Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 38

28.6K 1K 515
By PrinsesaFever

Kylie's Pov

Ilang linggo ang lumipas. Hindi pa din ako makapaniwala. Iniwan niya ko, bakit? Ayan lagi ang tanong na nasa isip ko tatlong linggo na.

Nakatunganga lang ako dito sa walk in closet ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.

Nakareceive kasi ako ng text kay Ma'am, clearance day daw. Hindi ko talaga alam kung pupunta ako o hindi.

*Ding Dong Ding Dong Ding Dong*

"TEKA NAMAN!!" Inis kong sigaw.

Nakatapis kong binuksan ang pinto at nakita ko doon ang barkada.

"Ano ginagawa niyo dito?"

"Masama bang daanan ka?" Nakapameywang na sabi ni Ara sakin.

"Hindi niyo naman agad sinabi." Sabi ko at tinalikuran sila. Pumasok ako sa kwarto ko.

Sumunod pala sakin sila Ara pero ang mga lalaki nasa labas. Mage-xbox nanaman 'yun panigurado.

"Hindi ako pupunta." Sabi ko.

"Ano?! Bakit?" Tanong ni Kinah.

"Papapirma ko na lang kila Tita Anna. Papasabay ko na lang."

"Hindi pwede." Iling ni Jai, "Sumama ka. Hindi porket Tita mo may ari ng EU gaganyan kana." Sabay hila sakin ni Jai.

"Wala akong mapili." Bored kong sagot.

"Para san pa ang isang Ara Ramos diba?" Sabi ni Doms at tinuro si Ara.

"Alright." Sabi ni Ara at dumiretso sa walk in ko.

Ilang minuto ang lumipas tahimik lang akong nakatingin sa picture frame namin ni Blake.

"Pupunta ba siya?" Tanong ko.

"Hindi namin alam."

Napabuntong hininga na lang ako. Sana.

"Oh eto na." Labas ni Ara.

Dala dala niya ang red sleeveless dress ko.

"Ayoko niyan." Sabi ko.

"Ayaw mo? Pumili ka. Eto," Angat niya ng dress, "O eto?" Angat niya ng t-shirt...

T-shirt na binigay ni Blake saakin noong nasa rooftop kami na pinagagaw-agawan pa nila Kiara.

"'Yan." Deretsa kong sagot.

Namilog ang mga mata nila.

"Are you serious? Eto? Isusuot mo?" Tanong sakin ni Ericka.

"Oo."

"No way..." Sabi ni Kiara.

"Actually it's a yes. Kaya lumabas na kayo ng makapagbihis na ko." Sabi ko at tinaboy sila palabas.

Tinignan ko ang tshirt paglabas nila. I'm gonna wear you, at kapag hindi niya pa ko binalikan sa oras na makita niya kong suot 'to, I swear, gagawin ko talaga ang lahat maayos lang 'to.

Sinuot ko na iyon at tinupi ang sleeve noon. Tapos ay sinuot ko na ang jeans at chucks ko. Nagpabango at nagayos ng onti sabay labas na.

"Tara na."

"Teka naman, kumakain pa kami e." Angal nila John.

Umirap na lang ako at umupo na sa sofa sa Sala.

To: Babe-by ❤

- I miss you so much. Can you please, at least text me if you're okay? :(

Ilang linggo ko na siyang tinetext. Pero wala akong nareceive na reply ni isa.

"Kylie, tara na." Aya sakin ni Bryan.

Tinignan ko siya at tumango ako. Pinatay ko muna ang TV at kinuha ang susi sabay labas na din. Nagdoorbell ako sa unit ni Vanessa ngunit umalis na ata siya.

Nauuna ang barkada. Pero ako at si Bryan nasa huli.

"Oh ba't hindi ka sumabay sakanila?" Tanong ko.

"Ayoko. Baka magbago isip mo at hindi ka pa sumama."

"Baliw. Sasama ako. Nakaready na nga ako uurong pa ba ko? Syempre hindi na."

Ngumiti lang siya at tumingin sa barkada.

"Siguro, kung hindi ako sumuko noon. Handa akong saluhin ka ngayon. Kahit maging rebound pa. Pero wala e, si Ericka na mahal ko. At ayoko siyang masaktan."

