Wonderland Magical Academy: T...

By Missmaple

13M 354K 43.8K

[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1: First Day of School
Chapter 2: Forge your Own ID
Chapter 3: The Arrogant Tutor
Chapter 4: True Training starts Today
Chapter 5: Examination Day
Chapter 6: Examination Day Part 2
Chapter 8: Friends?
Chapter 9: The Last Shooting Star
Chapter 10: Four Elemental Power User Together (Training)
Chapter 11: You're Not A Good Actress
Chapter 12: Powers Clashed
Chapter 13: Air vs. Water
Chapter 14: Air vs. Earth
Chapter 15: Air vs. Fire
Chapter 16: Island of Gods
Chapter 17: Who's Jealous, Me?
Chapter 18: Caught in Action
Chapter 19: The Dare
Chapter 20: Enter and You'll Die
Chapter 21: Rescued
Chapter 22: The Mission
Chapter 23: The Heaven Power User Search
Chapter 24: Targeted
Chapter 25: Attacked
Chapter 26: Mission Unaccomplished
Chapter 27: Magical Festival
Chapter 28: Fake Magical Wedding
Chapter 29: Surprise Visit
Chapter 30: Parting Ways
Chapter 31: Altered
Chapter 32: Dark Wizard's Move
Chapter 33: Hunting Season
Chapter 34: The Hunter and The Hunted
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Memories
Chapter 37: Escape Plan
Chapter 38: United
Chapter 39.1: Deceived
Chapter 39.2: All-out Battle
Chapter 40: Final Counterattack
Epilogue
Special Chapter: Goodbye, Baby Dragons
FREEDOM WALL
Christmas Special Part 1
Christmas Special Part 2
New Year's Special
Published under Cloak PopFiction

Chapter 7: Home and Secrets

327K 8.2K 1.4K
By Missmaple

XYRA

Sabado. Naglalakad ako palabas ng Academy. Maraming estudyante ang nagsisiuwian sa kani-kanilang bahay. Hinahanap ko si Clauss pero hindi ko siya makita. Pumunta ako sa puno na tinatambayan niya pero wala siya roon. Gusto kong magpaalam sa kanya bago umalis. Nakasalubong ko si Bryan. Tinanong ko sa kanya kung nakita niya si Clauss.

"Ah. Uuwi rin yata siya ngayon. Kanina pa nakaalis," sagot niya.

Napakunot-noo ako. Akala ko walang uuwian si Clauss? Siguro may bahay siya?

"Saan pala nakatira si Clauss?" tanong ko.

"Hindi ko alam pero nasa student profile niya ang address. But when we checked the place, he's not living there. Wala akong masyadong alam tungkol kay Clauss dahil hindi naman siya palakwentong tao. Iniwan nga niya sa akin ang baby dragon niya," paliwanag niya.

Si Baby Clauss? Bakit hindi niya isinama? Kawawa naman ang baby dragon. Tumango ako kay Bryan at nagpaalam para umuwi. Saan kaya nakatira si Clauss? Bakit ba napakamisteryoso niyang tao?

Sinundo ako ng driver namin. Mabilis ang pagpapatakbo ng driver kaya nagulat ako nang may biglang tumawid sa kalsada. Nanlaki ang mga mata ko dahil malapit na siya sa 'min. Sinubukang magpreno ng driver pero nabangga na niya ang lalaki. Gumulong pa sa unahan ng kotse ang lalaki, tumama sa unahang salamin bago tumalsik sa kalsada.

Napahawak ako nang mahigpit sa kinauupuan. Nanginginig ang driver nang mapalingon ako sa kanya. Tumingin ako sa nabangga namin. Nakatalikod siya sa 'min at nakahiga sa kalsada. Kinakabahan ako. Wala akong nagawa kundi ang bumaba dahil hindi pa rin nakakahuma ang driver sa nangyari.

Natatakot akong lumapit sa lalaki. Patay na ba siya? Ano'ng gagawin ko kung sakaling patay na siya? Makukulong ba kami? Magulo ang isip ko. Nagulat ako dahil biglang umupo ang lalaki at nagkamot ng ulo. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi ko malaman kung duguan nga ba siya. Wala akong nakikitang patak ng dugo sa kalsada. Nagpasya na akong magsalita.

"A-ayos ka lang b-ba?" nauutal na tanong ko.

Ano ba naman ang tanong ko? Stupid question. Malamang na hindi siya maayos dahil nabangga nga. Ang lakas pa ng impact dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Manong. Ang tanga ko talaga. Humarap ang lalaki at nagtatakang tumingin sa 'kin. Nakapagtataka na wala man lang siyang galos sa katawan.

"Oh, sorry. I think I hit your car," apologetic niyang wika. Nagulat ako sa sinabi niya.

What? He hit our car? Kami nga ang nakabangga sa kanya. What the hell? Tumayo na siya at pinagpag pa ang dumi sa pantalon at damit na parang hindi nabangga. Natulala ako.

"Hindi ka ba nasaktan? I mean, kami ang nakabangga sa iyo." takang tanong ko.

Napangiti ang lalaki at umiling. "I'm okay. Just worry about your car. I really did hit it."

He pointed to the car's direction. Napatingin ako sa sasakyan namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil halos masira na ang unahan ng kotse at unti-unting nagkaroon ng crack sa unahang salamin hanggang sa mabasag ito. It's insane. Napalingon ako sa kanya na gulat na gulat. Speechless ako. Napakamot siya sa ulo at tinalikuran ako. Naglakad siya palayo.

"Hey, wait! Ayos ka lang ba talaga? Dadalhin kita sa ospital!" sigaw ko.

"No need. Ayos na ayos lang ako. Saka ko na lang babayaran ang damages sa kotse mo kapag nagkita ulit tayo. Nagmamadali kasi ako ngayon," paalam ng lalaki.

Natahimik ako. Hindi naman niya kailangang bayaran ang kotse. Ako pa nga ang dapat magbayad sa kanya. "Wait! Ano'ng pangalan mo? I'm Xyra Buenaferte. Kapag may naramdaman kang masakit sa 'yo, hanapin mo ako. Ipapagamot talaga kita!"

"Thanks but no need. I'm Xavier," wika niya.

Hindi siya humarap sa 'kin pero kumaway siya. Napabuntong-hininga ako. Napalingon ako sa kotse. Wasak na wasak ito at pati ang engine ay nasira rin.

Napabaling ako sa driver. Nawalan siya ng malay. Kailangan ko sigurong lumipad pauwi pero nakakatakot dahil baka may makakita sa 'kin kaya hindi pwede. Tinawagan ko si Dad para sunduin kami. Walang dumadaan na sasakyan sa kinaroroonan namin. Paalis pa lang kami ng Wonderland at nasa loob pa kami ng kagubatan. Saan ba nanggaling ang lalaking 'yon at bigla na lang sumulpot? Strange. Power user din kaya siya kaya hindi siya nasaktan?

Pagkalipas ng tatlumpong minuto, dumating na si Dad at nag-aalalang lumapit sa 'kin. Nagtataka siya kung ano'ng nangyari sa kotse. Tinanong pa ako kung nasaktan ba ako. Ipinaliwanag ko ang nangyari. Hinahanap niya ang taong nabangga namin kaya sinabi kong ayos na siya at nakaalis na. Pagkatapos maisakay ang driver sa kotse ni Dad ay umuwi na kami. Tahimik ako habang iniisip pa rin ang lalaking nabangga namin. Xavier? He's really strange.

CLAUSS

Naglalakad na ako sa loob ng Dark Wizards Academy. Pinauwi kami ni Enzo dahil may ipagagawa siya sa 'min. Matagal na kaming nagmamanman sa WMA nina Selene at Wanda. Si Wanda ang naatasang maghanap sa mga magical rings. Hindi alam nina Bryan na alagad kami ng mga Dark Wizards. Kahit hindi ko gustong bumalik dito, wala akong magawa dahil iyon ang utos sa 'min.

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Gulat na gulat ako. Biglang tumakbo palapit sa 'kin si Claudette at mahigpit akong niyakap.

"Kuya..."

I didn't know how to react. Alam kong naiiyak siya. Nakabawi agad ako sa pagkagulat at gumanti rin ng yakap. Nanginginig ang tinig na nagsalita ako. "H-how? Paano ka nakalabas?"

"Isinama kasi nila ako sa paghahanap sa heaven power user. I can read his mind. He didn't know my ability so he can't dodge that. I missed you so much, Kuya. Ang gwapo mo na," wika ng kapatid ko sa garalgal na tinig. Hindi ko alam kung matatawa ba o hindi sa sinabi niya. Pero nakaramdam ako ng galit dahil isinama ng mga Dark Wizards ang kapatid ko sa paghahanap sa heaven power user. It's been eight years since Claudette was held in a tower because of her ability. She's a mind reader. Ngayon lang ulit kami nagkita pagkalipas ng walong taon.

"Sinaktan ka ba nila? Pinilit ka ba? Damn! Sinabi kong huwag kang idadamay pero ginawa pa rin nila!" galit na wika ko.

"Calm down, Kuya. Ginusto ko rin naman iyon. Hindi nila ako pinilit. First time kong lalabas sa tower after 8 years kaya pumayag agad ako sa sinabi nila. Hindi ako nasaktan. Masaya ako na nakita na rin kita sa wakas," wika niya. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalalang nararamdaman ko.

"Kuya, who's Xyra?" biglang tanong ni Claudette.

I was caught off-guard. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Hindi ko naman iniisip si Xyra kaya hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalang iyon? Napansin kong natatawa siya. Tiyak na binabasa na naman niya ang isip ko.

"It's because of Selene. Magkwento ka naman sa akin. Ngayon lang tayo muling nagkita. Marami ka na bang kaibigan, kuya?" excited na tanong niya.

"I don't have any f-friends," mahinang sagot ko.

Hindi ko alam kung itinuturing ko na talagang kaibigan si Xyra. Napansin kong napapangiti si Claudette. Binasa na naman niya ang isip ko. Iniba ko na lang ang usapan.

"I've got a baby dragon. Nakita niyo ba ang heaven power user?" tanong ko.

"Hindi namin nakita ang heaven power user. Nasaan na pala ang baby dragon?" Halatang nagsisinungaling siya pero hindi ko na lang pinansin.

"Nasa Wonderland pero bawal nating pag-usapan dito. Huwag kang maingay, okay?" paalala ko.

Iniwan ko si Baby Clauss sa WMA dahil baka mapahamak ito. Masaya ako ngayon dahil nakita kong muli si Claudette. Hindi ako hinahayaang pumasok sa tower dahil tiyak na isa sa 'min ang mamamatay. Gusto ko sanang ipakita sa kanya si Baby Clauss dahil alam kong matutuwa siya pero hindi naman maaari.

"So, how's your reunion after 8 years?"

Nakaramdam ako ng matinding galit sa nagsalita mula sa likuran ko. His tone was mocking us. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Claudette bago humarap kay Jigger Valencia, the electromagnetism power controller. Nakangisi siya sa 'min kaya naikuyom ko ang kamao. I wanted to smash his face until it's completely ruined.

"Get out of here kung gusto mo pang mabuhay," mariing wika ko.

"You're trying to scare me, Clauss?" he laughed, devilishly. "I'm here to bring Claudette back to the tower. So if you'll excuse me, I'll take her now. Hindi siya pwedeng magtagal dito. Hinahanap ka na rin ng headmaster kaya kailangan mong pumunta sa office niya."

Napatingin ako kay Claudette. Tumango siya sa 'kin. She's reading my mind right now so I didn't need to speak my thoughts out loud.

Don't worry Claudette. Everything's gonna be alright. Kukunin kita kapag kaya ko nang lumaban sa Dark Wizards. Take care of yourself and I'm glad to see you here. You've already grown into a beautiful lady.

Naiiyak ang kapatid ko. I didn't want to cry. I didn't want to show any weakness so I'm holding my tears back. Niyakap ko siya nang mahigpit bago siya kinuha ni Jigger.

