Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (...

By dorshylover

3.4M 60.1K 10.7K

[Received Wattpad's Most-Read Milestone] More

"Ang Kapitbahay Ko"
Chapter-1
Chapter-2
Chapter-3
Chapter-4
Chapter-5
Chapter-6
Chapter-7
Chapter-8
Chapter-9
Chapter-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20: "Mga Alaala"
Chapter-21: "Ang Katotohanan"
Chapter-22: "Umaasa Lang Ako"
Chapter-23: "Ikaw at Ako"
Chapter-24: "Ligaya at Lumbay"
Chapter-25: "Pangako"
Chapter-26:"Ang Kontrabida"
Chapter-27: "Ano Ba Talaga Ang Totoo?"
Chapter-28: "Saya,Kilig,Sakit"
Chapter-29: "Ang Kapit Bahay..... NOON!!"
Chapter-31: "Birthday ni Darren."
Chapter-32: "Ang Regalo"
Chapter-33: "KISSpirin at YAKAPsule"
Chapter-34: "Teddy Bear"
Chapter-35: "Monthsary"
Chapter-36: "Paalam"
Chapter-37: "Walang Nagbago"
Chapter-38: "Ang Bitch at Ako"
Chapter-39: "Ang Kasabwat"
Chapter-40: "Lihim Na Pagtingin"
Chapter-41: "First Anniversary"
Chapter-42: "Beskie"
Chapter-43: "Pangako"
Chapter-44: "Sikreto"
Chapter-45: "Soulmates"
Chapter-46: "After Five Months"
Chapter-47: "Katotohanan at Kasinungalingan"
Chapter-48: "Masaya"
Chapter-49: "Cristine"
Chapter-50: "Sakripisyo"
Chapter-51: "Gabby at Renren"
Chapter-52: "Bahay Kubo"
Chapter-53: "One More Chance?"
FINAL CHAPTER
Ano Ba Talaga Tayo? (New Story!)

Chapter-30: "Nasirang Plano"

49.7K 813 182
By dorshylover

"Sigurado ka na ba na aamin ka na sa Mama mo? Aaminin mo na rin yung tungkol sa atin?" tanong sa akin ni Darren.

"Oo, sigurado na ako. Kailangan ko na maging matapang para sa atin. Gusto ko nang maging malaya tayo. Kung sakaling hindi nila tayo matanggap, ipaglalaban kita." napangiti siya sa sinabi ko.

Dumikit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Handa din kitang ipaglaban Gabby ko, hindi kita isusuko sakanila. Lahat gagawin ko wag ka lang mawala sa akin."

Napangiti ako sa sinabi niya. Magiging matapang na ako, aamin na ako kay Mama. Kailangan malaman na nila ang tunay na ako, at lalo na ang tungkol sa relasyon namin ni Darren.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at inangkin niya ang labi ko. Iba talaga ang pakiramdam ko tuwing hahalikan niya ako.

"Anong kalokohan to Gabriel?!"

Naputol ang ginagawa namin ng may marinig kaming isang boses. Halata sa tono ng boses niya ang labis na pagka-gulat at galit.

"Mama?!" Tanging nasabi ko nalang.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakakaramdam ako ng matinding takot sa mga oras nato. Kitang-kita ko kasi kay Mama ang galit sa mga mata niya.

"Tita Claire, Mahal ko po si Gab. Sana maniwala po kayo. Mahal na mahal ko po ang anak niyo." napatingin ako kay Darren nung marinig ko siyang mag salita.

"Walang hiya ka! Kung ano-anong kababuyan ang itinuturo mo sa anak ko!" Galit na sabi ni Mama kay Darren.

Nagulat ako lumapit si Mama at sinampal niya si Darren.

"Ma!" Biglang sabi ko sa pagkagulat sa ginawa ni Mama kay Darren. Pero mas ikinabigla ko nang sampalin din ako ni Mama.

"Isa ka pa! Ano ba tong ginagawa mo Gabriel? Ano ba ang nagyayari sayo?"

Napaiyak nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para mawala ang galit ni Mama at para matanggap niya ang tunay na ako, at ang relasyon namin Darren.

Bigla akong niyakap ni Darren.

