Hunter's Temptation

By vampiremims

27.7M 532K 75.7K

Hunter Dela Cruz, known for being the sexy beast and the brother of Thunder Dela Cruz, swore that he would ne... More

Hunter's Temptation
-
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue (REPOSTED)
HT BOOK FOR SALE

Chapter 8

490K 9.6K 892
By vampiremims

Yes. Gago si Hunter. I know. :)

--

Nasa bar ngayong gabi si Zyline habang pilit na inuubos ang isang bote ng alak sa harap niya. Nakaupo siya sa couch na nasa isa sa mga VIP rooms ng bar.

She wanted to drown herself with alcohol. Pagkatapos ng naging usapan nila ni Hunter ay dumiresto siya sa bar at uminom nang uminom. Nagtaxi lang din siya papunta dito dahil hindi naman siya nagdala ng sasakyan at basta nalang din siyang isinama ng lalaki sa Autumn's.

Nakita niyang nagriring ang cellphone niyang nasa lamesa. Kanina pa siya tinatawagan ni Bobbie. Kanina pa din niya iniignora ang tawag nito.

Nagpupuyos pa din ang damdamin niya at wala siyang gustong kausap dahil sa takot na baka maibunton niya sa mga ito ang galit na nararamdaman.

Gusto niyang sampalin ng paulit-ulit si Hunter sa sinabi nito kanina sakanya. Gusto niyang kalmutin ng kuko niya ang mukha nito. Hanggang sa may makita siyang dugo mula dito.

He likes her meaning he wants to fuck her.

Ano pa nga ba ang ieexpect niya? He's a pervert. A playboy. Natural lang na sex ang gusto ng binata sakanya.

And she hates him to bits now. Napakabastos nito.

Muli niyang nilagok ang alak na nasa baso niya. Napatingin siya sa pinto nang bumukas nalang ito pumasok si Bobbie na mukhang nag-aalala ng husto sakanya.

"What happened?" He asked her. Namumuo pa ang pawis sa noo nito habang nakatingin sakanya. She shook her head. Ayaw niyang magkwento sa kahit na sino hangga't maari.

"Come on, Zyline. What happened? Bakit ka umiinom?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sakanya.

"Nothing. I'm fine." Paiwas na sagot niya bago muling kinuha ang baso at nilagok ang laman nito. Napapikit pa siya nang muling gumuhit sa lalamunan niya ang init na hatid ng alak na iyon.

"Bigla kang nawala tapos sasabihin mong nothing? Are you fucking serious, Zyline?" Inis na tanong ni Bobbie sa kanya. Tinignan niya ito kaya muling lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "I'm just so worried about you, Zyline... what happened?" He asked again.

Zyline sighed in defeat. Bobbie's her best friend at kung sakali man, alam niyang maiintindihan siya nito.

"Hunter told me he likes me." Sagot niya na walang emosyon habang nagsasalin muli ng alak. "Meaning he wants to fuck me." Patuya niyang dagdag.

"What?" Kumunot ang noo nito. Tila nagprocess pa sa isip nito ang sinabi niya kaya nanahimik ito sandali.

Tumawa ng patuya si Zyline. "Yes, my dear Bobbie... Hunter took me and told me he wants to have sex with me." Napailing siya bago muling ininom ang alak na nasa baso.

Sa tuwing naiisip niya ang sinabi ng binata, hindi niya maiwasang mainis at masaktan.

Wala pang nakabastos ng ganoon sakanya.

Si Hunter pa lang.

"Eh gago pala talaga 'yung Hunter na 'yon, eh." Galit na sabi ni Bobbie. Hindi naman naiwasan ni Zyline na kumunot ang noo sa kaibigan dahil sa inakto nito.

"Where's that fucker? I'm gonna teach him a lesson he'll never--"

"Whoa." Hinawakan niya ang braso nito. "Ano namang laban mo kay Hunter, sis?" Sarkastikong tanong niya sa kaibigan. "Baka matulala ka pa sa kagwapuhan 'non, eh."

