When The Cameras Aren't Rolli...

By rockyourluck

5.4K 181 254

- C O M P L E T E D - Azeralle Esparaguera, a perfectionist STEM student, lives by a rigid rule: always be t... More

Author's Note
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Author's Note

Kabanata 36

83 4 25
By rockyourluck


I was actually worried after having that conversation with Diom the other day. Pero mukhang okay naman. Malapit na mag-isang linggo at hindi pa kami sinusugod ni Jace sa bahay. Siguro ay hindi sinabi ni Diom.

Tapos hindi rin naman ako kinakausap nito outside of work matters. Tulad kanina, tumango lang ito noong nagkasalubungan kami sa daan.

According to my tsismosang mga kaibigan ay sa Germany daw siya nag-aral. Matataas daw ang mga grado nito at kahit sa first actual practice niya sa pagpapalipad ng eroplano, mataas daw ang nakuha nitong marka kaya may maganda na siyang reputasyon.

At iyon din ang rason kung bakit tinanggap siya agad sa airline namin. Parang buang, dapat nagstay na lang siya sa Germany. Maganda na pala buhay niya roon bumalik pa rito.

"Saan niyo naman nakuha iyan?" Tanong ko sa kanila.

"Kay Ballesteros."

Sabi-sabi raw ay mukhang nainis daw si Captain Ballesteros dahil bigla siyang iniwan sa Germany last last week. Aba! Kasalanan ba naming hindi siya macontact dahil may ka-one night stand pala?

So kinalkal daw nito ang records ni Captain Saracosa at napag-alaman ang mga impormasyong nasabi ko. Kaya ayon, mamatay-matay sa inggit because if Diom graduated with flying colors, he graduated with throwing money. Pasang-awa na nga lang, nanggatong pa.

"Dadating Mommy dito?" Tumingala si Rena sa akin.

Naghihintay kami ngayon sa harap ng isang restaurant. Sakto kasing uuwi ngayon si Jazmine mula sa Pampanga kung saan inasikaso niya ang lupain ng yumao nitong ama.

Ang balita kasi ay pilit na inaangkin ng mga kamag-anak nila sa father side niya. Kesyo may lupa naman daw si Tita Janice at patay na ang tatay ni Jazmine kaya wala na raw silang karapatan doon.

Bobo lang?

"Oo, hintayin na lang natin sila. Patient ka lang, baby, okay?" Ngumiti naman ang batang hawak ko. Isang buwan na rin kasi nitong hindi nakita ang nanay.

Ngayon din ang uwi ni Blythe mula sa Maynila. Sabi niya kasi ay may inalok sa kaniyang trabaho sa ibang bansa. Kaya papasyal muna rito sa probinsya upang magpaalam sa pamilya.

"Mommy!' I was brought back to my senses when Serena jumped out my arms to rush towards her Mom.

"Mommy! Mommy!" Maraming dala si Jazmine, halatang mga regalo pero ibinaba niya iyon lahat para buhatin ang anak.

Serena might be six and is a really tall girl but she loves being carried by people. Gusto laging binebaby. Kanino niya kaya nakuha iyan?

Lumapit na rin ako sa mga ito para buhatin naman ang mga dala-dala ng kaibigan ko. "Mukhang 'di naman napaaway."

I refered to her make up. Maayos at maganda pa rin ang datingan, parang hindi nakipagpuksaan sa hometown ng tatay niya.

"It was an easy work." Saad niya at pinaulanan ng halik ang anak. "Miss you, baby ko. Miss na miss ka ni Mommy, super. Muwah mwah."

Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang masilayan sa 'di kalayuan ang isang pamilyar na mukha.

"Azeralle!' Same girl I grew up with since highschool. Tumakbo ito sa mga bisig ko. Daig pa ang bata. "I miss you." Sambit ni Blythe.

Hinigpitan ko ang yakapan namin, "Miss din kita 'no. Tagal kang 'di umuwi."

"Sorry na, busy kasi sa Manila. Tapos sa tuwing uuwi ako, wala ka kaya!" Piningot niya ang ilong kong pabiro bago humarap sa batang naghihintay sa kaniya.

