Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

By Sweetmagnolia

26.7M 622K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... More

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD

501K 11.9K 2.4K
By Sweetmagnolia

  

                                      *****

Hindi pa sumisikat ang araw ay nagjojogging na si Alex sa isang malapit na parke. Ilang oras siyang tumakbo at tumigil lamang siya nang matantiya kailangan niya nang umuwi upang mag-ayos para sa klase.

Masigla niyang tinunton ang daan pauwi. Nagpupunas siya ng pawis at iniuunat-unat ang mga braso at ang leeg.

“Ay sorry po!” wika niya nang may matamaang kasalubong na mama habang nag-iinat ng braso.

“Okay lang miss,” sagot ng lalaki sabay tango sa kanya.

“Sorry po ulit,” nahihiyang paumanhin niya ulit saka muling nagpatuloy sa paglalakad.

Makailang dipa pa lamang ang nalalakad niya’y bigla siyang napahinto. Lumingon siya sa likuran at muling tiningnan ang likod ng naglalakad na mama. Nakasuot ito na polo at slacks bitbit ang isang messenger bag. Nag-isip siya ng ilang sandali. Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Hindi niya lamang matandaan kung saan niya ito nakita.

Nang wala siyang maalala ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ngunit nang nasa harapan na siya ng gate ng mansiyon nina Blake ay bigla siyang napahinto. Nagbalik sa isipan niya kung saan niya nakita ang lalaki….Siya ang kausap ni Grace sa fastfood.

Bigla siyang nagtaka kung ano ang ginagawa ng mama sa ganito kaeksklusibong village. Napailing siya. Marahil ay malapit dito ang pinapasukang trabaho nito. Ngunit kaano-ano ito ni Grace? Sa pagkakaalala niya ay may iniaabot itong pera sa kaklase nang makita niya. Hindi niya naman ito ama dahil naikwento nito na nasa probinsiya ang kanyang mga magulang at nagboboard lamang siya sa loob mismo ng UP campus. Baka naman kamag-anak ito ng babae.

Itinigil niya ang malalim na pag-iisip at pumasok ng gate. Masaya siyang nakipagbatian sa mga guwardya. Subalit makailang hakbang ulit ay muli na naman siyang napahinto. May unti-unting umuusbong sa dibdib niya na hindi niya maintindihan kung ano. Naisip niya ulit si Grace…Si Grace, ang babaeng maraming alam tungkol kay Blake. Siya rin ang bukod tanging kaklase na may eksaktong-eksaktong kahalintulad nila ni Blake ng schedule ng mga klase.

Nanlaki ang mga mata niya sa namumuong hinala. Patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagmadaling umakyat ng kanyang kuwarto at pagkapasok na pagkapasok dito ay kaagad niyang hinagilap ang cellphone.

“Hello Inspector Corpuz.”

“Good morning Inspector Valdemor. Ang aga mo atang napatawag. Are you still trying to pull off the act na namimiss mo ako?” pabirong bungad ng binata.

Natawa naman muna ng bahagya si Alex nang maalala ang mga nangyari sa date nila. “Good morning. Pasensiya ka na kung maaga akong tumawag. Naistorbo ba kita?”

“It’s okay. I’m already preparing papuntang headquarters. Meron ka bang sasabihing importante?”

“May iemail ako sayong pangalan at litrato ng isang babae. Isa siya sa mga kaklase ni Blake. Sayo ko lang muna sasabihin ito dahil hindi pa ako sigurado sa kutob ko. May nakasalubong akong isang lalaki ngayong umaga dito sa compound nina Blake na minsan ay nakita ko ring kausap ng babaeng ito. Medyo malapit itong classmate na to sa akin kung kaya’t madalas ko itong makakwentuhan. At isa sa mga napansin ko ay marami itong nalalaman tungkol kay Blake.”

“Okay. I will search about her infos. Isama mo na rin sa e-mail mo yung mga personal information na naikuwento niya sayo. And if we found some conflicts, I think we have to investigate her more or pasusundan din natin siya.”

“Sige gagawin ko inspektor. Sa ngayon tutukan ko rin ang taong ito. Salamat. Bye.”

