Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 5

4.2K 135 7
By winglessbee


Nagulantang ako sa narinig ko. Kapal ng mukha ng LWB na yun. Psh.

Asa siyang pupunta ako. At isa pa tong hampaslupang apa. Makapal pa sa makapal at nahiga pa sa kama ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Your room is too plain. Why there's no stuffed toys in here? Para kang hindi babae. Tss” sabi niya saka tumayo at nilibot ang kwarto ko.

“Wala kang pakelam. Umalis ka nga dito!” tinulak ko na siya palabas ng kwarto ko.

“Teka. Pupuntahan mo ba yun? Sama ko ha!”

“Sama mo mukha mo! Alis!”

Sinarado ko ng malakas yung pinto saka nahiga sa kama ko at kumain at nanood na lang.

Nakarecieve ako ng text mula kay Yanna. Samahan ko daw siya magmall.

Syempre tinatamad ako kaya tinanggihan ko. Buti hindi na nangulit.

Lumabas ako ng kwarto. Muntik pa akong mapasigaw nang makita ko sa harapan ko si Cone.

"Nandito ka pa rin?!" sigaw ko.

"Im bored."

"O? Pakielam ko?"

"Samahan mo ko" sabi niya saka ako hinila palabas ng kwarto ko.
Nagpapalag ako at hinila ang kamay ko na hawak hawak niya.
Yuck!

Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya hindi ko maalis.

Kinginamels.

"Hoy! Bitawan mo nga ko!"

"Sakay"

"Ano ko utu-uto? Bakit ako sasakay?"

"Okay" he smirked.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya tapos sapilitan akong pinapasok sa loob. Tinulak to be specific.

Kinginang yan. Sasapukin ko to e.

Sumakay siya sa tabi ko, siniksik niya ang sarili niya sa passenger's seat kung saan niya ako sapilitang pinaupo.

"Hoy! Ano ka ba? Bakit ka sumisiksik? Sino magdadrive? Multo?" naiiritang tanong ko habang tinutulak siya palabas.

Bwisit na apa to. Anong trip niya?

"Ikaw magdadrive kaya umusog usog ka na at lumipat sa driver's seat."

"Tangna naman. Ako ba talaga pinagtitripan mo? Pag ako napuno sayo baka isumpa mo ang salitang trip buong buhay mo?!"

"Tss. Bilis na, tinatamad akong magdrive e"

Inambahan ko siyang sasapukin pero hindi siya natinag. Inabot niya lang sakin ang susi ng kotse.

Kinuha ko na lang saka mabilis na lumipat sa driver's seat.

Sinuksok ko ang susi at binuksan ang makina. Marunong akong magdrive, ayaw lang akong payagan ni papa dahil bata pa daw ako. Tss.

Ang OA.

"Teka, marunong ka bang magdrive?" tanong niya.

I smirked.

"Automatic naman to di ba? Common sense na lang" sabi ko.

Nakita ko kung pano manlaki ang mga mata niya. Kala niya a. Audi pa naman to. Bwahaha.

"You mean, hindi ka--"

Hindi ko na siya pinatapos at pinaandar ko na ang sasakyan niya.

Over speeding kung over speeding. Wala akong pakialam. Bwahahaha! Ang saya!

"Oh, God!" natawa ako sa reaksyon ni Cone.

O di ba? Nawala ang yabang mo. Ano ka ngayon? Nganga!

d- -,b

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Nakikita ko kasi na malapit na kami sa intersection.

"Sa mall" nakapikit na sabi niya.
Mabilis kong nailiko ang kotse.

"Oh, fvcking shit! Slow down Pamela! Gusto mo na bang mamatay?!" sigaw niya.

Natawa na lang ako. Astig! Nageenjoy ako. Ang sarap imaneho nitong kotse niya. Pag pinayagan ako ni Papa ganito din ang ipapabili ko.

Nakafull speed na yung kotse, buti nalang  hindi matraffic at walang masyadong sasakyan dito.

I parked the car.

"Woah! Ang saya nun! Grabe!" sigaw ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"Are you out of your mind? Anong naisip mo at nagfull speed ka? Pasalamat ka walang pulis at lalong hindi tayo naaksidente! God Pamela! I had a mini heart attack!" napahawak siya sa puso niya at napapikit.

Ang arte nito. Feeling babae. Tss. Kala mo naman mamamatay na. E, eto na nga kami, buhay na buhay at magmomall pa. Kaartehan! Tss.

Lumabas na ko ng kotse at sumunod naman siya. Pumasok kami sa loob ng mall. Nakapambahay lang ako, pero wala akong pakelam. Ano naman kung ganito ang suot ko? Isang malaking damit at malaking shorts yung panghiphop dudung.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko ng pumasok kami sa isang boutique.

"Ano pa edi bibili ng damit na susuotin mo para sa date mo bukas"

"Ano? Asa! Sino may sabi sayong pupunta ako?" pinagkrus ko ang braso ko.

"You mean? Gaganti ka?" tanong ni apa.

