AUGUST 27 - LaraMelissa's Character Interview

3.8K 81 14
                                    

LIVE

Host: Lara Melissa

"Hello everyone!!! Welcome to the Lara Melissa Show! I'm so excited tonight, we have very special guest!" nakangiting wika ko. "Opo tama ang narinig niyo, very special guest talaga siya!"

Malakas na tilian ang narinig ko mula sa audience. "Whoa!"

"Alam ko naman na excited na rin kayong lahat! So, hindi ko na ito patatagalin pa! So let's welcome, Mr. Taki Kier Saisuke," masayang pahayag ko.

Kasunod niyon ang masigabong palakpan at malakas na tilian.

Lumabas sa stage si Taki Kier Saisuke na may ngiti sa kanyang labi. Hindi naman magkamayaw ang tilian ng mga babae.

"Good evening," sabay lapit ko sa kanya. Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa akin. Oh lala! Makalaglag panty! Itinago ko ang kilig na naramdaman ko. Baka kasi hindi ko mapigilan ay ma-rape ko siya! Umupo na kaming dalawa sa sofa.

"Finally! Na-meet na rin kita," masayang pahayag ko sa kanya. "Hindi ko akalain na makakaharap ko ang isang sikat na gang leader sa Pilipinas."

Natawa si Taki sa sinabi ko na nakapagpakilig sa akin.

"I'm sorry kung bakit ganito ang reaction ko. You know, sobrang excited lang ako na makita ka sa personal. Mabuti naman at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon na mag guest ka sa show ko," nakangiting wika ko sa kanila.

"It's a little favor, Ms. Lara Melissa."

"Thank you," kinikilig na saad ko.

Humarap ako sa camera at nagsimula. "Mga bbians, matutunghayan natin ngayon kung paano niya sasagutin ang mga nakakakilabot niyong mga tanong para patunayan kung gaano niya kamahal si Bella," binalingan ko naman si Taki Kier. "Ang mga itatanong ko sa iyo ay galing sa mga bbians na sumusuporta sa iyo. No hard feelings, okay?"

Marahan na tumango siya.

"Okay, let's start."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay naghiyawan ang mga nanonood sa amin.

"Ano pa ang kaya mong i-give up or i-let go, just to secure na sa iyo lang si Bella?" tanong ko sa kanya.

Hindi man lang siya kinabahan sa tanong ko at bagkus ay ngumiti pa. "One vowel, two consonants, three letters. All," maikling sagot niya. "I can give up what I had yesterday, what I have today and what will I have tomorrow. The fame, power, wealth, connections, my gang, my pride, my emotions and... myself."

"Kaya ko i-give up lahat hindi para i-secure na sa akin si Bella. Kaya ko i-give up lahat para i-secure na ligtas ang buhay niya. I have all the power to make sure Bella will be mine forever without giving up anything pero dahil mahal ko siya hindi ko ito ginawa. All I want is to make sure, she's safe. At sa ngayon, sa piling ko lang siya safe," mahabang paliwanag niya na nakapagpangiti sa akin at maging ang mga audience.

"Masyadong intense ang sagot ni Mr. Saisuke," natatawang wika ko. Iba magmahal ang isang Taki Kier Saisuke. Sana ako na lang ang babaeng iyon.

Masigabong palakpan ang narinig ko mula sa audience.

"Sabi nila 'love is blind', pero bakit hindi sapat yung love na meron kayo para maging masaya?"

"Love is not blind, lovers are. Ang love na nakikita lahat, your good and bad side. Just those lovers who are in love accept each other imperfection. Love is enough to be happy. Mahirap punuin ang isang garapong may takip."

"Hmm... Mr. Saisuke, talaga bang para kay Bella ang ginagawa mo o para sa sarili mo?" tanong ko sa kanya.

"Sana nga para na lang sa sarili ko lahat ng ginagawa ko. Sana nga selfish na lang ako para akin na lang siya. I tried harder to be selfish but I can't. Everything I've done is for her."

"Kaya mo ba siyang pakawalan kung sakaling hindi ikaw ang piliin niya?"

"I don't give up easily, woman. Kahit pa maubos ako ay hindi ako susuko," pinal na sagot niya. "All I want is her happiness and safety. She's safe with me but I also want her to be happy. And if she chooses him over me, sige kakayanin ko na mahalin siya sa malayo at protektahan siya."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito ang isasagot niya. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya at kung bakit niya ginagawa ito?

"Last question," nakangiting wika ko. "May chance ba kayong magkabati ni Jarvis Fortalejo?"

Hindi lingid sa lahat na dating mag bestfriend sila. Nalaman ko na maraming nanghihinayang sa friendship nilang dalawa. Hindi siya sumagot at isang makahulugan na ngiti ang binigay niya sa amin.

Napangiti na lang ako sa nakita ko. We know, we can't predict our future. Hindi pa naman huli ang lahat. Alam kong balang araw ay magkakaayos din silang dalawa.

Isang tao lang ang naiisip ko na maaaring makatulong sa kanilang dalawa at ito ay walang iba kundi ang babaeng iisa nilang minahal─ si Bella o mas kilala bilang Black Butterfly.

***

Tweet @LaraMelissa_BB and please use the hashtag #TWFBP

The Wattpad Filipino Block PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon