Patunayan

By EMPriel

10.2K 538 224

Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung magbabago man ang oras nito ay ib... More

(Ikaw Lamang...part2)
(Rebound...)
(Rebound...part2)
(Hay Naku...)
(Hay Naku...part 2)
(Kundiman...)
(Hiling...)
(Paalam...)
(Patunayan...)

Ikaw Lamang...

3.7K 89 39
By EMPriel

Noon, inakala ko na ang oras ay may kinalaman sa bawat galaw ng tao, kung

magbabago man ang oras nito ay ibig sabihin, iba na naman ang mangyayari.

Nagkamali ako. Bumabalik din kasi ang mga kamay nito sa dati; paikot-ikot

lang, paulit-ulit. Walang saysay. Pwera na lang noong makilala ko siya.

SBC Publishing.

Available for pre-order

Available na po for pre-order sa halagang P250 lang! 112 pages,cream paper. plus shipping fee.

For more details, please PM SBC or Mr Emmanuel Priel (E.M.Priel) 


                Pumatak ng 10:20 AM ang relong pinapanood ko sa hallway ng eskwelahan. Naghintay ako ng limang minuto, nakatayo at nakatitig. Limang minuto din ulit ang aking gugugulin sa pag-akyat pa lamang at muli akong uupo sa pangalawang upuan malapit sa pintuan ng classroom. Ugali ko nang maglagay ng bag sa katabi kong upuan hindi dahil sa ayokong may umupo doon pero dahil narin siguro sa ayokong kung saan-saan lang inilalagay ang bag ko.

Second day of classes sa nilipatan kong eskwelahan. Ang una kong reaksyon, boring at hinihiling na sana magkaroon man lang ng bagong kaibigan, kahit isa lang. Pumasok ang prof sabay bati ng 'goodmorning'. Nakibati narin ako kasabay ng iba, "Are there any transferee students here?" tanong ng prof. Ang inakala kong mahigit sa sampung taong magtataas ng kamay, dalawa lang pala. Ako at ang isang mukang bigtime na estudyante sa may gilid na upuan mula sa aking harapan.

Naka i-pod pa habang feel na feel ang corporate na jacket niya. "Pare transferee karin pala?...wala kasing prof kahapon eh noh?" sagot niya sabay abot ng kamay na akmang makikipag-shakehands. Pinanood ko lang ang kamay niya habang nakalutang sa ere.  Sa hiya ay ibinalik niya na lamang ang kanyang kamay at humarap sa prof.

Breaktime nanaman. Katulad ng ginawa ko kahapon, mag-isa lang akong kumain ng chicken curry sa canteen. Solo ko ang lamesa at wala ding nagtangkang makisabay at umupo. Babatiin ng ilang taong nakakakilala sa akin at sasabihing kaklase nila ako sa ganoon at ganyang subjects kahit hindi ko naman sila kilala. Ilang minuto ang makakalipas at makakarinig nanaman ako ng mga 'hi' at 'hello' sabay kaway. Muli akong mapapaisip at magtatanong. "Kilala ko ba yun?"

Dalawang subjects pa ang nakalipas, vacant time nanaman. Mahigit isang oras akong magmumuni-muni sa grounds ng school, magbabasa ng mga hindi nabasang text messages na paulit-ulit lang din naman ang laman. Uupo sa bench at manonood ng mga tao habang nag-iisip na sana isang araw may kasama man lang akong umupo at mag-relax sa lugar na'toh.

                Natapos ang huling klase, boring. Bago ako tuluyang lumabas ng eskwelahan ay pupunta muli ako sa hallway para tingnan ang oras sabay lakad papalayo. Sasakay ako ng jeep at ngingitian akong muli ng mga taong hindi ko naman kilala.

                Pangatlong araw ng klase, ganun parin. Titigil ako sa hallway para makita ang oras na 10:20. Limang minuto kaming magtititigan ng relo. Limang minuto ding gagapangin ang hagdan para makarating sa 4th floor. Muling papasok sa magulong classroom, uupo sa upuan malapit sa pinto at ilalagay ang bag sa katabing upuan.

Saka papasok ang prof, "Goodmorning" sani niya. "Goodmorning sir", sagot naman ng lahat. Sabay babati ang kaklaseng hindi mo malaman kung anong trip sa buhay, "Morning pare..." sabi niya. "Morning din...", sagot ko. Nung mga panahon na yun tamad na tamad ako. Pakiramdam ko inulit ko nanaman yung ginawa ko kahapon, at nung isang araw. Walang bago.

