One Shot Stories

By Bebebunso

1K 38 14

One shot stories collection. Basahin niyo. XD More

Bebebunso's Collection
REPUBLIC ACT 143 (BATAS NG PAGIBIG 143)
Iloveyou, Blockmate ♥
FictionalCharactersllOperatorsllCyworld

The Story of Us (One Shot)

158 5 2
By Bebebunso

Title: THE STORY OF US

 

 

 

A/n: Another one shot story XD Bago to mga tropa. Haha! First time ko gagawa nang ganitong one shot kaya medyo epic fail. :’’’> Hahahaha!

 

Enjoy reading :’)))))))

 

 

 

 

Ako si Amethyst. Second year college from Hoshida Constellae University (A/n: Kunwari nung mga panahong to may college na ang HCU =DD). I’m taking up Journalism as my course.

Hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa masasabing maganda sa buong campus. Matangkad, maputi, sexy, maamo ang mukha , bagsak na bagsak ang buhok at higit sa lahat matalino. Madalas akong mapansin hindi lamang nang mga schoolmates ko pati na din nang mga prof. namin.

Maraming nanliligaw sakin pero wala pa akong sinasagot ni isa man sa kanila. Hindi naman sa hindi ko sila gusto pero wala pa lang kasi talaga akong nakikita na pumasa sa standard ko sa pagpili ng magiging boyfriend ko.

Hanggang isang araw, dumating ang isang lalaki na hindi ko inakalang makakapagpabago sa buong buhay ko.

“Be do you know Miguel Imperial?” Tanong sakin ni Krisha. One of my bestfriends.

“Miguel Imperial? Hmmm…” Sandali akong nagisip.

“Gaga! Si Miguel Imperial! Yung oh so hot president ng engineering department! Hindi mo ba sya kilala?!” Maarteng sabi naman ni Arman. Ang baklang bestfriend ko.

“Lande lang te?! Haha! Oo. I remember him na. Si Imperial. Blockmate ko sya sa Comskill last sem. Bakit?” Natatawang tanong ko kay Krisha.

“Crush na crush ko yun eh! Ang gwapo niya kasi! Tas ang puti pa! Tapos ang talino pa!” Kinikilig na sagot naman ni Krisha.

“Idagdag mo pa ang pagiging hot niya girl! At pag ngumiti? Ay bongga! Makalaglag panty!” Malanding dagdag pa ni Arman.

Natatawang umiling iling na lang ako tapos ay tinanong ko sila.

“Gwapo na ba yun sa’inyo? Mukhang bakla! Tss. At anong hot? Ang payat payat kaya niya! Walang kinahot!”  - Ako.

“ Wala naman kasing gwapo sayo Am-am!”

“Sus. Hindi sa wala. Mataas lang talaga ang standard ko sa pagpili ng magiging boyfriend ko.” Nakairap kong sagot.

“Hindi pa ba papasa sayo yung isang lalaking tulad ni Miguel? Mabait, matangkad, matalino, maputi and most of all, responsible! Ano pa ba ang kulang sa’kaniya?!” Singit naman ni Krisha.

“Alam niyo naman kung ano ang hinahanap ko sa isang lalaki diba?” Sagot ko.

“Matalino. Responsable. Masipag. Yung bad boy ang dating, Moreno na matangkad. Yung kaya kang ipagtanggol kahit kanino.” Nakatirik ang matang sagot ni Arman.

“Tingin mo ba hindi ka kayang ipagtanggol ni Miguel?” Tanong sakin ni Krisha.

“Hindi naman sa ganun pero parang ganun na nga.” Sagot ko ulit.

“Hanudaw?!” Eksaheradang sagot naman ni Arman.

“Eh pano naman po kasi, sa payat niyang yun, baka kahit sayong bakla ka hindi niya ako maipagtanggol.” Paliwanag ko.

“Wow ha? Alamo agad te? Galing mo naman mag predict ha! Nahusgahan mo agad sya?! At excuse me, never kitang pagtatangkaan nu! Over my sexy dead body!” Nakairap namang sabi sakin ni Arman.

“OMO! Girls tama na yan! Speaking of Miguel! He’s coming! Look! Satin sya palapit!” Pasimple pero halatang kinikilig na sabi ni Krisha.

“This moment! Maganda ba ako? Ha?” Natatarantang sabi naman ni Arman. Ang kulit lang talaga nang mga bestfriends ko! Hahahaha.

“Hi girls!” Nakangiti at masiglang bati samin ni Miguel nang makalapit ito samin.

“Hi Miguel!”

“Hi Miguel!”

Sabay na bati nila Arman at Krisha.

“Hi ulit. XD” Kaway ni Miguel sa dalawa. “BTW, you’re Amethyst right?” Baling naman niya sakin.

“Ahm, oo bakit?” Takang tanong ko.

“You left this at the library.” Sagot nito tapos ay iniladlad niya yung ID na hawak niya.

“Luh? Nahulog pala yung ID ko nang hindi ko namamalayan? “ Gulat kong sabi.

“Oo. Hehe. Tinatawag kita pero hindi mo ako naririnig eh.” Sabi ni Miguel sabay abot sakin nung ID.

“Salamat ha?” Sabi ko pagkakuha ko nung ID.

“No problem. Anyways, I’m Miguel Imperial. Blockmate tayo last sem sa Comskill.” Pagpapakilala niya sa sarili niya.

“Yeah. I know you.” Maikling sagot ko.

“I’m glad na natatandaan mo ako. Hehe! Ahm sya nga pala, nasilip ko kanina yung new schedule natin for this sem. Blockmate ulit tayo sa ComArts at Filipino 2.” Masiglang paliwanag ni Miguel.

“Ganun ba? Well, that’s great!” Sabi ko tapos pinilit kong ngumiti.

“In that case, friends na tayo ha?” Nakangiti nitong sabi.

“Sure, friends.” Nakangiti ko ding sagot tapos nag kamay kaming dalawa.

At ganun na nga ang nangyari. We became friends. At hindi lang basta friends. Naging best of friends kami. Mabait si Miguel. Lagi niya akong tinuturuan sa mga lessons na hindi ko maintindihan. Tinutulungan din niya akong gumawa ng mga projects and reports ko. Sweet at gentleman din sya. Tama nga sila Arman at Krisha na nakakakilig naman talaga si Miguel. Pero sa kasamaang palad, hindi tumalab sakin ang pagiging charming niya. Oo, admitted na talagang attractive sya sa mga babae. Pero hindi sakin. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa’kaniya.

Pero hindi katulad ko, sa sobrang lapit namin ni Miguel sa isa’t isa, hindi sinasadya na nafall sya sakin…

“Miggy thanks for the ride ha? Mamaya ieedit ko na yung report natin and first thing in the morning tomorrow, I’ll send to your email yung ieedit kong report para mapagaralan mo din.” Sabi ko.

“Sige sige.” Maikling sabi din ni Miguel.

I stare at him. Kanina pa kasi ito parang wala sa sarili niya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya naman masabi sabi kung ano. Nakakapanibago lang sya.

“Miggy are you ok?” Nagaalala kong tanong.

“A-ah oo naman. Hehe. Why you ask?” – Miguel.

“Eh kasi naman kanina ka pa parang wala sa sarili mo eh. May problema ka ba?” – Ako.

“Am-am may sasabihin a-ako..” Mahinang sabi niya.