Alam naman niyang isa sa weakness ni Bobbie ang mga gwapong mukha. Dahil nga may pusong babae si Bobbie, imposible namang masapak nito si Hunter lalo pa kung sa paningin ni Bobbie ay isang total hunk si Hunter.

Nakita ni Zyline si Bobbie na natigilan. "Bobbie, I didn't mean that. It's just that..." she sighed.

"I understand. Don't worry. Ano nga bang magagawa ko?" He said. Isinandig ni Zyline ang ulo sa balikat ng kaibigan. "Thank you, Bobbie. For always being here for me."

Hinawakan ni Zyline ang nakakuyom na kamay nj Bobbie. Pansin na pansin niya ang pagiging malinis sa katawan nito base na rin sa kuko nitong alagang-alaga. Kung iba siguro ang sitwasyon, pareho silang may kulay ang kuko pero alam naman niyang hindi gagawin ni Bobbie iyon dahil sa tatay nito.

Kung titignan si Bobbie'y hindi mo talaga aakalain na binabae ito.

"I will always be here for you, Zyline." He said. Hinawakan din nito ang kamay niya at marahang pinisil. Kahit papaano ay gumaan ang loob ni Zyline dahil sa ginawa ng kaibigan.

Si Bobbie na din ang naghatid sakanya pauwi kinalaunan. She even asked him to stay because it's already late but he refused. Nakakatawa man ang dahilan nito na hindi magandang matulog ito sa pad niya dahil lalaki ito at babae siya, nag-oo nalang siya. As if naman gagalawin siya ni Bobbie. Baka pandirihan lang siya nito dahil hindi naman babae ang tipo nito.

Kinabukasan, pilit niyang iwinaksi ang lahat ng tungkol kay Hunter at nagconcentrate nalang sa pag-aayos ng designs ng condo ng kapatid nito. Halos okay na ang designs niya para sa living room, dining room at maging ang kitchen dahil binago niyang lahat ang nakaraang design niya dahil sa pakikialam ni Hunter. Ibinase niyang muli ang lahat sa kagustuhan ni Mika. Modern ang designs at maging ang mga furnitures na kukunin niya.

"Ugh! I need to go out!" Naiinis na sabi niya sabay hawak sa magkabilang sentido. Nasa isip niya ang ideas pero hindi niya makuha ang gusto niya. Hindi niya maayos ang gusto niya.

Dala ang pad niya'y inayos niya ang sarili at gamit niya. Cellphone at purse lang din ang dala niya. Matapos magmake-up ng light at maglipstick ng pula ay lumabas na siya.

Naisipan niyang sa SD maghanap ng inspirasyon. Alam kasi ni Zyline na madalas si Mika dito. Maybe, kung nandito siya at makakakita siya ng mga bagay na gusto at kunektado sa kliyente niya, makakapag-isip siya ng maayos.

Matapos iparada ang sasakyan sa parking lot ay agad siyang pumasok sa loob. Sinalubong naman agad siya ni Cristine at Stephanie.

"Oh, naligaw ka?" Nakangiting bati ni Cristine sakanya matapos makipag-beso.

"Yeah." She sighed. "I need to have some sweets now. Nakakabitter ang mga tao sa paligid ko, eh." Sagot ko.

Bigla namang tumawa si Steph. "Tamang-tama! You should try our new product! Sabi ni Heaven masarap daw. Ayaw lang niya sa pangalan, pero 'yun ang pinangalan namin, eh." Steph smiled at Cristine. Si Cristine naman ay iginiya ako papunta sa upuan na para sa amin lang.

Kumunot naman ang noo ko. May habit kasi ang dalawang ito na pangalanan ang mga cakes, cupcakes at iba pang products nila gamit ang pangalan ng mga nasa paligid nila.

Ang hindi niya makalimutan sa products ng mga ito ay 'yong kay Thunder.

Kinky Krinkles ni Kulog.

