Switched & Stuck With Him [PU...

By Chichi_Louise

189K 4.3K 1.1K

Switched and Stuck With You Copyright © 2012-2013 Chichi_Louise // Isang simpleng high school student lamang... More

Prologue:
SASWY -- Chapter 1
SASWY -- Chapter 2
SASWY -- Chapter 3
SASWY -- Chapter 4
SASWY -- Chapter 5
SASWY -- Chapter 6
SASWY -- Chapter 7
SASWY -- Chapter 8
SASWY -- Chapter 9
SASWY -- Chapter 10
SASWY -- Chapter 11
SASWY -- Chapter 12
SASWY -- Chapter 13
SASWY -- Chapter 14
SASWY -- Chapter 15
SASWY -- Chapter 16
SASWY -- Chapter 17
SASWY -- Chapter 18
SASWY -- Chapter 19
SASWY -- Chapter 20
SASWY -- Chapter 21
SASWY -- Chapter 22
SASWY -- Chapter 23
SASWY -- Chapter 24
SASWY -- Chapter 25
SASWY -- Chapter 26
SASWY -- Chapter 28
SASWY -- Chapter 29
SASWY -- Chapter 30
SASWY -- Chapter 31
SASWY -- Chapter 32
SASWY -- Chapter 33
SASWY -- Chapter 34
SASWY -- Chapter 35
SASWY -- Chapter 36
SASWY -- Chapter 37
SASWY -- Chapter 38
SASWY -- Chapter 39
SASWY -- Chapter 40
SASWY -- Chapter 41
SASWY -- Chapter 42
SASWY -- Chapter 43
SASWY -- Chapter 44
SASWY -- Chapter 45
Epilogue:
ACKNOWLEDGEMENTS & ANNOUNCENTS (PLEASE READ)
TO BE PUBLISHED.
A very short announcement

SASWY -- Chapter 27

3K 79 14
By Chichi_Louise

Chapter 27


"Claire anak bumangon ka na diyan malapit ka nang malate sa school oh! Bangon ka na dali." Nagkusot ako ng mata at nag-unat bago dumilat. Tumingin sa orasan at 6:15 na OMG! Malelate na nga ako! Bakit hindi ako nagising agad? Nakakahiya kay tita, naabala ko pa siya.

Bumangon na ako at agad pumasok ng banyo. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin, nagbihis na ako at nagsuklay. Time check, 6:35 pa lang. Grabe! Kaya ko pala magpakaflash sa umaga? Bumaba na ako kasi tinatawag na ako ni tita.

"Claire, hindi ka ba mag a-almusal muna? Nagluto ako ng bacon." Nasanay na akong si tita 'yung nagluluto ng almusal ko. Namimiss ko na 'yung almusal na si mama naman ang nagluto. Kailan ba kasi kami babalik sa dati?

"Hindi na po, malelate na po ako e, sige na po una na ako." Hinalikan ko siya sa pisngi. Miss ko na rin halikan sa pisngi si mama at papa bago ako umalis ng bahay.

"Good morning!"

"Ay butiki!" Ano namang ginagawa ng dalawang 'to dito? Sa tapat ng bahay nila Claire?

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit kayo nasa harap ng bahay ni Claire?" tanong ko kay Xavier at Nath.

"Ano ka ba naman Elise. Oo bahay nga 'yan ni Claire pero ikaw naman ang nadyan tuwing umaga. Kaya ako nandito ay para sunduin ka. Hindi ko lang alam kung anong pakay ni Sean." Oo nga pala, ako pa rin si Elise. Ako pala ang pakay nila. Manliligaw ko nga pala sila. Haba ng hair ko 'no? Dala-dalawa manliligaw? Kala niyo masaya? Sakit kaya sa ulo!

"Gano'n din naman ako Elise. Sinusundo kita." So dalawa na taga-sundo ko ? Ano ba 'yan! Ang awkward kaya!

"Gano'n ba? Ano pang ginagawa natin dito? Tara na kaya, kasi malapit na tayong malate." Nauna na akong maglakad sa kanila.

