The Nerdy Rebound Girl

By purplenayi

12.8M 179K 11.2K

[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibiga... More

Published in Print Under Summit/Pop Fiction
The Nerdy Rebound Girl
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Epilogue
Special Chapter # 1
Special Chapter #2
Nayi's Note

Chapter Eleven

244K 3.7K 214
By purplenayi

Ngiting-ngiti si Maico habang nagd-drive. Kakahatid lang namin kay Lana at papunta kami ngayon sa restaurant para mag hapunan.

"Ano bang nginingiti-ngiti mo jan?" di ko napigilang itanong.

Lumingon siya sa akin bakas pa rin yung ngiti sa labi niya saka umiling.

"Ano yan nababaliw ka na? Ngumingiti ka ng walang dahilan?" nakanguso pang tanong ko sa kanya.

Narinig ko yung mahinang pagtawa niya. Humarap na lang ako sa labas ng kotse para di ipakitang napapangiti na rin ako. Ang cute lang kasi pakinggan ng tawa niya eh.

"May naisip lang kasi ako." sabi niya.

Tumingin ulit ako sa kanya sa nagtatanong na mata. Palingon-lingon siya sa akin at sa daan.

"Ano namang naiisip mo?" tanong ko sa mapag-asang tono.

Ngumiti muna siya sa akin saka sumagot.

"Secret!" tumawa siya ng malakas pagkasabi niya nun. Ako naman, tinignan ko siya ng masama. Paasa masyado! Akala ko pa man din sasabihin niya saken yung iniisip niya!

"Kainis ka talaga!" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

Tawa lang ang sagot niya sa paghampas ko kaya hinampas ko ulit siya ng hinampas.

"Oy oy! Tama na yan baka maaksidente tayo!"

Sumimangot ako at humarap ulit sa labas.

"Parang gusto ko nang magka-baby." pagkuwan eh sabi niya.

__________

Tahimik pa rin kami habang kumakain. Di ako nakaimik sa sinabi niya kanina. Gusto niya nang magka-baby? Pero di siya nagbanggit ng kahit na ano tungkol sa kasal. Ano ako palahiang baboy?

Pero teka nga, assuming naman ako masyado. Wala naman siyang sinabing gusto niyang magka-baby saken ah? Aiishh. Pero ako ang girlfriend niya! Malamang saken niya gusto magkaanak di ba? Ang gulo ko kausap ko na naman ang sarili ko.

"Ok ka lang?" tanong niya bigla.

Napaangat ako ng tingin sa kanya saka tumango.

"Eh bakit bigla ka na lang umiiling jan? Tapos parang bumubulong ka pa?" naaaliw na sabi niya.

"Ahhh...wala! Bakit ba, nagdadasal ako noh!"

"Nagdadasal ka habang kumakaen? Kanina ka pa nagsimula eh." tumatawa siya habang sinasabi ang mga salitang yan.

Tinignan ko siya ng masama. Itinikom niya yung bibig niya pero kitang-kita naman yung pagpipigil niyang tumawa. Nakatitig lang ako sa kanya ng masama habang siya naman eh umiiling na parang sinasabin "wala akong ginagawa".

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

"Beauty." maya-maya eh sabi ni Maico.

"Hmmn?" ako habang ngumunguya.

Humiga muna siya ng malalim saka tila nag-isip. Nakatitig siya saken na parang di alam kung paano sasabihin kung ano man yung gumugulo sa isip niya.

Nag-gesture ako sa kanya na nagtatanong kung ano yung sasabihin niya habang patuloy pa rin ako sa pag-nguya.

"Ayaw mo pa ba?" tanong niya na nagpakunot sa noo ko.

Ano namang ayaw ko? Ang gulo naman ng tanong niya! Kung yung pagkaen, kumakain naman ako ah? Paanong ayaw ko? Aiisshh. Lintyak naman tong BF ko oh!

"Anong ayaw ko?" sabi ko agad pagkalunok nung kinakain ko. Kinuha ko pa yung baso ng tubog para uminom. Nasa gitna ako ng pag-inom ng magsalita siya.

"Magka-anak. Tinatanong ko kung ayaw mo pang magka-anak. Yun naman ang topic natin kanina pa ah."

Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong tubig. Napatayo siya bigla ng makita niya akong tila nabulunan. Nabulunan sa tubig? Seriously, Jacky?

Hinimas-himas niya yung likod ko pagkalapit niya saken.

"Ayos ka lang ba?" aniya habang patuloy sa paghimas sa likod ko.

Tumango ako bilang sagot. Nakakagulat naman kasi yung tanong niya. Wagas na wagas eh!

Bumalik na siya sa upuan niya ng makasiguro siyang maayos na ako. Tumingin siya sa mga mata ko na tila naghihintay ng sagot.

"Bakit naman kasi ganun ang tanong mo!" yan ang nasabi ko.

