So It's You After All(COMPLET...

By Athenamie_since2015

641K 16K 2.9K

Matagalan kaya niya ang ubod ng SUNGIT at BRAT na Boss niya? or She would fall for her RUDENESS and ARROGANCE... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
THANK YOU NOTES FROM ALTRIX
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
E-P-I-L-O-G-U-E
~~PASASALAMAT ni ALEX at TRIXIE~~

Chapter 35

9K 269 137
By Athenamie_since2015

Salamat sa lahat ng nagtyagang maghintay ng update na ito. Salamat po muli sa lahat ng support niyo sa amin ng BESTFRIEND KO. To all our avid Readers and Followers, thank you from the bottom of our HEARTS. You don't know how happy we are for all the love and support you guys are giving us... Muahh muahhh muahhh muahhhh (BLOWING KISSES TO EACH OF YOU)








Nanlaki ang mga mata ng lahat maliban kay Blake ng marinig nila ang munting tinig mula sa gwapo at bibong batang lalaki na bigla na lamang umiyak ay yumakap sa ina. Hindi naman halos makatingin ng diretso si Trixie sa mga matang nakamasid sa kanila. Ang hindi inaasahan ng lahat ay ang biglang pagbaba ng bata at patakbong pumunta sa kinaroroonan ng binatang si Blake at ang pagtawag sa kanya ng Daddy. Palipat lipat ang mga mapagtanong na mga mata kina Trixie and Blake. Napahilot na lamang si Trixie sa noo nito sabay lingon sa kasamang si Chloe at nag sabing(nalintikan na).

Hindi na din alam ng dalaga kung sino ang uunahin niyang kausapin upang magpaliwanag. Meron nang namumuong tension sa lahat ng naroon. Ang mga kaibigan hindi na nakapagsalita. Akala mo natuklaw sa kanilang kinatatayuan dahil sa mga nakikita. Si Alex na namumula sa galit at pagkainis. Si Courtney na taas baba ang hininga nito dahil gustong gusto na manabunot at sapakin ang katabing lalaking si Blake. Biglang pumagitna ang ina nito para putulin ang mga namumuong tension sa mga panauhin para sa anak. Hindi na naituloy ni Trixie ang pagpapakilala sa kanyang anak sa magulang niya dahil tmakbo na ito sa binata. Nakailang beses na napapalunok si Trixie dahil sa kabang nararamdaman niya. Niyakap na lamang ni Mr. and Mrs. Johnson ang kanilang unija hija na mangiyak ngiyak sa sobrang saya. Para maging lively ang atmosphere pinagyayaya niya ang mga panauhin sa dining area.

"Iha Anak salamat sa diyos at walang nangyari sa iyo. Mamaya ka na magpaliwanag ha ang mahalaga you are safe. Okay everyone the food is waiting!"announce ng ina ni Trixie." Lets go inside so we can start eating. I guess andito na ang lahat." Sabay lapit sa asawang wala na ding kibo. Nang magsiupo na sila sa dining table, napagitnaan nina Trixie and Blake ang batang si Xandre. After the prayer,nagsimula na silang kumain. Asikasong asikaso naman ni Daddy Blake si Xander at inaassist din ni Mommy Trixie. Halos wala kang maririnig sa table maliban sa ingay ng mga kubyertos na tumatama sa mga plato nila.

"Daddy, I want chicken and rice please..."pabulong na turan ng bata. Kaagad na binigyan ito ni Blake. Napatingin naman si Trixie kay Alex na halos ayaw galawin ang pagkain nito. Napakagat labi naman si Trixie dahil sa nakikita niyang kalungkutan sa mukha ni Alex. Tanging ang batang si Xander na lamang ang nagdadala ng kaingayan sa lamesa habang ang lahat walang imikan sa isa't isa.

"Mommy, bad po ba magsalita while eating?"inosenteng tanong niya. Napangiti naman si Trixie ng tipid sa tanong ng bata.

"Of course not Baby. As long as when you talk make sure...you swallowed your food first,then say please excuse me then you can ask question or say something."masusing paliwanag ng ina sa anak.

"Then why erbody(everybody) is not talking?" napaubo naman si Blake sa tanong ng bata. Maging si Trixie hindi napaghandaan ang tanong ng anak. Kinausap niya na lamang sa mga mata ang kaibigang si Chloe.

"Kasi Baby may food sa mouth namin. Kapag wala nang food sa mouth then magsasalita na kaming lahat." Napapangiwing paliwanag ng kaibigan. Akala ng lahat titigil na ang bata sa kakatanong, ngunit meron na namang lumabas sa mga bibig nito.

"Mommy are they your friends?" sabay turo sa mga nagagandahang babae sa mesa.

"Y-yeah baby, that's Tita Courtney, Tita Nikki, Tita Charm, Tita Meagan and Tita A-Alex." Tipid ang ngiting ipinukol sa mga kaibigan.

"Hi sweet boy" sabay sabay na sambit ng magkakaibigan maliban kay Alex. Kumaway naman na parang kinikilig ang bibong si Xander.

"Are we gorgeous baby?" si Nikki.

Natahimik ang bata ng ilang sandali waring nag-iisip."What gorj-gogeous.?" Sabay kagat sa chicken legs.

"Meaning pretty like Mommy and your Lola." Si Chloe. Bigla naman nanlaki ang mga mabibilog na mga mata at bumaling kina Trixie at Blake.

"Daddy, they're all gorgeous." Then bumaling sa ina. "Mommy they're gorgeous." Napayuko si Trixie na kagat ang labi at pigil ang sariling mapahalakhak sa sinabi ng anak. Naiisip niyang parang female version ni Alex ang bata, marunong na tumingin ng magaganda kaya nung musmos pa lang sila nilandi na siya ni Alexandra. Sinipa naman ng palihim ni Courtney ang kaibigang si Trixie. Napaigik ito dahil napalakas yata ang pagkasipa ni Courtney. Nakaisip naman si Trixie ng katanungan.

"Baby ganito na lang. Remember the story snow white, the evil queen asked the magic mirror right? Now I will ask you like this, Xandre Xandre on the wall,who is the fairest of them all?" ngiting tanong ni Trixie. Lahat naghihintay sa sagot ng bibong bata. Isa isang tinignan ang mga naggagandahang dilag sa harapan niya na nagkunwaring nasa beauty pageant at nagpapacute sa bata. Kanya kanya silang facial expression na ikinatuwa ng lahat. Maging si Alex na hindi nakisama sa kasiyahan napapangiti sa kabibohan ni Xandre. Tuwang tuwa naman ang mag-asawang Johnson dahil sa apo na sobrang madaldal, smart at hindi mahiyain.

"All of them mommy but..."napatingin siya sa kinaroroonan ni Alex na ikinatingin ni Alex sa kaniya. Lahat napatingin kay Alex na may ngiti sa mga labi. Maging si Trixie sinundan ang tingin ng anak. Medyo nahiya naman ang batang si Xander kaya he lean back sa upuan sabay tingin sa mommy Trixie niya."She's the fairest of them all." Pasimpleng turo ng bata kay Alex. Napatingin si Trixie sa taong tinuturo ng anak at mga ilang segundo din na nagtagal ang kanilang titigan moment.

"Ehem what about me baby, am I pretty like tita Alex?" pagpapacute ni Courtney sa bata.

Napahagikhik naman si Xandre sabay sabing,"Yes, po."

Nagtawanan naman ang lahat dahil sa ka cutan ng bata."Ehem. Well...It seems like Alex got a cute admirer here." Sabay kindat kay Alex. Napangiti naman si Alex sa kaibigan maging sa bata. Laking pasalamat ni Trixie sa anak dahil sa kabibohan nito hindi naging all souls day ang kanilang thanksgiving dinner.

********************************

Pagkatapos ng masayang salo salo, nagsipuntahan ang lahat maliban kay Alex sa ikatlong palapag ng bahay nila Trixie upang simulan ang Q&A PORTION. Iniwan naman sa pangangalaga ni Chloe ang bata habang nililitis si Trixie ng mga kaibigan niya. Si Alex naman biglang nakatanggap ng emergency call kaya nagmamadaling nilisan ang Johnson Residence. Naglagay si Courtney ng dalawang upuan sa gitna for Blake and Trixie. While Meagan, Charm, and Courtney umupo sa may table paharap sa dalawa na akala mo nililitis sa hukuman. Makikita sa table ng tatlo ang tatlong wine glass at mani (social na mga hurado). Pagkaupo ng mga akusado ( Blake at Trixie) nagsimula na ang paglilitis. Biglang pumasok si Nikki na nakasuot pang abogado, may bitbit na chopping board na gawa sa kahoy at pamukpok?. Napayuko si Trixie upang pigilan ang mapatawa sa mga pinaggagawa ng mga kaibigan.

"Honorable Judge Nikki the Great now preside. All rise" sambit ni Charm na seryoso ang mukha. Tayuan naman silang lahat.

Umupo si Nikki sa kanyang upuan at nagsabing."You may now be seated. Madame Courtney you may call the case." agad naman nagsalita si Courtney ng kunwaring case eklavuz nina Blake at Trixie.

"People of the Philippines vs Blake Perez and Trixie Johnson blah blah blah..." Panimula ni Courtney. Maririnig ang hagikhikan ng lahat na maging si Blake pigil ang sarriling mapatawa. Pagkatapos basahin ang nasabing case,bigla itong tumayo sa harap at nagpalakad lakad na akala mo nasa korte talaga at ginigisa ang akusado sa sunod sunod na tanong nito.

"Blake and Trixie kayo ba ay naparito upang sagutin ang mga katanungan ng pawing katotohanan at hindi puro kasinungalingan?"tumango ang dalawa. "Ngayon ito ang tanong ko. Bata bata paano niyo ginawa? Saan niyo ginawa?Kilan niyo ginawa? posisyon sa paggawa?Ilang oras niyo ginawa?Hmmm?" taas ang mga kilay niya sa dalawa. Napahagikhik naman silang lahat sa mga tanong ni Trixie.

"Hindi kami ang gumawa sa bata, I mean hindi siya kasama sa paggawa ng bata." Turo niya kay Blake. Kumunot ang noo ng nagtatanong.

Sumabad si Blake sa usapan.

"Actually I'm not the father." Seryosong sagot ni Blake na ikinagulat ng apat.

"What?Ano? Ha what?" sabay sabay na sambit ng tatlo.

Tumayo si Charm."Pakiulit mo nga."

Blake looked at Charm with a serious expression. "I said I'm not Xandre's Dad."at nilingon si Trixie. Napaupo si Courtney sa table na seryoso ang mukha habang nakatingin sa babaeng nakayuko sa unahan nila. Nakiupo na din si Nikki sa table ng tatlo katabi ni Courtney.

