Stuck At The 9th Step

Par Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. Plus

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 66 : COUSIN

29K 852 191
Par Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : Gladys Pagaduan Urfina

(Note : Don't mind my errors. Medyo mahaba kaya tyagain.)

CHAPTER 66 : COUSIN

I'm confuse. Hindi ko rin matukoy kung saan. Kung dahil ba sa may nakikita akong pamilyar kay Georgia o dahil nawiwirdohan ako sa pag-uugali niya. Hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil ayokong palalain pero masama nga palang pigilan ang curiosity dahil lalo itong lumalaki at lumalalim kapag kinikimkim. Curiosity kills indeed.

Hindi maiwasan dahil halos nasa isang sirkulo kami. Pinagtuunan ko pa rin ang priority ko at pinanindigang dapat gano'n pa rin hanggang sa huli. Hanggang sa unti-unti kong napapansin na hindi lang pala ako ang curious.

"May anak ka ba?" Tanong sa akin ni Georgia nung nag-celebrate ng graduation sina Leo at Ervis. Napagkamalan ko pa siyang lasing dahil sa tanong na 'yon.

"Hindi naman uminom pero parang lasing kung magtanong."

"Masama ba?"

"Mukha ba kong 'batang-ama?'" Hindi ko napigilang tapunan siya ng masamang tingin? Tss.

Ako? May anak? Kung alam niya lang kung gaano ko kagusto makasal at magkapamilya, hindi niya siguro ako pag-iisipan ng ganyan. Pero masama ang kutob ko sa ibig niyang sabihin. Sigurado akong hindi 'to tungkol sa akin. May kutob akong tungkol 'to sa girlfriend ko.

"Wala naman sa mukha. Malay ko ba? Looks can be very deceiving nga raw, di ba?"

"What the hell?" Napailing ako sabay buga ng naiiritang paghinga. "Saan mo ba narinig ang tsismis na 'yan?"

"Wala!" Gagad niya sabay irap sa akin.

"Naniwala ka naman agad?"

"Hindi! Kaya nga nagtanong ako, di ba?"

"So, may nagtsismis nga?"

"Wala nga!" Tinalikuran niya ako at hindi na ako nakapag-usisa pa. Tumiim ang bagang ko sa pagkairita.

Ilang beses na akong nakarinig ng ganyang balita. Ewan ko kung saan nila nakukuha ang mga walang kwentang sabi-sabi. Inakala ng marami na nabuntis ko si Rhea kaya hindi niya natapos ang second semester. Walang tahasang nagtanong tulad ng ginawa ni Georgia pero nakakarinding marinig ang tsismis na halatang gawa-gawa lang. Hindi ko sila masisi na gano'n ang iniisip nila pero ba't kailangang gumawa pa ng kwento? Para ano? Para masatisfy nila ang sarili niya?

Nakakatawa. Kung ako lang ang tatanungin, gusto kong mabuntis si Rhea pero imposibleng mangyari 'yon na LDR ang relasyon namin. Ang pinakakinaiinisan ko ay napapasama ang pangalan niya gayong wala siya rito para patunayang hindi totoo ang tsismis na 'yon. Hindi gano'ng klaseng babae ang girlfriend ko kaya hindi ko maiwasang magalit.

So, I have to correct Georgia. I texted her. That rumor is disgusting. Kung kanino man nanggaling 'yon, ang sarap niyang sakalin.

Ako : Kung sino man ang nagtsismis sayo, huwag mo paniwalaan.

Georgia : Hindi matahimik. Mukhang guilty.

Ako : Sinasalba lang kita sa maling akala.

Georgia : Weh?

Ako : Tsaka tsismosa ka rin pala.

Georgia : Parang ikaw, hindi. Letse.

Ako : Nakamamatay ang maling akala kaya huwag ka na lang maniwala kung ayaw mong patayin kita.

Napataas ang kilay ko sa sarili kong reply. That was below the belt kaya agad ko ring binawi.

Ako : Joke. Haha!

Georgia : Ang ganda naman ng joke. Death-defying. Uunahan na kita. Yari ka sa practice bukas.

Ako : Seriously, Georgia. Don't believe in them. I have a name to maintain.

Well, I don't care about mine but Rhea's involvement on the issue is something that I can't tolerate.

Georgia : Okay. Sabi mo, eh.

Ako : At hindi ko rin ata kayang gawin 'yon sa girlfriend ko.

Of course, I can. Pero ang daming istorbo kaya alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para ipilit ko 'yon. Darating kami ro'n. Though, nauuna na akong magplano kay Rhea. That's a serious matter for me. Kapag kasi in-o-open up ko 'yon sa kanya, ang akala niya palagi ay minamanyak ko siya kahit hindi naman. I can't blame her. Gano'ng ang nakatatak na imahe ko sa maduming isipan ng girlfriend ko.

Nakapasok kami sa Finals at umapaw ang tuwa ng buong team pati na rin lahat ng sumusuporta sa university namin. Naulinigan ko ang usapan ng mga kapwa ko players habang papunta kami sa arena sa unang laban namin sa Finals.

"George, malapit na birthday mo, ah?"

"Birthday mo na, Manager?"

Naging maingay ang mga tao sa likod ko at napatingin ako sa kanila.

"Kailan birthday mo, Georgia?" Hindi siya ang sumagot kundi si Ervis.

"Five days for now. Kung sakaling mag-tie tayo sa series. May game 3 pa. Sakto 'yon sa birthday ni Manager. Kaya dapat ma-sweep natin ang Blitz para makapag-celebrate tayo ng birthday niya."

