10 Little Things

By theExplorer

18.5K 189 33

One list, one name and one guy that will make her list happen. Who is she? Who is he? Find out. More

Prologue
Number 1
Number 4
Number 5
Number 6
Number 7
8 and 9
Number 10 - Epilogue

Number 2 and Number 3

1.2K 18 2
By theExplorer

-

"Thank you, Ian. The best ka talaga." Sabi ni Ariesa nung natapos na kaming mag ice skating. Nasa sasakyan na kami ngayon at ihahatid ko na sya pauwi sa bahay nila.

"No problem. Kaya nga ako yung best friend mo eh." sagot ko naman sakanya habang naka-focus ako sa pagda-drive. Maya-maya pa, nakatulog na sya. Dibale, matagal pa naman yung byahe.

"Oh, anong nangyari? Mukhang pagod na pagod si princess ah?" Bungad sakin ni tito pagpasok ko sa bahay nila. Buhat - buhat ko kasi si Ariesa, ayoko nang gisingin kasi mukhang napahimbing yung tulog nya.

"Napagod po, tito. Ang dami naming pinuntahan eh." Sagot ko naman tapos nilapag ko na sya sa higaan nya.

"Hijo, salamat ah? Lagi kang nandyan para sa prinsesa nami-- natin." Sabi ni tito habang pareho kaming nakatayo sa may pinto ng kwarto ni Ariesa.

"Wala po yun, tito. Basta para kay, Riesa."

"Salamat talaga, Ian ha? Kung ako lang ang papipiliin, ipakakasal ko na sayo si Riesa."

"Tito, if you don't mind. Can I talk to you?" magalang na pagtatanong ko kay Tito Matt tapos ay naglakad kami papunta sa may garden nila na malapit na din sa gate.

-

"I really don't mind that, hijo. But it all depends on Ariesa. Like I said earlier, kung ako lang naman ang masusunod, ikaw talaga ang gusto ko para sa kanya." Sabi ni Tito Matt pagkatapos kong sabihin yung na may nararamdaman ako para sa anak nila.

"Ganun po ba, Tito? I understand. Sige po, una na po ako. Good night po." Tapos naglakad na ko palabas ng gate nila at akma na kong sasakay sa kotse nang biglang tinawag nila ako.

"Ian, I really trust you and like you for our daughter. Ariesa will be the one to decide but you can count on us to help you...... our hoping soon to be son-in-law." Sabi ni tito tapos tinapik nya yung balikat ko at ngumiti sila sakin ni Tita Ellena. Ngumiti na lang din ako at tumango tapos sumakay na ko sa sasakyan ko at nagdrive na pauwi sa bahay namin.

-

"IAN ANO BA?! SAAN MO BA KO DADALHIN?!" Pasigaw at makulit na tanong ni Ariesa sakin habang nagda-drive ako.

"Basta."

"Kidnapping na 'to ah. Forcingly na isinama mo ako dito. I'll let mom know. Hah!"

"Go ahead. Go call your parents. Tell them na kinidnap kita."

"You bet! Gagawin ko talaga yan. At sinisigurado ko sayo, you can never step in our house after this!" Tapos nilabas na nya yung iPhone5 nya at nagsimula nang mag-dial ng number. Tiningnan ko lang sya tapos binalik ko na ulit yung tingin ko sa kalsada.

"H-hello Mama! Alam mo ba si Ian.... ano? Baki--- Mama naman! Isusumbong kita kay---- Ma! Hello? Ma!" Tapos tinignan nya yung cellphone nya at nagdial nanaman sya.

"Papa! A-ano?! Bak---- Pa, alam mo ba ku---- pa parehas kayo ni ------ bakit ba kas--- Papa! Bak-- bakit pinapabayaan nyo lang na makidnap ako ng isang nilalang na tulad ni ------ papa! Di pa ko tapo---- pa! Wag mo iba---- PA! UGH!" tapos inis nyang tinignan yung cellphone nya. Tinignan ko din sya tapos nag-smirk ako, inismiran naman nya ako. HAHA!

"Leshe! Ba't mo ginagawa sakin 'to? May ginawa ba akong hindi maganda sayo para kidnapin mo ko? Wag mo akong ipapa-rape sa mga tambay sa kanto. Kung gusto mo, kay Matt Bomer mo na lang ako ipa-rape. Wag mo din ako ipa-salvage. Sayang ang maganda kong mukha at sexy kong katawan." Sabi nya na hindi ko maintindihan kung sarcasm ba yun o seryoso. Matt Bomer? Seryoso ba sya? Eh mas gwapo pa ko dun eh. Ian Salvatore vs. Matt Bomer, Ian Salvatore na. Ian Salvatore vs. Damon Somerhalder, Ian Salvatore pa din. Diba? >:D

"Tumahimik ka nga dyan. Hindi ako natutuwa sa pinagsasabi mo. Hindi ako maka consentrate sa pagda-drive oh." =_____=

"Eh san mo nga kasi ako dadalhin? Alas onse pa nung nagsimula tayong mag gala ah. Alas tres na oh!"

"I said stop whinning!"

"Hmpf! Maitext na nga lang si Damon. Baka sakaling may pakialam sakin si Damon baby." Sabi nya tapos nagpipipindot nanaman sya. Ewan ko kung bakit parang biglang may nagsindi ng apoy at kumulo ang dugo ko. Bigla kong tinapakan yung brakes na naging dahilan para magkaron ng impact sa kanya. Mabuti na lang naka seatbelt sya kundi baka tumama na sya windshield yung ulo nya.

"Ian! What's your problem ba?" Galit na tanong nya matapos kong hablutin yung cellphone nya at ilock sa compartment ng kotse ko. Hindi ko sya pinansin at diretsong sumakay sa sasakyan.

"Sakay." I said angrily.

"Hey! Stop being so rude and stubborn, Ian! I said whe-----"

"Don't you understand what I said? I said SHUT UP. Shut up, Ariesa. Kahit isang minuto lang!" I yelled at her for unknown reason at nagpatuloy ako sa pagda-drive ko.

Pagkatapos ng ilang oras, naisipan ko nang huminto sa pagmamaneho nang makakita ako ng isang magandang lugar. Pinark ko yung kotse at tinignan ang babaeng naka-upo sa right side ng upuan ko. Ang babaeng nagpatibok ng puso ko ---- si Ariesa Jane Domingo.

"N-nasan tayo?" Tanong nya pagkagising nya habang palinga - linga sya.

"Hindi ko din alam." Kumunot yung noo nya sa sagot ko. Nagkibit balikat lang ako at bumaba ng kotse. "Dyan ka lang. I'll be back."

Pumunta ako sa likod ng sasakyan at naghanda sa ilalim ng isang malaki at magandang puno. Nilatag ko yung blanket na dala ko tapos inayos ko din yung mga pagkain. Nung sa tingin ko ready na, bumalik ako sa sasakyan.

"Let's go?" tapos nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tinignan nya naman ako ng may pagtataka pero kinuha nya pa din yung kamay ko at naglakad kami.

"Wag ka mag-alala, I won't salvage nor rape you." Pabirong sabi ko kaya natawa naman sya at pakiramdam ko gumaan yung nararamdaman nya.

"Anong lugar 'to?"

"Gutom na ko. Mamaya na lang natin pag-usapan kung bakit nandito tayo. 6:00pm na oh. Gutom na ko." Sagot ko naman tapos inabutan ko sya ng sandwich at in-can soda.

Ang totoo kasi nyan, wala talaga akong alam na magandan lugar na kung saan pwede kami magpicnic kaya nagmaneho lang ako ng nagmaneho hanggang mahanap ko 'tong lugar na 'to. May malaking puno dito tapos parang may cliff at sobrang presko sa lugar na 'to.

Kumain kami ni Ariesa, nagkwentuhan ng mga bagay - bagay, naglokohan at kung anu - ano pang ginawa namin na lagi naming ginagawa.

"Riesa...."

"Hmm?"

"Can I ask you something?"

"Fire away."

"Gusto mo ba talaga si Damon?"

"Si Damon? Gwapo, mabait, matalino, macho..... Ano bang hindi ka-gusto-gusto sakanya?"

"A-ah..." Sa sinabi nyang yun, parang nawalan ako lalo ng pag-asa sa sinagot nya sakin.

"Pero ikaw yung gusto ng puso ko."

"Ha? May sinabi ka?" Parang may sinabi kasi sya pero hindi ko naintindihan, masyadong mahina kasi yung pagkakasabi nya.

"Sabi ko, anong ginagawa natin dito?" sabi nya tapos kumuha sya ng chips at nahiga sa blanket.

"Number two on the list. Picnic under a tree." Sagot ko tapos inangat ko yung pagkain na hawak ko at kumindat ako sakanya. Natawa naman sya at tumingin sa langit. Tumingin din ako sa langit at nang makita kong madami nang bituin tiningnan ko sya.

"Number three on the list. Watch the stars at night." sabi ko tapos nahiga din ako at nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo ko. Tumingin nanaman sya sa akin tapos ngumiti.

"Parang tayo yung star na yun oh." Sabi nya tapos nakaturo sya sa dalawang maliit at hindi makinang na stars.

"Ha? Bakit naman yun pang hindi makinang at maliit lang?"

"Alam mo kasi lagi kong tinitingnan yang dalawang yan. Lagi silang magkatabi. Hindi man sila parehong makinang at malaki, hindi sila naghihiwalay. Lagi lang sila nasa tabi ng isa't isa kahit anong mangyari. At yun yung nagiging dahilan para maging kapansin-pansin yang dalawang stars na yan."

"Oo nga noh! Ikaw talaga! Lumalaki ka na ah. Tumatalinhaga ka na ngayon!" Panloloko ko tapos inalis ko yung isang kamay sa likod ng ulo ko at ginulo ko yung buhok nya.

"Ian..."

"Hmm?"

"Seryoso ka ba?"

"Saan?

"Sa pagtupad ng wishes ko."

"Oo naman. Best friend kita eh."

"Thank you, Ian. You're the best."

"Kaya nga best friend ang tawag mo sakin eh. Kasi ako ang pinaka the best sa lahat ng kaibigan mo."

"Ikaw lang talaga, Ian. Ikaw lang."

-----------------------------

Hi! What can you say?

Bukas ko na lang po itutuloy ito. Pagod na ko.

Hindi 'to lalagpas ng 10 chapters, promise! :))) 

- Dee ♥

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.2M 53.5K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.1M 20.2K 29
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...