I am the Tutor of Mr. Arrogan...

By SheWritesLove26

120K 1.8K 154

"I used to be confident, then you came and it's gone." Rio Jed Nolasco only knows one place to stay- at the t... More

I am the Tutor of Mr. Arrogant
-Prologue-
Lesson Number One -Miss Rank Number One-
Lesson Number Two -A Match Made in Heaven or in Hell?-
Lesson Number Three -Lesson Plan-
Lesson Number Four -Teach him to be patient.-
Lesson Number Five -Teach him to be helpful.-
Lesson Number Six -Teach him to be generous.-
Lesson Number Seven -Scrambled Feelings-
Lesson Number Eight -Teach Mr. Arrogant to be thankful.-
Lesson Number Eight - 2
Lesson Number Ten -A Night With Mister Arrogant-
Lesson Number Ten - 2
Lesson Number Eleven -The Crazy Fans-
Lesson Number Twelve -Accident and Goodbye-
Lesson Number Thirteen -Friends or Foes?-
Lesson Number Fourteen -Teach him to persevere.-
Lesson Number Sixteen -Learn to forgive.-
Lesson Number Sixteen-2
Lesson Number Seventeen -The Greatest Lesson-
Lesson Number Seventeen - 2
Lesson Number Eighteen
Lesson Number Eighteen- 2
Lesson Number Nineteen
Lesson Number Nineteen -2
Lesson Number Nineteen- 3
Lesson Number Twenty
Lesson Number Twenty One
Lesson Number Twenty One -2
Lesson Number Twenty Two
Lesson Number Twenty Two - 2
Lesson Number Twenty three
-Epilogue-
Bonus Chapter

Lesson Number Nine -She's Special-

3.8K 72 5
By SheWritesLove26

Lesson Number Nine

-She's Special-

"ANG TAGAL naman ni First, nasaan na naman ba ang taong iyon?" reklamo ni Hero na kanina pa naghihintay sa loob ng Headquarters. May usapan kasi ang Cool Knights na gigimik sila after ng semi-final exams. Pupunta sila sa Unknown Bar, ang sikat na bar kung saan tumutugtog ang bandang "Hero Zone" kung saan vocalist si Hero. "May rehearsal pa ako."  

"Nasaan pa ba ang isang iyon? Malamang kasama na naman ni Miss Rank Number One." Sagot ni Spade na minsan lang sumali sa usapan ng barkada at minsan lang din gumimik. Himala nga! Ano kayang nakain ni Spade at bigla na lamang nakisali?

"Akala ko ba pahihirapan niya si Monica, eh, bakit mukhang smitten na siya roon?" tanong pa ni Hero na talagang naiinip na, makailang ulit na nga nitong sinipat ang suot na relong pang-bisig. 

"Who knows." Spade shrugged at saka tumayo mula sa inuupuang couch. "I am out for a walk. See you later." Sabi pa nito saka tuluyang umalis ng HQ. Mayamaya pa'y pumasok sa loob ng HQ si Hermione kasama si Ace na naka-akbay pa rito. At nagtatawanan ang dalawa. Ano kayang pinag-uusapan nila? 

"What's with the face, Kuya?" tanong ni Hermione saka umupo sa tabi ni Hero. "Where's Rio?" 

"Ouch, Bebz! Nandito ako tapos si Rio na naman ang hinahanap mo. Ouch!" umaarteng nakahawak pa sa dibdib na sabi ni Ace saka ito sumalampak ng upo sa sofa na katapat ni Hero. Pabiro naman itong inirapan ni Hermione. 

"Mukha kang tanga, Ace." Nakakunot ang noong sabi ni Hero saka binato ng throw pillow si Ace. Maloko at happy-go-lucky si Hero pero kapag music na ang pinag-uusapan. Humanda ka na dahil makikilala mo ang pinakaseryosong Hero ever. 

"Why don't you go ahead na lang kaya, Kuya? We will wait for Rio na lang here." Suggestion ni Hermione na kuntodo magpacute. Excited siya, hindi lang masiyadong ipinapahalata. When was the last time ba na gumimik siya with the cool knights? Masiyadong matagal na rin, excited siyang makasama ulit si Rio. Even Wicked witches do fall and they are also aiming for their own happy-ever-after story. 

"Ouch, Hermionebebz! Ilang beses mo ba akong sasaktan?" muling biro ng playboy na si Ace. Hindi naman talaga seryoso si Ace, nakasanayan na lang nila iyon, bilang pang-asar na rin, close kasi sina Ace at Hermione samantalang enemies naman sila ng kambal ni Ace na si Spade. 

"Ikaw? Masasaktan? Ikaw nga itong mahilig manakit. Ilang babae pa bang taga labas ng BIA ang paiiyakin mo? Nakakapagod magpanggap ng syota mo, ano." muling irap ni Hermione saka kinalkal ang kanyang purse para magmake-up. Aba! Kasama niya ang cool knights sa isang sikat na bar, hindi naman puwedeng magmukha siyang dugyot. 

"Ewan ko sa inyong dalawa! Diyan na nga kayo. Una na lang ako sa unknown." Saka tumayo si Hero at binitbit ang gitara. 

"Sige tol." Sabi ni Ace bago tuluyang makaalis si Hero. 

...♥...

"BAKIT ngayon ka lang?"  tanong ni Hermione sa kadarating na si Rio. Umusod ito ng konti para paupuin siya. 

"May ginawa lang," sagot ni Rio saka umupo.  

"Kumusta, pare, naka-score ka na ba?" naka-ngising tanong ni Ace saka inakbayan si Rio. 

"Ulol!" sagot ni Rio saka uminom ng inorder niyang alak. Hindi naman niya mapigilang ngumiti.

"Ngumingiti ka na namang mag-isa. Takte, pare! Malala na iyan! Ipagamot ka na kaya namin sa albularyo." Gatong pa ni Ace. Binatukan na lang niya ito at tinapunan ng masamang tingin. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nitong kabalbalan noong nagdaan.

"Seriously, Rio, tell me... What's with Miss Rank Number One at hindi mawala ang ngiti sa labi mo?" tanong ni Hero na katatapos lang kumanta. Dumeretso kaagad ito sa table ng Cool Knights. 

"She's...." saglit na tumahimik si Rio at bahagyang ngumiti. "Special." 

...♥...

"BAKIT ba kasi kailangan ko pang sumama  roon?" reklamo ni Monica sa pinsan niyang si Cara. Kadarating lang nito galing sa tour at may blind date daw ito. Pinipilit pa nito si Monica na sumama para kung sakali na hindi nito gusto ang ime-meet ay madali na ang tumakas.

"Minsan lang naman, Ate Monica. Masiyado ka nang subsob sa libro mo. Hindi ka ba nasu-suffocate? Try mo ring gumimik kapag may time." Pangungumbinsi pa rin ni Cara sabay kaladkad kay Monica papasok ng kotse. 

"Sige na nga! Ngayon lang ito, ah. Hindi na mauulit. Para may kasama ka na rin. Konsensiya ko pa kung mapahamak ka." Nakasimangot na sagot ni Monica bago pumasok sa loob ng kotse. 

"Yey! I love you talaga, Ate Monica. Saka, last night mo na sa bahay bukas, hindi pa tayo nakakapagbonding." Nakangusong sabi ni Cara habang kinakalkal ang make-up kit.  

"Paano, lagi kang nasa tour." 

"Eh, ikaw naman laging nasa tutorial session." 

Isang tourism student si Cara at magkasing-edad lang sila ni Monica pero dahil gusto nito ng ate ay iyon  ang tawag sa kanya nito. Maganda si Cara, matangkad at may mahabang buhok. Asset nito ang singkit nitong mata at matangos na ilong. 

"Heh! Huwag mo ngang ipaalala iyang tutorial session na iyan. Sumasama ang ihip ng hangin." Nakabusangot na sagot ni Monica. Naalala na naman niya ang pagiging mukhang baliw na basang sisiw niya dahil sa malaking teddy bear para sa thank you. Disappointed pa rin siya dahil sa thank you!  

Teka! Kailan pa naging disappointing ang makatanggap ng token of gratitude? 

"Ay sus! Baka naman na-iinlove ka na roon sa tutee mo at ganiyan ang mukha mo.  Si Ate Monica, dalaga na!" parang batang tinutukso siya nito.

"Heh! Wag ka ngang mang-asar. Hindi kita sasamahan sa date mo, sige ka!" banta pa ni Monica kaya na nanahimik na lang si Cara. 

...♥...

"SERIOUSLY, Rio, tell me. What's with Miss Rank Number One at hindi mawala ang ngiti sa labi mo?" iyon ang unang bagay na narinig ni Monica pagkapasok niya sa loob ng Unknown Bar. Hindi niya alam kung bakit pero ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Puso! Kumalma ka nga! Para kang timang!" bulong ni Monica sa hangin.  

"She's...." narinig ni Monica ang boses ni Rio. Hindi siya maaaring magkamali. Alam niyang boses iyon ni Rio. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos ay palagi silang magkasama, imposibleng hindi niya marecognize ang boses ni Freak. At sa hindi malamang dahilan ay mas bumilis ang tibok ng puso niya. 

Napeste na! Bad for the health talaga ang isang Rio Jed Nolasco. 

"Ate Monica, let's go." Hinatak ni Cara si Monica papunta sa table kung nasaan ang ka-blind date nito pero napako pa rin siya sa kinatatayuan. At hinihintay niyang muling magsalita si Freak. Ewan ba niya pero parang may nagririgodon sa tiyan niya at ang paa niya ay naka-super glue na sa sahig. 

"Ate! Yuhooo.." Cara sotto-voiced as she tried to catch Monica's attention pero mukhang wala sa sarili ang pinsan. 

"Mauna ka na, susunod na lang ako." Halos pabulong na sabi ni Monica na napako ang paningin sa isang table sa loob ng Unknown Bar. Napangisi si Cara nang makita kung saan nakatingin ang pinsan. 

"Oh... I see. Sige, ate, catch you later." Saka umalis si Cara. 

"Special." 

BOOM! 

Special? Ano'ng klaseng Special? Special Ensaymada? Special Mamon? Special Lomi?  

Umiling si Monica. Kung ano-anong kabaliwan ang pumapasok sa isip niya. hindi na niya nagawa pang umalis sa puwestong iyon. Naramdaman na lamang niya ang panghihina ng kanyang tuhod. Rio Jed "Freaking" Nolasco said she's special. Parang may fireworks sa loob ng kanyang tiyan.

"She's loud. Palaging nakangisi, palaging nang-aasar. Wala nang ginawa kundi bigyan ako ng mahirap na problems. Palaging pinepeste ang buhay ko. Ang kulit-kulit. Parang parrot, maingay at paulit-ulit. In short, isa siyang special child." 

BAM! Hindi lang ito bad for the health. Bad for the heart din. Nawala ang mga mga paru-parong nag-iingay sa kanyang tiyan, tila nagluluksa sa sinabi ni Rio. Nakadama siya ng inis.

"Special Child pala, ah." Hindi namalayan ni Monica na medyo napalakas ang pagkakasabi niya niyon na dahilan para lumingon ang mga medyo malapit sa kanya, including ang nasa table nila Rio. 

Tumalikod na si Monica at naglakad palabas ng Unknown Bar. Alas-siete pa lang naman. Pupunta na lang siya sa BIA, may night-pass naman siya sa school dahil isa siyang athlete. Pesteng Rio Jed Nolasco iyan! Isa talaga siyang malaking Freak! 

Kaya ba siya binigyan ni Freak ng malaking teddy bear dahil ang tingin sa kanya nito ay isang SPECIAL CHILD?!

"Walang kuwenta ka talaga, Freak! Akala ko pa naman mabait ka na!" maktol ni Monica habang naglalakad papunta sa Bridgerton International Academy. Inis na inis talaga siya. Kung puwede nga lang niyang sapakin si Rio nang mga sandaling iyon ay nagawa na niya.

 "Siya kaya ang special child kasi autistic siya!" dagdag pa niya habang sinisipa ang nakakalat na softdrinks in can sa daan. "Freak na autistic!"

