Heiress(Part One:COMPLETED)

By DarkDreamerGirl

108K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Special Chapter
Epilogue

Chapter XXXVI

1.7K 32 0
By DarkDreamerGirl

Nanatiling nakapako lamang ang aking tingin sa nakatayong si Miria. Halatang medyo mainit ang ulo nito dahil sa nakakunot parin ang noo niya.

"We don't have much time. I need to get you out of here." Seryosong wika niya.

Kumunot din ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Napansin ko namang lalong nairita ang mukha niya nang nanatili lang akong nakatingin sakanya.

"Ba't nga pala hindi mo ako pinagbuksan agad kanina? Tss! And look what I did, wala akong balak manira kanina pero binigyan mo ako ng dahilan kaya nasira ko ang pintuan niyo." Hindi makapaniwala at naiiling na wika niya saakin.

Heto parin naman ako at hindi parin umiimik. Totoo ba talaga itong nakikita ko? Bumaliktad na ba ang mundo? Hindi ako makapaniwalang si Miria ang nasa harap ko. I mean hindi siya iyong mahinhin at kalmadong babae na minsan kasa-kasama ko.

Pero biglang pumasok sa utak ko ang naramdaman kong presensya kanina. Kung ganoon si Miria iyon? Hindi ako makapaniwala. Bakit kapag kasama namin siya ni Cheyenne ay iba?

At isa pa, siya iyong tao sa likod ng pag-atake saamin ni Glaire dati. Bigla ko siyang tinignan ng mariin. Kung ganoon nga ay nagpapanggap lang siya?

"Hindi ako makapaniwala." Umiiling kong sabi. Bigla akong lumapit kay Itay para maprotektahan siya sa kung ano mang mangyari sa oras na may gawing masama si Miria, pero bigla namang tumaas ang isa niyang kilay at may bahid ng pagtatanong sa kanyang mukha.

Akmang lalapitan niya ako kaya naman napasigaw ako at napahinto naman siya.

"Huwag kang lalapit! Anong kailangan mo, huh? May binabalak kang masama hindi ba? Sige subukan mo lang!" Pinigilan ko ang panginginig ng aking boses para hindi niya mahalatang kinakabahan ako. Ngunit bigla nalang siyang natawa. Kumunot ang noo ko sa inakto niya. Nasira na ata ang ulo.

"Wow." Wika niya habang naiiling pa.

"What made you think that I could hurt you, Cielle? Shonga ka ba?" Nang-aasar niyang sabi, pero kahit na ganoon ay hindi muna ako magtitiwala sakanya.

"Tumigil ka! Akala mo ba ay hindi ko alam na ikaw ang taong umatake saamin ni Glaire noon sa pamamagitan ng mga punyal? Ikaw iyon. Sigurado na ako ngayon dahil sa presensya mo." Matapang kong sabi at bahagya pa siyang nabigla sa sinabi ko. Sumeryoso ang mukha niya at nakatitig lang ang malamig na mga mata niya sa akin. Napalunok tuloy ako. Kakaiba talaga siya. Ito ba ang totoong Miria?

Bigla siyang bumuntong hininga saka napapikit.

"Hmm, maybe you're right. Back then, I was trying to kill you." Seryosong sabi niya. Lalo akong kinabahan doon. Hindi ko akalaing sobrang nagtiwala ako sakanya noon. Totoo nga ang panaginip. "But that was before."

"Pero bakit?" Tanong ko.

"Simple. 'Cause your the hindrance to my plans. I wanted to kill you so I can easily fulfill it." Grabe ganun ba talaga siya ka straight forward magsalita? Talagang plano niyang pumatay. At naman dahil sa naramdaman ko ay parang nanlambot ang aking tuhod. Pinagkatiwalaan ko siya bilang isang kaibigan.

"Huwag mo nang isipin pa iyon. As I said, that was before. At ang mahalaga na lang ngayon ay ang kapakanan at kaligtasan ninyo. " She said with a smile. Iyong ngiti niya ay parang may halong guilt. Ewan ko pero nararamdaman ko naman na parang totoo ang mga sinasabi niya.

Nakita ko namang napatingin siya kay Itay at parang lumungkot saglit ang mga mata niya.

"We need to go. Mga ilang minuto ay tiyak na nariyan na sila mamaya."

Nakaramdam ako ng pagkataranta. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Meron pa kasi sa parte ko ang nagdodoubt na pagkatiwalaan si Miria. All this time siya pala iyong taong nakakatakot na mala-stalker ang dating na matagal nang nagmamanman saamin. Napalingon ako kay Itay nang hawakan niya ang kamay ko.

"Ito na ang oras. Kailangan mo nang sumama sa kaibigan mo. Alam kong totoo ang mga sinasabi niya kaya umalis na kayo ngayon din." Sa pagsabi iyon ni Itay ay nandiyan na nanaman ang luha ko."Paalam, Cielle. Patnubayan kayo ng diyos, anak."

