Hunter's Temptation

By vampiremims

27.7M 532K 75.8K

Hunter Dela Cruz, known for being the sexy beast and the brother of Thunder Dela Cruz, swore that he would ne... More

Hunter's Temptation
-
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue (REPOSTED)
HT BOOK FOR SALE

Chapter 3

585K 11.4K 1.3K
By vampiremims


Hi, guys. I'm inviting everyone to watch Wattpad Presents: Unwanted Girlfriend. From July 20-31, every 9 pm :) Use #UnwantedGirlfriend sa twitter, ha? :)

--

Halos pasikat na ang araw nang umuwi si Hunter. Nagpalipas siya ng gabi sa opisina para tapusin ang mga kailangan para sa deal nila sa mga Koreano na makikisosyo sakanila. Gustuhin man niyang sisihin si Thunder dahil ito dapat ang maghanda ng mga ito, hindi niya magawa. Alam niyang abala ang kapatid sa pamilya nito... na nasa bahay nila ngayon.

Naulingan niya ang ingay sa library ng bahay nila kaya naman naglakad patungo roon si Hunter. May ilaw sa loob na siyang ikinataka ng binata.

Sino ba ang gagamit ng library nila ng ganito kaaga? Ang daddy lang nila ang alam niyang may ganyang habit pero imposible ng mangyari iyon. Lumapit siya dito at binuksang mabuti ang pinto. Napailing siya nang mapagtanto kung sino ang nasa loob.

"Seriously, Thunder? May balak ka bang manakot? Malayo pa ang araw ng mga patay." Pumalatak siya. Thunder's sitting on the couch wearing his pyjama's only. May nakasabit na puting t-shirt sa balikat nito at may hawak na papel.

"Yaan mo, ipagtitirik kita sa araw na 'yon. Makakaabot ka pa." Ani Thunder sa kapatid. Naisip niyang basahin ang ilang kontratang hindi niya masyadong napag-aralan dahil abala siya sa sariling pamilya. He woke up early and decided to read those documents. Ayaw naman niyang magising si Rain kaya sa library siya nagpunta. Hindi niya akalaing makikita siya ni Hunter. At mukhang kauuwi lang nito.

"Where have you been?" Thunder asked Hunter. Napailing naman si Hunter at ibinagsak ang sarili sa couch.

"I've been busy, too, brother..." He said. Tinanggal ang pagkakabutones ng pangalawa at pangatlong butones.

"Kailan ka ba titino, Hunter?" Tanong ulit ni Thunder sa kapatid. Nilingon siya ni Hunter at tsaka ito ngumisi. "Just because you're married now, kailangan kong magtino. Masyado akong gwapo para matali sa isang babae. Love's not true, bro. Nasa isip mo lang 'yan... or maybe, init ng katawan."

"Tangina mo." Tumayo na si Thunder at inilagay ang hawak na papel sa ibabaw ng mesa. "Huwag ka ngang naglalalapit kay Theon lalo pa kung ganyan ang maririnig niya sa'yo." Tinitigan siya ng masama ni Thunder.

"But I am right." He chuckled.

"Yeah, and you'll be damned if the girl for you came. Karmahin ka sanang gago ka." Ani Thunder. Lumakas naman ang tawa ni Hunter.

"Hindi mangyayari 'yon, Thunder." May kasiguraduhan sa tinig niya ngunit may isang partikular na mukha ang lumitaw sa isip niya.

Agad siyang umiling upang mawala ang imaheng 'yon. Tinignan naman siya ni Thunder. "We'll see." Ani Thunder bago lumabas ng library.

Sumandal si Hunter at ipinikit ang mata. Wala siyang balak magpatali o magkaroon ng commitment. Okay na siyang hanggang kama lang ang relasyon at malinaw sa mga ito ang limitasyon.

Tumayo na rin siya at nagtungo sa kwarto niya. Matapos hubarin lahat ng damit ay tumapat na siya sa shower upang mapreskuhan ang katawan. Hindi siya papasok ngayong araw para mas maayos ang kontrata. Gagawin nalang niya iyon mamaya paggising niya.

After wearing his boxers, ibinagsak na ni Hunter ang katawan sa kama. Nakadapa siyang natulog habang nakatodo ang air-con. Tinignan niya ang oras sa cellphone, 5 am... tantiya niya'y tanghali na siya magigising ngunit wala namang kaso. That'll be okay. Wala naman siyang ibang plano. Ipinikit niya ang mata at maya-maya'y iginupo na siya ng pagod at antok.

"Kuya, wake up!"

Isang boses ang tila nanggugulo sa maidlip na tulog niya kaya naman itinakip niya ang unan sa ulo.

"Kuya!" Niyugyog nito ang balikat niya. Hindi niya mapigilan mapamura sa isip.

"Kuya, wake up!" Malakas na sigaw ng kapatid niya na naging dahilan ng pagbato niya ng unan sa kapatid. Hindi naman niya nilakasan. Sapat lang para manahimik si Mika. "What the fuck is your problem, Mikaela Michelle?!"

"Masakit 'yon, ha!" Pinanlakihan siya nito ng mata. Niyakap nito ang unan at nag-indian sit pa sa ibabaw ng kama niya.

He made a mental note to lock his door... and add another lock. Dahil ang master key ang ginagamit ni Mika.

"Ano bang problema mo? At anong oras na ba?" Tanong niya sa kapatid. Napilitan siyang bumangon at humila ng t-shirt sa drawer. Hindi nila inugali ni Thunder ihantad ng ihantad ang katawan sa harap ng kapatid na babae.

"Well, it's 9 am na. Kuya told me not to wake you but I need you!" She dramatically said. Humiga pa ito sa kama niya. Tinignan naman niyo. "After maxing out my credit card, may kailangan ka pa?" He asked her. Hindi siya galit sa ginawang paggastos ni Mika. Nagagalit siyang naputol ang tulog niya.

"No, hindi ako manghihingi ng pera, no." Irap nito sakanya. Umupo siya sa kama at tinignan si Mika. "So, what is you need this time?"

"I need you to drive me to my new condo." She grinned. Nangunot ang noo niya. "What condo? You bought another condo?" He asked her.

"Look, Kuya... I bought it because it's maganda and..."

"Nag-aadik ka ba?" Tanong niya dito. Ang alam niya'y may condo na si Mika na malimit nitong tirahan dahil doon sa bahay nila ito nakatira. Now, she bought another condo? Nag-iisip ba si Mika?

Sumimangot si Mika sa kapatid. "I bought it kasi it's besides Mikael's condo..." naulingan ni Hunter ang lungkot sa boses ng kapatid.

It's one of the reason why doesn't want to commit. Nakikita niya kung gaano kalungkot si Mika sa tuwing maiisip si Kerko.

"Anong plano mo sa isa mo pang condo?" Tanong na lang niya para iiwas ang usapin sa lalaking iyon.

"I'm selling it." Mikaela shrugged. "Now, I need your help to go there. You know I still can't use my Porsche and Cruze. Ayoko namang mag-cab. So, please?" Ani Mikaela na nagpapacute pa sa kapatid. Umiling siya. "Inaantok pa ako."

"Kuya naman, eh. Dali na." Pamimilit ni Mikaela sakanya. Itinulak niya ito pababa ng kama niya bago muling humiga at tinakpan ang ulo.

"Kuya, itatapon ko lahat ng condoms mo kapag 'di mo 'ko sinamahan." Pagbabanta ng kapatid. Natawa nalang siya. Imposibleng magawa iyon ni Mika dahil ayaw nitong humawak ng condom.

"Kuya, I'll behave na, I promise." May pagsusumamo na sa boses ni Mika. Hindi niya pa rin pinansin.

"Kuya..."

Nilingon niya si Mika. Napamura siya ng mahina bago bumangon. "Oo na!" Angil niya dito. Alam niyang hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya papayag. Agad namang nagtititili si Mika at lumabas na ng kwarto niya. Agad siyang naligo at nagbihis. Pagbaba niya ay nakabihis na din si Mika at naghihintay sa living room nila.

"Pwedeng kumain muna ako, Mika?" Sarkastikong paalam niya sa kapatid nang tumayo ito nang makita siya.

"Okay. Malelate naman daw ang designer, eh." She smiled at him. Bumalik ito sa sofa at naupong muli at kinalikot ang cellphone. Mabilis lang siyang kumain pagtapos ay lumabas na din. Ang Hummer niya ang ginamit nila papunta sa bagong condo ni Mika.

"Ba't may designer?" He asked his sister.

"She's actually an interior designer, Kuya. I just feel that I need her. I mean, of course, I can design the condo naman, but maybe mas maganda if expert, diba?" Ani Mikaela na puno ng saya ang mukha.

Napailing nalang siya. Ang sabi ng kapatid ay sa coffee shop nila kakatagpuin ang designer. Bakit ba ang hilig magkape ng mga tao at laging coffee shop ang tagpuan?

Matapos iparada ang sasakyan, sinundan na niya si Mika na pumasok sa loob.

"OMG, Ate. I'm super glad you said yes!" Ani Mikaela sa babaeng kayakap na nakatalikod sakanya. He checked her. Mula sa likod ay masasabi niyang maganda ito... pero paano kung hindi pagharap?

"Anyway, I'm witj my brother..." nakangiting sabi ni Mika sa kaharap. "Kuya!" she called him. Lumapit naman siya.

"Kuya, you know Ate Zyline naman, diba? She's Kuya Blue's sister. She's the one I am telling you about." Nakangiting pakilala ni Mika kay Zyline sakanya. "Ate Zy, he's my Kuya Hunter."

"Magkakilala na kami, Mika." Ani Hunter sa malamig na tinig. He thought it's someone else. Hindi pala. Umupo na siya at binalewala ang tingin ng babaeng kaharap.

"Kuya!" Saway ni Mika sakanya pero hindi niya pinansin.

"Sorry, Ate Zy. Ginising ko kasi siya kaya masama ang timpla niya." Paghinging paumanhin ni Mika kay Zy.

"It's okay. It's really hard to have a brother. I feel you, Mika." Nakangiting sagot ni Zyline bago umupo. Nagtama ang mata nila at inirapan siya nito na akala naman nito ay may pakialam siya.

He ordered black coffee while Zy's having cappucino. Si Mika naman ay cafe latte ang inorder. Nakamasid lang siya sa dalawa habang nag-uusap. Pinapakita ni Zyline kay Mika ang mga pictures ng mga nagawa na nito.

"So you want purple and pink and strawberries?" Zyline asked Mikaela. His sister nodded excitedly. Nang magkasundo ang mga ito, nagpunta na kami sa condo unit ni Mika. Maganda naman ang napili ni Mika. Maganda ang facilities, mukhang maayos din naman ang security.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagdedesign. Nakita ni Hunter ang mga bagong gamit sa loob. Maybe he can help with his sister's condo. Hindi saklaw ng kaalaman niya sa architecture ang mga ganitong bagay pero baka may matulong siya.

Paglingon niya ay si Zyline nalang ang nakita niya. Luminga-linga siya.

"Where's my sister?" Tanong niya kay Zyline.

"She went out. Pupunta daw sa kabilang unit." Sagot ni Zyline. Ni hindi siya tinapunan nito ng tingin.

Napailing siya. His sister's being dramatic again.

"You think you can do this?" He asked Zyline. Walang ibang ibig sabihin ang tanong niya ngunit mukhang iba ang naging dating kay Zyline.

