Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 61 : REN

30.3K 996 453
By Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : KRISTINE JOY TAGOC

CHAPTER 61 : REN

May mga pangyayari sa buhay ko na gusto kong baguhin. Gusto ko baguhin sa kadahilanang marami akong nasaktan. Ngunit naisip kong hindi dapat talikuran ang desisyon lalo na't walang nag-udyok sa akin na gawin 'yon. Kung pwede ko lang kunin ang sakit na naibigay ko sa iba, ginawa ko na. Naiintindihan ko kung bakit wala akong kakampi. Naiintindihan ko kung bakit mag-isa ako sa madilim na silid na 'to. Naiintindihan ko kung bakit wala silang tiwala. Nasaktan ko sila. Hindi ko sinasadya pero huli  na para humingi ng tawad.

May mga pangyayaring gusto ko kalimutan pero kahit nakapikit na ako, naalala ko pa rin. Kahit sa pagtulog, dala-dala ko pa rin. Kasama pati sa panaginip. Para akong binabangungot. Kaya imbis na kalimutan ay araw-araw kong inaalala. Paulit-ulit ang sakit. Nakakasawa pero sobra kung magpamanhid. Nakakabato ng puso. Nakabobo ng isip. Nakatatak na 'yon sa buong pagkatao ko. Alam kong 'yon ang una nilang maaalala sa tuwing nakikita nila ako.

May mga pangyayaring gusto kong pagsisihan pero hindi ko magawa dahil nakadugtong 'yon sa kung ano ako ngayon at sa kung ano ako sa hinaharap. Wala akong pagpipilian kundi tanggapin lahat ng sisi, lahat ng panghuhusga at lahat ng galit nila dahil aminado akong sa akin 'to nagsimula. I know I deserve to be hated pero hanggang kailan? Kapag nakapagpaliwanag na ako nang maayos? Kapag may resonable akong sagot sa lahat ng tanong nila?

May paliwanag ako pero tinapon ko na lang. Para saan pa? Sinubukan ko namang magsalita at magmakaawa pero walang makinig. Iyon siguro ang kapalit ng sakit na naibigay ko sa iba. Kahit pa gaano kahaba ang paliwanag, hindi maiintindihan hangga't galit sila. Sinubukan ko ring tanggalin ang galit nila pero nagmukha lang akong tanga. Gusto ko ring magalit pero sabi nga, pag may kasalanan, walang karapatang magalit pabalik.

May mga pangyayaring gusto kong balikan. Hindi para baguhin kundi maramdaman ulit ang emosyon na nakaligtaan kong ingatan. Sayang. Sobrang nakakapanghinayang na sa tuwing naalala ko kung ano kami noon, para akong mababaliw sa sakit. Oo, masakit. Nasaktan din ako pero dahil galit sila, hindi nila 'yon alam. O siguro alam nila pero wala silang pakialam. Hiniling ko na sana hindi na kami nagbago. Malayo na kami sa kung sino at ano kami noon at ngayon. Napakalaki ng pababago nang lumipas ang panahon.

Gusto ko sana yung tulad ng dati. Simple lang. Walang masyadong problema. Walang bigat sa pakiramdam. Madalas na masaya. Walang araw na hindi kami tumatawa. Totoo pala na ang sobrang saya ay may kapalit. Sa nangyari ngayon, bawing-bawi ang saya at napalitan ng walang kapantay na sakit.

Ang akala ko ay naibigay ko lahat. Maybe, I did. I know I did best. Pero hindi sapat iyon para mapanatiling akin ang iningatan ko nang napakatagal. Saan ba natatantya ang pagpapahalaga? Sa tagal ng panahon o sa sakripisyong naibigay? Kailan ba dapat tumigil? Kapag wala na ang pinahahalagahan o pag ubos na ubos na ang nagpapahalaga?

Nangyari 'yon lahat sa akin pero hindi ko pa rin alam ang sagot. Maybe because I didn't try harder. Napagtanto ko na kahit napagdaanan ng tao ang isang pangyayari, nalilito pa rin ito pagpili ng desisyon.