"Cristine, samahan mo muna si Zyline. Kukuha ako ng cookies." Ani Steph sa kaibigan bago sila iniwan. Umupo naman sa tapat niya si Cristine at nakipagkwentuhan.

"Oh, so ikaw pala ang nagdedesign ng condo ni Michie. That's good. Kesa naman sa iba pa. Eh mas kilala mo naman siya and besides, kahit anong strawberry naman ang design, okay 'don!" Nakangiting sabi nito sakanya. Tinignan din nito ang ibang designs na nagawa niya at wala itong ibang sinabi kundi maganda. Hindi maiwasan ni Zyline na mapangiti na rin.

"Yeah, that's why I'm here, too. Gusto kong makakita ng bagay na connected kay Mika. Parang channeling my ideas to that certain thing para mas magawa ko ng maayos ang trabaho ko."

Nilingon niya ang mga pictures na naka-sabit sa loob ng bakeshop at tinignan ang mga pictures ni Mika na naroon. Hindi naman sinasadyang napadako ang mata niya sa picture ni Hunter na solo habang may hawak na isang cookie.

Hindi niya napigilang mapaismid.

Mukha lang matino si Hunter pero hindi!

Dumating naman si Steph na may dalang cookies at watermelon shake na agad nitong inilagay sa harap niya.

"Come on, you should try this na!" Excited na sabi ni Cristine. Natawa naman si Zyline. Kumuha nalang siya ng isang piraso na kulay pink at kinagat. Napangiti siya. "Masarap." Ani niya sa magkaibigan na tuwang tuwa.

"See! I told you, magugustuhan niya ang Hunter's!" Masiglang sabi ni Cristine kay Steph.

Natigilan naman siya.

Hunter's?

"What was that? A-anong name ng cookies na 'to?" Tanong niya sa dalawang babaeng nasa harap.

"Hunter's choco coated desire cookie!" Sagot ni Steph. "And that's strawberry flavor. Oh, diba, connected kay Mika!" Dagdag ni Cristine.

Gustong magmura ni Zyline dahil sa nangyayari.

Connected nga.

Talaga bang hindi pwedeng walang Hunter na manggugulo sa isip niya?

Naiinis pa din siya sa ginawa at sinabi nito. At nandito siya para kalimutan si Hunter at i-focus ang sarili sa mga dapat gawin pero sa hindi naman maipaliwanag na dahilan, sa dami ng pwedeng makain, si Hunter pa?

Ang ibig niyang sabihin ay, sa dami ng pwedeng ibigay sakanya, bakit kailangan ang pagkaing ipinangalan kay Hunter?

Mas matatanggap pa niya ng buong puso ang Kinky Krinkles ni Kulog kapag ganito, eh.

"May problema ba? May after taste? Naging bitter? Ano?" Nag-aalalang tanong ni Stephanie sakanya.

"May mali ba sa coating?" Tanong naman ni Cristine.

"Ha?" Napatingin siya sa dalawa. "Wala. Masarap kasi talaga. Natigilan ako." Ngumiti siya para hindi mahalata ng dalawa ang pait na naiisip niya. Hindi sa pagkain. Kundi sa taong kapangalan ng masarap na cookie na ito.

"Buti nalang talaga nagustuhan mo!" Ani Stephanie sa akin.

"Ayan na pala si Hunter, eh!" Ani naman ni Cristine na tumingin sa likuran niya. Agad naman siyang lumingon at nakita nga si Hunter na naroon sa loob at kapapasok lang nito.

Nakasuot ito ng cap at white shirt.

"Hunter!" Tawag ni Cristine dito kaya naman lumingon ito sa direksyon nila. Nagtama naman ang mga mata nila. Nakita niya ang intensidad ng titig nito sakanya.

Buo ang loob niyang hinarap ito. Wala naman siyang dapat ikatakot. Kung tutuusin ay ito pa ang dapat mahiya sa inakto nito sakanya. Sa sinabi nito sakanya.

Pero sadyang may kung ano sa tingin ni Hunter ang nagpatiklop sakanya kaya siya ang unang nagbawi ng tingin at tumalikod.