“Wait, inspector. I just want to tell you something,” habol ni James.

“Ano yun Inspector Corpuz?”

Bumilang ng ilang segundo bago nakapagsalita ang binata. “I-I hope you’re not getting yourself too attach to Blake Monteverde. I assume na hindi pa rin nawawala sa isip mo that everything about him is temporary…”

Natigilan si Alex sa narinig. “I-Inspektor anong ibig mong sabihin?”

“I don’t mean anything big. I’m just saying…you know to remind you as a friend before someone else get hurt especially you or maybe Blake…”

“I-inspector ba-bakit ka nagsasalita ng ganyan?”

“Everything is just part of our job, Inspector Valdemor…That’s all. Bye…”

“B-Bye….”

Nakanganga at natutulalang ibinaba ni Alex ang telepono. Parang may dumapong palad sa kanyang pisngi kasabay ng pagbuhos sa ulo ng isang baldeng tubig. Sapol ang tama sa dibdib niya ng mga huling salita ng kasamahan. Tila nagising siya sa isang malalim na pagkahimbing at unti-unting natauhan sa sitwasyon nila ni Blake. Batid niyang kaya nakapagsalita ng ganoon si James dahil napansin na nito ang pagiging malapit niya sa binabantayan. Maaring napupuna nitong unti-unti niya nang nakakalimutan ang dahilan kung bakit nasa tabi siya ni Blake.

Nadadala na siya ng sitwasyon. Hindi niya alam pero iba ang saya at pagiging komportable niya sa bawat sandaling kasama niya si Blake. Pakiramdamdam niya ay sa lalaki niya nararanasan ang maraming bagay na hindi niya napagdaanan nung siya’y teenager pa lamang. Pansamantala siyang nakalimot. Nakalimutan niyang trabaho lang si Blake. Nakalimutan niyang dahil sa hinayaan niyang magkalapit sila ay maaring may masasaktan isa man sa kanila sa bandang dulo.

Tok.Tok.Tok.

Nanghihinang binuksan niya ang pinto. Tinitigan siya ni Blake mula taas hanggang baba.

“You’re not ready yet?”

“K-kakatapos ko lang magjogging…”

Napansin ni Blake ang pananamlay niya. Napatingin din ito sa hawak niyang cellphone. “What’s wrong with your face? Did you just receive a bad news?” nag-aalalang sabi nito.

“W-wala. Nasobrahan lang siguro ako sa jogging.”

“Then hurry up. We’re having breakfast now.”

“Ma-mauna na kayong kumain Blake kasi maliligo pa ako. Sa-sasabay na lang ako kina Manang Cora.”

“No. We will wait for you. Alam mo naman si Lolo, gusto niyang kasama ka lagi sa mesa pag kumakain.”

Natigilan ulit si Alex. Pati nga rin pala kay Don Henry ay napapalapit na siya masyado. “S-sige. B-bibilisan ko na lang...”

Paano na pag nabuking na siyang pagkukunwari lang ang lahat?

                                                                         -----

Pagdating sa hapag kainan ay nanatiling tahimik si Alex ngunit pilit itinatago ang pananamlay.

“Blake I want to invite your girlfriend tonight for a dinner,” ani Don Henry.

Natigilan sa pagsubo ang lalaki.“L-Lolo I’ll ask her first. I can’t say yes now. I’ll call you later after I talk to her. Sana sinabi niyo ng mas maaga so she can ready herself.”

“Bakit kailangan niya pa bang ihanda ang sarili para sa pakikipagkilala sa lolo mo. Can’t she just act naturally. Can’t she be like Maya? Someone who’s willing to show her real color na walang halong anumang pagkukunwari,” komento ng matanda.

Muntik ng mabilaukan si Alex sa narinig. Dali-dali siyang napainom ng tubig at napayuko.

“That’s not what I mean grandpa. Of course you can’t blame her na kabahan siya kapag kaharap kayo. It’s natural,” paliwanag ni Blake habang napapatingin sa nasamid na babae.

“Bakit si Maya hindi man lang nati-tense kapag kaharap ako?”