"Wag niyo pong saktan si Gab, wala po siyang kasalanan. Ako, ako nalang ang saktan niyo." Sabi ni Darren kay Mama

"Oo ikaw ang may kasalanan nito! Pinagkatiwalaan kita, tapos ganyan pala ang gagawin mo kay Gab! Kung alam ko lang nagagawin mo to sa anak ko hindi na kita hinayaang lumapit sa anak ko!" Sigaw ni Mama habang pinag hahamapas si Darren.

"Ma, tama na! Wag niyo nang saktan si Darren!" Umiiyak kong awat kay Mama. Hindi pinipigilan ni Darren si Mama, hinayaan niya lang saktan siya ni Mama.

"Ma, ano nangyayari?"

Kilala ko ang boses na yun. Si Kuya Geron yun. Laking gulat ko ng makita ko si Kuya Geron at Ate Gail na papalapit sa amin.

"Etong hayop na to! Kung ano-ano ang tinuturong kababuyan sa kapatid mo!" -si Mama

"Wala pong masama sa ginagawa namin ni Gab. Nagmamahalan po kami, at hindi kababuyan iyon!" pangangatuwiran ni Darren habang yakap-yakap padin ako.

Lumapit si Kuya Geron sa amin at biglang hinablot si Darren.

"Tarantado ka! Ginawa mo pang bakla ang kapatid ko!" pagkatapos sabihin ni Kuya yun, ay sinuntok niya si Darren kaya bumagsak ito sa lupa.

"Kuya Wag!" Lalapit sana ako kay Kuya pero hinawakan ako ni Mama at Ate Gail para pigilan.

Nilapitan ni Kuya si Darren at pinagsusuntok niya ito sa mukha. Hindi lumalaban si Darren at hinahayaan niya lang ang ginagawa sakanya ni Kuya Geron. Kitang-kita ko na punong-puno na ng dugo ang mukha ni Darren.

"Tama na kuya! Wag mong saktan si Darren! Tama na!" Sigaw ko habang patuloy padin ako sa pag-iyak.

Nakita kong bumagsak na ang kamay ni Darren at parang nawalan na ito ng malay.

"Tama na! Tama na!" Sigaw ko habang umiiyak

.

.

.

.

Gabby! Gabby! Gising! Binabangungot ka! Pag gising ni Darren kay Gab.

Pagdilat ni Gab ay tinitigang niya si Darren.

"Kanina pa kita ginigising, binabangungot ka."

Hindi nagsalita si Gab. Bumangon ito at niyakap nang mahigpit si Darren. Niyakap din siya nito habang hinahagod ang likod niya.

"Ayos ka lang ba Gabby ko?"

Bumitaw si Gab sa pagkakayakap niya kay Darren para makaharap ito.

"Ok lang ako, nagkaroon kasi ako ng napaka-samang panaginip. Isang nakakatakot na panaginip." ramdam padin ni Gab ang takot dahil sa napaginipan niya.

"Ano ba yung napaginipan mo?" -Si Darren

"Napaginipan kong may nangyari sayong masama." maluha-luhang sabi ni Gab.

Niyakap siya ni Darren.

"Wag mo nang isipin yun Gabby, di ba sabi nila kung ano yung panaginip kabaligtaran daw yun ng tunay na mangyayari? Ok lang ako, walang mangyayari sa akin."

Sana nga tama si Darren, sana nga hindi mangyari ang napakasamang panaginip niyang yun. Sabi ni Gab sa isip niya.

Tumingin si Gab kay Darren.

"Kalimutan mo na yun ah? Walang mangyayaring masama sa akin. Tara tulog na ulit tayo? Madilim pa oh." Si Darren

Tumango si Gab bilang pagtugon. Humiga na ulit sila. Sa dibdib ni Darren humiga si Gab at niyakap niya ito. Niyakap din siya nang mahigpit ni Darren.

"Tulog ka na ulit Gabby ko." Sabay halik sa ulo niya.

Dahil sa napaginipan ni Gab ay parang lalo siyang natakot na sabihin ang tungkol sa kanila ni Darren sa pamilya niya.

"Paano kung ganoon nga ang maging reaksyon nila? Paano kung paghiwalayin nila kami? Kung saktan nila si Darren?" mga tanong na umiikot sa isipan ni Gab.