Kumunot ang noo ko. "Five days from now?"

Sa araw na 'yon ang flight ko pabalik ng New Zealand. Ipinagkibit ko na lang ng balikat ang sagot ni Ervis. Kung sakali man na umabot nga ng Game 3 ang laban, manalo o matalo, kailangan ko pumunta ng New Zealand. I'm missing Rhea so much. Alam kong sobrang busy niya ngayon at sinisingit-singit na lang niya ang panunuod ng mga laban ng team. Hindi ko na patatagalin ang pagpunta ko ro'n.

Nagkatotoo ang sinabi ni Ervis. Umabot nga ng game 3 ang laban. Birthday 'yon ni Georgia. Pressured ang lahat kaya hindi nila masyadong napagtuunan ng pansin. Mas nag-focus kami sa kung paano makukuha ang tropeo sa huling game.

"Pilitin nating kunin 'to. 10 years na tayong hindi nagcha-champion. Huwag na nating dagdagan ng isa pang taon." Nakatitig kaming lahat sa team captain habang nagsasalita siya sa harap. Nagtipon-tipon kami sa dug-out.

Hindi ako kinakabahan tulad nilang hindi pa naglalaro pero pinagpapawisan na sa tensyon. I can feel it, yes, but I handle it well. I keep my cool. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nag-ayos rin ng sintas. Si Kenedic 'yon.

"This is the right time to win."

"What made you say that?" Nilapat ko ang paa ko sa sahig. Pinasadahan ko ang buhok ko. "What makes this day special?"

Lumingon siya sa akin, kunot-noo. "Ayaw mo bang magchampion tayo?"

"Gusto. Sino bang hindi? Pero alam naman nating lahat na biglaan pagbabago ng sistema. May excuse kung hindi man tayo magchampion and I'm sure the viewers would buy the alibi because it's half-truth."

"I don't care. I want to win. Simula ng pumasok ako sa varsity, ito na ang pinakamalayong narating ng team. Ba't hindi pa samantalahin?"

Tumayo ako at uminom ng tubig habang patuloy sa pakikinig.

"Wala na si Ervis at Leo next year. Malaking kawalan sila. Matatagalan kung aasa sa panibagong adjustments."

"Ang haba ng sinabi mo. Akala ko idadahilan mo lang na birthday ng Manager."

"What?" Gagad niya.

Ngumisi ako. "Nevermind."

The finals ended. Nag-champion kami. Tuwang-tuwa ang mga staff at si coach pati ang buong university. I'm proud of our team. Hindi nawawala 'yon. Tinapos ko lang ang awarding at agad akong nagpaalam kay coach. Nakapagpaalam na ako nung nakaraang araw pa. Ipaaalala ko lang dahil mukhang nakalimutan nila sa sobrang saya.

Hindi ako pwede magtagal dahil apat na oras na lang ang natitira sa akin para makarating sa airport. Hindi ko pa naaayos nang mabuti ang mga gamit ko.

"Hindi ako pwede magtagal, coach. May flight pa po ako."

"Have a safe trip, Ren. Siguraduhin mong babalik ka rito before training. Kailangan ka namin ro'n." Sagot nito.

"Yes, Coach."

Tinapik ko si Ervis na mapupunit na ata ang labi kakangiti sa mga nagpapapicture sa kanya.

"Alis na ako. Hindi na ako pupunta sa party. Flight ko ngayong gabi."

"Hindi ba pwedeng pagpaliban mo na lang 'yan, dude? Bukas ka na lang umalis."

Ngumisi ako at umiling. "Hindi pwede. May naghihintay sa akin."

"KJ. Kasama ka sa nagpachampion pagtapos hindi ka magsi-celebrate kasama namin?"

"Saka na pagbalik ko. Libre ko pa kayo." Tinapik ko ang balikat niya. "Congrats nga pala."

"Salamat." Nakipagfistbump siya sa akin at tinakbo ko na ang dugout. Naantala pa dahil sinbukan akong pigilan ng ilang teammate ko. Meron ring nagpapahabol ng picture at hindi ko nagawang tanggihan. Pakiramdam ko ay nalasog ang braso ko nang makuha ko ang mga gamit sa dugout. Ang apat na oras ko ay naging tatlo na lang.

"Shit." Basta ko na lang nilagay ang mga gamit ko sa maleta. Hindi ko na pinagkaabalahang itupi ang mga damit. Magulo 'yon pero wala na akong pakialam dahil hinahabol ko ang oras.

Nasa airport na ako nang may maalala. Inisip ko kung babati ba ako o hindi. Napabuntong hininga ako nang maisip na napakakakalyo kong tao kung hindi man lang ako babati. Wala na nga ako para maki-celebrate.

Ako : Happy Birthday, Manager. Pasensya na. Hindi kita nabati ng personal at hindi ako makaka-celebrate kasama ang buong team. Pupuntahan ko kasi girlfriend ko. Emergency. Sorry.

Emergency? Really, Ren? Great alibi maker.

"Ano ba 'tong bagahe mo. Basta mo na lang 'to nilagay 'no?" Pinuna agad ni Rhea ang mga gamit at damit kong basta ko na lang inilagay sa maleta. Nagba-browse naman ako ng mga pictures sa fb na kaka-upload lang ni Nathaniel.

"Mamaya na 'yan, beh. Tignan mo mga pictures ng team namin." Hinila ko siya paupo sa hita ko at niyakap mula sa likod.

"Ayos 'to, ah. Sino naging MVP?"

Tinuro ang litrato ng team captain. "Si Ervis."

"Ervis?"