Mali pa ata ang naging desisyon ni Zyline na magpunta dito sa sapantaha niya. Mas mainam pa yatang nanatili nalang siya sa unit niya at hindi nag-abalang lumabas.

"Hey, Hunter..." bati ni Steph sa binata nang lumapit ito sakanila. Nakipagbeso rin ito sa binata. Maging si Cristine ay iyon ang ginawa.

At wala siyang kabalak-balak gawin iyon!

"Good thing's you're here. Since Zyline needs help sa condo ng sister mo. Maybe you could help her." Ani Cristine kay Hunter bago lumingon sakanya. "Right, Zyline?" Tanong pa nito sakanya.

Iniwasan niyang tumingin sa dalaga. "No need, actually. Kaya ko naman na 'to at--"

"That's fine with me. Wala naman akong gagawin ngayon." Putol ni Hunter sa sinasabi niya. "Maganda ngang mag-usap kami ni Zyline."

Kahit hindi siya lumingon ay nararamdaman niya ang ngiti ni Hunter. At gusto niyang tusukin ng lapis na hawak-hawak niya ang binata. Sa mata para masaya!

"Great! Iwan muna namin kayo, ha? Papadalhan nalang namin kayo ng makakain. Don't worry, si Blue at Thunder ang sisingilin namin." Pagbibiro ni Cristine bago tuluyang umalis.

Hindi naman naiwasan ni Zyline na mas mayamot.

She's looking for things na connected kay Mika para magawa niya ng maganda at maayos ang trabaho niya... yet, ang pinakamalapit na koneksyon ang nandito sa mismong harap niya.

Ang kapatid nitong nakakabwisit.

Nakita niyang umupo si Hunter sa silyang inabandona ni Cristine. Nararamdaman din niya ang tingin nito sakanya pero hindi siya nag-abalang mag-angat mg tingin.

Pinilit niya ang sariling ituring na tila hangin si Hunter. Hindi niya nakikita pero damang-dama naman niya.

"Binago mo ang designs mo?" He asked. Hindi siya kumibo. Para naman malaman ng binata ang kasalanan nito.

Hindi naman pwedeng matapos siyang gawan ng katarantaduhan nito'y okay lang ang lahat. Lahat ng nambastos sakanya, kinalimutan na niya.

Sa klase ng trabaho niya bilang modelo noon, hindi iilang beses siyang nakarinig ng pasaring ukol sa bagay na iyon. Pero never pa ang katulad ng ginawa ni Hunter.

"Bakit mo binabago? Was it because I changed it?" Tanong nitong muli sakanya pero hindi niya pa rin ito pinansin. Nakatingin lang siya sa pad kung saan pinipilit niyang halukayin ang ideas niya para may magawa siya.

"Zyline." He called her.

Hindi pa rin siya nag-angat ng tingin sa binata. Hindi man siya manalo ng titigan dito, mananalo siya sa pandededma.

Manigas ka diyan!

"Fuck. I'm sorry, okay? What happened last night... I didn't mean it."

Natigilan ang kamay niya sa pagguhit dahil sa sinabi ng kaharap.

Nagso-sorry ito?

"I admit. I lost control. But that's me. I'm straightforward and I don't sugarcoat things. Hindi ako nagpapaasa ng babae. Sa simula pa lang, sinasabi ko na ang gusto ko."

Ibinaba ni Zyline ang hawak na lapis bago nag-angat ng tingin kay Hunter. "And that is sex?" She raised one of her perfectly plucked eyebrow on him.

He looked at her. "Yes." He said.

"Marami kang babae, Hunter. At huwag mong sabihing hindi ka nagpapaasa ng babae. Hindi ako maniniwala. You're a beast. Lahat ng mapapadikit sa'yo, napapahamak. I don't want to involved myself sa magulong buhay mo."

