Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 68 : COLLIDE

25.2K 928 359
By Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : JECEL ILUSTRISIMO

CHAPTER 68 : COLLIDE

Terminated lahat ng cards ko. Even my personal fund. Ang natitirang pera ko ay ang sarili kong ipon. Perang naipon ko simula nang magtrabaho ako at tumulong kay Dad sa mga business namin. Sigurado akong hindi magkakasya 'yon kung do'n ko iaasa ang pananatili ko rito sa New Zealand.

Hindi ko inasahang ito ang magiging kapalit ng pagsuway ko kay Dad. Parang gusto ko magrebelde pero ayokong pasamain lalo ang loob niya. Hindi ko alam kung gaano na kalaki ang naiwang problema sa business namin. Pinagpasalamat ko na lang na summer kaya wala pang pasok sa academy. Natitiyak kong kung may problema man sa school, hindi iyon malaki at madaling resolbahan agad.

Siguro ay talagang nasagad ko ang pasensya ni Dad. Nakakasama ng loob ang ganti niya pero hindi ko siya kayang kwestyunin. Alam kong nagpabaya ako at naging iresponsable. Hindi ko na-handle nang maayos ang mga bagay na pinagkatiwala niya sa akin.

I never wanted this to happen but this is where my choices led me. Kailangan ko panindigan. Nakapili na ako. I chose to stay here in NZ para maayos ang lumalabong relasyon namin ni Rhea.

"It's already June. Ba't hindi ka pa umuwi? Wala kang mapapala rito."

Sobrang lamig ng pagkakasabi ni Rhea nang mga salitang 'yon. Yumuko na lang ako para hindi niya makitang nasaktan ako. Ramdam na ramdam ko ang nagyeyelong lamig mula sa kanya pero nagawa kong magtiis. Kung hindi ko iindihan, mawawalan ng saysay lahat ng desisyon ko.

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong maisasagot na maayos. Ang alam ko lang ay mananatili ako hangga't hindi pa kami nagkakalinawan.

Ilang beses niya na akong tinaboy pero hindi ko nagawang umalis. Minsan, tahasan. Masakit pag sinasabi niya pero mas matindi ang sakit pag pinaparamdam niyang wala na siyang pakialam sa presensya ko. Pero kahit gano'n, hindi ko magawang bumitaw. Mas lalo lang akong nagpursigi na sundan siya, mag-effort hangga't kaya pa. Umaasang lalambot ang puso niya.

"Beh, magpapart time ako rito." Sumapit ang July at hindi na talaga ako nakabalik sa Pilipinas. Sigurado akong tapos na ang enrollment at imposibleng makahabol pa. Kung mananatili ako rito, kailangan ko magtrabaho dahil pag inasa ko ang gastusin ko sa sarili kong ipon, madaling mauubos 'yon. So, my first plan is to work.

Lumingon siya sa akin nang nakakunot ang noo. "Why?"

"Gusto ko lang na nandito ako." Pride ko na lang bilang lalaki ang natitira. Hindi ko kayang ipaalam sa kanya na hindi malaki ang perang natira sa akin. Hindi ko rin kayang ipaalam sa kanya na may gusot kaming dalawa ni Dad dahil sigurado akong maspipilitin miya akong bumalik sa Pilipinas. Ayokong manyari 'yon.

"Hindi ka mag-aaral?" Maang niyang tanong.

Huminga ako nang malalim at umiwas ng tingin. "Mas mahalaga ka pa rin sa akin."

Bumaling din siya sa ibang direksyon. "Umuwi ka na."

Tatlong salita lang 'yon pero pakiramdam ko ay tatlong patalim 'yon na sagarang bumabaon sa katawan ko. Hindi ko talaga gustong umalis at iwan siya gaano man karesonable ang dahilan nang pagpilit nilang bumalik ako sa Pilipinas. Ayokong biguin siya pero mas ayokong dumating sa punto na tuluyan siyang mawala.

"Ayoko." Nagmamatigas pa rin ako.

"Umuwi ka na sabi!" Nahimigan ko ang galit at iritasyon sa boses niya. "Para sayo 'yon! Hindi para sa akin."

