Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
JUNE
First Day.
Hindi alam ni Leiza kung ano ba talaga ang dapat nyang maramdaman pagkagising nya kaninang umaga. Dapat ba syang maging masaya? Malungkot? Excited? ANOOOOO!?!?! :O
Bakit naman masaya? - Kasi makikita na nya ulit sina Bee at Jean, pati na rin ang classmates nya.
Malungkot? Duh! Senior Year na nila! Last year sa highschool! Sino bang hindi malulungkot dun? Marinig pa nga lang nya ang katagang "4th Year" nangingilid na ang luha nya!
Excited? NAMAAAAAAAAAN! Baka kasi, ye know.. may bago! XD
CRAAAAAP.
Stop thinking about that, she told herself while brushing her hair. Tama na. Nadala ka na nung summer. Those 3 days of hell were enough.
Yuck. Pag natatandaan nya yung tatlong araw na yun, nandidiri sya sa sarili nya. Ang babaw nya! Stupid! Sya, si Leiza Enriquez, pumayag makipagpustahan sa lalaking... EEEEWWWWW!!!
He even kissed her!! That's unfair!
Hoy Leiza, isa ka pa ngang t@nga dyan e. Denn's right. You like him.
CORRECTION: liked. Past tense.
Meaning? Wala na.
God. She couldn't believe it! Ilang linggo lang ba yun? 3 weeks?
3 effin weeks. Yun lang. Nagkagusto na sya sa kadiring Denn Estrella na yun. How pathetic. Maimagine lang nya yung mukha ng lintres na yun, nababadtrip na sya. Not to mention about the kiss. Eeeewww.
New school year resolution?
Don't mess with guys. As in don't mess. Itaga mo yan sa bato.
(Leiza's POV)
Medyo tinatamad pa akong maglakad papunta sa school. Pssssht. Miss na miss ko na agad ang kama ko kahit 30 minutes pa lang kaming magkahiwalay! </////3
SUMMER'S SO BITIN! DEFINE BITIN!!!! UGH. Nasayang lang talaga ang oras ko sa Brain Train review na yan!! Sana pala hindi na lang ako nagreview classes! Hindi ako nakapunta sa Puerto Galera dahil dun! Kainis lang -____-
"LEIZAAAAAAAAAAAAAAAA!"
Hay eto na naman po tayo mga teh -.-
"Cmon, Bee. You don't need to shout! Masakit sa tenga!!!" sabi ko sa kanya nang tumabi sya sakin. Talaga tong si Bee walang kyeme sa buhay!
"Ano baaa! I'm so happy today! :D"
"At bakit naman!?!"
Ngumiti sya ng nakakaloko. "Secret!"
"Tigilan mo ko sa secret secret na yan! Mababatukan kita!"
"Eeeeehhh. Mamaya na lang sa school, okay?"
"Si Jean nasan!?"
"Nauna na satin! Dalian mo kaya! :))))"
Wow ha, si Jean nauna samin!?! ANSAVEEEEEEEEEH! Himala yun ah! Ano nga bang meron ngayon at parang nag-iba ata ang ihip ng hangin! Etong si Bee, super duper excited pumasok! Nagtatatalon pa na parang kindergarten habang papuntang St. Lawrence! HUHUHU SUMMER ANONG GINAWA MO SA BARKADA KO!?!? :O
Aysows. Wala namang nagbago sa St. Lawrence since nung huli akong pumunta dito. Nung last day ng review.
Yep. April pa nung huli akong pumunta dito. Si Mama at Ate na lang yung pinag-enroll sakin. Ugh.
Medyo konti na lang ang nakasabay namin ni Bee papasok sa main gate. Nako, late na naman kami!
Okay. So same boring stuff happened. Nothing to be excited about. Kung pwede nga lang tulugan tong flag ceremony ginawa ko na! Kainis talaga (O-o)
Habang papunta kami sa classroom...