"Ervis Fernandez. 'Yan yong team captain. Graduate na siya kaya wala na siya next na liga."

"Close mo na silang lahat?" Maingat niyang tanong.

Ngumisi ako. "Okay lang, di ba?"

Natawa siya sa sinagot ko. "Oo naman. Basta huwag kang magiging bakla."

Sumiksik ako sa leeg niya at hinalikan siya ro'n. I miss her.

"Ren." Pinalo niya ako sa hita at natigil ako sa ginagawa ko. "Sino siya? Ba't siya lang babae? Fan niyo?"

Natigilan ako ilang saglit nang makitang litrato ni George ang tinuro niya.

"That's our Manager. I mean, assistant siya ng Manager pero para na ring Manager. Her name is George. Parang ikaw siya." I think I should tell her that. Dapat niyang malaman.

"Parang ako?" Gagad niya.

"I mean, parang ikaw nung boyish ka pa. May konting similarities, but different altogether."

"Close kayo?"

"Ayos lang. Masclose ko yung mga players. Masclose niya rin niya ang mga 'yon. Matatagal na silang magkakasama. Ngayong second sem lang naman ako sumulpot." Nagkibit-balikat ako. "Nakakapag-usap kami. 'Yan yung sinabi ko sayong babae na tinakbuhan yung gustong-gusto niyang lalaki noon. May hinanakit 'yan sa mundo."

"Baka may gusto sayo, 'to?"

"Tingin ko nga."

Mabilis siyang napalingon sa akin kaya dinugtungan ko kaagad ang sagot ko. "Instinct. Baka sabihin mo ang lakas ko magyabang pero naiisip ko rin minsan."

Ngumuso siya. "Baka mayabang ka lang at ang lakas mo mag-imagine?"

Tumawa na lang ako. "Mabenta ata ako sa boyish?"

Tinampal niya ang braso ko. Hinila ko siya para halikan at bumagsak kaming dalawa pahia sa sofa.

Bumalik ako sa Pilipinas na tila robot na full battery. I'm recharged. Magbibilang na naman ng araw bago kami magkita ulit ni Rhea.

Hindi ko nasunod ang deadline ni Coach na umuwi agad. Tapos na ang tryout. Last week of enrollment na nang magpakita ako sa kanilang lahat. Puro kantyaw ang inabot ko matapos bumati at makipag-apir sa mga players.

"Unang umalis, huling dumating! Palakpakan 'to!" Sigaw ni Nath habang nagpapalakpakan silang lahat.

"Saang lupalop ka ba ng mundo pumunta? Grabe ka naman, pre. In-indian mo kami nung victory party." Segunda ni Orly.

"Hindi matiis ang girlfriend. Nagpakasarap ka ba, pre?" Sabat naman ni Marco.

"Punta ka na kay Coach, dude. Mahabang paliwanagan 'yan." Sabi ni Trav na natatawa. Ngumisi ako at bumaling sa panig ni Coach na nakikipag-usap kay Georgia.

"Punta na, dude. Huwag mo na hintaying tawaggin ka pa ni Coach Dren. Baka madamay kami." Pananakot ni Jeoff. Napatango na lang ako nang makitang nakatingin sa akin si Coach. Agad akong lumapit. Paalis na si Georgia.

"Hi, Coach." Bati nito kay Coach Dren. Ngumiti si Coach Dren at tinapik ang balikat ni Ren.

"Ang tagal mong nawala, ah. How's your vacation?"

"Ayos naman po." Sagot ko. Binalingan ko rin si Georgia. "Nice to see you again, Manager."

Iningusan niya ako. "Ewan ko sayo. Nang-i-indian ka pala."

Natawa ako. Nakisabay si Coach Dren. "Sorry na."

Tuluyang umalis si Georgia. Napailing na lang ako. Si Coach naman ay biglang nagseryoso. "Ba't ngayon ka lang?"

Nagkaro'n ng sandaling paliwanagan pero naayos rin naman. Medyo nasermonan din. Nang makalapit ulit ako sa mga teammates ko ay nangantyaw na naman sila.

"O ano? Nangako ka raw kay Ervis na lilibre mo kami pagdating mo? Bar-hopping tayo?"

"Sa bahay na lang." Sagot ko habang nakangisi.

"Bahay, amputa. Ano 'yon? Children's party?" Kontra ni Nathaniel na nagpahagalpak sa lahat.

"Huwag ka na magtaka. Takot 'yan sa girlfriend niya." Segunda ni Kenedic at katakot-takot na asaran na naman ang nangyari. Binara ko lang silang lahat. Nang humupa ang asaran ay nagseryoso na ako sa pagtatanong.

"Sino imbitado? Sama si Coach?"

"Tayo-tayo muna. Tawagan ko na lang sina Ervis mamaya para makahabol." Sagot ni Nathaniel.

"Sama mo na rin si Manager." Sabat ni Marco.

"Siya lang babae?" Kunot-noo kong tanong.

"Ayos lang 'yon. Sanay na 'yon. Unless, ayaw mo siyang iimbita?" Pahabol ni Trav. "O gusto mo ng maraming babaeng iimbita?"

Natawa ako sabay mura kay Trav.

"Ikaw na magsabi kay Manager. Bad shot na naman ata sa amin 'yon kasi inaasar-asar ulit namin." Nakangising sabi ni Kenedic. Pinagbabatukan siya nina Nathaniel at Marco.

"Ikaw lang! Nandamay ka pa."

Napailing na lang ako sa pagbabangayan ng tatlo. Tinext ko na sina Ervis. Sandali kong hinanap si Georgia para imbitahan. Hindi sa ayoko siyang isama pero ayokong magtaka ang mga players kaya hinayaan ko na lang.

