Playing Between the Sheets

By BigBossVee

449K 6.3K 923

"Lintek! Ano ba? Sabing hindi 'to si Adam!" Naiirita niyang sagot dito. Hindi ba ito nakakaintindi? "Hindi ka... More

Playing Between the Sheets
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven

Chapter Three

50.3K 960 174
By BigBossVee

Chapter 3

"You're going to have a vacation with one of the yummiest bachelor in town and you don't even have a single bikini with you?" Di makapaniwalang tanong ng kanyang kaibigan na si Megan. Buti nalang kahit hindi pareho ang interes nila sa buhay ay nagkakaintindihan parin sila sa isa't isa.

They were currently having coffee at Starbucks to catch up with each other. Bumalik na kasi galing sa London si Megan after three years of working there as an editor-in-chief sa isang prestigious magazine. She was currently on her vacation. "Kailan ba ako nagkaroon ng interes sa mga bikinis, Meg?" Walang ganang tanong niya dito.

"Then we'll have to do something about that, won't we?" Nakangising tanong nito sa kanya. Oh no, she already knew what was going inside Megan's mind.

Binaba niya ang kanyang cup sa mesa. "Meg, thank you for the very kind offer of helping me which is alam kong gagawin mo din kahit hindi mo pa sinabi, but I don't even have the slightest interest to go shopping for a bikini."

Tinaasan siya ng kilay ni Megan. "So anong susuotin mo pag pumunta kayo sa Bora at Surigao?"

Nagkibit lang siya ng balikat. "My usual get-up maybe?"

Napahalakhak si Megan. "Are you serious, Axia? Loose t-shirts, baggy pants and your favorite Vans?! Yan susuotin mo sa Bora?"

"Hey! What's wrong with what I wear? Komportable naman ako nito ah!" Depensa niya sa kanyang sarili.

"Axia, I know you're comfortable with your style pero natitiyak akong huhubarin mo parin yan pagdating mo ng Bora at Surigao dahil sa sobrang init! Baka ma-heat stroke ka pa." Napaisip siya sa sinabi nito. She has a point.

Nagpatuloy ito nang hindi siya nagsalita. "At susuot ka ng Vans sa isang beach? Are you sure? You'll feel really uncomfortable."

Ininom niya ang kanyang kape habang iniisip kung meron ba siyang sandals sa bahay. Napasimangot siya nang matandaang binigay niya lahat kay Chey ang mga sandals na binili sa kanya ng kanyang ama noon. "Well..."

"And talaga bang hindi mo huhubarin yang bullcap mo at ilulugay ang buhok mo? Magkakaroon ka ng kaspa at lisa dahil sa sobrang init kung itatago mo yan diyan sa helmet mo! Sige ka! Magkakakuto ka talaga!" Pananakot nito sa kanya. Napaisip siya nang tinanong ni Adam sa kanya noon kung may kuto ba siya sa ulo. Crap.

Ilang minuto din siyang natahimik sa kanyang upuan. Megan was just smiling at her dahil alam nitong bibigay na siya sa kung ano man ang gusto nito. She sighed before drinking the last drop of her Frapuccino. "Fine! You win! Anong gagawin ko?"

Megan was now grining at her like an idiot. Napamura siya sa kanyang isip. She's gonna kill me. I know she will.

"Oh, Alexandria. Ako na ang bahala sayo."

-

"Turn around one last time, Ax." Utos ulit sa kanya ni Meg.

"The hell, Meg? Pang sampung ikot ko na to ah? Nahihilo na ako dito!" Naiiritang pahayag niya kay Megan na nakatunganga parin sa kanyang harap. Nasa loob sila ng kanyang kwarto at pinapasukat nito sa kanya ang lahat ng kanilang pamili.

"You don't have any idea how sexy you look, Alexandria. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin!" Nilingon niya ang kanyang sarili sa salamin at napatango. Well, she looked okay. She was currently wearing a maxi dress with a bare back. Okay naman ang fitting niyon sa katawan niya but she felt naked! How in the world do women survive wearing dresses like these?