Ngumiti ako sakaniya, "Ano ka ba. Ayos lang. Hindi mo kailangang gawin ang isang bagay na alam mo namang ikasasakit mo lang din. Kung sakali ngang mahal mo pa ko. Pero ayokong saktan mo kaibigan ko. Ayokong saktan niyo mga kaibigan ko. Ayokong maranasan nila 'tong nararanasan kong sakit ngayon."

"Bilib talaga ko sayo e, ang tapang mo."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Kung alam mo lang." Ngiti ko sakaniya at humabol na kila Ara papasok sa elevator.

Pumasok na din siya at ako naman ay tinignan sila ni Ericka na magusap. Ang saya nila. Halatang mahal nila isa't isa.

Tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Nakisakay ako kila Kiara at John papuntang EU.

"Kiars, nandun din si Ate Love?" Tanong ko kay Kiara.

"Malamang nandun 'yun. Lahat kailangan e."

Tumango na lang ako. Makikita ko din sila Ate.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas. Iniisip kung pupunta kaya sya.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng niyugyog ako ni Kinah.

"Ky, dito na tayo. Gumising kana."

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko silang lahat na nasa labas.

Kinusot ko ang mga mata ko at lumabas na. Pumasok na kami sa loob ng EU at pumunta sa Administration at kumuha ng clearance paper.

"Si ate Love daw nasa likod. Kasama mga kablockmate niya." Sabi ni Doms.

"Papirma muna tayo. Bago tayo makipagkita kay ate Love." Ara.

Sumangayon naman ang lahat at ayun nga nagpapirma na kami. 12 na ng nakatapos kami. Pero may tatlo pang natitira.

"Kain muna tayo. Gutom na koooo!" Reklamo ni Jai.

"Saan tayo kain?" Tanong nila Bryan.

"Sa McDo na lang sa labas para mabilis din tayong makabalik." Ian.

"Ayaw niyo sa canteen?" Tanong ni Kinah.

"Ang daming tao." Sabi ko.

"Sabagay. Tara na?" Aya ni John.

Tumango kaming lahat. Palabas na kami ng makasalubong namin sila Kuya.

"Kuyaaaa!" Tawag ko sakaniya at sumampa sakaniya.

"Woah, hi lil sis." Tawa ni Kuya.

"Where are you going?" Tanong ko sakaniya at yumakap sakaniya.

"Kakain na. Gutom na 'tong si Kaitleen, e."

"Good! Kakain na din kami e. Tara sabay sabay na tayo?" Yaya ko.

Pumayag naman na sila kaya naglakad na kaming muli. Inakbayan ako ni Kuya habang si Ate hawak ang kamay ko.

"How are you?" Tanong ni Ate.

"Not fine." Sabi ko at ngumiti ng bahagya.

"Did you talked to him?"

Tumango ako, "Thru phone.."

"Ano sabi niya?" Tanong ni Ate.

"He said na he fell out of love." Deretsa kong sagot.

Kumirot nanaman puso ko. Eto nanaman yung sakit. Yung sakit na hindi ko na makayanan.

Naramdam kong kumuyom ang kamao ni Kuya kaya hinawakan ko agad kamay niya.

"Kuya, keep your cool. 'Wag kang magalit. I can handle this Kuya."

"Panong nafell out of love? May ginawa ka ba? Na dahilan para mangyari 'yun?"

Hindi ako sumagot. As far as I remember, wala naman.

Hanggang sa pagpasok namin sa McDo hindi ko pa din sinasagot tanong nila.

Nagorder ako ng McNuggets, McFlurry tsaka Chicken Fillet. Eh sorry ganto kapag broken!

"Tinext ko si Ate Love. Sabi ko sunod na lang siya dito." Sabi ni Ara.

Hinintay namin si Ate Love ng makadating siya ay umorder na kami.

"So, kamusta naman kayo? Mga going strong ganun?" Tawa ni Ate Love.

Walang sumagot. Nakayuko kasi ako kaya pagangat ko ng ulo ko nakita kong nakanguso sila sakin.

"What?" Tanong ko.

"Asan si Blake?"

..........

