Baka Sakali 1 (Alegria Boys S...

By jonaxx

121M 3M 1.1M

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema di... More

Baka Sakali
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Pangwakas
Notes

Kabanata 54

1.4M 37.3K 14.7K
By jonaxx

Kabanata 54

Sa Tamang Panahon

"Callix!" Nilapitan ko si Callix para pigilan siya sa pagsuntok kay Jacob pero itinulak niya ako.

"Wa'g mong sasaktan si Rosie!" Sigaw ni Jacob.

Sinuntok ulit ni Callix si Jacob.

"Anong karapatan mo sa kanya? Ilang buwan ka palang dito, inaagaw mo siya? Bro!!! Magpinsan tayo! At alam mong pinopormahan ko siya!" Sigaw ni Callix.

Narealize ko na hindi buo yung narinig niya. Yung huling part lang ng pinag-usapan namin ni Jacob ang narinig niya.

Sinuntok niya ulit si Jacob!

"Alam ko, Callix. Ikaw yung nauna pero mahal ko siya at wala ka ng magagawa-" Sinuntok ulit si Jacob.

Hindi siya lumaban. Hindi ko alam kung alin ang mas okay, na malaman ni Callix ang buong katotohanan o ang manatiling ito lang ang nalalaman niya?

"Kapal ng mukha mo! Ako ang nagpakilala sa kanya sayo! Kapal kapal mo! Hayop ka!" Sinuntok ulit siya ni Callix.

"Magkakilala na kami bago mo pa siya 'pinakilala' sakin. Minahal ko na siya noon pa, bro! Pinigilan ko lang kasi pinsan kita... pero tama na... kasi di ko kayang ganun. Mahal ko siya at siya ang makakapagdesisyon kung sino sating dalawa-"

Sinuntok na naman siya ni Callix. Napasigaw sina Ava at Belle sa suntok na yun. Nakita kasi nilang ibinuhos ni Callix dun ang buong lakas niya.

Napatakbo ako sa gitna ni Jacob at Callix. Hinihingal si Callix habang nakatihaya si Jacob sa buhangin, puno ng dugo, hindi lumalaban.

"Oh my god! Josh! Edward! Karl! Dalhin natin si Jacob sa ospital!" Sigaw ni Ava sa tatlong lalaking nakatingin.

Tinulungan din sila ng ibang mga tao sa paligid. Pinatayo nila si Jacob at duguan ang mukha nito.

"Jacob," Nabasag ang boses ko.

Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Tinignan ko si Callix... Ginulo niya ang buhok niya habang hinihingal parin sa nangyayari. Tinignan niya ako at biglang nag walk-out.

*PAK*

Tumalon ang puso ko sa nangyari. Sinampal ako ni Belle!

"Malandi ka!" Sigaw niya.

"Hindi! Ikaw ang malandi!" Sigaw ko pabalik.

"Ano? Bakit? Nagselos ka siguro nung nilandi ko si Jacob, noh?! At least ako ipinapakita kong malandi ako! Na ganito ako! Pero ikaw? OMYGOD! Akala mo santa, iyon naman pala nasa loob ang kulo! Magpinsan pa ang pinunterya mo!"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Umiiyak na lang ako ng parang tanga.

"Alam mo, Rosie? Akala ko nun okay ka eh... Ngayon? Naprove kong hindi. Talagang hindi. Magpinsan sila. Inisip mo ba ang mangyayari? Pinaasa mo si Callix!"

"Hindi ko siya pinaasa! Nilinaw ko na magkaibigan lang kaming dalawa!" Sigaw ko.

"Hindi! Kahit na! Nilinaw mo pero yung actions mo parang somewhere in the between friends and lovers! Naguguluhan ka siguro kasi pareho silang gwapo ano? Parehong mayaman? Tapos ngayon, narealize mong mas gwapo at mas mayaman si Jacob kaya ayan at nag dadrama ka para maakit siya-"

Sinampal ko si Belle. Hindi siya natinag. Nakita ko ang galit niyang mga mata na nakatitig parin sakin.

"Galit ka? bakit? Kasi totoo diba? Gold digger!"

"Hindi ako ganung klaseng tao!" Sigaw ko.

