Vampire City 3: Crimson Love

Per Thyriza

2M 52.3K 4.4K

[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All righ... Més

Prologue
Chapter 1 - Spoiled Brat
Chapter 2 - Welcome to Vampire City
Chapter 3 - Blood Party
Chapter 4 - Little White Lie
Chapter 5 - Love Interest
Chapter 6 - Not Suit for a Princess
Chapter 7 - Apology
Chapter 8 - I'm Your Date, You're My Date
Chapter 9 - Sinister Night
Chapter 10 - Save You
Chapter 11 - I'm Your Highness
Chapter 12 - Doze of her own Medicine
Chapter 13 - REALationship
Chapter 14 - Cheater
Chapter 15 - I'll Miss you, too.
Chapter 16 - The Proxy
Chapter 17 - Carousel
Chapter 18 - Arlyanna
Chapter 19 - Separate World
FAMILY TREE
Chapter 20 - Bits of her Memory
Chapter 21- Mixed Emotions
Chapter 22 - He's Back
Chapter 23 - Only I have the Right to Kiss you
Chapter 24 - The Shaman
Chapter 25 - Time Freeze
Chapter 26 -The Ripple Effect
Chapter 27 - Revelation of Her Past
Chapter 28 - Flashback (1)
Chapter 29 - Serendipity (Flashbacks//2)
Chapter 30 - Mistake //flashback 3
EPILOGUE
Chapter 31 - Collide // Flashback 4
Chapter 32 - The True Enemy
Chapter 33- The power of Deity
Chapter 34 - Entreaty
Chapter 35 - Borrowed Time
Chapter 36 - Farewell Words
Chapter 37 - Fragments
Chapter 38 - Resemblance
Chapter 39 - Shape Shifter
Chapter 40 - Twin Sister
Chapter 41 - Remembered
Chapter 43 - Broken and Shattered
Chapter 44 - The Heart Remembers What The Mind Forgets
Chapter 45 - Engrossed
Chapter 46 - The Prophecy
Chapter 47 - The Journal
Chapter 48 - Golden Scroll and the Orb
Chapter 49 - The Orb of Truth
Chapter 50 - Inferno
Epilogue
FAQs
SPECIAL CHAPTER

Chapter 42 - Dumbfounded

24.1K 682 73
Per Thyriza

Chapter 42 - Dumbfounded

Seri's POV

THERE'S a thin line between dream and reality. Some of us want to live in a dream and forget about reality. But me, I'm living the best of both world. I have my real friends, my true love, and my family.

Mom and Dad decided na dito na muli manirahan sa Vampire City. I am happy and excited kasi at last makakasama ko na uli sila. Sabi sa akin ni Mommy puwede na akong lumipat sa dati naming bahay within this week.

"Gusto mo bang tulungan kita sa paglilipat mo?" tanong sa akin ni Ryder. Kasama ko kasi siya ngayon dito sa condo. As usual, dinalhan na naman niya ako ng pag-kain. Busy kasi ngayon si Hunter, eh. Prince duty.

"Naku, huwag na, 'no. I can handle," ngumiti ako sakanya ng matamis.

"Kuu! Nahiya pa siya. Kailan ka ba lilipat?"

"Baka sa makalawa. Marami pa akong ikakahon, eh." nasabi ko na lang.

"Basta tutulungan kita."

"Ang kulit. Sige na nga," natatawa kong sabi at narinig ko naman ang mahina niyang tawa.

"Tapos ihahatid din kita sa school. Sabay na tayo para may kasama ka,"

"Sigurado ka? Ang dami mo ng ginagawa para sa akin. Baka naman mamaya singilin mo na ako, ah." natatawa kong sabi.

Hinintay ko siyang patulan ang biro ko pero seryoso lang siya. Ngumiti rin naman siya pero tipid lang.

"Hindi ako gano'n, Seri. I'll do anything for you... even if..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi biglang tumunog ang oven toaster ko. Agad kong inilabas ang ininit kong pizza.

Habang kinakain ko ang pizza ay bigla naman akong may naalala.

"Hmm, Ryder. May kilala ka bang Arlyanna?" I asked out of curiosity.

Napasimangot ako nang parang sa ibang dereksyon ang attensyon niya. Mukhang hindi niya narinig ang tanong ko. Tumayo siya at naglakad papunta sa magazine rack ko.

"Ang ganda naman niya. Ano pangalan niya?" he was referring to the cover girl in the magazine.