“Ano yun?” Curious kong tanong.

Matagal bago muling nagsalita si Miguel. Para bang pinagiisipan nitong mabuti kung magsasalita ba siya o hindi.

“Huyy Miggy.” Tawag ko sa’kaniya.

“Ah eh Am-am nevermind na lang. Hahahaha.” Sabi niya tapos kumamot-kamot pa siya sa ulo niya.

“Sige ikaw bahala. Bababa na ako Miggy. Goodnight.” Bababa n asana talaga ako sa kotse ni Miggy nang muli niya akong tawagin.

“Am-am!”

“Po? Haha. Sabihin mo na kasi may sasabihin ka Miggy. It’s already late na o! Magdadrive ka pa pauwi!” natatawa kng sabi sa’kaniya.

“Eto na nga.” Sabi nito tapos ay tinitigan niya ako.

“Go on. Makikinig ako.” Seryoso ko namang sagot.

“Am-am mahal kita. The first time I saw you nainlove na agad ako sayo.. And if you will give me a chance, mas papatunayan ko sayo how much I really love you..” Sincere na sabi ni Miggy.

Ako naman ang natigilan. What should I say? Yung bestfriend ko, nagtapat sakin. Anong dapat kong sabihin? .__.

“A-ahm Miggy listen.. Mahal kita, pero bilang kaibigan lang… S-sana maintindihan mo ako..” – ako.

“Pero Am-am bigyan mo naman ako ng chance oh.. Mahal talaga kita!” – Miguel.

“I’m sorry p-pero hindi ko kayang suklian yung pagmamahal mo para sa’akin..” Nakayuko kong sabi.

Ayoko sanang saktan si Miguel pero he needs to know the truth. I just love him as a friend. Hanggang dun na lang yun.

Oo, diba inamin ko naman na sweet siya. Caring and malambing. Tapos gentleman pa. Lahat nang babaeng makakasama niya ay kikiligin sa attitude niya. Pero hindi talaga ako nabibilang sa mga babaeng yun. :3 I don’t feel any special about him..

Ibang iba kasi talaga si Miguel sa sinet kong standard para sa magiging bf ko. He’s not my ideal boyfriend. Ang gusto ko yung moreno, badboy. Yung maangas. Yung parang walang kinatatakutan.

Kung mapapasok kami sa isang fairy tale, si Miguel yung magiging prince charming. Yung tipo ng lalaki na may maamong mukha. Mabait at masunurin. Yung bang lalaking napakahinhin.

At hindi ganun ang ideal boyfriend ko.

Ang gusto ko ay yung tipong knight in shining armour. Para kasi sakin ba ang knight in shining armour compare to a prince charming. Ang knight in shining armour: badboy, maangas, walang kinatatakutan. Yung tipong hindi maamo ang mukha or yung itsura niya ngunit magiging maamo ito kapag kaharap niya yung mahal niya. Ganun ang gusto ko. Magulo ba? Intindihin niyo na lang. Ganun kasi yun.

“Handa ko naman gawin ang lahat mahalin mo lang ako eh! Just give me a chance Am-am! Please..” Nagmamakaawang sabi ni Miguel.

“I’m sorry Miguel.. Pero kasi sinagot ko na din si Warren nung isang araw.. Mahal niya ako at mahal ko din sya..” Matatag kong sagot.

Warren is the exact replica of an Knight in Shining Armour I’ve always dreaming for.

“Ano?! Kung mahal ka niya bakit hindi kayo ang magkapartner ngayon?! Bakit si Krisha ang pinili niya at hindi ikaw?!” – Miguel.

“A-ako ang may gusto nun Miggy. Kapag kami ang magpartner wala kaming magagawa..” Nakayukong sagot ko.

-          Ring ring ring. –

Sasagot pa sana si Miguel ngunit napahinto ito nang tumunog ang cellphone ko.

“Si Warren.” Sabi ko nang makitang si Warren ang tumatawag. Hindi ito sumagot. Sinagot ko na ang tawag ni Warren.

“H-hello baby..” Sagot ko habang nakatingin kay Miguel. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin lang sa may labas nang kotse.

“Baby asan kana?” Sagot naman ni Warren sa kabilang linya.

“A-ah andito pa ako sa labas nang bahay. Papasok na ako nang bahay. Kausap ko pa si M-miggy eh..” – Ako.

“Kasama mo si Miguel?” – Warren.

“O=oo. Hinatid niya ako. Ikaw asan ka na?” – Ako.

“Pauwi na sa dorm. Kakatapos lang namin ni Krisha eh. Hinatid ko muna sya sa sakayan.” – Warren.

“A-ah ganun ba? Ok..” – Ako.

“Sige baby. Inaantok na ako eh. Ikaw pumasok ka na sa bahay nyo at magpahinga ka na din. Pauwiin mo na si Miguel.” Utos sakin ni Warren.

“O-oo sige. Bye. Sleeptight baby.” – Ako.

“You too. Iloveyou.” – Warren.

“Iloveyoumore.” – Ako.

Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na yung cellphone ko. Tahimik akong napatingin kay Miguel. Naktitig siya sakin.

“Mahal kita Amethyst..” Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Miguel.

“P-pasensya na Miggy.. P-pero kung mahal mo talaga ako, magiging masaya ka na lang para sa’akin..” Naawa talaga ako kay Miguel.. Pero wala naman akong magagawa..

Tinitigan muna ako nang matagal ni Miguel tapos ay huminga sya ng malalim.

“Fine. I give up. Be happy with him.” Malungkot man ngunit pinilit pa ding ngumiti ni Miguel habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

Naging magkaibigan pa din kami ni Miguel sa nang pagreject ko sa’kaniya. Alam ko nasaktan ko sya pero kelangan kung magpakatotoo. At isa pa, mas ok na yun.. Atleast hindi ko na siya napapaasa sa wala.

Naging ok naman kami ni Warren. So far so good. Masaya ako sa’kaniya and I do love him. So much.. Akala ko mananatili na kaming ganun. Hanggang dumatin yung gabing hindi ko inaasahan..

“Miggy salamat sa treat! Galante ka ata ngayon?” Masayang sabi ni Arman. Magkakasama kaming tatlo ngayon sa isang bar. His treat.

“Bagong sahod eh. Tyaka day off ko sa call center ngayon.” Sabi naman ni Miguel.

“Hindi k aba nahihirapan Miggy? Aral sa umaga tapos trabaho sa gabi?” Sabi ko naman.

“Hindi naman. Sa una oo. Pero habang tumatagal nasasanay na ako. I want to be independent din kasi kaya determinado akong magtrabaho at magaral at the same time. Nakakatuwa din kasi na nakikita mong may naiipon ka sa sarili mong hirap. Kaya ayun. Nakakwala din nang pagod at stress.” Mahabang paliwanag ni Miguel.

“Gusto ko din sanang matry yan Miggy. Kaya lang hindi ako papayagan nila mommy..” nakasimangot kong sagot.

“Eh kasi naman ikaw lang ang nagiisang prinsesa sa’inyo Amethyst. Pano kang pagtatarbahuhin?” Singit din ni Arman.

“Pero syempre gusto ko din ng experience bakla.” Sagot ko.

“Anubang klaseng experience  ang gusto mo? Hard o soft?” Pilyang tanong ni Arman.

“Hoy Armanda tigil tigilan mo ako ng kabastusan mo!” Nakairap kong sabi kay Arman.

“Oh bakit? Nagtatanong lang naman ako ah?Tyaka ikaw kaya ang may sabi na gusto mo nang experience. “ Natatawang sagot ni Arman.

“Gaga. Working experience tinutukoy ko! >.<” – Ako

“Yown! Lilinawin mo kasi! Hihihi.” Malanding sagot ni Arman.

“Hahahahahaha! Ikaw talaga Arman! At ikaw naman Amethyst don’t worry. Matatry mo din namang magwork once you graduate eh.” Naiiling na natatawang sabi ni Miguel.

“LOL. Maiba ako. Am-am kamusta na kayo ni Warren? Napansin ko na hindi na ata kayo madalas magkasama ni Warren unlike noon? May problema ba kayo?” Pagiiba ni Arman sa usapan.

Biglang naiba ang mood ko nang marinig ko na naman ang pangalan ni Warren.

“Sa totoo lang, hindi na talaga kami ok..” Malungkot kong sagot.

“Ha? Bakit? Anong nangyare?” – Arman.

“Nagaway kasi kami nung isang araw. Nagseselos kasi ako dun sa mystery textmate niya! Alamo naman Arman na hindi ako selosa diba? Pero nung nabasa ko yung mga text nung textmate niya sa’kaniya, inatake talaga ako ng selos! >.< Pano ba naman puro sweet messages at love quotes ang mga tinitext niya kay Warren! Kaya ayun! Kinausap ko si Warren. I asked him kung sino ba yun. Pero hindi niya naman sinagot yung tanong ko. Nagalit pa nga sya eh! Bakit ko daw pinapakelaman yung privacy niya!” Mahabang paliwanag ko. Alam ko hindi ko na dapat nilalabas pa sa iba ang problema namin ni Warren. Pero kasi kelangan ko na din naman nang mapaglalabasan nang sama nang loob.. Nahihirapan na din naman kasi ako :3

“Kapag ganyan dapat ka nang kabahan girl.” Eksaheradang komento ni Arman.

“Sa’inyo ko lang to aaminin ha? Sa totoo lang, nasasaktan na ako sa mga pambabalewala sakin ni Warren.. N-nahihirapan na akong intindihin sya..” Nakayuko at malungkot kong sabi sa’kanilang dalawa.

“Nahihirapan ka na pala bakit hindi mo pa hiwalayan? Marami pa namang iba dyan eh.. Pakalat kalat lang. Buksan mo lang ang mga mata mo Am-am at makikita mong hindi siya ang lalaking para sayo.” Seryosong sabi sakin ni Miguel.

“At sino naman ang para sakin? Ikaw Miggy?” Prangkang sagot ko sa sinabi ni Miguel.

“Pwede din.” Kibit balikat niyang sabi.

“Speaking of the devil! Guys look who’s coming! Si Warren kasama si Krisha. And magkaholding hands pa sila!” Natatarantang turo ni Arman dun sa dalawang tao na papasok ngayon sa bar.

Parang biglang tumigil sa pagikot ang mundo ko nang makita ko sila Warren at Krisha na magkaholding hands at masayang papasok sa bar. Ang sweet sweet pa nila. Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko lahat nang dugo sa katawan ko at walang lingon likod na lumakad ako papunta sa dalawa.

“Warren! Krisha!” Tawag ko sa’kanila nang makalapit ako sa kinauupuan nila. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nila pareho nang makita nila ako.

Paaaaakkkkkkk!

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Warren tapos ay gigil na gigil akong nagsalita.

“Ang kapal nang mukha mo! Kaya pala nanlalamig ka na saking hayop ka! Kaya pala kayang kaya mo na akong tiisin! Kaya pala lagging kang busy at wala ka nang oras sakin! May bago ka na palang pinagkakaabalahan! So. Siya pala ang mystery textmate mo?! Hayop ka talaga!” Hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko. Gusto ko silang pagbuhulin at paguntugin! Mga taksil! Lintik! Hindi naman makapagsalita si Warren.

“Am-am tama nay an. Nakakahiya…” Mahina namang sabi ni Krisha. Pinagtitinginan na kasi kami nang ilan sa mga nasa loob nang bar.

“At may hiya ka pa pala sa lagay na yan?! Of all people, bakit ikaw pa Krisha?! I trusted you! I trusted you both! Anubang ginawa ko sa’inyong dalawa para ganituhin niyo ako?! Mga manloloko!” Gigil ko pang dagdag.

“Cut the crop Amethyst! Bumenta na yang ganyang drama eh. Ngayong alam mo na kami ni Warren leave us alone! Pwede?!” Mataray na ring sabi ni Krisha sakin.

“Walanghiya ka! Ang kapal nang mukha mo!” Sabi ko tapos hinablot ko ang buhok ni Krisha.

“A-ah Amethyst! Aray ko!” Sigaw ni Krisha tapos sinabunutan din niya ako. Nagkagulo na sa loob nang bar. Ang dami nang umaawat samin at isa na doon si Warren. Pero kahit anong hila sakin nang mga tao doon ay hindi ko talaga binibitawan si Krisha. Sobrang gigil na gigil ako sa’kaniya at kulang na lang ay kalbuhin ko sya sa higpit nang pagkakasabunot ko sa’kaniya. Halos hindi ko na nga maramdaman ang kirot nang pagkakasabunot sakin ni Krisha eh. Ang masakit lang sakin ngayon ay ang puso ko. Hindi ko matanggap na magagawa akong pagtaksilan nang mga taong pinagkatiwalaan ko nang sobra. Gusto kong umiyak pero walang mga luha ang pumapatak sa mga mata ko…

“Amethyst tama na! Bitawan mo si Krisha!” Sigaw ni Warren tapos ay itinulak niya ako nang malakas upang mabitawan ko si Krisha. Napaupo naman ako at tumama sa isang mesa na nasa gilid sa lakas nang pagkakatulak sakin ni Warren. Doon tumulo ang mga luha ko. Hindi ko matanggap na mas pinagtanggol nito si Krisha kesa sakin. Ako ang girlfriend niya pero ibang babae ang pinagtanggol niya. Niyakap pa nito ang babae na lalong nagpadagdag nang sakit sa nararamdaman ko.

“Hindi na kita mahal Amethyst! Si Krisha na ang mahal ko! Noon pa man! Hindi ko lang masabi sayo dahil pinipigilan ako ni Krisha! Naawa sya sayo! Dahil ayaw ka niyang masaktan!” Dagdag pa ni Warren. Parang maliliit na kutsilyo naman na tumusok sa puso ko ang mga sinabing yun ni Warren. Masakit pala ang mga salitang ganun lalo na kung manggagaling sa taong minahal mo nang sobra sobra.. Halos hindi ako makagalaw. Umiiyak lang ako doon sa may pinagbagsakan ko kanina. Nakadagdag pa sa nararamdaman ko ang pagaalalang nakikita ko sa mga mata ni Warren. Ang pagaalala nito kay Krisha. Ang pagyakap nito sa babae.. Bakit ganun? Ni minsan hindi nagawa sakin yun ni Warren. Pero bakit kay Krisha ang dali dali niyang gawin yun? Halos lahat pa nang tao sa bar ay nakatingin na samin.

“Hayop kang manloloko ka!”