"Okay, we want to know the whole story Trix. I guess this is the time for you to tell us the whole story. Tsk! Ang tagal mo palang tinago ito sa aming lahat. Ano ba talaga ang tingin mo sa amin huh? Kasi for us, we are friends, we are sisters, since the first time we met, hindi lang kaibigan ang pagkakakilala naming sayo para ka na naming bunsong kapatid. Kung may taong gustong manakit sayo andito kami para protektahan ka.Maging si Alex man yan. Di ba ONE FOR ALL AND ALL FOR ONE... KAPIT BISIG. Kung kailangan mo ng karamay, gosh Trix isang tawag mo lang sa isa sa amin. Isang tawag mo lang at andiyan na kami para saklolohan ka." Napaiyak naman si Trixie dahil sa sinabi ni Nikki. Maririnig mo ang paghikbi ni Trixie habang inaalo ito ni Blake.

Blake clear his throat and speak. "Actually,aksidente ang lahat kung bakit nalaman ko ang tungkol sa bata. Pero I respect her decision na itago sa inyo ang lahat ang tungkol sa bata. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon sana para masabi sa inyo pero alam nating lahat kung ano anong pagsubok ang dumating sa buhay ni Trixie na maging ang pag-aalaga sa sarili niyang anak di niya nagawa na. Kaya si Chloe at ang Mama nito ang tumayong guardian ni Xandre. Si Trix naman yung sa financial needs nila. And if Trix is not available, I sent someone to check on them."salaysay ni Blake sa lahat. Walang puknat naman sa pagpunas ng mga luha niya si Trixie.

"Okay sino ang ama ng bata?" si Charm.

Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Courtney." Oh my God!" sapo ang bibig nito habang nakatingin kay Trixie.

"What Baby?"si Nikki

"Is it Andre?" sabay lapit kay Trixie na halos hindi na maubos ubos ang mga nagpapatakang luha sa mga mata. Bigla itong tumango. Kaagad naman itong niyakap ng mahigpit ni Courtney na napapaiyak na din.

"Bakit mo tinago? Kaya ka ba umalis sa place ni Alex nun dahil dito? So nung mga araw na naging matakaw ka sa pagkain dahil ba buntis ka nung time na yun?" sunod sunod ang pagtango ng dalaga sa kaibigan. At isinalaysay niya ang lahat lahat na pinagdaanan niya sa pagdadalantao, panganganak niya, mga hirap na pinagdaanan hanggang sa kailangan niyang iwan sa pangangalaga ni Chloe ang bata. Ikinuwento din niya ang pangyayari sa kaniya sa Singapore.

"Wait! Wait! Speaking of Singapore, anong nangyari sa inyo ni Alex?" si Courtney. Halos di makatingin ng diretso si Trixie dahil sa katanungan ng kaibigan. "Oh bakit ka namumula diyan na parang hinog na kamatis?"tukso ni Courtney.

"Don't tell me may ginawa kayo ni Alex. Sige na di na kami magtatanong ng details just tell us na may ginawa nga kayo." Segunda ni Charm.

Nagtakip ng taenga si Blake. "Guys kunwari wala tayong narinig. Go Trix."

Nahihiya man ngunit tumango ito. Ngunit hindi nakuntento ang mga kaibigan niya kaya pinilit pa rin itong pinagsalita.

"Oo may nangyari sa amin nung gabing naglasing siya."

"Sabi ko na nga ba may ginawa ang manyakis na Alexandra eh. Hahahaha. Ginapang ka na naman ni Alex Trix? Iyan talaga si Alex parating nasa oven kapag nakikita ka. Bilib na talaga ako sa kamandag ng isang Alex Rogers. Nakakaadik ba talaga ang dila at kamay niya Trix? Seryoso guys, Alex have had a lot of flings back in the states right Niks? And lahat nakatikim ng kamayan." Tukso ni Charm. Napahalakhak na silang lahat samantalang napapangiwi at nahihiya na si Trixie dahil sa panunukso ng mga kaibigan lalo namang naging pulang kamatis ang pisngi niya.

"Baka si Alex ang ama ni Xandre!" sigaw ni Nikki. Na ikinatawa nilang lahat. Halos mabaliw baliw si Trixie at Blake sa mga ibinatong mga tanong ng mga kaibigan. Naging emosyonal ang kanilang pag uusap, hanggang nauwi sa tuksuhan at biruan. Bumalik naman sa dati ang kanilang samahan. Pagkatapos ng dibdibang pag uusap nagsipaalam na silang lahat sa dalaga.

Pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay sinunod niyang paliwanagan ang kanyang mga magulang. Nadatnan niya ang mga ito sa dining area na seryosong nag-uusap kaya umupo siya sa kabilang side at dito niya sinalaysay ang buong pangyayari. Napaluha naman ang mag-asawa sa dami ng hirap na pinagdaanan ng kanilang unica hija. Hindi nila lubos maisip kung paano nito nalagpasan ang lahat ng hirap at pagsubok sa buhay.Ngunit nagpasalamat sila sa pagiging matatag nito sa buhay na kahit anong pagsubok ang ibato dito, madadapa man siya mulit itong bumabangon.