I grimaced. Kaya naman pala hindi ako sinagot sa tanong ko kasi nakakita ng magandang babae.

"I don't know and I actually don't care!" inirapan ko siya kahit hindi naman niya nakikita kasi busy siya sa pagbuklat ng magazine.

"Bae Suzy. Bae Suzy ang pangalan niya," pangiti-ngiti niya pang sabi. Bwesit na vampirang 'to. Nagkagusto pa ata sa isang koreana!

"Retokada 'yan!"

"Huh? Hindi raw, eh. Sabi dito sa article, isa raw siya sa mga natural beauty sa South Korea."

"For sure my face enhancement siyang pinagawa." Parang bitter kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Basta naiirita ako. Mamaya nga at itatapon ko lahat ng magazine rito.

"Basta maganda pa rin siya."
Hindi na ako kumibo. Hindi ko na rin inubos ang isang slice ng pizza na kinakain ko. Hindi ko alam pero nawalan ako ng gana.

Walang paalam na iniwan ko siya kusina saka ako pumasok sa kwarto. Dumeretso ako sa salaming at kita ko kung gaano kairita ang mukha. Nagsasalubong ang mga kilay ko. Ano bang problema sa akin?

MAGKASAMA pa rin kami ni Ryder papuntang school. And guess what? Bukang bibig niya pa rin si Bae Suzy.

"Kaso may boyfriend na pala si Suzy-babes. Lee min ho raw? Ang bantot ng pangalan."

Hindi ko napigilan ang sarili kong batukan siya. At may pa-babes babes pa siyang nalalaman.

"Gago ka! Hindi mabantot ang pangalan ni Lee min ho!"

"Makabatok naman 'to!"

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Ayaw ko nga!"

"Bawiin mo!"

"Ayaw ko!"

Kinuha ko ang isang braso niya at pinilipit papuntang likod niya. Hindi naman siya mukhang nasasaktan tawa pa nga nang tawa.

"Hindi mo babawiin?!"

"Hindi!"

"Ah gano'n!" pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at sinasakal siya. "Bawiin mo!"

"Ayaw sabi, eh!"

"Ughhh!" hinigpitan ko ang pagsakal sakanya pero tawa lang siya nang tawa. Nakakapikon!

"Ehem!"

Pareho kaming natigilan ni Ryder nang makita namin sina Ms. Erina at ibang teaching staff. Para kaming magnet na nagrepel.

My gosh!

"What are you two doing? Sa gitna pa talaga ng school ground?" seryosong sabi ni Ms. Erina. Naigala ko naman tingin ko at nasa harap kami ng school building at may mga nakatingin sa amin.
Pakiramdam ko gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko. Nakakahiya.

"Great aunt-"

"Ryder... Serenity, at my office. Now!" pagkasabi niya noon ay tinalikuran niya kami.

Mahigpit akong napahawak sa dulo ng damit ko. Nakayuko akong naglalakad papunta sa office ni Ms. Erina habang itong kasama ko ay parang wala lang. Chin up pa siya. Wow naman!

Pagpasok namin sa loob ay agad na sumara ang pinto. Pinaupo niya kami sa seats infront of her table. Seryoso lang siya.

"Great aunt, whatever you're thinking-"

"I can read your mind Ryder at alam kong wala kayong ginagawang masama. But to the eyes of others, mukha kayong naghaharutan." Hindi siya galit pero hindi naman natutuwa. Her voice were neutral.

"S-sorry po," halos anas ko lang na sabi.

"Serenity, hija. I don't blame you. Hindi ako galit sa'yo. Ang ayaw ko lang ay magawan kayong dalawa ng issue lalo na't alam ng lahat na girlfriend ka ng Crowned Prince. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ni Hunter kapag nakarating sakanya ang balita?"

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko naisip si Hunter. Masyado akong naging careless.

"Hindi na po mauulit," mababa kong sabi.

"It's best kung hindi muna kayo magkikita ni Ryder."

Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Ryder at nakakumos ang kanyang mga kamay. Nagtatagis din ang bagang niya.

"Seri and I are best of friends, Great Aunt. Hindi mo ako mailalayo sakanya," ramdam ko ang pagtitimpi sa boses niya.

"Temporary lang naman, Ryder."

"Ayaw ko! Nakuntento na akong maging kaibigan lang si Seri, pati ba naman 'yon ipagkakait niyo pa sa akin?!"
Pagkasabi niya noon ay tumayo siya saka lumabas ng office.

Naiwan akong nakatulala. Hindi dahil sa pag walk out niya. Kundi dahil sa sinabi niya.

"Seri, hija..."

"Naiintindihan ko po. Pasensya na po sa gulong naidulot ko." Tumayo ako saka ko siya nakitang tumango.

Lumabas akong office ni Ms. Erina at hindi pa nga ako nakakalabas ng building ay naririnig ko na ang mga side comments. Kesyo ang harot ko raw. Tinutuhog ko raw ang magkapatid. At kung ano-anu pa.

Syempre nasasaktan ako. Kasalanan ko rin naman. Pero hindi ko ata kayang layuan si Ryder kahit pansamantala. Kaibigan ko siya.

Nawalan na ako ng gana pumasok. Kaya imbes na pumunta akong classroom ay dumeretso akong likod ng building.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin na binibigay nila sa akin. Ang bilis nila mag judge ni hindi nga nila alam ang totoong nangyari.

Halos mapatalon ako sa nilalakaran ko nang makita ko si Hunter. He was leaning at the wall. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin and by the looks of him, alam kong nakarating na sakanya ang balita.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sakanya na masakit na hinusgahan ako ng lahat. Pero natatakot ako na baka gano'n din ang tingin niya sa akin.

Lakas loob na tiningnan ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naiyak. Siguro kasi masyadong masama ang loob ko kaya gusto ko na lang umiyak.

I thought he will confront me. But I was taken aback when he hugged me. Hinaplos niya pa buhok ko at wala na akong nagawa kundi ang umiyak sa bisig niya.

"Don't cry, Serenity. Hindi ako naniniwala sakanila." Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Mas lalo tuloy akong napahagulhol.

"May tiwala ako sa'yo at sa kapatid ko. Hindi ako galit sa'yo at wala akong pakialam sa iisipin ng iba tungkol sa'yo." Bahagya niya akong inilayo sakanya pero nakayakap pa rin ako sakanya. Napatingala ako saka niya hinaplos ang luha sa pisngi ko.

"Don't cry now." He was beaming. "And my brother is right. Mabantot naman kasi talaga ang pangalan na Lee min ho."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Imbes na mainis tulad kanina kay Ryder ay natawa na lang ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang dahilan kung bakit kami mukhang naghaharutan daw ni Ryder sa school ground pero pasalamat akong hindi maling balita ang nakarating sakanya.

"H-hindi mabantot ang pangalan niya," sumisingot-singot ko pang sabi. Para akong bata na pinapatahan habang kinukusot-kusot ang mata.

He just smiled at me.

"Serenity..."

"Hmm?"

"We are going somewhere later,"

"Saan?"

"Basta,"

Pagkasabi niya noon ay hindi na ako nagtanong. Baka may ipapakita lang siya. Sanay na naman ako sa kanya na gano'n.

"There you two," sabay kaming napalingon ni Hunter sa nagsalita. It was Shelby. Nakapameywang siya at naiiling-iling. "Ayaw kong sirain ang moment niyong dalawa pero may klase pa po tayo, Seri." Lumapit sa amin si Shelby saka hinigit ang braso ko kaya napalayo ako kay Hunter.

"Shelby..." may pagbabanta sa boses ni Hunter. Lihim lang akong napangiti.

"Tumigil ka diyan, Hunter, ah! Lagi na lang nag-s-skip ng class si Seri dahil sa'yo. Bad influence ka!" pa-singhal na sabi ni Shelby.

Napanguso lang ako kasi totoo naman ang sinabi niya.

Napatingin ako kay Hunter na parang humihingi ng permiso para sumama kay Shelby.

"Hihintayin kita," ang tanging nasabi niya.

"Sige," I said smiling.

"Tara na, late na tayo." Kinaladkad ako ni Shelby paakyat sa 2nd floor.

Masyado siyang hyper. Palibhasa kasi masaya siya. Sobrang saya kaya ang kulit na naman. Syempre, sino ba naman ang hindi magiging masaya? Kasama niya ang Mommy niya na akala niya ay patay na. At may twin sister pa siya. Idagdag mo pa na tanggap na sila ng pamilya niya sa relasyon nila ni Connor.

Natapos ang dalawang subject namin saka ako nagmamadaling lumabas. Akala ko nasa labas lang ng classroom si Hunter pero wala siya. Saan kaya 'yon? Sabi niya hihintayin niya ako?

Bumaba akong 2nd floor saka ko inikot ang paningin ko.

Maraming studyante at wala akong kapangyarihan para ma-filter ang vision ko. If only I am a vampire.

Nakarating ako sa front garden ng school and instead of seeing Hunter ay si Arlyanna ang nakita ko. She was walking towards me and as usual nakangiti siya nang makita ako.

"Are you alone?" tanong niya.

"Yes, but I'm waiting for someone."

"Sino?" she curiously asked. Hindi ko alam kung alam na niya na boyfriend ko ang Crowned Prince o wala talaga siyang ideya kasi wala naman siyang kaibigan para magsabi noon sakanya.

"Boyfriend ko," simple kong sagot. Her dark long lashed eyes widened.

"May boyfriend ka na pala?" nagagalak niyang sabi.

"Oo. Eh ikaw?"

"Mayro'n na rin. Tiga dito siya actually." She said proudly.

"Wow. You should introduce me to him. Kaya ka ba nandito dahil sakanya?"

"Oo. Pinapunta niya ako rito." Kita ko ang kislap sa mga mata niya habang sinasabi 'yon. She must love him very much.

"What's his name?" tanong ko kahit alam ko naman na hindi ko kilala since kaunti lang ang kilala ko rito. And when I say kauti, as in ang Royal family lang ang kilala ko.

"Medyo high profile, eh. Tsaka hindi alam ng lahat na kami. Hindi pa kasi kami legal sa parents namin. Pero papunta siya ngayon dito. I'm waiting for him."

Napatango lang ako sakanya. Atleast hindi na ako mako-konsensya na hindi ko siya samahan kasi may makakasama na naman pala siya. I wonder kung matagal na sila.

Pero high profile raw? Member of the Royal family kaya? Or atleast involved sa palasyo?

"Hayan na siya!" excited niyang sabi. Lilingon sana ako sa dereksyon na tinitingnan niya pero bigla na lang niya akong hinila papunta sa isang malaking puno.

"I want to surprise him." Ne-gets ko naman ang ibig niyang sabihin kaya nagtago rin ako sa puno kahit parang hindi na naman necessary. "Ang sabi niya kasi dito kami magkita," she giggles. I nod at her.

"Arlyanna? Arlyanna, where are you?"
Pakiramdam ko biglang nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Baka naman ka-boses lang niya?

I badly want to take a look at the guy pero itong si Arlyanna ay inunahan akong umalis sa tinataguan namin at naapakan niya pa ang mga paa ko kaya bahagya ko pa itong hinilot-hilot. Hindi niya ata napansin na naapakan niya ako. She didn't even say sorry.

"I'm glad you came," I heard her say. Inayos ko ang tayo ko at inihandang magpakita.

"You told me to see you here. What d'you want?"
Hindi ko narinig ang sagot ni Arlyanna kaya napandesisyunan kong magpakita.
Nagulat ako sa nakita. Kaya naman pala hindi na sumagot kasi they're kissing already.

I was about to form a playful smile nang mapagtanto ko kung sino ang kahalikan niya.

I felt like someone's just hammered my chest. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi na rin ako makapagsalita. Walang gustong lumabas na salita sa bibig ko.

I am dumbfounded... and hurting.

Why is Arlyanna kissing Hunter?

----------
Please read.
This story is very near on its ending. But, hindi ko siya kayang tapusin agad-agad kasi ang hirap ng schedule ko sa work. Kung dati naisisingit ko pa ang gumawa ng updates ngayon hindi na.

I know some of you ay naiinip na. Baka nga iniisip niyo pa na hindi naman worth waiting for ang update. All i can say is pasensya na.

Ito lang ata ang story ko na aabot sa 1 year compared sa iba.:( Hindi na kasi kagaya noon eh.

Sana maintindihan niyo ako. Na kahit hindi na ako kasing active kagaya noon, gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan para makapag update.

Mas active nga pala ako sa insta kesa sa facebook and twitter. You can reach me @Thyriza wala namang iba. Lols.

Hugs and kisses everyone!
©THYRIZA

Continua llegint

You'll Also Like

81.2K 2.4K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
21.4M 412K 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngan...
7.2K 412 28
Heaven Vonne Montecillo is a dangerous guy, he's the owner of Montecillo Univerity-a university that hide his dark secret. Sideryleigh, an angel in...
1.2M 33.9K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...