I Will Be Okay

By danjung8

77.6K 1.6K 14

Sa panahong nagdesisyon kanang kalimutan siya. Yun din ang panahon na dumadating sa'yo ang PAG-IBIG. Ji Mikaz... More

Prologue
1. I'm Okay
2. Bygone Love
3. Someday
4. My Everything
5. Whenever You Call Me
7. Always
8. It Hurts
9.Goodbye Day
10. As I Live
11. Story Of A Girl 1
12. Story Of A Girl 2
13. It Pours
14. Just Say A Word
15. No Reply
16. Before It's Too Late
Poem: Letting Go
17. Step By Step
18. Heartbeat
19. Missed Call
20. Longing For You
21. How Much Do We Need Love?
22. Hello To Myself
23. Outside The Lines
24. A Simple Love
25. Please
26. Look At Me
27. Change
28. Cinderella's Dream
29. I'd Never Stop Loving You
30. Something Happened In Paris
31. Confession
32. Day By Day
33. You and I
34. You and I 2
35. You and I 3
36. When Someone's Telling A Lie
37. Without You
38. The Opposite Of Irony
39. When I Can't See You
40. YOU 1
41. YOU 2
42. Found You
43. This Timid Feeling
44. Precious Heart
45. Heartbreak 101
46. Under This Unkind Feeling
47. A Letter In More Than 100 Words
48. It's All Alright
49. How Far Should I Act This Way?
50. Only Longing Grows
51. Never Let You Go
52. Worn Love
53. So Badly
54. Second Confession
55. Promise
56. I'm Going Crazy
57. I'll Give You Everything
58. For You
59. Heaven Knows
60. Eternal Love
Author's Update

6. To Angel

1.3K 29 0
By danjung8

To Angel

Having a bad past seemed a nightmare. But this present time. I wanted to have myself the motivation to move on. Forgot everything about him and be myself. If I want to love again. I wanted a person who can love me as who I am, not the person that will change me because he just liked me. I wanted to deliver this message- To Angel.

Papauwi na sana ako ng bahay pero habang papalabas na nang paaralan. Nakita kong mag-isa si June. Himala yata na hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. Habang nasa parking lot ito ng paaralan, nahihirapan siya yatang paandarin ang kotse niya.

Nakita niya ako ngunit nagpanggap ako na walang may nakita. Nagmaang-maangan ako na hindi ko rin siya nakita dahil talagang iniiwasan ko siya. Iniiwasan ko talaga silang lima na mag-cross ang mga landas namin dahil ayoko na nang mga pinaggagawa nila sa akin.

"Hoiii! umapit ka rito!" Tawag niya sa akin.

Haiii..Ano ba yan? Lumapit ako sa kanya na napipilitan.

"B-b-bakit?" Sambit ko na nanginginig ang boses ko.

"Itulak mo muna ang sasakyan ko!" Utos nito sa akin.

Pagkatapos ng mga ginawa nila sa akin. Hihinhi lang pala siya ng tulong. Buhay naman talaga no.

"Ano ba ang problema?" Tanong ko.

"Wala na yang gas kaya tulungan mo muna ako". Sagot nito sa akin.

Pero paano kung hindi kita tulungan? Ganti ko rin ito para sa mga pinaggagawa niyo sa akin. Ang bilis tumalab ng karma sa kanya. Di ko akalain na dadating ito sa kanya ng ganitong kaaga.

"O sige". Pagpayag ko dahil wala naman akong planong gantihan sila. Sabi ko di ba.  I will let karma did it to them.

Pumunta na ako sa likuran nang kotse niya at sinimulan nang magtulak. Hoii..ang bigat naman. Babae ako hindi bouncer. Parang pasan ko ang mundo sa bigat ng kotse niya at gawaing bahay lang ang kaya ko hindi ang ganito.

"Lakasan mo pa!" Sigaw nito sa akin.

"Oo! Lalakasan ko na Boss". Tawag ko sa kanya dahil kung makasigaw ito sa kanya parang trabahador niya ako sa kompanya niya.

Tinulak ko ito ng napakasobrang lakas at nilagay ang buong lakas sa buo kung katawan. Sa ilang saglit, gumalaw nga ito. Hanggang sa naglakad na ito ng kusa.