Dahil sa pag-iisip niyang yun ay hindi na siya dinalaw pa ng antok, hanggang sa lumiwanag na. Tiningala niya si Darren na mahimbing na natutulog.

"Hindi ko makakaya kung may mangyayaring masama sayo."

Sabi niya sa isip niya habang hinahaplos ang mukha ni Darren.

Maya-maya pa ay dumilat na si Darren at binigyan siya nito nang matamis na ngiti.

"Good morning, Gabby ko."

"Good morning din Renren ko." nakangiti niyang sabi.

Hinalikan siya nito sa labi at niyakap nang mahigpit.

Habang yakap nang mahigpit ni Darren si Gab, ay naramdaman ni Gab ang galit na sandata ni Darren. Bigla tuloy siyang nakaramdam nang pagkailang at naramdaman niyang uminit ang pisngi niya.

Bumitaw nang pagkakayakap si Darren kay Gab at tinitigan niya ito. Sandaling nagkatitgan silang dalawa. Parang nabasa naman ni Gab kung ano ang iniisip ni Darren. Nung mapansin niyang papalapit na sa mukha niya ang mukha ni Darren ay bigla siyang bumango at umupo.

Umupo din si Darren at tiningnan si Gab.

"Ba-baka nakaluto na si Mama. Nagugutom na kasi ako eh." Hindi siya maka-tingin kay Darren.

"O sige, mag-ayos na tayo para makalabas na tayo."

Tumango lang si Gab bilang pag tugon kay Darren.

.

.

GAB'S POV

-----------------------------------------------

Naisipan na namin ni Renren na lumabas na ng kwarto. Malapit lang ang kwarto ko sa dinning area kaya paglabas namin nakita namin sina Mama at Tito Henry na nagsisimula nang mag agahan.

Nung makita ko si Mama, ay muli kong naalala yung napaka samang panaginip ko. Sana nga tama si Darren na kabiglataran ang panaginip ng tunay na mangyayari.

"Good Morning po, Mang Henry, Mama!" Bati ni Darren sakanila.

Talagang kinarir na ng impakto ang pag tawag na Mama sa Mama ko.

"Oh! Gising na pala kayo. Tara umupo na kayo para makapag-agahan." Sabi ni Tito Henry.

"Tara kumain na kayo." Si Mama

Umupo na kaming dalawa ni Darren sa kaliwang bahagi ng mesa. Katapat namin si Mama at Tito Henry.

Bilang nuknukan talaga ng pagka-gentleman tong mahal kong boyfriend, bago siya kumuha ng pagkain niya ako muna ang kinuha niya.

"Kain ka nang madami Gabby ko ah! Sabi mo gutom ka na eh." Sabi ni Darren habang ikinukuha ako ng pagkain.

Nabigla ako sa pagtawag sa akin ni Darren ng "Gabby ko." Napatingin tuloy ako kila Mama. Nakita kong nakatingin sila sa amin ni Darren.

Tiningnan ko si Darren at parang wala lang sakanya, at tuloy-tuloy lang sa pagkuha ng pagkain niya.

"Alam niyo nakakatuwa kayong magkaibigan."

Kumento ni Tito Henry.

Nakita kong ngumiti si Darren sabay akbay sa akin.

"Naku, higit pa po sa kaibigan ang turing ko kay Gabby. Sobrang saya ko nga po na nakilala ko to eh." Masayang sabi ni Darren.

Umandar nanaman itong si Darren, hindi ba niya alam na baka mahalata na kami sa mga sinasabi niya. Gusto ko naman talagang umamin na kay Mama pero hindi naman sa pagkakataong ito. Kinurot ko nga ang imapakto sa tagiliran.

"Araaaaaayyy!! Masakit naman Gabby eh!!" Sabi ni Darren sa akin habang hinihimas yung parteng kinurot ko.

"Daldal mo eh! Kumain ka nalang nang kumain!" Sabi ko.

Tumahimik na nga siya at kumain nalang. Nagets niya siguro yung gusto kong iparating sakanya. Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Mama.

"Oo nga pala Gabriel, nasabi mo na ba kay Darren?"

Bigla ko naman naalala yung tungkol dun pag punta namin ni Mama kila Carmela. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Darren.

"Ano po yun?" Nagtatakang tanong ni Darren.

"Hindi pa ba sayo nasasabi ni Gab?" Si Mama

"Ma ka--" Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Mama.

"Kasi Darren hindi makakasama sayo si Gab sa Baguio."

Nakita ko ang pagka-bigla sa mukha ni Darren, tiningnan niya ako, tapos ay muling ibinalik ang tingin kay Mama.

"Pupunta kasi kami sa bahay ng Tita Carmela niya sa wednesday. Bihira lang kasing umuwi ng pilipinas yun tska si Cristine yung kababata ni Gab. Kaya pasensya na Darren kung hindi siya makakasama sayo." Paliwanag ni Mama

"Ok lang naman po, naiintindihan ko naman po." Naka-ngiting sagot ni Darren kay Mama.

"Pag-uwi nalang namin ni Gab niyo icelebrate ang birthday mo. O kaya sa ibang araw nalang kayo ni Gab pumunta ng baguio, tutal bakasyon pa naman." Si Mama

"Oo nga po, tama po kayo." Tumingin sa akin si Darren at nginitian niya ako.

Napayuko naman ako. Paktay nanaman ako. Hindi ko agad nasabi sakanya na hindi ako pwede pumunta sa baguio. Sasabihin ko naman eh, kaso itong si Mama inunahan pa ako.

Pansin ko naman kay Darren na parang wala lang sakanya. Tinuloy lang niya ang pagkain at nakikipag-kwentuhan kay Mama at Tito Henry. Pero alam ko na pinipilit lang niya na parang baliwalain lang. Alam kong nalungkot siya dahil excited siya sa pag punta namin ng baguio.

"Oh ang tahimik mo ata dyan?" Naka-ngiting sabi sa akin ni Darren. Ngumiti lang ako sakanya bilang tugon at itinuloy ko lang ang pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay nag paalam na si Mama para pumasok sa trabaho, at si Tito Henry naman ay bumalik na sa tindahan. Nag volunteer si Darren na siya na ang maghuhugas ng pinagkainan namin, siyempre tinulungan ko siya.

"Darren, sorry talaga kung hindi ko agad nasabi ah, sasabihin ko naman talaga sayo eh, inunahan lang ako ni Mama. Sorry kung hindi matutuloy yung plano natin." sabi ko habang pinupunasan ko yung nahugasan niyang pinggan.

Tumingin siya sa akin at itinigil ang ginagawa. Pinunas niya sa short niya yung basa niyang kamay tapos ay lumapit sa akin at hinawakan ako sa bewang.

"Ok lang Gabby ko, naiintindihan ko naman eh. Ipinaliwanag nanaman sa akin ni Mama." Naka-ngiti niyang sabi sa akin.

"Sorry talaga." Yumuko ako pagkasabi ko nun.

Hinawakan niya ako sa baba at itiningala ang mukha ko.

"Wag mo nang isipin yun Gabby ko, ok na. Sa ibang araw nalang tayo pumunta ng baguio. Itutuloy ko nalang yung inuman sa bahay, siguradong matutuwa pa nun sina Lito at Memeng." Naka-ngiti niyang sabi.

Ngumiti na din ako sakanya. "Intayin mo ako ah!"

Ngumiti siya at tumango. Hahalik na sana niya ako nang pigilan ko siya.

"Hep! Hep! Hep! Andito tayo sa bahay baka nakakalimutan mo? Bawal mag PBB Teens dito, remember?" sabi ko

"Oo nga pala, Tsk! Nabitin naman ako dun!" si Darren

Inilingkis ko ang magkabila kong braso sa batok niya.

"Hmmm... Mamaya nalang!" sabi ko sakanya

Napangiti naman ang impakto sa sinabi ko.

"Talaga? Mamaya? Gaano katagal??" tanong niya

"Hmmm. Ikaw ang bahala! Kung gaano katagal ang gusto mo." sabay kagat ko ng labi.

Ngiting-ngiti naman ang loko-loko. Bumitaw na siya ng pagkakahawak sa bewang ko.

