I'm Living with the Four Jerk...

By Kuroru

1.4M 45.7K 5.6K

Family has always been the top priority for Siree Santos. Sa murang edad ay naghanap agad siya ng trabaho par... More

PAALALA
GRAB A COPY OF MY BOOK!
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Important Announcement
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 2

34.8K 1.3K 304
By Kuroru

Chapter 2: The Comeback

"I'm so sorry but I can't accept it."

Nabigla ako sa naging sagot ni Mr. Richman. Hindi ko alam kung ano ang punto niya pero maraming ideya ang nabuo sa isip ko.

Bakit ayaw niya? May kasalanan ba 'kong nagawa? Dahil ba hindi alam ng apat na alien na aalis na ako? O baka naman wala pang pwedeng ipalit na personal maid sa 'kin?

"Po?" nasabi ko na lamang sa pagkabigla.

"As what I've told you, I have to leave for months and you know that those four can't live on their own. They need you. You're the only person who goes this far, Siree. Alam mo namang wala pang tumatagal na personal maid sa mansyon maliban sa'yo. I can double your wage and you can ask anything you want. Just please, stay for a number of months that I'll be leaving. After that, hindi na kita babawalan sa magiging desisyon mo." pakiusap niya.

Gusto kong tumanggi. Gusto kong magalit. Gusto kong umalis kahit na walang pahintulot galing sa kanya. Eh kasi okay na ang lahat. Umasa na akong papayag siya. Planado ko na ang lahat. Miss na miss ko na kasi talaga ang pamilya ko. Dalawang buwan na rin naman ang itinagal ko sa mansyon. Sapat na naman siguro iyon para pagbigyan niya ako sa hiling ko.

Pero sa kabilang banda, may kung anong awa akong naramdaman. Pareho lang kami ni Mr. Richman na nasasabik na makita ang mga pamilya namin. Ang sama ko namang tao kapag tinanggihan ko ang pabor niya. Pero pano naman ako? Ewan ko. Hindi ako makapagdesisyon sa sarili ko.

Nabigla ako nang tumunog yung phone ko. Kaagad ko namang tiningnan kung sino ang caller at nang mabasa sa screen ay kaagad kong sinagot. Nag excuse muna ako kay Mr. Richman para sagutin ang tawag.

"Ma? O bakit?" pag-aalala kong bungad sa kanila.

Ilang araw na kasing hindi sila tumatawag sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam kong may hindi magandang nangyari.

"Siree, si ...Micko" rinig na rinig ko ang pag crack ng boses ni Mama. Ramdam ko ang kakaibang init na namumuo sa gilid ng magkabilang mata ko. Alam ko kasing may sasabihin siyang hindi magandang balita.

"Ma, bakit? Ano pong nangyari kay Micko?" pinipigilan ko pa rin ang aking sarili na hindi maiyak sa harap ni Mr. Richman.

"Isinugod namin siya sa ospital noong isang araw pa. Hindi sana kami tatawag sayo pero wala na kaming pwedeng mahingan ng tulong. Anak, hindi na raw kaya ng gamot yung kalagayan ng kapatid mo ngayon. Kailangan raw siyang operahan sa loob ng isang linggo. Ayon pa sa doktor, magiging magastos daw ang operasyon."

Tuluyan nang humagulgol sa pag-iyak si Mama. Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Para akong pinutulan ng dila dahil sa hindi ako makapagsalita.

Nakinig na lang ako at naghintay sa mga susunod na sasabihin ni Mama.

"Hindi ko na alam anong gagawin ko. Saan tayo kukuha ng ganun kalaking pera anak? Ayokong mawala ang kapatid mo. Masyado pa siyang bata. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Hindi ko kakayanin pag nawala siya sa 'tin."

Tahimik lang akong umiiyak. Tinakpan ko na rin ang bibig ko upang hindi niya marinig ang paghikbi ko. Ayoko kasing iparamdam na mahina ako. Kailangan kong magpakatatag kahit ngayon lang.

"Wag kang mag-alala, Ma. Ako na ang maghahanap at gagawa ako ng paraan. Pangako 'yan, Ma. Tatawag na lang po ako sa inyo sa susunod." lakas loob kong sabi kay Mama at ibinaling ang tingin kay Mr. Richman.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay binaba na ni Mama ang telepono. Hindi ko na nakayanan pa at tuluyan nang humagulhol sa loob. Wala akong paki sa lahat ng tao sa paligid ko maging kay Mr. Richman. Masyado kasing masakit. Sobrang mabigat sa pakiramdam.

Naaawa ako kay Micko. Bakit ba kasi sa kanya pa napasa ang sakit na iyon? Bakit hindi na lang sa 'kin? Tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Napatigil ako sa paghikbi nang biglang may nagbigay sa 'kin ng panyo. Inangat ko ang ulo ko at nakita kong si Mr. Richman ang nag-abot nito. Kinuha ko naman iyon at agad na pinunas sa aking mukha.

"Maraming salamat po." sabi ko at inangat pa yung panyo na binigay niya.

"Not at all. Pardon me for hearing the entire conversation between you and your Mother" paghingi niya ng paumanhin.

"Mr. Richman, can I ask a favor again?" Napahigpit ang hawak ko sa damit dahil sa hiya. I know it sounds embarrassing but I have no choice. Kakapalan ko na talaga mukha ko.

"Go ahead. Say it." kalmadong sagot niya.

"Binabawi ko na po lahat ng sinabi ko kanina. Mag-aapply po ako ulit bilang personal maid ng apat sa mansyon para lang maipagamot ko ang kapatid ko. Handa po akong magtrabaho ulit kahit ilang taon pa. This time pinapangako ko po na mas pagsisikapan ko pa po ang pagtatrabaho ko sa mansyon."

Bahala na ano mangyari sa 'kin sa mansyon maoperahan lang si Micko. Tatanggapin ko lahat ng pang-aapi nila basta para sa kapatid ko.

Ilang segundo rin ang namagitan bago tumawa si Mr. Richman dahil sa sinabi ko. Hindi iyon mapanuyang tawa kundi totoong ngiti. Matagal-tagal na ring hindi ko narinig ang kakaibang tawa niya.

"There's no need to apply again. Hindi naman kita pinapayagang umalis ng mansyon. Sinabi ko na rin kanina na dodoblehin ko ang sweldo mo kapag nag stay ka sa mansyon. Sa totoo nga niyan, pwede mong makuha agad ang sweldo mo in advance para sa operasyon ng kapatid mo."

I stunned for a moment dahil sa sinabi niya. Thanks God for answering my prayers. Napakabait talaga ni Mr. Richman. Sana buhay pa ang anak niya. Gustong-gusto ko kasi siyang makitang ngumiti ulit.

"Okay, here. Take it."

May inabot siyang papel sa 'kin. Hindi ko mapigilang maluha nang makita ito. Sa sobrang saya ko tumayo pa ako at niyakap siya. Ewan ko ba kung bakit ginawa ko iyon. Siguro dahil sa labis na tuwa kaya ganoon ang naging reaksyon ko. It's just my way to express how grateful I am.

"Maraming salamat po." mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Sana katulad mo rin ang anak ko, masayahin, madaldal at hinding-hindi sumusuko sa anumang problema. Kapag nahanap ko na ang anak ko, ipapakilala kita sa kanya." wika niya habang hinahagod ang likod ko.

Naramdaman ko ang pagkasabik at pag-aalaga ng isang ama habang ginagawa niya iyon. Hindi ko maiwasang higpitan ang pagyakap sa kanya. Kahit sa yakap man lang mapunan ko naman ang kalungkutan sa puso niya.

Ilang minuto rin ang itinagal bago ako tuluyang  kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Muli siyang ngumiti sa ikalawang pagkakataon.

"Sorry po kung nabigla kayo sa pagyakap ko. Na miss ko lang po kasi ang Papa ko."

"No need to apologize. I should be thankful for that sincere hug, you comforted me somehow." nakangiting sabi ni Mr. Richman.

"Before I forgot, I have a present for you"

Mas namilog yung mata ko sa sinabi niya. Seriously? Nagawa niya pang bumili ng regalo sa 'kin. My God Siree! Siya na yata ang pinakamabait na tao sa buong mundo.

"Wag na po, maraming na lang po. Masyado na po akong nakakaabala sa inyo."

"Please take it. I really bought this for you. Hindi magandang tumanggi sa bagay na kusang ibinibigay." sabi niya sabay abot sa 'kin ng isang kahon. I have no choice but to accept his gift.

Ibinaling ko ang atensyon sa kahon na binigay niya. Hindi naman siya kalakihan at hindi rin ganoon kaliit. Sakto lang at magaan lang din siya. Feeling ko any moment from now, maiiyak na naman ako dahil sa tuwa.

"Talagang nag-abala pa po kayo rito. Nakakahiya naman po."

"It's okay Siree. Isipin mo na lang na bonus reward ko sa'yo 'yan. You can open that box as soon as you're in the mansion." bilin niya. Napatango na lamang ako bilang sagot.

Matapos kaming mag-usap ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Si Mr. Richman ay agad na nagtungo sa opisina niya habang ako naman ay naiwan sa labas ng coffee shop.

Nag insist siyang ihatid ako pero tumanggi na ako. Masyado ko na kasi siyang naabala. Sobra sobra na nga yung kabaitang ginagawa niya sa 'kin at hindi ko na masikmura 'yong sarili ko kapag hinatid pa niya ako pabalik sa mansyon.

Nagdesisyon akong maglakad na lamang pauwi. Sobrang saya ko lang talaga ngayong araw na 'to kaya gusto ko munang sulitin 'yong oras at araw. Sana naman pag-uwi ko ng mansyon, hindi nila ako aasarin baka kasi lumabas yung other side ko at kung ano pa magawa ko sa kanila.

Pero syempre biro lang 'yon. Nangako ako kay Mr. Richman na aalagaan ko ang apat na alien sa mansyon. Kaya kahit saktan man nila ako ng paulit-ulit, pinapangako kong ipaglalaban ko ang sarili ko. Alangan naman hayaan ko silang patayin ako diba?

Halos kalahating oras rin ang itinagal bago ako nakarating ng mansyon. Dumaan pa kasi ako sa bangko at nag widthraw noong ibinigay sa kin ni Mr. Richman na tseke tapos agad ko namang ipinadala 'yon kay Mama. Atleast ngayon, alam kong hindi na magtitiis sa sakit ang kapatid ko. He'll recover soon.

"Welcome to hell again, Siree" sabi ko sa sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang malaking pinto.

Bat ang tahimik dito? Nasan sila? Baka umalis na naman sila. Hindi na siguro nila kinaya ang labis na gutom dahil twelve thirty na. Ang tatakaw pa naman nilang tingnan habang kumakain.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at pumasok ng kwarto ko upang ilagay ang binigay na regalo ni Mr. Richman. After that, lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina.

"Ay alien!"

Tangina. Bumungad sa 'kin ang pagmumukha nila na nakabusangot sa mesa. Kung may sakit ako sa puso for sure isinugod na ako ngayon sa ospital.

Nakatitig lang sila sa kin. I mean, ang sasama ng tingin nila. Mukha silang alien na kakain ng tao. Patay. Anong gagawin ko?

Biglang tumayo si Luke at kinalampag pa ang upuan. Hindi pa naman siya siguro galit sa kin di ba? Katapusan ko na yata ngayon.

Napalunok na lang ako nang bigla siyang maglakad. Please, have mercy on me!

"San ka galing?!"

Wow ang friendly naman ng pagkakasabi niya parang gusto ko ng tumakbo. Juicecolored!

"Ah.. ano kasi.. ahmm" pagdadahilan ko. Ewan ko ba pero hindi ako makapagsalita ng maayos pagkaharap ko na sila.

"Ikaw si Sisa, hindi ka si Dora na puro adventure at paggala lamang ang ginagawa. Maging responsableng katulong ka naman!" sarkastikong sabi ni Zeke pero ramdam ko ang bakas ng inis sa tono nito.

"Ilang oras ka naming hinintay. May dala ka bang map treasure kaya antagal mong nakabalik?" isa pa tong si Axel.

"Ginutom mo na naman kami. Alam mo namang hindi dapat kami nalilipasan." nakisawsaw pa si Andrew.

Anong bang nangyayari sa mga 'to? Bat naghintay pa sila sa 'kin ng ganun katagal. May telepono naman sa mansyon kaya pwede silang mag order anytime kung nagugutom sila. Kailangan pa bang ako ang magluto? Halos hindi nga ako makakain ng maayos. Putragis talaga 'tong apat na 'to. Sarap ibalik sa Area 51. Bweshit!

Napaatras na lamang ako bigla nang mapansin kong palapit sila ng palapit sa kinatatayuan ko. Oh god! Spare me. I don't wanna die!

Here they comes. Naku. Yung mga mukha nila mga beastmode talaga. Sige lapit pa kayo at aalis na talaga ako sa bahay na 'to for real!

Tuluyan na akong napasandal sa iskinita dahil sa wala na akong maatrasan. Dahan-dahan namang silang naglakad palapit nang palapit.

Rest in peace , Siree. Waaaaaah!

PLEASE LEAVE A COMMENT!

Continue Reading

You'll Also Like

38.3K 303 52
Running out of good Stories?well,here's a compilation of best wattpad stories that worth it to read. This is a set of Tagalog/Taglish wattpad stories...
6.6K 256 11
[COMPLETED] [UNDER EDITING] Bata palang ay sila na ang magkatuwang hanggang sa makaroon ng sariling trabaho. Ang isa ay nagmamahal samantalang ang is...
2.6M 29.4K 101
Tungsten with the other Corpuz's named after the elements from the Periodic table, takes an unexpected turn when they crossed paths with Aika Tiffany...
12.6K 824 108
COLLECTION OF THOUGHTS Here are the poems and prose about love and life. Read, understand, imagine and enjoy! Language: Taglish