"Yes! Yes! Yes!" Tuwang-tuwa kong sambit na napatalon pa sa sobrang kasiyahan.

Achievement kaya yun sa akin na ganon kabigat ay nakaya ko. Kung ganon din sana ang buhay ko. Kahit gaano kabigat makakaya mo. Pero hindi ganon eh. Mabigat lang sa akin at minsan parang hindi ko na kaya.

Patulakin ka pa ba ng ganon kabigat? Kaya salamat naman. Nakaya ko.

Napatingin si June sa side mirror nang sasakyan niya at nakita niya akong tuwang-tuwa. Kaya sa mga dulo ng mga labi niya napangiti nalang ito.

Napahinto ulit ang sasakyan niya nang di ko namamalayan.

"Tulak uli!" Utos niya.

What? Parang hindi na ako sisikatan ng araw bukas sa mga pinapapagawa niya sa akin. Kahit pangit at losyang ako. Babae rin naman ako. Sana maisip niya yun.

"Naku naman, ang hirap-hirap na". Wari ko na may pagdadabog sa boses ko.

"May reklamo ka?" Paninindak nito sa akin at tiningnan ako ng masama.

"Wala po boss. At your service". Sagot ko sa kanya at pilit siya nginitian.

May choice ba ang kagaya ko? May pagpipilian ba ako? Gusto ko sanang umayaw pero I didn't have the courage to do it. Wit this kind of man who only knew to enslave me. I didn't have that so called choice. My only choice was to do it.

Nagtulak na naman ako at hanggang sa malayo-layo na rin ang natulak ko. Ang bigat-bigat talaga parang akong hihimatayin. Mabigat na nga ang buhay ko dadagdag pa ito. Ano ba yan?

"Sige pa! Malayo pa ang gasoline station". Pag-utos talaga nito sa akin.

"Yes Boss". As if I had that so called  choice. Nagtulak na ako ng nagtulak hanggang sa narating namin ang finish line. Ang gasoline station at laking pasasalamat ko naman dahil nakayanan kung lampasan ang unos ng buhay ko sa mga palad ng lalaking ito. Salamat naman.

Hindi ko na ramdam na may mga paa pa ako. Ang sakit-sakit na at ang mga kamay ko ay parang mababali.

Pinalagyan na niya ng gasolina ang kotse niya at habang naghihintay na mapuno ito. Tumabi ito sa kinauupuan ko.

"Ang lakas mo pala? Body builder ka ba?" Tanong nito sa akin na may pang-iinis sa boses niya.

"Tubig naman, please lang". Hinihingal kong sambit.

Hingal na hingal na hindi ko na maramdaman na may hangin pa pala akong nalalanghap sa sitwasyon kong ito.

"Tubig? Wait lang". Wika niya at napatakbo sa may store ng gasoline station.

Sa ilang sandaling paghihintay sa pagdating niya.

"O heto". Pag-abot niya sa akin ng mineral water.

"Salamat". Sabi ko sa kanya at kinuha ang mineral water na inabot niya. Pero di pa niya ito binibitiwan. "Bakit?" Pagtataka kong sambit.

"Bayad". Wari pa nito.

Jusmiho! Pagkatapos nang lahat-lahat kung ginawa sa kanya. Nagtulak ako ng kotse niya na napaka-sobrang bigat, di ko maramdaman ang mga paa, ang mga kamay ko ay parang mababali at hindi ko maramdaman ang hangin sa hininga ko. Parang sa tubig kailangan ko pa ng bayad. Ang lalaking talaga to o.

Kumuha ako ng pera sa wallet na nasa bag ko at ibinigay sa kanya ang bayad ng tubig na binili niya.

"O!" Pag-abot ko sa kanya at kinuha na ang tubig at ininom agad ito.

Hai! So refreshing. Ngayon, parang nawala ang pagod na nararamdaman ko sa tubig na ito.

"Salamat". Tanging wika nito sa akin at nang marinig na nagpasalamat siya sa akin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Wala yun". Ani ko at marunong din pala magpasalamat ang mokong na to. Akala ko masama na talaga ang nito dahil ang lakas ngang mam-bully sa akin pero may kagandahan pa pala sa puso nito at marunong itong magpasalamat.

Pagkatapos mapuno ng gasolina ang kotse niya. Agad na niyang pinaandar ito.

"Saan ang bahay mo? Hatid na kita". Pagpapaunlak niya sa akin.

"Hindi na. Baka maabala pa kita. Ako nalang ang uuwi". Pagtanggi ko sa kanya.

"Tinulungan mo ako kaya bilang kabayaran sa tulong mo. Ihahatid na kita". Pag-iinsist niya.

"Okay lang talaga". Pagtanggi ulit sa kanya.

Ayokong sumabay sa kanya dahil nahihiya ako at wala akong tiwala sa kabaitang ipinapakita niya sa akin. Baka ano na naman ang gagawin nito sa akin at manganganib naman ang buhay ko.

"Hindi..sakay na!" Wika nito at tiningnan ako ng masama.

May choice pa ba ako? Nasaan na ang right to choose ko kung ganito sila. Kaya sumakay nalang ako ng sasakyan niya kahit napipilitan at nakakahiya naman sa kanya.

Inihatid na nga niya ako sa bahay at habang nasa daan papauwi, napatanong ito tungkol sa akin.

"Bakit ka kumuha ng Medical Technology?" Tanong nito. Sasagutin ko ba siya o hindi? At himala ata na nagtanong siya sa kagaya ko na binu-bully lang nila sa paaralan.

"Pangarap kasi ni papa na maging doctor ako kaya yun, nag-aral ako ng Medical Technology". Sagot ko sa kanya.

Dad and me made that dreams together and I won't fail him and be a future doctor some day.

"Pareho pala tayo". Wika niya at umukit ang lungkot sa kanyang mukha.

"Pero gusto ko rin ang kinuha kong kurso kaya masaya ako na unti-unti ko na itong natutupad". Pagbahagi ko nalang sa kanya nang aking saloobin.

Napatingin ito sa akin bahagya.

"Gusto ko talaga maging isang photographer ngunit ayaw ni papa kaya kumuha nalang ako ng Medical Technology". Sagot niya sa tanong ko at napabahagi ito ng konti kwento sa buhay niya.

"Masaya ka ba?" Tanging tanong ko sa kanya.

"Masaya saan?" Pagtataka niya sa akin.

"Masaya ka ba na tinutupad mo ang kahilingan ng papa mo? Masaya ka ba ngayon bilang isang Medical Technologist?"

"Ahm..masaya naman". Sambit niya.

"Kung ganon naman pala. Kung masaya ka ipagpatuloy mo pero kung hindi kana masaya. Itigil mo na. Masasaktan ka lang pagpinagpilitan mo ang ayaw mo." Pagpayo ko sa kanya.

You didn't have to push yourself to please others. You just had to do what made you happy because that will be the right choice you had to make in yourseld.

Hindi ito nakasagot sa akin. Napatahimik ito habang nagmamaneho at pinag-isipan ang simpling payong sinabi ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin at nginitian ko lang siya. Iniwas niya kaagad ang kanyang tingin. Pero pansin ko na ang hahaba ng mga pilik mata niya. Napakaitim sa mga mata niya at bagay na bagay ito sa kanya. Lalo pa siyang gumagwapo dahil don.

"Doon nalang ako sa may bus stop na yun". Pagturo ko sa kanya.

"Sige".

Hininto niya ang sasakyan sa sinabi ko. Bumaba na ako sa kotse niya at nagpaalam na.

"Salamat ha". Wika ko at kumuha ng pera sa wallet ko at inabit ko sa kanya.

Nagtaka naman ito. "Ano yan?" Tanong nito sa akin.

"Bayad". Pag-abot ko ng pera sa kanya.

Napatingin lang ito sa akin nang seryoso at napakunot pa ang noo nito.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw, masaya ka rin ba na tinupad mo ang kahilingan nang papa mo?" Tanong nito sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at sinagot ang katanungan niya.

"Oo naman. Masaya ako".

Binawi niya ang tingin sa akin at umalis nalang na di kinukuha ang bayad ko sa kanya. Naiwan naman ako na mag-isa. Umupo muna ako sa may bus stop at napaisip.

Okay din pala siyang kausap may sense pero masyado lang talagang suplado subalit kailangan kong iwasan siya. Hindi lang siya kundi silang lima.

💤

Kinaumagahan,

Laboratory Management ang klase ko at pumunta kaming lahat sa may Science Lab para sa paggamit ng mga laboratory apparatuses.