Nagpapasalamat din sila sa mga kaibigan nito na naging karamay niya sa mga oras na kailangan nito ng karamay. Mga kaibigan na maaasahan mo hindi lang sa saya maging sa kalungkutan, hindi lamang sa ginhawa kundi maging sa kahirapan. Mga kaibigan na hindi tinitingnan ang estado mo sa buhay mapabilang ka lamang sa kanila. Ang pagkakaibigan nila para sa kanila pantay-pantay. Walang mahirap, walang mayaman. Bago dumating sa kani-kanilang mga buhay ang mga babaeng bumihag sa kanilang mga puso,Charm, Nikki and Alex doesn't know anything about working for a living, they were born with a silver spoon in their mouth. Nagbago lang sila ng pananaw sa buhay ng matagpuan ang kani-kanilang mga better half na mula sa mga simpleng pamilya, maliban na lang ngayon kay Trixie na isa palang tagapagmana. Ngunit hindi pa rin ito naging basehan niya upang baguhin ang pakikitungo niya sa kapwa. Hindi siya mapagmataas kagaya ng ibang umangat lang ng kaunti sa buhay kung makaasta milyonarya na. Siya pa rin ang dating Trixie na bumibili ng gamit sa ukay-ukay paminsan minsan, kuripot, at dahil sa sobrang tipid bago ilabas ang pera yupi yupi na.

Ito ang hinangaan ng mag-asawang Johnson dahil ang kanilang anak pinalaki ng maayos ng mag-asawang Castro. Pinalaking may takot sa diyos, magalang, may respeto sa lahat, maalalahanin, at mapagmahal na anak at kapatid. Ngayon ang kanilang unica hija meron na ring unico hijo. Tamang tama naman na pababa ng hagda sina Chloe at Xandre kaya tinawag ito ni Trixie. Nahihiyang lumapit naman sa kanila ang mahigit dalawang taong gulang na bata. Bumalik naman sa taas si Chloe at hinayaang makapag bonding ang mag-anak.

"Mom, Dad this is Xandre my son, your grandson." Maluha luhang pagpapakilala niya rito.

"Baby say hi to your Lolo and Lola" nahihiya namang nag 'hi' ang bata sa dalawa. Ngunit ang ikinabigla nila ay tuluyang humagulhol ng iyak si Mrs. Johnson at inakap ang bata, nakisali na rin si Mr. Johnson sa maging si Trix ay naki-akap na rin. Mararamdaman mo ang saya at pagmamahal sa kanila. Hindi akalain ni Trixie na tatanggapin at iintindihin siya ng ganito ng kanyang mga magulang, laking pasasalamat niya na sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanang problema at pasakit sa buhay ay heto siya ngayon may masaya at buong pamilya na lubos siyang mahal.

"Uurgghh Mommy, Lolo and Lola I-i can't breathe na po" Daing ng bata na dahilan upang mapahalak-hak ang mag-anak agad namang niluwagan ng mga ito ang pagkakayakap sa bata. Tumingala ang bata at isa-isang sinipat ang mga mukha ng matatanda at kunot-noong nagtanong.

"Ahmm Mommy I'm sorry but I just want to ask if nababaliw na po ba kayo? Bakit po kayo tumatawa habang umiiyak?" Inosenteng tanong ng bata.

Nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na pinakawalan ang isang matamis at malutong na tawa.

"Ang apo ko..ang pogi-pogi at ang cute-cute mo mana ka talaga sa akin. You look like Lolo right?" Ani ni Mr. Johnson na nagpogi sign pa at ginulo ang buhok ng apo.

"Naku hindi mahal mana sa akin tong apo natin, ang bata-bata pa pero ang tali-talino na, genius just like me" Pagmamayabang naman ni Mrs. Johnson sabay kurot sa pisnge ng bata.

"Hindi mana sa akin yan"

"Sa akin"

"Sa akin nga sabi eh"

'Blah blah blah blah' At tuluyan ng nagtalo ang mag-asawa. Natatawa namang napapa-iling sina Trixie at Xandre dahil sa kakulitan ng mga ito.

******************************************************

Nasa kwarto na ang mag inang Trixie at Xandre ng sumilip si Mrs. Johnson. Kitang kita niya kung paano haplusin ng anak niya ang buhok ng apo habang binabasahan ng favorite bed time story nito. Naalala niya noong kasing idad ni Trixie ang anak nito na hindi ito matutulog hanggat hindi naririnig ang kanyang favorite story na SNOW WHITE AND THE SEVEN DWARFS.

FLASHBACK

"Mommy I want you to tell me what happened next to snow white after she ran away from the castle and she ended up inside the creepy forest? Where did she sleep?" inosenteng tanong ni Trixie.

"Well... The animals that she met at the forest lead her to this little house. The little house owned by the seven dwarfs. Can you tell me the names of the seven dwarfs if you could still remember?" napaisip ang anak.

"Sleepy, Happy, Bashful, Sneezy, Doc, Grumpy and...Dopey!"Exclaimed the young Trixie.

"That's right. So what happened next is Snow White and the rest of the animals checked this little house and do you know what she did next? She does the cleaning. Kasi She found some cobwebs everywhere, dust in every corner. That means the house is really messy and dirty."napapangiting kwento ng ina.

"What about the seven dwarfs?"

"Well after they finished working at the nearby mine, they all head home. Then they found something different when they get near to their house."

"What Mommy?"

"They all seen a light in the window. The seven dwarfs had different thoughts. One dwarf thought, it's a visitor. The other dwarf said it is a robber. So the seven dwarfs tiptoed up to their house, they slowly open the door and peeped then they were all speechless."

"Spees-spees-les Mommy?"

"Speechless, it means they lost words, nobody talk. Kasi when they all get inside the house they never had seen their home looking so spotless. Bakit ang linis linis ng bahay natin? Yung damit ko bakit ang linis na? They could hardly believe to what their eyes can see. Lahat ng dwarfs very happy except Grumpy."

