ViceRylle Short Story (Fate i...

Bởi NiceyToYou

49.2K 1.7K 158

Naniniwala ka pa ba sa Destiny? Sa mga chances? Well, we are all destined to meet the right person. We just... Xem Thêm

Intro
Wonder
Remembering
The Past and The Kulits
I Miss You
I Do
Face to Face
Make It Right
Kidnap For A Day
The Set Up
Extra Challenge
In the End
Last Surprise
Special Chapter

The Birthday Plan

2.5K 112 9
Bởi NiceyToYou

"Ano kaya itsura ni Meme ngayon noh? "

"Ano kaya outfit niya?"

"Pa-girl o pa-boy kaya siya today?"

"Bahala kayo! Basta makita ko lang si Meme huhuhu solve!"

"OO nga! Nakakamiss siya!"

"Sepanx!"

"Tengene! Kinikilig ako! Puki!"

"Huy! Wala pa nga! Grabe ka!"


Sa loob ng Studio 10, kanya kanyang ingay at  chikahan naman ng mga Little Ponies ni Vice na pawang mga members  ng Fans Club niya na kung tawagin ay Global Amor De Ponies Fever Party Club :D *peace mga sisters*

Busy sila sa pakikipagchikahan dahil hindi pa tapos mag-ayos ng seating arrangement ng audience si Ate Terry, nang biglang lumitaw si Direk Arnel para tignan ang audience sa studio at saglit na nilapitan ang Fans Club ni Vice.


" Hello sa inyo!" bati ni Direk Arnel sa kanila

"Hi po Direk!" Masiglang bati rin nila sa kanya sabay kaway kaway pa.

"Oh alam niyo na gagawin mamaya ha? Energy! Para mahawa ang ibang audience sa inyo"  bigay payo naman ni Direk Arnel sa kanila, bilang mga permanenteng residente na ng GGV ang mga ito :P

"Opo Direk! Kame pa ba? Woooh!" masiglang sagot naman ni Raven kay Direk.


Napangiti nalang ang Direktor sa kanila at paalis na sana nang bigla siyang may maalala


"Uhhmm.. Tokyo!" tawag ni Direk 

"Po?" takang tanong naman ni Tokyo at nilingon ang Direktor.

"Mamaya after ng taping, wag muna kayong umalis agad ha? Gusto ko sana muna kayong kausapin." sagot ni Direk


"P-Po? Bakit po Direk? Tungkol po saan sana?" Tila kinabahan naman si Tokyo at nagpapalit palit sila ng tingin nina Karylle na katabi niya at nung iba pang kasama dahil sa gulat sa sinabi ng Direktor sa kanila.

"Para sa Birthday ni Ganda" ngiting sagot naman ni Direk

"Ayyy!" Napatili naman ng malakas ang mga ito sa pagka excite bigla.

"Shhh! Mamaya na! Basta secret lang natin to ah?" natatawa na lamang ang Direktor sa kanila


"Opo! opo Direk! Secret po! Shhh... Pssst! Huy! Kayo! Walang maingay ah? Walang mag-tutweet! Pektus kayo tignan niyo!" sita naman nila sa isa't isa pero kitang kita na di mapigilan ang pagka excited nila sa kung ano man ang plano ng Direktor kasi kasama sila dahil naghahampasan na ang ilan dito.

Ngumiti lang si Direk Arnel sa kanila at tuluyan nang umalis.


Di nagtagal dumating na rin si Neggy bilang jester ng GGV. 

Nagbibigay ito ng instructions sa audience para sa tamang palakpak at kung anu ano ang mga di pwedeng gawin habang nasa loob ng studio at habang nagte taping.

Kumakanta rin siya at nagpapatawa at nakikipag-usap sa ilang audience para pang-aliw sa mga ito habang hinihintay na dumating si Vice para makapagsimula na ang taping.


Habang nakikipagbiruan sa isang lalakeng audience ay bigla na lamang sumigaw si Neggy


"Ayan na siya!! Eto na! Isang malakas at masiglang palakpakan para sa Unkaboggable Vice Ganda!!"


Sa pagkasigaw ni Neggy, lahat napalingon sa bagong dating.

Nagsihiyawan at palakpakan naman ang lahat ng audience sa saya.


Samantalang tili, hiyawan, picturan at sapakan naman ang kaganapan sa upuan ng Fans Club nya pagkakita sa kanya.


"Emeghed!! Meme Vice!"

"Ampogi! ASDFGHKLSX!"

"Naka-V neck white shirt at coat lang! Ok I Die!!"

"Meme I Love You!"

"Huhuhu Meme Vice!"

"Hi Meme!!!"

"Huy! si Papa Archie oh? Pogi!!"

"Si Papa Buern at Papa Matt din oh! Juskolord!"

"Wag kang magulo! Blurred tuloy ang picture!"


Sari saring sigaw ang mga Little Ponies niya.


Isang matamis na ngiti naman ang isinukli ni Vice sa audience niya at kaway kaway


"Hi sa lahat!" Masiglang bati ni Vice sa kanila.


"1.. 2.. 3.. We Love You Meme Vice!!!" sabay sabay na sigaw ng Little Ponies nya


Napalingon naman si Vice sa kanila at ngumiti ng matamis sabay sabi ng "I Love You too!" at kumindat


O.O

O.O

T.T

T.T

"I Kennat!!"

"ASDFGHKL!!!"

"Hoy! Sa akin siya kumindat!!"

"Deh! Sa akin yon, dito nakatingin eh"

"Huhuhu I love you Meme Vice"

"RIP nako sa kindat nya!"


Kanya kanyang agawan naman ang mga Little Ponies at natawa na lamang si Vice sa kakulitan ng mga ito.


"Ang pogi ni Vice ngayon noh? T.T" bulong naman ni Karylle kay Iza na medyo tahimik lang at pigil na pigil magingay habang titig na titig siya kay Vice sa stage. Matanda na kasi raw siya para makipagsabayan pa sa energy ng iba nilang kasama.


"Oo girl! Grabe noh?! Maganda na nga siya tas Pogi pa ngayon. Haay!! BF goals!" tili rin ni Iza sabay tulak kay Karylle na natatawa nalang


Nagsalita naman muli si Vice


"Start na tayo Direk?" sabay thumbs up ni Vice

"Okay! On my cue, in 3..2..1 palakpakan!" sigaw ni Direk


"Gandang Gabi Kapamilya!!!" 

"Gandang Gabi Vice!!!"



---------------------------------------------------------------------------


Naging maayos naman ang takbo ng taping ng GGV. Gaya ng laging kaganapan sa loob ng studio. Punung puno ito ng tawanan at good vibes :)

Nang matapos na ang taping, paalis na si Vice nang dumugin siya ng audience para makapagpicture.

Gaya ng kagawian ay inaalalay siya ng mga marshall at ng mga RM niya para makaalis agad.


Di na nakikisali sa pagdumog ang mga Little Ponies nya dahil ayaw nilang mahirapan si Vice sa pagalis at alam nilang pagod na ito. Kaya mula sa kanilang upuan at kumaway kaway nalang sila sa kanya at pagdaan naman ni Vice sa gilid nila ay kumaway  rin siya sa mga ito at nag-flying kiss ng ilang beses pa sa kanila.

Kilig at tili naman at hampasan ulit ang mga Little Ponies dahil sa ginawa niya.


Nang mahimasmasan ay umupo sila muli at hinintay na makaalis pa ang ibang audience para sa "Secret" meeting nila kay Direk.

Kanya kanyang tanong naman sila sa isa't isa kung ano kaya ang plano ni Direk para sa nalalapit na Birthday ni Vice.


Pagkapasok muli ni Direk kasama ang mga writers sa studio ay binati nila muli ang mga ito.


"Siguro mula kanina ay nagtataka kayo kung bakit ko kayo pina-stay muna at kung ano ang plano para sa Birthday ni Ganda di ba?" simula ni Direk Arnel


Tumango naman silang lahat bilang pagsang ayon.


"Well ganito kasi ang mangyayari. Sa Music Museum gaganapin ang Birthday Special ni Ganda. At gusto ko sana ay may special participation kayo para sa kanya bilang mga fans niya" dugtong niya


"Sino ba sa inyo ang magaling kumanta? O kung di naman magaling eh kayang kumanta?" tanong naman ni Maam Sol na Head Writer ng GGV


" Si ate K po!!" turo naman nilang lahat kay Karylle na tila nagulat naman ang huli


"H-ha? Huy! Bakit ako? Teka nakakahiya!" natataranta naman at tila nahihiya na sagot naman ni Karylle


"Magaling ka kaya Ate!"

"Ganda ng boses mo ate K"

"Sige na ate K! Pordalab ke Meme"

"Nung nagbi videoke nga tayo ang taas ng score mo Ate eh"

"Kumakanta ka naman talaga dati Ate di ba? Kwinento mo yun sa amin eh"

"sige na ate K!!"


Todo push naman sila kay Karylle para umoo na ito


"U-uhmm.. A-Ano po bang mangyayari Direk?" tanong naman ng dalaga sa Direktor


"Walang kaalam alam si Ganda na kasama kayo sa Birthday Special niya.. Ang tanging alam niya lang ay may kakanta sa kanya. Yun lang. Wala siyang idea kung sino. Bale ikaw Karylle, iintro ka nalang ni Neggy don at kakantahan mo siya. Tapos habang kumakanta ka, sa kalagitnaan ng kanta ay isa isa naman papasok ang ibang Little Ponies sabay abot ng tig-isang stem ng white roses sa kanya. Pwede niyo rin siyang batiin, yakapin at ikiss, bahala kayo basta wag niyo lang siyang sunggaban ah? Hehehe" natatawang sagot naman ni Direk


"Hala! Bongga yan Direk!"

"Lalabas tayo sa TV! Emeghed!"

"Mayayakap ko na si Meme!!"

"Kikiss ko siya!"

"ASDFGHKLZ!"

"Ate K! Pumayag ka na!! Please!!" sabay sabay naman sabi ng mga ito kay Karylle


Kahit medyo nahihiya at tila di pa nagsisink in sa kanya ay tumango naman si Karylle at ngumiti sa kanila. Natuwa naman si Direk at ang mga Little Ponies na kasama nya.


"Eh Direk, ano po bang kanta ang kakantahin ko?" tanong ng dalaga

"Because Of You. Yung kanta ni Kyla. Alam mo ba yon?" 

"Ayy! O-Opo alam ko po. Tamang tama para sa kanya" excited na sagot naman ni Karylle

Tila mas lalo namang na-excite ang lahat

"Good! Then it's settled! Next next week na ang Birthday Special niya kaya may enough time ka pa para paghandaan yan, kayong lahat. Okay? At tsaka kame na ang bahala sa White Roses. K, ibigay mo number mo kay Sol at kay Marvin, ung musical director natin para makipag-coordinate ka sa kanya ok?" nakangiti na pagkasabi ni Direk


"Opo Direk" nakangiti ring sagot ni Karylle.

"and please, keep it a secret" muling ni-remind ni Direk sa kanilang lahat


-----------------------------------------------------------------


Pagkauwi ni Karylle sa bahay ay di parin siya makapaniwala sa nangyari kanina.

Paulit ulit niyang iniisip kung totoo ba yung kanina o panaginip lamang.


"Totoo ba talaga yun? Oh my God! Kakantahan ko si Vice! Arrgh! Shit! Shit! kakantahan ko siya! kakanta ako para kay Vice Ganda" tila di paring makapaniwalang sambit ng dalaga habang tinatapik tapik niya ang kanyang mukha.


"Kelangan paghandaan ko to. Kelangan maayos to. Bawal magkamali. Kelangan maganda ang boses ko sa araw na yon! Jusko Karylle!! Eto na! Eto naaaa!! kinikilig na sigaw niya sa kwarto niya


"Karylle! Anong oras na! Nagsisigaw ka pa dyan!" sita naman ng nanay niya sa labas ng pinto nito.


"Ayy! Sorry Ma! Good Night po!" sigaw naman pabalik ni Karylle.


Agad naman niyang kinuha ang unan niya at doon siya nagsisigaw dahil di parin siya makapaniwala sa mangyayari.


Nang mahimasmasan ay agad siyang umupo sa may desk niya at binuksan agad ang laptop para ma-search sa Youtube ang kanta at mapakinggan ito.


Nakailang beses niyang pinakinggan ang kanta at ngingiti ngiti na lamang dahil iniimagine na niya ang kanyang gagawin sa araw na yon, nang bigla siyang may naisip na idea


"What if.. What if kakanta pa ako ng isa para sa kanya? Yung solo ko lang? Yung pagkatapos na nilang iabot sa kanya ang mga bulaklak. Baka pumayag sina Direk. Tama! " bulong niya sa sarili.


At bigla naman siyang may naalala.


Sa ilalim ng kanyang kama ay agad may kinuha siyang isang maliit na kahon. 

Sa loob nito ay may isang lumang notebook ng mga ilang kanta na sinusubukan niyang i-compose noon. 

Habang namimili siya ng kanta sa notebook ay may isang papel na nahulog mula rito.


Na-curious naman siya at agad naman nyang pinulot ito at tila nagulat sa nakitang nakasulat.



Ang nilalaman ng papel ay ang di pang natatapos na kanta na sinusulat nila noon ng kaibigan niya.


Isa itong love song...


Ang usapan nila noon ay siya ang magsusulat sa umpisa at yung kaibigan niya yung sa huli.

Parehas naman nilang idea ang chorus ng kanta. Unang natapos ng kaibigan niya ang parte nito ng kanta nila. Habang sa ang kanya naman ay blanko parin dahil noong panahong yon ay wala siyang maisip na tamang lyrics para mag-match ito.


Muling binasa ni Karylle ang kanta at nabuo ang isang idea..


"Tatapusin ko tong kantang to.. Ang tagal narin naman eh. Siguro naman pwede kong gamitin ito para kay Vice. Wala naman sigurong masama. Baka nakalimutan narin niya ito. Ang ganda pa naman ng lyrics na binuo namin noon.. " sabay ngiti ni Karylle ng matamis na tila may inaalala mula sa nakaraan.




"Kulit pahiram muna ng kanta natin ha?" sabay hawak sa necklace niya





** Hi Readers! Sana nagustuhan niyo ang new story ko? I think gets niyo naman ata di ba? :D

Mag-UUD ako agad agad habang fresh pa ang buong concept sa utak ko. hehehe.. Short story lang talaga to pramis! :D

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
441K 6.2K 24
Dice and Madisson
6.1K 122 22
Nabansagang "gay converter" si Karylle dahil sa dami na niyang natuwid na bakla. May kakaiba siguro siyang charm kaya bumabalik ang nawawalang pagka...
101K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...