Halatang nadismaya siya sa sinabi ko. Alam ko namang gusto niyang marinig eh "oo, gusto ko na ring magka-anak". Pero hello? Wala man lang ba munang "will you marry me?" anak agad-agad?

Natahimik na lang siya. Di na niya inungkat yung tanong niya na yun hanggang sa umuwi na kami.

__________

Malinis ang buong unit pagdating namin. Mukhang sineryoso ni Mica yung banta ni Maico kanina. Pati sahig sobrang kintab. Ayos ah, marunong naman palang maglinis eh.

"Good evening!" pasigaw pa na salubong sa amin ni Mica.

"Oh bakit nandito ka pa?" ani Maico bilang tugon.

Nag-pout si Mica saka kumapit sa braso ko.

"Buti napagti-tiyagaan mo yang isang yan. Alam mo nagbago na isip ko nung sinabi ko sayong bagay ka sa Kuya ko eh. Masyado kang mabait para sa kanya." pabulong yung pagkakasabi ni Mica pero alam kong naririnig ni Maico.

"Gusto mo talagang maputulan ng card?" pagbabanta ni Maico.

"Eto namang si Kuya di na mabiro! Bagay na bagay kaya kayo!"

Natawa na lang ako sa magkapatid.

"Kumain ka na ba Mica?"

"Yep! Nilubos ko na yung paglilinis ko dito. Nagluto na rin ako." nakangiting sabi ni Mica.

"Psss." napatignin ako kay Maico. Naka-smirk siya.

Tinignan ko siya sa nagtatanong na mata.

"Wag kang nagpapaniwala jan. Umupa yan ng maglilinis dito. Ni hindi nga yan marunong magwalis eh." ani Maico.

"Hehe." si Mica. Nakakaloko yung ngiti niya. Bumitaw siya sa pagkakakapit sa braso ko at lumipat kay Maico. "Malinis naman na dito oh. Ok na tayo ha Kuya? I love you!" aniya pa sabay yakap.

"Ayyy. Lumayo-layo ka nga saken." ani Maico habang hawak sa ulo si Mica at nilalayo sa kanya.

Bumitaw naman si Mica. Sumimangot siya na parang bata na ayaw bigyan ng candy.

"Oo na. Umuwi ka na. Di ko na ipapaputol ang card mo."

Ngumiti ng malapad si Mica saka yumakap ulit kay Maico "thank you Kuya!!"

__________

Katabi ko ngayon si Maico. Ayaw kasing umuwi. Dito daw siya matutulog at gusto niya akong kasama. Yung walang nakikiagaw na isip-bata. Yan mismo sinabi niya kanina. Si Mica naman, nasa kabilang kwarto. Ayaw ding umuwi.

"Beauty." si Maico sabay yakap sa akin mula sa likod.

"Beast." sabi ko.

Di siya nagsalita pero naramdaman ko ang mga labi niya sa buhok ko. Pati yung kanang kamay niyang nakayakap sa akin umangat at dinadama ngayon ang kaliwang dibdib ko. Mukhang seryoso talaga siya sa sinasabi niya kanina na gusto niya ng anak. Naku naman eh hindi pa ako handa! Saka wala ba talaga munang kasal??

Hinawakan ko yung kamay niya para sana alisin yun pero napatigil ako ng maramdaman ko naman ang labi niya sa batok ko. Damang dama ko rin yung sandata niya na tumutusok sa likod ko. Mukhang di na talaga ito papipigil. Kunsabagay, mula nang bumalik siya at naging kami eh di pa kami nagsiping ni minsan. Oo magkatabi kami pero walang nagyayari. Magkayakap lang kami magdamag.

Iniharap niya ako at nagsimula siyang halikan ang mga labi ko. Sabik na sabik siya na tila mauubusan. Akmang aalisin niya ang blouse ko ng bumukas ang pinto. Agad akong kumawala sa yakap niya. Buti na lang at madilim. Mukha namang di niya napansin na gumagawa kami ng milagro.

"Patulog dito. Natatakot ako sa kabila eh." may takot pa sa boses ni Mica.

Tuluyan na siyang pumasok ng kwarto at isinara yung pinto.

"Kelan ka pa natakot matulog mag-isa?" pabalang na sabi ni Maico.

"Eh kasi naaalala ko yung pinanood kong horror kanina eh. Natatakot ako. Dito muna ako Ate Jacky, please."

"Di ka---" hinawakan ko sa braso si Maico para patigilin siya sa pagsasalita.

Saglit muna akong natahimik pero sumagot din. "Ok. Mahiga ka na dito."

"Yehey!" si Mica sabay higa sa tabi ko.

Narinig ko pa yung inis na pagbuga ni Maico ng hininga at saka siya nagdadabog na humiga ng maayos. Napangiti ako sa inasta niya. Naiintindihan ko naman eh. Ikaw na ang bitin!

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2M 78.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
110K 2.7K 23
After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what...
2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...