Nagulat naman si Mrs. Johnson ng marinig ang boses ng anak niya. Napangiti siya ng makita ang nag-iisang anak nito na kuhang kuha ang feature ng mukha ng kaniyang biyenan noong nabubuhay pa ito ang Lola ni trixie. Kahit may lungkot sa mga mata nito pilit niya itong tinatakpan ng mga ngiti sa labi.

"Mom, kanina ko pa po kayo tinatawag mukhang ang lalim po yata ng iniisip niyo at halos hindi niyo po ako narinig."

"Naku anak may naalala lang si Mommy kaya ayun hindi kita masyado narinig."

"Tinatanong ko lang po kung may kailangan po kayo kaya kayo nagpunta dito."

Ngumiti ng tipid ang ina. Tiningnan ang anak sa mga mata nito at...

"Iha, andiyan sa baba si Alex. Mag usap kayo at bigyan niyo ng closure ang lahat kung wala nang dapat ayusin sa inyong dalawa. Mas maiging maghiwalay kayo na walang bitbit na sama ng loob sa isa't isa para makapamuhay kayo ng tahimik at matiwasay. Alam mo naman na andito lang kami ng daddy mo para sayo, si Carlos at ngayon si Xandre. Kung ano man ang maging desisyon mo sana yun talaga ang sinasabi niyan.(pointing to her chest) at hindi niyan(pointing to head). Just follow your heart anak dahil diyan ka magiging masaya." Sabay halik sa pisngi niya at nilisan ang kwarto.

******************************

Pagkatapos kong patulugin ang anak ko, bumaba na ako para harapin siya. Ito na ang tamang panahon upang bigyang tuldok ang lahat sa amin. Palayain namin ang isat isa. Nagpalinga linga ako sa paligid ngunit diko siya matagpuan. Sabi ni Mommy andito pa daw siya. Lintek na babae na yun kung kilan handa na akong harapin siya saka naman biglang nawala. Handa na nga ba talaga akong palayain siya? Sinasabi ng utak ko Oo, pero ang suwail kong puso nagpoprotesta at isinisigaw ang salitang No. Akala mo may pinaglalaban eh. Yes, nabanggit na nila sa akin na bumalik na ang kanyang alaala.

Gusto kong tumalon sa tuwa pero hindi ko magawa dahil alam nang lahat ikakasal na siya sa kanyang fiancé. Ano ba itong nararamdaman kong masakit na diko maintindihan. Hindi ako nasasaktan okay,kastigo ko sa aking sarili. Lumabas ako ng bahay para hanapin siya pero bakit wala? Oh bakit bigla kang nalungkot? Tanong ng ekstraheradang utak ko. Hindi ako malungkot okay. Oh ang seye seye ke nge eh. Pilit ang ngiti ko sa mga labi.

Nasasaktan ka ba kasi iniwan ka niya, kasi hindi ka niya hinintay, kasi may iba siyang pakakasalan na dapat ikaw sana yun? Na hindi mo na siya makakasama hanggang sa pagtanda niyo?At lalo na ngayon na kahit bumalik na ang alaala niya at ikaw na ulit ang mahal niya wala na ding dahilan na maging kayo dahil may anak ka, di ba sabi mo hindi na siya mahalaga sa buhay mo tama ba ako?" kung pwede lang sabunutan ang utak ko baka nakalbo ko na ito.

"Oo hindi na siya mahalaga sa buhay ko. Hindi ko na siya kailangan kaya wala akong pakialam kung iiwan man niya Ako!" Sunod sunod na sagot ko sa sinabi ng epal kong utak at yun ang malaking pagkakamali dahil medyo napalakas ang aking boses at malamang sa alamang nadinig niya ang lahat ng aking sinabi. Walang ka emo-emosyon ang taong nakatayo na nakaharap sa akin. Natatanaw ko ang isang bulto ng katawan sa may labas ng green house namin. Isang taong punong puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata, mga matang kunting kunti na lamang ay bubuhos na ang pinakamalakas na buhos ng mga luha. Shit! Shit! Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon. Hindi niya dapat narinig iyon. Gusto ko siyang lapitan at sabihing, nagbibiro lang ako. Gosh, ano ang nagawa ko? Yun na nga eh. The damage has been done. It has been said and done, diko na pwedeng bawiin pa ang mga iyon. Pero bakit ako nasasaktan? Bakit ako nasasaktan sa mga nakikita ko. I saw Alex standing still, nakatingin lang siya sa akin. Walang ka emo-emosyon ang mukha. Hindi ko kaya ang makita siya sa ganitong sitwasyon. Nadudurog ang puso ko, dahil ba nananaig pa din ang pag-ibig ko sa kanya? Pero ano pang maipagmamalaki ko sa kanya? Inanakan ako,nagahasa. She deserve to have a clean woman. At yun si Cory ang nararapat sa kanya. Kakayanin ko ang lahat dahil ito ang nararapat para sa amin.

"A-Alex ka-kanina ka pa ba diyan?" Parang may bikig sa lalamunan ko na diko masabi ang mga katagang Ito.

Naglakad siya papunta sa kinaroroonan ko at umupo sa may silyang malapit sa akin. Narinig ko ang malalim niyang paghinga.

"Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Sa nakikita ko ngayon mukhang dimo na nga pala ako kailangan pa sa buhay mo. May nagpapasaya na sayo. At hindi kita hahadlangan para sa kasiyahan na iyan. Siguro nga hanggang dito na lang talaga ang role ko sa buhay mo. Pero nais kitang pasalamatan sa mga panahong nakasama kita. Malungkot man ang mga iyon o masaya salamat pa rin. Pero madami ang alaalang sobrang saya ko na kasama ka."nagsasalita siya habang nakatingin sa mga bituing nag niningning sa kalangitan.

