Hurt Me To Death

By YawningPotato

164K 2.7K 255

Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para... More

Hurt Me To Death
1st DROP : THE LIVING HELL
2nd DROP: DEVIL IN THE HELL
3rd DROP: PHOTOGRAPH
4th DROP: HE FORGOT
5th DROP: IT'S TOO LATE
6th DROP: NO, I'M STILL ALIVE!
7th DROP: MY CHANCE
8th DROP: DREAM?!
9th DROP: WELCOME BACK
10th DROP:PRETEND
11th Drop: DEATH BED
12th Drop: MEMORIES
13th Drop: BEGIN AGAIN
14th Drop: PROMISE BREAKER
15th drop- I Forgot AGAIN
16th Drop: Love you
18th Drop: Hugs
19th Drop: The Things I've Done
20th Drop: The Story Behind
21st Drop: Flash Back
22nd Drop: Hesitation
23rd Drop: Storm Within Me
24th Drop: The Day that was Forgotten
25th Drop: The Decision
EPILOGUE + BONUS CHAPTER OF MY NEW STORY

17th Drop: Unconditional Love

4.9K 92 11
By YawningPotato

CHAPTER 17

ALLIANAH

"Pagkatapos ng heart transplant mo sabihin mo sakin kung ano ang pakiramdam na may ibang pusong tumitibok para sayo. Ikwento mo sakin kung katulad ba ng tibok ng puso ng may-ari na yun ang nararamdaman mo. Pwede kaya yun? Pag ginamit mo yung puso nya malalaman mo rin kung para kanino yun tumitibok at kung sino ang mahal nun?" Tanong nya sakin habang nasa hospital bed ako.

Oras nalang ang hinihintay,malapit na ang heart transplant ko. Malapit ko na ding masagot ang mga tanong sakin ng best friend ko.

"Haha! Ano ka ba? Para kang sira. Pano ko malalaman kung para kanino yun tumitibok? Alam mo ang laman lang ng puso ay dugo at mga ugat. Hindi dun kasya ang tao kaya di ko malalaman kung sino ba yung mahal ng taong magbibigay sakin ng puso. At isa pa, wala yung bibig para sabihin kung sino ang mahal nya." Natatawa kong sagot.

"Hahaha! Oo nga naman. Malay mo lang naman. Ahaha! Basta ahh.. sabihin mo sakin kung ano ang pakiramdam ahh." Sabi naman nito at yumuko.

---

"Anak, si Ryuzaki.. siya ang nagdonate ng puso mo." 

iyon nalang ang mga kataga na binitawan ni mom sakin nang pumunta siya dito dahil tinanong ko siya kung may contact ba s'ya ni Ryuzaki. 

"Alam mo yung pakiramdam ng may ibang puso sa loob ko, Ryuzaki? Pakiramdam ko ang bigat bigat nito kasi pakiramdam ko na ang bawat pagtibok nito ay katumbas pa ng isang oras na buhay mo. Kinuha ko yun mula sayo at eto ko ngayon, inaabuso ang puso mo na tumitibok para sakin. Sana tumigil ang puso ko kahit isang pagtibok lang at katumbas nun ay isang oras na makita ulit kita." Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung naririnig nya ba ko o ano. Basta yun ang gusto kong sabihin.

Nandito ako ngayon sa reading room ni Drake. Pinatulog ko muna ang katawan ko at hiniwalay ko muna ang kaluliwa ko dito para umiyak nang umiyak.

Nakita ko ang picture nila ni Ritz na inilagay ko sa ibabaw ng study table nya. Kakalinis ko lang nun kahapon.

Napansin ko naman ang wedding photo namin na putol ang ulo ko. Hindi ko na naiwasang mapaluha.

*Pooof!*

"Alam mo na kung paano ka dapat umiyak ahh." Isang familliar na boses ang narinig ko mula sa likod.

"Light?" Napangiti ako nang makita sya sa likod ko. Naaalala ko si Ryuzaki sa kanya. Lagi syang nasa timing tuwing kaylangan ko ng kausap.

Dalidali akong tumakbo sa kanya at umiyak ng umiyak sa braso nya.

----

"Alliah?" Isang boses ang narinig ko mula sa likod.

"Uhhm.. Drake ikaw pala." I coldly said. Itinuon ko nalang ang tingin ko sa niluluto ko.

Naramdaman kong lumapit sya sakin. Napalunok nalang ako. Naalala ko nanamam lahat ng panloloko nya at lahat ng kasiningalingan nyang sinabi.

Pero di ko magawang magalit. Di ko alam kung bakit..

"..Sabihin mo sakin kung ano ang pakiramdam na may ibang pusong tumitibok para sayo..."

Naalala ko nanaman ang sinabi ni Ryuzaki. Anong pakiramdam ko?? Pakiramdam ko hindi ko kayang magalit sa taong mahal ko. Hindi ko kayang magalit kay Drake. Hindi....

Pero bakit? Ako ba talaga ang nakakaramdam nito o ang puso ni Ryuzaki? Nakakalito..

"Alliah..." tawag ni Drake sakin. Bumalik ako sa katinuan nang yakapin nya ko mula sa likod ipinatong niya ang ulo nya sa balikat ko.

Napapikit nalang ako para maiwasan kong umiyak. Dalawang patak ng luha nalang, wala na kong pag asang mabuhay pa.

"Alliah.. im s-sorry.." basag na boses nyang sabi. Maya maya pa'y naramdaman ko ang maiinit na patak ng tubig na patuloy na umaagos sa balikat ko.

Humarap ako sa kanya. I cupped his face and wipe his tears. Sana ganito din ang ginawa mo sakin noong umiiyak ako, sana may nagpunas din ng luha ko noon.

"It's okay.. I understand." I said at tumuloy na ko sa counter dala ang niluto kong breakfast nya.

"Look Alliah I-" I cut him.

"I understand. You're the owner of company kaya ikaw ang incharge at responsible doon. Im not mad at you, Drake. Dont think that I am. Alam kong yun ang dahilan kung bakit di ka naka uwi ng maaga." I smiled. Sana lang maniwala syang okay lang ako. Alam ko namang hindi sya galing sa company eh. Tumawag ako sa office niya at ang sabi ng secretary nya ay maagang nag out si Drake.

"I-im sorry.." sabi nya habang nakayuko.

Sorry nanaman? Di na nun mababalik ang luhang nasayang mo at ang chance mong mabuhay. - sabi ng isip ko.

Diba Alliah sabi naman kaya mong umiyak hanggang sa mamatay ka mapakita lang na mahal mo sya. Love really hurt Alliah pero yun din ang nagpapatibay sa isang tao. - sabi naman ng puso ko.

Tama nga sila. Ang utak ay walang awa dahil wala itong puso at ang puso naman ay tanga dahil wala itong utak.

Kaya nga siguro binigyan tayo ng Dios ng puso at utak para makapag desisyon tayo kaso magka kontra ang utak at puso ko
Anong susundin ko?

"Minsan ang tiwala ay parang pambura. Hanggat nagkakamali ka, unti unti itong nawawala." I said as I bowed my head.

Naramdaman ko namang napatingin sakin si Drake at hinawakan nya nag kamay ko.

"Gusto kong malaman kung may pag asa pa bang itama ko ang mga mali ko Alliah. I want to know. Please give me a chance." He said as he squeezed my hand.

I bit my lower lip. I want to cry but I just can't.

"Y-yes Drake.. you have a chance. An unlimited chance. Alam mo yun? Hindi nauubos ang pag asa mo. Ang unfair no? Kahit ilang beses kang magkamali may chance ka pa rin." Samantalang ako pag namatay dahil sa pag iyak sayo, wala na kong chance na mabuhay.

"Mula nang minahal kita binigyan na kita ng mahintulot na saktan ako." I said then I gave him a faint smile.

Bumagsak ang mga luha nya at patuloy ito sa pag agos. Lumapit sya sakin at niyakap nya ko.

"Im so blessed to have you as my wife. Im sorry for the pain. Im sorry for being an asshole, Alliah. I promise, you'll never regret it." He said as he hug me. Naramdaman ko ang patuloy na pag agos ng luha nya sa balikat ko.

DRAKE

God, this girl is so understanding. She's like an angle sent here from heaven.

Napaka walang kwenta kong tao for taking her for granted. Wala akong ibamg ginawa kundi ang saktan sya.

Kanina pumasok ako sa reading room ko at nakita ko na ang linis nito. Nang huli akong pumasok dito napaka kalat nito.

Nilibot ko ang buong kwarto. Naka agaw ng atensyon ko ang picture sa ibabaw ng study table ko. Picture namin ni Ritz.

Kuha ito nang araw na mag propose ako sa kanya na maging fiance ko. Parehas kaming masaya nang araw na yun.

Napansin kong wala iyong alikabok. Hindi naman ako naglilinis ng reading room ko actually ngayon nga lang ulit ako pumasok dito eh. Pero parang kakalinis palang nito wala itong kahit isang dumi.

Nakaagaw din ng pansin ko ang wedding picture naming dalawa ni Alliah na nasa ibaba ng study table ko. Mukha atang nahulog ito.

Hindi tulad ng picture namin ni Ritz, sa picture namin ni Alliah hindi ako nakangiti. Hindi ako masaya, at ayokong maging masaya.

Pinunit ko pa nga yung ulo Alliah sa picture na to sobrang inis ko eh. Pero naaalala ko kung ano yung itsura nya dito. Nakangiti sya. Malawak ang ngiti nya pero halata sa mata nya ang lungkot.

Napansin kong basa ito. May mga patak ng tubig na sariwa pa. Parang... parang luha.

Naalala ko si Alliah..

Okay lang Drake. Kasalanan ko din naman eh. Umasa akong kaya mo kong mahalin. Umasa ako, ang ending? Ayun! Nasaktan ako.

I faced palm. "Shit!!" I cursed.

Sinaktan ko siya. Ang daming sakit ang naidulot ko sa kanya pero bakit patuloy nya parin akong minamahal ang inaalala?

Ganun ba sya ka tanga o baka ganon nya ko ... kamahal. To the point na ginagawa nyang tanga ang sarili nya.

Kaya eto ko ngayon.. nakayakap sa kanya.

"Im so sorry for the stupid things I've done." I said.

"Shh.. stop. You're forgiven." I herd her said. " 'coz I love you, Drake." She added.

"T-thank you..." I answered.

Bakit ganun? Ang simple lang naman na sabihin ng Ilove you too para mapagaan ang loob nya kumpara sa ginagawa nyang pagsasakripisyo para lang mapatawad ako. Pero ba't di ko magawa? Ganun ba yun kahirap??

ALLIANAH

"...'Coz I love you.." I said. Baka sakaling I love you too na din ang maisagot nya sakin.

"T-thank you." Sabi nya habang naka yakap parin sakin.

Naramdaman ko ang sakit na gumuhit sa puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Tama bang isagot ang 'Thank you' pag sinabihan ka ng 'I love you'? Well, buti nga din 'thank you' ang sagot nya eh, hindi 'Im Sorry'.

--**To be Continued**--

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 651 32
Upang makabayad sa milyong-milyong utang ng pamilya Santiago, pilit na ipinagkasundo si Solenn ng kanyang mga magulang sa nag-iisang anak ni Don Patr...
16.9K 652 53
"In the place where it all started, where I met him, and where it also end, should I go back and stay?" that was what Mira asked to herself. What wou...
32.1K 866 24
"After all, Justice in this world is just a bunch of principles made by those with power to suit themselves." (c) Phantomhive
91.2K 907 22
Paano kung ang matagal na niyang ipinagkakanulo na tao sa buong buhay niya ay na-fall sa kaniya? She's falling and she hates that. He's deeply inlo...