Ang LOVE ay parang MATH, so C...

By JanreyWalk

8.5K 588 110

Hate mo ba ang MATH? Yung tipong nahilo ka na't lahat, nabasa mo na mga libro sa library nyo, gumamit ka na n... More

Prologue
Chapter 2 - Bye Tita. :(
Chapter 3 - Who Did It?
Chapter 4 - Meeting Tsunami Boy and Miss Perfect.
Chapter 5 - Getting On His Nerves.
Chapter 6 - Friends? For Real?
Chapter 7 - First Hang-out With Him.
Chapter 8 - Another Friend, Yuan.
Chapter 9 - Mean Girl Found What She's Looking For. :)
Chapter 10 - Knight In Shining Armor.
Chapter 11 - Secret Admirer.
Chapter 12 - Yes.
Chapter 13 - Fast Move. Very Very Very Fast.
Chapter 14 - Prohibited For Kids Below 13 Years Old.
Chapter 15 - I Smell Something Fishyyyyy.
Chapter 16 - What To Do?
Chapter 17 - Fight For Your Right.
Chapter 18 - Good Samaritan.
Chapter 19 - He's Here!?
Chapter 20 - Moment of Truth.
Chapter 21 - The Real Purpose.
Chapter 22 - Headache headache headache!
Chapter 23 - True Friend.
Chapter 24 - PAH

Chapter 1 - It All Started Here.

795 36 1
By JanreyWalk

Loading.. Loading.. Loading..


"Ano ba yan Ice!? Super bagal ng internet connection nyo! Nahiya mga pagong sa kabagalan jusmiyo!"


"Hoy Vhei! E kung ipalo ko kaya sayo yang keyboard dyan? Maka-reklamo ka e'no? Libre na lang nga yan angal ka pa ng angal!"


"Libre nga parang di ko naman nagamit. -.-" pabulong na sabi ko.


"Ano!? May sinasabi ka?" tanong ni Ice.


"Wala! Sabi ko ang pogi mo!"


"Alam ko na yun!" ang kapal din ng mukha neto e'no? Pero sa bagay, gwapo naman talaga 'tong BF ko. Oo BF ko. As in BESTFRIEND. Kayo kung ano iniisip nyo e!


Habang nakaupo ako sa harap ng computer, biglang may nagpatugtog ng napakalakas.


*Buko by Jireh Lim*

Naalala ko pa

Nung nililigawan pa lamang kita

Dadalaw tuwing gabi

Masilayan lamang ang 'yong mga ngiti


"At ika'y sasampilan.. Lalalalala!" aba si kuya gumawa ng sariling lyrics!


Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan

Buo ang araw ko

Marinig ko lang ang mga himig mo


"Kuya." tawag ko dun sa nagpapatugtog.


"Hindi ko man alam.. Lalalalala!" ay? May papikit-pikit pa syang nalalaman! F na F!


Wala man tayong komunikasyon


"Kuya kuya." punyemas ang lakas kasi ng tugtog e!


Mag hihintay sa'yo buong magdamag

Dahil ikaw ang buhay ko


"HOY KUYA! PUNYETA PATAYIN MO NGA YAN! ANG INGAY E! SINABAYAN MO PA MALI-MALI NAMAN LYRICS MO! BWISET!" e kasi naman e! Nakakarindi kaya sya.


Tinignan lang ako ni kuya tapos tuloy pa din sa pagkanta. UGHHHHHHHHHHHHHHH! Pag ako nainis, tutupi ko 'to sa walo!


"Vhei! Time ka na!" Sigaw ni Ice.


"Ano!? Anak ng pating na baog naman o! Di ko pa nga nakikita notifications ko time na agad!?" iritang sabi ko.


"Tumayo ka na nga dyan! Dami pang sinasabi e. Bilis! May maglalaro pa o. Umupo ka nalang pagtapos."


"Ewan ko sayo! Uuwi na muna 'ko. Di pako kumakain e." tumayo nako sa upuan ko sabay paalam kay Ice.


"Siratuktok ka talaga! Alas dos na di ka pa kumakain!? Kung anu-ano kasi inuuna e! Osya. Mamaya nalang." sabi nya sakin sabay kaway ng kamay nya.


Pag-uwi ko ng bahay, wala si tita. Oo. Tita ko nag-aalaga sakin. Di ko na dinatnan tatay ko e. Sumakabilang buhay na ata. Este sumakabilang bahay pala. Si mama naman daw namatay nung pinanganak nya 'ko. Si kuya naman, nasa manila. Dun sya nagtatrabaho bilang isang receptionist sa isang hotel.


*Tok tok tok*


"Sino yan?" tanong ko bago ko buksan yung pinto.


"Vhei! Si tita Nessa mo 'to! Buksan mo yung pinto bilis!" dali-dali kong binuksan yung pinto kasi akala ko naiihi na si tita kaya parang nagmamadali.


Pagpasok na pagpasok ni tita, niyakap nya 'ko kaagad.


"Vhei, kilala mo si tita Cora mo diba?" tanong nya sakin.


"Ah, o-opo. Bakit po?" tanong ko habang nakataas yung kilay ko. Ganun kasi ako kapag curious e.


"Kukunin ka na nya. Papag-aralin ka nya sa Manila!" gulat na gulat ako nung marinig ko yun. Matagal ko ng pangarap yun e. T_____________T


"Talaga po tita!?" sabay niyakap ko sya ng mahigpit. Tapos bigla syang tumawa.


"Tita naman e! Akala ko totoo na. Ang lakas mo talaga manloko!" medyo malungkot na sabi ko.


"Ha? Anong sinasabi mo? Tumawa ako kasi natutuwa lang ako sa binalita ko sayo ano ka ba! Totoo yun, kukunin ka ng tita Cora mo. =)" pagkarinig ko nun, bumalik na naman yung ngiti sa mukha ko. Hinigpitan ko ulit yakap ko kay tita.


"Tita, mamimiss ko po kayo." naluluha kong sabi.


"Nako Vhei! Tumigil ka nga dyan! Mag-eemote ka na naman e. Osya, ayusin mo na gamit mo. Bukas ng umaga ka nya susunduin."


"Agad-agad!?" gulat na sabi ko.


"Ayaw mo? Sige sabihin ko wag nalang."


"Sabi ko nga mag-aayos nako tita." patalikod na sana ako pero, pero, pero bakit parang naluluha si tita? Hayyy. Nevermind.


Umakyat nako papuntang kwarto para mag-ayos.


Kinagabihan, pagtapos kong kumain ng hapunan, pinuntahan ko si Ice sa kanila para magpaalam.


"Ice? Iceeeeeeeeeeeee!" tawag ko habang kumakatok sa pintuan nila.


"O hija? Gabi na ha? Si Ice ba?" hindi aling Weng. Ikaw. Ikaw yung tinatawag ko. -.-"


"Ah, opo. Nasan po sya?" tanong ko.


"Ah, wala sya dito e. Pinuntahan sya kanina ng barkada nya dito. Niyayayang magbasketball." ano? Gantong oras? Lakas talaga ng tama nung mga yun!


"Ganun po ba? Sige po salamat." tumakbo ako papuntang simbahan dahil panigurado, nandun lang yung mga ugok na yun.


"ICE!" sigaw ko. Huminto muna sya sa paglalaro at nakipag-palit muna kay Kiel.


"O Vhei? Gabi na ha? Miss mo nako agad? Magkasama palang tayo kanina ha? Sweet mo naman talaga. =')" sabay pinisil ni gunggong pisngi ko.


"Bugok! Lakas mo ha! Pilingerong 'to!" sabi ko sa kanya kasabay ng pagtanggal ko ng mga kamay nya sa malalambot kong pisngi.


"Hahahahaha! Joke lang e. O bakit ba kasi? " ano ba yan! Naluluha nako -.- Go Vhei! Kaya mo yan! Woot woot!


"Ah, eh.."


"Ih, oh, uh?" biglang singit netong mokong na to.


"Epal ka talaga!" sigaw ko sa kanya tapos sya naman, tawa ng tawa.


"Hmm, magpapaalam lang sana ako." ayan na! Tutulo na sipon at luha ko!


"Ha? Anong paalam? San punta?" tanong nya.


"Tapon basura. Sama ka? -.-" tapos tinignan nya ako ng masama. "De biro lang. Ano kasi e. Hmm, aalis nako bukas. Susunduin ako ng tita Cora ko. Sa manila na 'ko mag-aaral! Di ba pangarap natin yun? Matutupad ko na yung sakin Ice! ☺" sabi ko tapos niyakap ko sya habang tumutulo yung luha ko. (And the best actress goes to.. *drum roll* VHEI HERNANDEZ!)


"Talaga? Nice! Magiging masaya ka na nyan! Goodluck sa college life mo! ☺" ano ba yan!? Di man lang ako pipigilan? Pfffffftttttt.


"Oo nga e. Sana ikaw din someday."


Biglang tumalikod na sya at tumakbo pabalik ng court. Ako naman, eto, uuwi na. Asar kasi si Ice e! Di man lang ako pinigilan! -.-



Vote, comment and be a fan ♥

Continue Reading

You'll Also Like

18.9K 656 19
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
73.4K 1.1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023