"Alex yung-yung tungkol sa narinig mo ahm- ano-kasi-" tinakpan niya ang mga labi ko ng kanyang daliri.

"Shhhh! Di ba sabe ko okay lang ako. So don't worry I'll be just fine. Blake is a good man. And I'm pretty sure he could be a great father to your son and a great husband to you." Madiing turan niya. Ano daw? Great father to my son and great husband para sa akin? Bingi lang Trix meron pa ba kayong ibang kausap? Hindi gusto ko lang ulit ulitin. Lecheng utak na ito umeepal palagi. Nawindang yata ang utak ko sa sinabi niya. Yep. Hindi pa niya alam na hindi si Blake ang ama ni Xandre kasi habang nakalagay kami ni Blake sa hot seat, umalis si Alex hindi namin alam saan nagpunta at pagbalik niya nakaalis na ang mga kaibigan namin. Kaya di niya narinig ang usapan.

"Yeah, maswerte ang babaeng mamahalin ng isang Blake Lopez. Gwapo, mabait, alam nating lahat ang buo niyang pagkatao. Kaya Kung sino man ang mamahalin niya, sana mahalin siya nito ng buong buo."nakita ko ang pag kunot ng kanyang noo habang tinitignan ako.

"What do you mean?"

"Blake is not Xandre's dad. Anak ko siya Kay Andre. Siguro naman alam mo kung paano siya nabuo diba? Ayoko nang isalaysay pa. Walang kasalanan ang bata kaya ko siya kinip. Kailangan niyang mabuhay para makita ang kagandahan ng mundo at makasama ang pamilya niya. Nasabi ko na sa mga kaibigan natin ang lahat lahat." Wika ko.

"Kaya mo ba siya tinago dahil natatakot ka sa sasabihin ng iba? O namin? Pero bakit si Blake alam niya ang tungkol dito?"

"Aksidente lang ang pagkikita namin ni Blake sa store habang bumibili ng mga gamit ng bata that day. Wala nang dahilan para itago ko ang lahat tungkol sa bata dahil nakita niya ang mga pinagbibili ko kaya pilit ako pinapaamin ni Blake. Nakakahiya nga eh kasi siya din ang tumulong sa iba pa na pangangailangan ng anak ko kapag wala ako. Siya ang tumayong ama ni Xandre kapag may mga out of town na lakad ako. Maswerte ako at naging kaibigan ko si Blake. Naging kaagapay ko siya sa problema ko." Salaysay ko sa babaeng nakaupo sa tabi ko. Bigla naman nag init ang pakiramdam ko ng magdikit ang mga balat namin. She was wearing a khaki short and pink top na hapit sa katawan niya. Naamoy ko din ang pabangong gamit niya simula nang maging kami. Ito ang pabangong kinaaadikan kong amuyin kapag magkasama kami. Napapalunok ako ng sunod sunod. Napaiktad ako ng magsalita siya. Nawala yata ako sa katinuan ko. Gosh, Trixie legs lang yan ang nakikita mo. Hindi yan paa ng manok. Epal ng utak ko.

"Bakit dimo sinabi sa amin? O kaya sa akin? Matatanggap ko naman ang lahat lalo na ang tungkol sa bata Trix. Ano baa ng pumasok sa utak mo at tinago moa ng lahat at sinolo mo ang problema na dapat karamay mo ako." Leksyunan ba ako. Asan ba siya di ba nasa kandungan ng iba. Nagpapasaya habang sinisisid ang kweba ng linta na iyon? Tapos sasabihin ko sa kanya? Leche na babae.

"Wala na tapos na iyon. Hindi na natin pwedeng ibalik ang nakalipas para eedit. Andito na tayo sa kasalukuyan at harapin ang iba pang darating sa hinaharap. Ikaw, malapit nang ikasal kay Cory, two years from now magkakaroon na rin kayo ng supling,ng isang buong pamilya." Pilit ang ngiti sa aking mga labi.

"Anong pinagsasabi mong ikakasal? Hindi ba nila binanggit sayo na hindi ko itutuloy ang pagpapakasal kay Cory? Trixie, I'm back!" nagsimula nang maging garalgal ang boses ni Alex. Ayoko ko siyang tingnan dahil ako ang mas lalong nasasaktan. Hindi ko kayang nakikitang lumuluha ang babaeng pinakamamahal ko pero sa ngayon gusto ko munang buuin ang pagkatao ko kasama ng anak ko at ng pamilya ko.

"Alex, hindi...hindi mo siya dapat iniwan, o tinalikuran kasi noong mga panahong hindi mo ako maalala siya ang nagsakripisyo para sa iyo. Inalagaan ka niya, minahal at hindi iniwan. Mahal na mahal ka niya Alex." Nagsimula na ding magpatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Bumalik ang alaala ko kasamang bumalik ang puso ko at pagmamahal ko sayo Baby. Bumalik ako para sa iyo, para sa atin,sa mga pangarap natin. Hayaan mo naman akong gawin ang mga bagay na alam ko ikakasiya natin pareho. Baby, kaya kong tanggapin anuman ang nakaraan mo kasama na ang anak mo. Mahal na mahal kita baby." Nagsimula na siyang lumuhod habang nakayakap sa bewang ko. God, bigyan mo ako ng lakas. Hindi ko kaya ang ganitong sitwasyon. Napapatingala ako habang nagsisipatakan ang mga luha ko sa mga mata.