"Prove it! Kung di ka ganun... layuan mo silang dalawa! Sinira mo ang mag pinsan kaya utang na loob, Rosie, layuan mo silang dalawa!"

Natahimik ako sa sinabi ni Belle.

"Lika na, Ava! At baka mapatay ko pa tong si Rosie!" Sigaw ni Belle sa bestfriend niya.

Nakita ko ang nakikisimpatyang mga mata ni Ava. Nilapitan niya ako at tinapik ang likod.

"Rosie, alam kong malandi talaga si Belle pero tama siya... Kung mahal mo si... uh, Callix... o di kaya si Jacob... Kailangan mong layuan silang dalawa. Nasira ang relasyon nila dahil sayo. Magpinsan na sila bago ka pa dumating. Close na sila bago ka dumating at di pwedeng dahil andito ka na, masisira silang dalawa. Tingin ko ang mabuting magagawa mo sa ngayon ay ang layuan silang dalawa kasi kung magpupursige ka habang fresh pa ang lahat, may masasaktan. At mas lalong di sila magkakasundo niyan."

Umiyak pa ako lalo nang nakita ko ulit ang simpatya sa mga mata niya.

"Sorry, Rosie pero tama si Belle." Tinalikuran niya ako at umalis na.

Nang naiwan ako sa ere, wala akong nagawa kundi umiyak. Umiyak ako kahit maraming taong nakatingin sakin. Fresh pa sa kanilang lahat ang nangyaring suntukan.

Tama silang lahat. Simula't sapul kasalanan ko ang lahat. Ang selfish ko. Gusto ko si Jacob pero ginagamit ko si Callix para masaktan siya. Kahit na kinaklaro ko kay Callix na friends lang kami, alam ko paring umaasa siya at hinahayaan ko lang. Gusto ko si Jacob pero pinagtatabuyan ko siya dahil nasaktan ako. Pride na lang ang meron ako pero di ko alam na pride din pala yung tatraydor sakin.

At ngayon? Nasan na yung mahal ko? Nasa ospital. Hindi siya lumaban kasi alam kong nagui-guilty siya kahit di niya yun kasalanan. Kahit na ako ang may kasalanan. Sinalo niya ang galit ni Callix kahit na ako naman talaga ang dapat ang nasaktan dun. Ako dapat ang sinuntok ni Callix. Ako ang puno't-dulo ng pag aaway nila. Ako ang nagtanim at ako ang nag-alaga sa problemang ito kaya dapat ako yung magdusa. Pero hindi... sinalo yun ni Jacob. Inamin niya ang lahat kay Callix kahit di naman talaga dapat... Kasi di ako worth it...

"Rosie..." Napayakap ako sa tanging taong naiwan. Si Karl. "Puntahan natin sila sa ospital."

Umiling ako, "Wa'g na... Lalayuan ko na si Jacob, Karl. Lalayuan ko na ang mag pinsan. Ayoko na. Tama na." Sabi ko habang umiiyak sa braso niya.

Tahimik lang talaga siya the whole time na umiiyak ako at masaya ako. Sa lahat ng masasakit na salitang narinig ko sa gabing ito, siguro tama lang na may isang kaibigang marunong makinig lang.

Tama. Ito dapat ang noon ko pa ginawa. Dapat pinutol ko lahat ng di worth it sa buhay ko. Burn bridges... Akala ko noon, mas maraming kaibigan, mas masaya (mainly cuz wala akong kaibigan noon). Akala ko ganun. Pero ngayon, narealize kong mas masaya kung may isang kaibigan na tulad ni Karl, totoo at tanggap ka. Totoo din naman si Belle at Ava pero di nila ako matatanggap dahil di nila alam ang buong istorya. Pinagkaitan ko sila ng katotohanan at di ko na deserve ang friendship nila.

"Karl... bisitahin natin si Jacob. One. Last. Time." Sabi ko nang sa wakas ay huminahon na sa pag iyak.

Oo. Bibisitahin ko siya. Pagkatapos nito, lalayu na ako sa kanilang dalawa ni Callix.

Tahimik na nagdrive si Karl papuntang ospital. Ako naman, tahimik rin na umiiyak sa loob.