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong galit nag alit na sumugod si Miguel kay Warren at pinagsasapak niya ang lalaki.

“Warren!” – Krisha.

“Miguel!” – Ako.

Mabilis kaming nakalapit ni Krisha sa mga nagsusuntukang lalaki. Pilit namin silang inaawat pero walang kahit sino sa kanila ang gusting tumigil. Masaki tang balakang ko sa pagkakabagsak ko kanina ngunit hindi ko yun ininda. Nagaalala ako para kay Miguel. Hindi naman niya dapat gawin yun pero ginawa niya para sakin. Alam kong hindi sanay sa pakikipagsuntukan si Miguel. At ngayon ko lang ito nakitang galit na galit. Hindi ko inaakalang magiging ganun sya nang dahil lamang sa’akin..

“Miguel tama na please..” Niyakap ko na si Miguel habang umiiyak ako. Nakita kong bugbug na bugbug na si Warren. Hindi ko inakalang ganun kalakas si Miguel. Baka mamaya balikan siya ni Warren. Kilala ko ang lalaki at alam ko ang mga kayang gawin nito. Ayokong madamay si Miguel sa problema ko. Ayokong masaktan sya nang dahil sakin..

“Hayop ka Miguel Imperial! Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sakin! Tandaan mo yan!” Pagbabanta ni Warren kay Miguel nang maglayo ang dalawa. Tumulong na din ang mga bouncer sa bar upang awatin ang dalawa.

“Hindi ako natatakot sayo!” Ganting sigaw ni Miguel.

“Tama na yan Warren! Umalis na lang tayo dito!” Sabi naman ni Krisha tapos ay inalalayan na niya si Warren palabas nang bar.

4 months later…

Tama..

4 months na ang nakalipas simula nang break up namin ni Warren.. Hindi naman nagging ganun kahirap sakin ang kalimutan si Warren. Pero inaamin ko na nung mga unang lingo ay halos hindi ko talaga magawang kalimutan sya. Muntik ko na nga akong sumuko eh. Hindi ko kasi talaga matanggap na magagawa nila akong lokohin. Tinuring kong parang isang kapatid si Krisha at nagtiwala ako kay Warren. Hindi ko lubos maisip na magagawa nila akong traydurin. Pero salamat kay Miguel.. Dahil sa’kaniya natuto akong tanggapin ang mga nangyari. Hindi niya ako pinabayaan. Palagi niya akong pinapangiti at hindi niya hinayaang umiyak na lang ako nang umiyak dahil sa mga walang kwentang yun. He’s always there for me. Sa loob nang mga araw na nagmomove on ako.. Andun si Miguel para icheer up ako. Hindi niya ipinaramdam na magisa ako. Hindi niya ako iniwan. Inalagaan niya ako. At ipinaramdam niya sakin yung mga bagay na ni minsan hindi ko naramdaman kay Warren.

He treated me as if I am a princess..

His princess..

Hindi ko na nga alam kung anong nangyare eh. Basta ang alam ko sandali lang akong naging malungkot dahil kay Warren. Na habang tumatagal si Miguel na ang hinahanap hanap ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko naging dependent na ako kay Miguel. Bawat oras naaalala ko sya. Bawat minuto siya ang gusto kong makasama. Hindi kumpleto ang araw ko nang hindi ko sya nakikita or kahit nakakausap man lang.

Na ang tanging alam ko na lang ay mahal ko na si Miguel. Mahal ko na siya noon pa man. Pero hindi ko lang agad nabigyan nang pansin dahil kay Warren. Na hindi ko lang agad binigyan nang pansin dahil sa walang kwentang standard ko sa paghahanap nang isang boyfriend. Na kung sana mas pinakinggan ko yung tunay kong nararamdaman hindi sana kami umabot sa ganito. Hindi sana ako nasaktan at naloko nila Warren. Na sana una palang si Miguel at hindi si Warren ang pinili ko.

Madami akong sana na naiisip pero mananatiling hanggang sana na lang. Kasi magsisi man ako huli na. Nangyari na ang lahat eh. Wala na akong mababago doon. Pero may pagkakataon pa ako.. Hindi man naging kami noon pero pwede pa ngayon. Sana lang hindi pa huli ang lahat. Aamin na ako sa’kaniya. Aaminin kong mahal ko siya. Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataong ito.. Hindi na..

“Am-am!” Napatingin ako kay Miguel nang marinig kong tinawag niya ako.

“Oh Miggy andyan ka na pala.” Nakangiti kong bati sa’kaniya. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. Kinakabahan ako..

“Ok ka lang ba Am? Bakit namumula ka?” Nagtatakang tanong ni Miguel. “ Wala ka namang sakit ah.” Sabi pa nito kasi sinalat niya ang leeg at noo ko. Tinignan niya kung may lagnat ako.

“A-ah eh Miggy wala akong sakit. Hehe. Mainit lang k-kanina kaya namumula ako..” Pagpapalusot ko.

“Ah kaya pala. O e may sagot ka na bas a assignment natin?” Tanong niya ulit sakin.

“Wala pa eh.” – Ako.

“Here’s mine. Kopyahin mo na lang yan. Hindi naman tinitignan ni Sir yan isa isa eh. Basta meron ka lang ok na.” Sabi pa ni Miguel sabay abot sakin nung assignment niya.

“S-salamat.. A-ahm Miggy may s-sasabihin nga pala ako sayo.” Paguumpisa ko.

“Ano yun?” Curious niyang tanong.

Natigilan ako. Dapat ko na bang sabihin sa’kaniya? Kaya ko na ba?

“Huy Am-am! Ano na?!” Kuwit sakin ni Miguel.

“A-ah. Hahaha. W-wala pala. Nevermind na lang. W-wala lang naman yun eh. Hehehe.” Mas pinili kong wag munang magconfess. Kinakabahan ako eh. Tyaka parang hindi ko pa kaya.

“Ikaw bahala! Ako na lang ang may sasabihin sayo Am!” Excited na sabi ni Miguel.

“A-ano naman yun?” Takang tanong ko.

“Sinagot na ako ni Jhaina!” Masayang balita nito.

“H-ha?!” Gulat kong sabi. Nagulat talaga ako sa balita niyang yun. Pakiramdam ko ay huminto na naman sa pagikot ang mundo ko. Bakit ba lagi na lang nila akong ginugulat? >.<

Anong nangyari?!

Hindi ko naman alam na may nililigawan siya!

Wala naman siyang nababanggit sakin! >.<

“Girlfriend ko na si Jhaina Am-am! Bakit parang gulat na gulat ka?” Takang tanong niya sakin.

“H-hindi mo naman kasi nasabi sakin na n-nililigawan mo na pala si Jhaina..” Gusto nang pumatak nang mga luha ko pero pinilit kong pigilan iyon.

“Pasensya na Am-am kung hindi ko nasabi sayo ha? Kasi alam ko naman na hindi importante sayo yun kaya hindi ko na nasabi sayo.” Paliwanag niya.

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi importante? :l Hays. Ngayon ano ba ang dapat kong sabihin? Ang dapat kong gawin? Hindi ko alam.. Nasasaktan ako sa nalaman ko. Naguguluhan ako.. >.< Kanina lang handa na akong umamin tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa’kaniya tapos ngayong andito na naduwag naman ako. :3 At ang malala pa ay may girlfriend na pala sya. -.-

Wala na ba talagang pagasa para saming dalawa? -.- NO! Hindi ako makakapayag! Kailangang maipaalam ko na sa’kaniya kung ano ba yung tunay kong nararamdaman. It’s now or never!

Bandang huli ay napagpasyahan ko nang magsabi nang tunay kong nararamdaman sa’kaniya. Kahit na may girlfriend na sya.. Bahala na.. Sorry for Jhaina but he needs to know it. He really needs to know it! Hindi ko alam kung saan ako nakakuha nang mabilisang lakas nang loob para magsalita pero kinuha ko na yung pagkakataon nay un para makaamin.

“Miggy listen! Mahal kita - - - “

-          Kring kring kring -

“Am-am wait lang ha? Si Jhaina kasi yung tumatawag eh.” Putol ni Miguel sa sinasabi ko pero bago niya pa masagot yung tawag ay mabilis ko nang naagaw yung cellphone niya sa’kaniya.

“Hey Am! Ano bang problema?!” Tanong ni Miguel na halatang nagulat sa ginawa ko.

“Listen to me Miggy! May sasabihin ako!” – Ako.

“Hays. Sige. Ano ba kasi yun?” Sagot naman nito.

“Iloveyou Miguel Imperial! I dunno when it starts basta ang alam ko, nagising na lang ako isang araw na ikaw na ang hinahanap hanap ko.” Sabi ko sa’kaniya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Gusto kong Makita sa mga mata niya kung ano ang mararamdaman niya pero wala eh. Blangko yung mata niya. Yung ekspresyon ng mukha niya blangko. Hindi ko mabasa yung iniisip niya.. ._____.

“M-miggy?”

Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga tapos ay inabot niya ang mga kamay ko.

“Masaya ako na natutunan mo na din akong mahalin Am-am..” Mahinaniyang sabi. Napangiti naman ako sa narinig ko.

“P-pero..” – Miguel.

Ngunit ang mga ngiti sa labi ko ay mabilis ding nawala dahil sa “pero” ni Miguel. Parang bigla akong kinabahan sa maari nitong idugtong sa nasabi na niya kanina.

“P-pero ano Miggy?” Kinakabahan kong tanong.

“Napakaswerte nan glalaking mamahalin mo Amethyst.. Pero I’m sorry kung hindi ako ang lalaking yun..” Malungkot niyang dagdag.

“H-ha? W-what do you mean? I though you l-love me too?” – Ako.

“May girlfriend na ako Am-am. Hindi naman tama na iwanan ko sya at ipagpalit dahil lang sa nagtapat ka sakin.. Kung sana noon mo pa ako minahal.. I’m sorry..” Malungkot pa din niyang sagot.

Oo nga pala, may girlfriend na siya. Kasalanan ko naman eh. Tama siya. Kung sana noon palang naging matapang na ako at humarap sa’kaniya. Kung sana noon palang sinabi ko na sa’kaniya na mahal ko sya.. Kung sana lang talaga.. Edi sana ngayon masaya kami.. Nasaktan siya noon nang dahil sakin. Siguro dapat naman ngayon na hayaan ko syang maging masaya..

Sa piling man nang iba.. </3

Kagat labi akong tumango tango. Sa pamamagitan man lang nun ay mapigilan ko ang pagpatak nang mga luha ko.

“N-naiintindihan ko.. Congratulations Miggy!” – Ako.

“Salamat Am-am. Makakahanap ka din nang lalaking nararapat para sayo..” Nakangiting sabi ni Miguel.

“Hope so. Basta bestfriend pa din tayo ha?” Pinilit kong ngumiti para kay Miguel.

“Oo naman. ^^” Masigla pa niyang sagot.

“Kuuu! Payakap sa nga bestfriend ko.” Sabi ko tapos ay yumakap na ako sa’kaniya. Niyakap din naman niya ako. Mahigpit. Ewan ko ba pero parang may pinararating yung yakap niya sakin. May dahilan man o wala, hindi ko na binigyan pa nang pansin yun. The moment kasi na yakapin din niya ako ay dun na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo.

Oh God! I really really love this man! Bulong ko sa isip ko habang nakayakap ako sa’kaniya. Sana huminto sa pagikot ang oras.. Sana ganito na lang kami habang buhay.. Sana ako na lang ulit ang mahal niya.. Sana kaming dalawa na lang.. :’((

Ang daming sana nag pumapasok sa isipan ko.. mga sanang hindi sana nabuo kundi lamang ako naging bulag noon. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko! T.T

Ngayon ko lang narealize na talaga palang masakit ang mareject. Ngayon ko napatunayan kung gaano ko nasaktan noon si Migue..

Napakasakit pala talaga. </3

Parang hindi ko na kaya pang lumapit sa’kaniya. Na maging kaibigan pa siya.. Parang hindi ko kayang magpanggap na ok ako kahit hindi naman talaga.. Hindi ko kayang magpanggap na masaya ako dahil may girlfriend siya at kinalimutan na niya talaga ako..

Hanga ako sa’kaniya.. Nakaya niya noon ang lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon.. Yung feeling na he still managed to be my friend eventhough I rejected him. He still managed to smile eventhough it’s really hurt. Mahirap magpanggap. Lalo na kung sobrang nasasaktan ka. Pero siya nakaya niya yun. Hindi siya sumuko. Hindi niya ako iniwan.. Siguro kelangang kayanin ko din ito. Naging kaibigan ko pa din siya sa kabila nang pananakit ko sa’kaniya. Dapat ganun din ako.. Hindi ko siya dapat iwanan sa ere.

Pinagpatuloy namin ni Miguel ang pagiging magbestfriend namin. Noong una nahihirapan talaga ako. Napakasakit pa din kasi sakin nang mga nangyari. Sa totoo lang, mas masakit at mas mahirap pa ang nangyayari sakin ngayon kesa noong nagmomove on ako kay Warren. At hindi ko pala kayang nakikita na masaya si Miguel sa piling ni Jhaina. Hindi naman sa galit ako sa babae.. Hindi ko lang talaga mapigilang isipin na kung hindi lang talaga ako tanga noon, kami sana ngayon ni Miguel.. Kami at hindi sila.. :(

“Asan kaya si Miggy?! Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ko siya macontact.. Ano kaya nangyare sa lalaking yun?!” Nagaalalang tanong ko sa sarili ko. Ngayon nga ay gabi na at andito ako sa may terrace namin. Hindi ako mapakali kasi kanina ko pa talaga hindi macontact si Miguel!

Ilang minuto pa ang lumipas at parang biglang nagiba ang pakiramdam ko.. Napatingin tuloy ako bigla sa relo ko.

“Alas nueve na pala. Bakit ganito? Parang bigla naman atang lumamig..” Tanong ko sabay yakap sa sarili ko..

(A/n: Guys bago niyo ituloy yung pagbabasa, punta muna kayo sa may right side nito. Then iplay niyo yung video. ^^ Your Guardian Angel yan. Iplay niyo habang binabasa niyo yung kasunod para mas mafeel niyo ^^ Salamat!)

“Amethyst..” Agad akong napatingin sa may gate namin nang may tumawag sakin. Mula roon ay nakita ko si Miguel na papalapit sakin.

“Miggy anubang nangyari sayo?! Kanina pa kita tinatawagan pero hindi kita macontact! Kanina pa ako nagaalala sayo! Alamobayun?!” Naiinis kong sita sa’kaniya nang makalapit na siya sakin.

“Amethyst making ka sa mga sasabihin ko at sana maniwala ka..” Mahinahong sabi nito imbis na sagutin ang mga tanong ko.

“H-ha? S-sige makikinig ako..” – Ako.

“Am-am tandaan mo na kahit kalian hindi kita iiwan.. Mawala man ako sa paningin mo, mananatili pa din ako dyan sa puso mo.. Palagi kitang babantayan.. Wag mong iisipin na nagiisa ka ha? Andito lang ako palagi sa tabi mo..” Sincere na sabi niya.

“Miguel anubang pinagsasabi mo?! Hindi kita maintindihan! Nagpapaalam ka ba?! Bakit? Aalis ka?! Saan ka pupunta?” Kinakabahan kong tanong. Anubang nangyayari sa lalaking to?! Kinikilabutan ako! >.<

“Amethyst mahal na mahal pa din kita! Mula noon hanggang ngayon hindi ka napalitan sa puso ko. Mahal kita Amethyst.. Mahal na mahal kita at hindi ako magsasawang ulit ulitin sayo yun.” Dagdag pa ni Miguel. Nakangiti siya habang sinasabi niya yun pero nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. Bakit siya malungkot? Anubang nangyayari? At b-bakit niya sinabing mahal niya ako? O.o

“Miguel anuba?! Pano mo nasasabing mahal mo ako gayung may girlfriend ka?!” Medyo naiinis kong sabi sa’kaniya. Hindi ko kasi alam kung ginugoodtime lang ba niya ako eh! Nakakaasar!

“Nakipagbreak na ako kay Jhaina kanina. Hindi ko na kasi kayang magpanggap pa. Sinubukan ko namang kalimutan ka eh. Sinubukan ko din na ibaling na lang kay Jhaina yung nararamdaman ko para sayo. Kaya lang kasi sa bawat subok na ginagawa ko mas tumitindi lang yung nararamdaman ko para sayo. Mas lalo lang kitang naalala.. Sa tuwing nakikita kong nasasaktan ka nang dahil sakin mas nasasaktan ako! Hindi ko kasi kayang makita na nasasaktan yung taong mahal ko!” Mahabang paliwang ni Miguel.

“M-miguel..” Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.. Nagulat ako na malamang mahal niya pa din pala ako.. Gulat ako pero masaya ako. All those time akala ko iba na ang mahal niya.. Nakakatuwang isipin na the feeling is mutual na pala between the two of us.. Ang sarap sa pakiramdam.. ^_^

“Amethyst sabihin mong mahal mo pa din ako.. Please sabihin mo..” Pagmamakaawa ni Miguel.

“Oo Miguel. Mahal na mahal pa din kita!” Tumatango tango ko pang sagot.

“Masaya akong malaman na mahal mo pa din pala ako Amethyst.. Matatahimik na ako..” Nakangiti si Miguel habang sinasabi niya yun ngunit kitang kita ko pa din sa mga mata niya ang kalungkutan. Hinawakan ko ang kamay niya.

“Matatahimik? Bakit? At…….. B-bakit ang lamig ng kamay mo?” Takang tanong ko?

“Mauuna na ako Amethyst. Magiingat ka palagi ha? At lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita..” Marahan nitong hinila ang mga kamay niya na hawak ko. Pagkatapos nun ay lumakad na siya palayo.

“Miguel wait!” Pigil ko sa’kaniya. Sumigaw pa ulit ako upang pigilan siya pero hindi niya ako pinapansin. Patuloy lang siya sa paglalakad palabas.

-          Ring ring ring. –

Napahinto ako saglit sa pagtawag kay Miguel nang margining kong nagriring ang cellphone ko. Sinulyapan ko pa ulit si Miguel tapos ay mabilis akong pumasok sa bahay namin upang kuhanin yung cellphone ko na walang tigil sa pagring. Nang makuha ko yun ay mabilis ulit akong pumunta ng terrace pero nanghinayang ako nang makita kong wala na pala si Miguel.

“Asana yun?! Ambilis naman niya mawala!” Nagtataka ko pang tanong sa sarili ko tapos ay sinagot ko na yung nagriring ko pa ring cellphone.

“Hello Arman napatawag ka?” – Ako.

“Huk. A-am-am.. Huk.” Sagot ni Arman sa kabilang linya. Napakunot noo ako nang marinig ko ang paghikbi niya sa cellphone.

“Hello Arman?! Umiiyak ka ba? Bakit? Anong nangyari?!” Medyo nagaalala kong tanong.

“A-amethyst.. Huk.. Huk.. Am huk.. Si M-miggy..! Huhuhuh!” Putol putol na sabi ni Arman. Yung pagaalala ko ay nahahaluan na nang konting inis dahil hindi ko talaga maintindihan si Arman. Bakit kasi siya umiiyak? Mano bang tumahan muna -.- Tsk.

“Arman hindi kita maintindihan! Anong meron kay Miggy?! Bakit ka umiiyak?!” – Ako.

“Amethyst si M-miguel p-patay na!!!!! Huhuhuhuh T.T” Halos mag freak out na si Arman nang masabi niya yun.

Ako naman ay hindi agad nakapagsalita.

Si Miguel patay na!

 

Si Miguel patay na!

 

 

Si Miguel patay na!

 

 

Si Miguel patay na!

Parang echong nagpaulit ulit sa utak ko ang sinabi ni Arman.

Si Miguel?

Patay na? O.o

Parang ayaw magprocess nang utak ko sa narinig ko.

Parang ayaw nitong tanggapin ang narinig.

Inaanalyze nitong maigi kung tama ba ako nang pagkakarinig.

Pero kahit anong analyze nang isip ko, malinaw na malinaw ang pag echo sa utak ko nang mga sinabi ni Arman..

No!

Hindi pwedeng mangyari yun!

Andito lang si Miguel kanina!

Kausap ko pa siya!

Pano- - - -

“H-hello Amethyst?! Andyan ka pa ba? Ok ka lang ba?!” Natatarang umiiyak si Arman sa kabilang linya.

“A-arman! Hindi pa patay si Miguel! Tell me your joking! Please tell me that its just a joke! Tell me Arman! P-please.. ://” Halos magmakaawa ako kay Arman sa cellphone bawiin lang nito ang sinabi nitong patay na si Miguel.

“Be sana nga nagjojoke lang ako pero hindi eh.. Huk.. Si Miggy yun Am! T.T Patay na sya! Huhuhuhuhu.” Hindi rin mahinto sa pagiyak si Arman.

“H-hindi Arman! Hindi pa siya patay! A-andito lang siya kanina! Kasama ko sya! Nagtapat pa siya sakin! Arman mahal pa din niya ako!!” Umiiling iling kong sabi.

Hindi!

Hindi talaga ako naniniwalang patay na si Miguel!

Buhay pa siya!

Buhay pa!

“Imposible yan Am.. Huk.. Naaksidente ang sinasakyan niyang van kasama ang mga barkada niya kaninang 5pm! Naisugod pa siya sa ospital pero masama ang tama niya. Hanggang sa hindi na niya kinaya! He died at exactly 9pm!” Mahabang paliwanag ni Arman.

Halos hindi ako makagalaw sa narinig ko.. Mabilis ding nag una unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Ayokong maniwala sa naririnig ko. Ang bilis bilis nang tibok nang puso ko.. Imposibleng patay na siya! Hindi!

“H-hindi ako naniniwala..” Mahina kong sagot. Halos pabulong na nga lang dahil sa pagiyak ko. Gusto kong pigilan ang pagpatak nang mga luha ko pero hindi ko magawa. Para silang may mga sariling isip na patuloy lamang sa pagbagsak galling sa mga mata ko..

“A-am you need to be strong.. Pumunta ka ngayon dito sa ospital. I’ll text you the address.” – Arman.

“S-sige..” – Ako.

Halos himatayin ako nang makita ko ang bangkay ni Miguel. Nagwala talaga ako sa ospital.

Hindi ko alam kung bakit parang pilit kaming pinaglalayo nang tadhana..

Tanggap ko naman na  nasa piling siya nang iba eh.. Kahit nga masakit kinakaya ko pero bakit kelangan pa niyang mawala! :’((((

“Am magpahinga ka kaya muna? Simula nang mamatay si Miggy hindi ka pa nakakapagpahinga nang maayos.. Iyak ka pa nang iyak.. Magang maga na ang mata mo oh.” Sita sakin ni Arman. Andito kami ngayon sa lamay ni Miguel. Ikalawang araw na nang lamay niya.

“No. Eto na ang huling pagkakataon na makikita at makakasama ko siya..” Determinado kong sagot. Muli na namang nagtutubig ang mga mata ko.

“Amethyst hija tama si Arman. Kung nasan man ngayon si Miggy, for sure hindi siya matatahimik kung nakikita niyang ganyan ka..” Napatingin kami parehas ni Arman kay tito na papalapit samin. Siya ang papa ni Miggy.

“T-tito..” Umiiyak na akong napayakap sa’kaniya..

“Kelangan mong maging matapang Amethyst. Para sa ikatatahimik ni Miggy.” Sagot naman nito sabay yakap din sakin. Si Arman naman ay naiiyak na naaawa sa’amin ni tito.

“By the way Amethyst kunin mo ito.” May inabot saking isang box si tito nang bumitaw ako sa pagkakayakap niya.

“A-ano po ito?” Takang tanong ko sabay kuha nung box.

“Mga sulat ni Miggy para sayo. Alam mo naman ang batang yun. Kapag may hindi siya masabi, dinadaan niya sa sulat. Alamo ba? Mahal na mahal ka nang anak ko. Madalas ka niyang ikwento sakin noong nabubuhay pa siya. Sabi niya pa noon, ikaw daw ang prospect girlfriend niya. Alamo din ba, nagaaral siya nang mabuti para sayo. Para naman daw hindi mo siya ikahiya pag nagkataon. At kung sakaling nagkatuluyan kayo nang anak ko, aba’y wala akong tutol. Nakikita ko kasi kung gano mo kamahal ang anak ko.. Sayang nga lang at hindi nabigyan nang pagkakataon ang pagmamahalan niyong dalawa..” Napapangit pa si tito habang nagkukwento tungkol kay Miguel. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapaiyak sa nalaman ko.

“Girl kaya mo pa ba o susunod ka na kay Miggy?” Malanding tanong sakin ni Arman. Andito kami ngayon ni Arman sa dating kwarto ni Miguel. Dito muna kami pinagpahinga ni tito.

“K-kung pwede lang sumunod sa’kaniya eh..” Mahina at malungkot kong sagot. Nagulat kami nang bahagya ni Arman nang humangin nang malamig sa loob nang kwarto gayong sarado naman ang mga bintana at patay naman ang aircon.

“Gaga! Binibiro lang naman kita eh! Wag mo naman seryosohin! At ikaw naman Miggy. Kung andito ka ngayon wag ka naman manakot pwede? Hindi kaya ng beauty ko ang mga mumu! Pinapatawa ko lang naman si Am-am!” Takot na sabi pa ni Arman.

“Arman dala mo ba ang cp mo?” Tanong ko sa’kaniya. Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya dahil kinakalkal ko kasi yung box na binigay sakin ni tito.

“Oo bakit?” – Arman.

“Meron kasing kasama na SD mc yung box na binigay sakin ni tito. Titignan ko lang sana kung ano ang mga laman nun. Painsert naman. Pwede ba?” - Ako.

Nang mainsert namin yung MC sa cellphone ni Arman, agad kong kinalikot yung mga files sa MC. Mayamaya lang ay may nakita akong mga nakasave na voice record.

Voice of Miguel:

 

Hi Am-am! Madami akong gustong sabihin sayo pero hindi ko masabi nang harapan kaya eto, nirecord ko na lang. XD Hehehe. Am hanggang ngayon mahal pa din kita.. Mahal na mahal pa din kita.. Kahit nireject mo na ako noon hindi parin yun nagbabago. Alamoba, masakit sakin na Makita kang umiiyak dahil sa walang kwentang lalaking yun. Gusto ko sanang sabihin sayo na ako na lang sana yung mahalin mo.. Kasi ako hinding hindi kita sasaktan.. Kasi ako kaya kitang alagaan.. Kasi ako kaya kitang pasayahin.. Pero hindi ko naman pwedeng ipilit sayo yung pagmamahal ko.. Kasi, kahit sa dami ng kasi na pwede kong sabihin, hindi pa din mabubura nun ang katotohanan na siya ang mahal mo at hindi ako. Na kahit hindi ka na masaya sa’kaniya ayos lang sayo kasi mahal mo siya. Mahal na mahal mo siya.. Basta ako, mahal kita.. At mamahalin kita habang buhay..

 

 

Umiiyak na ako nang matapos yung voice record. Madami pang mga nakasave na voice record pero hindi ko na yun pinakinggan.. Hindi ko pa kayang pakinggan yung mga yun ngayon. Mas lalo lang kasi akong nagsisisi eh. Mas lalo akong nagiguilty.. Mas lalo kong napapatunayan kung gaano ba ako katanga noon..

“Huy Amethyst ka ba napapagod umiiyak? Tumigil ka na. Kahit anong iyak mo hindi na babalik si Miguel. Maging masaya ka na lang para sa’kaniya..” Alo sakin ni Arman.

“B-bakit ba kasi ganun? B-bakit ba kasi h-hindi man lang kami binigyan nang pagkakataon ni Miggy?” Naghihinanakit kong tanong kay Arman.

“Binigyan kayo nang pagkakaton Amethyst. Maraming beses kayong binigyan nang pagkakataon.. Binalewala niyo lang.” Seryoso nang sabi ni Arman.

“K-kung alam ko lang na mangyayari to… S-sana.. Sana noon pa lang… P-pinaglaban ko na siya..” – Ako.

“Magsisi ka man huli na ang lahat. Hayaan muna. Palayain mo na si Miggy. Hindi siya matatahimik at lalong hindi siya sasaya kung nakikita niyang ganyan ka..” – Arman.

“M-mahal ko siya Arman..” – Ako.

“At mahal na mahal ka din niya.. Kaya lang patay na siya Amethyst.. Move on. Hindi k aba masaya para sa’kaniya? Matatahimik na siya ngayon. Eto tandaan mo Am-am, hindi man naging kayo ngayon, malay mo, sa bago niyong buhay ay muli kayong pag tagpuin.. At doon, doon kayo na ang magkakatuluyan.. Matutuloy niyo na ang hindi niyo naituloy sa panahon ngayon. Maipaglalaban niyo na ang hindi niyo nagawang ipaglaban ngayon.. Diba?” Pagpapalakas nang loob sakin ni Arman.

Hindi na ako sumagot. Pinilit ko na ding huminto sa pagiyak..

“Akala ko noon hindi pwedeng maging iisa ang isang Prince Charming at ang isang Knight in Shining Armour.. Dahil mula nang dumating ka sa buhay ko, tinuruan mo akong maging masaya at kuntento sa kung anong meron ako.. Akala ko noon, isa ka lang simpleng Prince Charming na hindi para sa’akin.. Pero simula nung nangyari sa bar.. Simula nang ipagtanggol mo ako kay Warren, dun ko narealize na ang isang Prince Charming, pwede din palang maging isang Knight in Shining Armour.. Naging mabuti ka sakin Miggy. Binigay mo lahat nang kelangan ko at kahit kelan, hindi ka nagkulang sakin bilang isang kaibigan.. Alam ko, madami akong idinulot sayong sakit. Paghihirap. At kalungkutan. Pero sa kabila nang lahat nang yun, nanatili ka sa tabi ko. You never left me lalo na noong panahong kelangang kelangan kita. Naging sandalan kita sa mga problema ko. Halos ikaw na nga lahat ang sumalo nang mga dalahin ko sa buhay e.. At sa ginawa mo, tinuruan mo akong maging dependent sayo.. Parang hindi ko na kayang mabuhay na wala ka Miggy. Sinanay mo kasi ako na lagi ka lang nasa tabi ko.. Na konting ungot ko lang andyan ka na para sakin. Na hindi mo ako magawang matiis kahit sobrang inis na inis ka na sakin.. Pero ngayon wala ka na.. Hindi ko alam kung saan magsisimula.. Hindi ko alam kung paano.. Ayokong mawala ka.. Pero tama sila Miggy. Kung mananatili akong ganito, malungkot. Walang buhay, maaaring hindi ka maging masaya kung asan ka man ngayon.. Sa dami nang hirap mo sa piling ko, ang gusto ko lang ngayon ay maging masaya ka.. Kaya papakawalan na kita Miggy.. Pagaaralan kong tanggapin na hindi ka na babalik pa sa buhay ko.. Pagaaralan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa.. Salamat Miggy.. Tinuruan mo akong maging matatag. Maging malakas. At higit sa lahat, tinuruan mo akong magmahal nang tunay at tapat. Salamat sa pagpaparealize sakin na hindi nakikita sa mga standards ang pagmamahal. Nasa puso yan. Nasa dalawang taong nagmamahalan.. Salamat sa lahat.. Hinding hindi kita makakalimutan.. And you are the best thing happened into my life.. Rest in peace Miguel Imperial.. Mananatili ka sa puso ko habambuhay.. And for the last time, Iloveyou..”

Ngayon ay isa na akong ganap na writer..

2years na ang nakakaraan nang grumadweyt ako at 4years na ang nakalilipas simula nang mawala si Miggy.

Nagtatrabaho na ako ngayon sa isang publishing company at isa ako sa mga writer’s asset nila. Naging susi ko sa pagunlad ang unang istorya na nagawa ko matapos kong grumadweyt nang kolehiyo. Pinamagatan ko itong:

The Story of Us

At ang nilalaman nang librong ito ay ang love story namin ni Miguel.

Hindi ko inaasahan na magiging ganun kaclick ang libro ko sa mga tao. Kaya simula noon, lalo akong nakilala sa aking field. At lahat nang iyon ay dahil kay Miguel…

“Hi Miggy! Kamusta ka na dyan sa taas? Ako eto. As you can see, lalong gumanda. Haha. XD Joke lang. 4years na pala simula nung magkakilala tayo nu? Biruin mo yun? 4years na pala? Para kasing kahapon lang nangyari ang lahat nang yun eh.. Haha! Sya nga pala. Naipublish na ang first story na ginawa ko. At successful yun Miggy! Alamoba kung kanino ko dinedicate ang story na yun? Sayo Miggy. :”) Para sayo ang istorya nay un.. Kung hindi naman kasi dahil sayo wala ako dito ngayon.. Kaya salamat. Salamat nang maraming marami.. :”)” Nakangiti ako habang kinakausap ko ang puntod ni Miguel. Ibinaba ko din sa puntod niya ang mga dala kong bulaklak at ang libro kung saan nakapaloob ang love story namin. Hindi man niya mababasa physically ang nilalaman nun, alam ko naman na alam na niya ang nasa loob ng kwentong yun. ^^

Sa loob nang 4years ay wala pa din akong nagiging boyfriend. Hindi naman sa sinasarado ko na ang puso ko na muling magmahal ulit. Pero hindi ko pa lang talaga nakikita yung lalaking para sakin..

Kung may darating, may darating..

Andito lang naman ako eh..

Naghihintay.

Ayokong magmadali.

Mahaba pa ang panahon..

Sa ngayon ieenjoy ko muna ang pagiging writer ko.

Bata pa man ako pangarap ko na ito..

At alam yun ni Miguel.

Alam ko na masaya sya para sakin..

Alam ko..

“Miss? Diba ikaw si Amethyst? Yung writer nung The Story of Us?”

Napatingin ako sa lalaking lumapit sakin.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

Matangkad sya.

Moreno.

At chinito.

At kamuka ni…..

Ah. Nvm -.-

“A-ahm oo? Bakit?” Sagot ko.

“Sabi na nga ba eh! Haha! Alamo ba Ms. Idol na idol kita. Hindi ako mahilig magbasa nang mga novel pero nung mabasa ko yung sayo, nagkaron na ako nang interes na magbasa nang mga novel book! Ang ganda kasi nung gawa mo! Reality na reality.. Masayang nakakalungkot!” Parang batang tuawang tuwa na nagkwento ang lalaki.

“Ah. Haha. Ganun ba? Salamat naman at nagustuhan mo pala ^^” Nakangiti kong sagot sa lalaki. Natutuwa ako sa’kaniya. Ang cute niya tignan. Parang bata lang. Hehe.

“Walang anuman. ^^ Btw, I’m Mikael. Dinalaw ko lang yung girlfriend ko. Ayun yung puntod niya oh. Ikaw? Sino yang dinalaw mo? Boyfriend mo?” Inosenteng tanong niya sakin.

“Special friend. :”)” Maikli kong sagot.

“Miguel Imperial.. M-miguel.. Miguel?!” Sya yung lalaki sa novel mo?! O.o” Nanlalaki ang matang tanong sakin ulit ni Mikael nang mabsa niya ang pangalan ni Miguel sa puntod.

“Ah. Hehehe. Oo. Siya nga.” – Ako.

“Astig! Hahaha. Amethyst may gagawin ka pa ba? Kung wala na tara magkape muna tayo. Gusto pa sana kitang makakwentuhan kung ok lang sayo? ^^” Magalang nitong tanong sakin.

“Sure pwede naman. :”>” Pagpayag ko.

“Yun! Tara na! Hehe” Tuwang tuwang sabi nito.

“Let’s go! ^^” Sabi ko tapos ay inalalayan niya pa ako sa paglalakad.

Muli ko pang sinulyapan ang puntod ni Miguel tapos ay naglakad na kami nang tuluyan paalis sa sementeryo.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...