Mark Me All Over

By radikewl

1.6M 32.3K 1.7K

"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolera... More

MMAO
Foreword
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Stan Cohen Arrhenius
Afterword
Radikewl's Note

Chapter Nineteen

23.6K 536 20
By radikewl

NINETEEN

Tinakpan ko agad yung mata ko dahil sa tumama na sinag ng araw sa akin. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. Inilibot ko ang tingin ko, hindi 'to ang kwarto ko!

Hinanap ko agad si Stan, dito pala ako nakatulog sa kwarto niya. Pero nasaan na ba yun? Tumayo ako at lumabas na, bumungad agad sa akin si Sevhire na kumakain sa baba. Bumaba na rin ako.

"Si Stan?" Unang tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin habang umiinom ng tubig. "I don't know. May binili ata? Sa kwarto ka ba niya natulog kagabi?"

Shit! Napatigil ako sa pagbaba ko.

"I was knocking on your door last night. Hindi ka sumasagot so binuksan ko, wala ka dun so I guess kay Stan ka natulog?" Pinag taasan ako ni Sevhire ng kilay, parang may hinahalungkat siyang sagot sa akin.

Sinubukan kong gawing maayos ang boses ko. "Oo."

Hindi ko na dinugtungan iyon. Tinatanong niya lang naman ako, e. Hindi naman niya kailangan ng explanation. Umupo na ako sa mesa at kumuha ng dalawang sandwich.

"Mamayang 12pm pupunta ka sa hotel na tinutuluyan ni mom." Ani Sevhire. "Alam ni Nong Roger yun, he'll drive you there."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita, binilisan ko na ang kain at umakyat ako sa kwarto ko para maligo. Late na  kaya ako nagising. 10:30 na rin.

Naka bihis na ako't lahat lahat wala pa rin si Stan, pati si Syche wala pa rin. Si Sevhire naman umalis din, hindi ko nga alam kung bakit sila busy ngayon, e. Hindi naman kasi sila nagsasabi.

"Magandang umaga po, senyorita." Yumuko sa akin si Nong Roger.

"Good morning din po. Alam niyo daw yung hotel?" Tanong ko.

"Opo." Pinagbuksan ako ni Nong Roger ng pinto kaya pumasok ako, umikot naman siya para pumasok na rin at umupo sa driver's seat.

Naging tahimik yung biyahe namin, grabe naman. Hindi ko alam na aabot pala na halos isang oras ang tinutuluyan ni Ate, akala ko nga malapit lang sa Quezon City yung tinutuluyan niya, hindi pala.

Ibinaba ako ni Nong Roger sa Saipan's Five Star Hotel. Napanganga ako, isa rin to sa mga hotel namin, e! Ngayon pa lang ako naka punta dito. Ang ganda!

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Halatang mayayaman ang naka check in dito.

Pumunta agad ako sa sinabing room number nung babae, huminga muna ako ng malalim. Makakaharap ko na ulit si Ate. Pero bakit kinakabahan ako? Kasi may tinatago ako sa kanya? Kasi may nararamdaman na ako sa anak niya?

Bago pa ako makakatok ay bumukas na yung pinto, naka pang gym si Ate, siguro mag wowork-out siya. Halatang nagulat siya nang makita niya ako.

"Oh, Cadence!" Hinila niya ako bigla at niyakap. Bagong ligo si Ate.

"Ate, namiss kita." Gumanti ako ng yakap sa kanya.

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Ako rin, nako. Gustong gusto ko bumisita sa bahay ko pero hindi ako makabisita dahil may mga bwisit sa bahay ko." Binigyang diin niya pa talaga yung 'ko'.

Napatawa ako. Kahit kailan talaga 'tong si Ate.

"I thought you're not coming. Kaya naisipan ko na lang na mag gym. Baka na brain wash ka na kasi ng mga pamangkin mo."

Pumasok na ako sa loob, nadinig ko yung pagsara ng pintuan, naupo agad ako sa malambot na kama.

"Na-late lang kasi ako ng gising." Sagot ko sa kanya.

