Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 62 : BLESSING

28.3K 831 225
By Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : MARIAN KARIMPANACKAL

CHAPTER 62 : BLESSING

"I want to marry her, Tito."

Napatulala sa akin si Tito Robi ng sabihin ko 'yon sa kanya. Alam kong magugulat siya at malaki ang posibilidad na hindi siya pumayag knowing that Rhea will only turn 18 tomorrow. Ikakatwiran nilang masyado kaming nagmamadali at impulsive sa pagdedesisyon. I still want to push my luck.

Hindi ko pa nakakausap si Dad tungkol dito dahil alam kong tututol agad 'yon. Mas madaling kausapin si Tito Robi kaysa sa sarili kong ama.

Napatikhim si Tito at napalunok. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya kahit tinitigan niya akong nang matagal at tila nanunuri.

"Don't you think it's too early for that, hijo? Gusto kita para sa anak ko pero hindi niyo kailangang magmadali. You're just 18. Mag-e-eighteen palang ang anak ko bukas." Sagot niya na may halong pag-aalinlangan.

Napabuntong hininga ako. "I just want your approval, Tito. Hindi naman po agad kami magpapakasal ngayong taon. Maybe next year or two years from now?"

Humalukipkip si Tito Robi at hinimas ang kanyang baba. "Madali lang akong makumbinsi, Ren, sa totoo lang. I really like you for Rhea. Kilala kita at ang pamilya mo. Wala akong marereklamo sayo at alam ko namang kahit bata ka pa responsable ka na. You're just a little bit stubborn like my daughter. No wonder you're perfectly matched."

Tumawa si Tito at tumigil rin agad para magpatuloy. Napangisi na lang ako.

"At eighteen lang din ang Mama ni Rhea nang pakasalan ko siya, though I was on my mid twenties that time. I know waiting is a pure hell kaya pinagpilitan ko talaga, so I understand you." Tumikhim si Tito at nagseryoso. "But I think Loren would get in the way. I respect your father, hijo. Kailangan mong makinig sa kanya pag sinabi niyang hindi dapat kayo magmadali sa pagpapakasal. Sigurado akong tututol ang ama mo sa gusto mong mangyari, Ren. Kinausap mo na ba siya tungkol rito?"

Bumuntong hininga ako at umiling.

"You should've told him first."

"Alam kong hindi agad papayag si Dad, Tito."

"And I will advice you to follow your Dad, Ren. Malaking usapin 'yan pagdating kay Loren dahil nag-iisa ka niyang anak. Hindi naman siguro siya tututol sa inyo ni Rhea. Ang tututulan niya ay kung sakaling ipilit mong magpakasal kayo agad ng anak ko. You have to understand na ang pagpapakasal ay hindi basta-basta lalo na't laganap ang broken marriage ngayon."

Kumunot ang noo ko sa ideyang 'yon. Hindi ako sumasang-ayon sa annulment at divorce. May family has a strict tradition when it comes to marriage. Kahit ang mga tito at tita kong nasa ibang bansa ay pinipilit na maging matatag ang pamilyang binuo nila. Walang broken family sa linya naming mga Delgado and my father would surely castigate me if I break the rule.

"Bakit kailangang mo magmadali? Hindi naman mawawala sa tabi mo ang anak ko." Natatawang sambit ni Tito.

I really hope so. Pinag-iisipan ko kung susundin ko ba ang gusto ni Dad na kumuha ako ng BSBA, Engineering course o Law kaysa sa gusto kong course. Wala pa talaga akong desisyon. Gusto ko sanang magtake ng Education para hands-on kong mahawakan ang AAA in the future. Dad is planning to build new schools. Gusto ko ang ideyang 'yon pero ang sabi niya masmagandang pagtuunan ng pansin ang firm niya o kaya naman ay ang mga bagong business namin. Matatag naman raw ang AAA at ang mga bibilhin niyang school for charity purposes.