"Kunin ko na lang ang gamit natin sa hotel? uwi na lang tayo?" Tanong ni Karl nang ipinark niya na ang sasakyan sa tapat ng ospital kung nasaan si Jacob.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko.

Nang naglakad na ako sa loob ng ospital, mas lalo kong naramdaman ang finality sa desisyon ko... Na talagang bibitiwan ko na si Jacob... Sa ngayon. Kasi di ko kayang tuldukan ng tuluyan. Siguro dahil umaasa akong pagnagkaayos sila ni Callix, pwede na kaming dalawa ulit. Pero pag naiisip ko yung mukha, mata ni Callix, narealize kong hindi yun ganun ka dali. Malabo.

*PAK!*

Bago pa ako makapasok sa pintuan ng room ni Jacob may sumampal na agad sakin. Namuo agad yung luha ko bago ko pa nakita kung sino.

Suminghap ang sumampal sakin at nakita ko kung sino yun. Siya yung ate ni Callix na ikinasal nung isang araw.

Nalaglag ang panga ko. Nakita kong mangiyak-ngiyak siya.

"Kapal ng mukha mo." Bulong niya.

Napahawak ako sa masakit na pisngi ko.

"Pasalamat ka't di sinabi ni Callix sa mommy namin na ganito ang nangyari. Ako lang ang sinabihan niya sa totoong nangyari! Kapal ng mukha mong magpakita dito at bumisita kay Jacob!" Sigaw niya sakin.

Hindi ako makapagsalita. Hindi kami nag usap sa wedding niya... at di ko kailanman inisip na ganito ang una naming pag uusap.

"Dinala ka ng kapatid ko sa wedding ko para ipakilala sa buong pamilya. Seryoso siya sayo! Kung may delikadeza ka lang sana, sana di mo na pinaunlakan yung imbitasyon niya kung si Jacob ang mahal mo. Pero di eh... mas pinili mong mamangka sa dalawang ilog diba?"

Napatingin siya sa pintuan at pabalik ulit sakin.

"Sorry, miss pero di kita matatanggap sa kahit anong paraan. Maging girlfriend ka man ni Jacob o ni Callix, di kita matatanggap. Siguro si Jacob ang pinili mo kasi narealize mong mas mayaman siya diba? Kasi may ari siya ng J.A? Yun ba? Kasi yung daddy niya ang nagpatakbo nun? Yun siguro noh?"

Parang waterfalls ang luha kong tumutulong mag isa sa mga mata ko. Hindi parin ako makapagsalita.

"Layuan mo silang dalawa. Sinira mo silang dalawa. Mahiya ka naman."

Napalunok ako at nilet go ang lahat. Siguro ganun talaga pag nagmamahal ka ng isang Jacob Buenaventura... Wala kang karapatan... Kasi mayaman siya. Kasi perpekto siya at ako hindi. Hindi mo siya pwedeng mahalin kasi ganun ang magiging tingin ng ibang tao sayo. Pero wala akong pakealam... wala akong pakealam kung anong tingin ng mga tao sakin kasi mahal ko siya. Ngayon, lalayuan ko siya hindi dahil ayaw kong isipin ng mga taong gold digger ako kundi dahil ayaw kong mawasak ng tuluyan ang relasyon niya sa pamilya para sakin.

"Oo. Lalayuan ko sila." Sabi ko at tinalikuran siya.

Tinalikuran ko na rin ang kwarto kung saan nasa loob si Jacob... Its just not meant to be... Maybe, not now.

Sana ngayon ginawa ko na ang tamang desisyon. Lahat ng naging desisyon ko mula nung nagbalik ako dito sa Maynila, puro nabulag ng galit. Sana ngayon mangibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. Ayokong masira ang relasyon niya sa pamilya niya dahil lang sakin. Kailangan kong matutunang mag mahal ng di selfish.

Baka sakaling di ngayon ang tamang oras para sumugal, Jacob. Sana kaya mong maghintay. Sana kaya ko rin.

Continue Reading

You'll Also Like

117M 2.8M 66
Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang...
390K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
3.5K 870 62
Broken-hearted? Bitter? Realist? Whatever you may call yourself who doesn't believe in happy endings, this compilation is for you.
43.9M 1M 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik pab...