"Akin na 'yang mga libro mo Elise." Hindi pa ako sumasagot kinuha na ni Nath agad 'yung mga bitbit kong libro. Okay lang naman kasi ibibigay ko naman talaga, ang bigat no'n e.

"Akin na 'yung bag mo Elise." Kinuha naman ni Xavier 'yung bag ko kahit hindi ko pa binibigay. Teka, baldado ba ako? Kaya ko namang bitbitin ang bag ko. Ang gaan lang kaya ng bag ko! Tsaka hindi pa naman ako sanay na walang bag kapag naglalakad.

"Teka Xavier 'wag na. Magaan lang naman yung bag ko e." Kinuha ko 'yung bag ko sa kanya tapos humarap ako kay Nath. "Nath, akin na 'yan kaya ko naman bitbitin 'yung libro ko mag-isa e." Kinuha ko rin 'yung libro ko sa kanya. Kahit mabigat 'to, ako na lang ang magbubuhat, magiging unfair ako kapag hinayaan ko lang 'to kay Nath.

Maglalakad na sana ulit ako nang mapansin kong nakahinto silang dalawa at nakatingin sa akin. Bakit naman kaya? Tiningnan ko sila isa-isa ng 'anong-tini-tingin-tingin-niyo-diyan-look'

"Hindi pwede! Akin na 'yan." sabi nila ng sabay pagakatapos ay kinuha ni Nath ulit 'yung mga libro ko tapos si Xavier naman kinuha 'yung bag ko. Sabi ko nga, hindi na lang ako tatanggi. Nauna na lang akong naglakad at iniwan ko na sila, nasa likod ko lang sila, para ko tuloy silang alalay. Bakit naman kasi nagday off pa 'yung driver nila Claire? Edi sana, wala akong problema.

"Hi Claire!" sigaw ni Jane pagpasok namin ng classroom, kahit kailan talaga palaging naka-sigaw 'tong babaeng 'to. Buti nga hindi pa niya naiisisigaw na ako si Elise.

"Hi." Umupo na ako sa upuan ko at nilapag na ni Nath 'yung mga libro ko sa desk ko tapos nilgay naman ni Xavier 'yung bag ko sa lapag at naupo na rin siya sa tabi ko.

"Ay bongga! May alalay ka na ngayon Elise? Dalawa pa!" mahinang sabi ni Jane pagka-upo niya sa tabi ko.

"Sira ulo ka talaga Jane. Hindi ko sila alalay 'no! Sadyang mapilit lang sila na magbitbit ng gamit, kaya wala na akong nagawa," pag-eexplain ko kay Jane.

"Oo nga pala, hindi mo sila alalay, manliligaw mo nga pala sila. Pwede mo nang idonate 'yung kalahati ng buhok mo sa haba Elise." Kahit kelan talaga 'tong si Jane puro kalokohan, natawa na lang din ako sa mga sinabi niya.

"Ewan ko sa 'yo Jane!" Nagdaldalan lang kami ng kung anu-ano tapos dumating na 'yung teacher, and the class begins.

*****

"Anong bibilin mo Elise?" tanong sa akin ni Jane. Nasa canteen kami para maglunch. Wala nga akong mapili e. Ano kayang masarap kainin ngayon?

"Tapsilog na lang ako."

"Ahh, sige gagaya na lang ako." Umorder na si Jane. Oorder na rin sana ako kaso may kumuha ng wallet ko. Ano na naman kaya ang trip ni Xavier?

"Ate dalawa pong tapsilog!" order ni Xavier kay ate. Ang lakas naman 'ata niya kumain?

"Ang dami naman ng order mo. Gutom ka?"

"Hindi a, para sa 'yo 'yung isa." Sabi ko nga nililibre niya ako, slow mo talaga Elise!

"Salamat."

"Ate dalawa pong small mineral!" order naman ni Nath na nasa kabilang side ko.

"Nath, nauuhaw ka?"

"Hindi naman, para sa 'yo 'yung isa." Sabi ko nga nililibre rin niya ako e. Ayos! wala akong gastos! Sakit ng ulo lang meron.

"Elise, ito na 'yung tapsilog mo, tara do'n na tayo sa table." Kinuha ko sa kamay ni Xavier 'yung tapsilog ko tapos nauna na siyang maglakad kaya sumunod na ako.

Kasama pa rin naman namin si Claire. Hindi nga lang kami nagpapansinan. Pati si Xavier at Claire hindi nagpapansinan. Okay naman si Claire sa iba.

Dumating na si Nath sa table at umupo sa tabi ko, bali, nasa gitna ako ni Xavier at Nath, nasa tapat ko si Jane, katapat naman ni Xavier si Claire at si Ellie naman ay katapat ni Nath.

"Elise ito na 'yung tubig mo." Nilapag niya sa harap ko 'yung tubig.

"May meeting daw teachers after ng lunch natin. 'Wag muna tayo pumunta ng classroom, tambay muna tayo dito sa canteen," aya ni Jane sa amin.

"Sure, okay lang sa akin," sagot sa kanya ni Ellie. Pumayag na rin kami ni Claire at Nath.

"Ikaw Xavier? Ayos lang ba na tambay muna tayo dito?" tanong ni Jane kay Xavier.

"Oo naman! Kahit saan basta nando'n si Elise." Napailing na lang ako sa banat ni Xavier. Kahit na medyo kinilig ako sa banat niya, nakakailang dahil nandito si Claire at alam kong nasasaktan siya sa mga oras na 'to.

"Ano ba 'yan Xavier, babanat ka na lang 'yung gasgas pa." sabi ni Jane tapos tumawa ng malakas. Para talagang ewan 'tong si Jane. Tama ba namang pahiyain 'yung tao?

"Nath bakit ang tahimik mo? May masakit ba sa 'yo? Nahihilo ka ba?" tanong ko sa kanya, kasi naman kanina pa kami nagtatawanan si Nath at Claire lang 'yung tahimik. Si Claire naiintindihan ko pa, pero si Nath bakit naman kaya?

"Ha? Medyo nahihilo nga ako, ang init kasi dito e." Sabi na e, nahihilo isiya, mabilis kasi siyang mahilo sa init. Alam ko 'yon kasi mga twice ko na din nangyari 'yon kay Nath na nakita ko. "Pero okay lang na mahilo ako, basta ba sa 'yo lang iikot ang mundo ko." Ano daw? Marunong din bumanat 'tong isang 'to? Tumawa na naman ng malakas si Jane, pansin ko lang, si Jane lang ang natatawa. Ako naman, kinikilig, at si Claire at Ellie naman tahimik lang, nagseselos.

"Nahihilo ka na ng lagay na 'yan Sean?" pabirong tanong ni Jane kay Nath.

"Elise hindi ka pa ba pagod?" Napalingon na naman ako kay Xavier at tiningnan siya ng may halong pagtataka. Kasi naman naka-upo lang naman kami paano naman kaya ako mapapagod? 'Di ba?

"Xavier, hindi nakakapagod ang pag-upo," sagot ko sa kanya.

"E, hindi ka naman naka-upo lang. Tumatakbo ka rin sa isip ko." Okay. Another banat. Mamaya lang mukha na akong kamatis dito.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan Sean? Para kang timang." puna ni Jane kay Nath. Oo nga bakit naman siya nakangiti? Siya kinikilig?

"Hindi ako timang 'no! Mali na bang ngumiti kapag si Elise iniisip ko?" Oh my! Wala na, mapula pa ako sa pula ngayon! Ano bang meron sa kanilang dalawa? Bakit ba sila ganyan? Si Jane naman wala nang ginawa kundi tumawa nang tumawa..

"Tara na nga sa classroom! Ang init dito e, tsaka ten minutes na lang may klase na tayo," aya ko sa kanila tapos tumayo na ako. Nauna na akong maglakad. Kasi naman hindi ko na alam kung paano mag-react do'n sa table.

"Jane! Bilisan mo nga diyan! Samahan mo ako magCR." Tumakbo na ako papuntang CR, sumunod naman si Jane. Naghilamos muna ako, kasi ang pula pula ko! Pagpasok ni Jane ng CR ay tinawanan niya ako. Bakit na naman?

"Ang pula mo Elise!" Hinayaan ko na lang na tumawa si Jane, masama naman magpigil ng tawa e, baka masamang hangin pa ang lumabas.

"Pasensya naman Elise. Hindi ko lang maiwasang matawa, kasi naman, ang korny ng mga manliligaw mo. Talagang maglabanan sa banatan?"

"Pwede ba Jane? Tigilan mo ako! Nakakainis ka. Hindi ko na nga alam gagawin ko e."

"Pagupit ka na kasi! Haba masyado ng hair e!"

"Jane naman e!"

"Okay chill. Hindi ka ba kinikilig sa mga banat nila?"

"Tinatanong pa ba 'yon Jane? Namumula na nga ako e hindi ba ovious?"

"E, ano ba kasing prinoproblema mo diyan?"

"Kasi naman hindi ko alam kung kikiligin ba talaga ako o mahihiya! Hello! Banatan ka ng isa sa harap ng karibal niya, at gaganti naman 'yung isa. Ano kaya 'yon?"

"Oo nga 'no? Hayaan mo na lang sila. Pabayaan mo na lang kung anong gusto nilang gawin. Wala ka namang magagawa do'n kasi ginusto naman nila 'yon e." Sabagay tama nga naman si Jane. Sinabihan ko naman sila na hindi lang sila ang bibigyan ko ng chance e.

"Ewan. Tara na nga!"

*****

Uwian na at nag-aayos na ako ng gamit ko. 6:02 na ng gabi. Ginabi kami dahil madugo 'yung long test namin kaya sobrang over time ang ginawa namin.

"Hatid na kita, Elise," alok ni Nath.

"Elise, hatid na rin kita," sabi ni Xavier 'pag lapit niya sa akin.

Andyan na naman sila. Anong gagawin ko? Ayoko na silang pagsamahin. Nagpalipat-lipat 'yung tingin ko sa kanilang dalawa. Pipili ba ako ng maghahatid? Silang dalawa ulit? o Wag na lang?

"Sorry guys! Ako ang maghahatid kay Elise, kaya magsi-uwi na lang kayo," sabat ni Jane. Salamat naman at may rescuer ako. Umalis na 'yung dalawa at kami na lang ni Jane ang nasa room.

"Salamat Jane. Grabe hindi ko na naman alam ang gagawin ko kanina."

"Sira! May kapalit 'yon 'no! Wala ng libre sa panahon ngayon. Napa-alam na naman kita kay tito at kay tita e."

"Ano naman 'yon?"

"Monthsary namin ni Kyle bukas, kaya tutulungan mo akong magprepare!"

"'Yon lang pala e. Tara na! Kaysa naman do'n sa dalawang 'yon. Sumasakit na ulo ko sa kanila e!"

"E kailan mo ba balak na pumili?" Pumili? Ang totoo, natatakot akong pumili sa kanila. Ang kaso, ano bang magagawa ko 'di ba? Hindi naman pwedeng silang dalawa 'yung piliin ko at mas lalo namang hindi pwedeng wala, kasi binigyan ko na nga sila ng chance e. Bahala na ang Avengers.


Continue Reading

You'll Also Like

210 60 20
a new girl came in a town where she's solely in, just for her college degree but then a guy living just beside her apartment shake her purpose and sh...
1.5K 229 36
She's just a simple girl,Cayleigh is just a simple pilot. But suddenly she met a girl named Zeia with a guy named Sebastian. They're the reason why s...
32.1K 1.5K 41
Dear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?
The Spanish Guy By mandirigma

Historical Fiction

699 164 29
TO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia...