Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

Від Sweetmagnolia

26.5M 620K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... Більше

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[35] A LOVE TO WAIT FOR

428K 12.1K 3.1K
Від Sweetmagnolia

                                ****

Tahimik na nakatayo malapit sa pintuan ng kuwarto si Alex. Nakaupo naman si Marianne sa tabi ni Blake at magkahawak- kamay ang dalawa. Tahimik ding nakaupo si Don Henry sa tabi ng kama ng apo. Lahat ay nakikinig ng mabuti sa ginagawang cross examination ni Dennis sa pasyente.

 “Anong pangalan mo?”

“Blake Marlon Monteverde.”

“How old are you?”

 “Eighteen.”

 “Occupation?”

 “Student.”

 “What year?”

 “Second year college. BS Economics in UP Diliman.”

 “Ano ang mga naalala mong ginawa mo lately in school?”

 “Well, I just took exam in philo and mathematics.”

 “Can you remember the names of your professors.”

 Pinangalanan isa-isa ni Blake ang mga propesor.

 “Ano ang huling ginawa mo before you were hospitalized?”

Napakagat sa kuko si Alex sa tanong. Kinabahan siya sa isasagot ng lalaki. Napatingin sa kanya si Blake at kumunot ang noo nito nang mapansin ang kakaibang reaksiyon niya. Muling tumingin sa doktor ang lalaki at nag-isip ng ilang saglit. Halatang hindi ito sigurado sa isasagot.

“I’m not sure but I think I was driving my car in full speed going somewhere else.”

“What are the latest emotional moments na nangyari sa buhay mo?”

Nag-isip ulit si Blake ng ilang sandali at tumingin ito kay Marianne. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ng girlfriend.

“When I broke up with Marianne last year  at nang magkabalikan kami this year.”

Tinutusok ang dibdib ni Alex sa mga naririnig ngunit sinisikap niyang magkaroon ng blangkong mukha.

 “Do you have a traumatic experience lately?”

 “No. The last time I feel traumatized was during the death of my father.”

 “Who are the closest people to you now?”

“My grandfather, Marianne, Hayden and some friends in my car racing circle….Wait is there something wrong with me now?”

Bago magsalita ay tumingin muna si Dennis sa kapatid. Tumango si Alex upang ipahiwatig na okay lang na sabihin ang problema.

“Mr. Monteverde may mga nakakalimutan kang series of events that happened to you lately at ang mga taong related dito. I guess your injury had some effects on your memory.”

Biglang nabahala si Blake sa narinig. “Like what? Like who?!”

Maliban kay Blake, lahat ay sabay-sabay na napalingon sa kinatatayuan ni Alex. Mabilis na umiling ang dalaga bilang pahiwatig na huwag banggitin sa lalaki ang tungkol sa kanya.

“Bakit napapatingin kayong lahat sa bodyguard ko?”pansin ni Blake.

“Wala may iuutos lang siguro sila sa akin. Don Henry magpapakuha ba kayo ng kape? Ikaw Marianne may ipapabili ka ba? Kayo Doc may ipapasabi ba kayo sa nurse station?” mabilis na wika ni Alex.

 Walang sumagot.

“….L-lalabas lang ako. Tatawag ako ng nurse. Malapit ng maubos yang dextrose mo.”

“Go ahead. I wonder why you have to stay in this room. This matter should be within the family only," salubong ang mga kilay na sabi ni Blake.

“Blake don’t talk to her like that!” saway ni Don Henry.

“Why? I’m just telling the truth. Hindi siya dapat nakikinig to this examination.”

Magsasalita pa sana ang matanda ngunit inunahan na ito ni Alex. “Tama po si Blake Don Henry. Sa labas na lang ho muna ako maghihintay.”

Pagkalabas ng kuwarto ay napabuntong-hininga si Alex. Dinaan niya na lamang sa tipid na ngiti ang sakit na nararamdaman. Hindi siya dapat magpadala sa emosyon dahil umpisa pa lang ito ng maraming bagay na dapat niyang tiisin.

                                                                                      ------

 “Blake has a selective amnesia,” diretsong sabi ni Dennis habang kaharap si Don Henry at Alex sa kanyang opisina.

 “Ano yan?” tanong ni Alex.

 “I told you na nagkaroon siya mismo ng damages sa kanyang utak and I fixed them. Ang nagalaw na portion ng utak niya might be the part were his forgotten memories were stored. It happened. Very seldom but still…it happens.”

“How long does it take for him to regain that memories?” tanong ni Don Henry.

Huminga ng malalim si Dennis at naaawang tumingin sa kapatid.

“Kung simpleng pagkauntog lamang or shock ang ugat ng amnesia na to then his memory has a bigger chance to return in due time….but in Blake’s case, his brain had been touched. I-I can’t give you an assurance na babalik pa ang mga alaalang iyon. There’s a hope... but a little one.”

Nanlamig ang mga kamay ni Alex sa narinig. Para siyang mauupos na kandila. Napakagat siya sa labi at napayuko upang itago ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata.

“Alex-“ nag-aalalang sambit ni Dennis na sa mga sandaling iyon ay gustong amuhin ang nasasaktang kapatid.

“Wala bang ibang solusyon? I’m willing to spend kahit magkano para lang maibalik sa normal ang apo ko.”

 “There is…He needs to have another surgery but still there is no 100 percent assurance.”

 “Wala bang ibang paraan na hindi nangangailangan ng operasyon?” tanong ulit ng matanda.

 “Shock therapy… but this is a very difficult process para kay Blake.”

Napaangat ng ulo si Alex. “Don Henry huwag niyo na pong pahirapan si Blake. Hayaan na lang ho natin siya sa kung ano siya ngayon. Wala naman hong mahalagang alaala na nawala sa kanya.”

“Alex what are you talking about? Your brother is saying that he might not remember you at all forever.”

Ngumiti ang dalaga. “Kaya ko pong tanggapin ang lahat huwag na lang ulit mahirapan si Blake. Kung maalala man niya ako pagdating ng panahon ay lubos ko itong ipagpapasalamat ngunit kung sakaling hindi na ay maluwag ko pa rin ho itong tatanggapin. Nagkaganito si Blake dahil sa akin kung kaya’t huwag ho nating isipin ang sitwasyon ko. Ang isipin natin ay ang mas madaling sitwasyon para sa apo niyo.”

 “Alex ginigive-up mo ba si Blake?” hindi makapaniwalang tanong ni Don Henry.

 “A-ayaw ko pong isuko ang nararamdaman ko para kay Blake… pe-pero kung kinakailangan ko itong gawin ay gagawin ko ho,” nanginginig ang boses at naluluhang sagot ng dalaga.

                                                                                             -------

Paglabas ng clinic ni Dennis ay seryosong nakipag-usap si Alex kay Don Henry habang naglalakad pabalik sa kuwarto ni Blake.

“Pwede ho bang ako naman ang humiling sa inyo ngayon?”

“Ano yun iha?”

“Gusto ko po sanang ilihim na lang natin kay Blake ang tungkol sa akin. Ayoko po kasing maguluhan siya lalo. Baka po kasi pag pinilit nating ipaalala sa kanya ang lahat, hindi maging maganda ang epekto nito sa kanya.”

Napatingin si Don Henry sa dalaga. Hindi siya makapaniwala kung gaano kalalim ang sakripisyong kayang gawin ng babae para sa apo.

“…Sa ngayon po kasi…si Marianne ang mahal niya. Ayoko pong lituhin ang nararamdaman niya dahil sa palagay ko rin naman ho, hangga’t hindi kusang bumabalik ang mga alaala niya hindi rin ho kusang babalik ang nararamdaman niya para sa akin. At kung dumating man ang araw na si Marianne ang babaeng tutupad sa pangako ni Blake sainyo ay maluwag ko ho itong tatanggapin….”

“…Ang pinakahihiling ko lang ho ay payagan niyo akong manatili sa tabi ni Blake. Pabayaan niyo po akong mahalin at alagaan siya sa paraang hindi siya masasaktan. Wala po akong hinihinging anumang kapalit….sa pagkakataong ito ako naman po ang magmamahal sa apo niyo.”

Napayakap si Don Henry sa dalaga.

“Alex… I never imagined na ganito ka kabuting tao.”

Yumakap din si Alex sa matanda habang palihim na tumutulo ang kanyang mga luha. Napakasakit sa dibdib ng gagawin niyang pagpaparaya ngunit mahal niya si Blake at kahit sa ganitong paraan ay gusto niyang masuklian ang pagmamahal na ipinadama din sa kanya ng lalaki.

Pagdating sa kuwarto, naabutan nila sina Marianne at Blake na masayang naglalambingan. Natigilan si Marianne pagkakita kay Alex ngunit nginitian lamang ito ng dalaga.

Naupo ulit si Alex malapit sa pintuan.

“Oo nga pala lolo. I haven’t heard yet any comments from you about my girlfriend,” bigkas ni Blake habang hinahaplo-haplos ang palad ni Marianne.

“Why? Does it really matter?”nakangiting tugon ni Don Henry subalit tumingin muna ito kay Alex bago sumagot.

“Of course I want to hear it. Your opinion matters.”

“Well… I think Marianne is pretty, intellegent and sweet,” napipilitang sagot ng matanda.

Namula si Marianne sa natanggap na mga puri. Hinigpitan ni Blake ang pagkakahawak sa kamay ng girlfriend. Masaya na sana siyang magsasalita ngunit natigilan siya nang maalalang nasa loob din si Alex.

“Woman, we have an important thing to say to my grandpa. I hope you don’t mind giving us some privacy.”

“No! She will stay!” matigas na tutol ni Don Henry. “Say what you want to say. It won’t matter kahit nakikinig si Alex.”

“Okay lang ho Don Henry. Sa labas na lang ulit ako maghihintay.” Tatayo na sana si Alex ngunit sinuway siya ng matanda.

“No just sit there!”

Napilitang manatili sa kinauupuan niya ang dalaga.

“Now what is it that you have to say?” dugtong ni Don Henry.

“Lolo are you sure it’s okay for us to talk something too personal in front of that woman?”

“Yes.”

“Okay then.” Bagamat di sang-ayon napakibit na lamang ng mga balikat si Blake. Muling sumigla ang mukha niya at umakbay sa katabing kasintahan.

“Lolo I want you to know that Marianne is the grandaughter that I’ll bring to our home soon.”

Parehong nabigla si Alex at Don Henry.

“What do you mean by that Blake?” tanong ng matanda.

“I’m going to marry her and she accepted. I explained to her our agreement and she understood everything,” diretsong sagot ni Blake.

Parang matutumba si Alex. Batid niya sa sarili na sa mga oras na iyon ay di niya kayang itago ang sakit na nararamdaman. Lumabas siya ng kuwarto nang may nanghihinang mga tuhod.

Nakita ni Marianne ang pagtayo ng dalaga at sinundan ito sa labas. Tumabi siya sa kinatatayuan ni Alex nang may seryosong mukha.

“Isn’t it funny? I feel that I’m the one stealing my own boyfriend from the other woman,” ngingisi-ngising pahayag niya. Tinaasan niya ng kilay ang kausap.

“Marianne-”

“I’m not dumb. I know everything. Blake loves you. And this whole hospital thing happened because of you.”

Hindi nakasagot si Alex.

“Don’t worry. I’m not angry anymore because as of now Blake’s heart belongs to me. And I will do everything to win him back. I did it before and I’m sure I can do it again…I’ll take this chance to steal him from you. I will make him forget everything not just the memories but also his feelings for you. I trusted you and never in my wildest imagination that you’ll end up being a thief too.”

Sa mga sandaling iyon ay tila bumabalik sa paningin ni Alex ang isang dating Marianne na nagbabanta sa kanya.

“Marianne…”

“I love him so much. And I’m hoping that you’re still the same Alex who understands and helps me with Blake.”

Ngumisi si Alex at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. “Ayokong mangako Marianne. Ayokong magsalita ng tapos dahil kagaya ngayon ni minsan ay hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang lahat. Ngunit ang masasabi ko lang ay wala kang dapat ipag-alala dahil handa akong magparaya hangga’t ikaw ang nasa puso ni Blake. Wala rin akong magagawa kung hanggang sa kadulu-duluhan ay hindi niya na ako maalala.  At kung sakali mang bumalik ang alaala niya ngunit ikaw na ang laman ng puso niya ay nakahanda pa rin akong tanggapin ang lahat”

“…Subalit kapag dumating ang araw na magbalik ang lahat-lahat kay Blake at ako pa rin ang mahal niya,… wala akong magagawa kundi ang bawiin at ipaglaban kung ano ang akin. At para sa binibintang mong pang-aagaw ko, wala akong inagaw at ninakaw sayo. Matagal na siyang akin Marianne, itinulak ko lang siya papalayo kaya pansamantala ulit siyang naging iyo.” 

Продовжити читання

Вам також сподобається

2.7M 63.7K 38
Namiss niyo ba sina Karissa at Marion ng CLASS 4-6? Ready na ba kayong makasama sila sa next level ng relationship nila? Hindi lang basta-basta re...
32K 583 41
This is a work of art. This is created from the words of unsaid thoughts, emotions and feelings. There is a story behind in every poems written. Thi...
2M 79.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
12.3M 99.3K 65
IKAW NA LANG BA ANG NBSB SA BARKADA?.. BAKIT DI MO I-TRY ANG GUMAWA NG IYONG FACEBOOK BOYFRIEND...? MAKAKAPAG PALIT KA PA NG STATUS MULA SINGLE INTO...