"Manager."

"Ay, manager!" Napaigtad siya sa gulat.

"Sorry kung nagulat kita."

"Talagang nagulat mo ako! Kainis ka!" Napahawak siya sa kanyang dibdib.

"Sorry na nga." Tinignan niya lang ako. "Iimbitahan lang kita para mamaya."

"What for?"

"Wala lang. Sa bahay. Kasama ang mga players tsaka yung mga bagong pasok sa try-out."

"Wow naman. Hindi mo pa nga ata nakikilala yung mga 'yon tapos isasama mo agad. Ayos ka talaga."

"That's going to be my chance to know them. Sumama ka, ah? Tinext ko rin sina Ervis at Leo. Sasama raw sila."

"Tss. All-boys."

"Galit ba sa akin? Ang sungit mo, eh."

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ba't ako magagalit? Masungit lang, galit na? Saka, lagi naman akong masungit. Hindi ka pa nasanay."

"Ang tagal kong nawala, eh. Ang akala ko babait ka na."

"Mukha masama sa paningin mo-" Ginulo ko ang buhok niya pagtapos ay agad siyang tinalikuran. "Hoy! Anak ka ng-"

"Hintayin ka namin mamaya. Gagamitin raw yung van nila Kenedic at kotse ni Trav. See you, Manager."

Nagpahanda ako sa bahay. Minsan lang ako magpahanda rito kaya nilubos ka na. Napapasarap na ang kwentuhan at tawanan namin. May kukunin sana ako sa kusina nang maulinigan ko sina Manang Luz at Georgia na nag-uusap.

"Parehas pala kayo nung girlfriend nung alaga ko."

"Marunong din po magbasketball ang girlfriend ni Ren?"

"Magaling ang batang 'yon. Nung nandito pa siya dati, si Ren pa ang kalaban. Magkababata kasi ang dalawang 'yon. Mahal na mahal ng alaga ko. Sayang nga lang at hindi na sila magkasama ngayon."

"Ya, padala naman po ng tubig sa labas. Kukuha po akong ice." Singit ko.

Tumango si Manang Luz at kumuha ng pitsel sa ref. Mabilis itong lumabas. Tinungo ko ang ref para kumuha ng cube ice. Nagpatuloy naman ako sa pagkain.

"Mukhang nagkukwentuhan kayo ni Yaya."

"Oo. Ikaw pa nga ang topic namin."

Sinara ko ang ref at tinignan si Georgia.

"George. . ."

Natigilan siya sa pagsubo at napabaling din sa akin.

"I don't want to invade your feelings but I've been thinking about this since I left. . ." I paused for a second bago idinugtong ang mga sumunod na salita. "May gusto ka ba sa akin?"

Because that's something that I can't entertain. I wouldn't dare. Kahit papaano ay naoobliga akong magpaliwanag kay Georgia dahil kaibigan niya rin ang mga kaibigan ko. Yes, I consider my teammates as friends. Hindi na rin naiiba si Georgia.

"If you don't mind, pwede ba nating pag-usapan?"

"Ba't ganyan ang mga tanungan mo? Parang medyo kakapalan na ata 'yan." She's trying so hard to conceal it. Muntik na akong mapangisi. Try harder. Na-master ko na ang pagbabasa ng mga in denial na babae.

Natawa ako. "Sabihin na lang natin na ang instinct ko ay hindi tulad ng sayo at sa ibang tao."

"Animal instinct." Bulong niya.

"You can call it like that but you must admit that it's accurate."

"Na ano? Na may gusto talaga ako sayo?"

Tumaas ang kilay ko. "Mahirap bang umamin?"

"Aba, oo!" Gagad niya. "O-oo. Lalo na pag. . .pag h-hindi naman totoo!"

"Hindi masamang umamin minsan. Ikaw rin. Baka hindi ka na tanggapin sa langit niyan."

"Hindi masamang bawasan ang pagkakapal ng mukha natin minsan. Ikaw rin. Baka makita na lang kita sa library. Ikaw na ang pinalit sa encyclopedia at dictionary." Tugon niya na ikinatawa ko.

Umupo ako sa tabi niya.  I kept on embarrassing her. A wise way to turn her off. "I'm your friend, George. I consider you as one of my friend kahit ramdam na ramdam kong awkward ka sa akin."

"Awkward lang, may gusto na agad? Hindi ba pwedeng mabaho ka lang?"

"Parang ikaw talaga yung kakilala ko dati. Ganyan na ganyan. Sobrang denial. Halatang halata na ang nararamdaman pero nagdideny pa rin. Nabisto ko na pero hindi pa rin umaamin. Gusto yung pahirapan pa bago sabihin sa akin ang totoo. Ewan ko kung tama ba yung pagkaka-analyze ko sa nararamdaman ko pero pag may nakikita akong katangian niya sayo, nari-realize ko na nakakamiss rin pala."

And that's the main reason why I should push her away. Dahil may napapaalala siya sa akin na hindi na ginagawa ni Rhea ngayon. I don't want her to duplicate those memories, though I know it's pure coincidence. Wala siyang ginagaya pero ayokong permanente ko siyang makita bilang pangalawang Rhea.

"Wala akong aaminin sayo." Matabang niyang sagot.

Huminga ako nang malalim.

"Pag handa ka ng i-open up 'yan sa akin, kausapin mo lang ako anytime. Kung ibang babae ka lang, hahayaan kita at hindi ako makikialam sayo. I know it's not my business anymore but it will always depend on the person involve."

"What makes me special?" Tanong niya. "Oh, no. Huwag mo na sagutin. I know I'm not." Sagot niyang nagpatigil sa akin.

"For someone who impose girl power, ang weird marinig na parang dini-degrade mo ang sarili mo. Damn. Habang tumatagal, mas nagiging magkapareho kayo ng taong tinutukoy ko. There were times that she put too much confidence on herself and there were times that she lacks on it."

"Huwag mo nga akong ikumpara sa iba."

"I'm sorry. "Alam kong wala na akong pakialam sa nararamdaman mo. Ikaw 'yan, eh. Sayo 'yan. Ayoko lang na dumating yung araw na pati pakikisama ko sayo maapektuhan. 'Coz, I honestly want to be your friend."

And that's the only relationship that I can give to any girl. Iyon na ang pinaka-boundary. Ang pinakahuli. Sagad na sagad na ang titulong 'yon.

"And I want you to know the consequences of liking someone who's owned by someone else." Ngumiti ako. I'm already owned. Hindi ko 'yon tinago. In fact, pinagsisigawan ko. Wala akong intensyong manakit ng iba pero masgusto kong masaktan nalang ang iba kaysa kay Rhea. I feel sorry for George, though.

"You've experience a kind of heartbreak which needs a lot of time to heal and the one who caused it is a total jerk who never cared for your feelings. I'm not like him, George. Though, ayokong umasa ka sa akin kaya gusto kong i-confirm sayo nang hindi kita masaktan tulad ng ginawa niya at hindi mo isiping lahat ng lalaki ay tulad niya." Tumayo ako at akmang iiwanan na siya para makapag-isip. "Talk to me when you're ready."

But she didn't. Alam kong iniwasan niya ako pagtapos no'n. Sa mga hindi sinasadyang pagkakataon ay nakikita ko siyang sumisiksik sa kung saan-saan para makaiwas. Hinayaan ko nung una. Naisip kong masmabuti nga ang umiwas na lang siya. Kung totoo man, hayaan na lang. In my vocabulary, running away is not an option. It will only make things worst. Pansamantala lang ang pagtakas. Makakatakbo siya palayo pero may dulo ang daan. Wala pa rin siyang takas. Mapapagod lang siya sa ginagawa niya. And I think I was right.

Nakita ko siyang tulala paglipas ng ilang araw. Hindi ko na sana papansinin pero may kumakatok ang konsensya ko.

"You're miles away. May problema?" Nagsalita ako mula sa kanyang likod. "Tired of running away?"

Nanatili siyang tahimik.

"Ang bigat ba sa pakiramdam?" Tumabi ako sa kanya. Umusog siya palayo. "I told you we can talk about that."

"Ayoko umasa." Sagot siya.

"Pinaasa ba kita?"

"Huwag kang masyadong mabait." Asik niya.

Umiling ako at pinigilang matawa. "Hindi ako mabait."

"Wala akong mapapala sayo."

"Wala nga ba?"

Nilingon niya ako. "Anong mararamdadan ng girlfriend mo pag nalaman niya na kinakausap mo ang babaeng may gusto sayo?"

It slipped straight from her mouth.

"So, may gusto ka nga sa akin?"

"Huwag mo na lang akong pakialaman." Mahina kong tugon.

"Hindi mo talaga aaminin sa akin na nahihirapan ka na?"

"Ano naman sayo kung nahihirapan na ako?" Nilingon ko siya. "Masmabuting lumayo ka na lang din kasi kahit sabihin ko sa sarili ko na huwag ako umasa sayo. . .kahit pinipigilan ko, wala akong magawa. Napapaasa ako sa wala kahit alam nating pareho na wala naman akong maasahan sayo. Ang end game, hanggang asa lang ako."

Sumandal ako sa upuan at nagbuntong hininga. "Mas maganda na nailalabas mo ang nararamdaman mo."

"Kahit wala akong napapala?" Patuya siyang tumawa. "Kalokohan."

Humalakipkip ako. "Oo, kahit wala kang napapala."

"Madaling sabihin 'yan para sayo dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko. Hindi mo naranasan yung naranasan ko kay Oliver. I bet hindi ka pa nafa-fall sa taong pagmamay-ari na ng iba. Ano pang magagawa ng payo mo? Wala rin 'yang kwenta." Napailing siya at natawa. "Hah! Hindi nga nakikinig sa akin ang damdamin ko. Sayo pa kaya?"

"Eh, ano bang masmaganda? Pagpapakatanga o pagsi-self destruct?"

"Anong kinalaman no'n sa nararamdaman ko?"

"Aminin mo, depress ka na. 'Yan ang napapala ng nasanay sa katatago at kakalayo. Nagsasarili ng problema pero hindi naman talaga kaya. Hindi mo ba pa nari-realize 'yon? Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa kagustuhan mong lumayo sa akin."

"Anong gusto mong gawin ko? Dumikit ako ng dumikit sayo? Ikaw ba ang mahuhusgahan? Hindi. Ako. Teka nga, sa mga sinasabi mong 'yan, parang gusto mo atang umasa ako sayo."

"'Yan ba ang tingin mo?" Sinulyapan ko siya sandali. "Na papaasahin kita?"

"Hindi ba? Ganyan naman kayong mga lalaki. Naranasan ko na 'to noon. So, I know better."

Natawa ako. Hindi niya nakukuha ang ibig kong sabihin. "You know what? Minsan naisip ko kung may katulad pa ba ako sa mundong 'to. Nahihirap na kasi akong makipag-usap sa illogical na tao."

Napasinghap siya sa sinabi ko. "Iniinsulto mo ba ako?"

"Ang hirap lang makipag-usap sayo. Ang mga taong denial na tulad mo, hindi tumatanggap ng payo. Ma-pride, matigas ang ulo, nagpapanggap na malakas kahit hinang-hina na, wala sa bukabularyo ang makinig, sobrang immature, madaling mainggit, maraming sinasabi pero hanggang do'n ka lang at darating yung araw na walang makakatagal sayo dahil sa ganyang ugali mo. Gusto mo ba 'yon?"

Hindi siya nakaimik kaya nagpatuloy ako.

"Hay, ang hirap palang maging henyo. Hindi ka na iintindihan ng mga ordinaryong tao. Yes, concern ako sayo at alam ko 'yang nararamdaman mo pero hindi ibig sabihin no'n ay paaasahin na kita dahil alam nating dalawa na wala kang maasahan sa akin." Ngumisi ako. "Pero kayang-kaya kitang tulungan. I can make you hate me, George. Hindi mo talaga ako kilala at lahat ng nakikita mo sa akin ay parte lang ng maskara. Saka, please lang. Hindi ako santo at aaminin kong may pagkagago ako pero hindi ako kasing gago nung Oliver mo. Huwag mo ako ilinya sa mga tulad niya dahil ibang-iba ako sa kanila."

Nakabawi siya paglipas ng ilang sandali. "Ngayon, nagtataka na talaga ako kung paano ako nagkagusto sayo."

"Ikaw kasi, eh. Nag-inarte ka pa. Kung dati pa natin 'to pinag-usapan, di sana hindi ka nahirapan."

"Walang hiya ka! Pinagtitripan mo ata ako, eh!"

Tumawa ako. "Hindi kita pinagtitripan."

"T-totoo bang ganyan ka? I-I mean. . ."

"I know what you mean. Walang lubos na nakakakilala sa akin maliban sa isang tao." 'Coz I reserve myself for Rhea.

"Lahat ng tao may secret identity. Hindi lang tayong dalawa. Ang pinagkaiba ko nga lang sayo, pinagmumukha kong mahina ang sarili ko para walang makaisip na mas magaling ako sa kanila. Ikaw, nagmamagaling ka para walang makaisip na sobrang hina mo." I kept on pushing her to the edge. Na sana'y mainis siya nang sobra sa akin para mawala ang nararamdaman niya.

"Konti na lang at masusungalngal na kita! My God, hindi ko alam na ganyan ka!"

Humalakhak ako nang napakalakas. "At kung alam mo, I doubt kung magugustuhan mo ako."

"Hindi talaga! Hinding-hindi!" Sigaw niya.

"I told you. I can make you hate me."

"Bukod sa pagpapanggap, saan ka pa magaling?"

"Sa lahat ng bagay."

"Nakakairita. Paano ka nagkagirlfriend ng lagay na 'yan?"

"Secret."

"Natitiis ng girlfriend mo ang ganyang ugali mo?"

"Hindi ako ordinaryong lalaki at hindi rin ordinaryong babae ang girlfriend ko. Isang bagay na hindi maiintindihan ng ordinaryong tulad mo." Natawa ulit ako. "'Yan kasi. Nag-inarte. Ano akala mo? Papaasahin kita? Hindi. Dudurugin ko nga pag-asa mo, eh."

Sinabunutan niya ako pagtapos no'n. Ang usapang 'yon ang nagpagaan sa bawat engkwentro namin. Siguro ay dahil nalinaw ko na ang kinalalagyan niya. If a guy has guts to decline, it's either the girl will lose her entire confidence or she'll have enough courage to make a change. If the guy is willing to accept a girl in his life, the girl will gain confidence to love herself more. Mula sa experience 'yan kaya alam ko.

"Siguro, uuwi ako dyan ng March or April. May pasok ka ba no'n?" Magkausap kami ni Rhea sa phone. Iyon ang plano sa parating na summer. Siya na ang uuwi dahil namimiss niya na raw ang Papa niya. Mahaba-haba ang term break niya sa buwan na iyon at makakapamasyal kami.

"Wala na ata pero may training pa kami."

"Eh di maganda. Makakanuod na ako ng liga niyo." Napangiti ako sa sinabi niya. Simula nang mapasama ako sa varsity ay iyon ang gusto kong mangyari. Ang makita niya akong naglalaro sa court.

"I would love that, too."

"So, pagtapos na lang ng sem niyo, okay?"

"Yes. Pagtapos ng sem. Malapit na yun, beh. Susunduin kita."

"I love you."

"I love you. . ."

Rhea had been busy after that. May mga pagkakataong hindi niya nasasagot ang text ko. Nag-aalala ako kung natutulog at kumakain pa ba siya nang maayos o puro aral na lang ang inaatupag. Kailangan ko pa tawagan at itext ang kuya niya para malaman kung ayos lang siya.

"She's fine. Pinuntahan ko siya sa apartment niya kahapon. Kumakain naman. Hindi ka ba natitext?"

"As of now, wala pa."

"May thesis kasi siya pagtapos no'n, examination agad. Baka ayaw lang magpadistract kaya hayaan mo na muna."

Napabuntong hininga ako. Hindi ko kayang huwag siyang itext. Damn myself for being so clingy.

Ako : Beh?

Ako : Busy? Hindi mo nasasagot tawag ko. :(

Ako : I'm worried. Tinext ko si Kuya Ryan. Busy ka raw. I won't disturb you but please text me pag may time ka. May medical check up kaming buong team ngayong araw. I love you.