“Eh Don Henry. Iba naman po kasi ang sitwasyon ko. Kaibigan lang po ako ni Blake, hindi naman po ako girlfriend,” mapagkumbabang katwiran ni Alex.

“Ikaw Maya kapag makakaharap mo ba ang lolo ng boyfriend mo ay ninerbyosin ka rin?” tanong ng matanda.

“H-hindi ko po alam. Hindi ko pa po kasi nararanasan ang ganyang bagay. Pero siguro po kasi mag-aalala din po ako na baka hindi ako magustuhan. Natural lang naman ho yata yun.”

 “Do you personally know the girlfriend of my grandson?”

 “Opo.”

“What can you say about her. Bilang malapit na kaibigan ni Blake ay mahalagang marinig ko ang opinyon mo tungkol sa kanya.”

Nagkatinginan sina Blake at Alex. Nginitian ng dalaga ang lalaki bilang pahiwatig na huwag itong mag-alala sa kanyang sasabihin.

“Mabait po ang girlfriend ni Blake. Hinding-hindi ho kayo madidismaya kung sakaling siya ho ang mapiling babaeng pakakasalan ng apo niyo. Matalino, maganda, masayahin at mahal na mahal ho nun si Blake. Tiyak kung maaalagaan ho siyang mabuti nun.”

“Blake can you marry someone who has personality like Maya?”

Nasamid uli si Alex.

“Then why don’t you ask Maya to marry me. I’m more than willing to accept her. Habambuhay kong tatanawin sayong utang na loob yan lolo,” sabay ngisi ni Blake sa dalaga nang di malaman kung nagbibiro o seryoso.

Nginusuan ni Alex ang lalaki.

 “Oo nga naman Maya. Close na close kayo ni Blake pero bakit nga naman hindi mo magustuhan ang apo ko? Napapangitan ka ba sa kanya?”

Nagsimulang mamula ang mga pisngi ni Alex. “Sinabi ko naman ho sa inyo dati na hindi ako mahilig sa prinsipe,” pahayag niya sa matanda.

“Blake is not a prince forever. Sooner or later he will become a king. Ayaw mo pa rin?”

“Mas lalong ayaw ko po.”

“Ano ba kasi ang gusto mo sa lalaki? Masyado ka yatang pihikan kaya hindi ka nagkakaboyfriend?” pangungulit pa rin ni Don Henry.

 “Hindi po ako pihikan. Ayaw ko pa lang ho talagang makipagrelasyon. Masaya na po ako sa buhay ko.”

Dudugtong pa sana si Don Henry ngunit kaagad itong pinutol ng dalaga.

 “Tama na po. Huwag niyo po akong pagtulungang maglolo. Ibalik po natin sa girlfriend ni Blake ang usapan,” sabay yuko ni Alex upang itago ang namumulang mga pisngi samantalang lihim namang nagngisian at nagkindatan ang maglolo.

                                                                 ------

Sa sasakyan, tahimik at seryoso pa rin ang mukha ni Alex habang nagmamaneho. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang narinig mula kay James. Walang pasabing idinampi ni Blake ang kamay nito sa leeg niya.

 “May sakit ka ba?” anito.

 “W-wala…”

 “Do you want me to drive?”

 Umiling siya.

 “Kanina ka pa kasi matamlay. I’m starting to miss your smile,” biro nito.

 Naantala ang kanilang pag-uusap nang tumunog ang telepono ng lalaki.

 “Hello Hayden.”

Patingin-tingin sa kanya si Blake habang nakikipag-usap. Sinesenyasan siyang wala itong balak sumama sa pagyayaya ng kaibigan.

“Sorry bro, can’t go out tonight. I might have a dinner with grandpa. Bawi na lang ako next time. Bye.”

“Napapansin ko lang. Bakit nga pala mukhang hindi ka na nagsasama lately sa barkada?” tanong niya nang ibaba ng lalaki ang cellphone.

“I don’t want to upset someone,” sabay baling ni Blake ng tingin sa mga nadadaanang gusali.

“Mabuti naman kung ganoon. Mukhang maganda nga ang epekto sayo ni Marianne.”

 “It’s not Marianne.”

“Sino ang lolo mo?”

 “No.”

“Eh sino ang ayaw mong magalit?”

Seryosong tumingin si Blake sa katabi. “You.”

Natameme si Alex. Napapalunok na ibinaling niya ang buong atensyon sa daan. Di niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ng kausap.

“B-bakit naman ako?” tanong niya makalipas ng ilang sandaling pananahimik.

 “I can’t handle your anger,” diretsong sagot ni Blake.

Muling nanahimik si Alex. Bawat segundong dumadaan ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung dahil nakokonsensiya siya o dahil napaalalahanan siyang may hangganan ang pagiging malapit nila ni Blake sa isa’t isa.

“B-Blake….”

 “Yes?”

“Na-nasaktan ka na dati ni Marianne di ba?” tanong niya habang nakatuon pa rin ang mga mata sa daan.

“Yes.”

 “Ma-madali ka bang magpatawad?”

 “It depends on the pain.”

 “Pe-pero napatawad mo rin si Marianne di ba?”

“But it took a year bago ko natanggap ang nangyari and besides I found out that it was not really her fault. Her mistake was not intentional.”

Mas lalong hindi siya makatingin kay Blake. Intentional? Eh sa kaso niya lahat ay sinadya. Lahat ay may motibo. At lahat ay nakaplano. Kung kaya’t maaring kailanman ay hindi siya mapapatawad ng lalaki.

“Why are you asking that weird question?”

“W-Wala naman. Gusto ko lang mapaghandaan ang magiging reaksiyon mo kung sakaling magkaroon ako ng kasalanan sayo.”

“Lagi ka namang may kasalanan sa akin ah. But I always forgive you. What makes you think na hindi kita mapapatawad in the future?”

“W-wala naman akong sinasabing ganyan. Na-natanong ko lang Blake.”

                                                                      ------

Pag-uwi sa bahay. Si Alex wala pa ring gana. Habang nagbubukas siya ng pinto ng kuwarto ay lumapit sa kanya si Blake.

“You want sandwich? I’ll make you one.”

Umiling siya.

“Maya, may kasalanan ba ako sayo?” kulit ng lalaki.

Huminga siya ng malalim habang diretsong nakatingin sa pinto. Di niya rin maintindihan ang sarili kumbakit hindi niya na maitago ang nararamdamang bigat ng dibdib.

 “Wala Blake.”

“You want to go outside? Gusto mo bang lumabas kasama ng barkada?”

 Sumagot uli siya ng iling.

 “Are you trying to act para makaiwas sa study session natin?”

“Hindi-”

“Then what do you want me to do?! Ayokong nakikitang nagkakaganyan ka? Anong gagawin ko para maging masaya ka?!” nag-aalala ngunit napipikong tanong ng lalaki.

Saka lamang tumingin si Alex ng seryoso kay Blake.“Gusto mo ba talagang maging masaya ako?”

“Of course!”

“Pwes, simula ngayon ay matuto kang magdesisyon para sa sarili mo, hindi para sa akin. Tanggalin mo ako sa sistema ng buong pagkatao mo. Gusto kong simula ngayon ay tingnan mo lang ako bilang isang simpleng barkada at kaklase na maaring manatili o mawala sa buhay mo anumang oras. Ibuhos mo ang buong atensyon mo kay Marianne at sa lolo mo dahil sila ang mas makakasama mo ng matagal.”

Napanganga si Blake sa walang kaabog-abog na pagpapalit ng tono ng babae. “M-maya what are you talking about?”

“Gawin mo lahat ng mga sinabi ko Blake…yan ang magpapasaya sa akin,” matigas ang mukhang payo nito.

Hindi na hinintay ni Alex ang sasabihin ng kausap. Binuksan niya ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob ng kuwarto. Isinarado niya ito nang hindi man lamang tumingin sa natutulalang mukha ni Blake. Pinilit niyang magpakita ng katapangan subalit pagkasara ng pintuan ay agad siyan napaupo sa kama. Napasapo siya sa mukha hanggang sa may maramdaman siyang basang bagay na pumapatak sa kanyang mga kamay.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
18.7M 594K 36
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh starts to lasting love, these stories have it all. Unlock now until Sept 22! ** Whe...