"Pwede ko na ba tong hubarin, Mahal na senyora?" Kalokong tanong niya dito. Kanina pa kasi siya nito inuutusang suotin ang mga dress na pinamili nila.

Ngumiti ito sa kanya. "Sure. Now it's time for the bikinis!" Kinuha nito ang isang kulay pula na bikini galing sa isang karton. They fucking bought ten pairs! Ten fucking pairs of bikinis in different colors, styles and designs! Ang isang tang-inang piraso ay tumatakbo sa halagang—

"Wear this, Axia! Ang cute kasi tingnan oh? The design and color will surely flatter your skin! Ano kaya ang magiging reaksyon ni Adam pag nakita ka niyang naka bikini for the very first time?" Kinikilig na tanong nito sa kanya. Nandiri siya sa sinabi nito. Yuck.

Hinablot niya sa kamay nito ang iniabot na isang piraso. "Gaga! Ba't naman ako bibigyan pansin ng gunggong na yon? Nakalimutan mo na bang sa Boracay kami pupunta? Ang daming magaganda't sexy na babae doon noh!" Binigyan niya ng emphasis ang salitang Boracay.

"Maganda ka naman ah? And you're sexy as hell! I'm sure hindi ka aalis sa line of vision ni Adam pag naisuot mo ang bikining iyan!" Pambobola nito sa kanya. She just rolled her eyes and went inside to her bathroom.

Nang naisuot na niya ang bikini ay lumabas na siya ng banyo. There was no way in hell she's gonna wear one of these! Ramdam niya'y parang wala na siyang naitago! She might as well wear nothing dahil wala naman din—

"Ahhhhhh!!!!" Nagulat siya ng biglang sumigaw si Megan. She was looking at her with wide eyes and an open mouth. Did she really look that bad? Alam naman niyang wala siyang curves sa katawan pero pumupunta naman siya sa gym every weekends to tone her body.

Tinaas niya ang dalawang kamay. "I knew I look hideous in these! I'll take it off then give it all to you if you want—"

"No!!!!" Sigaw ulit nito. Naka-drugs ba itong kaibigan niya na hindi niya nalalaman? Bipolar ba ito o may psychological disorder?

"Wow, Meg. Di mo naman kailangang sumigaw. I'm standing right in front of you!" Aakma na siyang papasok sa banyo ng bigla nitong hinila ang braso niya.

"You, my dear friend, are going to be a legend!" Kinuha nito ang cellphone and started taking pictures of her.

Napamura siya ng malakas sa ginawa nito. "What the fuck are you doing?!"

"Instagram." Simpleng sagot nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Ha? Instagram? Ano ba yan? Porn site yan ano?! Gagawin mo pa akong porn star ha." Mabilis niyang hinablot ang cellphone nito at binura ang mga litrato.

"Tanga! Anong porn site?! It's a social networking site where you can post your pictures, okay?" Natatawang paliwanag nito sa kanya. Ibinalik na niya dito ang cellphone nito habang natatawa parin ito na parang sira ulo.

"That's stupid. So you take pictures and then post them there? Then what?" Kinuha niya ang isang kulay pula na satin robe sa mga pinamili niya at sinuot.

Kinukunan parin siya nito ng litrato pero wala na siyang pakialam. "Well, you will then have hundreds and thousands of likes if they find your picture cute and attractive! Dadami din ang followers mo."

Napailing nalang siya sa sinabi nito. "So ganun lang 'yon? Take a picture, wait for someone to like it, then have followers? That's it?"

"Yeah, I know it sounds boring but it's pretty addictive! You can—Wait, bakit ba tayo nag-uusap tungkol sa Instagram? We should be talking about how stunning you look—" Naputol ang sasabihin nito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. It was Adam calling. Ano na naman ang kailangan nito?

"What is it now?" Walang ganang sagot niya kay Adam.