Hinati kami ng aming professor sa tig-dadalawa at by pair ito at kapareha ko naman si June.

Ang liit ng naman ng mundo. Sa lahat ng makakapareha, siya pa talaga ang napunta sa akin. Kakasabi ko lang kahapon na kailangan ko silang iwasan pero heto siya. Naku naman o!

Pumunta na kami sa aming pwesto. Nginitian ko siya ngunit kabaliktaran ang ginanti niya sa akin at sinimangutan niya lang ako. Okay naman kami kahapon ha? Ang labo niya.

Ang una naming sinubukan ay ang mga test tubes, kasunod naman ang microscope, ang tripod, fluorescent lamp at iba pa. Ang panghuli naman ay ang alcohol lamp na may laman itong chemical.

Nakagloves naman ako ngunit ang dulas nang mga kamay ko kaya ng ako na ang humawak. Di ko namalayan, nabitawan ko ito.

Napapikit nalang ako sa pagbasag ng alcohol lamp.

Hanggang sa hinablot nalang ni June ang kanan kong kamay at niyakap niya ako palayo sa alcohol lamp.

Nabasag nga ito at tumingin naman ang lahat na mga estudyante sa aming dalawa.

Napasandal naman ako sa mga matitigas niyang dibdib at ramdam ko ang tibok ng puso niya. Ang bilis nang kabog nang dibdib niya at napatitig pa ito sa akin.

Bakit ganito? Parang lalabas ang puso ko sa aking dibdib. Bakit ganon siya makatitig? Bakit niya ako niligtas? Mga katanungan na nabuo sa aking utak.

Lumapit ang apat niyang kaibigan na sina Sancho, Fuji, Ray at Rome sa aming dalawa.

"Okay ka lang June?" Pag-alalang tanong ni Rome sa kaibigan.

"Ah..oo". Sagot nito at binitiwan niya ako sa pagkayakap nito sa akin.

Namula naman ang mga pisngi ko sa ginawang pagtitig niya sa akin at pagyakap nito.

"Ikaw, may masama bang nangyari sa'yo?" Tanong ni Ray sa akin.

Hindi Ikaw ang pangalan ko. May pangalan ako. Ji Mikazuki ang pangalan ko.

Nabigla ako sa tanong niya at namuo ang mga luha sa aking mga mata. May nag-aalala pa pala sa akin.

"W-wala naman". Sagot ko sa kanya.

Tiningnan ko si Rome ngunit wala itong pakialam sa akin. Mabuti na rin na ganiti nang sa gayon madali ko na siyang makalimutan pa.

Dumating ang aming professor at siya ang nag-ayos nang lahat.

💤

Habang nagtatrabaho sa bahay, napaisip ako sa kung anong damdamin ang naramdaman ko sa mga nangyari sa paaralan kanina. Malalim talaga akong nag-isip hanggang sa sumakit na ang ulo ko. Kaya sinampal ko nalang ang aking sarili.

"Huwag kang ilusyunada Ji. Huwag kang ilusyunada! Huwag kang mag-isip nang kung anu-ano man". Wika ko sa sarili.

Dumating na ang mga kapatid ko kasama si mama at agad na kaming naghapunang apat.

"Pangit na Ji, tubig". Utos sa akin ni Leon.

Tumayo ako at binigyan siya ng tubig. Bumalik na ako sa upuan ko at uupo na sana ako para ipagpatuloy ang pagkain ngunit-

"Ako rin Bruhang Ji, gusto ko ng tubig". Utos din ni Mimi.

"Sandali lang". Tumayo ulit ako at kumuha ng tubig. Ibinigay ko yun kay Mimi at bumalik sa pwesto ko. Uupo na rin sana ako ngunit napag-utusan naman ako ni mama.

"Tubig din Ma?" Inunahan ko na siya.

"Hindi, gusto ko ng champagne". Ani nito.

"Eh walang champagne sa ref Ma". Sagot ko sa kanya.

"Problema ko ba yun? Edi bumili ka!" Falit nitong nitong sabi.

"Pasensya na Ma". Sambit ko at dali-daling lumabas para bumili ng champagne. Napagalitan ka pa tuloy Ji. Ang tanga mo talaga kahit kailan.

Hindi na talaga ako nakakain nang hapunan at naubos pa ito dahil utos dito, utos doon. Buhay naman.