Hindi ako umimik sa loob ng mahabang sandali. Wala akong masabi pabalik. Pagod na ako mangatwiran. Napapagod na ang tainga ko sa pakikinig sa panunumbat at pagtataboy niya pero hindi ko mapilit ang sarili ko na umalis at iwan siya. Okay na ako sa ganito. Sa ngayon. . .

"Gusto ko lang makabawi." Sagot ko paglipas ng ilang segundo.

Mailap pa rin siya sa akin pero sa paglipas ng ilang linggo, nagagawa ko na lumapit nang lumapit. Nahahawakan ko na ang kamay niya. Hindi na kasing higpit ng dati ang pagkakahawak niya sa kamay ko at madalas ay nararamdaman kong ayaw niya hawakan 'yon pabalik. Pero pinipilit ko higpitan ang hawak ko sa kanya para hindi siya bumitaw.

That scene perfectly describes our current status. Parang gano'n ang relasyon namin. May pagkakataong ramdam na ramdam kong gusto na niya bumitaw pero pinipilit ko pa rin kumapit. Lumalaban pa rin ako kahit minsan ay pakiramdam ko, salita na lang ang kulang para tuluyan kaming magkahiwalay.

"Nakahanap na ako ng work. Malapit lang sa school mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tinapunan niya lang ako nang tingin at saka siya tumango. Wala siyang sinabi.

Parang malulusaw na ang ngiti ko pero pinanatili ko 'yon. Ayos lang. Okay lang ako sa ganito. Basta kasama ko siya, okay lang. Kahit malamig. Kahit hindi na siya ngungiti pabalik. Kahit hindi na siya makatingin sa akin. Ayos lang. Ayos lang. Kaya ko pa.

Nagtrabaho ako bilang tutor sa isang tutorial center na para sa mga grades schooler. Hindi sapat 'yon kaya nag-part time rin ako sa isang maliit na kompanya bilang clerk. Hindi ko na inisip kung gaano kahirap ang trabaho. Ang gusto ko lang ay magtagal pa rito nang may pantustos ako sa sarili ko. Hindi ko kayang umasa sa ibang tao. Lalong-lalo na sa mga Marval.

Rhea is still clueless, pero may pakiramdam akong alam ni Kuya Rex ang tungkol ro'n.

"Nagtatrabaho ka na?" Maingat niyang tanong.

Tumango ako. "Wala naman akong ginagawa. Baka next year pa ako umuwi sa Pilipinas."

Tinitigan niya ako nang matagal. "Ba't ka nagtitiis rito? Hindi ka nakaranas ng ganyang trabaho-"

Pinutol ko kaagad ang anumang sasabihin niya. "Tutor ang pinasok kong trabaho. Education ang course ko kaya hindi naman mahirap. Background ko na rin 'to pag nakabalik na ako sa Pilipinas."

Napailing siya. "I know you're better than that. Sigurado akong hindi 'yan ang gustong trabaho ni Tito para sa'yo."

Ngumiti na lang ako ng mapait. Alam ko 'yon. Mataas ang pangarap sa akin ni Dad. Kung ginusto ko lang na pasukin ang business noon pa man, hindi ako kukuha ng educ. Pero nandito na ako. Wala nang urungan 'to.

"By the way," Tumikhim si Kuya Rex nang hindi na ako umimik. "Mukhang maayos naman na kayo ni Rhea. Magkasama na ulit kayo. Pwede mo naman siyang iwan muna at bumalik ka ng Pilipinas. Pwede ka pa naman siguro humabol sa second sem. Sayang naman kung hihinto ka ng buong taon. Graduating ka pa naman."

Minsan na ring sumagi sa isip ko 'yan pero hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin. Nanghihinayang rin naman ako pero alam kong masmalaki ang panghihinayangan ko kung aalis ako rito sa New Zealand.

Hindi ko masisi ang kuya niya kung inakala nitong okay na kami kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Oo, nagkakasama na ulit kami. Hinahayaan niya na ulit akong sumunod-sunod at sumama sa kanya pero hanggang do'n lang. Madalang niya akong kausapin. I'm trying to communicate with her but she's not in the mood. Kadalasan ay ako na lang ang titigil sa pagkwento pag nakikita kong hindi siya interesadong makinig.

Naging busy ako sa trabaho pero tinitiyak kong makakauwi ako bago pa makauwi si Rhea sa apartment niya. While Rhea got so busy with her studies. May mga pagkakataong ginagabi siya ng uwi. Nagtitiis ako ng lamig sa tapat ng apartment niya habang namamatay sa pag-aalala. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko kaya hanggang hintay na lang ako.

Napapatayo agad ako kapag nakikita ko siyang paparating at maraming dalang gamit. Kadalasan ay natitigilan siya pag nakikita niya ako. Kukunin ko ang ilan sa bitbit niyang gamit. Hindi na siya nagrereklamo. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na magalit. Mas lalo lang kaming hindi magkakaintindihan pag kinwestyon ko ang pag-uwi niya.

Pero may isang pagkakataong halos panawan ako ng lakas sa kahihintay. Bukod sa pag-aalala at pinaghalo-halong pagod at ang tabang na nadarama. Nakatungo ako sa hagdanan ng apartment niya.

That's my 22nd birthday. I planned to celebrate with her. Gabi na rin nung umuwi nang araw na 'yon. Nang makita ko siyang paparating ay wala akong ibang nagawa kundi ngumiti. Ayoko na magsayang ng isang segundo para magtanong at makipagtalo. I. . .just want to be with her tonight.

"Nag-alala ako. Gabi na, wala ka pa rin."

Nag-iwas siya ng tingin at nilagpasan ako. Parang may biglang bumara sa dibdib ko. "Lagi naman akong ginagabi lately."

Do'n ko lang napagtanto na nakalimutan niya. She forgot my birthday. Kinagat ko ang labi ko at ininda ang sakit. It's okay. I can deal with this. She's busy lately. Marami siyang iniisip. Marami siyang ginagawa. Nakalimutan niya lang dahil abala siya. Yes, gano'n nga. Masmagandang ikatwiran 'yon kaysa mag-isip ng kung anu-ano.

Pinasadahan ko ang aking buhok at huminga nang malalim. Bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko na lang magpahinga.

"You forgot." Dahan-dahan siyang humarap. Pinilit kong ngumiti. Nakakatatanga na pero gusto ko pa rin siyang makasama. Siya pa rin talaga. "Can I. . .celebrate my birthday with you?"

Umawang ang bibig niya. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. That's already a confirmation. Nakalimutan niya nga. Pinilit kong ibaon ang ideyang 'yon. I don't want to think negatively. I don't want to spoil this moment. It's not too late to celebrate my birthday. Gusto ko pa rin humiling. Gusto ko pa ring samantalahin. I still believe that this is my day.

"Kahit ngayong gabi lang, pwede bang kalimutan mo lahat ng kasalanan ko? Pwede bang bumalik tayo sa dati kahit ngayon lang?"

Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi niya ako niyakap pabalik pero naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya. She's crying again. Napapikit ako nang mariin at gusto ring tumulo ng sarili kong luha. No, I won't cry. Nnt today. Not at this moment.

Pinanuod ko siyang matulog buong magdamag. I'm okay now. Nakatulog siyang yakap ko siya. Sapat na 'yon sa akin. Kontento na ako sa ganito. Ayokong abusuhin ang pagkakataon kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa kung anong kaya niyang ibigay sa akin ngayon.

Naging okay kami pagtapos no'n. Nagsorry ako sa kanya at nagpasalamat na rin. This is my second chance. Iingatan ko na. This time, hindi ko na sasayangin. Normal na ulit ang pakiramdam ko pero hindi ko maipagkakailang hindi 'to kasing gaan ng dati. Nagsisimula ulit kami. Mas pabor 'to. We did a reset.

"B-Bakit hindi ka na lang umuwi ngayong semester? Sayang naman. October na. Baka pwede ka pa mag-enroll sa susunod na semester." Parehas na sila ng opinyon ni Kuya Rex. Niyakap ko siya sa likod. Gusto ko rin namang mag-aral ulit pero gahol na sa panahon. Isa pa, hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Dad. Sa susunod na taon na lang.

"Hindi na. Hihintayin na lang kita grumaduate. Sorry, beh. Kung hindi tayo magkakasabay."

Naisip ko yung kasal. Makapagpapakasal pa kaya kami kapag grumaduate na siya o hihintayin niya rin ako?

"Sayang naman." Mahina niyang tugon.

