Seventh Sense (Erityian Tribe...

By purpleyhan

29.8M 989K 274K

Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices. More

front matter
Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
n o t e

Chapter 38

407K 13.9K 4.2K
By purpleyhan


Pagbalik ko sa room namin bandang 4 :30 AM ay nakaabang sa loob sina Naomi at Akira. Nakita kong nakangiti nang nakakaloko si Akira at may pataas-taas pa siya ng kilay kaya alam kong may narinig na naman 'to.


"Hindi ka na namin tatanungin kung saan ka galing pero aalis na kami," sabi ni Akira habang nakatingin sa akin na parang nang-aasar.


Nakaready na ang mga gamit nila at mukhang hinintay lang nila akong bumalik para magpaalam. Nung palabas na sila ng room ay dumaan sila sa magkabilang gilid ko at halos sabay silang gumamit ng inner voice sa akin.


'Don't worry, your secret moments are safe with me,' sabi ni Akira.

'Pagbalik ko, we're going to talk about a lot of things.'


Sinarado nila ang pinto pagkalabas nila at naiwan ako doong nakatayo. Sa sobrang dami ng nangyari ay napahiga na lang ako sa kama at tumabi naman sa akin si Demi.

Of course, nabahala ako doon sa mga binalita ni Dana pero mas nabother ako sa mga salitang iniwan nina Hideo at Naomi. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin dahil masyadong vague. Pakiramdam ko, habang tumatagal ako sa lugar na 'to, mas lalo akong nahihirapang magsurvive at magtago. Lalo na ngayong may isang taong may alam na ng identity ko.


"Anong iniisip mo?" Nagulat ako nung may mukhang lumitaw sa taas ko kaya nahagis ko bigla 'yung card ko. Buti na lang at nasangga niya ng isang dagger kaya hindi dumiretso sa mukha niya.

"Michiko! Bakit ka nandito?!" Napabangon ako agad sa kama at medyo nainis ako dahil tinawanan niya lang ako. Nakita ko rin si Mayu na nakaupo doon na naghahanap ng libro sa shelves namin. "Kailan pa kayo nandyan? Teka paano kayo nakapasok?"

"Duh, kanina pa kami kumakatok. Pumasok na lang kami at ayan, lutang ka." Naalala ko naman na magsstay ang dalawang 'to dito sa dorm. Akala ko pa naman mag-isa lang ako ngayon.


Nilapitan naman ako ni Mayu at tumayo siya sa harapan ko habang hawak ang isang helme-like object. Bigla niyang sinuot 'yun sa ulo ko at bigla akong nagkaroon ng flashbacks tapos may pixels din akong nakikita sa harapan ko. Natakot ako sa pwedeng mabasa o makita nila kaya sinarado ko nang mahigpit ang isip ko at nung ginawa ko 'yun ay tumigil ang flashbacks na nakita ko.


"Hmm...as expected, your mind is inaccessible," sabay tanggal ni Mayu doon sa helmet.

"What is that?" turo ko naman doon.

"A prototype of my current project—Wavisual."

"Wavisual?"

"A gear that can convert brain waves to visual images. Mukhang marami pa akong modifications na kailangang gawin. But I think Hiroshi can continue this project in a few years."


Sobrang kinabahan ako sa sinabi niya. That was a close call. Kung nadisplay lahat ng nasa isip ko ay siguradong malala ang mangyayari. I'm glad I closed my mind immediately after I saw those pixels and flashbacks. Damn. Mayu's inventions are as problematic as her dad's. Pero teka, tama ba ang narinig ko? Si Hiroshi?


"What do you mean, Mayu? Si Hiroshi ang gagawa?"

"Well, he's already three and a half years old."

"He can do things like this?" tanong ko at hindi pa rin ako makapaniwala.

"Ay naku. Sa kwarto namin, puro nagkalat na wires at devices dahil sa mag-inang 'yan," sabi sa akin ni Michiko habang nakaakbay.

"Actually, this is his idea. May gusto kasi yata siya sa aking sabihin at ipakita pero hindi niya maexplain nang maayos. I saw him wearing a helmet and using his sixth sense, nakapagproduce siya ng images. Doon ko naisip na gawin 'to," pag-eexplain ni Mayu.

"Wow. Your son is a prodigy." Namangha talaga ako sa sinabi niya.

"Ha? What are you saying, Akemi? Halos lahat naman ng nasa Atama family, may exceptional skills na ipinapakita simula bata pa sila," sabi naman ni Michiko. But still, that's impressive.


At dahil gusto kong makita si Hiroshi ay pinapunta nila ako sa kwarto nila. Nagulat naman ako nung may tatlong bata doon at ayon sa pagkakaalala ko ay sina Hayate at Reina ang dalawang kasama ni Hiroshi.


"—nasa labas si Mama mo," rinig kong sabi ni Hayate nung binuksan namin ang pinto.


Ang cute nilang tatlo. Nakadagdag pa sa cuteness nila ang hazel brown eyes nila. Nakakatuwa lang na itong tatlong 'to ang susunod na generation ng Atama family...

Oh. Why am I thinking about that? Hindi naman ako originally part nito. I'm just an outsider. Napabuntung-hininga na lang ako. Sa dami ng problema ko ay naaapektuhan na ang isip ko. Nagstay kami doon ng ilang oras para panoorin 'yung tatlo. Nung masyado na akong naooverwhelm ng mga iniisip ko ay tumayo na ako. Kailangan ko ng ibang mapagkakaabalahan.


"Uhm, sige balik na ako sa kwarto," sabi ko kaya napatingin sina Michiko at Mayu sa akin.

"Why? Masama ba pakiramdam mo?"

"May problema ka ba?"

"Wala naman. May gagawin pa kasi ako eh."

"Ano?" sabay akbay ulit ni Michiko. Dahil wala naman na akong magagawa at alam naman nila ang tungkol dito, sinabi ko na lang din.

"I'm currently reading those books about seventh sense."


Pagkasabi ko nun ay naging interested din sila kaya nagpaalam muna sila doon sa tatlong bata at lumabas kami sa room. Pero napasigaw kami nung nakita namin sina Hideo at Mitsuo na nakasandal sa pader sa tapat ng room namin kaya naman napalabas din 'yung tatlong bata.


"Ah! Kuya Hideo! Kuya Mitsuo!" sigaw ni Reina at tumakbo siya papunta sa dalawa habang nakasunod naman sa kanya sina Hayate at Hiroshi.


Natawa nang malakas si Michiko at tinuro niya si Mitsuo kaya napatingin din kami ni Mayu. Naalala ko bigla na hindi nga pala magaling mag-handle ng mga bata si Mitsuo dahil na rin sa pinanggalingan niya. Kumapit naman si Hayate sa binti ni Hideo na parang koala at si Hiroshi naman ay sa kaliwang binti niya at kanang binti ni Mitsuo sumabit. Humagalpak kaming tatlo sa tawa habang 'yung dalawa ay naestatwa na doon.

Binuksan ko ang pinto ng room namin at bigla namang lumabas si Demi. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa pumosisyon din siya sa ulo ni Hideo kaya habang pumapasok kami sa room ay nagcollapse na sa sahig si Michiko kakatawa habang si Mayu ay dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Bumaba naman sina Reina at Hayate sa kanila at nagtakbuhan sa loob ng room namin.

Bigla namang napatingin sa akin si Hideo kaya nag-iwas ako ng tingin. Naalala ko kasi bigla 'yung nangyari kaninang madaling-araw.


"Bakit pala kayo nandito?" tanong ni Mayu habang may hawak na baso at kinuha na niya si Hiroshi mula doon sa dalawa.

"Gusto rin naming malaman ang tungkol sa seventh sense," sabi ni Mitsuo at hindi ko alam kung paano nila nalaman na 'yun ang balak naming gawin.


Dahil nandito naman na rin sila ay wala na akong nagawa kundi kunin ang dalawang libro. Inexplain ko sa kanila ang mga nalaman namin nina Naomi at Akira dito. Binigay ko sa kanila ang dalawang libro pero hindi na raw kailangan nina Hideo at Mitsuo 'yung isa kaya nagtaka kami.


"Meron na ako," sabay labas ni Mitsuo ng isang libro sa bag na dala niya.

"Whoa! Pareho!" sigaw naman ni Michiko habang pinagcocompare ang hawak ni Mitsuo pati 'yung Beyond Sixth Sense.

"Don't tell me namemorize mo 'yan kaagad nung hiniram mo?" tanong ko naman.

"Oo. Kaya nga minadali kong isulat dahil baka mawala na sa isip ko kapag tumagal."


Napa-whoa ulit kami dahil nakakamangha. Akalain mong nakopya niya ang buong librong 'yun sa loob ng maiksing panahon? Useful talaga ang sixth sense niya sa mga ganitong pagkakataon.

Pinagpatuloy ko naman ang pag-eexplain sa kanila ng laman ng libro at binasa naman ni Mayu 'yung nakasulat sa pages na naka-open sa both books nang magkasunod.


Sixth sense is the ability to use and manipulate one of the five senses to extremities or to any specific situation. But there are some who can use it to a different level. A higher level of ability called seventh sense.

According to Shinji, seventh sense is the ability of a Senshin to use his or her sixth sense fully and share 70% of its efficiency to others. However, it is extremely difficult to attain since nobody knows how, when or where it will activate.

The first ones who executed the seventh sense are Shinji and Natsue. During their stay in Romania, they successfully shared their sixth sense to each other for a few minutes. According to them, they felt something different inside their body and they can clearly read each others mind without restrictions.

Seventh Sense is considered as a higher level of sensing ability. Knowing the strengths and weaknesses of your own sixth sense is the first step in understanding this ability. Once achieved, the sixth senses and minds of the users can become one and it will boost their power and capability. However, seventh sense is dangerous, especially if wrongly used. It can destroy the mind and the senses of the user or worse, it can lead to death.


"Wow. Reading each other's mind without restrictions? That's cool," sabi ni Michiko. "Parang si Naomi lang pero this time, hindi lang siya ang nakakagawa kundi pati 'yung ka-share niya ng sixth sense."

"Is it really possible to share your sixth sense?" tanong ni Mitsuo at walang sumagot sa amin.

"Maybe. May written records so that means it's possible," sagot naman ni Mayu.


Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung paano nangyayari ang seventh sense dahil wala namang sinabi kung paano ito gawin. Sabi, the first step is to know the strengths and weaknesses of your own sixth sense. Of course, alam naman namin 'yun sa mga sarili namin. What I want to know is how to activate the seventh sense. May something ba na kailangan naming gawin o maramdaman?


"But now we know that this power is dangerous," sabi naman ni Hideo habang tahimik kami kaya napatingin kami sa kanya. "As stated here," sabay turo niya sa libro, "it can destroy the mind and the sense of the user or worse, it can lead to death. Maybe that's why these books are sealed away from the students because of the risks involved."


Natahimik ulit kaming lahat pagkatapos nun. Pero alam ko na lahat kami ay lalong naging interesado sa seventh sense. Nararamdaman ko na nacucurious din sila at gusto rin nilang malaman kung paano 'yun nagagawa. Especially me. After all, this was my first mission...until my mother changed it.

Nagbasa pa kami ng ilang page pero wala pa rin kaming makuhang concrete information kaya after ng ilang oras ay tinigilan na namin. Lumabas silang lahat sa room at bumalik si Mayu sa kwarto nila para tignan 'yung tatlong bata sa loob. Si Michiko naman ay bumaba para raw magtraining habang si Mitsuo ay may pupuntahan daw muna. Doon ko lang napansin na naiwan pala kaming dalawa ni Hideo sa may hallway kaya biglang naging awkward ang situation namin. Ang nakakainis pa ay naalala ko na naman 'yung ginawa niya. Dahil hindi ko na kaya ang bigat ng atmosphere ay minabuti ko nang magsalita.


"Anong ibig mong sabihin nun?" tanong ko at bigla naman siyang sumandal sa pader habang nakapamulsa.

"Hmm?" Aba? At nagmamaang-maangan pa siya?

"Why did you say sorry?" diretso kong tanong pero tinitigan niya lang ako.


Dahil ayokong magpatalo ay hindi ko pinutol ang tingin ko sa kanya. Pero kahit gusto ko nang itigil ay hindi ko magawa. His eyes are so enticing that it's hard to break contact.


"It's just a word," seryoso niyang sabi.

"No. Sorry is a lot of things."


Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon pero hindi mapanatag ang loob ko. Bakit naman siya magsosorry? May nagawa ba siyang kasalanan sa akin na hindi ko matandaan? O gagawin niya pa lang? People usually say sorry after making mistakes but this time, hindi ako sigurado. Kapag iniisip ko 'yun ay mas lalo akong naguguluhan at kinakabahan sa pwedeng mangyari.

Bigla naman siyang naglakad palapit sa akin at mas lalong naging seryoso ang expression niya. Nagulat ako nung naglean siya kaya napaatras ako pero hinawakan niya ako bigla sa braso. Hinigit niya ang bewang ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa nararamdaman ko na ang paghinga niya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba pero nagulat ako nung bumulong siya sa tenga ko.


"That word would bind us together until things are set right. I'll be taking responsibility for my actions so don't worry."

"W-what do you mean?" tanong ko at mas lalo niya akong hinatak palapit sa kanya. Naramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa balikat ko at ang kamay niya sa likod ko. "H-hey..."

"Why does it have to be this complicated?" mahinang bulong niya at kinabahan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan.


Nagstay kami sa ganung position for a few seconds then after that ay bumitaw siya habang ako ay disoriented pa rin dahil sa kinikilos niya. Napabuntung-hininga naman siya bigla at naging seryoso ulit.


"Sige, una na ako." Tumalikod siya at naglakad palayo and I was left dumbfounded.

"That's the first time I saw him with a troubled expression."


Nagulat naman ako sa narinig ko kaya napalingon agad ako sa likuran at nakita ko si Mayu na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto nila.


"And saying sorry takes courage," dagdag niya pa. That means narinig niya ang pinag-usapan namin.

"Pero hindi ko alam kung bakit siya nag-sorry."

"Hindi ko rin alam but you know what? Sometimes, sorry can mean anything. From a simple apology to leaving yourself open to pain and hate...or telling he cares for you or he loves you but he'll do something more important than his feelings. Ikaw na ang bahala kung paano mo iiinterpret 'yun."


Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay pumasok na ulit siya sa kwarto habang ako ay hinintay na magsink-in lahat ng narinig ko.


***

Continue Reading

You'll Also Like

79.4K 6K 18
A BATTLE OF BRAINS. A MATCH OF WITS. A CLASH OF DEDUCTIONS. The Detective Triumvirate Plus One crosses path with the QED Club in the highly anticipat...
4.6K 457 27
A tragedy in the camp reported being one of the biggest unsolved cases in town. Five years later, as April regained her consciousness, some of the me...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
146K 8.3K 26
DESPEDIDA GONE WRONG. What's supposed to be a memorable send-off party ends up in tragedy as the celebrant drops dead after making a toast. Of all th...