Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 17

948K 17.9K 4.3K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 17 

Nasa coffee shop ako ngayon at naghihintay sa pagdating ng iba ko pang mga ka-grupo. Mabuti na lang talaga at approved na ng professor namin ang proposal na ginawa ni Shiloah kaya naman hindi na kami nahihirapan. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan ngayon. It was kinda awkward but I had to deal with it. Graduating na ako. Kaunti na lang naman.

Isa pa, as I have thoroughly thought about it, wala namang masamang nangyari sa pagitan namin ni Shiloah. Siguro hanggang doon lang talaga kami. And Candy's a good girl... Masyado lang akong naging judgmental sa kanya. Nakikita ko naman na masaya sa kanya si Shiloah. She's a good influence... I think. She's bringing Shiloah out of his nest. Napapansin ko na mas nagiging komportable na si Shiloah sa mga atensyon simula nung naging sila ni Candy.

Sikat si Candy sa school dahil well... marami siyang naging boyfriend na sikat din sa school. Kaya naman simula nung maging sila ni Shiloah, napunta na rin kay Shiloah ang spotlight kahit na ayaw niya man. Mukhang gusto naman talaga niya si Candy dahil kung hindi, sa palagay ko hindi niya titiisin ang lahat ng atensyon. In the short time we spent together, masasabi ko na isa sa mga bagay na ayaw niya talaga ay ang atensyon.

He must really have liked her.

Lunch? Nagtext na naman sa akin si Quin. Palagi na lang niya akong sinasamahan lately. Hindi naman ako makapagreklamo dahil wala naman ako ring kasama. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Mari. Gusto kong magsorry pero hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula... I kinda feel that she was right.

I kept on having this weird thought about Parker. Hindi ko alam kung paano ito lumala ng ganito. Nagsimula lang 'to simula nung maging malapit kaming dalawa ni Quin. Siguro dahil nakakasama ko na iyong kaibigan ni Parker at nalalaman ko na kung ano ang mga nangyayari... Dati kasi kapag hindi kami magkasama at hindi ko alam kung nasaan siya, inaassume ko lang na baka kasama niya sina Archer. Sila lang naman kasi ang kaibigan ni Parker maliban sa mga teammates niya sa soccer. Pero ngayon, alam ko na kahit sina Quin ay hindi nila alam kung ano ang ginagawa ni Parker. And that fact was making me more doubtful than ever.

What was he really up to?

Busy. Reply ko sa kanya. Nagsabi lang siya na itext ko siya kapag tapos na ako sa kung anuman ang ginagawa ko. He's really nice to me. Medyo nakakapanibago but I needed someone like him right now. Kailangan ko lang talaga ng makakausap dahil baka mabaliw na ako kapag wala akong mapagsabihan ng mga naiisip ko. This—being without Parker—was nothing short of torture.

Wala pa rin ang mga groupmates ko. Malapit ko ng maubos ang cake na inorder ko. Nakatingin ako sa cellphone ko. I wanted to give in and text Parker. Gusto ko lang namang malaman kung ano ang ginagawa niya... What was he doing that he can't even see me? Ang huling kita namin ay noong bigla na lang siyang sumulpot sa townhouse na mayroong dalang dinner. Even that dinner was awkward in itself. Alam niya na hindi ako masaya sa mga ginagawa niya. He was making an effort to make us okay but it will never be enough. Hanggang hindi siya nagiging honest sa mga nangyayari, para lang kaming naglalaro. Laro na walang katapusan hanggang sa hindi niya sinasabi sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari.

Ilang minuto pa ang lumipas nung dumating na sina Candy at Shiloah. They were talking about something and laughing.

"Hi! Sorry, medyo na-late," sabi ni Candy. She placed her bag on the empty sit. Tinignan niya si Shiloah. "Baby, iced coffee?" sabi niya sabay ngiti. Tumango lang si Shiloah at saka dumiretso sa counter. Bumaling na naman sa akin si Candy. "Hinintay ko pa kasi si Shiloah mula sa rehearsal."

Ah, oo nga pala. Kasama nga pala si Shiloah sa performance para sa university week. Gusto kong pumunta para mapanood si Shiloah... Bahala na nga. Next week pa naman iyon.

"Anyway, nandito na ba sina Carl?" she asked and I shook my head. Hindi pa nagpaparamdam iyong mga friends nila. Mga freeloader lang yata ang mga iyon, e. Akala naman nila okay na iyong monetary contribution. Ni hindi man lang mag-effort na magtanong kung ano ang pwede nilang maitulong.

Candy sighed. "Wait, tawagan ko lang. Mga pasaway talaga 'yun," she said before she dialed his number. "Hello? Where the hell are you? What? Can't hear you!" She briefly looked at me bago lumabas sa coffee shop. Ilang segundo pa ang lumipas nung bumalik si Shiloah. May dala siyang dalawang iced coffee at isang frappe.

I looked at him. Wala naman akong inorder.

"That's decaf," sabi niya.

Naalala pa pala niya na hindi ako nagkakape sa umaga. "Thanks," I replied. That was really thoughtful of him.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hinihintay ko na bumalik si Candy para naman makapagsimula na kami. Ang tagal naman niya. Kung ayaw magcooperate ni Carl, e 'di fine. Akala niya ilalagay ko iyong pangalan niya sa mga members. Bahala siya sa buhay niya.

Tahimik lang kaming dalawa ni Shiloah. Hindi na ako nakatiis kaya naman kinuha ko na iyong frappe na binili niya para sa akin. I quietly sipped it. Bigla namang pumasok si Candy.

Pagpasok niya, nakakunot ang noo niya.

"Carl's stuck somewhere. Nagpapasundo. Sira daw iyong car niya."

Kumunot ang noo ko. "Wala ba siyang pera? Magtaxi siya," I said.

"I don't know about that turd! Anyway, sunduin ko muna siya," she said at saka bumaling kay Shiloah. "Baby, start na kayo without me. I'll be fast. Sunduin ko lang si Carl."

"Nasaan si Carl? Gusto mo sumama ako?" he offered. I felt like an outsider listening to their conversation.

Candy shook her head. "Medyo malapit lang naman. I'll be fine. I'll take a cab na lang," she said.

"I'll call my driver. Magpahatid ka na lang," Shiloah said.

Akala ko ay tatanggi pa si Candy pero mabilis lang siya na pumayag. She was all smiles. Sabagay, sino ba naman ang hindi matutuwa? Shiloah was practically spoiling her!

Sabi ko na nga ba. Swerte talaga ang magiging girlfriend ni Shiloah. Ang swerte ni Candy.

Candy was practically bouncing habang palabas ng coffee shop. Ako naman, huminga nang malalim. Kailangan na talaga naming magsimula dahil this week na ang pasahan ng final plans. Sa university week na kasi itatayo iyong mga business na gusto naming gawin. Parang dry run na rin talaga 'to kapag last sem na namin.

"May ilan na akong nagawa pero gusto mo basahin mo na muna kung approved ba sa 'yo," sabi ko. He nodded. Inabot ko naman sa kanya iyong laptop ko pero masyadong mabigat kaya nahirapan ako. Para naman kasing ilang kilo sa bigat itong laptop ko! Hindi ko naman mapalitan kasi wala pa akong budget.

Nung makita ni Shiloah na nahihirapan ako sa pag-ikot nung laptop, siya na lang iyong tumayo at umupo sa tabi ko. Saglit kong nahigit iyong hininga ko.

Inilagay niya iyong dalawang daliri niya sa track pad. He was seriously reading. Inadjust niya pa iyong salamin niya. Bumalik din pala siya sa pagsasalamin niya... Honestly, mas gusto ko kapag nakasalamin si Shiloah. Para kasing ibang tao siya kapag wala iyon. Mas gusto ko iyong totoong siya.

"Okay ba?" I managed to ask him kahit na naiilang ako sa sobrang lapit namin.

Medyo lumayo siya sa laptop at saka inalis iyong salamin niya. Hinilot niya iyong bridge ng ilong niya at saka humigop sa kape niya.

"Sandali lang, medyo masakit ang ulo ko," sabi niya habang minamasahe ang ulo niya. Ngayon ko lang napansin pero medyo maitim iyong ilalim ng mata ni Shiloah. Dahil ba 'to sa practice para sa university week performance? Pero umaga lang naman sila nagpapractice...

Hindi na lang ako sumagot.

"Gusto mo ng gamot?" I offered nung isang minuto na pero masakit pa rin ang ulo niya. Hindi na siya nagpaarte pa. Tumango na agad siya kaya naman mabilis kong kinuha iyong tableta sa bag ko at saka iniabot sa kanya. Tumayo pa ako para kumuha ng tubig at baso mula sa counter. Pagbalik ko, iniabot ko sa kanya iyon at ininom niya ang gamot niya.

"Kapag okay ka na, sabihin mo lang sa akin," I said.

Gusto ko sanang kuhanin ang cellphone ko at itext na lang si Quin. Papuntahin ko kaya siya rito? He can definitely take the tension away!

"Okay na ako," mabilis niyang sabi. Hindi ako naniniwala dahil mukhang hindi pa rin siya maayos.

"You don't look fine," I said.

"Kulang lang sa tulog," he replied.

Bakit siya kulang sa tulog? Ano ba ang pinagkakaabalahan niya? Magkasama ba sila ni Candy hanggang gabi? E ano naman kung magkasama sila? Matanda na si Shiloah. Kung anuman ang gusto nilang gawin, e 'di gawin nila. Labas na ako doon.

With this thought in mind, hindi na ako nagtanong pa.

Nagsimula na kami ni Shiloah sa pag-uusap sa proposal. Nung matapos din kami, wala pa rin sina Candy at Carl. Ano ang nangyari sa dalawa na 'yun? Sabi ni Candy malapit lang naman si Carl pero lagpas isang oras na kami nag-uusap ni Shiloah pero ni anino nila ay wala pa rin.

"Alis na ako," sabi ko sa kanya. Tanghali na rin pala. Nagugutom na ako. Hindi naman ako mabusog sa cheesecake dito. Wala akong kasama. Itext ko kaya si Quin?

I didn't wait for him to say anything. Labas na talaga ako doon. Naiintindihan ko na iyong gusto niyang ipahiwatig. He'll keep distance ibig sabihin hindi na siya masyadong lalapit sa akin pero hindi siya mawawala sa buhay ko... Paano nga naman kasi siya mawawala kung sa bawat sulok ng eskwelahan na ito, nandun siya?

Ayoko lang talaga na masyado siyang malapit sa akin. Sa tingin ko dapat physical distance na talaga ang dapat mangyari.

Tinawagan ko si Quin at sinabi ko na wala akong kasama maglunch. Sinabi niya na nasa cafeteria siya kaya naman pinuntahan ko na siya doon. Unlike Parker na hindi pwedeng makita ako na kasama siya sa loob ng univ, kay Quin, kahit saan okay lang na magkasama kami. It felt nice. It felt good na okay lang sa kanya na makita na kasama ako. Hindi naman kasi ako nakakahiyang kasama...

Pagdating ko sa cafeteria, nandun si Quin kasama si Hunter.

"Hi," bati ko sa kanila. Hindi ko pa masyadong nakakausap si Hunter kaya naman hindi ko alam kung paano aarte sa harap niya.

Inirapan ako ni Quin. "'Wag ka ngang masyadong mahinhin. Hindi bagay," sabi niya sa akin habang dahan-dahan akong umuupo. "Si Hunter lang 'yan."

I shot him a glare. "Mahinhin talaga ako."

He scoffed. "Hindi halata lalo na kapag sinasaktan mo ako," sabi niya at saka itinaas iyong sleeves ng shirt niya. "Tignan mo, oh! Kinurot niya ako! Nagkasugat tuloy ako!" parang bata na sabi niya kay Hunter. Sabay na lang kaming dalawa ni Hunter na napailing. Minsan talaga nagtataka ako kung 21 na ba talaga si Quin o 12, e. Sobrang isip bata niya pero kapag may magaganda at sexy na babae, biglang 360 degree ang pagbabago niya.

"Saan niyo gustong kumain?" Quin asked.

"Akala ko dito?"

Quin looked around. "Maraming tao masyado," he said na para bang obvious na na dapat alam ko iyon. Sila lang talaga iyong grupo ng mga sikat na tao sa school na ayaw ng atensyon. Kaya mas lalong elite ang tingin sa kanila dahil mahirap talaga silang makausap. Sila-sila lang talaga ang friends.

Naglalakad na kami papunta sa sasakyan ni Hunter since hindi kami kasya kay Suzanne. Noong malapit na kami sa carpark, biglang may tumawag kay Hunter. Bumaling naman siya kay Quin.

"Saan tayo pupunta?" he asked him.

Quin shrugged. "Hindi ko pa alam. Yolo tayo, dude. Sino ba 'yang kausap mo?"

"Parker," Hunter said nonchalantly. Biglang nahigit ko iyong paghinga ko. Palagi na lang. Palagi na lang kapag akala ko okay na ako, isang banggit lang sa pangalan niya, balik na naman ako sa umpisa. Bumabalik na naman ako sa simula kung saan mahal ko siya—iyon lang ang mahalaga.

"Hindi pa raw alam," sabi niya. "Kasama namin 'yung—I mean si Imogen. Yeah. Wala. Kami lang dalawa ni Quin. Yeah. Okay."

Ibinaba na ni Hunter iyong tawag pero iyong puso ko, hindi pa rin kumakalma.

"Text na lang daw natin kung saan. Sunod na lang daw siya," he said and then he proceeded walking. I was still in deep thought nung maramdaman ko ang braso ni Quin sa balikat ko.

"Okay ka lang?" he asked me—concern was etched in his usually playful voice. I nodded. Bakit naman kasi hindi ako magiging okay? Dapat masaya ako dahil matapos ang ilang linggo na walang Parker, finally makikita ko na rin siya. "Okay," he said pero kahit ako, alam ko na hindi siya naniniwala sa akin.

I was one of the worst liars there was. It's just not my cup of tea.

Sumakay ako sa Montero ni Hunter. Tahimik lang ako buong byahe. Pagdating namin doon, habang nakaupo ako, hindi ako mapakali. I wanted to see him in flesh once again, I wanted to feel his skin against mine... but still, there was this itching feeling within me. Gusto kong malaman kung ano ba ang ginawa niya para hindi siya magparamdam.

There were so many questions... and no answer was offered. Not even one. It was frustrating. It was maddening.

Mayroon na naman na tumawag kay Hunter kaya nasa labas na naman siya.

"Pússy whipped," sabi ni Quin nung pareho kaming nakatingin kay Hunter na naglalakad palabas ng resto habang may kausap sa phone. Napatingin ako sa kanya. He just winked at me.

Bawat segundo na lumilipas, mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Dadating na ba siya? O baka naman may emergency na naman na naganap. Lately, nasasanay na ako sa salita na iyan. Iyan kasi ang palagi kong natatanggap tuwing may pupuntahan kami ni Parker pero hindi natutuloy. May emergency ako sa ganito, sa ganyan. The word felt so overused. Wala na siyang silbi sa akin. Wala ng kahulugan.

And there he was.

My heart stopped again. Nandyan na naman kasi ang amo niya.

He looked the same as before. He was still my Parker. But was he still my Parker? Sa akin pa rin ba talaga siya?

Mukhang naramdaman ni Quin na dapat siyang umalis dahil mabilis siyang nag-excuse para lumabas. Ni hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi ko maalis ang tingin ko kay Parker. I wanted to run my hand on his face. Gusto ko siyang mahawakan.

He was my drug and I've been deprived for far too long... and I think I was finally feeling the withdrawal. He was so near yet he felt so far...

Walang nagsasalita. Alam ko na dapat siya ang magsorry, na dapat siya ang magpakumbaba dahil siya ang nanakit... Pero ano ba ang mapapala ko sa pride? Mapapasaya ba ako niyan? Mababawasan ba niya ang lungkot na nadarama ko?

Hindi naman.

So I took the initiative.

"Where the hell have you been?"

My heart was pounding real hard while I was waiting for his answer. Kahit anong sagot tatanggapin ko basta sumagot lang siya.

"Ito ba talaga ang una nating pag-uusapan?"

But that was an answer... so I accepted it. Tanga na kung tanga.

Huminga ako nang malalim. I pasted a fake smile. "Okay," I conceded. "We'll talk about it soon, Parker." He nodded. Matapos nun, wala na muling nagsalita. It felt so awkward... I didn't feel nice. Not even one bit.

Bumalik na si Quin at si Hunter. Hunter looked pissed. Si Quin naman, hindi mo maintindihan kung ano ang itsura. He was usually the jolly one pero ngayon, ni hindi man lang siya nagsasalita. It felt off not hearing any stupid remarks coming from him.

Nakatapos na kaming mag-order nung biglang magvibrate iyong phone ni Parker. Nakapatong lang iyon sa lamesa kaya naman nakita ko kung sino ang tumawag.

Bianca Agustin.

That freaking name again.

She must be someone to elicit such a response from Parker. Agad na namutla si Parker. Nakatingin siya sa akin. Bakit ayaw niyang sagutin?

"Bakit ayaw mong sagutin?" I spoke my thought.

"Babe..."

Oh, that word again.

"Sino ba si Bianca, ha, Parker?"

I was so close to being batshit mad. So close. So freaking close.

Sobrang lalim na ng paghinga ko. Ramdam na ramdam ko na iyong tensyon. Bigla lang nawala iyon nung agawin ni Quin ang cellphone ni Parker.

"Bakit ba sa 'yo pa tumatawag si Bianca? Tsk! Kulit talaga nitong paslit na 'to!" sabi ni Quin at saka mabilis na tumayo. "Pinsan ko si Bianca. Baka tinatawagan lang si Parker kasi hindi ako macontact. Sige sagutin ko muna 'to, ha?"

Quin hurriedly went outside but I wasn't buying it.

Akala ko kaibigan ko na siya. Hindi pa rin pala. Pagtatakpan niya pa rin pala ang kagaguhan ni Parker.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
4.9M 99.8K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...