"Anong tingin mo sa akin, Mr. Dela Cruz? Hindi ko kaya 'to? It's actually a piece of cake, just so you know." Tinaasan siya nito ng kilay.

"Whoa. I mean no harm, Ms. De Guzman. I just asked you." Depensa ni Hunter dito.

"Whatever. Huwag mo akong itulad sa'yo na puro babae ang laman ng isip." She once again rolled her eyes. Kumunot naman ang noo ni Hunter.

"At paanong nasali ang mga babae ko sa usaping ito?" Hindi niya napigilan ma-amuse sa kaharap. Inirapan lang siya ulit nito.

"I want to be involved here." Ani Hunter na nagpalingon kay Zyline. Nagulat siya sa sinabi ng binata. Him? On this project? Why?

"I don't need your help. Thank you so much. May staff ako na tutulong sa akin. Hindi na kailangan ang tulong mo." Tanggi niya sa binata. Hindi niya alam pero naiinis siya sa presensiya nito. He's Hunter Dela Cruz at alam niya kung gaano ka-playboy ang binata.

"Who told you I'll help you?" Tanong ni Hunter na ikinalingon niya. Naka-krus ang braso nito sa dibdib at nakaraas ang isang kilay. "Sorry to disappoint you but I'll do that for my sister."

Kumunot ang noo niya. Nakapag-usap na sila ni Mika at alam niyang okay na ang plano nila. Bakit nakikisali si Hunter sa planong ito?

"Look, Mr. Dela Cruz, okay na ang plano namin ng kapatid mo which make you out of this stuff, okay?" Hindi niya naitago ang iritasyon sa boses niya.

Natawa naman si Hunter sa inasal ng dalaga. "Trust me, my sister will let me meddle in."

Bumalik si Mika makalipas ang ilang sandali. "Ate Zy, okay na?" She asked her. Tinanguan ni Zyline ang kapatid niya bago tumingin ng matalim sakanya.

"Okay, great!" Masayang sabi ni Mikaela. "Kuya, let's go na?" Aya sakanya ng kapatid.

"I want to be involved here, Mika." Seryosong sabi ni Hunter sa kapatid. Nabigla naman si Mika. "You? Here? Why?" She asked him.

He shrugged.

"Uhm..." Mikaela looked at Zyline. Napailing nalang si Zyline. "Okay?" Alanganing pagpayag ni Mika.

"So it's settled, Ms. De Guzman. Bring your plans on my office tomorrow." Ngumisi si Hunter kay Zyline. Inirapan naman siya ni Zyline.

Pag-alis nila ay hindi mawari ni Hunter ang nararamdaman. He's happy and hyped. Nanatili lang siya sa bahay maghapon at nakipaglaro sa pamangkin. Natapos din niya ang mga dokumentong kakailanganin sa deal nila ng magiging kasosyo nila.

Kinabukasan, tanghali na nagpunta sa office si Hunter. Naabutan niya sa loob ng opisina ang isa sa mga babaeng alam niyang nakama niya.

"What are you doing here, Miranda?" He asked her. Hindi ito sumagot, sa halip ay sinunggaban siya ng halik. Tinugon niya naman ang mapangahas na halik ng dalaga. Ultimo ang paglulumikot ng dila nito'y ginaya niya.

Sapo ng kamay ni Hunter ang dibdib ng dalaga nang magring ang telepono sa opisina niya. Humiwalay siya sa dalaga para sagutin ang tawag ngunit patuloy naman si Miranda sa paghalik sa leeg niya 

"Hello?" Sagot niya sa telepono.

"Sir, Ms. De Guzman's here. May usapan daw po kayo." Ani ng sekretarya niya. Agad namang pumasok sa isip niya ang mukha ni Zyline. Napangiti siya. He still can play, just play.

"I have a meeting today, Miranda..." inawat niya ang dalaga na patuloy pa din sa paghalik sakanya.

"But Hunter..." she pout seductively. Napangiti siya. "I'll just give you a ring tomorrow."