We didn't built our own business. Binibili namin ang papaluging kompanya at bubuhayin para itaas ulit ang kalidad. Though, AAA wasn't on verge of bankruptcy when we got it. Binenta iyon ni Tito Arthur sa amin bago sila mag-migrate sa Korea.

My Dad is a corporate lawyer. Pinagkakatiwalaan ng malalaking businessman sa bansa. Ang main client niya ay ang mga de Vera. He's also one of the board members of De Vera Industries. Ang Equité Law Firm ang nag-iisang business na pinuhunan ni Dad. Hindi pa kasama ang share niya sa infrastructural company ng sa Spain na pinamahalaan ng mga Tito ko.

The pressure was there but Dad makes sure that I wouldn't be bothered by it. Pinalaki niya akong may disposisyon kahit sandamakmak ang responsibilidad ang nakalagay sa balikat niya at hindi lingid sa kaalaman kong ipapasa niya 'yon sa akin pagdating ng panahon. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit lumaki akong competitive sa lahat ng bagay. Hindi siya mahipit sa akin sa ngayon. I know he wants me to enjoy my youth dahil alam niyang pagdating ko sa tamang edad, malaki ang magbabago sa takbo ng buhay ko. Hindi niya pinagkait sa akin na maranasan ang malayang pamumuhay.

It's a shame for me to say that I'm not in the line of business. Dad wants me to train, hands-on. Nitong nakaraang buwan lang ay pumunta ako ng Spain para paluguran siya. Hindi ko lang tahasang masabi sa kanya na hindi gano'n kataas ang pangarap ko para sa sarili ko. I want to please him. Oh, I know I can but I also want a simple life.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Biglang sumulpot si Rhea sa tabi namin ni Tito Robi. Napatikhim si Tito. Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niya. Sinundan 'yon ng tingin ng Papa niya.

"Tapos ka na makipag-usap sa organizer, anak?"

Tumango si Rhea at tumingin sa akin. "Ano 'yon? Parang ang seryoso niyo kanina?"

Nginitian ko siya. Niyaya ko na lang siyang kumain para mawala sa isip niya kung ano ang pinag-uusapan namin ni Tito pero hindi niya ako tinantanan.

"Ren, ano 'yon?"

"Wala, beh."

Pinalo niya ang braso ko. "Ano nga 'yon?"

"Wala. Tinanong lang ako ni Tito kung may napili na tayong university."

Gusto ko i-open up ang topic na 'yon dahil baka ma-pressure din siya. Hindi ko alam kung nasa isip niya na rin 'yon. Siguro, wala pa. Naiintindihan ko naman. Ang gusto ko lang manatili siya sa tabi ko. Kasal na lang ang mahihiling ko sa aming dalawa. Napangisi na lang ako nang may pilyong ideya na pumasok sa isipan ko. Really, Lawren? Don't you want to have children?

Hampas ni Rhea ang nagpagising sa akin. Napangiwi ako dahil masakit 'yon pero hindi ko mapigilang matawa nang makita ang inis niyang mukha.

"Bakit ka ngumingisi?"

"Masama na ba ngumisi, beh?"

"May tinatago ka sa akin! Kayo ni Papa."

"Wala nga." Niyakap ko siya at akmang hahalikan sa pisngi nang lamukusin niya ang mukha ko.

"Mahiya ka nga!"

Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at nginisihan siya ulit. "Bakit?"

"Nagpapatay-malisyang manyak ka na naman." Umingos siya. "Maraming bisita ngayon. Nandito pa si Papa. Ang imoral mo talagang kumag ka."

"Ikaw kaya patay malisya sa atin kasi alam kong gusto mo din. Ayaw mo lang aminin."

Napanganga siya kasabay ng pagpula ng kanyang mukha. Natawa ako nang malakas at pinaghahampas niya ako. Hinuli ko ang mga kamay niya pagtapos ay niyakap siya.

"Ren!"

May mga oras talagang parang ayoko humiwalay sa kanya. Nung nasa Spain ako, walang oras na hindi ako mapapaisip sa kung anong ginagawa niya. Hindi madaling mag-adjust. Hindi ko sinabi sa kahit kanino na nahirapan ako, even to my Dad.

I must admit that the training was hard. Late akong dumating ro'n. Halos nasa kalagitnaan na ang mga pinsan ko at magsisimula palang ako. Nangapa ako sa gagawin lalo na't walang exemption sa mga late na dumating.

"Hindi ka ba nagsisisi na hindi mo tinapos ang training?" Tanong sa akin ni Shai na ipinagkibit balikat ko na lang.

"Ayos lang naman kina Tito San."

"Nagtataka nga ako na hindi ka nila pinaghigpitan. What about Tito Loren? Anong reaksyon niya?"

"Ayos lang din."

It's a lie. I know it's not okay. I notice his disappointment when I told him na uuwi ako ng Pilipinas at pinayagan na ako nila Tito San. Ang family business sa Spain ay legacy ng mga nagdaang henerasyon ng mga Delgado. Dad failed to serve the company when he chose to be a lawyer. Nang magpakasal sila ni Mommy, maspinili nilang dito sa Pilipinas manirahan. Ako ang gusto niyang bumawi sa pagkukulang niya which I also failed. Guilt wasn't taken off me. Babawi na lang ako sa ibang paraan.

"You're still young, Ren, but I believe in you. Pinalaki kitang maayos at umaasa akong kaya mo panindigan lahat ng magiging desisyon mo." Isang beses niya lang sinabi sa akin 'to pero nakatatak 'yon sa isip ko.

Gabi nang debut ni Rhea nang kausapin niya ako bago kami pumunta sa bahay ng mga Marval.

"May nasabi sa akin ang Tito Robi mo." Napatuwid ako ng tayo at tinitigan si Daddy. Tumikhim siya. "You didn't consult me about it."

"I was about to ask you, Dad. Humahanap lang ako ng tyempo."

"So, you want to marry, Rhea? This early?"

"Hindi naman agad, Dad. I want to work. Gusto ko i-manage ang AAA habang nag-aaral ako. . .and I can help sa ibang business natin. I can do that. Para na rin makapag-ipon. I have savings. Not that big but-" Nagkibit balikat ako. "At least, meron na."

Lingid sa kaalaman ng lahat maliban kay Dad at ng admin, I've been working since I was thirteen. Mula sa pagiging assistant ng officers ng ABD hanggang sa maging prefect nung third year. Nang lumipat ako sa RD last year, nag-lie low ako dahil natuon ang pansin ko kay Rhea. Dad didn't pay my tuition when I was on my first year in high school. Nagtutor ako ng lower levels at sumali sa iba't-ibang sport competitions. I render my skills in exchange of scholarship and additional allowance which I considered as my wage. It boosts my self-esteem and self-trust because I know my capabilities.

Ang akala ng lahat libre ang pag-aaral ko dahil anak ako ng may-ari. Top secret. Gladly, Dad is considerate to give me fair bonus. Iyon na rin ang dahilan kung ba't hindi siya naghigpit sa akin.

"You talk like a fine man now, son." Ngumiti si Dad. "Wala naman akong masasabi sa relasyon niyo ni Rhea pero hindi ko pa ata kayang pakawalan ka. Robi would weep for sure considering na wala pang balak mag-asawa ang tatlo niyang anak na lalaki at nag-iisang anak na babae si Rhea."

I could hear the 'but.' Kahit hindi pa niya sinasabi ay alam ko na. Ngumiti na lang ako at tumango.

"I understand."

"And you're my only son." Dagdag niya. Napatitig ulit ako sa kanya. May lungkot sa mga mata. "Robi has three boys and Rhea. Ikaw lang ang akin."

"I know, Dad. You don't have to explain further. Hindi ko naman ipipilit. I won't marry without your blessing."