                Breaktime, kakain ulit ako mag-isa at ang ulam, chicken curry. Ngingitian nanaman ako ng mga kaklase kong hindi ko kilala, makakarinig ng 'hi' at 'hello' at sabay kaway. Makikinig ng lectures sa dalawang magkasunod na subjects at pagkatapos ay vacant time nanaman.

Muling magbabasa ng text messages, uupo sa bench at muling mangangarap. Bago umuwi ay titingin muna sa orasan sa hallway sabay alis. Sasakay sa may bandang hulihan sa kanan ng jeep at makiki-soundtrip sa mga tugtog na hindi ko naman talaga trip. Siguro uulitin ko nanaman ang ginawa ko bukas.

                Pang-apat na araw, hindi ako nagkamali pagtungtong ko sa hallway ng school naramdaman ko kaagad, Déjà vu. Makikita ko ulit ang orasan, 10:20 ang nakalagay. Napailing ako, eto nanaman. Naging mabilis ang lahat dahil alam ko din naman ang mangyayari. Uupo ako sa bakanteng upuan malapit sa pinto. "Good morning class" at "Good morning sir". Babatiin ng kaklase kong transferee student din sabay upo. Ganun padin sa breaktime.

Uupo sa bakanteng mesa sa canteen, kakain ng chicken curry. Babatiin ng mga kaklaseng medyo nakikilala ko na dahil sa 'hi' at 'hello' at saka kakaway. Aantok antukin sa dalawang magkasunod na subject at pagkatapos ay vacant time nanaman. Muling uupo mag-isa sa bench, muni-muni, basa ng text pero sa pagkakataong iyon hindi nako nangarap. Natulog nalang ako. Nung uwian hindi nako tumingin sa orasan para maiba naman, ganun din naman eh.

Ilang segundo lang din naman ang gugugulin ko para tingnan lang ang relo, hindi rin naman nakakaenjoy. Sasakay ako ng jeep pauwi, uupo sa kanang huling bahagi at makikinig ng mga kantang puro beat lang ang laman. Hindi na yata magbabago ang mga araw ko.

Pang-limang araw, ang huling araw sa isang linggong pasukan. Tamad na tamad akong naglakad papasok ng hallway, nakayukong lumapit sa relo at nakita ang oras, 4:00?! "Sira yan..." sabi ng janitor. "Kahapon pa." dagdag pa nito. Dahil narin sa hindi ko alam ang oras at ayoko din namang tingnan ang celphone ko dahil mali din naman ang oras nun, nagmadali akong umakyat sa classroom. "Pare anong oras na?" tanong ko sa kaklase kong transferee.

"Himala, kinakausap mo na ako ngayon ah. 10:17 pa lang pare." Sagot niya. Pagkatapos ay umupo akong muli sa paborito kong pwesto at ipinatong ang bag sa katabing bakante. Tahimik akong nakaupo habang nag-iisip na mukang may bagong mangyayari pero hindi nadin ako umasa. Maya-maya pa ay bigla nalang lumipad ang bag ko sa harapan ko. Paglingon ko sa gilid ay napangiti ako, isang cute na babae ang aking nakita. Medyo nakasimangot pero maganda parin. Pansin na pansin ko ang pagkapula ng kanyang labi, ang pagkasingkit ng kanyang mga mata at ang maputi niyang kutis. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?!" tanong niya.

"Wwwala." Sagot ko. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at saka naman naghiyawan ang buong klase. "Uuy si Froylan oh, ang swerte." "Kaya pala diyan ka nakapwesto ah." "Wow congrats pare!" bati at pang-aasar ng buong klase ang narinig ko. Biglang dumating ang prof, "What's the meaning of this?!" bulyaw niya. Natahimik ang buong klase. "I see we have a new student." Sabi ng prof habang nakatingin sa babaeng katabi ko. "Camille po sir, Camille Vera." Sagot naman niya.

"You are 4 days absent." Sabi ng prof. "Sorry po sir...nagkaproblema lang." talagang may bago nga, nakangiti lamang ako at nakatitig sakanya habang sinasagot niya ang tanong ng aming propesor. "Sir tabi nalang kami." Sabi ng isa kong kaklase. "Hindi sir dito nalang siya sir." Sabi naman ng isa hanggang sa ang buong klase ay humihingi na ng pabor sa aming propesor upang makatabi siya. "Muka niyo!" palaban na sagot naman ng babae at muling umupo.