"Gusto mo ba akong umalis?" Hinarap ko siya sa akin at sinandal sa sink. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinaas 'yon nang hindi siya sumagot sa tanong ko. Her eyes gave me enough sign. "Tell me the truth. Gusto mo ba akong umalis?"

After a long chase, nakaramdam ako nang matinding saya nang umiling siya.

"Then, I won't. I won't unless you force me."

Bumalik ulit kami sa normal. Hindi na ako nag-aalinlangang lumapit sa kanya. Nginingitian niya na ulit ako. Nakakatingin na ulit siya sa akin. Humahawak na ulit siya sa kamay ko. Naging masaya ulit ako.

Hanggang sa may mangyaring taliwas sa kagustuhan ko. . .

"Do you have a girlfriend?" Tanong sa akin nang co-tutor ko sa private center.

Ngumiti ako. "I'm getting married."

"Ohh." Natawa ang babae. "Congratulations in advance." Natawa na lang din ako at tinanguan siya.

"Thank you-" Nabitin ang pagsasalita ko nang mahagip ng paningin ko si Rhea na biglang tumakbo palabas. I'm sure it's her.

Hindi ko na nagawang magpaalam at agad siyang sinundan. Hindi ko na naabutan ang sasakyan niya at sa apartment na kami nagkaharap.

"Rhea, what's wrong? Ba't ka tumakbo-"

"Who is she? Yung kinausap mo kanina, who is she?"

"She's just my workmate-"

"Kasama ba sa trabaho mo na makipagtawanan sa kanya?"

Kumunot ang noo ko. "Are you jealous?" Damn.

Namula ang mukha niya. "Hell, I'm not! I was pissed, Ren! Ba't ba nakakaya mo lumapit sa ibang babae? Ba't hindi ka na lang lumayo?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hindi ako nakasagot. "Are you. . .doubting me?"

Hindi nakaimik si Rhea. Tatalikuran niya dapat ako pero hindi ko siya hinayaan. "Akala ko ba tapos na 'to?"

"Akala ko rin tapos na! But what can I do, Ren? Natakot ako! Natatakot ako kasi masyado na akong dependent sayo! Paano pag nangyari ulit 'yon? Paano pag nagkagusto ka na naman sa iba? Paano ako?"

"Rhea, you have to trust me!" Hindi ko na napigilang sumigaw rin. I'm so frustrated. Tapos na 'yon pero ba't nababalik na naman?

"I want to! Pero hindi ko magawa kasi nasayang na yung tiwalang binigay ko sayo noon-"

Napapikit ako nang ilang sandali at 'yon ang nagpatigil sa kanya. I know. Alam kong hindi na buo ang tiwala niya pero sinsubukan kong punan iyon.

"So, it's still the old issue?" Huminga ako nang malalim at napatingin sa kisame. Napaupo naman si Rhea na tila pinanawan ng lakas.

"Hindi kita masisisi kung isusumbat mo sa akin 'yan. 'Coz it's true. Pero hindi ko na alam kung ilang beses pa akong magpapaliwanag."

Siguro ay gano'n nga talaga. Gaano man karami ang nagawa mong tama, mababalewala ang lahat ng 'yon kapag nagkamali ka na. May pupuna at pupuna sa mali ko. Isang pagkakamali kapalit ng hindi mabilang na sakripisyong naibigay ko sa relasyon naming dalawa na tingin ko ay nakalimutan ng lahat. Nagkamali ako pero hindi ako nagkulang. Binigay ko na lahat ng kaya kong ibigay. Kinalimutan ko ang dapat kalimutan. Tinalikuran ang hindi dapat talikuran para lang mapatunayan sa kanyang siya at siya pa rin ang uunahin ko.

Malupit lang talaga sa amin ang pagkakataon. Nakakapagod na magpaliwanag pero hindi ko sinukuan dahil umasa akong may mapapala ako sa huli. Nilunok ko lahat ng puna dahil ako ang nagkamali. Pero hanggang kailan ko pagbabayaran 'yon?

Naulit ang mga away namin dahil nagseselos siya. Humanap ako ng ibang trabaho para lang hindi na siya magduda pero gano'n pa rin ang nangyari. Unti-unti akong nakaramdam ng pagkasakal. Para akong humihinga sa ilalim ng tubig sa tuwing nag-aaway kami. Gano'n pa nan, nagtyaga akong umintindi. Nagtyagang magpaliwanag muli.

"Ba't hindi ka na lang umuwi ng Pilipinas? Find Georgia and-"

"Fuck!" Hindi ko na napigilan. Sinuntok ko ang pader sa sobrang sama ng loob. Kaya ko pakinggan ang bawat sumbat niya. Pero hindi ko maatim na marinig ang mga salitang 'yon sa kanya. Hindi niya lang ako tinataboy. Pinamimigay niya ako sa iba. Isang bagay na hindi ko kailanman naisip gawin gaano man kapangit ang relasyon namin!

"Kung si Georgia ang mahal ko, wala sana ako ngayon dito. I won't chase you, I won't beg for chance and I won't waste a year to be with you!" Nag-init ang mata ko pero pinigilan kong umiyak. Kahit kailan ay hindi ako umiyak sa harap niya dahil nasanay akong maging matatag sa paningin niya. Pero ngayon, unti-unting humuhulos ang lakas ko.

"Rhea naman. Ba't ka pa ngayon bibitaw?"

"Ren, I'm changing because of you-"

"Damn those changes, Rhea! I learned to love you in a hardest way! Wala akong pakialam kung ilang beses ka pang magbago. Ba't hindi mo kayang isugal lahat? Bakit kailangang maghesitate ka?"

Minahal ko siya sa kahit anong paraan. Kahit panlalamig niya ay tiniis ko. Lahat ng pagbabago niya, tinanggap ko dahil siya pa rin si Rhea. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na 'to pero ba't pakiramdam ko ay malapit na akong masagad?

Mapait akong tumawa. "Ako na lang ba ang nagmamahal?"

Matagal siyang sumagot. Kumuyom ang palad ko. Halos hindi na ako makahinga nang marinig ang sagot na kinatatakutan ko.

"Yes. Baka nga ikaw na lang. 'Coz I'm tired, Ren. I'm so tired."

Umawang ang bibig ko. Napatulala ako sa kanya.

"Sumusuko ka na? Ngayon pa ba? Sawa ka na ba sa akin? Kasi ako, kahit nagkagusto ako sa iba, hindi ko masasabing nagsawa ako sayo. Hindi ako nagsawa kakahabol. Hindi ako nagsawang magmakaawa. Hindi ako nagsawang masaktan kasi ikaw 'yon, eh. It involves you. My world revolves on you." Mariin ang pagkakasabi ko pero hindi mapagkakailang basag 'yon.

"What about me, Ren? Kailangan ba nakakulong lang din ako sayo?"

Hindi ako nakapagsalita. Nasasaktang gusto na niyang kumawala. Gusto na niyang lumaya sa akin. Gusto na niyang bumitaw. Kumakapit na lang akong mag-isa. Ayaw na niya.

"I always give you the choice, Rhea. No matter how painful it is. But please, don't give up on us."

Tumayo siya sa sofa at umiling. "I'm giving up, Ren."

"Please. . ." Halos magmakaawa na ako.

Umiling muli siya. "Bumalik ka na ng Pilipinas."

Nagsalita ulit ako. "Kayang-kaya mo ako sumbatan. Hinayaan kita. Nagsinungaling ako sa'yo, inamin ko 'yon. Nagkagusto ako sa iba, pinagsisihan ko 'yon ng sobra. Nandito ako, di ba? Pinili kita. Kaya hindi ko maintindihan kung ba't mo ako pinamimigay sa iba."

Natigilan siya sa paglalakad. Napaupo ako at tinakpan ang aking mukha at paulit-ulit na nagmura.

"Maybe, it's for your own good. Our love collided a long time ago. We both suffer in great damage. Ngayon lang tuluyang nasira. We can't fix this, Ren. You should go back to Phil. Hindi kita pinamimigay. . ." Sinubsob ko ang mukha ko sa aking hita habang pinakikinggan ang pagsuko niya. "Sinasabi ko lang na baka hindi ka para sa akin. Maybe, you're meant to be with someone else. Let's end this."

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 208 13
Hindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, w...
5.8K 323 25
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
2.3M 40.8K 59
(Informally written and not yet edited) This is a Playboy's Baby Spin-off. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟮 - 𝟮𝟬𝟭𝟯 • • 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦...