Switched & Stuck With Him [PU...

By Chichi_Louise

189K 4.3K 1.1K

Switched and Stuck With You Copyright © 2012-2013 Chichi_Louise // Isang simpleng high school student lamang... More

Prologue:
SASWY -- Chapter 1
SASWY -- Chapter 2
SASWY -- Chapter 3
SASWY -- Chapter 4
SASWY -- Chapter 5
SASWY -- Chapter 6
SASWY -- Chapter 7
SASWY -- Chapter 8
SASWY -- Chapter 9
SASWY -- Chapter 10
SASWY -- Chapter 11
SASWY -- Chapter 12
SASWY -- Chapter 13
SASWY -- Chapter 14
SASWY -- Chapter 15
SASWY -- Chapter 16
SASWY -- Chapter 17
SASWY -- Chapter 18
SASWY -- Chapter 19
SASWY -- Chapter 21
SASWY -- Chapter 22
SASWY -- Chapter 23
SASWY -- Chapter 24
SASWY -- Chapter 25
SASWY -- Chapter 26
SASWY -- Chapter 27
SASWY -- Chapter 28
SASWY -- Chapter 29
SASWY -- Chapter 30
SASWY -- Chapter 31
SASWY -- Chapter 32
SASWY -- Chapter 33
SASWY -- Chapter 34
SASWY -- Chapter 35
SASWY -- Chapter 36
SASWY -- Chapter 37
SASWY -- Chapter 38
SASWY -- Chapter 39
SASWY -- Chapter 40
SASWY -- Chapter 41
SASWY -- Chapter 42
SASWY -- Chapter 43
SASWY -- Chapter 44
SASWY -- Chapter 45
Epilogue:
ACKNOWLEDGEMENTS & ANNOUNCENTS (PLEASE READ)
TO BE PUBLISHED.
A very short announcement

SASWY -- Chapter 20

3.3K 97 14
By Chichi_Louise

Chapter 20


(Xavier's Point of View)

Isang buwan makalipas 'yung nangyari sa ospital. Isang buwan makalipas 'yung pag-amin nila sa isang 'di kapani-paniwalang bagay na totoo, at isang buwan makalipas 'yung sagutan namin ni Elise. Okay na kami, hindi na kami magkagalit. Humingi ako ng tawad sa kanya bago pa man matapos ang araw na 'yon.

Sa isang buwan na 'yon wala akong ibang inisip kundi si Elise. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit si Claire 'yung kasama ko si Elise 'yung naiisip ko, nasa katawan man siya ni Elise o nasa katawan niya.

Simula nang malaman ko lahat, nagsimula na akong malito. Ilang buwan din na minahal ko yung Claire na kaluluwa ni Elise. Lahat ng ginawa naming kasweetan kapag umaga, ginawa ko yun with Elise and not with Claire. Kapag naiisip ko 'yon nalilito ako.

Kahit kasi si Elise ang kasama ko no'n masaya ako at mahal na mahal ko 'yung kasama ko. Pero gano'n din naman ako kay Claire.

Sino na ba talaga ang mahal ko? Si Elise? o si Claire?

"My loves!" Napatingin ako sa babaeng pumasok sa kwarto ko. Sabado ngayon walang pasok kaya nasa kwarto ako nag-iisip-isip.

"Elise!" nakangiti kong tawag sa kanya, bigla namang sumimangot si Eli- Mali pala. Tanga ka talaga Xavier kahit kailan. Si Claire kaya 'yan! Tama ba namang tawagin mong Elise?

"My loves, pasok ka muna, kaya lang naman kita tinawag na Elise kasi ang weird kapag may naka-rinig sa atin 'di ba?" pagpapalusot ko.

"Okay. Akala ko nakalimot ka na, 10:30 po ngayon ng umaga."

"Bakit ka nga pala nandito my loves?"

"Wala kasi akong magawa sa bahay e, kaya naisip kong gawin 'yung ginagawa ko talaga kapag walang magawa. Ang puntahan ka. Bakit my loves bawal ba?" Nag-pout siya pagkasabi niya no'n, ang cute ni Elise, este ni Claire. Pero si Elise yung nakikita ko e, ang gulo!

"Alam ko na manuod na lang tayo ng sine my loves para hindi ka mabore. 'Wag ka na magpout d'yan. Hindi ka cute!" Pikon si Claire kaya alam kong magagalit 'to. Natawa ako nang mag-iba na ang itsura ng mukha niya,

"A gano'n? Hindi pala cute 'yung mukha ni Elise? Sige sumbong kita!"

"Hindi, joke lang my loves. Teka magbibihis lang ako tapos labas na tayo."

"Takot ka pala kay Elise?" Napalingon ako bigla sa kanya habang namimili ako ng damit sa closet ko. Bakit naman kasi yun ang tanong niya?

"Medyo. Wala akong palag do'n." Nginitian ko siya. Pumasok ako sa banyo para mag-bihis tapos umalis na kami.

Maghapon kaming namasyal sa mall at maghapon din kaming magkahawak ng kamay ni Claire. Hindi ako komportable pero hinayaan ko na lang. Blaire bakit ka ganyan? Dapat hindi ka nagpapakita ng kasweetan sa akin kapag nasa katawan ka ni Elise. Mas lalo akong nahihirapan sa ginagawa mo e.

*****

(Nath's Point of View)

"Ano bang meron Jane? Bakit mo naman ako tinawagan?" tanong ni Elise kay Jane. Pinapunta kasi kami ni Jane sa bahay niya nang walang dahilan, basta sinabi lang niya na dalian namin kaya akala ko at ni Elise, may emergency. Sa nangyayari ngayon parang naiintindihan ko na ang nangyayari, isa 'tong set up. Nalaman kasi ni Jane na may gusto ako kay Elise no'ng mga nakaraang araw.

Oo, may gusto ako kay Elise noon pa. Since first day of school interesado na ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa pagiging FC niya? At siya lang ang nag-iisang tao na tumawag sa 'kin ng Nath – na kinasanayan ko na – napakacreative. Madalas kasi Sean o 'di kaya'y Nathaniel ang tawag sa 'kin ng iba.

Akala ko no'ng una isa lang siya sa malalanding babae na parang 'yung iba kong kaklase dati na dikit nang dikit sa 'kin na parang linta, pero nagkamali ako. Mabait siya at sadyang friendly lang, mas lalo pa akong naging interesado sa kanya nang malaman ko ang issue nila ni Claire. Naisip ko lang, siguro kapag ibang tao 'yon wasak na ang friendship nila pero iba si Elise, pinatawad lang niya si Claire na para bang walang nangyari.

Habang tumatagal, hindi ko napapansin na nahuhulog na pala ako para sa kanya at no'ng naisip kong magsimula nang magparamdam ng damdamin ko, naunahan naman ako ni Jed kaya wala na akong nagawa kundi itago na lang 'tong nararamdaman ko pero ngayong hiwalay na sila hindi na ako nag-aaksaya pa ng panahon at kahit na sa maliliit na paraan ay nagpaparamdam na ako sa kanya, hindi ko na iniisip 'yung sinabi niya sa 'kin no'ng gabing naghiwalay sila ni Jed na hindi na muna siya magmamahal. Ang iniiisip ko na lang ay, hindi na ako pwedeng maunahan pa ng iba.

Isang buwan na no'ng malaman ko ang pagkakapalit ni Elise at ni Claire ng kaluluwa tuwing umaga, napaisip ako ko no'n kung mahal ko nga ba si Elise kung hindi naman talaga siya ang mas madalas kong makasama pero sa pag-iisip mas napatunayan ko lang na si Elise talaga ang minahal ko at hindi si Claire.

Mas mahal ko 'yung Elise na nagtuturo sa 'kin sa math, 'yung Elise na palagi kong nahuhuling late na umuuwi, 'yung Elise na nakasama ko no'n sa simbahan at 'yung Elise na kinantahan ko no'ng gabing niloko siya niya gago niyang ex. Hindi 'yung Elise na palagi kong katabi at kasama sa school.

"Easy naman Elise. High blood?" Naalimpungatan ako sa pagsalita ni Jane at napaiwas ng titig kay Elise.

"Kasi naman Jane, may inaasikaso ako tungkol sa project tapos tumawag ka, akala ko may emergency."

"Walang emergency Elise ano ka ba! May announcement lang ako. At dahil kayong dalawa lang ang nakapunta, kayo lang ang makakarinig ng announcement ko." Ano naman kaya 'yon? Sana naman hindi niya ako ibuko.

"Ano naman 'yon Jane?"

"Wait lang. Darling!" sigaw niya. Tinawag niya yung boyfriend niya.

"Ano yun honey? Andito na pala sila." Ineexpect din niya kami? Mukhang nasabi na ni Jane sa boyfriend niya kung ano man 'yung plano niya.

"Excuse me lang Kyle, bakit kami nandito? Anong i-aanounce niyo? At sobrang excited kayo at tumawag pa tong girlfriend mo kahit gabi na." sabi ni Elise na halatang napipikon na. Nagholding hands naman sila sa harap namin at may ipinakita sila na naka-suot sa kamay ni Jane, sa ring finger to be exact.

"Oh my god! Jane? Engaged ka na? Congrats! Pero hindi parang ang aga pa? Hindi pa nga tayo graduate!" sunod sunod na sabi ni Elise.

"Engaged lang naman! Hindi pa papakasal. Kaya ko kayo pinapunta kasi ang boring magcelebrate ng kaming dalawa lang." pagpapaliwanag ni Jane. So set up nga ba 'to? O hindi?

"Bakit kaming dalawa lang? Nasaan yung tatlo?" Nakita kong nag-isip ng dahilan si Jane, confirmed, set up lang 'to.

"Si Ellie hindi ko macontact, tapos 'yung dalawa nagdate daw nung pagtawag ko sa bahay ni Xavier."

"Gano'n? Sayang naman. Ano pang hinihintay natin? Ilabas niyo na yung pagkain! Alam niyo namang may curfew ako e!" Tumawa si Elise tapos hinila na niya si Jane papuntang kusina. Kaming dalawang lalaki naman sumunod na lang.

"Kyle bakit naman naisipan mong magpropse na agad kay Jane?" tanong ni Elise

"Wala lang, masyado ko kasi siyang mahal kaya para sure na ako, na kami talaga ang ikakasal in the furure." sagot ni Kyle.

"Kapag engaged na hindi na pwedeng maghiwalay? E 'yung mag-asawa nga nag-hihiwalay e!" pambabara ni Elise. Natawa ako sa sinabi niya, may point naman siya.

"Hoy Elise! Pwede ba! 'Wag mong pairalin 'yang pagka-ampalaya mo. Ibahin mo ang darling ko kay Xavier at Jed."

"Easy lang naman Jane! High blood e! Oo na, good luck sa relationship niyo. Ikaw Kyle subukan mo lang lokohin at iwan tong best friend ko, tingnan natin kung sinong pupulutin sa kangkungan."

"Hinding hindi ko 'yon magagawa kay Jane, Elise." sincere na sabi ni Kyle.

"Wag puro satsat! Gawin mo na lang. Okay?" sagot ulit ni Elise

"Hay nako Elise sabi nang wag bitter e!" natatawang sabi ni Jane.

"Tse! Ikaw na nga 'tong pinaproprotektahan ko ikaw pa 'tong may ayaw."

"Kasi naman Elise. Maging open ka naman sa mga manliligaw." Napatingin ako kay Jane pagkasabi niya no'n. Anong ibig niyang sabihin? Sinong manliligaw?

"Wala naman akong manliligaw e." depensa ni Elise. Wala naman pala, ano ba 'yung pinagsasabi ni Jane?

"I mean simula kasi no'ng nangyari, masungit ka na pagdating sa boys, kaya nakakatakot ka na. Pati ng si Sean sinusungitan mo na!" Bakit napasok nanaman ako sa usapan? Nako Jane! Tumingin naman sa 'kin si Elise na parang 'di siya makapaniwala.

"Nasusungitan ba kita Nath?" tanong sa akin ni Elise.

"Ha? Hindi naman, medyo lang." Totoo naman yung sinabi ko, medyo naging mailap sa lalaki si Elise, halos si Jane lang ang palagi niyang kasama sa school. Kahit pa nasa katawan siya ni Claire.

"Gano'n? Sorry. Hayaan mo babawi ako." Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian. Kung pwede lang matunaw, tunaw na ako.

"'Yan ganyan nga bumawi ka naman kay Sean, kaibigan mo naman 'yung tao.' Wag mong dinadamay sa kabitter-an mo." sabi ni Jane sabay ngumiti ng nakakaloko sa 'kin.

"Manahimik ka nga Jane, hindi ako bitter."

Nag-asaran at nag-usap usap lang sila. Ako naman, taga-tawa, taga-tango, taga-iling, at kung anu-ano pang gestures. Para lang akong pipe.

"Jane wait lang ha, tumatawag si papa." Tumango si Jane tapos lumabas muna ng bahay si Elise.

"Sean naman! move move din! Para kang pipe d'yan! Daldalin mo naman si Elise. Kahit kailan talaga ang torpe mo! Ikaw na nga 'tong tinutulungan namin e." sabi sa 'kin ni Jane, pagkalabas ni Elise.

"Ano ba kasing gagawin ko?"

"Alam mo sean hindi pwede na puro paramdam ka lang kasi guguluhin mo lang 'yung utak ni Elise. Kailangan umamin ka na sa kanya tapos patunayan mo. Kasi kung puro paramdam walang kasiguraduhan. Malay ba niya kung anong meaning ng mga ginagawa mo."

"Jane hindi naman gano'n kadali 'yon. Sinabi niya sa akin noon na ayaw na niyang mag-mahal."

"Sean, okay ka lang? Naniwala ka do'n? Malamang nasabi niya yun kasi broken siya no'n. Masakit pa 'yung mga nangyari. Pero hindi naman talaga niya isasara yung puso niya. Ipapahinga lang niya. Gets mo ba? Kaya galaw galaw din bago ka maunahan."

"Bahala na." 'Yon na lang ang nasabi ko kay Jane. Pumasok na ulit si Elise at tinuloy 'yung kinakain niya. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung mga sinabi ni jane. At napag-isipan kong, dapat na siguro akong umamin. Handa naman akong maghintay hanggang sa magbukas ulit yung puso ni Elise.

,1 


Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 104K 62
May iba't ibang klase ng tao sa mundo, isa na ro'n ang isang Mataray at isang Mahangin. Isang Mataray na buhay prinsesa at kinaiingitan ng iba. Isang...
The Spanish Guy By mandirigma

Historical Fiction

693 164 29
TO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia...
32.1K 1.5K 41
Dear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?
440K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)