Diary of My Girl (COMPLETED)

By antan_hannya

27.9K 543 87

I can see, but I shouldn't be seen. I can speak, but I shouldn't be heard. I can touch, but I shouldn't be... More

Diary of My Girl
Chapter 1: The Boss
Chapter 2: Gangster-Millionaire
Chapter 3: Isang Basura! Basura nga ba?!
Chapter 5: Work For Me
Chapter 6: We Meet Again
Chapter 7: Be With Me
Chapter 8: I'll Prove You
Chapter 9: I am Here
Chapter 10: Who Is She?
Chapter 11: Dilemma
Chapter 12: Hi-yup!
Chapter 13: My Diary
Chapter 14: I Have Her
Chapter 15: I'll Save You *For Editing
Chapter 16: Gone *For Editing
Chapter 17: Day One
Chapter 18: My Choice
Chapter 19: Servant's Loyalty
Chapter 20: I Met Him
Chapter 21: The Puppy Story
Chapter 22: My First Love's First Love
Chapter 23: The Sea of Pain
Survey
Chapter 24: Paalam, Allen
Chapter 25: Free
Author's Note

Chapter 4: Treat Me

1.1K 26 1
By antan_hannya

Vote and leave a Comment!

LEN'S POV

I want to fall in love...but NEVER be loved.

Who the h*ck would wish for that type of one sided love?! T@nga lang hihiling ng ganun e! Kahit pa sabihing mamamatay na sya, then so what? Nasa batas ba ni San Pedro na kailangan makaranas muna ng paghihirap sa one sided love bago sya tanggapin sa kabilang buhay?! 'TEK NA! Anong klaseng pag-iisip ba meron ang babaeng 'yun? May toyo ata sa utak!

"Boss!"

"Boss! Yooohooo!"

"Ano?!" bored kong sagot sa kanya.

Iniikot nya ang upuan nya para iharap sa aking upuan at saka ipinatong ang ulo nya sa desk ko.

May balak pa yatang matulog ang abnormal na 'to sa desk ko -_-

"Problema mo?" bossy kong tanong sa kanya.

"Ikaw." nakangisi na parang tanga nyang sagot. Sinipa ko ang upuan nya palayo, kaya nahulog sya >;)

"ARAAY! Boss naman! Ikaw na nga ang inaalala ko, inaapi mo pa ako?! Langya naman oh!"

Tumingin ako sa kanya ng walang interes, at humikab. Letse! Inaantok na ako e alas-onse pa lang!

"Lenard! Ano bang malalim mong iniisip nitong mga nakaraang araw? Lagi kasing malayo ang tingin mo at tulala ka pa!"

"..." -______-

"Chikka Babe mo ba?" kumikinang ang mata nyang tanong.

"Psh!" sagot ko sa kanya. Ako may babae? A-S-A! Yung weirdong mamamatay na may-ari ng diary lang naman ang laman ng utak ko nitong mga nakaraang araw! Ang kupad naman kasing maghanap ng mga tauhan ko!

TEKA! Babae nga ang weirdong 'yun! O__O

"Omo! Boss! May babae nang nagpapatibok dyan sa puso mo?!" parang nakabingwit ng malaking tsismis sa lakas ng pagkakasabi nun si Jin. Naglingunan tuloy samin ang mga kaklase naming timang rin gaya nya!

Sinamaan ko sila ng tingin at natakot naman sila kaya bumalik sa own businesses nila.

"Boss! Meron ka na ngang chix?! WAAAAAHH! Boss! Silence means Yes! Sino sya Boss? Sinooooooo?" parang unggoy na nakasabit sa leeg ko 'tong abnormal kong kaibigan. Napapaisip tuloy ako...ano bang naisipan ko noon at naging kaibigan ko 'to? -____-

"Lenard, may girlfriend ka na?" may maliit at matinis na boses ang kumausap sakin. Dwende ata?

"Abby my loves! Ako, hindi mo ba tatanungin kung may girlfriend na?!" may pagpungay pa ng mata at pagpapa-cute na nalalaman tong si Jin. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa nya e! Tanga na nga! Sama pa ng tipo sa babae! Psh.

Sisindakin ko pa sana 'yung presidente naming pangit na malakas ang loob na kausapin ang Boss na tulad ko, kaso nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Pagkabasa ko nang mensahe napamura ako ng malakas!

"FUCK SHIT!" Sabay kuha ko na ang props kong bag...na walang laman...noon. Ha! May laman na 'to ngayon! Ang dramatic novel ng buhay ng isang babaeng weirdo! >;)

"Geh Jin! May lakad ako!" paalam ko sa kanya at tumakbo na ako paalis ng school. Nahawa na ata ako sa parang tangang ngiti ni Jin dahil ramdam kong abot tenga ang ngiti ko ngayon! Sakit pala nun sa panga! Nakakangalay pero hindi ko mapigilang hindi ngumiti ng wagas!

Dumating ako sa hotel ng humahangos.

"Gavin! Chino! Sino sya? Nakita nyo na sya? Nasaan sya?"