"Alex tumayo ka diyan. Don't do this to me please. Hayaan mo muna akong hanapin ang sarili ko na hindi ka kasama. I-I LOVE YOU A-ALEX but ahm..I have to let you go" umiiyak na sambit ko sa puchang salita na iyon. Ito pala ang pinakamahirap gawin ang pakawalan mo ang taong mahal na mahal mo. Napaluhod ako upang magtama ang mga mata namin. Pareho na kaming nakaluhod, nagpantay na ang mga mukha namin. Nakayuko lang siya at yumuyogyog ang balikat, indekasyong sobra sobra ang sakit na nararamdaman niya sa ngayon. Bigla siyang nag angat ng mukha at pinahid ang mga luha. Naririnig ko ang kanyang paghikbi.

"Ito ba talaga ang gusto mong mangyari ang mawala ako ng tuluyan sa buhay mo? Sige, kung ito lang ang tanging paraan upang mamuhay ka ng tahimik at matiwasay kasama ng pamilya mo, I'm giving you your FREEDOM. YOU ARE FREE NOW. Hindi na kita gagambalain pa. We will be working together as business partners. " Kuyom ang mga kamay niya habang sinasambit ang mga katagang ito. Parang bulkang sumabog at tumama sa mukha ko na ikinasapol ng puso ko dahil kung masakit yung binitawan kong salita sa kanya ito pala ten times ang sakit na nararamdaman ko. Nanlamig ako sa salitang binanggit niya. " Mahanap mo sana ang tunay na pag-ibig diyan sa puso at ang tunay na kaligayahan. Mamahalin ka sana at aalagaan ng taong bago mong mamahalin. Sige until we meet again." Bakit ka iiyak iyak diyan ito naman ang gusto mo. Gaga lang. Punyemas na utak to. Bigla siyang tumayo at akmang aalis na sana pero nahawakan ko ang kanyang braso. Bakit ganito ayaw ko siyang umalis. Miss na miss ko kaya siya.

"Alex magkaibigan pa rin naman tayo di ba? Kakausapin mo pa rin ako at hindi mo ako iiwasan di ba ha Alex?" leche na luha to di pa maubos ubos.

"Oo pero sa ngayon gusto ko din munang lumayo at piliting buuin ang pagkatao ko. Kaya ikaw na muna ang bahala sa pagpapatakbo ng negosyo natin. Kung okay lang talaga sayo na makasama ako sa trabaho." Walang emosyong Alexandra na ngayon ang nakikita ko. Hindi ko kaya ang malamig niyang pakikipag usap sa akin.

"Yeah, Yeah ahm... ako na ang bahala sa negosyo habang ano, ahm wala ka." Wala na akong maisip na pwedeng sabihin para lang may mapag-usapan kami. Kaya nagpanic ako ng makita kong dinampot niya ang kanyang gamit. Shit! No Alex!

"Salamat Trixie, sa mga panahong nakasama kita, binigyang kulay ang magulo kong mundo. Sige mag-iingat ka palagi. So I guess this is our last goodbye." Bumuga muna siya ng hangin at tumingin sa aking muli. Hinawakan ang mga pisngi ko at pinahid ang mga luha sa mga mata ko. "Before I go lets go to your green house I found something beautiful inside kasi."agad niya akong hinila papasok sa green house namin. Andito ang mga magagandang orchids na collection ni Mommy. May mga fireflies kang makikita dito. At ito nga nagliliparan sa bandang ulo namin. "Come here and listen to this." may pinindot siya sa kanyang phone. Isang kanta na diko alam ang title. Nagsimula na siyang maghum habang nakayakap sa akin. At kumanta kasabay ng kanta sa phone niya. "This is going to be our last dance. Will you dance with me Baby?" ewan ko basta tumango na lang ako at nagsimulang gumalaw ng marinig ko ang kanta. Nagsimula na siyang kumanta.





Wish I could be the one

The one who could give you love

The kind of love you really need

Wish I could say to you

That I'll always stay with you

But baby that's not me

You need someone willing to give their heart and soul to you

Promise you forever, baby that's something I can't do

Oh I could say that I'll be all you need

But that would be a lie

I know I'd only hurt you

I know I'd only make you cry

I'm not the one you're needing

I love you, goodbye...


Narinig ko ang paghikbi niya at lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin habang kumakanta.


I hope someday you can

Find some way to understand I'm only doing this for you

I don't really wanna go

But deep in my heart I know this is the kindest thing to do

You'll find someone who'll be the one that I could never be

Who'll give you something better

Than the love you'll find with me

Oh I could say that I'll be all you need

But that would be a crime

I know I'd only hurt you

I know I'd only make you cry

I'm not the one you're needing

I love you, goodbye

Leaving someone when you love someone

Is the hardest thing to do

When you love someone as much as I love you

Oh I don't wanna leave you

Baby it tears me up inside

But I'll never be the one you're needing

I love you, goodbye

Baby, its never ganna work out

I love you, goodbye...

Natapos ang pagsayaw namin this time hawak niya ang magkabilang pisngi ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko na parang minememorize ang bawat detalye ng mukha ko. She closed her eyes for few seconds then nagmulat na may tipid na mga ngiti.