Gusto kong isama si Itay sa pag-alis kaya inalalayan ko pa siya pero umiling lang siya.

"Tay pakiusap naman oh. Sumama na kayo. Hindi ko po kayang wala kayo. Papasanin ko na lang kayo sa likod ko. Tara na po." Umiiyak kong pagmamakaawa sakanya. Umupo pa ako sa harap niya para ilagay na ang mga kamay niya sa likod ko. Nagmamakaawa pa akong tumingin kay Miria para buhatin siya ngunit hindi parin kumilos si Itay.

"Mahihirapan na kayo sa pag-alis niyo kapag sumama pa ako. Hindi na ako makalakad. Mahihirapan lang kayo. Magiging pabigat lang ako. At diba nga sinabi ko nang magiging ayos lang ako rito."

Sobrang sakit. Hindi ko kinaya kaya napahikbi ako.

"Bakit ba ayaw niyo, tay? May oras pa tayo pero bakit ayaw niyo parin? Alam naman ninyong hinding hindi ako magsasawang alagaan kayo at kahit kailan hindi kayo naging pabigat para saakin. Halina po kayo." Pinipilit ko parin siya ngunit nanatili lang siya.

Bumubuhos ang luha ko ngayon at talagang hindi ko matanggap na ganito na lang ang lahat. Bakit sa isang iglap ay nangyayari ito? Ano nga bang nangyayari? Litung-lito na ako.

Nabubuhay lang kaming simple tapos biglang may mga ganitong pangyayari na? Nagjo-joke ba sila? Hindi ako prepared.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at tinignan ko ito. Nakita ko ang malungkot na mga mata ni Miria habang nakatingin saakin. Hindi ko alam pero ramdam ko na totoo ang ipinapakita niya. Marami akong gustong tanungin sakanya pero hindi na ito umaayon sa oras.

Nakita ko siyang umiling at tuluyan nanaman akong humikbi. Ang sakit na sarili kong Tatay ay magagawa kong iwan dito nang wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari?

"Pakiusap, anak. Para na lang saakin. Umalis na kayo. Huwag kang mag-alala. Magiging maayos lang ako." Kita sa mata ni Itay na desedido siya sa kung ano mang desisyon niya, pero ako hindi.

Mabigat ang loob ko na kahit ipilit ko pa kay Itay ay hinding hindi siya sasama saakin. Naisip kong ayaw niya na siguro akong makasama kaya ganito.

Ayoko siyang sundin. Gusto kong umalis kasama siya kahit naguguluhan man ako. Ang dami kong katanungan.

Itay, ano ba talagang nangyayari? Pero hindi ko man alam ang dahilan ay sinigurado niya na kaagad na masasagot lahat ito sa oras na makaalis na ako.

Napakahirap ng lahat ng ito.

Sobrang bigat sa puso.

Hindi ko kayang mag-paalam.

Tinignan ko si Itay at hindi ko napigilang yakapin siya. Bakit pakiramdam ko ito na ang magiging huling yakap ko sakanya?

"Mahal na mahal ko po kayo." Wika ko

Nang bumitaw na kami sa isa't-isa ay tila ba'y bumagal ang lahat nang hinawakan na agad ni Miria ang kamay ko at hinayaan ko na lang ang aking katawan na magpatianod sa paghila niya.

Bago makalabas man lang ng kwarto ay muli akong tumingin kay Itay at nakita siyang nakangiti.

Bumuhos muli ang luha saaking mga mata.

Napapikit na lang ako at naramdaman na ang malamig na hangin pagkalabas namin ng aming tahanan.

Tinignan ko ang bahay na kinalakihan ko at minahal habang unti-unti kaming papalayo ng papalayo rito.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga alaalang nabuo rito sa lugar na ito at sa aming tahanan habang buhay.

****

Hawak-hawak parin ni Miria ang kaliwang kamay ko samantala ang isa ko namang kamay ay hawak ang music box at ang litrato.

"Sh*t!" Biglang mura ni Miria saka mabilis akong hinila papunta sa isang puno at nagtago kami mula rito. Sumenyas siya na huwag akong maingay kaya tumahimik ako. May mga narinig akong mga yapak. Marami sila. Sumilip ako sa tinitignang direksyon ni Miria at nanlaki ang mga mata ko nang sa 'di kalayuan ay may mga taong nakasuot ng itim na suit at halatang armado ang mga ito. Hindi lang iyon dahil sobrang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang patungo sila sa direksyon papunta sa dinaanan namin kanina, papunta sa tahanan namin.

Gusto kong bumalik doon para puntahan si Itay. Hindi ko kaya. Baka kung anong gawin nila sakanya. At nang akmang aalis ako ay hinila ako ni Miria at inis na tinignan.

"What are you doing? Hindi ka na pwedeng bumalik doon. Papatayin ka nila! Mag-isip ka nga! Don't be so stupid!" Galit na sabi niya saakin. Naramdaman ko ang galit sa sinabi niya at napaluha ulit ko.