"Tara bilisan na natin to, tapusin na agad natin. Excited na ako sa kiss mo sa akin!" Sabi ni Darren habang itinuloy na ang paghuhugas ng pinggan. Napangiti at napa-iling nalang ako.

Pagkatapos namin maghugas ng pinggan ay nag paalam siya sa akin na uuwi muna daw siya para maligo. Magbihis daw ako dahil may pupuntahan daw kami. Tinanong ko kung saan pero ayaw niya akong sagutin. Surprise nalang daw!

Ano nanaman kaya ang binabalak nitong impaktong to? Parang pinahamak ko ang sarili ko sa sinabi ko sakanya kanina, baka kung ano ang balak nito sa akin.

Naligo na nga ako at nagbihis. Nag short lang ako at nag t-shirt. Dun ako sa harap ng tindahan ni Tito Henry nag intay sakanya.

Seryoso akong naglalaro ng Candy Crush, nang biglang may gumulat sa akin.

"Ay Hudas!!" Halos napasigaw ako. Magugulatin kasi ako talaga eh.

"Kanina ka pa dyan??" Naka-ngiting sabi ni Darren.

"Impakto ka talaga! Bakit mo ako ginulat!" sabay hampas sa braso niya.

"Tara na! Umalis na tayo." naka-ngiti niyang sabi sa akin

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta!" sagot naman niya. pagkatapos namin mag paalam kay tito henry, ay hinitak na niya ako para lumakad paalis.

.

Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko habang naglalakad. Lakad lang kami nang lakad. Ngayon lang ako napunta sa parteng ito ng lugar namin.

"Saan ba tayo pupunta? Ano bang lugar to?"

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Magugustuhan mo kung saan tayo pupunta. Chill ka lang!"

Tumuloy uli kami sa paglalakad. Sa totoo lang nakakapagod na ah. Ang layo na nitong nalakad namin. Doon ata ako nito dadalin sa pinaka dulo ng lugar namin eh.

"Renren ko, malayo pa ba? Napapagod na ako eh."

"Hay! Malapit na. Ok lang yan minsan eh matagtag ka naman!"

Sabi niya habang patuloy padin sa paglalakad habang hawak padin ang kamay ko. Maya-maya ay nakarating na kami sa ilog na may tulay papunta sa isang bukirin. Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito.

"Andito na tayo Gabby!!" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Ano gagawin natin dito?" -ako

"Ano pa, eh di maliligo tayo ng naka-hubo!" sabi niya sa akin habang naka-ngisi.

"Huh? Seryoso ka??" gulat kong tanong.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa bewang.

"Bakit, gusto mo ba?" Naka-ngisi padin ang impakto.

"Siraulo! Ano nga gagawin natin dito?"

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad kami dun sa tulay. Sa totoo lang natakot ako habang tumutulay kami, kasi halata na ang pagkaluma nung tulay at pakiramdam ko kung tumaba-taba lang ako ng bahagya, eh babagsak na to.

Nakarating kami dun sa bukirin. Napahanga ako kasi hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito. Akala ko sa malalayong probinsya lang meron nito.

"Tara dun tayo Gab." hinawakan niya ulit ako sa kamay at naglakad kami papunta dun sa isang bakanteng lupa na may malaking puno ng ewan. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng puno yun eh.

Napaka sariwa ng hangin dito, at napaka tahimik. Pawang mga huni lang ng ibon ang maririnig mo. Para ka talaga nasa isang malayong probinsya.

"Ganda dito no Gab?" Ngumiti at tumango ako sakanya.

"Nung bata pa ako, dito kami naglalaro ng baseball. Natatandaan ko pa na dyan sa ilog na yan, naliligo kami noon."

Masayang pagkukwento ni Darren.

"Hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito. Mayroon bang may-ari nito?" tanong ko sakanya.

"Oo meron, si Mang Crispin ang may-ari nitong bukid."

Napatango nalang ako sakanya habang patuloy ko pading nililibot ang paningin ko sa buong paligid. Bigla ko nalang naramdam na niyakap niya ako mula sa likuran ko.

"Baka pwede ko ng makuha yung ipinangako mo sa akin kanina?" Bulong niya sa akin sakanyang mapang-akit na boses.

Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niyang pag bulong na yun.