Nakapagreply siya kinabukasan na. Nasa daan ako at nagdadrive. Inabot ko kaagad ang phone ko nang marinig ang pamilyar na ring no'n. Binabasa ko ang  text niya nang bigla akong nakarinig ng gasgas ng gulong. Ang sumunod kong naramdaman ay ang malakas na pagbunggo ng sasakyan sa pinto ng kotse ko. Tumama ang ulo ko sa manibela at namanhid ang buong katawan ko.

Ang sumunod kong nakita ay ang puting kisame, nagkakagulong doktor at maingay na paligid. May mahigpit na humawak sa kamay ko at nakita ko si Daddy na namumutla.

"Ren. . ."

Ilang segundo lang ang lumipas at pumasok sa isip ko si Rhea. Nanikip ang dibdib ko.

"Don't. . .tell Rhea. She might. . ." Nakalimutan kn na ang dapat kong idugtong nang makita ko ang pagturok nila sa akin. Hinayaan ko na lang na tangayin ako ng antok. Even at times like this, I still think of her.

Nagising ako na may cast ang braso ko. Namamanhid pa rin ang katawan ngunit sumisingit ro'n ang sakit. Nasa tabi ko si Dad na mukhang nagising dahil sa akin. Ngumiti siya sa akin.

"How are you?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Literal akong namamanhid. Napapikit ako at naalala si Rhea. Mabilis akong dumilat.

"Rhea. . ."  Lumunok ako at napangiwi nang maramdamang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. "You. . .tell her?"

Umiling si Papa. Nakahinga ako nang maluwag.

"She called. Ang sabi ko na lang naiwan mo ang phone mo. Gusto mo bang tawagin ko siya?"

Umiling ako. She'll be distracted for sure. Baka mapilitang umuwi dahil sa pag-aalala. May thesis at exam pa siya. Huwag na lang. Sasabihin ko na lang pag magaling na ako.

"Why? Ayaw mo ipaalam 'to kay Rhea?"

"She. . .is busy. Mahalaga yung thesis at exam niya."

"Masmahalaga ba 'yon kaysa sa'yo?" Maingat na tanong ni Dad. Gusto ko sabihing ayoko lang madagdagan ang term na kailangan niyang kompletuhin para maagang makatapos pero literal na sumasakit ang lalamunan ko pag nagsasalita ako kaya hinayaan ko si Dad na sabihin ang gusto niyang sabihin. "She's your girlfriend, Ren. Dapat niyang malaman. Pero kung ayaw mo talagang ipaalam, nasasayo pa rin 'yan."

"Huwag na. . ."

Walang magawa si Dad kundi sundin ang gusto ko. Tumango na lang siya.

"Your cousin will be here. Nasabihan ko siya."

"Who?"

"Shairell. Kakauwi lang niya."

Hinanap ko kaagad ang phone ko at tinignan ro'n ang mga text ni Rhea.

Rhea : Ren?

Rhea : Ren, kumain ka na? Kamusta practice mo?

Rhea : Reeen. Reply, please. :(

Rhea : Galit ka ba kasi hindi na kita nabibigyan ng oras?

Rhea : Sorry. Sorry talaga. Babawi ako. Ang hirap kasi ng thesis ko at ako lang mag-isa ang nagriresearch. Medyo nag-alangan yung grades ko this term. Ayoko bumagsak, Ren. Masmapapatagal ang uwi ko pag gano'n ang nangyari.

Rhea : Ren. . .

Pinilit ko magreply pero kinuha ni Dad ang phone sa kamay ko.

"Ako na. Magpahinga ka muna."

Hindi ako nakaangal. Tumango ulit ako at kumuha ng tulog. Pero pilit na sumasagi sa isip ko ang lagay naming dalawa. Kailangan ko muna 'tong itago. Siguro pag hindi na siya busy o kaya pag magaling na talaga ako. I don't know.

"Nandito ako sa bahay?" Katawagan ko na siya. Ang totoo ay nasa ospital pa rin ako.

"Are you okay? Ba't parang ang tamlay ng boses mo?"

"I'm okay. Magpapractice ako mamaya." Huminga ako nang malalim. Literal na sumasakit ang dibdib ko sa pagsisinungaling. "How's are you?"

"Mamaya na yung thesis ko. Pray for me. Kinakabahan ako." Mas lalong nanuyo ang lalamunan ko. Hindi pa talaga oras para sabihin ko sa kanya ang lagay ko.

Pinilit kong tumawa para bigyang buhay ang usapan namin. "Kaya mo 'yon. Ikaw pa."

Sa kasagsagan ng pagtatago ko sa tunay kong kalagayan, nalaman 'yon ni Georgia at nagkasagutan na naman kami. Nairita ako sa pangingialam niya. Naiirita ako dahil masmarunong pa siya sa akin.

"Hindi mo sinabi sa girlfriend ang tunay na lagay mo? Nagsinungaling ka pa?" Unang dalawa niya 'yon sa akin nang mangyari 'yon.

"Hindi mo na kaso 'yon." Matabang kong sagot.

"Alam ko. Ikaw rin naman, di ba? Nangingialam ka rin. Pinigilan ba kita? Ang sabi mo sa akin, hindi ka tulad ng iba pero sa narinig ko kanina, wala naman palang pinagkaiba. Bilib na bilib pa naman ako sa relasyon niyo ng girlfriend mo pero nakadidisappoint kang boyfriend. Nagawa mong magsinungaling, eh wala na nga siya rito?"

