All I Ever Wanted

By ranneley

207K 5.4K 490

All I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first... More

i n t r o
• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 19 •
• 20 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• finale •

• 21 •

3.2K 107 6
By ranneley

Iniwanan namin ang kotse at nilakad ang kaunting distansya papunta sa restaurant.

Nang pumasok kami sa loob, marami na ang kumakain. Pero may mga vacant table pa naman. Naglakad kami papunta sa isang bakanteng mesa. Nauuna si Kale at nasa likuran niya naman ako. Malapit na naming marating ang mesa nang may aksidente akong nakabangga at ang hawak niyang iced tea ay natapon sa akin.

"Naku! Sorry, hija," sabi niya.

Tumingin ako sa nakabangga sa akin at nakita ang babaeng mga nasa early forties. Ang mukha niya, parang pamilyar. Parang nakita ko na-

"Anong nangyari, Maika?" tanong ni Kale mula sa likuran ng babae.

"Ah, ano kasi-"

Umpisa ko pa lang nang lumingon na ang babae kay Kale. "Pasensya na, hi-"

Natigilan ang babae hanggang sinabi, "Kale?"

Biglang nanlaki ang mata ni Kale. His jaw tensed as I saw him clench his fists. Bakit siya kilala ng babae?

Lumapit ang babae sa kanya. "Kale, kumus-"

Akmang hahawakan siya ng babae pero agad niyang naitaboy ang mga kamay nito.

"Wag mo kong hahawakan!" sabi niya. Mahina lang yun pero madadama mo ang galit sa boses niya.

"Kale, mag-usap tayo. Pakiusap, pakinggan mo ako," pagmamakaawa ng babae, medyo nanginginig na ang boses nito.

Si Kale naman, patuloy lang na tinitigan ang babae. May iba't-ibang ekspresyon sa mukha niya pero may isang nangibabaw-ang galit.

"Kale," sabi ng babae at lumapit pa kay Kale hanggang sa hawakan nito ang mukha niya.

Pero laking gulat ko nang itulak ni Kale ang babae. At sa lakas ng pagkakatulak niya, napaupo ito sa sahig.

Pero tila walang pakialam si Kale sa nangyari dahil inilipat nya lang ang tingin sa akin at sinabing, "Umalis na tayo!"

Pagkasabi nun ay lumabas na siya ng restaurant.

Hindi ko naman alam ang gagawin, tutulungan ang babae na nasa sahig pa rin o susundan si Kale sa labas.

Gulat pa rin ako sa nangyari, ngayon ko lang nakita na ganun kagalit sa Kale. Oo, nakita ko na syang maging bayolente-nang iniligtas niya ako sa party ni Raz.

Pero ngayon, iba ito. For Pete's sake, mas matanda sa amin ang aleng ito at babae pa. Pero bakit nagawa yun ni Kale?

Pupuntahan ko na ang babae nang may waiter na lumapit at tinulungan ito. Nagtama ang mga mata namin. May mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya at makikita doon ang malalim na kalungkutan.

"Sorry po," sabi ko sa kanya.

Pinilit nyang ngumiti.

Nang makitang okay na siya, lumabas na rin ako ng restaurant. Tinawid ko ang kalsada at nang marating ang pwesto kung saan nakapark ang sasakyan ko, nakita kong nakasandal si Kale dito.

"Let's go," sabi niya agad nang makita ako.

Umiling ako. "Not until you tell me why did you do that? Who's that lady? Bakit parang galit na galit sa kanya?"

His jaw tensed more and I saw his fists were clenching and unclenching.

His eyes focused on mine and I saw he calmed a bit. But when it flickered behind me, he became tensed again.

"Lets go!" Kale demanded.

Lumingon ako at nakitang nasa labas na ng restaurant ang babae.

Dahil nasa tabi ng lamppost nakapark ang kotse ko, kitang-kita kami dito. At patawid na ngayon ang babae dito.

Kale cursed under his breath.

"Maika, halika na!" sabi niya.

Umiling ako.

"Fine!" he yelled. "Then give me the keys!" He then laid his hand to me.

But I remained like a statue, just looking at him. I knew the lady was coming nearer and nearer. Kale groaned and stomped his foot angrily.

"Kale!" sigaw ng babae mula sa di kalayuan. Malapit na siya sa amin.

Kale looked at me menacingly. He cursed loudly. "Just give me the damn keys, Maika!"

I cringed at that. At binigay ko rin ang susi. He got it from me harshly.

Then he went to my car and climbed in to the driver's side.

"You're coming in or I'll leave you here?" he asked me sternly through the car's slightly open window.

"Kale!" narinig ko ulit na tawag ng babae.

I looked back and saw that she was only a few meters away from here.

"Maika!" sigaw ulit ni Kale sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na rin sa kotse. At sa pagsara ko ng pinto, pinaandar na niya ang kotse.

Nakita ko mula sa sideview mirror na hinahabol ng babae ang paalis naming sasakyan hanggang sa sumuko na siya nang makalayo na kami at hindi na magagawang abutan pa.

Malayo na kami mula sa baywalk. At habang palayo kami nang palayo, pabilis nang pabilis ang pagtakbo ng sasakyan. And I was sure Kale's driving beyond the normal speed.

"Kale, slow down," sabi ko kay Kale at dahan-dahang isinuot ang seatbelt.

Hindi niya sinunod ang sinabi ko. Nanatili lang ang bilis ng takbo ng sasakyan namin. At parang mas bumilis pa ata?

"Kale!" I yelled. "Ano ba? Are you trying to kill us?"

I was sure if we'd keep this speed, hindi malayong maaksidente kami.

His knuckles became impossibly white as his grip on the steering wheel tightened. We slowed down a bit and before I knew it, he stepped on the brake.

Buti na lang at nakaseatbelt ako. Dahil kung hindi, siguradong hahampas ako sa windshield ng sasakyan.

Hinampas ni Kale ang kamay sa manibela ng sasakyan. At inulit niya yun. Ilang beses niya rin yung ginawa at hinayaan ko lang siya.

After a while, Kale put his head on the back of his seat then rubbed his face with his hands. He groaned then I saw him closed his eyes. Keeping my eyes glued on him, I saw his shoulder shook a bit. His breathing became deep and ragged and then he cried.

I couldn't believe it. Kale was crying.

"She left us," Kale muttered venomously.

"She left us!" he repeated but now yelling it then he cursed.

And he cried harder until it turned into heavy sobs.

Kale looked so broken. Kung anuman ang ginawa ng babaeng yun sa kanya, it must be so painful. Inalis ko ang seatbelt ko at inayos ang upo para makalapit kay Kale. I put my hand on his shoulder, but he cried even more.

I couldn't stand it anymore. Ayokong nakikita siyang ganyan. Gusto kong alisin kung anuman ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero paano ko gagawin yun?

Then it just happened. I pulled Kale close to me and enclosed my arms around him. Right now, this was the only thing I could do-hug him. To make him feel that he was not alone. That he has a friend.

Nang okay na si Kale, umuwi na kami. Inoffer kong ako na lang ang magdrive at thankfully, pumayag naman siya. Silence filled the car on our way back home. None of us talked. Hanggang sa makapagpark na ako sa garahe, tahimik pa rin kami ni Kale.

Not when he unlocked the car, then pushed it open, I called him, "Kale."

Lumingon siya. "Yeah?"

Ugh. I didn't know what to say. "Uh... um, g-good night."

"Night," sagot niya at lumabas na ng sasakyan pero bago pa nya ito maisara, nagsalita ulit siya, "Maika can you do me a favor?"

Tumango ako.

He sighed. "Pwede mo bang kalimutan ang nangyari ngayong gabi?" tanong niya.

"O-okay," sagot ko. Hindi ko na tinanong kung bakit gusto ni Kale na kalimutan ko ang tungkol dun.

"I expect you not to ask me anything about it, okay?" he stated flatly.

Tumango ako.

"Thanks," sabi nya pagkatapos ay sinara na ang pintuan ng sasakyan.

Naiwan ako sa loob ng sasakyan. Memories of what happened earlier flashed on my mind. And Kale wanted me, no he was expecting me to forget all of that.

That lady, her face, she resembled Kale a lot. Could it be that she... I shook my head then thought of it again.

'She left us', Kale's words kept on playing in my head. Anong ibig sabihin niya dun? Did he mean iniwan sila ng Dad niya ng babaeng yun?

If that was it, then the lady was...I really don't know but chances were high that that lady was Kale's mother.

#

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 360 29
She will never escape his trap. She'll be forever lured in his new and arrogant ways even if she should stay away. Like glitter, finding the friction...
1.6K 162 34
Everyone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chaos in this world. But what if you already...
482 185 36
Calum, a renowned romance writer and a low-key country music enjoyer who also plays guitar is a very private person. He may have his circle of friend...
316K 16.4K 75
Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury she doesn't have any plan to buy. But a m...