Labag man sa loob ay umalis na sa kandungan niya ang dalaga at inayos ang suot at ipinasok ang dibdib sa loob ng damit na suot. "Tomorrow, okay?" she said. Yumukod ito at hinalikan siyang muli.

Paglabas ni Miranda ay inayos ni Hunter ang sarili. Natanggal ang pagkakabutones ng polo niya at maging ang buhok ay nagulo. Nabigla siya nang pumasok si Zyline sa loob.

"What the..." natigilan si Zyline nang makita siya. Umiiling-iling ito.

"I'm sorry, Ms. De Guzman. Inaayos ko ang aking sarili nang pumasok ka nalang bigla sa opisina ko." Ngumisi siya habang dahan dahan pang ibinubutones ang polo. "That girl can eat me alive! Mukha na ba akong pormal sa'yo ngayon? Hindi na ba ako bastos tignan?" Tanong niya matapos niyang maibutones lahat.

Hindi siya sinagot ni Zyline. Sa halip, ay inilabas nito ang sketch pad at ipinakita ang plano sakanya. "Purple and pink ang gusto ni Mika kaya iyon ang gagawin ko. I will make some part na magmumukhang strawberry ang design since she asked for it, too. Lalo na sa kwarto niya. I am planning to buy some furnitures in France. Plano ko din na magpapunta ng staff ko sa Canada to buy some stuffs to make her condo beautiful. May mga nakausap na din ako para sa iba pang kailangan. So okay na ang lahat." Ani Zyline sa pormal na tinig.

"Okay." Tumatango-tango si Hunter sa sinabi ni Zyline.

"See, I told you, I can do this." May pagyayabang sa tinig nito. Natawa naman si Hunter. "Sketch pa lang 'to. Huwag kang magyabang agad."

Inirapan na naman siya ni Zyline. "Leave this and I'll send it back tomorrow." Kinuha niya ang pad at pinagmasdan ang ginawa ng dalaga.

"Okay." Tumayo na si Zyline. "I have to go. I'll expect it tomorrow." Naglakad na palabas si Zyline nang tawagin siya ni Hunter. Nilingon naman niya ang binata.

"Napaisip lang ako sa mga sinabi mo..." tinitigan sita ni Hunter. Hindi niya alam kung bakit pero tila nanayo lahat ng buhok niya sa katawan dahil sa pagtitig ni Hunter.

"Ano 'yon?" Tanong niya sa binata.

"Saan ko ipapasok? Mukhang mahihirapan ako, eh. Mukhang hindi mo ako binigyan ng papasukan."

Pinamulahan si Zyline ng pisngi dahil sa kahihiyan. Hunter's really rude!

"Napakabastos mo talaga!" Anas niya sa binata.

"What? Nagtatanong ako kung saan ako makakapasok sa plano mo dahil wala kang nabanggit na gagawin ko." Sagot naman ni Hunter. Umiling-iling ito. "Hindi bale na. Makakahanap din ako ng paaran. Makakapasok ako sa ayaw at sa gusto mo."

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" Nagmamadaling iniwan ni Zyline ang binata.

Hindi naman mapigilan ni Hunter matawa. At iiling-iling na bumulong... "Hirap makipag-usap sa virgin."

Continue Reading

You'll Also Like

893K 7.8K 13
Asher experienced downfall when his first love died. He shut everyone out of his life. He became addicted to all his vices and he chase death just s...
24.5K 309 44
Yuri Cabresa, isang simpleng single mom. But her life would soon take a sudden turn ng magkaroon ng sakit ang anak niya. She would've never imagine n...
18.2K 108 1
The Monasterios Random Scenes
2.2M 55K 34
Warning | R18 | Mature Content Synopsis: Hiyasmin Real sa edad na trenta ay hindi pa niya naranasan na ma-inlove. She's NBSB -No Boyfriend Since Bi...