"Ouch sakit naman non..." sagot ng unang nagmungkahi sa propesor para makatabi siya. Muling nagtawanan ang buong klase. "Shut up!" bulyaw ng prof. "Uupo siya kung saan niya gusto." Dagdag pa nito. Hinintay kong umalis ang babaeng iyon sa aking tabi; isang minuto, dalawang minuto, tatlo...hindi padin. Lumingon ako sakanya, nakita kong nilapag lang niya ang bag niya sa tabi, naglabas ng notebook na itim at saka nag-lettering. Ilang sandali pa ang nakalipas, hindi ko namalayang nakikinig na pala kami sa lectures ng aming propesor. Muli akong napangiti.


Breaktime nanaman, nahiya akong yayain ang babaeng katabi ko na sumabay nang kumain. Isa pa nagmamdali din siyang lumabas pagkatapos ng klase. Nakita ko sa canteen na walang chicken curry kaya adobo nalang ang inulam ko. Muli nanaman akong nakarinig ng mga 'hi' at 'hello'. Tiningnan ko lamang sila sabay ngiti. Ibang- iba ang araw na'to, walang chicken curry para iulam, sira ang relo sa hallway at may bagong magandang kaklase na halos isang linggong absent. Ang maganda dun, katabi ko pa. Ang pangit lang dun, hindi ko man lang siya makausap. Badtrip padin.

Nakarinig ako ng boses ng babaeng umo-order sa aking likuran, nagtatanong siya kung may chicken curry ba silang tinda. Ang sinabi naman ng tindera ay hindi daw nakapag-luto ngayon. Kaya umorder nalang siya ng menudo. Muli kong ipinagpatuloy ang aking pagkain, hanggang sa umupo sa harapan ko ang bago naming kaklase, si Camille. Napangiti ako kaya para hindi siya makahalata ay uminom nalang ako ng tubig. "Pa-share ah...wala na kasing upuan eh." Sabi niya.

Hindi naman ako nakapag-salita. "Pipi ka ba?" tanong niya. "Ah hindi..." sagot ko. Kumain na lamang ako ulit para magkaroon ng dahilan para hindi magsalita. Nauna akong matapos sakanya, halos maubos ko ang isang pitsel ng tubig kakainom para wag siyang makahalata na hinihintay ko siyang matapos pero nahalata niya parin. "May hinihintay ka ba?" tanong niya.

"Ah...wala..." mayroon pang labing siyam na minuto at tatlumpong segundo para mag-ubos ng oras ng break. "Wala na kasi akong tubig...inuubos mo" sa hiya ay ibinigay ko nalang ang huling basong tubig sakanya. Hindi ko na napansin na wala nang lamang tubig ang pitsel. "Loner ka noh?..." sabi niya. Napangiti ulit ako sa pagkakataong iyon. "Transferee kasi ako, wala akong mga kaibigan dito..." sagot ko. "Ah..." iyon lamang ang isinagot niya.

Naubos ang oras ng breaktime namin sa kakaupo at kakapanuod ng mga taong dumadaan. Hindi siya umiimik, binabasa niya lang ang mga text messages niya at sisimangot, pagkatapos ay ihahagis niya sa mesa ang phone niya. "May alam ka bang bilihan ng bulaklak?" nagulat ako sa tanong niya, babae siya tapos siya ang magbibigay ng bulaklak? Naisip ko, siguro kaya siya ganoon kumilos ay dahil sa tibo siya. "Ahmm...meron, sa may unang kanto pag sumakay ka ng jeep" sagot ko. Gusto ko sana siyang tanungin kung para saan ang mga bulaklak na bibilhin niya pero hindi na'ko nangahas magtanong.

Sa loob-loob ko'y bigla akong nanghinayang sa ganda niya. Sayang ang mahaba at kulot niyang buhok, ang mapupula niyang labi at singkit niyang mga mata. Napalagay lang ang loob ko nang ipaliwanag niyang may sakit daw ang lola niya, nasa ospital at nagpapagaling. Napabuntong hininga lamang ako sabay ngiti. "Bakit?...may problema ba?" tanong niya. "Ah..eh kasi time na, may klase pa ako" sagot ko. Sabay kaming umalis ng canteen, naglakad sa hallway at saka pumasok sa classroom. Kaklase ko din pala siya sa subject na iyon. Iisa lang ang mga kaklase namin sa una at pangalawang subject. Muli akong umupo sa upuan malapit sa pinto at agad din siyang umupo katabi ko.

Pang-aasar nanaman ang nakuha ko mula sa aking mga kaklase pero hindi ko nalang pinansin. Si Camille naman ay medyo naiirita sa mga pangyayari. Iba naman ang mga kaklase ko sa pangatlong subject, mga tahimik at karamihan ay matatalino. Nakikisapaw lang ako sa mga recitations at kahit papaano ay nakakasagot naman. Walang maingay, walang nanti-trip at wala din si Camille. Ganoon parin ang pwesto ko, nakaupo malapit sa pinto at sa pagkakataong iyon, nakapatong ang bag ko sa bakanteng upuan. Nakakaantok, nakakatamad at nakakabagot.

Aantok-antok pa ako habang naglalakad papunta sa school grounds. Sa di kalayuan ay nakita kong may nakaupo sa paborito kong pwesto. Paglapit ko'y nakilala ko agad siya, si Camille. "Uhm wala kang klase?" tanong ko sakanya. "Obvious ba?" pagtataray naman niya. "Ah...pwede pa-share? tanong ko. Hindi naman siya sumagot, naalala ko agad ang eksena kanina sa canteen at tinanong ko ulit siya. "Pipi ka ba?" sa pagkakatanong kong iyon ay napatingin siya at ngumiti. "Hindi...umupo ka na kung gusto mo" sagot niya.

Gaya ng dati kong ginagawa, nilabas ko ang phone ko at nagbasa ng mga text messages. Puro walang kwentang mensahe nanaman ang nabasa ko kaya sinubukan ko muna itong ilapag sa mesang gawa sa semento. Aksidente ko naman itong naihagis. "Nang-aasar ka ba?!" galit na tanong niya. "Hindi, nadulas lang sa kamay ko..." paliwanag ko. "Baka gusto mong tanungin din ako kung saan makakabili ng bulaklak?!" sabi niya. Napatingin ako sa kanya at saka natawa.

Parehas kaming nagtawanan hanggang sa lumipas ang ilang minuto, tahimik ulit kami. Ilang boses naman ang narinig ko, "Uy sweet nila..." "Pare ganda nung chicks oh." "Oo sarap ligawan niyan..." "Sayang may boyfriend na oh." "Hindi niya boyfriend yan tangek, kunin mo number." "Sige sandali lang..." alam kong narinig ni Camille ang mga usapan na iyon dahil iba ang reaksyon sa kanyang muka. Maya-maya pa ay, "Hi miss...pwede mahingi yung number mo?" tanong ng isang lalaki sakanya.

Agad tumayo si Camille, kinuha ang cellphone ng lalaki, ibinato sa sahig, inapakan sabay hampas ng kanyang bag sa muka ng lalaki. Aray. Agad din siyang umalis. Ang lalaki naman ay hindi magawang ngumiti, magalit o malungkot. Nabigla lamang siya habang pinupulot ang mga piraso ng celphone niya at pinagtatawanan ng mga nakakita at mga kaibigan. Ako naman ay agad napatayo at umalis habang tumatawa. "Pare hindi gumana powers mo haha...wala daw sa itsura yan eh..." pahabol na kantyaw ng isa.

Sa huli kong klase ay hindi ko mapigilang ngumiti at matawa. Maya't-maya ay naaalala ko ang mga nangyari kanina. Naisip kong kung ako yung lalaking humingi ng number niya siguradong madadala nako at hindi nako manghihingi ulit ng number kahit kanino. Takot ko nalang. Napagalitan tuloy ako ng prof namin bago ma-dismiss. Bago ako bumaba ng hallway ay medyo nahimasmasan na ako. Sinubukan ko ulit tingnan ang relo ng eskwelahan, maayos na ito ulit. Lumabas ako ng gate ng eskwelahan at sumakay ng jeep pauwi.

Gaya ng dati, sumakay ulit ako sa kanan at huling bahagi. Nagulat ako nang makita ko si Camille sa aking harapan, may halong pagkayamot ang kanyang muka. Tahimik lamang niyang pinapanood ang mga nangyayari sa labas habang umaandar ang jeep. Lumingon siya saakin, "Oh...ikaw pala yan.." ngumiti lamang ako at napangiti din siya., pagkatapos ay natahimik ulit.

Kinausap ko lamang siya nung ituturo ko na kung saan ang bilihan ng bulaklak, agad din siyang bumaba pagkatapos. Sinundan ko lamang siya ng tingin habang nakangiti at papalayo ang jeep. Saka ko lamang nalaman na hindi pala siya nagbayad, ako ang siningil ng driver.

Continue Reading

You'll Also Like

75.1K 2.8K 41
Naranasan mo na bang mainlove sa taong sa picture mo lang nakikita? naranasan mo na bang magmahal ng di mo kilala dahil sa yun ang napagkasunduan? Na...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
992K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...