Kumunot ang noo ko. "Sino ka ba para pagsabihan ako sa mga bagay na wala ka namang kinalaman? Ayokong mag-alala siya-"

"Oh, cut the crap! Kahit sino pa ang nasa sitwasyon mo, natural na lang na mag-alala sayo. Girlfriend mo 'yon."

"Hindi mo maiintindihan." Umiwas ako ng tingin.

"Eh di ipaintindi mo!"

"Hindi ako sayo magpapaliwanag." Nagsisimula na akong mawalan ng kontrol.

"Akala ko ba logical ka mag-isip? Eh, ba't parang 'bobo moves' 'tong ginagawa mo?"

"Did you ever heard the word 'white lies?'" I have to. Kasasabi lang ni Rhea na nahihirapan na siya, dadagdagan ko pa ba? No, thanks. Georgia will never understand. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang isang bagay na walang kinalaman sa kanya.

"Kahit pa rainbow pa 'yan, lies pa rin 'yon! Nakakaawa naman ang girlfriend mo."

Naningkit ang mata ko. Galit na titig ang pinukol ko sa kanya. "Tingin mo ba gusto ko 'tong nangyari sa akin? Tingin mo ba gusto kong mag-alala siya? Mas maganda pa nga ata na makita kitang umiiyak kaysa makarating sa kanya ang nangyari sa akin. Hinding-hindi mo 'yon maiintindihan dahil hindi ikaw ang babaeng mahal ko."

That's too much. I've said too much. Nalagpasan ko na naman ang linya. Nagpadala ako sa inis. Napahinga na lang ako nang malalim nang makalabas siya sa kwarto ko. Inis ako kaya hindi agad nagsorry sa kanya. Alam kong mapride siya kaya hindi rin 'yon magsosorry.

Nang humupa ang galit ko, saka lang ako natauhan. Hindi ko na dapat pinamukha 'yon sa kanya. Kahit pa nga ba gano'n katigas ang pag-uugali ni Georgia, babae pa rin 'yon. Rhea will punch me kung nalaman lang niyang may babae akong binastos.

Ako ang unang nagbaba ng pride. Ako ang nag-sorry.

"Y-yung tungkol sa sorry mo-" Pinutol ko ang anumang sasabihin niya.

"Naghahanap ka ng dahilan para ro'n? May mali ako at na-offend kita. Yun lang 'yon."

Tumango siya. "Hindi ko alam kung ba't big deal sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero naiisip ko pa rin kaya pinasya ko na kausapin ka."

"Parehas naman tayong may mali. Kahit na sinong babae, hindi magugustuhan ang sinabi ko sayo pag sila ang nasa posisyon mo. Even Rhea. She'll get mad."

"Buti naman alam mo. Ang akala ko kasi hindi mo marirealize 'yon. Ang hangin mo kasi."

Ngumisi ako. "Sumisimple ka ng bawi, ah?"

"Halata ba?"

"Pero ikaw, hindi ka nagsorry sa akin." Natigilan siya. Napabuntong hininga naman ako. "I won't demand for it pero sana next time, matutunan mo lumugar para hindi ka nasasaktan at hindi maiisip ng ibang tao na gawan o sabihan ka ng masama."

Isang maling kilos ko at nanakit ang balikat ko. Napangiwi ako nang pilitin kong buksan ang bote.

"Sabi mo magaling ka sa lahat ng bagay pero 'yang pagbukas lang ng bote, hindi mo kaya. Weak."

Ngumisi na lang ako sa pang-uuyam niya. We're back to normal. I guess. "Hintayin mo lang gumaling ang balikat ko. Kahit magpasuntok ka pa sa akin."

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Eh, kung ikaw ang suntukin ko?"

Akala ko ay ayos na ang lahat. Nararamdaman ko na papagaling na ako at hindi ko na kailangang magtago kao Rhea. Papatapos na rin ang exam niya kaya tamang tyempo na lang ang hinihintay ko. Pero hindi pala. May susunod pa palang mangyayari at iyon ang isisira sa lahat.

"Anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Georgia nang makita niyang nakangiwi ako.

Umiling ako at umiwas ng tingin. "Na-stretch lang ang muscle."

"Hindi ma-i-stretch kung hindi matigas ang ulo mo. Patingin."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayoko. Wala kang alam dito. Baka pilayan mo lang ako lalo."

Inirapan niya ako. "Kahit gustong gusto ko 'yang ideya mo, hindi ako pumapatol sa mga weak."

"Teka, teka! May alam ka ba dyan?" Napamura pa ako nang hilutin niya 'yon.

"Sabihin mo kung masakit."

"Masakit." Gagad ko.

"Ang OA mo. Wala pa naman akong ginawa." Diniinan niya ang pagkakahawak sa bandang itaas. "Masakit?"

Hindi ako umimik dahil wala na yung sakit. Iniisip ko kung dati ba siyang albularyo o masahista.

"Ba't may alam ka ro'n? Kasama ba 'yon sa pinag-aaralan mo?"

Siya namam ang hindi umimik. 'Di ko na lang din siya pinilit sumagot. We're quits.

"Salamat." Usal ko nang papaalis na siya. Ngumiti ako at napatingin sa paligid.

Kumunot ang noo ko nang makita si Shai hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Matalim ang titig niya sa akin. Unti-unting nalusaw ang ngiti ko.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

818 130 35
Z & C Series #3 Zoey and Cholo are about to take their next journey and they're going deep through the ocean where their hearts and destiny lie. Wou...
55K 1.6K 35
Welcome to my mind. My neverland. Contains poems, lines from my stories and random things that kept on running in my mind. WARNING: May contain dar...
466K 8K 81
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...