"Dumiretso ka na sa office. May mahalaga siyang ipagagawa sa inyo," wika ni Jigger.

Wala na akong nagawa kundi ang dumiretso sa office ng headmaster. Pagpasok ko, nandoon na rin si Selene. The headmaster is only 22 years old and a real demon. His name is Enzo Lazarro. He killed his father when he was only 16 just to take his father's place. He's greedy. Hindi ko alam kung ano'ng binabalak niyang gawin. Kailangan ko siyang sundin hangga't hindi ko pa siya kayang labanan. From what I've heard, they're saying that this man is being controlled by an evil spirit who wants to be the most powerful in this world. Dahil dito, kinalaban niya ang five gods sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga tao.

Nakatalikod ang headmaster sa 'min habang nakaupo sa swivel chair. Nagsalita siya. "Kumusta na ang mga mahal kong alaga?"

Humarap siya sa 'min. He's grinning at us. A demon-like grin, I must say. "What do you want?" tanong ko.

Natawa siya ng malakas. "Hindi ka pa rin pala nagbabago, Clauss." Napailing siya. I didn't intend to have a chit-chat with this demon that's why I'm asking him directly.

XYRA

Nakarating na kami sa bahay. Nagpatawag ng doctor si Dad para sa aming driver. Nagpalit ako ng damit bago bumaba sa sala. Nandoon na si Dad samantalang si Mom naman ay nasa kusina at nagluluto.

"How's school?" my Dad asked.

"Medyo nakaka-adopt na po ako. Mahirap pero masaya naman," sagot ko.

"Good to hear that. Naipaalam na rin sa akin ni Mr. Williams kung ano ang power ability mo," wika ni Dad.

"Teka pala, Dad. Bakit parang kilalang-kilala niyo si Mr. Williams?" tanong ko.

"We're best friends. At co-founder ako ng WMA," sagot niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Co-founder si Dad ng WMA? How?

"Bakit hindi ko kayo nakikita roon?" takang tanong ko. Natawa siya sa 'kin.

"Don't get me wrong, Xyra. Co-founder ako pero matagal na akong umalis sa Wonderland simula nang mag-asawa ako. I was afraid na madamay kayo sa magulong mundo ng mga power users kaya ko ginawa 'yon. Hindi ko akalaing may ma-aacquire ka ring power ability and that made me sad. Mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa iyo lalo na at ikaw ang air power user. Natatakot akong mapahamak ka," nag-aalalang wika ni Dad.

Naiintindihan ko siya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit magkakaroon ako ng mabigat na responsibilidad?

"Bago ako umalis sa Wonderland, may ipinadala sa akin si Robin na mahalagang bagay. Hinahanap din ito ng mga Dark Wizards," my Dad said.

May inilabas siyang black box. Binuksan niya 'yon at ipinakita sa 'kin ang laman. Five rings with different stone colors – red, blue, white, green and golden brown.

"These are the five magical rings. Para ito sa limang power users who control the god's powers. Ito ang tutulong upang lumabas ang tunay na kapangyarihan ng mga gods na na-acquire niyo. Makakatulong ito para matalo ang Dark Wizards lalo na ang pinaka-pinuno ng mga ito. Ibibigay ko ito sa iyo. I have this bad feeling na alam na ng mga Dark Wizards na nasa akin ito kaya itago mo. Huwag mong ipapaalam kahit kanino ang tungkol sa bagay na ito," habilin ni Dad.

Ibinigay niya sa 'kin ang kahon. Hindiko maintindihan pero may pakiramdam ako na nanganganib ang buhay ng aking amabase sa sinasabi niya. Kutob ko lang ba 'yon? Inalis ko 'yon sa aking isipandahil hindi ko kayang mapahamak si Dad. Tinawag na kami ni Mom upang kumain.Bumalik ako sa kwarto ko para itago ang kahon at saka bumaba para kumain.    

Continue Reading

You'll Also Like

644K 28.9K 136
Enigma is a game created for brave souls. A game app wherein you can be your own character. It was just a simple game at first until they realized t...
7.2M 432K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
1.7M 55.2K 77
There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's fa...
1.8M 149K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...