Salubong ang kilay ni Serena, ayaw kasing hindi siya pinapansin. Mukhang nainis dahil ako ang unang pinuntahan ng Ninang niya.

"Mama Blythe, pangit ugali." Nakahalukipkip ang mga braso nito. Aakalain mong matandang pinapagalitan ang anak.

"That's bad, baby ko. You shouldn't roll your eyes on your Ninang. Baka hindi ka bigyan ng pamasko niyan." Pagtuturo ni Jaz sa anak na agad nagpatawa sa akin.

I chuckled as the little girl pondered on her actions. "But Mommy ko, she didn't greet me first." Nagpout ito. "Besides, we have money naman e. I don't need her pamasko."

Lumakas ang tawa naming tatlo sa naging pahayag ni Rena. Seems like we spoiled the girl too much.

"Bastos kang bata ka." Pinisil ni Blythe ang pisngi nito pero nagpumiglas ang bata. "Cute cute mo, Rena." Hindi pa rin nagpatinag si Rena at may kunot pa rin sa noo.

"Tara na. Baka gutom lang 'yan." Binuhat ko ang ibang dala ni Jazmine. Dumiretso raw kasi rito para makita agad ang anak kaya wala ng oras para ibaba muna ang mga gamit sa kanilang bahay bago kami kumain sa labas.

Samantalang si Blythe ay wala ng dala dahil umuwi muna sa kanila bago pumunta rito.

"Aywan basta sinabunutan ko iyong tita ko." Sambit ni Jazmine bago sumubo ng isang buong chicken nugget. "Well, it's not even my fault. Siya ang naunang sumapal, bumawi lang ako." Pangdedepensa niya sa sarili.

"No one's judging you, girl." I replied.

Agad naman itong sinundan ni Blythe na may paturo-turo pa ng tinidor sa babaeng nasa harap namin nakaupo. "Lahat kami rito kampi sa iyo."

Jaz scoffed as she continued her story. "Buti na lang at ando'n si Ate Carmela, kinampihan ako."

Si Carmela ay ang pinakaclose ni Jazmine sa lahat ng mga pinsan niya. At siya rin ang tanging nasa panig nito. Lahat kasi sa lahi niya ay inggit sa kung anong narating ng pamilya niya. Both sa mother and father side ay galit sa kanila.

"Eh kayo? Anyare sa buhay niyo?" Tinuro niyang una si Blythe kaya siya muna ang nagsalita.

She shrugged. "Ganoon pa rin. Mahirap pala ang Psychology at lalo na ang maghanap ng trabaho. Biruin mo, naging cashier ako ng tatlong buwan matapos ko magtake ng board exam. Ang hirap humanap ng trabaho."

Bumuntong hininga ito.

Kung ako lang ang tatanungin, I applaud her for her bravery. Imagine, sa University of the Philippines Diliman Campus siya nag-aral pero hindi man lang siya nadelay.

Moreover, the fact that she has the guts to shift from Architecture to Psychology is really something. Doon ko masasabing malaki ang pinagbago niya. Dahil kung ang Blythe na dati ang usapan, sigurado hindi niya iyon gagawin.

Matatakot siya at manghihinayang sa mga panahong ibinuhos niya sa pag-aaral ng Architecture para lang biglang lumipat sa ibang program.

Nagbago na talaga siya.

"Pero buti na lang at hiring sila sa Japan. Nirecommend ako ng scholarship sponsor ko at doon na ako magtatrabaho." Nilingon niya ako ng may malaking ngiti. "This month ang alis ko. Philippines-Japan-Philippines ang rotation mo, Aze?"

"Ah? Oo."

Tumili ito na pati si Rena ay napatakip ng tainga. "Ahhh! Makikita kitang magtrabaho! Sabay tayo sasakay sa eroplano! First time ko, grabe!"

Inalog alog niya ako. Wala pa kami sa eroplano pero nahihilo na ako. "Yah yah, I'll try bringing you some goods from the first class."

Mas lalong lumakas ang alog nito sa akin, pati ang tili. "You're the best, Aze! Kaya sa iyo ako e! I love you the most!"

"Mommy ko, ingay po si Mama Blythe."

Matapos naming mapakalma ang nagwawalang chihuahua ay ako naman ang tinanong ni Jazmine sa mga pangyayari ng buhay ko.

Agad na pumasok sa utak ko ang naging pagbabalik ni Diom sa Pilipinas at ang naging usapan namin tungkol sa totoong ama ni Rena.

Should I tell her?

"Wala namang masyadong ganap haha." Naging awkward iyong tawa ko kaya agad namang nakahalata ang dalawa.

"Hindi ako nagsisinungaling, promise. Just the usual pettiness around my workmates. Hindi matanggap na mas senior sila sa edad pero mas senior ako sa ranko." Ani ko para hindi na sila mag-ungkat.

Mas boring naman talaga ang buhay ko kaysa sa kanila. Lipad papunta, pahinga, lipad pabalik lang ang nangyayari. Tapos suyuin ang mga galit na passengers.

Normal flight attendant life.

Maayos na sana. Hindi na sana sila magtatanong pero biglang bumuka ang bibig ni Rena.

"Mommy ko! I met Daddy po."

Nanlaki ang mata naming tatlo sa sinabi ni Rena, hindi tumigil at sinabi lahat. Pati tuloy ako ay napanganga. Kailan pa naging malakas ang memorya ng batang ito?

"You met him?" Hindi ko masabi kung galit ba ang tono ni Jazmine o paiyak, basta basag ang boses at hindi maipinta ang mukha.

Umiling agad ako. "It's not him." Ayaw niya kasing binabanggit ang pangalan ni Jace. Mang-iiwan kasi. "I met Diom."

I ran my tongue over my lower lip as I continued my excuse. "Promise, kahit ako ay nagulat. He was—no, he is a pilot."

"What?!" Sabay sila ni Blythe.

Itinaas ko ang mga kamay sa ere upang parahin muna sila sa pagsasalita. Ako muna, guys. Paliwanag ko muna bago kayo magtanong.

"Hindi ko rin alam kung bakit, kaya huwag na kayo magtanong." Blythe sighed beside me after hearing my words. "Pati ako ay nagulat noong sumulpot na lang siya sa eroplano. Nalasing kasi nang sobra ang captain namin kaya hindi nakapunta sa tamang oras." I managed to spout out.

"Tyaka nag-promise naman siya na hindi niya sasabihin kay Jac—kay ano...basta si ano."

Ngumuso na lang ako matapos mag-explain. Mahaba-haba rin iyon kasi halos maging isa na lang ang kilay ni Jaz sa sobrang pagkasalubong ng mga ito. Akala ko ay huling araw ko na iyon sa mundo.

Pagbalik ko sa trabaho ay hindi rin naging maganda ang araw ko. Lagi akong sinisibangutan ni Diom sa tuwing magkasalubong ang tingin namin.

Anong problema no'n?!

Tapos wala ring interesting na tsismis ang number one source namin na si Alissah dahil busy na ito kakachat doon sa boyfriend niyang Japanese.

And to make it worse, napatawag ako sa main office.

"I heard about what happened back in Germany." Mister Enrique, our airline's president said. "Ikaw ang senior FA sa flight na iyon. Mas matagal ka na rito kaysa kay Ballesteros, Ms. Esparaguera." Napakamot siya sa kalbo niyang ulo.

"Sorry po, sir. Hindi na po mauulit."

Bumuntong hininga siya bago tumayo at nilapitan ako. "You're a very exceptional person. Hindi lahat ng 24 years old na babae ay nagiging mukha ng isang sikat na airlines. We can't lose you, but please do your job properly."

Ako ang nakuhang mag-advertise ng airline namin. Maganda raw kasi ako kaya sa bawat billboard, poster, o commercial na tungkol sa East Number One Airlines, nariyan ang mukha ko. Feel ko nga iyon lang ang dahilan kung bakit nila ako tinanggap gayong wala naman akong experience at lalong hindi nagkolehiyo.

"I just can't believe that we had to rely on a complete stranger. Oo, kaibigan ni Trinidad, pero hindi siya galing sa kompanyang ito. At pinalipad niya ang isa sa mga eroplano ko!" Hinampas niya ang mesa.

Kung galit pala siya, bakit hindi si Ballesteros ang tinawag niya upang pagsabihan? Kasalanan ko bang bida-bida ang lalaki iyon? Tyaka kung ayaw pala niya kay Diom, bakit tinanggap niya agad sa trabaho? Asus, daming dada, tanda. Gusto mo rin naman si Diom eh.

"Sorry, sir." Wala akong ibang masabi kundi ito. I fear no man pero ayokong mawalan ng trabaho, duh. Practicality over pride, sorry self. I'll just keep my opinion to myself.

"Buti na lang at nag-apply din sa atin ang lalaki. He's a jackpot." Umupo na si Sir Enrique sa kaniyang upuan. Tinignan ako muli nito sa huling beses. "I expect nothing but perfection from you, Esparaguera."

Nag-bow ako bago umalis. May flight kasi kami.

Ayon sa narinig kong tsismis mula sa ibang source ay lumipat daw ng team si Ethan, ayaw naman talaga kasi niya sa ugali ni Captain Ballesteros eh.

Ang kaso...ang pumalit bilang first officer namin ay si Diom Nique.

He stared at me before huffing his cheek sabay iwas ng tingin. Minsan ay hindi ko masabi kong bente-tres na nga ba ang lalaki o dalawang taon. Daig pa si Rena kung sumibangot.

"Lagi kang tinitigan no'n." Inaayos ko ang mga pagkain sa trolley nang biglang magsalita sa Desiree sa tainga ko.

"Sino?"

Ngumuso siya sa cockpit. "Iyong pogi." Muli niyang itinuro ang likod ni Diom. "Iyong matangkad, hindi si Malric pandak."

"Hindi naman."

Sinitakan niya ako ng dila. "Ako pa ang niloko mo. Matalas ang paningin ko. Paano sa palagay mo pumasa ang babaeng ito sa mga exam niya? Nag-mulawin ako dzai!"

I cracked out a laugh before heading to the cabin to serve some snacks for the passengers. Pagbalik ko sa galley ay nabunggo ng trolley na tulak ko si Saracosa.

I gulped but played it cool. "Sorry po." Mahina kong sambit.

Tumango ito at dumiretso sa lavatory. Mabilis din siyang lumabas dahil as much as possible, binibilisan talaga ng mga piloto ang business nila sa comfort room.

Paglabas nito ay tumingin siya sa akin. Nagtagal iyon nang ilang segundo bago siya dumiretso pabalik sa cockpit.

"Sabi ko sa iyo, tinamaan iyon sa iyo." Siniko ako ni Desiree.

I scrunch my nose at her. "Hindi iyon, baka may nagawa lang akong kasalanan."

Palusot lang naman iyon pero pakiramdam ko iyon talaga ang dahilan. Maybe he's still mad at me for breaking up with him?

Pero ang sabi niya doon sa sinabi niyang letter ay wala na raw feelings of regret or anything.

Edi naka move on na siya? Edi bakit siya tingin nang tingin? For revenge?

Ewan ko sa iyo Dominic. Ang weird mo.

Continue Reading

You'll Also Like

28.8K 326 43
UniVerse Series 1 Ravienne Ylana has spent years dodging the harsh spotlight of online scrutiny. Her beauty, once a blessing, became a curse when env...
521K 8.3K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...
3.7K 147 48
Awesomely Completed! Action Romance - Under The Project Finish Equilibrium Series #2: SWEETNESS OF YOUR STARS Season One: Sweet Wars | Completed Seas...
12.4K 352 39
SPSeries # 1 : That Rainy Night in Cubao (Jericho's Story) 1 of 5. Scared to be left behind, Glory Ginn, from PUP College of Communication, never got...
Wattpad App - Unlock exclusive features