Napapadaing ako sa bawat pwersang natatanggap ng katawan ko. Sobrang sakit pero pinigilan ko sumigaw. Hindi ako magmamakaawang itigil nila ang ginagawa nila. Kung gusto sila ang tatapos sa akin at mamamatay ako ngayon, masmaganda. Masmaganda. . .

"Kaya mo pa? Gago ka, eh. Tiwalang-tiwala ako sayo."

Malakas na palo ang naramdaman ko sa hita ko. Hindi ko na napigilang sumigaw. Nararamdaman kong malapit na akong panawan ng lakas.

"Rhea. . ." Hindi ko alam kung lumabas ang pangalan niya sa bibig ko. Hindi ako sigurado. Parang ako na lang ang nakakarinig sa sarili ko.

Pumikit ako ng mariin. Sana pagtapos nito hindi na ako magising. Paulit-ulit na bumalik sa isipan ko ang iningatan kong alaala kasama siya. Yung mga pangarap at pangakong malapit na sanang matupad. Lahat iyon nasira kasama ng tiwalang meron siya sa akin.

"Anong Rhea? Wala si Rhea dito! Di ba niloko mo kaya ka hiniwalayan? Alam mo ba kung anong nangyari sa kanya, ha? Muntik na niyang patayin ang sarili niya dahil sa katarantaduhang sinimulan mo!" Dumadagundong ang boses niya sa abandonadong building na 'to.

Madilim ang paligid at wala akong makita pero alam kong duguan ako. Hindi ko na maramdaman ang sarili kong katawan. Namamanhid ako sa loob at labas.

Hindi ko na ininda ang sakit ng katawan ko dahil pakiramdam ko ay pinipi ang laman at loob ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang harapin para siguraduhing totoo ang sinasabi niya sa akin pero hindi ko man lang maigalaw ang mga daliri ko. Ang tanging nagawa ko lang ay huminga.

Nagpakamatay?

Halos hindi tanggapin 'yon ng isip ko. No, she couldn't. She wouldn't do that. Nanlamig ako. Hindi 'yon totoo. She's strong. Hindi niya magagawa 'yon.

"N-no." Ang tanging salitang nasambit ko.

"No?" Naramdaman ko ang pagtapak ng taong 'yon sa likod ko. "Bakit? Hindi ka ba makapaniwala? Anong alam mo? Natural, wala! Wala ka namang balita sa kanya, di ba? Kaya wala kang alam!"

Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling nagsasabi ng totoo ang taong 'to. No, Rhea. Why? Dahil ba sa akin?

Halos isubsob ko ang mukha ko sa semento. Naghahalo na ang dugo at luha ko. Hindi ko kaya. Masmatatanggap ko kung papatayin ako ng taong 'to kesa maging totoo ang sinasabi niya.

But what if it's true? Anong gagawin ko? Damn. Gusto ko siyang puntahan ngayon din. Gusto ko siyang kausapin at humingi ng tawad hanggang sa maupos ako.

Nagawa ko na 'yon noon pero hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit 'yon kung hindi ko pa katapusan ngayon.

"Ano? Kinakain ka na ba ng kansensya mo? Teka, may konsensya ka pa ba? Parang wala ka naman no'n. Matigas ka, di ba? Feeling mo sobrang lakas mo? Mayabang ka naman kahit noon. Nasa'n ang pinagmamalaki mo ngayon?"

Sarkartiko akong napangiti. Hindi ko inakalang gano'n ang tingin niya sa akin. Bakit pa nga ba ako nagtaka? Kailan pa ba nung huli kaming nagkita? Tinapon na siguro niya ang pinagsamahan naming dalawa dahil sa ginawa ko. Hindi ko maipagkakailang may karapatan siyang makialam. Hindi ko naman inakalang malalim ang pinaghuhugutan niya ng galit na pati ako ay nagagalit sa sarili ko kung ba't ganito ang nangyari sa aming lahat.

"Pinagkatiwalaan ka namin. Ang taas ng tingin ko sayong hayop ka. Wala kang narinig na pagtutol sa akin nung naging kayo pero ganito lang pala ang mangyayari? Gustong-gusto na kitang patayin."

"Do it." Mariin kong tugon. If that will satisfy him, I'll give him the privilege to kill me.

"At nagmamatapang ka pa rin!" Dalawang magkasunod na palo ang naramdaman ko at halos pangapusan na ako ng hininga. Unti-unting sumasarado ang talukap ng aking mata. If this is the end, I won't protest. It sucks, yes, but what can I do. Nandito na ako.

Isa pang palo ang naramdaman ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Gising ang diwa ko pero hindi ko magawang dumilat. Wala akong maramdaman. Marami akong boses na naririnig.

"I'm a lawyer. I'll handle my son's case." Paos at tila pagod na sagot ni Dad.

My Dad. I failed him. Isa siya sa mga taong nasaktan ko. Napakataas ng expectations niya sa akin pero sinayang ko lang. Masyado akong makasariling anak. Hindi ko inisip na kami na lang ang magkasama, na ako lang ang anak niya. Nakalimutan kong may responsibilidad ako bilang Delgado. Inuna ko yung mga bagay na magpapasaya sa akin kaysa sa mga obligasyong kailangan kong harapin.

Gusto ko ring humingi ng tawad sa kanya. Ilang beses kaming nagkaharap pero hindi ko man lang nasabi sa kanya 'yon. Dala ng pride. Dala ng takot. Dala ng hiya. Lahat 'yon naramdamam ko pero hindi ko pinaalam sa kahit kanino dahil alam kong nasanay siyang malakas ako.

Mataas ang pangarap niya para sa akin. Mag-manage ng business sa Spain at do'n magpatuloy ng pag-aaral. Marami siyang plano para sa akin pero hindi natuloy dahil matigas ang ulo ko. Siguro mababaw ang pangarap ko dahil madali kong nakita kung sa'n ako sasaya.
I didn't have goals for myself alone. I shared it with someone. When I lost her, I also lost those goals along with our dreams.

Naubos rin ako pero syempre, hindi nila 'yon alam. Ang kilala nila ay yung Ren na may maipagmamalaki. Yung may ibubuga, hindi nagpapatalo at tuso. Iyon ang kilala ng lahat. Hindi nila kilala yung Ren na mahina, walang natira sa sarili at tila walang narating.

Nabulag sila ng galit pero masisisi ko pa ba sila? Imbis na lumaban, hinayaan ko na lang. Sawa na akong lumaban nang wala namang patutunguhan. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin pero wala na silang mapapala sa akin. I'm done.

"Ayos na raw siya sabi ng doktor. Concious siya. Nagpapahinga lang. Na-contact niyo na ba si Coach?"

"Papunta na raw."

"Damn, ang lapit ng gagong 'to sa disgrasya."

"Kilala na raw ba kung sino ang suspect?"

"Hindi pa. Pabalik-balik na nga ang mga pulis rito. Hinihintay na magising si Ren."

Those voices were from my teammates. Hangga't maaari ay ayoko silang nandito dahil ilang beses na nila akong nakitang nasa ganitong sitwason. So far, this is the worst pero hindi ko naman sila matataboy. These boys were like siblings that I never had. Yung panahong walang-wala ako, nandyan sila. When I lost my Dad's trust, they serve as my second family.

Somehow, I'm thankful. May klase pa rin ng tao na kahit walang alam ay nagagawang umintindi. Kahit magsabi ng problema ay makakaramdam. Hindi nanghihingi ng paliwanag. Hindi umiimik at nandyan para makinig. May kanya kanya kaming pinagdadaanan pero nature talaga ng lalaki ang manahimik. I'm very thankful to them. Pati kay Coach Dren. They welcomed me in.

"Tingin mo kinalaman dito yung ex niya?"

"Paano mo nasabi 'yan?"

"Come on! Walang kaaway si Ren maliban na lang sa nakakalaban natin sa court. Masyado naman atang matindi yung ginawa sa kanya. Sabi ng mga pulis, baka raw may personal na galit kay Ren yung suspect kung hindi man siya sumali sa frat. The latter is absurd. Lagi naman daw nakakasama nila Kenedic si Ren sa dorm. Isa pa, hindi naman 'yan interesado sa mga gangs at fraternities. Nasabi niya ba 'yan sayo?"

"Don't conclude, Ervis. Hintayin na lang natin siyang magising. Kung meron man akong nasisiguro, Ren don't deserve to be beaten like that."

That's Ervis. He's talking to George. Ervis is out of our team but he became my closest friend. Hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong inalok niya ako ng tulong. Hiya na lang din ang nagpigil sa akin na tanggapin ang mga sumunod pa.

While George, ours is a long story. I don't want to make a shortcut. I can't summarize it. Masyadong mahaba ang paliwanag kung ano kami ngayon at hindi ito ang tamang panahon para isipin ko 'yon,

Nang magmulat ako ng mga mata, mag-isa lang ako sa kwarto. Wala akong maramdaman. Hindi ko maramdaman ang paa at kamay ko. Siguro ay dahil sa gamot. Sa mahabang sandali ay nakatingin lang ako sa kisame, inaalala ang mga nangyari. Nang luminaw ang alaala ko ay nanatili ako sa gano'ng pwesto.

I'm still alive.

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang bumukas ang pinto.

"Ren?"

Gumalaw ang mata ko at tumingin sa direksyon ng pinto. I saw Georgia standing there. Tumawag siya ng nurse. Paglipas lang ng ilang segundo ay nasa harap ko na ang doktor ang mga nurse. Nakita ko rin ang pagpasok ni Dad at Ervis.

Nakita ko ang pag-alo ni Ervis kay George na nakahawak sa kanyang bibig at pinipigilang umiyak. That's contagious. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sarili kong mga mata. I tried to smile.

George. Hindi ko na alam kung paano makakabawi sa kanya. Ilang beses ko na rin siyang nasaktan. God knows how much I want to make it up. Nadadamay siya. Hindi ko alam kung paano ko siya ipagtatanggol.

Nakaramdam ulit ako ng antok. I willingly closed my eyes. Kagagaling ko lang sa tulog pero pinapatulog na naman nila ako. Sana nga ay magtuloy-tuloy na lang.

Fate is really cruel to me. Ilang beses akong humiling pero hindi ako mapagbigyan. Nagigising pa rin ako at paulit-ulit na maaalala ang mga nangyari. Paulit-ulit na mag-iisip tungkol sa nakaraan at anong mangyayari sa akin bukas at sa mga susunod na araw.

Hindi ko kayang kausapin ng matagal si Dad. Ni hindi ko siya matignan sa mata dahil alam kong hirap na hirap siyang makita akong ganito.

"Let's file a case, son."

Pinipilit niya akong magsampa ng kaso pero kinokontra ko siya.

"Huwag na, Dad."

"Or at least tell me who did this to you." Frustrated niyang segunda. "Did you join a-"

"No, Dad. You know I won't do that."

"Then tell me. Huwag mo na ipahula sa akin kung ano ang nangyari at sino ang nambugbog sayo."

Nanatili akong tahimik. Hindi na niya kailangang malaman. May atraso ako. Hindi na kailangang makigulo ng awtoridad sa personal na problema ko. I'll tell Dad. Hindi nga lang ngayon. Kailangan ko munang pahupain ang galit niya dahil kung sasabihin ko ngayon ang totoo, magsasampa at magsasampa siya ng kaso sa ayaw at sa gusto ko.

"Dude, ilang beses mo pa kaming balak pakabahin?" Nakipagfistbump sa akin si Marco. Nginisihan ko na lang siya. Medyo okay na ako. Pang-sampung araw ko na 'to sa ospital at kahit papaano nakakagalaw na ako.

"May sa pusa ka rin, 'no?" Naiiling na sabi ni Lenard. "But you gave us a scare."

"Pangalawa niya na 'to." Sabi naman ni Trav. "Naaksidente na 'yan dati. Car accident tapos ngayon. . ." Napailing ito.

Nginisihan ko silang. "Pa'no ba 'yan? Out of the league na naman ako."

Sabay-sabay silang nagreklamo. Puro mura ang natanggap ko. Marahan akong tumawa pagtapos ay napangiwi.

"Ano bang nangyari? Hindi daw kayo nagsampa ng kaso? Why?"

Bigla silang sumeryoso matapos magtanong ni Kenedic. Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Hindi na kailangan."

Wala silang reaksyon. Napabuntong hininga na lang din. Alam kong hindi sila mamimilit pero nakakaguilty ring hindi magsalita.

"Kung ayaw mo magsampa ng kaso, bawian na lang natin yung nambubugbog sayo. Sama natin si Coach. Ipampalo natin sa kanila yung ring. Tangina. Hindi pwedeng walang bawi-bawi!"

Sumabog ang tawanan sa loob ng silid sa sinabi ni Orly.

"Kay Manager palang taob na yung mga 'yon? Teka? Marami ba sila? Hindi ka naman siguro mabubugbog ng ganyan kung mag-isa lang?"

"Speaking of George, naawa ako ro'n. Hindi ko pa nakitang umiyak 'yon maliban nung nalaman naming tinakbo ka rito."

Napatulala ako sa isang banda habang patuloy sila sa pagsasalata.

"Alalang alala 'yon sayo. Kaming lahat. Apat na araw kang unconscious."

Hindi ako nagpaliwanag ng maayos tungkol sa nangyari. Pinagkasya na lang nila ang sarili nila sa kakarampot na detalyeng binabahagi ko. Si Ervis lang ang nangahas na humihingi ng detalye.

"Ren, ano ba talagang nangyari?" Kunot ang noo niya. "Sinong gumawa no'n sayo?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Hindi mo naman 'yon kilala. May atraso ako."

"I insist. You should file a case. Abogado ang ama mo, di ba? Come on, Ren. Huwag mo ipagkait 'yon sa sarili mo."

"I deserve it."

Napiliwan ako magsabi ng detalye sa kanya. Pinakiusap ko na lang na huwag niya sabihin sa kahit kanino.

Lagpas kalahating buwan akong nanatili sa ospital dahil sa nangyari. May therapy session ako dahil hindi pa rin ako makalakad nang maayos. Sa wakas ay tinantanan na ako ng mga nagtatanong. Pinagpasalamat ko na lang na hindi nakaabot sa media ang nangyari. Ginawan din nina Coach Dren ng paraan para hindi kumalat sa university ang balita.

Sa bahay ako nagpatuloy sa pag-aaral hangga't hindi pa ako nakakapasok. Graduating na ako at ayokong mag-extend pa ng isa pang taon sa kolehiyo. Busy ang team sa pagsisimula ng liga. Quarterfinals palang. Medyo nakapanghihinayang na hindi ko sila matutulungan pero sana makaabot kami sa Finals. Baka maayos na ako no'n. Hopefully, makapag-ambag sa team.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Nilingon ko si Georgia na nakahalukipkip. "Maayos ka na ba?"

"Nakakalakad na kahit papaano."

Napailing siya. "Dati, braso ang nadali sayo. Ngayon naman paa. Ano ang susunod?"

Hindi ako sumagot at ngumisi na lang. Biglang sumeryoso si Georgia.

"Bakit hindi kayo mag-file ng case laban sa mga Marval?"

Kumunot ang noo ko at napatingin ulit kay Georgia. "Paano mo nalaman?"

Napairap siya. "Ervis."

Nagpakawala ako ng naiiritang paghinga. "Sinabihan ko 'yon na huwag ipapasabi sa iba."

"We're closer. Sorry ka na lang." Tinitigan niya ako. "Kung hindi ka magsasampa ng kaso, ano ang balak mo?"

Hindi ko siya sinagot.

"Ano? Hahayaan mo na lang? Parang hindi ata ikaw 'yan. Hindi mo ba ipapaliwanag ang side mo?"

"Para saan pa?" Sumandal ako sa sofa. "Walang makikinig. Isa pa, tapos na 'yon, George."

"Pero imposibleng wala kang plano."

Tama siya. Meron pero hindi ko mapagdesisyunan kung gagawin ko ba 'yon o pananatilihin ko na lang sa utak ko.

"I'm tired." Bulong ko. "Tired of proving myself."

Natahimik siya sa loob ng mahabang sandali bago muling nagsalita. "I guess you're right. You don't have to prove anything."

"We. . .don't have to prove anything." Napatingin siya sa akin pero hindi ako lumingon pabalik. Napatulala ako sa harapan habang binabalik-balikan ang nangyari sa nakaraan.

Continue Reading

You'll Also Like

170K 665 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
2.3M 58.6K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
355K 6.9K 71
Ara Galang, a volleyball star athlete, retired her career on the sports scene due to her injured knee which allowed her to focus on managing their fa...