"Hello? Asan siya? Sagot sagot din pag may time."

"Hello din? Hindi marunong makiramdam? Ano? Manhid 'te?" Poker face na sabi ni Ericka.

"Bakit? Ano ba nangyari?" Tanong niya.

Nakita kong pinandilatan siya ng mata ni Ericka.

"Slow." Minouth pa ni Ericka sakaniya.

Tinignan niya ako. Umiwas naman ako.

"Ohhhh-kay?"

Tumahimik ang grupo. Walang nagsasalita hanggang sa dumating na ang order namin.

"Akin 'yan." Sabay kuha ni Ian nung coke.

"Hoy akin 'yan!" Bulyaw ni John.

"Lul mo. Akin 'yan! Ako nagorder niyan. Sprite sayo diba?"

"Tanga! Sabi ko coke!"

"Ulul. Manahimik ka diyan. Ayan inumin mo." Sisipsip na sana si Ian ng inagaw sakaniya ni John yung coke. "Putangina!" Bulyaw ni Ian dahil natalsikan siya sa mukha.

"Oh ano papalag ka pa?"

"Sayo na 'yan gago. Isaksak mo na baga mo isama mo pati straw ng mamatay ka ng hayup ka."

Natawa na lang kami sa pinagawayan ng dalawa. Nang dahil lang sa coke!

"Huy ano ba kayo! Pinagtitinginan na tayo oh. Mga isip bata talaga kahit kelan." Saway ni Ate Love sakanila.

"Eh 'yung co--" Hindi na natuloy ni John ang sasabihin niya dahil tinakpan na ni Kinah yung bibig niya.

"Oh ayan! Magpalit na tayo ng manahimik ka." Sabi ni Kinah kay John kaya napangiti si John.

Pagkatapos kong lantakan ang pagkain ko ay hinintay ko na sila. Tumingin ako sa pinto ng McDo ng mapansin ko si Blake.

Teka, si Blake nga ba 'yun?

Pumikit akong muli at wala na. Hindi ko na siya nakita. Guni guni ko lang ba 'yun? O siya talaga? Pero ba't may kasama siyang babae? At nakaakbay pa siya.

"Wait guys.." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at tumayo na ko agad. Lumabas ako at tinignan kung nandun pa sila Blake pero wala.

"Shit." Bulong ko sa sarili ko.

Pumasok na lang ako ulit. Baka nga guni guni lang 'yun. Umupo ako ulit ng may kutsara na may lamang ice cream ang sumulpot sa harap ko.

"Say ahh. Dati, kapag may sugat ka eto pinapakain ko sayo para lang mawala at maging masaya ka. Pero alam kong ngayon, kahit ilang galon pa ng ice cream ang ibili ko sayo, hindi 'yan agad matatanggal at hindi ka agad sasaya." Sabi ni Kuya at isinubo sakin 'yun, "Pero sana, mapasaya pa din kita."

Napangiti ako sa sinabi ni Kuya. Hindi nagtagal ay umalis na din kami at bumalik na sa EU.

"So ano? Hiwa hiwalay muna ulit tayo. Papapirma muna kami kila Sir." Sabi ni Ate.

"Sige ate. Text niyo ko ah." Sabi ko sakanila at nakipagbeso sakanila.

"Ate Love! Mamaya ah! Marami kang ik-kwento." Sabi ni Ara sakaniya.

"Oo. Sige." Sabi ni Ate Love at nagpaalam na sila.

"Kay Miss Bukbukan tayo." Sabi ni Ethan kaya pumunta na kami sa Library.

Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na kami. Jusko lang! Kung san san namin hinanap si Sir Kabayog nasa Faculty Room lang pala.

"Wooh! Orayt! Hooray for today!" Sigaw nila Bryan ng matapos namin ang pagpirma.

"Gala na us!!" Yaya nila Kinah.

"Tara na!"

"Teka! Iihi muna ko. Tas text niyo na si Ate Love. Sila Kuya itetext ko na din na magkita kita na. 'Wag kayong aalis dito ah." Sabi ko, "Kayo? Hindi ba kayo iihi, Kins?"

Umiling naman sila kaya naglakad na ko papuntang comfort room.