 "Ow!" napalakas ang sipa ni Monica sa pobreng lata ng coke. Parang soccer ball lang na tumama sa goal, ang kaibahan nga lang, imbes na net ay tao ang natamaan niya. Kapag minamalas ka nga naman!

...♥...

"ARAY! Bitiwan mo nga ako!" Makailang ulit na singhal ni Monica habang pilit na tinatanggal ang kamay na mahigpit na nakahawak sa pala-pulsuhan niya. Tiningnan lamang siya ng masama ng taong kumakaladkad sa kanya at dere-deretso lamang siya nitong hinahatak papunta sa kung saan man.

 "Let go of me!" Pagpupumiglas pa rin ni Monica. Hatakan day ba? Kanina lang ay si Cara ang humahatak sa kanya.

 "A-YO-KO!" the guy shouted emphasizing every syllable. Ang lalaking iyon din ang naging biktima ng lumilipad na coke in can-este- sinipa ni Monica. Sapul sa mukha nito.

 "Kapag hindi mo ako binitiwan, hindi lang lata ng coke ang dadampi diyan sa labi mo!" pagbabanta ni Monica habang nagpupumiglas pero mas humigpit lang ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki.

  Saglit itong huminto at hinigit si Monica. Nagkadikit ang kanilang katawan. Unti-unti nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Ramdam niya ang mabilis na ritmo ng kanyang dibdib. Bahagyang ngumiti ang lalaki.

 "Labi mo naman ba ang lalapat sa labi ko?" he said in an undertone that surprised both of them. Namilog ang mga mata ni Monica dahil sa shock na sinabi ng lalaki. Bahagyang naka-awang ang kanyang mga labi at pilit na dina-digest ng utak niya ang sinabi nito.

 Natigilan si Monica, maging ang lalaking kasama niya. Nakatingin lang sila sa isa't isa. Parehong nagtatanong ang mga mata.

 Walang nagawa si Monica kundi ang tingnan na lamang ang mga abong mata nito, parang nanghihigop ang mga titig nito. Parang ang lalim na hindi niya mahukay.

Hindi mawari ni Monica kung bakit pero ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Nagiging weird yata ang heart beat niya lately. Parang laging tumatalon sa trampoline. Dapat na ba siyang magpatingin sa cardiologist?

 "Monica..." mahinahong pagbanggit ng lalaki sa pangalan niya. Hindi ma-decipher ni Monica ang emosyon sa tono ng boses nito, pero isa lang ang pumasok sa isip niya— na ang sarap lang pakinggan kapag binabanggit nito ang pangalan niya.

Naramdaman niya ang palad nito na nakahawak sa kanyang pisngi. "Nicz,"

 Nicz?

 Muling nabalik ang ulirat ni Monica kasabay ng mas mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib. Anak ng kulugo! Ang lapit-lapit nila sa isa't isa. Parang gahibla na lamang ang layo nila.

 "Ito  ang halikan mo!" singhal niya sabay lapat ng kanyang sa may gilid ng labi nito dahilan para mabitiwan siya nito at magkaroon ng distansiya sa pagitan nila.

 "Autistic ka talaga, Freak!" sigaw pa niya saka sinipa sa binti si Rio at sa sobrang lakas ng impact ay napaupo ito sa kalsada.

 Nakalimutan yata ni Rio na black belter si Monica?

 Freak! I freaking hate you!" sigaw pa ni Monica saka mabilis at padabog na tumakbo palayo kay Rio.

Napahawak na lamang si Monica sa dibdib niya nang marating ang tarangkahan ng Bridgerton International Academy.

...♥...

 

Continue Reading

You'll Also Like

16K 172 46
Isang babaeng nag hangad ng pagibig mula sa pamilya Nita ngunit hangang saan Niya kakayanin Ang NG yayari sa buhay Nita Subay bayan Ang story NG kany...
801 55 22
I'm inlove with a criminal. This type of love isn't rational. [ Story of Claiden and Yanna ] All Rights Reserved ©2024 ***** Cover made by @Animoons ...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
18.3K 69 7
Istorya ng 5 magkakaibigan, kanilang tagumpay, kabiguan, pamilya, pagkakaibigan, pag-ibig, at mga kuwentong nagtatago sa loob ng kanilang mga kwarto.