"Isa lang naman ang hihilingin ko. Just finish your studies and you're free to do whatever you want to do." Kumunot ang noo niya. "Speaking of studying, nakapagdesisyon ka na ba kung ano ang course na kukunin mo?"

"I'll think about it, Dad, but I want you to know that Law is out of my list. Your job is dangerous." I grin sheepishly. Natawa si Dad at tinapik ang balikat ko.

"That's just fine. It's your choice anyway, but I advice you to choose wisely."

The entrance exam was easy. Ilang linggo lang at nakuha na namin ang result. Qualified akong kumuha ng kahit ano sa course na in-offer ng university. Pakiramdam ko ay masnahirapan ako sa pagpili ng course.

Umuwi ang panganay na Kuya ni Rhea galing New York. Rhea got overly excited and anxious at the same time. I got excited, too.

"Tumawag na si Kuya Rex. Diretso na raw tayong airport." Sabi ko.

"Okay." Sagot niya sabay ayos sa kanyang buhok. "Ayos lang ba itsura ko? Hindi sobrang haggard?"

"Maganda ka pa rin naman." Nakangisi kong sagot. Sinimangutan niya ako.

Nakarating kami ng airport at si Kuya Rex lang ang nadatnan namin do'n.

"Nasa'n na si Kuya Roy?"

"On the way."

"Nakalapag na eroplano ni Kuya Ryan?"

"Kinukuha na lang ang mga bagahe nila."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rhea. Naramdaman kong napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nginitian ko siya para mawala ang kaba niya.

"He'll be delighted." Bulong ko.

"You think so?" Kinakabahan niyang tanong. Hindi pa rin talaga siya gano'n ka-confident sa sarili niya.

"Yes. Eighty percent sure."

"Eighty percent lang?"

"Yung twenty percent sa shock dahil paniguradong magugulat 'yon. He'll get the biggest surprise  of his lifd from his dear little sister. Baka ma-stroke pa 'yon."

Natawa siya sinabi ko. "Baliw."

Maya-maya pa ay dumating si Kuya Roy at may kasamang babae. I don't know the girl but Rhea got excited when she saw her. Napanguso na lang ako habang tinitignan sila.

"Welcome home, Kuya!" May sumigaw no'n na tingin ko ay si Kuya Rex. Naagaw no'n ang atensyon naming lahat. Nang makalapit siya sa akin ay nakilala niya agad ako,

"Hey, buddy!" Inipit ni Kuya Ryan ang leeg ko gamit ang kanyang braso. Natawa ako. "Long time no see!"

We're close. Sa lahat ng kapatid ni Rhea ay si Kuya Ryan ang hindi mahirap kausapin. Isa pa, we shared one agenda before for his sister. Mas lalo akong napangisi. Ang taong nagpasimuno ng ten steps.

Nagkaro'n kami ng pagkakataong makapag-usap nang masinsinan ni Kuya Ryan.

"I want to thank you. You didn't give up." Bulong ni Kuya Ryan habang pinapanuod namin si Rhea at Kuya Rex na kinukuhanan ng litrato ni Roy. "Sobrang laki ng pinagbago niya. Muntik ko na talaga siyang hindi makilala kanina. Hindi na ako magtatanong kung pa'no mo nagawang baguhin siya."

I want to correct him. Yes, ang plano ay baguhin siya pero minahal ko si Rhea sa iba't-ibang paraan na kaya ko. Sa bawat pagbabagong nangyayari sa kanya, mas lalo lang akong nahuhulog. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon.

Siguro dahil nakatatak sa isip ko na kahit ilang beses siyang magbago, gaano man kaliit at kalaki ang pagbabago niya, siya pa rin si Rhea Louisse Marval. Siya pa rin yung babaeng gusto kong maging Delgado. What would I care about the changes?

Pero hindi ko siya pinwersa magbago. Kung ano ang nakikita nilang improvement sa girlfriend ko, 'yon ay dahil natututo siya Sa una, oo, marahil ay napilit ko nga siya. Hindi niya kasi alam kung ano ang totoong pakay ko. Ang gusto ko lang ay mahulog siya dahil natakot akong may mauna sa akin. Muntik na ngang maagaw kung hindi ako umaksyon kaagad. Aminado rin ako sa sarili kong kabagalan.

"Nalaman ko kay Papa na gusto mo raw pakasalan ang kapatid ko." Natatawa niyang sabi. Natawa na lang din ako. Ginulo niya ang buhok ko. "Huwag muna. Bata pa kayo. Kahit man lang magtapos kayo ng kolehiyo bago 'yan. There's no need to rush. My sister deserves to have the best wedding."

"I know. You don't have to tell me. I'll give it to her."

Natawa ulit si Kuya Ryan. "Should I give you credits for your guts?"

"Just give me your blessing once we get married."

"Ren! Kuya!" Tawag ni Rhea sa amin. Niyaya kaming makisali sa picture taking.

Lumipas ang mga araw at puro bonding ang nangyari. Sinamantala na namin ang nalalabing araw ng summer vacation dahil malapit na ang pasukan. Isang araw bago ang enrollment tinawagan ako ni Rhea. She has to say something. Kinutuban ako na tila hindi maganda 'yon. Bago pa ako makapunta sa kanila ay inunahan na niya ako.

"Inalok ako nina Kuya na mag-aral sa ibang bansa."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Ayaw mo?"

"Mahihirapan lang ako mag-adjust do'n saka ayoko na ng LDR. Nung nasa Spain ka pa, parang mababaliw na ko tapos mauulit pa? Hindi ako makakapag-aral ng mabuti pag gano'n."

Yumakap ako sa kanya. "Ayoko rin." Binawi ko sa pekeng pagtawa ang kabang naramdaman ko. "Ang selfish ko naman ata kung ipagkakait ko 'yon sayo. Kung talagang ikabubuti mo, why not? But I won't lie to you, ayoko rin ng LDR."

"Alam ko naman 'yon pero pinayagan na nila ako mag-enroll kaya wala na tayong problema."

"Good."

Hindi ko kayang sabihin ang pagtutol ko pero hindi ko rin kayang sang-ayunan kaya nanahimik ako,

Kinabukasan ay nilaan namin sa pag-e-enroll. Medyo late kami kaya wala ng slot ang ibang course. Nag-alangan ako mag-BSBA kaya nauwi ako sa Education. Major in Mathematics ang una kong nakita kaya 'yon ang pinili ko.

Unang araw ng pasukan at inabot kami ng malas sa daan. Tumirik ang sasakyan ko kaya napilitan kami magtrain.

Nang makasakay kami ay inantok ako. Siksikan ang mga tao sa train at parang walang silbi ang aircon. Naramdaman ko ang pagdampi ng panyo ni Rhea sa noo ko. Napangiti ako sa ginawa niya at nagising ang diwa ko.

"'Yan. Sa susunod ulit, ah? Huwag i-check ang sasakyan para tumirik ulit."

Natawa ako. Nilagay ko ang braso ko sa likod niya. "Sorry." Tumingin ako sa paligid. "Another first time with you, huh?"

Ngumiti siya pabalik. Ilang sandali kaming nasa gano'ng ayos nang tawagin niya ulit ako.

"Ren."

"Hmm?"

Nginuso niya ang isang babaeng katulad niya ng uniform pero nakapalda. Napataas ang kilay ko nang makita ang mga nakangising lalaki sa gilid at likod nito. Napatingin ako sa girlfriend kong tumalim na ang mata habang nakatingin din sa mga lalaki. Napabuntong hininga ako at tumayo.

"Miss." Tawag ko ro'n sa babae at tinuro ang bakanteng espasyo sa tabi ni Rhea.

Humawak ako sa rills at sinandal ang aking noo sa likod ng kamay ko pagtapos ay pumikit. Inaantok talaga ako. Humawak sa kamay ko si Rhea at hinigpitan ko ang paghawak ro'n.

Pagdating namin sa university ay nagsasalita na ang president ng council.

"College na talaga." Sambit ko.

"Feel mo na?" Tanong ko sa kanya ng nakangiti. Inakbayan ko siya.

"Let's dream together, okay? Magtatapos tayo ng sabay."

"Weh? Paano mangyayari 'yon? Five years ako tapos four lang yung iyo?"

"Problema ba 'yon? Eh di hihintayin kita." Ngumisi ako.

Tinapos namin ang opening ceremony at hinatid ko si Rhea sa building niya. Malayo ang kanila sa building ng Educ.

"Text me pag tapos na, okay?"

Tumango siya. Hinalikan ko ang kanyang noo bago magpaalam. "I'll go now. I love you, beh."

"I love you."

Pagkarating ko sa room ko ay konti palang ang estudyante. Unti-unti akong ginugupo ng antok. Nang may tumabi sa akin ay napatingin ako sa gilid ko. Napataas ang kilay ko nang bahagyang mamukhaan ang babae. The girl in the train.

"Classmate pala kita." Napahinto siya saka lumingon sa akin. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Napataas naman ang kilay ko. Hindi ko alam kung nagulat ko ba siya o narecognize niya rin ako. Ngumiti na lang ako.

"Ahh."

Napatingin ako sa phone ko. Napangiti akong lalo nang makitang may text do'n si Rhea.

Rhea : Kinakabahan ako. Wala akong kilala. :(

Nagreply agad ako.

Ako : Diyan na lang ako. Pwede maki-sit in?

Rhea : May klase ka rin, di ba?

Ako : Ang boring dito, beh.

Rhea : Tumigil ka nga. Makinig ka sa prof mo.

Bagsak ako sa first subject. Tinulugan ko lang 'yon dahil wala namang prof. Nagising ako nang maramdamang may dumudutdot sa braso ko. Dumilat ako at tinignan kung sino 'yon. Nanlaki ang mata nang babae.

"Ah. . .ehh, ano. G-ginigising lang ki. . .kita kasi ano. . .uhm." Ba't siya nauutal? Hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya.

Umayos ako ng upo at kinusot ang aking mata. Lumingon ako sa paligid. "Wala na sila?"

"N-nauna na lumabas."

Napahilamos ko ng mukha. Nagmadali namang tumayo ang babae. Nag-inat ako sabay tingin sa phone ko. Binuksan ko ang mga text ni Rhea na hindi ko nareplyan.

Rhea : Tapos na first subject ko. Maaga kaming dinismiss. Kayo?

Rhea : Ren?

Nagreply agad ako.

Ren : Sorry, beh. Nakatulog lang ako. Walang prof. Nasa'n ka? May klase ka na ulit?

Paalis na rin sana ako sa room nang makitang nagmamadali yung babae. She's weird. Mukha bang nanakawan ko siya?

"Hey."

Humarap siyang parang sundalo. Muntik na akong matawa. "B-bakit?"

"Salamat. Ano ngang pangalan mo?"

"G-George."

Tumaas ang kilay ko. Naintriga sa pangalan niya. "You have a boy's name?"

"No. It's Georgia. Mas prefer ko lang ang George." Umatras siya at nag-iwas ng tingin. "Ano, una na ako. Bye."

"Wait." Pigil ko sa kanya. "Huwag mo akong tawaging 'ano.' May pangalan ako." Sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat. "Nice to meet you, Geor. . .gia."

Umawang ang bibig niya. What's surprising about that?

"I'm Ren." Nag-bow ako ng konti at naunang lumabas ng room. I have to find Rhea.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 66 22
"Taste the sweet blends of coffee, sweet thoughts with pastries, and bottomless true love and genuine happiness." Ano nga ba ang mai-offer sa'yo ng...
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
5.1M 145K 49
Nathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015
2.8M 75.1K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...