I Love You Goodbye (BoyxBoy)

jwayland

278K 5.4K 532

Larry Samonte a bitter man and a lost soul, eversince his dad left them for a guy ay sinumpa na niya ang laha... Еще

Bitter Man
Larry Samonte, I Love You
Meet Julian Lardizabal
New Kid In Campus
Guilty
Want to See You Smile
I Don't Like It
Please Don't Leave Me
Am I Dreaming?
Deception
I Saw His Dingdong
Meeting My Dad
Don't Let Your Love Slip
Fighting Spirit
Hate That I Love You
Goodbye Dad
He Needs Me
The First Kiss
The "L" Word
Second Chance
How To Tell My Mom
Can't Believe He's Gone
Please Not My Mom
The Truth
My Parent's and Their Friend
I Love You, Goodbye
After Two Years
The Painting On The Wall
We Meet Again

Hindi Ko Matanggap

12.1K 221 11
jwayland

Hi guys 2nd chapter of I Love You Goodbye hope you enjoy this =)

Nalaman natin ang pinagdadaanan ni Larry, pero paano kaya kapag nalaman na niya na ang best friend niyang si Arnold ay nahulog pala ang loob sa same sex.

Picture of Arnold Saavedra on the right======>>>>>>

Song is  I Don't Wanna Know by New Found Glory

===================================================================================

CHAPTER TWO

Larry's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas, ngunit wala pa din ako sa hulog na pumasok sa school. Hindi pa din ako handang makisalamuha sa ibang tao, ang gusto ko lang ay patuloy na magkulong sa kuwarto ko at lunudin ang sarili sa malungkot at tahimik kong mundo.

Ngunit kung kailan mo naman gustong mapag-isa ay may dadating na tao na pilit guguluhin ang pananahimik mo.

"Hey tol long time no see." laking gulat ko nang may biglang nagsalita sa bandang likuran ko, hindi ko kasi namalayan na nakapasok na pala ito sa kuwarto kaya dahil nakauton ang buong atensyon ko sa ginagawa ko.

Sinubukan kong itago ang kanang kamay ko na nababalutan ng gasa, ngunit mas mabilis ang kilos ni Arnold.

"Shit man you look like a messed." ang sinabi nito na lalong nagpainit ng ulo ko. Hindi ko kailangan ang ganitong bagay ngayon, ang gusto ko lang ay mapag-isa.

"Anong ginagawa mo dito? Just leave me alone." walang emosyon kong sinabi dito, agad naman akong bumalik sa pagpipinta at umaasa akong aalis na din ito.

"Nandito ako para makita kay Larry, ano bang problema mo?" tanong nito, minabuti kong huwag na itong kausapin para malaman nitong seryoso ako na gusto kong mapag-isa.

"You're coming with me." ang pinal nitong sinabi.

"Why don't you just leave me alone?!" iritable kong tanong dito, ngunit hindi na ito umimik. Nakipagmatigasan pa ako dito, pero matigas talaga ang ulo nito, kaya naman wala na akong nagawa kung hindi sumang-ayon dito.

Tahimik lang ako habang nasa biyahe, hindi na ako nag-abalang magdala ng sasakyan at sumabay na lang ako kay Arnold.

Nakarating kami sa isang bar sa bandang Timog, pagkalapag na pagkalapag pa lang ng order namin ay agad na akong nagsimulang uminon, patuloy lang ako sa pag-inom na para bang tubig lang ang iniinom ko, sinubukan ako nitong pigilan, ngunit hindi ko ito pinansin. Baka kapag malasing ako ay makalimutan ko kahit sandali ang lungkot na nararamdaman ko.

"Hinay hinay lang, hindi naman tayo nagmamadali." narinig kong biro ni Arnold, hindi ko ito pinansin at nagpatuloy pa din ako sa pag-inom.

Hindi ko na nabilang kung nakailang bote na ba ako dahil patuloy lang ako sa pag-inom. Hindi ko din sugurado kung dahil ba sa mga nainom ko o dahil gusto ko lang may mapagsabihan kaya pinagtapat ko kay Arnold ang tungkol kay Daddy.

"Iniwan na kami ni Dad, pinagpalit niya kami sa iba." mapait kong sinabi dito at muli ay tinungga ang hawak kong alak, kita ko naman ang gulat sa mukha nito sa sinabi ko, naramdaman ko na lang ng pinatong nito ang kamay nito sa balikat ko.

Hindi ko na nagawang ituloy ang pagkukuwento dito dahil mukhang nareach ko na din ang limit ko sa pag-inom, at hanggang ngayon ay para akong masusuka sa tuwing naiisip ko ang ginawa ni Daddy at kung kanino kami nito pinagpalit.

"Kahit na anong mangyari, always remember nandito lang kami, hindi mo kailangan sarilinin ang problema mo." nakangiti nitong pangako sa akin, hindi ko na din napigilan ang mapangiti sa sinabi nito, cheesy as it may seem, but I love this guy who happens to be my best friend, not in a romantic way mind you.

Sobra kong naaappreciate ang lahat ng suporta mula sa mga kaibigan ko, dahil pakiramdam ko ay any moment ay baka sumaboy ang lahat ng nararamdaman ko.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang dalawang lalaki na naghahalikan na para bang wala silang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao, muli ay nabuhay na naman ang galit sa dibdib ko sa nakita kong iyon.

"The nerves of these people." hindi ko namalayan na lumabas pala iyon sa bibig ko, hindi ko na pinansin ang naging reaksyon ni Arnold.

"Sinusumpa ko ang lahat ng bakla sa mundo, they should all go to hell!" punong puno ng galit kong sinabi kasunod ng pait sa dibdib.

"Bottoms up!" nakakaloko kong sigaw, at muli nga ay nagpatuloy na kami sa pag-inom, hindi na din ako nito pinigilan at hinayaan na lang ako, hanggang hindi ko na namalayan ang nangyari at kung paano ako hinatid nito sa bahay.

Pumasok na din ako ng sumunod na araw, mabuti na nga iyon kaysa patuloy akong magmukmok sa loob ng kuwarto. Nakita ko naman ang saya sa mga kaibigan ko sa pagbabalik kong iyon.

Sa wakas ay nameet ko na din si Jake Angelo in person, hindi pa din maalis alis sa dibdib ko ang nararamdaman kong disgusto dito, dahil pakiramdam ko ay problema lang ang dala nito kay Arnold, pero sinarili ko na lang iyon, lalo na't mukhang tanggap naman ng lahat si Jake.

Lumipas ang mga araw at kahit paano ay nararamdaman ko na nakakapagmove on na din ako mula sa mga nangyari sa buhay ko, at dahil na din iyon sa tulong ng mga kaibigan ko.

"Mom, papasok na po ako!" paalam ko dito, sandali ko muna itong hinanap hanggang sa matagpuan ko siya sa garden nito na abala sa mga halaman nito.

"Sige Larry, mag-ingat sa pagmamaneho." sagot naman nito na hindi pa din inaalis ang tingin sa mga halaman nito. Mas mabuti nang may pagkaabalahan ito, kaysa naman maisip pa nito si Daddy.

Sumakay na ako sa kotse at ilang sandali lang ay nasa kalsada na ako. Inabot din siguro ng mga thirty minutes bago ako makarating sa school. Agad kong pinarada ang kotse ko sa usual parking spot ko, agad kong napansin na wala pa doon ang big bike ni Arnold.

Agad naman akong dumiretso sa tambayan namin sa bench sa ilalim ng punong mangga, agad ko naman napansin ang kakaibang itsura nila Louie at Ken habang nakatingin sa hawak hawak ni Louie na papel.

"Hey guys! What's up?" nakangiti kong salubong sa mga ito, sandali lang nila ako tinignan at muling nagbalik ang tingin ng dalawa sa papel na napag-alaman kong isa palang print out.

Naisipan ko naman agawin sa kamay ni Louie ang naturang print out at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko kung ano ba talaga iyon, hindi ako makapaniwala sa nakikita kong larawan na naroon, dahil imposibleng mangyari ang bagay na ito.

Isa iyong larawan ni Arnold at Jake at ang masama ay naghahalikan ang dalawa, I tried to deny it, naisip ko kasi na baka photoshop lang ang larawan na iyon lalo na't sobrang galing na ng technology ngayon, pero alam kong hindi iyon totoo at base na din iyon sa mga napapansin kong pagbabago kay Arnold magmula ng dumating si Jake sa buhay nito.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng sakto naman na napansin kong naglalakad palapit ang dalawang nasa larawan, ang best friend ko at ang kanyang... 

Agad kong binura sa isip ang bagay na iyon, hindi ko kasi matanggap ang salitang boyfriend, dahil hindi ito tama. I mean I know Arnold since elementary at hindi siya bakla.

I blamed Jake Angelo for this mess, magmula nang dumating ito sa buhay namin ay nagulo na ang buhay ni Arnold.

Minabuti ko na lang na umalis na lang muna at huwag sila pakiharapan, hindi ko din alam kung ano ang masasabi ko kapag nagharap kami, dumiretso na lang ako sa bakanteng lote sa school.

I grabbed my phone in my bag and decided to play some music, nagsuot na din ako ng earphone para walang makaalam na may tao sa puwesto ko.

Napili kong makinig sa mga kanta ng The Fray para kahit paano ay pakalmahin ko ang nararamdaman ko, ilang sandali lang naman ay naramdaman ko na nakakatulong iyon.

Tumutunog ang how to save a life nang may mapansin akong grupo ng mga estudyante na papunta sa bakanteng lote kung saan ako nandoon.

"Great! So much for my me time." napapailing kong nasabi, akma na sana akong tatayo nang mapansin kong kasama sa grupo si Jake Angelo ang taong kinakaasaran ko ngayon.

Nagdalawang isip ako kung aalis na ba ako o mananatili, pero mas nanaig ang curiosity ko, at hindi naman ako makapaniwala sa sunod na nangyari.

Laking gulat ko nang simulan ng mga itong saktan ang walang kalaban laban na si Jake. Oo nga't galit ako dito sa ginawa nitong gulo kay Arnold, pero hindi ko naman kayang makita na sinasaktan ito ng walang kalaban laban, akma akong tatayo para sana tulungan ito nang mapansin ko ang paghangos ni Arnold papunta sa tabi ni Jake. Agad nitong prinotektahan si Jake.

"I love this man at kung sino man ang manakit sa taong mahal ko ay sisiguraduhin kong magbabayad." bigla akong nakaramdaman ng kakaiba nang marinig ang mga sinabi nito, kitang kita ko ang pagmamahal nito kay Jake, habang buhat buhat nito si Jake.

Galit na galit ako sa mga lalaking pumapatol sa kapwa nila lalaki, galit ako kay Jake Angelo dahil sa ginawa nito kay Arnold, galit ako kay Arnold dahil nahulog ito sa isang lalaki at mas lalo akong galit kay Daddy.

Nawalan na ako ng gana kaya naman minabuti kong umuwi na lang, pagdating ko naman sa bahay ay agad akong nagsimula sa pagpipinta, gusto kong mawala ang mga bagay na naiisip ko.

I felt betrayed by Arnold for loving a man, hindi ko matanggap na dalawang mahalagang tao sa buhay ko ay magagawa ang bagay na ito.

Apat na araw akong hindi pumasok sa school ng dalawin ako nila Ken at Louie, at kahit anong pilit ng dalawa ay hindi nila ako napilit na lumabas ng kuwarto, hanggang sila na mismo ang sumuko at umalis.

Nang kasunod na araw ay napansin ko naman si Arnold na pumasok ng kuwarto ko, nasa ikalawang painting na ako ng araw na iyon.

"Larry we really need to talk." seryoso nitong sinabi.

"Wala tayong kailangan pag-usapan Arnold, kaya maari ka nang umalis." malamig kong sagot dito, pilit kong nilalabanan ang galit na gustong lumabas sa dibdib ko.

"Hindi ako aalis hanggang hindi tayo nagkakausap." pagmamatigas nito.

Hinayaan ko na lang siya at ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko nang walang ano ano ay basta na lang nito inagaw sa akin ang hawak kong brush.

Sa galit ay agad kong siyang sinuktok sa mukha na kinatumba nito, hindi naman nagtagal at bumangon ito at ito naman ang nagpakawala nang malakas na suntok na kumonekta sa panga ko, palita lang kami nang suntok, ni isa sa amin ay walang gustong sumuko, hanggang sa pareho naming naramdaman ang pagod at sakit at sabay kaming napahiga sa sahig ng kuwarto ko.

Habol habol namin ang mga hininga namin mula sa naging pag-aaway naming iyon, ilang sandali lang ay namalayan ko na lang ang biglang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Narinig ko na lang ang malalim na paghinga ni Arnold at namalayan ko na lang na umupo na pala ito sa tabi ko.

"I'm sorry Larry kung hindi ko man agad nasabi sayo ang totoo." mahina nitong sinabi, naramdaman ko pa ang kamay nito na humahagod sa buhok ko.

Agad kong tinabig ang kamay at agad itong hinarap. "Bakit Arnold? Bakit ka pumatol sa isang lalaki?" napapailing kong tanong dito.

"Hindi ko din alam Larry, basta naramdaman ko na lang nahuhulog na ako kay Jake, and the next thing I know I already fallen in love with him." nakita ko ang katapatan sa mga mata ni Arnold ng sinabi iyon.

"But you're the straightest guy I know, dati basta nakapalda ay pinapatulan mo." seryoso kong sinabi dito, nagulat na lang ako nang bigla itong matawa sa sinabi, natawa na din ako nang marealized ko ang sinabi ko dito. Kahit paano ay nabawasan ang tensyon sa pagitan namin.

Sandali din kaming nagtawanan, bago bumalik sa pagiging seryoso.

"What happened Larry, kilala kita kaya alam kong may dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" muli itong sumeryoso, patuloy ito sa matiim na pagtitig sa akin.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago simulan sagutin ang tanong nito.

"Alam mo na nang iniwan kami ni Dad, pero ang hindi ko nasabi sayo ay iniwan niya kami para makasama niya ang lalaki niya, he left his family to be with a man." pagtatapat ko dito, kitang kita ko naman ang gulat sa mukha nito sa narinig.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na ilabas ang lahat ng sama ng loob na pilit kong tinatago sa dibdib ko, tahimik lang ito habang nakikinig sa lahat ng sinasabi ko, hanggang tuluyan na akong matapos.

"Alam kong mahirap at masakit ang pinagdadaanan niyo ni Tita, pero lagi mong tatandaan lagi ako nandito para sayo, hinding hindi kita iiwan." pangako nito at ramdam na ramdam ko ang sinseridad nito.

"Aw, hindi kaya kita type!" biro ko dito.

"F.U!" sigaw naman nito, at nang araw na iyon ay natanggap ko na din sa wakas si Arnold, pero kahit ganoon ay hindi ibig sabihin non ay nawala na ang galit ko sa mga bakla.

Продолжить чтение

Вам также понравится

My Beki Secretary emayachan

Любовные романы

648K 20.5K 69
a story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho...
Love And Justice miss rishel

Любовные романы

1.6K 80 44
Klent is a cute and simple young man, and a first year student of Sun University. Nathan is a handsome, cold-hearted, and the king of the school. Two...
Amidst The Vying Psyches elu 🌸🎀

Подростковая литература

604K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
STONE COLD (bxb) VeronSo

Короткий рассказ

3.8K 170 6
SHORT STORY COMPLETED VERON SO