"Huh? Aano ba yung ipinangako ko sayo?" Alam ko naman kung ano yun, nagmamaang-maangan lang ako.

Hinarap niya ako sakanya.

"Nakalimutan mo na? Nung naghuhugas ako ng pinggan, sabi mo ikiss mo ako ng matagal." ayan nanaman siya sa pag-papacute niya.

"Huh? Naniwala ka naman? Joke lang yun noh!" sabay tawa ko

Napakunot siya ng noo sa sinabi ko.

"Kung sayo joke yun, sa akin hindi! Walang joke joke sa akin!"

Hindi na ako nakapagsalita dahil sinunggaban na niya ang labi ko. Hinawakan niya ng magkabilang kamay ang mukha ko.

Nakakabaliw talagang humalik tong Renren ko, mahirap tanggihan, mahirap pigilang wag tumugon sa halik niya.

Ilang minuto ang itinagal bago siya bumitaw.

"Sarap!" naka-ngiti niyang sabi.

Hindi nama ako nakapag salita. Ramdam kong nag-blush ako.

Bigla siyang tumalikod at yumuko ng bahagya.

"Sakay na." sabi niya

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Sakay na dali! Sumakay ka sa likod ko" Sabi niya ulit

Napangiti naman ako at sinunod ko na ang sinabi niya. Sumakay na ako sa likod niya, at inilingkis ko ang magkabila kong braso sa leeg niya.

Pagkatapos kong sumakay ay bigla siyang tumakbo. Para kaming mga batang naglaro. Tawa lang kami ng tawa habang patuloy padin siya sa pagtakbo. Ilang minuto din ang itinagal ng kabaliwan naming iyon. Nung mapagod siya ay umupo kami sa ilalim ng malaking puno. May malaking bato sa ilalim nun at doon kami umupo.

"Kahit ang payat mo, ang bigat mo. Nakakahingal ka."

"Aba, ikaw ang may sabing bumaba ako sayo eh!"

Tiningnan niya ako at ngumiti sa akin.

"Alam mo ba kung ano ang pinaka masayang party para sa akin?"

Naguluhan ako bigla. Ano ba pinagsasabi nito? Bakit nauwi sa party uasapan namin. May topak talaga to.

"Huh?! Ano??"

"Eh di nung naging PARTY ka ng buhay ko." Sabay kindat niya sa akin.

Tengene. Pick-up line pala! Pero sheeet lang, kinilig ako ah! Naramdaman kong nag-blush nanaman ako dahil sa impakto na to.

"Hehehe... Last na yan ah!" kunwari hindi ako kinilig

"Naku, aminin mo kinilig ka!"

"Hindi kaya! Sabay iwas ako ng tingin sakanya."

"Tara nga dito Gabby ko." Inakbayan niya ako at inilapit sakanya. Sumandig ako sa balikat niya.

"Ang bango talaga ng Gabby ko oh!" sabay halik sa ulo ko.

Pero sa totoo lang ang bango din niya. Kahit pawisan na siya ang bango-bango padin niya. Parang ang sarap sarap niya. Hahaha! Nilulumot naman ang utak ko, katanghaliang tapat.

"Tara, habulang gahasa tayo? Pag nahabol kita, gagahasain kita." bigla niyang sabi sa akin.

Umalis ako sa pagkaka-akbay niya at binigyan ko siya nagtatanong na tingin.

"Humanda ka sa akin pag naabutan kita. Bilisan mo, tumakbo ka na!"

Parang natakot naman ako nung sinabi niya yun. Parang rapist talaga yung expression ng mukha niya nung sinabi niya yun. Kaya bigla naman akong tumakbo. Aning ko lang.

"Andyan na ako! Humanda ka na!"

Sa totoo lang natakot talaga ako sakanya. Kaya binilisan ko talaga ang takbo ko with matching pasigaw-sigaw pa.

"Huli ka!" ilang saglit ay nahuli na ako ng impakto. Ang bilis niyang tumakbo, hiningal ako dun. Binuhat niya ako (bridal style) at bigla akong hinalikan sa leeg. Pucha nakikiliti ako.

"Ano ba Darren, tumigil ka nga, nakikiliti ako eh!" (Landi ko lang haha :p)

Ganoon lang ginawa namin maghapon. Magharutan na may kasamang landian. Tutal wala naman tao dito, kami lang kaya Go lang sa lalandian! Hahaha...

Nung mapagod na kami sa paglalandian namin este sa haharutan namin, ay muli kaming naupo sa ilalim ng puno. Maya-maya pa ay nasaksihan namin ang unti-unting paglubog ng araw. Eto ang pangalawang beses na makakita ako ng sunset. Una nung kasama ko si Caloy, pero mas masaya ako ngayon kasi si Darren ang kasama ko, ang taong mahal ko.

♪ ♫Bababa babanana... Bababa babanana...♪ ♫

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Tin-tin tumatawag.

"Sino yan?" tanong ni Darren

"Si Tintin yung bestfriend ko, kausapin ko lang."

Sinagot ko na yung tawag:

"Hello, Tintin bakit ka napatawag?"

"Wala lang, gusto ko lang mangamusta."

"Ahh... Ok lang naman ako, ikaw?"

"Ok lang din. Excited na ako sa wednesday. Magkikita na ulit tayo Gabby!" masaya niyang sabi.

"Oo nga, sige bye na ah, kita nalang tayo sa wednesday."

Nakatingin lang sa akin si Darren habang kinakausap ko si Tintin.

"Bakit parang nagmamdali ka? Busy ka ba?"

"Hmmm... Oo parang ganun na nga." sagot ko sakanya

"Nasaan ka ba ngayon?"

"Kasama ko yung kaibigan ko." tumingin ako kay darren pagkasabi ko nun. Umiwas siya akin ng tingin at tumingala sa langit.

Ilang saglit pa ay nagpaalam na ako kay Tintin. Nakatingin padin sa orange na langit si Darren. Ramdam ko na nalungkot siya dahil hindi ko siya maipakilala bilang boyfriend ko.

Alam ko kung gaano ka-proud si Darren na ako boyfriend niya, alam kong kaya niyang ipakita sa lahat kung gaano niya ako ka-mahal pero ako, ni hindi ko siya maipakilala sa pamilya ko. Pinili kong itago ang relasyon namin dahil sa kaduwagan ko.

Niyakap ko ang kanang braso niya at sumandig ako sa balikat niya.

"Pasensya na Renren ko kung hindi padin kita maipakilala sa pamilya ko bilang boyfriend ko. Hindi ko manlang inisip kung ano ang mararamdaman mo. Pasensya ka na at napaka duwag ko." napaluha na ako.

Kumalas siya ng pagkakayakap ko sakanya at humarap sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Wag ka nang umiyak. Naiintindihan ko naman, naiitindihan kita. Alam kong hindi madali ito para sayo. Diba napag-usapan na natin to? Handa kong hintayin kung kailangan ka magiging handa para sabihin sa pamilya mo ang tungkol sa atin.

Hindi naman kailangan na malaman ng lahat para maging masaya tayo diba? Kahit sikreto lang ang relasyon natin ok naman tayo diba? Ang mahalaga ay mahal natin ang isa't isa."

Naka-ngiti niyang sabi sa akin. Agad ko naman siyang hinalikan sa labi. (smack lang)

"Napaka-suwerte ko na binigyan ako ng napaka-pogi, napaka-bait, at maintindihin na boyfriend. I love you Renren ko!"

"I love you more, Gabby ko."

Hinalikan niya ako sa labi.

"Tara na, umuwi na tayo. Baka abutin tayo ng dilim dito." Sabi ni Darren.

Ngumiti ako at tumango bilang pagtugon.

Tumayo na kami ng pigilan ko siya.

"Teka, tumalikod ka." Utos ko sakanya

Parang nagulat naman si Darren sa sinabi ko.

"Sigurado ka ba na gusto mo nang gawin yan Gabby ko? Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-wild na sa ganitong lugar mo pa pala gustong gawin ang ganyang bagay."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng impaktong to.

"Sira! Pervert ka talaga! Gusto kong sumakay sa likod mo, dahil pagod na ako maglakad eh, kaya tumalikod ka na dali!"

.