"Trixie I LOVE YOU, GOODBYE". Then she lean closer to me to close our gap. She kissed me passionately, so gentle, so sweet. Kinagat niya ang bibig ko dahilan upang mapasinghap ako at doon malaya niyang naipasok ang mapaghanap niyang dila. Ginalugad ang kaloob looban nit na parang may hinahanap na bagay. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Sobrang higpit dahil sa nakakahina ng buto ang kanyang mapagparusang mga halik. Napatugon ako sa kanya at ngayon malayang nag espadahan ang mga dila namin.Sipsip dito sipsip doon. Nang maghiwalay ang aming mga labi pareho kaming hinihingal, kitang kita ko sa mga mata ni Alex ang sobrang pananabik. At dahil sobrang miss ko ang babaeng nasa harapan ko bigla ko siyang kinabig at walang habas na siniil ng mapagparusang mga halik ko. Hindi niya yata inaasahan na gagawin ko ito sa kanya. Naghahalikan kami palakad sa pinakasulok ng green house kung saan may malaking couch doon. Pinahiga niya ako at pumatong siya sa akin at tinitignan ako. Tumango na lang ako sa kanya.

" Please Alex don't... don't stop." At nagsimula nang gumapang ang mga kamay niya sa iba't ibang parti ng katawan ko. Dahil sa nadadarang na din ako sa kakaibang init na hatid ng kanyang mga halik pinagapang ko din ang aking mga kamay papunta sa kanyang likod para matanggal ko ang hook ng kanyang bra.Hindi ko nga alam na expert pala ako magtanggal nun gamit isang kamay lang. Nararamdaman ko ang pag sipsip niya sa leeg ko, sa taenga kaya diko napigilan ang mapaungol.

Bumaba ang kanyang mga halik papunta sa dibdib ko, at napasinghap ako ng simulan niyang sipsipin ang utong ko. Napapabangon ako at napapahawak ng mahigpit sa couch,na sa sobrang higpit gusto ko ding mapunit."Aaahhlexxx..." ungol ko at tawag sa pangalan niya. Napasabunot ako sa kanyang ulo at inilapit lalo sa dalawang alaga ko. God mamamatay na ba ako at ito ang kanyang pabaon. Naalala ko yung kinanta sa libing ng magulang ko. Sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko ay pag-ibig. Pero ito ang pabaon niya sa kanyang paglisan, init ng aming pagtatalik. Nagulat ako ng may dumampi sa pagkababae ko. Oh nooooooo... Gossshhh. Nagpabaling baling ang ulo ko. Kagat ang mga labi dahil baka mapasigaw ako sa sobrang ano sarap?

Lalo pa niyang ginalugad ang loob non. Anak ng pitong gatang ka Alexxxxx mamamatay akong tirik ang mga mata sa pinaggagawa mo sa akin.Parang may kung anong namumuong gustong sumabog ano mang oras malapit sa puson ko. Hindi pa siya nakuntento sa pagdila,sipsip,kain sa parti nay un pumasok pa ang dalawang daliri niya at sinimulang mag lagare. Nakakabaliw, nakakawala ng ulirat, nakakaubos ng lakas, nakakapanghina ng tuhod. Gusto kong sumigaw ng sige pa sige pa kaya lang baka matakot ang mga fireflies at tumawag ng totoong bumbero dahil magkakaroon ng sunog ano mang oras dahil sobrang init na ng pakiramdam ko. Dahil sa galing ng kanyang kamay at dila, sumabog ang pinakamalakas na nuclear bomb ng Russia. Parang vacuum cleaner na sinipsip niya ang lahat ng katas na lumabas sa akin. Nanginginig ang buong kalamnan ko pagkatapos ko mailabas ang galit ko sa mundo.Nakita ko ang paghingal niya at pag lick ng bibig nito. Aww! Ang sexy nun. Sa sobrang pagod namin magkayakap kaming nakatulog na may ngiti sa aming mga labi.

Kinabukasan nagising akong sobrang bigat ng katawan ko. Parang galing ako sa matinding labanan. Pilit ko binubuksan ang mga mata ko, kahit sobrang bigat ng mga talukap ng mata ko pinilit ko pa rin buksan sabay kappa sa taong kasama ko. Kapa dito kappa doon. Minulat ko ang mata ko at nanlumo ako na wala nap ala akong kasama. Sobrang bigat sa dibdib na kagabi lang magkayakap kami. Bumangon ako at isa isang pinagdadampot ang mga gamit ko. Pagkabihis ko napansin ko ang kapirasong papel na may pangalan ko.Binuksan ko ito.

Trixie,

When I say I love you, please believe it's true.

When I say forever, know I'll never leave you.

When I say goodbye, promise me you won't cry.

'Cause the day I'll be saying that,

Would be the day I die.

Thank you for last night. It was the most precious moment

That I will surely keep forever in my heart.

I LOVE YOU TRIXIE AND GOODBYE..

Always Loving You,

Alex

Rumaragasang luha ang biglang nagsilabasan sa mga mata ko. Parang water falls na hirap pigilan. Sobrang sakit, sobrang bigat. Iyon na pala ang huling pagkikita namin ni Alex. She left the country the next day without saying goodbye to any of our friends. Now walang nakakaalam ng kanyang kinaroroonan. Nasaan ka Alex? Saan ka Gwenny ko?......

Itutuloy.....








If you love something let it go,

If it comes back to you it's yours,

If it doesn't, it never was...


FROM: ALTRIX

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
174K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
24.7K 478 5
Isang straight na babaeng anak ng mayaman na nagpanggap bilang isang NERD. Dahil sa malaking sekreto na gusto nya itago At Isang spoild brat na st...
356K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...