Tumawa ito ng mahina sa kabilang linya. "You sound so low, Ax. May problema ba?"

Napabuntong-hininga siya. "Anong kailangan mo, Adam? Sabihin mo na."

"You. I want you." Walang ka gatol-gatol na sabi nito.

Ilang segundo siyang napatulala at napahalakhak ng malakas. "Tarantado! Ano ba kasi? Ba't ka napatawag?"

"Wala naman. I just wanted to hear your voice." Minura niya ito sa isip at ibinaba ang tawag. She hated it pag pinaglalaruan siya ni Adam. Tumataas ang dugo niya sa ulo.

Wala pang isang minuto ay tumawag ulit ito. "Fuck you, Adam."

Ngayon ay tumawa na ito ng malakas. "Later, sweetcheeks. I just wanted to tell you that I'll pick you up seven in the morning tomorrow. Be ready by then."

"Bakit pa? Kaya ko naman ang sarili ko papuntang airport." Ano siya? Baldado at kailangang umasa sa iba?

"Don't fight with me, Alexandria. Sabay na tayong pupunta sa airport bukas whether you like it or not." Yun lang at binaba na nito ang tawag. Typical Adam. Binababa talaga nito kaagad ang tawag pag ayaw nitong makipag-away sa kanya.

Binalingan niya si Megan na nakatitig parin sa kanya. "Thank you, Meg, for helping me buy these useless things! Really, kahit sobrang expensive ng mga pinamili natin at kahit anong pigil ko sayo dahil impractical na ang presyo ay hindi mo talaga ako pinakinggan. Thank you so much!" Sarcastic na sabi niya dito na nagpatawa lang sa kanyang kaibigan.

"Oh, but you will thank me later, Alexandria." Makahulugang sabi nito.

Tinaasan lang niya ito ng kilay. "Oh, really?"

Kinuha na nito ang bag at tumayo galing sa pagkakasalampak sa kanyang kama. "Please have sex with Adam, okay? It's about time you lose that V-card of yours."

Napangiti siya ng mapait sa sinabi nito. If only you knew, Meg. If only you knew.

-

"Anak, nasa baba na si Adam at hinihintay ka." Sabi ng kanyang ama habang kumakatok sa kanyang pintuan. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. She looked like a completely different person! Tiyak siyang magugulat ng husto ang kanyang ama pag nakita siya nito. "I'm coming."

She was wearing a floral dress na pinatungan niya ng kulay puti na bolero. The dress was a few inch above her knees and she wore a three-inch high wedge. Inilugay niya din ang kanyang bagong gupit na buhok. Gone was her straight and boring hair that she always loved. Pinaputulan iyon ng konting layers ni Meg kahapon sa parlor and decided to change her hair color into light brown. Bakit ba ako pumayag kahapon kay Megan? Nagsisising tanong niya sa sarili. Kahihiyan lang ang makukuha niya sa bakasyon na iyon.

Tiningnan niya ulit ang sarili sa salamin. She looked... girly. Wala na ang bullcap niya at itinago ni Megan ang kanyang paboritong Vans. Wala ding loose t-shirts at baggy pants sa loob ng kanyang maleta. Si Megan mismo ang nag impake sa kanya kagabi. She was about to tie her hair up ng kumatok ulit ang kanyang ama. "Anak, lumabas ka na. Ano pa ba ang hinihintay mo? Nasa baba lang kami."

Kinuha na niya ang kanyang maleta at ang kanyang bagong bili na handbag that was worth four thousand fucking pesos. Hindi niya alam kung ano ang nakain niya kahapon at hinayaan niya si Megan na bilhin ang mga walang kwentang bagay. Huminga siya ng malalim bago lumabas sa kwarto.

Kahit nasa second floor siya ay rinig na rinig niya ang boses ni Adam na nakikipag-usap sa kanyang ama. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. What if pagtawanan siya ni Adam pag nakita siya nito? Edi ibato mo sa mukha niya yung mamahaling handbag mo. Napangiti siya sa kanyang naisip.

Nasa taas na siya ng hagdan pero hindi parin siya pinapansin ng dalawang lalaki. Dahan-dahan siyang bumaba bitbit ang kanyang mabigat na maleta, nagdarasal na sana'y hindi siya dadausdos sa pababa. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pagdurusang pumanaog sa hagdan ng mapansin niyang biglang tumahimik ang paligid. She looked up and saw Adam and her father literally gaping at her.

Nanlaki ang dalawang mata ng mga ito habang nakanganga sa kanya. "Wagas din kayong maka-react ha. Parang nakakita lang ng multo." Nagpatuloy siya sa kanyang pagbaba ng nakita niyang nagmamadaling lumapit sa kanya si Adam.

"Let me help you." Sabi nito sa kanya habang kinukuha ang kanyang maleta.

"Anong let me help you? Ano ako baldado? At tsaka, hindi mo naman ako tinutulungan kahit noon pa ah." Hindi niya binitawan ang kanyang maleta kahit kinukuha na nito sa kanya iyon.

Ngumiti ito sa kanya, using his signature smile na alam niyang ginagamit nito sa mga babaeng nakakasalamuha nito. Immune na siya doon dahil ilang beses na niyang nakita iyon pag may pinopormahan itong babae. "I won't let a fine young lady suffer."

"Fine young lady mo yang mukha mo! Gagong 'to. Umalis ka nga sa dinadaanan ko." Hindi pa siya nakahakbang pababa ng biglang nagsalita ang kanyang ama. "Alexandria! Ikaw na nga 'tong tinutulungan ni Adam, ikaw pa tong nagmumura?"

Tumango-tango si Adam. "Tama nga naman, Axia. Ako na nga 'tong tumutulong, ako pa ang minumura?" Ulit na tanong ni Adam sa kanya. Binitawan niya ang kanyang maleta at nakasimangot na binalingan si Adam. "Bastard." Bulong niya dito at nagmamadaling bumaba.

Ngumiti ng malapad ang kanyang ama ng lumapit siya dito. She felt really awkward somehow. "Tay naman eh. Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Mas lalong nakakailang."

Niyakap siya ng kanyang ama. "I'm so proud of you, Alexandria."

Napatawa siya ng wala sa oras. "Tay naman. Kala mo may napalanunan akong premyo."

Hindi na siya niyayakap ng kanyang ama pero nakatingin parin ito sa kanya na para bang ilang taon na silang hindi nagkita. "You look just like your mother." Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kanyang papa. Ilang segundo din silang tahimik ng tumikhim na ito at tumingin kay Adam.

"Adam, ikaw na ang bahala dito sa anak ko. Wag na wag mo siyang ilalayo sayo." Tugon nito kay Adam.

"Tay! Salamat sa concern pero hindi na po ako bata. I can take care of myself." Naiinis na sagot niya sa kanyang ama. Her father only smiled at her and then patted Adam on the back. "Have fun you two."

-

Natapos na nilang nai-check in ang kanilang mga bagahe at napagdesisyon nilang kumain muna bago pumasok sa waiting area. Kasalukuyan silang sumasakay sa escalator ni Adam papuntang third floor kung saan naroon ang mga restaurant. Kanina niya pa hinahanap ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag pero hindi niya parin ito mahanap-hanap. "Adam. Tawagan mo nga yung number ko."

Hindi ito sumagot kaya inulit niya ang kanyang sinabi. Nang hindi parin ito nagsalita ay nilingon niya ito sa kanyang likod. Adam was blatantly looking at her legs with a boyish grin on his face. "Not bad, Ax. I didn't know you had very nice legs. I am such a lucky—Aray!"

Hindi nito tinapos ang sasabihin dahil ubod lakas niyang hinampas ang mukha nito ng hawak-hawak na bag. "Tarantado ka talaga! Were you seriously checking me out?" Iritadong tanong niya dito ng naka-upo na sila sa isang seafood restaurant. Hinimas-himas pa din nito ang pisngi kung saan ito natamaan ng bag niya at hindi siya pinansin. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo ito at tumungo sa counter.

Anong nangyari dun? Kasalanan din naman nito kung bakit niya hinampas ang mukha nito ah? She just shrugged and continued on searching for her phone until she finally found it. Bumalik na si Adam sa kanilang table at inilabas ang iPhone. They practically ignored each other until their food arrived. The whole lunch ay hindi din sila nag-uusap sa isa't isa.

Nang matapos na silang kumain ay lumapit na ang waiter bitbit ang kanilang bill. Babayaran na niya sana ang kanyang pagkain ng biglang nagsalita si Adam. "Don't insult me, Alexandria." Nilabas nito ang isang limang daang piso at inabot sa waiter.

What was the matter with him? Ba't ba biglang uminit ang ulo ng mokong? Galit ba ito dahil sa ginawa niyang paghampas sa mukha nito? "Oy, Adam." Tawag niya dito. Papunta na sila sa waiting area kung saan i-aannounce ang kanilang flight number.

Nilingon siya nito with a blank face. "Ano?"

"Wag ka nang magalit. Gwapo ka pa din naman eh. Di naman nagkaroon ng galos yung mukha mo." Biro niya dito to lighten up the tension pero mukhang mas lalo ata itong nainis. Napahinto ito sa paglalakad at hinarap siya.

"Axia, sa tingin mo nagagalit ako dahil sa paghampas mo?" Iritadong tanong nito sa kanya. Napahinto siya bigla sa tanong nito.

"Yan naman ang rason kung bakit ka naiinis sa akin hindi ba?" Nakakunot-noong tanong niya dito. Umiling ito at napabuga ng hangin.

"I'm pissed because you can't accept a simple compliment, Ax." Nagulat siya sa sinabi nito. That was not what she was expecting! Buong akala niya'y nainis ito sa kanya dahil baka nagalusan niya ang mukha nito.

"I know what you're thinking, Axia. Sa halos dalawang dekada nating pagkakaibigan ay alam ko na ang bawat kilos at pananalita mo. Sa tingin ko nga'y mas kilala pa kita kaysa sa sarili mo. I am not that superficial like you think I am. I thought you knew me better than that." Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na ito sa kanya at nagpatuloy sa paglakad.

Napaisip siya sa sinabi nito. Twenty years na nga silang magkakaibigan ni Adam pero buong akala niya'y wala itong alam tungkol sa kanya. He was a womanizer after all. He changed women like he changed his boxers. He had so many girlfriends that she didn't even bother to count anymore. Sa dinami-dami ba naman ng naging nobya nito, malay niya ba at nag e-exist pa din siya sa mundo nito?

-

It was their second day at Davao pero malamig pa rin ang trato sa kanya ni Adam. What in the world was the matter with him? Ilang beses niya nang nilapitan ito pero hindi pa din siya nito kinikibo. She joked around, made fun of herself, even bothered to say the most stupid thing she could ever think of, but still it was useless. Ang taas din ng pride ng isang 'to ah?

Kasalukuyan siyang bumibili ng souvenirs sa Aldevinco, isang shopping center harap ng Marco Polo Hotel kung saan sila nakacheck-in, nang biglang tumawag si Adam sa kanyang cellphone. Iniwan niya ito sa kanilang suite ng hindi sinasabi kung saan siya pupunta. She needed to get away from him as soon as possible! The tension between them was so palpable to the point it was starting to suffocate her. Ginawa na niya ang lahat para magkabati silang dalawa pero hindi pa din siya nito pinapansin.

"Ang init naman! Nagiging waterfalls na ata 'tong kilikili ko eh!"

"Gusto mo ng massage? Mukhang pagod na pagod ka kasi sa biyahe eh."

"Gutom ka na ba? I can order food downstairs if you want."

