The Wattpad Filipino Block Pa...

By AmbassadorsPH

373K 12.3K 4.9K

31 Days. 31 entries. 31 Wattpad Filipino writers. For the whole month of August, tayo ay magse-celebrate ar... More

Ano ang 'The Wattpad Filipino Block Party?'
First Week Line-Up
AUGUST 1 - aril_daine's New Story Teaser
AUGUST 3 - Yam-Yam28's One-Shot Story
AUGUST 4 - blue_maiden's Story Trivia
AUGUST 5 - owwSIC's Announcement
AUGUST 6 - modernongmariaclara's One-Shot Story
AUGUST 7 - Girlinlove's Characters Interview
Second Week Line-Up
AUGUST 8 - shirlengtearjerky's CYOA Series (1st Part)
AUGUST 9 - Alesana_Marie's Extra Chapter
AUGUST 10 - iDangs's Story Trivia
AUGUST 11 - BlackLily's New Story Teaser
AUGUST 12 - greenwriter's New Chapter Teaser
AUGUST 13 - iamKitin's New Story Teaser
AUGUST 14 - pinkyjhewelii's New Story Teaser
Third Week Line-Up
AUGUST 15 - fallenbabybubu's Special Chapter Teaser
AUGUST 16 - pajama_addict's New Story Teaser
AUGUST 17 - j_harry08's Character Journal
AUGUST 18 - ilurvbooks's Characters Interview
AUGUST 19 - seeyara's New Story Teaser
AUGUST 20 - pilosopotasya's One-Shot Story
AUGUST 21 - xxakanexx's Character's Letter
Fourth Week Line-Up
AUGUST 22 - maxinejiji's New Story Teaser
AUGUST 23 - simplychummy's Trivia
AUGUST 24 - marielicious's New Story Sneak Peek
AUGUST 25 - AegyoDayDreamer's Puzzle
AUGUST 26 - JamilleFumah's New Story Teaser
AUGUST 27 - LaraMelissa's Character Interview
AUGUST 28 - JhingBautista's One-Shot Story
The Last Line Up
AUGUST 29 - justchin's New Story Teaser
AUGUST 30 - i_love_kyle's New Chapter Teaser
AUGUST 31 - beeyotch's New Story Teaser
GIVEAWAY NO. 1
GIVEAWAY NO. 2
GIVEAWAY NO. 3
GIVEAWAY NO. 4
GIVEAWAY NO. 5
GIVEAWAY NO. 6
GIVEAWAY NO. 7
GIVEAWAY NO. 8
GIVEAWAY NO. 9
GIVEAWAY NO. 10
GIVEAWAY WINNERS

AUGUST 2 - mimhytot's Character Interview

13.5K 350 56
By AmbassadorsPH


INTERVIEW WITH MR. JACK DARYL FROST


Frost Group of Companies

FGC Tower, Makati City

July 19, 2019, 9:00am

Interviewer: Ms. Mimi Bernal (from WP Publishing Inc.)


"Bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat at nabigyan mo ako ng chance mainterview ka kahit na napakabusy mo lately. Ako nga po pala si Mimi Bernal, leader po ako ng fans club mo noon he-he." Bati ko sa kanya at saka inabot ang kamay ko para makipagshake hands.

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong inaabot sa kanya. Matagal niya lang tinitigan ito at tila nandidiri siya sa paraan ng pagtingin niya sa kamay ko. Unti-unti ay saka ko lang narealize na ayaw nga pala niyang hinahawakan siya dahil baka malagyan siya ng germs! Uhhh! Nakalimutan ko! Proud na proud pa naman akong pinakilala ang sarili kong leader ako ng fans club niya! Huhubells!

Pasimple siyang tumingin sa relos niya kaya agad-agad akong naconscious sa oras. Oo nga pala! Binigyan nga lang pala niya ako ng 20-30 minutes na panahon para interviewhin siya. Hindi na nga pala siya gangster at isa na siyang kilalang-kilalang tao ngayon na hindi pu-pwedeng mag-aksaya ng oras.

Sinimulan ko nang paandarin ang recorder ko at tiningnan ang mga tanong na inihanda ko para sa kanya. Mag-uumpisa na sana akong magsalita ulit pero natigilan ako nang bigla siyang magsalita.

"Only one favor. No business related questions, please."

Halos sumayad na ang baba ko sa sahig dahil sa sobrang pagkakanganga ng bibig ko nang marinig ang salitang please mula sa kanya. Ibang klase! Napakalaki na pala talaga ng ipinagbago niya. Professional na talaga siya.

Sabagay, nang dumating siya kanina ay halos hindi ko na siya makilala dahil sa napaka-pormal na itsura niya. Nakasuot siya ng itim na suit at may bitbit-bitbit pa siyang itim na briefcase. Maging ang buhok niya na dating kulay gray ay itim na ngayon. Malayong malayo na siya sa Jack Frost na nakilala ko na isang gangster.

"Oh, don't worry, Mr. Jack Frost, I know you're already sick with those types of questions." Sagot ko sa pabor na hinihingi niya.

"Perfect," tila nabunutan ng tinik na sagot niya.

"All right. I think we're good to start now, so here's the first question..." tiningnan ko ang unang tanong sa papel na hawak-hawak ko bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Hanggang ngayon ay malaki pa ring misteryo sa mga fans mo ang biglaan mong pagkawala. Maari ba naming malaman kung anong dahilan kaya bigla ka na lang umalis ng bansa?"

Matapos kong itanong sa kanya ang unang tanong na nagawa ko ay kaagad na nagbago ang timpla ng mukha niya. Halatang hindi niya inaasahan na ganitong bagay ang itatanong ko sa kanya. Kahit ako, nang mabasa ko ang mga tanong na inihanda ng Editor-in-chief ng publishing company na pinagtrtrabahuan ko ay kamuntikan na akong uminom ng lason.

Nakilala ko si Jack Frost dahil sa mga bali-balita noon tungkol sa kung gaano siya kabrutal na gangster at alam kong kapag pumayag siya sa interview na ito at itinanong ko ang mga inihanda nilang tanong ay alam kong hindi na ako makalalabas pa ng office niya ng buhay. Kung bakit naman kasi sinabi ko pang leader ako ng fans club niya dati! Ako pa tuloy ang napiling isagawa ang interview na 'to na siyang magiging issue sa magazine na ipupublish namin ngayong September.

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang saglit siyang kumilos para luwangan ang necktie niya. Akala ko ay ihahampas na niya sa akin ang lamesa! Para akong inaapuyan ng buhay sa kinauupuan ko dahil sa tagaktak na pawis ko. Wala na bang ilalakas ang aircon ng office niya?

"Our business got into a serious situation and my family needed my help." Sagot niya.

"Oh, I see," mabilis ko namang pagrespond. "I'm pretty sure maayos na ang problema niyo sa business kaya nakabalik ka na ulit dito sa Pilipinas?"

"Hmmm... Not totally resolved yet. As a matter of fact, the reason why I came back is because there's a lot of business problems to fix here."

"So pagbalik mo ay ang una mo kaagad ginawa ay ang asikasuhin ang mga kumpanya niyo rito?" Gosh ano ba 'tong pinagtatanong ko. Sabi ko pa naman walang business related questions!

"No." mabilis na sagot niya. "The first thing I did was to visit the first girl I ever loved."

Saglit akong natigilan nang marinig ang sinabi niya. First girl ever loved? "Maari ko bang malaman kung sino 'yun?"

Nabigla ako nang mapangiti siya. "Of course. It's my sister. I visited her grave."

Muntik na naman akong mapanganga nang marinig ang sagot niya. Oo nga pala. Patay na nga pala ang kapatid niya. "I see. Uhmmm...tutal nabanggit mo na rin naman ang salitang love, siguro naman okay lang kung magtanong ako tungkol sa love hindi ba?"

"Sure." Kasywal na sagot niya.

"Uhm, may girlfriend ka ba ngayon?" naiilang na tanong ko.

"No, I don't."

Tumango-tango ako bilang tugon. "How about habang nasa ibang bansa ka? May naging girlfriend ka ba doon?"

Mabilis siyang umiling. "I was really busy with our business so I really didn't have time for any relationships."

"Oh..." sagot ko. "May I know if have you ever been into relationships before?"

Of course alam ko ang sagot sa tanong niya dahil isa ako sa mga nabroken hearted noon nung nagkagirlfriend siya.

"Yes."

"So how was it? Why did it end?" Ang personal ng tanong ko pero sayang kasi yung chance! Kahit na leader ako ng fans club niya noon ay hindi ko din alam kung anong naging dahilan ng breakup nila ng girlfriend niya so wala naman sigurong masama kung natanong ko iyon ngayon.

"Trust issues." Matipid na sagot niya.

Naghihintay pa ako ng karugtong ng sagot niya pero mukhang wala na siyang gusto pang idugtong doon. Siguro nga ay masyadong personal ang tanong ko.

"Nakamove on ka naman na ba?" tanong kong muli. Okay! Okay! Last personal question na talaga 'to, promise!

Matagal siyang natahimik bago tuluyang sumagot. Sa katunayan nga ay bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. Mukhang masyadong mabigat ang tanong ko. "I actually learned to fall in love again after that relationship. So yes, I've moved on from her."

"Oh...so naka-ilang relationships ka pala?" hindi ko mapigilang hindi maitanong.

"I only got into relationship once. The girl I learned to love again...we never happened."

Tila may halong sakit at pait ang huling salitang binitiwan niya. Nanatili akong nakatitig lang sa kanya at hindi magawang makapagtanong muli dahil pakiramdam ko ay may matagal nang nakabaon na feelings ang bigla ko na lang hinukay muli dahil sa mga personal na tanong ko.

"I'm sorry. Am I being too personal?" nahihiyang tanong ko.

"No, it's fine. I'm actually glad you asked about this because since I left, I never had anyone to talk with about it."

Ibigsabihin ba ay sapilitan na lang niyang ibinaon ang kung ano mang nararamdaman niya at never na niyang inungkat ito?

Napabuntong hininga muna ako bago nagsalitang muli. "If you would be asked, how would you describe love based on your past experiences?"

Nagulat ako nang saglit siyang natawa ng sarkastiko. "Love?" Tila nainsultong tanong niya.

"Uhm okay lang naman kung hindi mo gustong sagutin." Kinakabahang pagbawi ko.

Saglit siyang huminto at seryoso akong tiningnan sa mga mata. "Love for me is a horrible place to be."

Kaagad akong natulala sa kanya nang marinig ang sagot niya. Hindi ko alam kung bakit pero tila bigla na lang akong nanlamig.

Sabay kaming napatingin sa telepono niya nang bigla itong magring. Kaagad niya itong sinagot at mukhang ang secretary niya ang nasa kabilang linya at sinasabing may mahalaga pa siyang meeting na dapat attendan.

"I'm sorry, Miss Bernal, but I'm afraid I can no longer entertain more questions from you. My meeting is about to start in five minutes." Saad niya pagkababa ng tawag.

Nagmamadali siyang tumayo at inayos ang mga papel sa mesa niya kung kaya't napatayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko.

"Thank you so much for your time, Mr. Jack Frost." Puno ng sinseridad na pagpapasalamat ko. Hindi ko na tinangka pang iabot muli ang kamay ko sa kanya para makipagshake hands dahil baka mapahiya na naman ako.

"My pleasure." Mabilis na tugon niya.

Sabay na kaming naglakad palabas ng office niya at hanggang sa paglabas namin ay windang pa rin ako sa huling sagot niya.


***

Tweet @mimhytotwp and please use the hashtag #TWFBP2015

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 1.3K 103
Happy endings doesn't exist... and if you agree with me, c'mon and enter my world.
11.6M 296K 33
Breaking the Bad Boy prequel/sequel Written by blue_maiden Start: September 15, 2016 End:
21.2M 769K 44
TIL Series #1 (Book 1 of 2) Chelsea Vellarde is trapped from a hopeless affection for Blaze Abelard. She wants to move on but whenever she tries, sh...
380K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...