"Nakaganti na ko, atsaka may originality ako no! Ayoko lang pumunta dahil una sa lahat, masasayang lang ang oras ko" sabi ko.

Nakita ko siya ngumisi na parang may nakakalokong iniisip.

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag dahil pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Crush mo si LWB no?!"

What the fvck?!

"Saan mo naman napulot yan? Kingina"

"Ayaw mong sumipot sa date niyo kasi nahihiya ka. Pag tumanggi ka, defensive at indenial ka. Pag umamin ka edi totoo."

"Tangnang utak yan." nasabi ko na lang.

Saang lupalop kaya ito ipinanganak. Hindi siya kulang kulang, sobra sobra! Masyadong malawak ang imahinasyon at baka pati yung Saturn, nagawan na niya ng report sa NASA. Tss.

"Pupunta ka na bukas no?" Pangungulit niya.

Tangina. Jojombagin ko to e.

"Bumili ka na lang ng cheesecake nang matuwa pa ko sayo" sabi ko na lang.

"Ano ka chics!" sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit to!  Chics ako! Hindi lang halata.

"Ako siguro crush mo, nagpapalibre ka sakin e"

"Libre mangarap, ge lang, ingat baka makarating ka sa Antarctica, di ka na makabalik" sabi ko sabay walked out.

"Hey, wait"

Binilisan ko ang paglalakad at pumasok sa DQ store at bumili.

"Ako wala?" tanong niya.

"Ano ka din chics?" ganti ko.

"Nay walang originality!" tinuro niya pa ko saka nagtakip ng bibig.

So gay.

Iniwan ko na siya. Kalalaking tao, ang daldal.

Pumunta na ko sa parking nakasunod naman siya. Nasa akin naman ang susi kaya tuloy tuloy lang ako.

"Teka! Ako ang magdadrive!"

Hindi ko siya pinakinggan, sumakay ako sa driver's seat at binuhay ang makina.

Pinaandar ko at huminto sa harap niya.

"Bumaba ka jan, ako magdadrive" sabi niya.

"Sasakay ka o iiwan kita?" seryosong tanong ko.

Nung hindi siya kumilos, mabilis kong pinaandar ang kotse. Nakita ko sa side mirror na humahabol siya kaya inihinto ko.

Mabilis siyang sumakay at nagkabit ng seatbelt.

"Sasakay din pala pakipot pa" sabi ko.

"You're crazy! Bakit mo ko iniwan?" tanong niya.

"Pinasakay kita, pero hindi ka gumalaw. Alam mo bang 1 minute lang ang tinatagal ng pasensya ko?"

"Tss. Ang arte, tomboy naman"

"Anong sabi mo?"

"Wala! Sabi ko kikay ka!"

"What?!"

"Hahahaha! Bakit ngayon ko lang naisip yon? Bagay pala sayo ang nickname na Kikay, starting today i'll officially call you kikay! haha"

"Tangina, gusto mo talaga ng sapok ano!" inis na inis ako.

Tawa lang siya ng tawa kaya naman nifull speed ko na para manahimik siya.

Effective.

"Pam! Slow down!" sigaw niya.

Bahala ka dyang mamatay!

Mabilis kaming nakarating sa bahay. Woah! Ang saya talaga. Muntik pa kaming makabangga ng van. Hahaha. Astig! Muntik nang lumabas ang mga lamang loob ko sa kaba pero buti na lang nailiko ko.

Yung kasama ko ayun, wala ng kaluluwa. Tumakas na kanina pa. Hahaha.

"Huy! Ano buhay kapa?" tanong ko nang hindi pa rin siya kumikilos.

Niyugyog ko na.

"Huy apa! Ano na!" sigaw ko.

Tumingin siya sakin at tinitigan ako. Seryosong seryoso ang mukha niya. Tapos bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko tapos sinandal ako sa may pinto ng kotse.

"You deserve punishment" ang lamig ng boses niya at biglang nag iba ang aura niya.

Hindi ako nagpatinag sa pakikipagtitigan pero nabigla ako nang bigla siyang lumapit at halos pumatong na siya sakin.

Tangina! Anong gagawin niya?

Itutulak ko siya nang bigla akong manghina at mapasigaw sa kagat niya.

Tangina may lahi palang aso to!

Kagatin ba naman ako sa balikat. As in kagat yung malalim at masakit. Tangina!

Hindi ko na napigilan kaya tinulak ko na ng malakas. Nanggigigil ako sa kanya!

"Kung ang aso nangangagat ng tao ang tao nangangatay ng aso! Humanda ka Cone! Kakatayin na kita!"

Tangna. Lintik lang ang walang ganti.

Continue Reading

You'll Also Like

153K 5.2K 67
He never had any idea that she will be the center of his universe when he first met her. And also, he never had any idea that she will be the sole re...
256 51 21
LIFE ARC SERIES #1 COMPLETED. "On the verge of giving up. May was adopted by a household that treated her as their own. She felt like she belongs to...
148K 11.6K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
98.8K 8.1K 74
WARNING: SOME THEMES AND SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCE Clark Mendoza likes to play, but he stumbled into a different kind of conflict wi...