Para namang gusto niyang bawiin ang sinabi niya nang makita niyang tila nasaktan ito sa mga nabitiwan niyang salita. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi siya dapat magpaapekto ng husto. Naaapektuhan na siya ng binata. Hindi na niya dapat nilulubog pa ang sarili dahil alam niyang siya lang ang mahihirapan umahon.

Mas madaling ma-in love kaysa magmove-on.

"Let's just be civil. Kapatid ka ni Mika. She's my friend and my client. Ikaw ang kausap ko sa project na 'to kaya please, huwag mo ng pahirapan ang sitwasyon. Huwag mo akong landiin." Huminga siya ng malalim bago tumingin ulit sa binata.

Ngumiti naman si Hunter sakanya. Ngiting tila hindi ito kumbinsido sa sinasabi niya.

"Marami akong babae, oo. Pero hindi lahat sila sinabihan ko ng gusto ko sila." Ani Hunter habang matiim na nakatitig sakanya.

"Be civil? I can do that." He smirked again. "Don't flirt with you? Hindi pa nga ako nagsisimula. Paano mo naman naisip na nilalandi kita?"

"Hunter, please lang. Wala akong planong makasama ka sa kama. Sinabi kong gusto kita pero wala akong plano sa ganoon. Kaya tigilan mo ako."

Damang dama ni Zyline ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Maging ang kakaibang init ay nararamdaman din niya.

Itinukod ni Hunter ang magkabilang siko sa mesa at tinignan siya habang may naglalarong ngiti sa mga labi nito. Hindi naman niya naiwasang mapapitlag nang maramdaman niya ang paghawak ni Hunter sa kamay niyang nasa lamesa din.

"Your body's saying otherwise, my lady." He said huskily.

"Be civil? Yeah, sure." He smiled again, showing off his white ser of teeth. "Just prepare yourself. Baka kailanganin mong tatagan ang kontrol mo kapag nasa malapit ako."

"Bitawan mo nga ako." Hinila niya ang kamay kasabay ng pagtawa ni Hunter.

Hindi niya mapigilang mapamura ng mahina. Lahat nalang ba ng tungkol sa lalaking ito, sexy?! Pati pagtawa?

"I'm still breaking that damn rule, De Guzman. I want you. And soon enough, I know I'll have you." Tumayo na ito at akala ni Zyline ay aalis na ito pero nagulat siya nang pumuwesto sa likod niya si Hunter.

Nagtaasan ang balahibo niya nang maramdaman ang labi nito sa tenga niya.

"Mind pulling that shirt up? I like what I am seeing but that cleavage's turning me on big time. Baka mawalan ulit ako ng kontrol." Bulong nito sakanya sa malalim na boses.

Wala naman sa loob niyang napahawak siya sa damit at itinaas ito.

"I have to go. I'll see you later, my lady."

Mas lalo naman siyang hindi nakagalaw ng dumampi ang labi ni Hunter sa pisngi niya.

Napalingon siya dito at nakita niyang kausap na ito ni Steph at tila nagpapaalam na. He looked at her again. Ngumisi naman ito sakanya bago sumaludo at lumabas na.

Hindi man lang siya nakapagsalita!

At hindi niya alam kung bakit pero iba ang nararamdaman niya sa ginawang paghalik ng binata.

Napatingin siya sa cellphone na nasa lamesa nang may magtext dito.

From: Hunter Dela Cruz

Let's have dinner. I'll behave. Well, I'll try. ;)

Ito ba ang sinasabi nitong see you later?

Nag-aaya ito ng date?

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 220K 33
Hermes Atlas Consunji is the ruthless among all. He was proud of it. He didn't care. What he wants he gets but his life became a little bit lighter w...
18.2K 108 1
The Monasterios Random Scenes
5.1M 104K 27
Once upon a time is only applicable in fairy tales and princesses. Aura never believed in those but when life gets the best of her, she started hopin...
Broken Arrow By Cher

General Fiction

3M 114K 23
Si Mia Cara ang pinakaimportanteng kayamanan ni Mariah Rojas. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang anak. She is ready to endure pain just to ma...