"Ate Ky! Ba't hindi mo kasama si Kuya Blake? Asan siya?" Tanong ng hindi ko kilalang babae.

"Ah. Ano, wala. Busy hehe." Sabi ko at naglakad na ng mabilis.

Habang naglalakad ako ay may mga napapatingin sakin. May mga bumabati at nakikipagyakapan saakin. May iba namang ngitian lang.

"Pansin mo kanina pa nila hindi kasama si Blake?"

"Oo nga. Si Liz 'yung kasama ni Blake kanina ah? Magkaakbay pa nga sila."

"Omg! Hindi nga?"

"Oo nga girl!"

"Pero wala naman silang pinost na wala na sila ah? Imposible namang maghiwalay sila. Kita mo naman hirap at pagmamahalan nilang dalawa diba? Baka hindi si Blake yung nakita mo."

"Ewan ko."

Napalingon ako sa dalawang babaeng naguusap pero naghihilahan na sila. Fuck shit.

Binilasan ko ang pagpasok sa cubicle. Ewan ko pero napaiyak ako bigla. What the hell?! Hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga ganung sabi sabi lang. Dapat ako mismo makakita!

Paglabas ko ay tinignan ko ang sarili ko. Maga na agad mata ko.

Nagretouch ako at naglip gloss sabay nagpabango. Medyo halata pa din pero ayos lang.

Lumabas na ako at binalikan sila Ara. Pero nakita kong may hinahatak sila palayo.

"Blake?" Bulong ko ng mamukhaan ko kung sino 'yung hinahatak nila.

Nakita kong natawa si Blake, "Bakit ba? Ano meron?" Tawa niya.

He looks so happy. Parang walang nangyari. Napalingon si Jai sa gawi ko at kita ko ang pamimilog ng mata niya. Humarap siya ulit kila Blake at nakita kong napatingin sakin si Blake. Tumalikod siya at naglakad agad paalis.

Ako naman ay hinabol agad siya. Nahagip ni Jhersel ang braso ko pero nagpumiglas ako. Buti na lang at nabitawan niya ko.

"Blake! Wait!" Habol ko.

Nang mahabol ko siya ay hinawakan ko agad ang kamay niya. Nakarating kami dito sa Garden. Wala gaanong tao.

"Face me!" Sigaw ko sakaniya.

Hindi siya kumibo.

Nagulat ako ng tinanggal niya ang kamay ko sa kamay niya.

"Blake please, let's talk."

"Wala na tayong dapat pagusapan pa. I told you already, Kylie, ayoko na."

"Face me." Ulit ko.

Matagal na katahimikan ang bumalot saamin ng marinig kong bumuntong hininga siya at humarap siya saakin.

Parang biglang tumalon sa tuwa 'yung puso ko. Nandito ako ngayon. Nasa harap ng taong mahal ko. Parang dati lang, pero ngayon, iba na. Malamig na tingin ang itinatapon niya saakin.

"What now? Nakaharap na ko."

"Bakit kailangan mo 'tong gawin?"

"Gawin ang ano?" Malamig niyang tanong.

Ang sakit. Dati hindi siya ganto. Dati ang sweet niya. Dati kapag ganto kami niyayakap niya agad ako. Pero ngayon hindi.

"Ito. Ang pakikipaghiwalay at paglayo mo saakin."

Natawa siya ng bahagya. "I already answered that. Gusto mo pa bang ulitin ko?"

Tumango ako.

"Okay. Mas gusto mong nasasaktan ka diba? Sige, sasabihin ko ulit. Ayoko na. Hindi na kita mahal. Hinding hindi na tayo magkakabalikan pa. Hindi na tama 'to. Naglolokohan lang tayo. Okay na?" Mata sa mata niyang sinabi saakin.

"Totoo ba lahat ng 'yan?" Tanong ko sakaniya.

"Mukha bang hindi totoo?"

Dahil sa sinabi niyang 'yun. Tumulo nanaman ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Ngayon iiyak ka? Tangina, ginusto mo 'yan. Ginusto mong masaktan. Ginusto mong marinig lahat ng masasakit na salita na alam mong ikaiiyak mo. Putangina ang gulo mo!" Inis niyang sigaw sakin.

Hindi ako nakakibo. Nagulat na lang ako ng nakita ko si Kuya na sinuntok siya.

"Hayup ka!" Sapak sakaniya ni Kuya.

"Kuya!" Awat ko sakaniya.

Tumingin sakin si Kuya ng malamig. "Lumayo ka dito, Kylie!"

"Fuck!" Mura ni Blake at sinuntok si Kuya.

Napatakip ako ng bibig. Ang sakit ng ganto.

"Tol, tama na 'yan!" Awat nila Ian kila Blake pero hindi natinag ang dalawa.

"Tama na ano ba!" Sigaw ni Ate.

Inawat nila John sila Kuya pero galit na galit silang dalawa kaya natanggal nila ang hawak nila John sakanila.

Nakita kong pumutok ang labi ni Kuya kaya pumiglas ako sa hawak nila Ate at pumagitna sakanila.

"Tama na!!" Galit kong sigaw.

"Umalis ka Kylie. Mapapatay ko 'yang lalaking 'yan!"

"Sabing tama na!!"

Napatigil silang lahat.

"Ano bang gusto niyo?! Magpatayan sa harap ko?! Tama na okay!! Ayoko na!!" Hagulgol ko.

"Kylie," Tawag sakin nila Jai pero sinenyasan ko silang tumigil.

Tumingin ako kay Blake. Nakatingin siya saakin. Yung dati niyang tingin kapag nagaaway kami. Yung tingin na alam kong nags-sorry siya. Na nagsisisi siya. Alam ko 'yang tingin niya na 'yan.

"Okay na. Alam ko na. Masaya kana din? Tanggap ko na. Hindi mo na ko mahal. Nagsawa kana. Tapos na lahat. Oo na!" Hindi ko na kinaya, "Magkalimutan na tayo. Kalimutan na natin lahat ng mga memories natin. Eto?" Sabay tanggal ko ng singsing, "Sayo na 'yan!" Sabay hagis ko sakaniya, "Etong tshirt na 'to? Babalik ko 'to sayo. Lahat ibabalik ko. Para hindi na kita maalala. Para matapos na 'to. Para hindi na ko masaktan." Sabi ko sakaniya.

Lumapit ako sakaniya at nginitian ko siya. Kahit alam kong tulo ng tulo ang mga luha ko.

"Isang yakap lang. Para matapos na. Kahit ilang beses ko mang gustong lumaban hindi na pwede. Ikaw na mismo nagbigay sakin ng rason para sumuko ako." Sabi ko sakaniya. "Pwede ba?" Tanong ko.

Dahan dahan siyang tumango. Niyakap ko naman siya agad. Nagulat ako ng niyakap niya din ako pabalik kaya lalo akong naiyak.

"Salamat. Salamat sa isang taon at apat na buwan. Salamat dahil binigyan mo ko ng halaga. Salamat dahil pinasaya mo ko kahit sa maikling panahon na 'yun. Salamat sa lahat. Sa memories at sa pagmamahal. Maybe I'm not just the one for you. Mahal na mahal kita..." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi siya kumibo. Pero naramdaman kong basa ang balikat ko. Umiiyak ba siya? Bakit?

"Sige na." Sabi ko at kumalas na ko.

Lumayo ako sakaniya. Nakita kong pinunasan niya ang mata niya. Ngumiti ako sakaniya at kumaway ng paalam.

"Mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan 'yan." Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Tinalikuran ko na yung taong mahal ko. Yung taong akala ko kasama ko hanggang sa dulo ng paghinga ko. Iniwan ko na. Pero yung pagmamahal ko sakaniya, nandito pa din...

This made me cry. Sana nagustuhan niyo.

Twitter: @PrinsesaFever
Fb: PrinsesaFever WP

Continue Reading

You'll Also Like

Killer Website By Sejuru

Mystery / Thriller

1M 8.3K 31
Status: COMPLETED Language: Filipino/Tag-lish Reader discretion is advised. (Available in Dreame. Check out @Sejuru Emina on Dreame.) The mind is th...
160K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
381K 11.9K 60
Two known groups in the city will clash in their college life as they live together in the same dormitory room. WARNING: All of the chapters were edi...
113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...