"Please Cielle, listen. Huwag mong sayangin ang pagsasakripisyo para sayo ng Tatay mo. Alam niyang mangyayari ito lahat at alam kong matagal na siyang handa." Sa pagkakasabing iyon ni Miria ay nakita kong parang kumintab ang mga mata niya. I saw the pain in her eyes.

"Alam kong masakit pero kailangan nating tanggapin." Huminga siya ng malalim saka ito pinakawalan.

"I know how it feels to unwillingly leave someone behind. Believe me, I've been through that."

Maybe I was wrong. Maaring nahusgahan ko siya agad nang makumpirma na siya iyong may nakakatakot na presensya, pero sa simula palang hindi ko naman talaga alam ang totoong pakay niya. Nagkamali ako.

"Sorry." Nasabi ko."Sorry kung nagpadalos dalos ako at jinudge kita kaagad. Hindi kasi ako makapaniwala. I mean akala ko kilala na talaga kita, but i was wrong. Hindi ko pa naman alam ang dahilan mo." Nakayuko ako habang sinasabi ang mga salitang iyon. Akala ko kasi papatayin niya ako, but it turns out na tinulungan pa niya ako. Pero inamin naman niya na sinubukan niya akong paslangin. Bigla tuloy akong kinilabutan. Ang nakilala kong ordinaryong babae lang ay higit pa pala sa inaasahan ko.

"It's okay. Dapat ako ang humihingi ng tawad because I tried to kill you back then. I'm sorry, Cielle. Forgive me." Nagulat ako dahil sa paghingi niya ng tawad. Agad nalang akong ngumiti at tumango.

"Salamat." She said.

"Hindi ko lang din talaga maiwasang mag-alala kay Itay lalo pa't patungo roon ang mga taong iyon. Alam kong kahit sinasabi niyang maayos lang siya ay hindi ko talaga makaynmang iwan siya. Please Miria, balikan natin si Itay." Pagmamakaawa ko. Akala ko ay hindi siya papayag pero napangiti ako nang tumango ito.

"Let's go."

Babalik na sana kami nang magulat kami nang marinig at makita ang pagsigaw at nagtatakbuhang mga tao sa paligid.

"Anong nangyayari?" Tanong ko. Tila ba'y talagang parang sasabog na rin ang puso ko dahil sa bilis ng takbo ng mga ito. Lalo akong kinabahan nang tawagin ako ni Miria. Nakita ko siyang nakatingin sa likod ng puno at tuluyan na siyang umalis sa pagkakatago. Nakatayo siya at halata ang gulat sa kanyang mukha.

"C-Cielle, l-look." Wika niya at agad akong lumingon at tinignan kung ano ang nakita niya.

Tila ba'y tumigil naman sa pag-galaw ang mundo at nanlalaki ang matang nakatingin lang sa aking nasilayan.

"H-Hindi." Tanging naiusal ko.

Nanginig na ang buo kong katawan. Nanlambot na rin ang aking tuhod dahilan para bahagyang mawala ako sa pagkakatayo ko. Agad naman akong nahawakan sa braso ni Miria.

"H-Hindi---Hindi!!!" Hindi ko na napigilang mapasigaw.

Wala na. Huli na kami. Paanong nangyari iyon? Napakabilis. Kanina lang ay wala yan.

"Itay!" Sigaw ko pa.

"Cielle. Tama na." Pinapatigil ako ni Miria pero hindi ko mapigilan.

Napapailing ako habang unti-unting bumuhos ang aking mga luha. Wala na ang lahat.

"Wala na. Wala na ang lahat, Miria. Hindi lang si Itay, pati na rin ang buong lugar kung saan ako lumaki.".

Mabilis na kumakalat ang apoy sa bawat mga bahay. Ang mga tao ay mabilis na isinasalba ang kahit na anong gamit man lang na maililigtas nila. Pero ako? Ni hindi ko mailigtas si Itay.

"Bakit ganito? Bakit ang bilis? Paano nila nagagawang sunugin ng walang kahirap-hirap at mandamay ng inosenteng tao? Bakit?" Humahagulgol lang ako. Wala kong magawa. Pinilit ko pang tumakbo papunta roon pero hinila lang ako ni Miria.

Narinig ko ang malakas na sirena ng bumbero. Mabilis itong nagtungo sa nasusunog na Barangay.

Habol-habol ko na ang aking paghinga. Ramdam ko na ang pagsakit nitong dib-dib ko. Hindi ko na kinaya ang aking nasasaksihan kaya sa isang iglap nagdilim na lang ang lahat...

****

To be continued...

Edited: 06-06-2019

Continue Reading

You'll Also Like

143K 6.9K 32
Vampire × Fantasy × Mystery/Thriller Highest Rank Achieved: #6 in Mystery #7 in Vampire #81 in Action
169K 3.1K 83
Snow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She li...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
542K 10.8K 56
(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her...