"Ang ganda talaga ni Anne Curtis ano? Ang puti pa ng legs at kilikili!"

"Gawa kaya tayo ng Harlem Shake?"

"Pahiram ng iPhone? Maglalaro ako ng 4 pics in 1 word!"

But of course, hindi siya binigyan pansin nito. Kahit isang ngiti o tawa lang man ay wala siyang nakuha. She grimaced and ignored his call. She switched her phone into silent mode and continued shopping souvenirs. After an hour ay bumalik na siya sa kanilang hotel suite. Yes, he only reserved one room for the both of them! At first ay akala niya'y nagbibiro lang ito sa kanya pero nang hindi pa din ito nagsalita ay tinanggap nalang niya sa kanyang sarili na makakasama niya ulit ito sa isang kama.

Thankfully, wala namang nangyaring kababalaghan so far.

When she entered their room ay nakatayo si Adam sa may bintana at tinatanaw ang buong lungsod ng Davao. It was a breathtaking view! It was actually her first time to visit the city, and up until now, it still amazed her. The city was squeekly clean, she never saw anyone using a cigarette in public, and people were bringing out their cellphones and gadgets without even thinking that someone might snatch it away from them. Rinig niyang strikto daw talaga ang mayor ng lungsod na iyon kaya naman ay masyadong mababa ang rate ng hold-uppers at snatchers. Astig.

"Saan ka nanggaling?" Malamig na tanong ni Adam sa kanya. Hindi niya ito pinansin at inilapag sa ibabaw ng mesa ang pinamili niya. She went directly to the bathroom and locked the door. Wala pang isang minuto ay kumakatok na si Adam sa pintuan ng banyo. "Axia, open the door."

Hindi pa rin niya ito pinansin. Pataasan pala ng pride ha. Tingnan lang natin. Nang hindi parin siya sumasagot sa tawag nito ay mas lalong nilakasan nito ang pagkatok ng pinto. "Alexandria, open the goddamn door!"

"Manigas ka diyan." Bulong niya. Hinubad niya ang kanyang suot na puting sundress and stepped inside the shower cabin. She needed a good long cold shower. Sa sobrang init sa labas ay tiyak siyang makakapagprito na siya ng itlog. Rinig niya parin ang mga banta ni Adam sa labas pero hindi niya ito binigyang pansin.

When she was about to turn on the shower ng biglang pumasok si Adam sa banyo. Napatili siya sa sobrang pagkabigla. There was nothing she can use to cover herself except for her hands and arms! Nasa upuan malayo sa kanya ang towel at dress. And there were no fucking shower curtains! Her hands tried everything to cover her nudity. "What the hell, Adam? Ano bang kailangan mo?!" Sigaw niya dito.

Ilang segundo din itong napatigil sa harap niya, scrutinizing her whole anatomy. His eyes travelled from her face down to her breast na tinabunan ng kanyang kaliwang kamay. And then his gaze travelled lower to where her right hand tried it's very best to conceal her body. She probably looked like a stupid porn star right now. Napamura siya sa kanyang naisip.

Biglang uminit ang kanyang pisngi sa klaseng tingin na binigay sa kanya ni Adam and she didn't have to look at the mirror to know that she was blushing profusely. Why was he looking at her like that? "Hoy! Bingi ka ba? Sabi ko anong kailangan mo?" Tanong niya dito na animo'y para itong pre-schooler.

"I—uhh.. I need—uhh. I need... Ehem!" Para itong sira ulo sa harap niya. Well, would you look at this? Adam The Great is speechless. Tinaasan niya ito ng kilay. "Need what you stupid retard?"

Hindi pa din umaalis ang mata nito sa kanya ng bigla nitong kinapa-kapa ang vanity, his hands reaching the first thing he touched. He raised his hands without even bothering to look at what it was. "I need this!"

He was holding a fricking napkin. "You need my napkin?" Pilosopang tanong niya dito na nakataas parin ang isang kilay.

