The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

Chapter 3: Detention

4.9M 87.8K 27K
By blue_maiden


"Hoy, Stacey! Bitawan mo nga siya!"

Si Marky? Nananaginip ba ako?

"Huwag kang makialam dito, Marky!"

"Gusto mo bang magalit sa 'yo si Charles?"

Pinagtatanggol niya ba talaga ako?

"Damn you!" Binitawan ako ni Stacey. "Pasalamat ka, kapatid ka ni Charles!"

Umalis na siya kasama 'yong mga alipores niya. Pati rin 'yong mga tao sa paligid namin, nagsialisan na. Wala nang tao, ako na lang at si Marky! Bumilis yata ang tibok ng puso ko, napalunok na lang ako.

"Ah... s-salamat, M-Marky."

Nakakahiya namang uutal-utal pa ako. Hello? First time ko kaya siyang kinausap. Sobrang nakakahiya 'yon pero hindi niya naman ako pinansin, e.

Naglagay lang siya ng earphones sa tenga niya. Isnabero talaga ng gwapong nilalang na 'yon.

Masaya pa rin ako. Totoo mang tinulungan niya ako o hindi, masaya pa rin ako. Kahit papaano pala, hindi ako gano'n kamalas.

Pumunta na ako sa likod ng building namin, walang tao roon. Mas mabuti nang doon kesa sa canteen. Ang daming tao roon, pagti-trip-an lang nila ako. Naalala ko na naman 'yong video na 'yon. Kung sino mang nagpakalat no'n, wala siyang kasingsama. Ang sama-sama niya para ipagkalat pa 'yon.

Sumandal ako sa may puno, ang tahimik doon.

"Aha!"

"Ay, palaka ka!" Napatalon ako sa gulat.

"Ako, mukhang palaka? Sa gwapo kong 'to?"

Aba, ang yabang! Tiningnan ko kung sino 'yon at hindi na ako nagtaka. Wala talagang kasingyabang si Jeydon.

"Haha! Ikaw, gwapo? Ipagkalat mo!" Nakakainit siya ng ulo.

"Ipagkakalat ko pa ba? E, alam na naman ng lahat na napakagwapo ko."

"Ah, gano'n? Sorry, hindi ko alam, e." Tinarayan ko siya.

"Bakit ba ang hilig mong mag-deny? Halata namang may gusto ka sa 'kin." Saang lupalop naman niya nakuha 'yong idea na 'yon?

"Excuse me?" Wala na akong pakialam kung isa siya sa Apat, kaming dalawa lang naman ang nandoon, e. At isa pa, sinimulan na naman niyang i-bully ako pero hindi na ako magpapatalo. "Wala akong gusto sa 'yo."

"Patay-malisya ka pang pangit na nerd ka. Kaya nga nandito ka sa tambayan ko, 'di ba?" Ngumisi siya sa 'kin. "Stalker kita, 'no?"

"Joke ba 'yan? Sana 'yang mukha mo na lang 'yong ginawa mong joke, baka natawa pa ako." Tinarayan ko ulit siya.

Lumapit siya sa 'kin, malapit na malapit. 'Yong mukha pa niya, nasa tapat na nang mukha ko. Anong balak niyang gawin sa 'kin?

"Alam mo, kung gusto mo ako, sabihin mo lang. Hindi 'yong gumagawa ka pa ng kung anu-anong kwento, tapos susundan mo pa ako rito. Kung gusto mong halikan kita..."

Lumapit na naman siya sa mukha ko, tinulak ko siya papalayo. Kahit na ang laki-laki niyang tao, pinilit ko siyang ilayo sa 'kin. Tumayo ako.

"Bastos!"

"Ako, bastos? Haha! If I know, baka gusto mo pang may mangyari sa 'tin."

Sinampal ko siya. Jerk! Anong tingin niya sa 'kin? Huwag niya akong ihahanay sa mga babaeng naka-one-night stand niya. May mangyayayari sa 'min? Eww, yuck! Ano ba kasing pag-iisip meron siya?

"Ang kapal naman ng mukha mo para sampalin 'yong napakaganda kong mukha!"

Bagay lang sa 'yo 'yan! "Hindi lahat ng babae, makukuha mo, Jeydon Lopez!"

Natigilan siya sa sinabi ko. Bago pa siya makapag-react, umalis na ako.