Kahit gabi na, bumili pa rin ako ng champagne at habang nasa daan, nakita kong nasa labas nang department store si Sancho.

Hindi ko siya pinansin, pumasok na ako sa loob para bilhin na ang champagne ni Mama. Pagkalabas ko, nandon pa rin siya hanggang di ko siya maiwan-iwan. Ano ba ang ginagawa ng mokong na'to rito?

Umupo ako sa tabi niya at amoy alak ito. Tulog na ito at dis oras na ng gabi ha, lasing at natutulog pa sa labas.

Tutulungan ko ba siya? Pagkatapos ng mga panlalait niya sa akin. Siguro dapat kong kalimutan yun dahil naging masama siya sa akin. Pero. Pero karma na siguro niya ito dahil sa mga ginawa niya. Ang bilis naman dumating sa kanya.

Kinuha ko ang cellphone niya sa kanyang bulsa at tinawagan ang kaibigan niya. Si Rome dapat ang tatawagan ko ngunit baka magalit naman siya sa akin kaya si Ray nalang ang tinawagan ko para sunduin si Sancho at di na itinuloy ang balak kung paghihiganti.

"Sancho. Ba't ka napatawag?" Pagsagot nito sa kabilang linya.

"S-si Ji to Ray. Lasing siya ngayon at natutulog sa labas ng department store". Pagpapaliwanag ko sa kaibigan niya.

"Ano?" Gulat nitong sabi.

Binigay ko sa kanya ang address at agad niyang pinuntahan ang kaibigan.

Makalipas ang dalawangpung-minuto, dumating na si Ray para sunduin na ang kaibigan.

"Okay lang ba siya?" Kaagad nitong tanong sa akin.

"Okay lang siya". Sagot ko naman.

Tinulungan ko siya para alalayan si Sancho patungo sa sasakyan niya. Nasa kabilang balikat siya, sa kabila naman ako. Nang mailagay na namin si Sancho sa sasakyan niya. Agad na akong nagpaalam.

"Mauna na ako sa'yo". Pagpapaalam ko kay Ray.

"Ihatid na kita". Pagpapaunlak niya.

"Okay lang ako. Sige na". Pagtanggi ko sa kanya.

"Ihatid na kita". Pagpupumilit niya talaga.

"Hindi na, ihatid mo nalang si Sancho". Wika ko.

Hindi niya ako sinagot at bigla nalang kinuha ang kaliwa kong kamay at pinasakay sa kotse niya.

Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Pero natuwa ng kaunti. Mabait din pala siya kahit papano.

Habang nagmamaneho siya, nagpasalamat ito sa akin.

"Salamat". Sambit niya.

Aba! Marunong din pala siya magpasalamat gaya ng isa niyang kaibigan.

"Para saan naman?" Tanong ko naman.

"Sa pagtawag sa akin para puntahan si Sancho. Alam kong hindi maganda ang tingin mo sa amin dahil sa pangbubully namin sa'yo pero di mo pa rin pinabayaan ang kaibigan namin. Maraming salamat..Ji", wika nito na puno ng sinsiridad ang mga sinabi niya.

Tinawag niya ako sa aking pangalan. Nakakapanibago naman. Pero natuwa ang puso ko.

That was the first time, some one had uttered my name.
Napangiti nalang ako sa kanya.

"Doon mo nalang ako ihinto sa may bus stop na yun". Pagturo ko sa kanya.

"I know". Tangi nitong sambit.

Nagtaka ako. I know, posibleng alam niya na doon ako parating umuupo. Pero papaano?

Hininto na niya ang kotse niya sa harapan nang bus stop at bumababa na ako. Bumaba rin siya sa kotse niya.

"Thank you pala Ray". Pasasalamat ko sa kanya.

"You're welcome". Sagot nito.

"Sige". Pagpapaalam ko at umalis na.

Hindi muna siya umalis. Napaupo muna ito sa may bus stop at napatingin sa kalangitan. Napangiti ito habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan na tumitingkad.

"Kung alam mo lang". Makabuluhan nitong sambit nito na malalim ang iniisip.

And that was the first time when that words stucked up in my head. He knew.

Continue Reading

You'll Also Like

637K 39.8K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
63.3K 3K 32
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
610K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...