Nang ma-realize nitong isang napkin pala ang hinahawak ay tumango-tango ito, obviously trying to convince himself for his stupid acting. "Y-Yeah. I m-mean why not? For emergency p-purposes you know." Nauutal na paliwanag nito na mas lalo atang nagpainit ng kanyang ulo. But for some crazy reason, she wanted to laugh out loud for what he just said. Emergency purposes? Seriously?

"What? So your gonna wrap it around your dick? That kind of emergency purposes?" Kalokong tanong niya dito. He was such a bad actor.

Bago pa man nito sagutin ang kanyang sinabi ay inunahan na niya ito. "Ok, Adam. You can have my napkin so you can wrap it around your precious specimen like a birthday present! Now scoot!"

His eyes shifted to her face, staring at her as if it was the first time he had seen her. Tumikhim muna ito bago tumango at nagmamadaling lumabas sa banyo. What the hell was that all about? Natatawa parin siya sa kagaguhan ni Adam habang ipinagpatuloy ang naudlot niyang pagligo.

Pagkatapos niyang maligo ay hinalungkat niya talaga ang kanyang maleta para maghanap ng pantalon o t-shirt, pero ang tanging nakita niyang damit na makakapagbalot ng kanyang katawan ay ang isang kulay aquamarine na maxi dress. Mabilis niyang sinuot iyon at lumabas ng banyo.

Adam was sitting comfortably at the chair ng tumigil siya sa harap nito, hands on her hips. "So did you wrap it already? Don't forget the ribbons!"

Tinaas nito ang dalawang kamay and then smiled. Wow, this was actually the first time he smiled after their little fight and honestly, she missed seeing it. "Okay, okay! It's my fault! I'm sorry! Di ko naman alam na maliligo ka pala. Kanina pa kasi ako katok ng katok sa pintuan pero di ka naman sumasagot."

Napahilot siya sa kanyang sentido bago huminga ng malalim. "Well, ano ba 'yang sasabihin mo at parang atat na atat kang makausap ako?"

He stared at her face for a few seconds. His lips forming slowly into a smile. "Let's eat lunch." Tumayo ito at inilahad ang kamay.

"Ano? Yun lang? Yan lang pala sasabihin mo sakin?" Di makapaniwalang tanong niya.

Tumaas ang kilay nito. "Why? Were you expecting something else?" Kinuha nito ang kaliwang kamay niya and guided her outside their suite.

Sinuntok niya ito sa tagiliran. "Ulol! Syempre! Katok ka ng katok sa pinto, kala mo may mangri-rape sayo dito eh mukha ka namang hinayupak." Saad niya dito. Bago pa man sila tuluyang lumabas ay bigla siya nitong hinila palapit dito, making her stumble on her feet to his chest.

His arms suddenly encircled her waist and he leaned towards her. Buong akala niya'y hahalikan siya nito kaya naman ay na paralyze ang buong katawan niya, but then he stopped a few inches away from her face enough for her to see the mischief in his eyes. "One more punch from you and I swear I'll kiss you."

Napanganga siya sa sinabi nito. "Aba't! Hoy! Sinong tinatakot mo?"

Bigla siyang itinulak nito sa likod ng pintuan. He then placed both of his hands at the door, making her his instant prisoner. He leaned so close that she can already smell his aftershave. "Do it then. Suntukin mo ako. We'll see what happens next." He said in a serious tone, all mischief gone from his eyes. It was replaced by... Pinilig niya ang kanyang ulo at itinulak ito palayo.

"Puro ka satsat! Lumabas na nga lang tayo! Nalipasan ka lang ng gutom!" Pagkasabi noon ay nagmadali siyang lumabas sa kanilang kwarto at tinungo ang elevator, missing the smile that appeared on Adam's lips.

________________________________________

NOTE: ON HOLD muna ang story na 'to. Priority ko pa kasi yung A Deal is a Deal. Thank you for understanding! x

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
124K 4.4K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
822K 38.7K 28
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...