Para akong sinasapian kapag kaharap ko 'yong Jeydon na 'yon. Nagiging maldita at war freak ako. Sino ba naman kasing hindi maaasar sa kayabangan niya? Akala niya, lahat ng tao, makukuha niya. Well, sad to say, hindi ako 'yon. Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yon!

Pabalik na ko ng room. Classmate ko nga pala 'yong Jeydon na 'yon. Naiisip ko pa lang siya, naba-bad trip na ako. Ako, may gusto sa kanya? At stalker niya? Hiyang-hiya naman 'yong dictionary sa kapal ng mukha niya.

Kahit naman ganito ang hitsura ko, may karapatan pa rin akong pumili ng gugustuhin ko. E, sa ayaw ko talaga sa kanya kahit na gwapo siya. Gwapo nga, masama naman ang ugali, wala rin.
Nasa hallway na ako papunta sa room kaso nadaanan ko 'yong Music Hall. Sino kaya 'yong tao ro'n? Tingin ko, maaga pa naman para sa next subject ko, kaya naisip kong manood muna kung sino 'yong nasa loob.

Si Marky 'yon, ah?

Walang tao maliban sa kanya, 'yong tanging ilaw na meron sa hall ay nakatutok lang sa stage. Buti na lang, pagpasok ko ay hindi niya ako napansin. Nagtago ako ro'n sa gilid, 'yong hindi niya ako makikita. Palaka! Ang gwapo niyang nilalang! Tapos ang galing niya pang mag-piano. Noong nagpasabog ba ng kagwapuhan at talent si Lord, gising na gising siya? Ako kasi, tulog, e.

Huminto siya.

Hala, baka nakita niya ako.

Nakahinga naman ako nang maluwag noong tumugtog ulit siya ng "All My Life" ni Jojo.

Deads na talaga ang puso ko! Tulo-laway pa sa ganda ng boses niya. Para siyang anghel na nahulog mula sa langit. Thank you po, Lord, kasi nilaglag n'yo rito sa Earth itong anghel na 'to. Lalo akong nagkagusto sa kanya. Wala na sa 'kin kung isa siya sa Apat. Para sa 'kin naman, hindi siya bad boy.

"I said you're all that I'm thinking of... baby." Woo, sarap kumanta. Oh, no! Napalakas ang pagkanta ko.

I'm so dead, double dead.

"Sino 'yan?"

"Meow... meow." 'Yon na ang pinaka-stupid na palusot na naisip ko. Ewan ko sa 'yo, Candice, ang tanga mo!

"Pusa lang pala, akala ko kung ano na." Napakamot na lang siya ng ulo niya. Akalain mo, lumusot pa sa kanya 'yon?

Tahimik akong lumabas ng Music Hall. Buti na lang, hindi niya ako nakita kung hindi, lagot na ako. Mas matatawag ko pang stalker 'yong sarili ko pagdating kay Marky pero hinding-hindi ro'n sa Jeydon Lopez na 'yon.

"Hoy!"

"Ay, palaka!" Ano ba 'yan? Lagi na lang may nanggugulat sa 'kin.

"Anong ginagawa mo rito? 'Di ba, may class na tayo sa math?" Kung mamalasin talaga, si Jeydon na naman.

Tiningnan ko 'yong relo ko, late na ako ng thirty minutes sa class. Lagot ako, mapupunta ako ng detention kung nagkataon.

"Ha? Wala, nag-CR lang." Tumakbo ako papalayo kaso narinig ko siyang nagsalita.

"Ano bang meron dito sa Music Hall?"

Bumalik agad ako, pinigilan ko siya. "Wala! Huwag mong buksan, may teacher diyan!"

Hindi niya pwedeng makita si Marky sa loob, malalaman niyang si Marky 'yong pinuntahan ko ro'n at ang mas malala, baka sabihin pa ng Jeydon na 'yon na galing ako sa loob tapos malalaman ni Marky. Iisipin nilang creepy stalker talaga ako ni Marky tapos iiwasan na niya ako. Hindi pwede! Hindi pa nga niya ako nakikilala tapos lalayuan na niya ako? Wala na! At kumbaga sa baboy, double dead.

"Bakit parang pinagpapawisan ka?"

"Ha? E, mainit kasi! Halika na nga! Pasok na tayo!"

Hinila ko siya papalayo sa Music Hall kahit labag sa loob ko. Eww! Mamaya isipin na naman niyang may gusto ako sa kanya sa ginawa kong 'yon. Ayoko lang namang malaman nilang crush ko si Marky kasi for sure, aasarin nila ako, lalo na ni Kuya.

"Hoy, pangit na nerd! Bitawan mo nga ako! Sinong nagbigay sa 'yo ng karapatang hawakan ako?"

Psh! Akala mo gusto ko 'to? Diring-diri na nga ako, e.

"Umamin ka na kasing gusto mo ako!"

No, thanks. Buti kung ikaw si Marky. Binitawan ko siya, saktong nasa room na kami.

"Jeydon! Candice! You're 35 minutes late!" Galit na galit si Sir sa 'min. Kinabahan ako, noon pa lang ako na-late sa klase buong buhay ko.

"Sir, sorry po. Kasi po—" Pinutol ni Jeydon 'yong pagsasalita ko.

"Sir, sorry po na-late ako. Nahuli ko pa kasi 'tong si Candice na magdi-ditch ng class kaya hinabol ko tapos hinila ko papunta rito."

Ano? "Hindi 'yan totoo! Nagsisinungaling siya!"

"I'm disappointed in you, Candice. Thank you, Jeydon, for telling me what happened."

Weh? Naniwala siya kay Jeydon imbes na sa 'kin? Hindi nga?

"Here's your detention slip. Ako na ang magsasabi sa parents mo about this. Now go, Candice."

"Sir! Paano si Jeydon? Late din siya! Tsaka hindi—"

"Candice! Maling idamay mo pa si Jeydon dito. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalamang magcu-cut ka ng class. Ngayon, pupunta ka na, o isa pang detention slip?"

"Behlat!" sabi ni Jeydon tapos kumindat siya.
Bad trip talaga! Tiningnan ko lang siya nang masama pero tawa lang siya nang tawa.

Padabog akong pumunta sa detention room. Bwiset 'yong Jeydon na 'yon! Napaka-bad boy talaga! Ang sama ng ugali. Ang galing niyang gumawa ng kwento, ha? Dapat magpadala siya ng sulat kay Ate Charo, e.

Pagpasok ko roon, usual roster ng students: isang natutulog sa class, isang nag-ditch, at isang nanuntok ng another student. Never in my dreams na nakita ko ang sarili ko roon, napakabait ko kaya. Gumulo lang ang buhay ko dahil sa Apat na 'yon, e. Lalo na ro'n sa Jeydon na 'yon! Hari talaga ng mga bad boy 'yon.

After ng detention ko, umuwi na ako. Naglakad na lang ako kasi wala rin naman si Kuya.

"Nerd na pangit!"

Kilala ko na kung sino 'yon. Hanggang uwian ba naman, iinisin niya ako? Pambihira talaga!

"Hi, Candice! Need a ride home?"

Napalingon ako kasi hindi na si Jeydon 'yong nagsalita, nakita ko si Troy. Teka, pati si Marky nasa likod ng kotse ng nilalang na 'yon.

"Sabay ka na sa 'min, pupunta rin kami sa inyo, e."
Sasakay ba ako? Sabagay, makakatabi ko si Marky sa likod! Sige na nga. Choosy pa ba ako?

"Dito ka na sa harap," sabi ni Troy.

Makakatabi ko si Jeydon? No way. "Ayoko ngang makatabi si Jeydon! Maglalakad na lang ako!"

Lahat sila, nanlaki 'yong mga mata sa sinabi ko.

"Whoa!" gulat na sabi ni Troy.

"Ang arte! Troy, pumasok ka na nga!"

Pumasok naman si Troy. "Huwag kang nagmamaganda, ha?"

Magsasalita pa lang ako pero pinaandar na nang mabilis ni Jeydon 'yong kotse at sa bilis no'n, natalsikan ng tubig 'yong damit ko pati mukha ko!
Kainis! Sinadya niya talagang gawin 'yon! Kainis talaga! At ako, nagmamaganda? E, sa ayokong tumabi sa kanya, e.

I hate you so much, Jeydon Lopez!

➖➖➖

Continue Reading

You'll Also Like

26K 474 2
(ON HOLD) Rui Leviciano has a high IQ of 150, a remarkable feat that has been observed ever since he was a child. But his depression caused him to sk...
26.9K 1.3K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
88.2M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...
28.3K 956 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...