"Hmm, ikaw, ha! Napuyat sa pakikipag-text sa iyong special someone." Nanunuya pa siya, umupo siya sa silya. She crossed her legs.

Umiling ako. Kinakabahan na 'ko. "Hindi ha."

"Sus! Hindi daw? E, bakit namumula ka?" Tinuro niya pa yung mukha ko.

Napa-iwas tuloy ako ng tingin. "Hindi naman talaga. Ikaw, Ate ang hyper mo, a!"

Humagikhik naman siya pero ilang saglit ay tumigil din, doon na ako napatingin sa kanya. Ang seryoso na ng mga tingin niya.

"Ate, bakit?"

Kumunot ang noo niya at parang nag-isip pa. "Kamusta na pala sina Syche, Cadence?"

My heart literally skip a beat! Pakiramdam ko aatakihin ako sa anumang oras!

"T-They're okay naman, Ate." Cadence! Ayusin mo yang boses mo!

"I hope so." Tumango tango pa siya tapos ay tumayo, lumapit siya sa ref at may kinuhang alak doon. "I really miss the old them."

Pinagmasdan ko lang siya habang sinasalinan niya ng alak yung baso niya. Sa unang tingin parang walang problema si Ate kasi laging nangingiti yung mga mata niya.

"Miss ka rin naman nila, e." Sabi ko.

Humarap siya sa akin. "Really? I guess not." Pumameywang siya at nilagok ang kaunting laman ng baso.

Tumayo na rin ako at pinunas sa pants ko ang namamasa kong kamay. Pasmado nanaman ako! "Bakit naman, ate? Syempre mga anak mo sila. They're missing you too."

"Pabor ka ba sa incest, Cadence?"

Nalaglag ang panga ko sa tinanong bigla ni Ate. Why did she asked me that kind of question? May alam ba siya?

Iwinasiwas niya ang kanyang isang kamay. "No.. Don't get me wrong, alam ko naman na hindi ka papatol sa mga anak ko, but, tumawag kasi sa akin yung kaibigan kong abugado. Namomroblema siya, e."

Lumapit ako sa silyang inupuan ni Ate kanina at humawak doon, kahit doon man lang masuportahan ako sa pagtayo! My knees are shaking!

"Problema? A-Ano daw yung problema?" Tanong ko sa kanya.

"Her daughter is pregnant, at alam mo kung sinong naka buntis sa anak niya?" Humarap na siya sa akin at tinignan ako.

Mata sa mata.

Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Hinintay ko na lang siya.

"Her daughter's brother." Dagdag niya at parang isang nakakadiring salita ang kanyang nabanggit. "How disgusting right?"

Napayuko ako, nanlalambot na ang mga tuhod ko, pakiramdam ko unti-unti akong nilalamon ng konsensiya ko.

"Hey, sister! Hindi ka na nakasagot diyan?" Untag sa akin ni Ate.

"Ate, paano kung magkagusto ako sa isa sa mga anak mo?"

Gusto kong kainin ulit ang sinabi ko! Rinig na rinig ko na ang lakas ng tibok ng puso ko, kulang na lang, kumawala ito sa sobrang lakas ng kabog!

"What again, Cadence? I think I heard you wrong." May diin sa bawat banggit niya sa mga salitang iyon.

Matapang akong nag-angat ng tingin sa kanya only to see her angry face. Hindi na ito maipinta! Nanginginig na rin ang kamay niyang may hawak sa baso. Baka ilang sandali ay mabasag iyon sa kamay niya!

"Cadence? Anong sinasabi mo?" Damang dama ko ang pagpipigil sa tono ng boses niya.

"H-Hindi ko sinasadya--"

Napasinghap ako nang mabitawan niya yung hawak niyang baso, nakalikha iyon ng isang ingay. Natatakot na ako!

"Anong kalokohan ang sinasabi mo?! That's not a good joke!" Sigaw niya sa akin.

Napapikit ako.

"Biro lang ang sinabi mo diba? Bullshit, Cadence. Tell me!"

Nakalapit na siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko, niyuyugyog niya ako.

Hindi ako makasagot. Dahan dahan lang akong umiling sa kanya. Tumulo ang luha ko. Kasabay nun ay ang pagkayanig ng aking mundo dahil sa kauna-unahang beses ay nasaktan ako ng kapatid ko.

"O my God!!"  Nadinig kong sigaw ni Ate Stella.

Napa-upo ako, damang dama ko ang hapdi sa pisngi ko, sabay sabay na ang pagbagsak ng luha ko. Parang hindi titigil. Parang hindi matatapos!

"T-That's not fucking true! O my God, Cadence!" Hawak hawak ni Ate ang kanyang dibdib. Ang isa niyang kamay ay nakasapo sa kanyang noo. "What a disgrace to our family! No! O God!"

Sinubukan kong itinayo ang sarili ko pero nagulat ako nang itulak niya ako pabalik sa pagkaka-upo sa semento.

Madiin niyang hinawakan ang panga ko, nanlilisik ang kanyang mata! Malayong malayo siya sa nakilala ko!

"Sabihin mo! Sino sa kanila?! Sino! Tell me! At iyon ang isasama ko sa Australia!"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling. "A-Ate no! P-Please! H-Hindi ko kaya! Ate naman!"

"Sino, Cadence!?"

"Si Stan!!" Napapikit ako at lalong humagulgol. "Ate, gusto ko si Stan. S-Sorry p-po."

Para namang nanghina siya sa sinabi ko, niluwagan niya ang pagkakahawak sa panga ko at parang isang lowbat na bateryang napaupo.

"What's the reason? I... I thought you like your  classmate? Bakit biglang.... biglang yung anak ko?" Tumakas sa mata ni Ate ang isang luha. "Bakit yung pamangkin mo pa?"

"I-I don't know." Amin ko.

Totoo naman, hindi ko alam kung ano rin yung dahilan ko at nagustuhan ko si Stan, nagising nalang ako isang araw, yung puso ko tumitibok na pala para sa kanya.

"I know, Stan. Hindi ka niya gusto. He's just protective. He'll never like you." Ani Ate Stella. "Stan might be a manwhore pero alam kong hindi siya papatol sa kadugo niya."

Napaawang ang labi ko. Bakit parang diring diri na sa akin ang kapatid ko? Nag-angat ako ng tingin dahil tumayo siya, inayos niya ang kanyang sarili at humalukipkip paharap sa akin.

"Ikaw lang naman ang nagkakagusto sa kanya diba? One sided love, to be exact."

Nanginginig ang labi ko at tumango. Maybe I can sacrifice, ang laking tanga ko na dahil nilaglag ko mismo ang nararamdaman ko kay Stan at hindi ko na dadagdagan ang pagiging tanga ko kung pati si Stan ay ilalaglag ko pa.

"That's great! Convince Stan, Cadence." Matapang na wika ni Ate Stella sa akin. "You have to convince my son to come with me."

Nanikip bigla ang dibdib ko. Hindi ko kaya!

"Cadence? What? Hindi mo magawa?" Parang hindi na niya ako kapatid sa tono ng pananalita niya.

"Gusto ko si Stan, Ate. Pero please naman, huwag mo siyang ilayo." I pleaded, tumayo na rin ako at tinapatan siya, nawala bigla yung matapang niyang mukha kanina.

Bumalik bigla yung dating ekspresyon ng mukha niya, yung mukha niyang mabait at parang hindi marunong magalit. Pinagmamasdan niya lang yung mukha ko. Siguro ang rusing rusing ko na dahil basang basa ng luha ko ang aking pisngi, yung buhok ko naman ay sabog na.

"You can't like my son, Cadence. Both of you are related to each other. Pamangkin mo siya, that's just an infatuation." 

Napapitlag pa ako nang haplusin ni Ate ang aking mukha, natunaw ng parang yelo ang kakayahan kong magkalkula ng mga bagay bagay. Paano ko nasaktan si Ate ng ganito?

"I'm sorry, Cadence. Sorry kung nasaktan kita." Aniya. "Kung talagang gusto mo ang anak ko, hahayaan mong maka-alis siya, please convince him. Para rin ito sayo."

Naguluhan ako, inilayo ko ang mukha ko sa kanya. "Para sa akin? I will push him away from me. Anong para sa akin dun, Ate?"

Palagay ko napaka sama ko ng tao dahil pinagpipilitan ko ang nararamdaman ko kay Stan, pakiramdam ko, nasusunog na sa impyerno ang kaluluwa ko dahil sa maling tao ako nagmahal.

"It's for you so you can easily forget him."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan dahang tumango. Hinila ako ni Ate palapit sa kanya at hinagkan niya ako.

Bago ako umalis sa Hotel na tinutuluyan ni Ate ay naka-ilang pakiusap pa siya sa akin. Sa isang araw na pala ang alis niya, sa isang na rin pala aalis si Stan. Buti hindi napansin ni Nong Roger yung pamumula ng ilong ko, tahimik lang ulit ako sa buong biyahe namin. Nagpababa ako sa kanya sa Bowmont.

Parang wala ako sa sariling naglalakad. Tama ba kasi na inamin ko kay Ate yun? Akala ko pa naman, kapag sinabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko kay Stan, mawawala na yung parang nakadagan sa dibdib ko. Pero bakit ganun? Bakit parang mas bumigat?

Baka tama rin naman kasi si Ate, na infatuation lang ang nararamdaman ko kay Stan, kagaya kay Theo, mawawala rin.

"Hoy, Cadence! Bakit babaliw baliw ka diyan?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil narinig ko ang boses ni Daile. Nasa harapan ko na pala siya at naka kunot ang noo. Awtomatiko nang tumulo ulit ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Patakbo akong pumunta sa kanya para yakapin siya at humikbi.

"C-Cadence? Anong nangyayari sayo?" Ani Daile habang paulit-ulit akong pinapatahan. "Uy, mag salita ka nga."

Bumitaw ako sa kanya para mapunasan ko ang luha ko. "A-Alam na ni Ate Stella."

Nanlaki ang mata ni Daile. "What?! Paano? Anong ginawa niya sayo?!"

Paulit-ulit akong umiling sa kanya. "Ako yung nagsabi sa kanya."

She looked at me na parang ang tanga tanga kong tao. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Ikaw nagsabi? Nabaliw ka ba nung mga oras na yun?! Ano bang inaasahan mo?" Mahina akong tinulak ni Daile.

"Akala ko kasi, maiintindihan niya ako, e." Paliwanag ko.

Lumaki ang awang sa labi ni Daile at sarkastiko siyang tumawa. "Cadence! That was a very very wrong move! Yung nararamdaman mo kay Stan ay hindi pwede sa mata ng Diyos at lalo na sa mga mata ng tao! Kaya huwag mong asahan na susuportahan ka ng Ate mo!"

Wala na, lalo akong naiyak. Para namang natauhan si Daile kaya inangat niya ang mukha ko at siya na ang nagpunas ng mga luha ko.

"Kanina ka pa ba umiiyak? Paano pag nakita ka niyan ni Stan? Baka mambugbog na lang yun ng walang dahilan." Ani Daile habang inaayos naman ang buhok ko.

Naalala ko nanaman yung pag-alis ni Stan. "Sabi s-sa akin ni Ate kailangan ko daw mapa-alis si Stan sa isang araw. D-Daile hindi ko kaya."

Awang-awa akong tinignan ng kaibigan ko. "Just do the best thing,  Cadence." Aniya. "Tara, samahan na kita pauwi sa inyo."

Sinabayan nga ako ni Daile pero walang imikan sa aming dalawa, hinahayaan niya lang siguro din ako mag-isip. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahapon masaya ako, tapos ngayon, hindi na.

"Hanggang dito na lang ako." Biglang tumigil si Daile sa paglalakad. Nasa harapan na pala kami ng bahay.

"Daile, salamat ha?"

Sumaludo lang siya at tumalikod na. Tinignan ko yung kabuuan ng bahay. Naiiyak nanaman ako. Hinang hina akong pumasok, naka yuko pa nga ako dahil baka mapansin ni Mang Kanor ang pamumula ng mga mata ko.

Nahagip agad ng tingin ko si Stan na naka upo sa swing at parang may hinihintay, nang makita niya ako ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin.

Na estatwa agad ako.

"Saan ka nanggaling?" Malambing na tanong ni Stan at marahang hinaplos ang siko ko. "Bakit mas nauna si Manong Roger sa'yo? Umiyak ka ba?"

Hindi ko siya sinagot. How can I hurt this man in front of me? Isipin ko pa lang na masaktan ko siya ay gumuguho na ako.

"Umiyak ka." Ani Stan na parang kumpirmado na talaga ang pag-iyak. "Care to tell the reason why?"

"Not here, please." Maliit na boses na sabi ko sa kanya.

Kahit na naguluhan siya doon ay tumango na lang siya at hinawakan ang kamay ko, iginaya niya ako papasok sa bahay.

Mukhang wala pa rin sina Syche at Sevhire. Tahimik, e. Sinarado ni Stan yung pintuan tapos ay nilock iyon. Nag panic naman ako bigla!

"Stan! Open the door! Baka kung anong isipin nila." Sinubukan kong buksan ang pinto kaso hinaharang ni Stan ang kanyang katawan.

"Tell me the reason first, please?" Aniya.

Kinuyom ko ang kamao ko. "Stan, sumama ka kay Ate."

Nagsalubong naman bigla ang kilay niya. "What, princess?"

Shit! Naiiyak ako. Mas lalo kong tinapangan ang boses ko. "Sumama ka sa kanya papuntang Australia, Stan."

"You know that I don't want to. Bakit ba pinipilit mo, Cadence?"

"Kailangan ka kase doon! You have to leave!"

"Yan ba ang pinapautos niya sayo?" Bumalik yung angas na aura ni Stan. "Did she ordered you to convince me to come with her?"

"Walang kinalaman si Ate--"

"Kaya ka ba umiyak? Kaya ganyan ka? No, Cadence. I'm not going. I'm not leaving. I'll be staying here with you."  Matigas na sabi ni Stan, ang mga mata niya ay galit na galit na. Mabigat na rin ang bawat pag hinga niya.

Napapadyak na ako. "Hindi nga kasi pwede! Mag-aaway kayo ni Ate! Umalis ka na! Sumama ka sa kanya! Para na rin makalimutan kita!"

Rumehistro sa kanyang mukha ang pagkagulat kasabay nun ay ang pagkabigo. "Come again?"

Umiyak nanaman ako, yung iyak na talagang naririnig na dahil sa hikbi. "Gusto ko nang kalimutan ka, Stan. Narealize ko na hindi ko kayang saktan si Ate kaya sumama ka na, nagmamaka-awa na ako."

Nailagay ko ang aking kamay sa magkabilang tainga ko nang biglang sipain ni Stan yung maliit na mesa na may nakalapag na vase. Nabasag iyon!

"I will only love you more, Cads. Kaya huwag mong isipin na makakatulong ang pag-alis ko."

Continue Reading

You'll Also Like

I Saw You By Yen

Fanfiction

243K 11.9K 43
{ Constantine Series: Book 2 } Palagi nalang bang siya ang makikita mo? Paano naman ako? - London Constantine have always had a long list of girls. W...
116 2 15
Ito na ang huling pagkakataon na makakasama nya ang taong ito, kaya susulitin na nya ang oras. Alam nya na nasaktan nya ito, pero hindi nya inakala n...
114M 2.4M 65
It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niy...
6.1K 92 11
The bitter-sweet lovestory of Jeviva Alcantara. "Hindi lahat ng iniwan mo, pwede mo pang balikan. Kahit ano pang rason, iniwan mo pa rin siya kaya wa...
Wattpad App - Unlock exclusive features