"Akala kung ano na eh!" Napakamot nalang nang ulo si Darren

Tumalikod na nga siya at sumakay na ako sa likod niya. Habang pauwi kami ay napag-usapan namin na salubungin ng magkasama ang birthday niya. Dun ako matutulog sa kanila bukas para pagpatak ng 12mn magkasama kami. Sabi nga niya sa akin na paligayahin ko daw siya sa gabing yun. Parang alam ko na kung ano yung tinutukoy niyang yun. Binatukan ko nga.

Sa unang pagkakataon parang wala akong pakialam sa iisipin ng iba tungkol sa amin. May mga nagtitinginan sa amin habang papauwi kami. Deadma lang ako sa mga maka-hulugang tingin nila sa amin ni Darren.

Nang makarating na kami sa harap ng tindahan ni Tito Henry, sinabi ko kay Darren na umuwi na para makapag pahinga na siya. Alam kong pagod siya dahil sa pag sakay ko sa likod niya habang papauwi kami.

Agad akong pumasok sa kwarto ko para maligo dahil pawis na rin kasi ako. Habang naliligo ako ay naisip ko ulit yung sinabi sa akin ni Darren na paligayahin ko daw siya sa bukas. Napaisip ako na kung sakaling gusto na niyang gawin yun, ay handa na akong ibigay sakanya ang sarili ko, kung yun talaga ang magpapasaya sakanya. Pakiramdam ko na handa nanaman ako sa ganoong bagay.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay naisipang kong tawagan si Shae para makipag-chikahan. Namiss kong kausapin ang baklang to, malapit na ulit kaming magkasama dahil magpapasukan na. Alam na niya ang tungkol sa relasyon namin ni Darren. Alam naman niya kasi ang tunay kung pagkatao kaya sinabi ko na sakanya ang tungkol sa amin. Gusto nga niyang mameet si Darren at sabi ko sakanya isa sa mga araw nato ipapakilala ko sakanya ang boyfriend ko.

Maya-maya ay narinig ko ang pag tawag sa akin ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Agad akong nagpaalam kay shae.

"Nakauwi na pala kayo Mama."

"Kadadating ko lang. Tara na, kumain na tayo ng hapunan."

"Sige po, lalabas na po ako."

"Oo nga pala, maghanda ka na ng mga gamit mo at bukas ng umaga pupunta na tayo sa mga Tita Carmela mo."

Nabigla naman ako sa sinabi ni Mama.

"Huh? Babakit po? Bakit na paaga naman po ang punta natin sakanila?" Nagtataka kong tanong kay Mama.

"Nakiusap kasi ang Tita mo kung pwedeng tulungan ko siya sa paghahanda para sa pa-blessing ng bahay niya sa wednesday, kaya mapapa-aga ang punta natin sakanila. Ayaw mo nun, makakasama mo ng matagal si Tintin"

Masayang tugon ni Mama.

"Pero-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nag salita ulit si Mama.

"Bakit nanaman Gabriel? Kokontra ka nanaman?"

Napayuko ako "Hindi po Mama, mag-aayos na ako ng gamit ko mamaya."

"Buti naman, tara na kumain na tayo."

Tumango ako kay Mama bilang pag tugon.

Nanlumo naman ako sa sinabi sa akin ni Mama. Paano na yung plano namin ni Darren na salubungin ng magkasama ang birthday niya? Nasira nanaman ang plano namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ko ang number ni Darren.

Isang ring lang ay sinagot na agad ni Darren ang tawag ko.

"Hello, Gabby ko? Bakit ka napatawag? Namiss mo na agad ako noh?" Masayang sabi ni Darren.

"Meron kasi akong gustong sabihin sayo."

"Bakit, may problema ba Gabby ko?"

"Hmmm... Gusto ko lang sabihin na mapapaaga ang punta namin ni Mama kila Tita Carmela. Bukas ng umaga pupunta na kami sakanila... Sorry pero hindi natin matutuloy ang plano natin na salubungin ang birthday mo ng magkasama."

Continue Reading

You'll Also Like

392K 25.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
16.3K 459 133
Wherein Jeon Wonwoo receives a letter from a stranger every 12:12 am. Meanie/Minwon FanFic (epistolary)
760K 32.6K 70
Matagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang al...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...