon, nahihiya ka na?”

                Napag-isip-isip ako sandali. Oo nga no? Sa ibang sitwasyon napaka-walanjo ko. Pero ngayon na si Mr. Highlights na… bigla akong nabalot sa hiya. Bakit ba? Hindi kaya…. Ay wait hindi, ang aga naman.

                “Eh kasi… Baka ano… Baka… Ewan… Alam niyo yung feeling na every time titingnan ko siya, parang may sparks? Na… basta!” Di ko na gets yung sinabi ko, pero intindihin niyo na lang!

                “Wag mong sabihin na na-love at first sight ka! Sus! Malandi lang talaga ‘yang mata mo!”

                Ay.. Siguro nga. Imposible naman kasi yung love at first sight. Alam niyo kasi, ang landi-landi nitong mga mata ko. Pag may gwapo, crush agad. Tss. Pero kasi may sparks akong nafifeel kay Mr. Highlights! Second time ko na to na-feel. Una kay Calvin. <3 Pero kasi ano!! KWAN! TSS!

                May dadaan sa harapan naming tatlo. Si Mr. Highlights and friends. (Barney and Friends? HAHA) Halos mahilo Na sana ako pero pinigilan ko. Ayaw ko umeksena no! HAHA! Pigil na pigil ako sa pagngiti. Bawal pahalata! Ba’t ba ang bagal bagal ng oras ngayong nasa harapan ko na siya? In 3…. 2… 1…. Ayun, lumagpas na samin. WAA! Pwede na ako mag freak out! EMEGHED!

                “Ate Lisa, EMEGHEEED!” *insert hampas, kurot at tili over here*

                “Hoy! KALMA! Aray! OA neto!”

                *PAK!*

                Ayun, nabatukan nga ako. Arouch naman. (“  -__-)    (^__^ “)

                “Tara, labas tayo. Nabobored ako. Dun tayo sa souvenirs!”

                Di pa kami nakapagsalita ni Ate Lisa ay agad na kaming hinila ni Kuya Matthew. Ang bait. -.-

                Pagkalabas namin, naramdaman agad namin ang init. Pero kelangan namin tuparin yung promises namin dun sa mga friends sa probinsya, dapat may pasalubong talaga. Tss. Demanding lang? Habang naghahalungkat sa pile ng mga keychain biglang…

                “Hello! Keychains po! 25 isa, 100 limang piraso! Bili na  po kayoooo!” Panggulat samin ng isang cute na bata na ang sarap kidnappin ang iuwi sa bahay namin.

                “Hi bata! Pwede ikaw lang bilhin ko? Ang cute cute mo kasi! How much?” tanong ko dun sa bata. Odiba walang hiya? HAHA.

                Nilagay ng bata yung kamay niya sa kanyang chin at nag-isip-isip. “Hmm, I’m priceless!”

                “HAHA! Ang cute! Taray mo rin ah!” sabi ni ate Lisa nung hinampas niya yung braso nung bata.

                “Aray! If you’ll find the biggest diamond on earth, give it to me then you could bring me to your home! Is it a deal?” Sabi nung bata habang nakalagay yung kanyang kamay sa bewang.

                “Taray talaga. Haha. Ang gwapo mo bata!” kinurot ko siya. “Anong pangalan mo?”

                Sumulpot naman yung tita niya ata. “Elijah pangalan niya. Sorry kung mataray ha. Matalino lang talaga to. Gwapo nga siya diba? Pero mas gwapo yung lalakeng pumasok diyan kanina na may pula yung buhok.”

                “Ahem.” Sabay na nagpakunwaring ubo yung dalawa. Pinaalala ba naman sakin si Highlights. :(

                Hayy. Kelan ko kaya malalaman yung pangalan ni Mr. Highlights? Kelan ko kaya siya makakausap? Mahahawakan? Kelan? Baka never na. Nahihiya ako magtanong, nahihiya ako lumapit. Pareha naman kaming babae diba? Anong ikakahiya ko? Tss. Hanggang tingin na lang ba ako?

-          End of Chapter 2 -  

Continue Reading

You'll Also Like

761K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 74.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
123K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...