Jean: (to Bee) Hey. Totoo ba yung chismis sa St. Martins?
Bee: Alin? Yung kay Denn?
BS. ANO NA NAMAN.
Jean: Yep. Narinig ko kanina sa jeep habang papunta ako dito. May nasabi ba sayo si Kristian?
Bee: Hmmm. Wala naman masyado. Basta, the rumors are true. Denn was expelled last week sa St. Martins. EXPELLED.
WAIT. WHAAAAAAAAAT?!?!?!
Hindi na lang ako nagsalita. Duh Leiza, get a grip!
J: WEH! BAKIT DAW!?
B: Ayun, nakipagsuntukan sa chapel ng St. Martins! Sabi ni Kristian may nakita raw tong si Denn na manyak sa simbahan, ayun sinuntok nya! Pero geez, imbis na maging proud pa ang St. Martins, nagalit pa ang faculty! Kainis nga e! >:|
WEH MANIWALA! SYA, MAMBUBUGBOG NG MANYAK!?!? AYSOWS KALOKOHAN!!!
Darn it. Wag mo na nang isipin yung mokong na yun! Nawawalan tuloy ako ng ganang puma-
*KABLAAAAAAAAAAAAAG!!!*
"Nako Miss sorry!" sabi nung nakabangga sakin. Pinulot pa nya yung bag ko.
"Ay sor-"
SHET. SHET.
"Hi Kristian! :>" super sayang greet ni Bee.
KRISTIAN!?!
EH BAKIT NANDITO TOH?!?!?!?
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Wait lang. Lumabas si Kristian mula sa classroom namin. Sa classroom namin. Sa classroom namin.
Naka-civilian lang sya ah!?!
Jean: Hoy Lei! Okay ka lang!?! Nauntog ka ba!?!
KRUUU KRUUU
Kristian: Leiza, okay ka lang ba talaga? Hindi ka naman ba nasaktan?!?
Ako: H-hindi.. O-okay lang ako..
Bee: Wow.. Akala ko joke lang yung text mo sakin kaninang umaga! You really transferred here?!
Kristian: Naman! Expelled na rin kami sa St. Martins eh!
Ako Bee Jean: (O-o) EEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHHHHH!?!?!
Kristian: Grabe naman! Parang may choice kami noh!? Alangan naman sa SMHS kami pumasok!?
Bee: Pano kayo naexpel!?!
Kristian: Nanuntok din kami! Ano ka ba, ganun kami katight. All for one, one for all!!!
TENGENE SAGAD. ANO RAAAAAAAAAAAAAAAAW!?!?
Jean: Wait lang. So it means...
Kristian: Yup! We're classmates! Hinihintay ko lang yung dalawa from the Guidance Office. May kinuha kasi silang papers.
YUNG DALAWA?
Bago ko pa ma-digest ang information na yun, may narinig akong nakakainis na boses sa likuran ko.
"So.. we meet again, Miss."
TENGENE SAGAD ANO BA TO.
Comments:
"OMG!!! Is that Denn!?! HALAAAAAA KA LEIZA!!!!"
"Goodness! Bakit ako biglang kiniliiiiig! :">>>>"
"Ms. Author! Update update na agaaaaaaaaaad! :D"
(A/N: HOLLA CHICAS! :D Hihihihi. Since may nagrequest para sa isang chapter ng You're The One That I Want.. eto na sya! :))) Pero guys, eto lang. Ang YTOTIW ay part ng If I Fall. Hindi po sya bagong story or whatever. Sadyang ginawa ko sya para sa IIF :> Story sya ni Barbs na based sa mga nangyayari sa buhay nya! Hahaha! Magulo pa rin ba?! Tell me! :P
Halaaa. 2:17am na pala ngayon. Ipopost ko mamaya ang Chapter 3 nito. HAHAHHAHA! :D Wait lang hindi ko pa natatype!
COMMENT. VOTE. BE A FAN. SUGGEST TO FRIENDS!)