He's Mine

By _gette_

23K 621 67

Complete. Thelistine High #2 l Rainbow gay vs. Rainbow girl fights over a guy named Rainbow. More

Prologue
Ch. 1: Nathaniel Herrera
Ch. 3: Clash of Rainbows
Ch. 4: Cupcakes and Sabotage
Ch. 5: Flowers and Sabotage
Ch. 6: Clash of Rainbows -part II
Ch. 7: Courtship -In Nathe's way
Ch. 8: Courtship -In Ishii's way
Ch. 9: Clash of Rainbows -part III
Ch. 10: Girlfriend
Ch. 11: Stalker...s
Ch. 12: Plan -part I
Ch. 13: Plan -part II
Ch. 14: The Truce
Ch. 15: Fieldtrip -part I
Ch. 16: Fieldtrip -part II
Ch. 17: Friends
Ch. 18: Hang-out
Ch. 19: One Great Plan
Ch. 20: Mission accomplished
Ch. 21: Things
Ch. 22: Friendship Over
Ch. 23: Clash of Rainbows -part IV
Ch. 24: Changes
Ch. 25: Voodoo Girl
Ch. 26: London bridge is...
Ch. 27: Confession
Ch. 28: Effect
Ch. 29: Been Haunted
Ch. 30: The scared one
Ch. 31: End this war
Ch. 32: Clarifications and a secret
Ch. 33: Christmas Party
Ch. 34: Practice
Last chapter: JS prom
Sneak peak for TH series #3

Ch. 2: Mishiela Salvador

1.8K 29 2
By _gette_


l 3rd year high school l


Mishiela Salvador


"Thelistine High?"


"Yes, baby. Sa Thelistine ka in-enroll ni daddy ngayong 3rd year mo." sagot ni mom na inabot mula sa kamay ko ang brochure na kanina lang ay ibinigay niya sa'kin. "Maganda dito, baby. Look at their facilities."


Doubtful na tinignan ko siya.


"Mom, hindi ako nagtake ng entrance exam nila dyan. How come na na-enroll niyo ako?" 


Kakabasa ko lang sa student's handbook na kasama ng brochure, required ang entrance exam sa kanila.


"Remember your tito Emilio? 'Yung papa ng playmate mo dati and close friend ni daddy? He's the school director kaya madali namin siyang napakiusapan na ma-enroll ka. 'Wag mo na isipin 'yan, at least doon ka na mag-aaral."


Malalim akong huminga at dumapa sa kama ko. Inabot ko 'yung isang care bear na teddy ko.


"Elite school ang Thelistine, mom. Feeling ko mas malala ang aabutin ko sa school na 'yan." 


I sigh deeply once again. Aware ako sa weird fashion sense ko at dahil doon kaya madalas akong mabully sa previous schools na napasukan ko. Tingin ko walang ipagkakaiba ang Thelistine.

***

June 08. Simula na ng junior year ko. And look, what else is new, bagong uniform na naman ang suot ko dahil bagong school na naman ang papasukan ko. Ilang buwan lang kaya ako tatagal? Sayang naman 'tong uniform kung hindi man lang 'to kukupas sa'kin. Ang cute pa naman. I think this is the cutest uniform I've ever worn. Bagay pa 'yung colorful bangles ko sa mocha colored uniform na 'to.

Not so excited for my first day, though.


Binaba ko ang ballpen after kong masulat ang first entry ko sa journal ngayong araw. Tinignan ko uli ang reflection ko sa salamin. Baby powder lang ang nilagay ko sa mukha ko. Nagsuot ako ng amethyst colored hairband at colorful bangles sa wrist ko. Nang makontento na ako sa ayos ko inabot ko ang rainbow colored back pack ko at bumaba na para magpahatid sa Thelistine.


Huminto ang driver namin sa tapat ng malaking gate ng Thelistine. Unang beses ko makaka face-to-face ang school na 'to dahil unang beses ko palang tatapak dito.


May mga napalingon agad sa'kin pagkababa ko palang ng kotse. Hindi iyon sa kadahilanang maganda ako kaya sila napapatingin, dahil iyon sa katotohanang mukha akong rainbow na tinubuan ng kamay at paa ngayon dito.


Pinaalis ko na ang driver namin at sandaling tinitigan ang gate bago ko nagdecide na tumawid sa kabila para sumabay sa mga students na nagsisipasok na rin.


Naexcite akong pumasok dahil mukhang malawak sa loob ng campus. Paano ba naman, hindi ko makita ang main building mula dito sa labas ng gate. Nakaka-attract din 'yong malawak na path walk na nasa likod ng gate.


Tumawid ako at dahil nakafocus ako sa pagtanaw sa loob, hindi ko na napansing may sasakyan na parating. Nakita ko nalang iyon ilang pulgada bago 'to sumagasa sa'kin.


Hindi ako nakahinga dahil sa takot.


Ang first day of junior life ko ang siyang magiging last day ko sa mundo. Mamamatay na ako!


Napapikit ako at kasabay no'n ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil pa rin sa takot. Ito na ba ang huling beses na mararamdaman ko ang puso ko? Kung alam ko lang, edi sana nag-exercise ako nang nag-exercise noong nakaraan para mas nasulit ko 'yung nalalabing sandali na nararamdaman ko 'yung tibok ng puso ko. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Kung ako lang ang pipili ng way ng pagkamatay ko, mas pipiliin ko pang mamatay dahil sa kabusugan. Hindi tulad nito na mamamatay ako dahil lang sa hindi ko nai-apply ngayon 'yung natutunan ko noong grade one na tumingin sa kaliwa't kanan at siguraduhing may kasama o walang sasakyang paparating bago tumawid sa kalsada.


"Miss."


May yumugyog sa braso ko. Teka, baka nasa ospital ako at pilit rinerevive. 


Nakapikit ako pero naluha ako. May pag-asa pa. May pumipilit na bumuhay sa'kin kaya kailangan ko siyang tulungan, kailangan kong mabuhay.


Unti-unti akong nagmulat ng mata. Nasilaw ako sa liwanag ng paligid at sandali ko pang inisip kung nasa langit ba ako o ospital. Kung may bumubuhay sa'kin kanina, malamang na nasa ospital ako. Sandali kong in-adjust ang paningin ko sa liwanag ng paligid.


"Okay ka lang ba o nasaktan ka?" tanong ng kung sino sa harap ko. Napatingin ako sa kanya at muli nalito ako kung nasa ospital nga ba ako o nasa langit na talaga.


May nakatayo kasing anghel sa harap ko at nakatunghay sa'kin.


"Miss?"


Tinitimbang ba niya 'yung good and bad deeds ko?


"Muntik ka nang masagasaan, mukhang hindi ka okay." bulong niya sa harap ko. Lumayo siya sa'kin at tumayo ng maayos sa harap ko. Lumingon siya sa kaliwa niya at may tinawag. "Caile! Caile!"


Anong sinabi niya kanina? Muntik na ano?... masagasaan ba?


Hindi ba kaya ako nasa harap niya ngayon ay dahil nasagasaan ako?... at namatay?


May tumabing isa pang anghel sa naunang anghel sa harap ko.


"What happened here?"


"Muntikan na namin siyang masagasaan, buti nalang nakapagpreno 'yung driver ko bago namin siya mabangga. Okay naman siya physically pero baka natrauma siya."


That snapped something inside my head. Nasa tapat pa rin ako ng Thelistine at ngayon ay pinagtitinginan ng mga students! Napatingin ako sa gilid ko at halos manlaki ang mata ko nang gahibla na lang ang distansya ng legs ko sa bumper ng kotse na muntik nang sumagasa sa'kin.


Hinawakan ng pangalawang anghel sa harap ko ang braso ko.


"Dadalhin ka namin sa clinic, miss."


"H-Ha?" sa wakas ay may nasabi na rin ako.


Biglang hinawakan ng unang anghel ang kamay ko, para akong nakuryente. "I'm sorry. Muntikan ka na doon, hindi namin sinasadya and hindi na mauulit 'to. I'm sorry again." hinging paumahin niya na pinisil pa ang kamay ko dahilan para mapatulala na lang ako sa kanya. "Ihahatid ka namin sa clinic bilang---"


"Hindeeeee."


Mula sa kung saan ay may isa pang lalaki ang sumulpot. Sa pangalawang lalaki siya nakatingin. "Caile, ilang minuto nalang at mag-i-start na ang flag ceremony. You're the president, you can't afford to be late." sunod siyang tumingin sa lalaking muntik nang makasagasa sa'kin. "Rainbow, ako nang bahala sa kanya."


Biglang nagprotesta lahat ng lamang loob ko dahil sa narinig ko. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Para kong nalunok ang dila ko.


"Kilala mo siya, Nathe?" tanong ng lalaking Caile ang pangalan. Nakatingin na sa'kin 'yung epal na Nathe ang pangalan.


"Kikilalanin palang. Akong nang bahala, pumasok na kayo."


Masamang nakatingin sa'kin 'yung Nathe.


Kung anghel ang description ko sa dalawang naunang lalaki... sa kanya naman demonyo.

___________________________

Mishiela "Ishii" Salvador

Continue Reading

You'll Also Like

387K 10.9K 37
"I love being wed to you. Having the one person with whom you want to spend your entire life is wonderful... Nothing outside of us can change what is...
33.3K 2.2K 45
Being a renowned celebrity, JK find it hard to enjoy his private life. Maging ang lovelife ay naging napakahirap sa kanya at maging sa mga kasama. Pe...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
231K 15.1K 75
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...