Marahang ngumiti ng may paggalang sa akin si Gavin habang mukhang gulat sa super excited kong itsura si Chino.

"Master, si Miss Sulli Choi po ang natukoy naming nagmamay-ari ng Diary na nasa pangangalaga nyo. Nasa desk nyo na po ang profile nya, gayun na rin po ang current address nya. Isang agent na rin po natin ang sumusubaybay sa mga kilos nya ngayon."

SULLI? Sulli Choi? Kakaibang pangalan!

Walang anu-ano, tumakbo ako papunta sa desk ko para tingnan ang biography profile nya.

Pagbuklat ko ng folder...napatigil ang aking mata sa litrato ng isang babae. Malamlam ang mga mata...matangos ang ilong...maliit ang labi...maganda sya.

"Sya ba 'to?" usisa ko kay Gavin na kasunod ko. Marahan syang tumango "Opo, Master Allen. Sya po si Miss Sulli Choi."

Ang layo ng kagandahan nya mula sa weirdong nakahoodie sa bus noong isang linggo!

Mas lalong tumaas ang interes ko na makilala sya ng personal. Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon. Mabilis pa sa alas-kwatro, pinuntahan ko kaagad ang address na pinalalagian nya ngayon.

SULLI'S POV

Ilang araw na mula ng mawala ang Diary ko. Mabuti at wala akong pangalan na inilagay doon. Sana lang, walang pakialamerang tao ang nagtangkang magbasa ng kung anomang nakasulat doon.

Araw-araw akong bumibili ng mga dyaryo at nanonood ng balita, dahil sa kaba na baka may nagbasa noon at nag research para hanapin ako at ipagkalulong sa media.

Bakit naman kasi naisipan ko pang ilabas yoon sa bag ko noon sa bus! Sising-sisi talaga ako! Pero wala namang magawa ang pasisisi ko!

Tinatanong nyo kung bakit ako may Diary na parang isang Kindergarden student na may assignment na ikwento sa pamamagitan ng pagsulat sa notebook ang naging araw nila?

Isang malamlam na ngiti ang kumawala sa aking labi.

Hindi ko rin talaga alam.

Basta't dumating ang panahon na...pakiramdam ko...kulang ang mga ala-ala na naiwan ko na magpapaalala sa mundo na isang Sulli Choi ang nabuhay at nagpangiti sa kanila sa isang punto ng buhay nila.

Gusto ko na may kahit isang tao ang magbabasa ng Diary kong iyon, na tunay na makakikilala sa akin, bilang ako, at hindi ang popstar na humaharap sa camera.

Pero hindi na iyon ang balak ko!

That Diary, is my memory, for me to keep alone. No one should dare read it! No one should know everything I've gone through! No one should know my thoughts!

Tapos na ang madilim na parte ng buhay ko, because of my brother's sacrifice.

Natutunan ko na ring mag-enjoy sa pamumuhay na simple at wala sa limelight.

Sa ganitong buhay ko naramdaman ang tunay na kasiyahan. Kasiyahang hindi nababase sa approval ng iba. Kasiyahang hindi nakadepende sa mga materyal na bagay at achievements.

Ilang araw ko na ring napapakiramdaman na parang may mga matang nakamasid sa akin. Noong una akala ko napaparanoid lang ako sa pagkawala ng Diary ko na puno ng mga sikreto ko.

Pero iba na ngayon! May lalaking nakaitim ang nahuli kong sumisumple ng pagtingin sa dereksyon ko! Kapag lumilingon ako sa kanya, lumilingon sya sa ibang dereksyon!

Natatakot ako. Baka isa syang media o tauhan ng kung sinong may masamang balak sa akin!

I have to make a move para iligaw sya! Tama! Ililigaw ko sya at tatakbo ako pauwi para magtago! Hihingi ako ng tulong...kay...kay...

Patay! Wala dito sa Pilipinas si Andrew para sagipin ako kung matrap man ako sa bahay katatago!

BAHALA NA! Ilang linggo na ako dito sa Mandaluyong kaya medyo alam ko na ang pasikot-sikot dito! At..AHA! May natagpuan ako ng hindi sinasadya noong isang araw na nakaliligaw na iskinita! Tama! Doon ko sya ililigaw!

Kumaripas ako ng takbo. At hindi ako nagkamali. Sinusundan nya nga ako!

Narating ko ang iskinita. At lumiko pakanan at pakaliwa. Hanggang...

"Miss...naliligaw ka ba? Ngayon ka lang namin nakita dito sa lugar namin e."

Kinilabutan ako. Hindi ko sya kilala. At matagal na akong hindi nakikipagkilala o nakikipag-usap sa ibang tao...kaya kinakabahan ako. Pero naglakas loob ako para humingi ng tulong sa kanila.

"Yun lang ba Miss? Swerte ka, at mabait kaming mga taga-rito. Halika dito ka muna sa loob ng bahay namin magtago hanggang sa makalagpas ang taong humahabol sa'yo." may masama akong kutob sa mga tingin nya sa akin. Kaya tumanggi ako.

"Salamat na lang po, pero...aalis na po ako." kabado akong ngumiti sa kanila at handa nang tumakbo. Pero humarang sila sa unahan ko. Hinila ako ng isang lalaking nakakasulasok ang amoy halo ng alak at sigarilyo.

"Miss ang ganda mo naman lalo na sa nalapitan." nakatitig sya sa mukha ko.

"Ahm..a-aalis na po ako."

Itinulak nya ako sa may pader at inamoy-amoy ang leeg ko.

"Hmm...hindi ka lang pala maganda, mabango ka rin."

Nangatog ang mga tuhod ko. "A-aalis n-na po ako." Ulit ko habang nanginginig ang aking boses.

"Aalis ka na agad, e nag-iinit pa lang ako?"

Hinawakan nya ng puno ng pagnanasa ang aking binti...pataas ang kanyang mga kamay.

"TU-TULONG! TULUNGAN NYO A--"

Isang mabaho, madumi at nakadidiring kamay ang tumakip sa bibig ko. "Miss naman. tinatawag mo pang lalo palapit sa'yo ang taong pinagtataguan mo." Unti-unting nangilid ang mga luha ko sa aking mga mata. "Maging mabait ka lang at magenjoy sa susunod na mangyayari."

Nagpatuloy ang isa nyang kamay sa paglibot sa aking binti. Pataas at pababa. Sukang suka ako sa nangyayari ngayon! Ipinikit ko na lang ang mga mata kong luhaan at piping sumisigaw ng saklolo. PLEASE! PLEASE SOMEONE SAVE ME!

Malalakas na kalabog ang sunod kong narinig. Pagsisigawan. Mura. Tunog ng sakit at pamimilipit. Mukhang may labanan na nangyayari.

Pero dahil sa sobrang takot nanatili akong pikit hanggang sa naging kabingi-bingi ang katahimikan at may mala-anghel na boses ang nagsalita.

"Miss. Ayos ka lang ba?"

Mumulat ako at nasilaw sa sinag ng araw. Isang lalaking ang nakaukod at iniaabot ang isang panyo para abutin ko. Kinuha ko iyon ng walang pagdadalawang isip at umiyak pang lalo habang nakatakip ang panyong iyon sa mukha ko.

"Hindi ka dapat nagpupunta sa mga delikadong lugar gaya nito. Kung hindi ako dumating baka kung napano ka na. Halika na, baka bumalik pa ang mga 'yun ng may kasamang resbak. Hindi pa man din ako sanay ng may ipinagtatanggol habang lumalaban."

Tumingin ako sa kanya. Walang reaksyon ang mukha nya. May itsura. Disente tingnan. Kaya panong...nalabanan nya ang mga lalaking 'yun kanina?

Sino ba sya?

Bakit nya ako tinulungan?

At bakit hindi ako natatakot na sumama sa kanya?

"Miss...?" Iniabot nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo.

Nangingig ang aking mga kamay na inabot ang kanyang mainit na palad. Naramdaman ko tuloy na parang umabot ang init ng kanyang kamay hanggang sa aking pisngi.

Nakatayo na ako sa tabi nya hawak ang kanyang kamay. Pero nakatingin lang sya sa akin at hindi humahakbang paalis.

"Sumakay ka na sa likod ko. Mukhang isang hakbang lang e bibigay na yang mga tuhod mo." sabi nya habang umiiling.

Tumingin ako sa tuhod ko. nangangatog iyon ng malakas. Hindi pa rin nawawala ang kaba at takot na naramdaman ko dahil sa mga lalaki kanina.

Tumango ako bilang pagpayag. Isang ngiti mula sa kanya at para akong walang timbang na binuhat nya sa kanyang likuran.

"Ang gaan mo naman Miss! Parang wala ka pang isang guhit sa timbangan! Hehe."

Mas lalong uminit ang pisngi ko dahil doon. "Sa-salamat...sa..p-pagl-ligtas..." nangingig kong sabi.

Bigla syang lumingon at muntikan ko nang mahalikan ang kanyang pisngi! Napaurong tuloy ako at mas lalong humaba ang kanyang ngiti. "Thank you is nice. But treating me is better."

"T-treat you?" naguguluhan kong tanong.

Napalitan ng tension ang kanyang ekspresyon at ibinaling nya rin kaagad ang ulo nya sa unahan.

"Treat you to a meal?" muli kong tanong. Nahihiya siguro syang ulitin na nagpapalibre sya?

Tumungo sya habang naglalakad at mahinang sumagot. "Yeah. Dinner."

--------

a/n: o alam nyo naman kung sino si Mister Savior di ba?

At napansin nyo sana na "mabait" yung character ni Len kay Sulli. Kasi pag sya si Master Allen, serious and confident ang ugali nya. Kapag sya si Ruthless Boss, sya ay medyo tipid magsalita, bored ang tono, mayabang at iritable.

Sana gets nyo rin ang gusto kong iparating na...iba ang meaning ni Len nung sinabi nyang "treating me is better" ;)

Next chapter: Work For Me

WT:4-16-13 P:4-17-13 E:2-4-14

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
7.2M 181K 28
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...