Insanus

By JFstories

2.2M 74.4K 36.5K

"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She of... More

✞INSANUS✞
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
Epilogue

XII

63.7K 2.9K 1.7K
By JFstories

XII

ISAAC

UMUPO SI ISAAC SA tabi ng ex-wife niyang si Cristina. Wala sa loob na pinagmasdan niya ito.. Pulgada lang ang layo niya rito kaya kitang-kita niya ang takot sa maganda nitong mukha. Tiyak siyang na-trauma ito sa mga nangyari noong nakaraang araw. Ayaw sana muna niya itong tanungin matapos ang pag-atake ng killer ngunit kailangan niya ng impormasyon mula rito.

Sinubukang tanungin ng mga kasamahan niyang pulis si Cristina subalit hindi ito nakapagbigay ng pahayag. Umiiyak lang ito at niyayakap ang sarili. Habag na habag siya sa babae. Dahil dito ay lalo siyang magpupursige na mahuli ang salarin. Panahon lang ang kailangan hanggang sa magsalita ito.

"N-noong ipinanganak ako, ang nanay ko ang nagpangalan sa akin." Nagsalita ito na ikinagulat niya. Pinagmasdan niya ang bumubukang bibig nito. Nagpatuloy naman ito sa pagkukwento. "A-alam mo bang naging sakitin ako kaya... pinalitan ng tatay ko ang pangalan ko..."

Napabuntong hininga siya. "Ibig sabihin, hindi Cristina dapat ang pangalan mo?"

Tumango ito. "Noong pinalitan ng tatay ko ang pangalan ko ay lumaki akong malusog. S-simula rin noon ay hindi na ako nagkakasakit..." umaliwalas ang mukha nito.

"Mabuti nalang at naisipan nilang palitan ang pangalan mo..." Kahit nagtataka siya sa pagku-kuwento nito ay nasabi na lang niya.

Bumuga ng hangin ang babae at nanahimik. Matagal ito bago nagsalitang muli. "N-nakita ko na siya dati, Isaac..."

Humawak siya sa kamay ni Cristina. "S-sino?" Nadidinig niya ang malakas na kabog ng dibdib nito.

"I-iyong baliw na lalaking iyon... iyong pulubi..."

"Pulubi?"

Naglandas ang mga luha nito. "N-nakita ko na siya dati sa subdibisyon namin... kausap niya si Vanessa, nakita ko na siya dati... inilayo ko sa kanya si Vanessa kaso biglang naging iba rin ang tingin ko sa anak ko. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari, gulong-gulo na ako..."

Niyakap niya ito at inalo. "Shhh... tahan na... ang importante ay may suspect na tayo." Naalala niyang minsang nang binangit sa kanya ni Cristina ang tungkol sa pulubing natagpuan nito sa loob ng subdibisyong tinitirhan nito. Binalewala niya ito noon dahil parang imposibleng may makapasok na ganoon doon.

Kumalas ito mula sa pagkakayakap niya, tumingala ito para magtama ang kanilang mga mata. "Isaac, g-gusto niya kaming patayin... natatakot ako dahil gusto niya kaming patayin..."

"Hindi mangyayari iyon. Alam mo kung bakit? Dahil hindi na ako mawawala sa tabi nyo. Babantayan ko kayo. Poprotektahan ko kayo at hindi na ako lalayo."

Napakurap ang luhaan nitong mga mata. "P-paano ang trabaho mo? P-paano mo mahahanap ang asawa ko?"

May kirot na gumuhit sa kanyang puso nang mabanggit nito si Flexus. Oo nga pala, may iba ng asawa ang babaeng ito. Ang babaeng ito na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya. Pilit siyang ngumiti. "May naisip na akong paraan."

"Ano?"

"Doon muna tayo sa bahay niyo titira. Mababantayan ko kayo roon dahil madalas na naroon ang mga kapulisan. Isa pa, mas mapapadali rin ako sa pag-iimbestiga kung malawak ang working space ko." Pinisil niya ito sa kamay. "Mas mapapanatag pati ako kung kasama ko kayo roon. At the same time, mababantayan ko kayo."

Lumalam ang mga mata nito at saka tumango. "S-salamat..."

***


GARCIA RESIDENCE

NAGSALUBONG ANG MGA kilay ni Ayrand nang makita niyang nakabukas ang mga closet nila ni Joy. Napamura agad siya at kinabahan. Naroon lang naman kasi nakatago ang nalalabi niyang cash, pati na rin ang mga alahas ng asawa niya.

Nasuntok niya ang pinto ng closet nang madiskubreng wala na iyong laman. Padabog siyang naglakad paitaas at tinungo ang kwarto ng dalagitang si Ginger— ang anak-anakan nila ni Joy.

Malalim pa ang paghinga nito nang dakmain niya ito sa braso. "Nasaan ang mga pera ko?!"

Hindi pa ito agad nakasagot dahil pagod na pagod ang katawan nito. Matapos kasi nilang humithit ng droga ni Mico ay ginamit nila ang kaawa-awang dalagita. Ngunit ilang segundo lang ay para bang naalimpungatan na ito. "H-hindi ko po alam..."

Sinampal niya ito nang malakas. "Magnanakaw ka! Ilabas mo ang pera ko!"

Napaiyak na ito habang sapu-sapo ang sariling pisngi. "M-maniwala pa kayo... hindi ko po alam..."

May kung anong nagtulak sa kanya at sinakal niya ito. Malakas niyang pinilipit ang leeg nito hanggang sa may lumagutok.

Nang bitawan niya ito, wala nang buhay ang dalagita. Maputi na ang mga labi nito at tirik na ang mga mata. Nag-panic siya at napaatras pasandal sa pader. Biglang sumagi sa isip niya si Mico. Nang bumangon siya sa sofa kanina ay wala na ito sa paligid. Patakbo siyang bumaba at hinagilap ang kaibigan. Nagulat lang siya nang buksan niya ang pinto. Sa harapan kasi ng bahay nila ay naroon ang backpack nito.

Kinuha niya iyon at binuksan. Nagliwanag ang kanyang mukha nang matagpuan niya sa loob niyon ang kanyang pera, maging ang mga alahas ng nawawala niyang asawa. Gagong Mico na iyon, hindi pa rin pala nagbabago. Magnanakaw pa rin. Pero mayamaya lang ay bigla siyang nagtaka.

Nasaan si Mico? Kung pagnanakawan siya nito, bakit iniwan nito rito ang bag nito?

Lumabas muli siya ng bahay upang siyasatin ang paligid. Pero wala siyang nakitang kahit ano maliban sa nagkalat na putik sa sahig.

***

ISAAC

NASURPRESA SI ISAAC sa lalaking nakatayo ilang dipa ang layo sa kanya. Kulang na lang ay talunin niya ito ng yakap nang salubungin niya ito. Hinawakan niya pa ito sa magkabilang balikat upang pagmasdan ang mukha nito. Kasing tangkad niya lang ito.

"Ikaw ba talaga yan, Kendo?... ang laki ng iginwapo mo, a! Iba na talaga kapag nasa Manila na, plus sikat pa!"

Ngumisi ang lalaki at halata sa mukha ang galak. "Kumusta na, brad?"

"Amora..." Wala sa loob na nanulas sa bibig ni Isaac habang nakatingin siya sa nakangiting mukha ni Kendo.

Amora. Iyon ang pamagat ng kantang nilikha nito at kinanta. Iyon ang naging break nito. Sumikat ang Amora kaya tumatak sa isip ng mga tao ang kantang iyon "Mabuti at naalala mo pang umuwi rito... sikat na sikat ka na, ah!" sabay tapik niya rito. "Ni wala ka na ngang paramdam. Bigla ka na lang umalis at nagpalit ng number. Grabe, brad! Five years kang missing in action!"

"Sorry na! Naging busy lang." Humalakhak ito. "Na-miss kita... namiss ko kayo..."

May kung anong lungkot siyang naramdaman sa pangungumusta nito. Alam kasi niya ang tinutukoy ni Kendo.

"S-si Cristina... kumusta siya?"

"Okay lang siya," may pag-aalinlangan sa sagot niya.

"Ilan na ang... anak niyo?" Natigilan ito nang bahagya.

"Isa lang. Pero may dalawa pa siyang anak."

"Ha?" Nangunot ang noo ng kaibigan. "H-hindi kita maintindihan? Paanong may dalawa pa siyang anak bukod sa isa niyong anak?"

Napayuko siya bago niya ito sinagot. "Nagka-asawa siya ng iba, Kendo."

"Ano?!" Gulat na gulat ito.

Ibinato niya ang kanyang paningin sa kung saan.

"You mean, hiwalay kayo? Naghiwalay kayo noong umalis ako?!"

Lumipas muna ang ilang segundo bago siya tumango.

Napasuntok sa hangin ang lalaki at saka siya kinwelyuhan. "Anong ginawa mo? Sinaktan mo ba siya? Hindi ka ba naging mabuting asawa sa kanya kaya nag-asawa siya ng iba?" asik nito sa kanya. "Ano, Isaac?! Sumagot ka! T*ngina naman, o!"

Maaga niyang nabuntis si Cristina noon, sixteen pa lang ito noon at sila ni Kendo ay magka-edad, parehong nineteen. Nag-aaral pa silang tatlo. Alam niyang matagal nang gusto ni Kendo si Cristina, pero anong magagawa niya? Mahal niya na si Cristina at mahal din siya ng babae.

Dahil parehong ulila at wala nang mga magulang ay madali na lang sa kanya na ibahay agad si Cristina. Doon niya ito itinira sa bahay na pamana sa kanya ng matandang babaeng umampon sa kanya noon, ang matandang babaeng iyon ay old maid na kapatid ng namatay na si Detective Bart. Nang mag- eighteen si Cristina ay saka niya ito pinakasalan. Matagal din silang nagkasamaan ng loob ni Kendo. May isip na si Madelle ng tuluyang matanggap ni Kendo ang nangyari. Sa huli ay nagpaubaya na lang ang kaibigan niya sa kanila.

Mahal na mahal ni Kendo si Cristina. Matagal na kasi nila itong nakikita, bata palang ito ay madalas na si Cristina sa lumang ampunan sa San Martin, kasama nito palagi ang nanay nito na cook sa ampunan. Mga bata palang sila, mahal na rin niya ang babae.

"Bakit nagkaganoon, Isaac?! Bakit?! Nangako ka sa akin na aalagaan mo siya, di ba? Anong nangyari? Bakit hinayaan mo siyang mawala?!"

"Pulis lang ako..." Kusang bumuka ang kanyang bibig. "Paano ko siyang ipaglalaban kung hindi ko maibigay ang kanyang gusto?..."

"S-sana pala... hindi ko na lang siya pinakawalan... sana pala... hindi ko na lang siya pinaubaya sa'yo!" Susuntukin na sana siya nito nang magsalita ang isang babae sa di kalayuan.

"Ako ang may kasalanan!" hiyaw ni Cristina. Habul nito ang sariling hininga.

Magkapanabay nila itong binalingan.

"Ako ang may kasalanan, Kendo..." pumiyok ito. "Mabuting asawa si Isaac pero naghanap pa rin ako ng iba... naghanap ako ng mas mayaman sa kanya. Ako ang may kasalanan. Ako ang may diperensiya."

Namayani sa kanilang tatlo ang katahimikan pagkatapos nito.

***

Cristina

"HINDI KA PA RIN nagbabago. Masarap ka pa rin magluto," papuri ni Kendo kay Cristina sa niluto niyang karneng afritada.

Mabuti na lang at marami pa siyang stock ng karne sa kanyang refrigerator. Hindi pa naman sira ang mga binili ni Flexus. Narito kasi sila sa bahay nila ni Flexus at dito muna pansamantala. Sumang-ayon siya sa plano ni Isaac para na rin maprotektahan sila ng mga awtoridad.

Samantalang si Isaac naman na kaharap nila ay abala lang sa pagkain. Paborito kasi nito ang mga luto niya noong mag-asawa pa sila. Ngayon niya lang kasi ito ulit naipagluto.

"Bakit ka nga pala bumalik dito?" tanong niya kay Kendo matapos niyang makaupo sa harap ng hapag. "Akala ko sa Manila ka na talaga for life. Parang ayaw mo ng bumalik dito sa San Martin, e."

"Pagod na kasi ako sa Manila. Isa pa..." humina ang tinig nito. "Nabalitaan kong patay na siya..." si Detective Bart ang tinutukoy nito.

Kilala niya rin si Detective Bart. Batang ampunan rin iyon noong kabataan nito, kasabayan halos nito ang nanay niya. At tulad ng nanay niya ay bumabalik ito sa ampunan para dalawin at tumulong sa mga madre noon, at doon nakilala nila Isaac ang matandang detective.

Sina Kendo, Isaac at maging si Flexus ay mga laking ampunan sa San Martin. Ngayon ay wala na ang ampunang iyon, pero nanatiling close sina Kendo at Isaac. Tanging si Flexus lang ang hindi nakasundo ng mga ito, iba kasi ang asawa niya. May pagkamasungit si Flexus. At tulad ni Kendo, si Flexus ay isa sa mga umasensong batang ampunan nang makapag-kolehiyo. Sinuwerte ang asawa niya sa pagne-negosyo.

Si Kendo naman ay tumuloy sa pangarap nitong maging composer at artist. Samantalang si Isaac naman ay sumunod sa yabag ni Detective Bart na maging tagapagtanggol ng batas.

"Pinakain mo na iyong mga bata?" pag-iiba ng usapan ni Isaac. Naroon na kasi ang mga ito sa itaas sa dating kwarto nila ni Flexus.

Sinikap niyang ngitian ang dalawa. "K-kumain na sila. Si Madelle lang ang hindi pa."

"Hindi magtatagal ay matatanggap din niya ang pagkawala ni Eric." Iyong aso ang tinutukoy ni Isaac. Naikwento na rin nila kay Kendo ang mga nangyari kaya wala na sa mukha nito ang pagtatanong.

"Mabuti na lang at dito ako kumuha ng bahay. Nabalitaan ko kasing kaunti palang ang naninirahan dito sa subdibisyon. Swerte pa rin dahil kapitbahay ko lang pala tong bahay mo." Sabi ni Kendo sa gitna ng pagnguya. Sa kanya ito nakatingin.

"Hindi ko alam, brad kung maswerte ka." Wika ni Isaac habang pinapapak ang ulam. "Marami na kasing mga kaso ng missing dito sa subdivision nila Cristina. Kaya baka– " natigilan ito. Para bang may nanguya itong matigas sa kinakain nito. Parang nabilaukan ang itsura.

"Bakit?" nakanguso niyang tanong sa lalaki. "Pangit ba lasa ng luto ko?"

May dinukot ito sa bibig at nakahugot ito ng hikaw na ginto at hugis bituin. "A-ano ito?" kinuha nito iyon at iniangat sa ere. "H-hikaw..."

Namutla si Cristina sa nakita. Pamilyar kasi ang hikaw na iyon sa kanya. "Kilala ko kung kanino ang hikaw na iyan..."

"Ha?" napatingin sa kanya ang dalawa.

"I-iyang hikaw na iyan..." nahindik siya. "Kilala ko kung kanino iyan..."

Bumalatay sa mukha ni Isaac ang kaba. "K-kanino?"

Tumayo siya at binuksan ang kanyang refrigerator. May mga karne doon na nakabalot sa plastic. Saka lang niya napansin na parang dumami ang karne nilang stock. Isa-isa niya iyong binungkal.

Nagkatinginan lang ang dalawang lalaki sa kanyang ginagawa.

Hanggang sa mabungkal niya ang isang plastic na parte ng balat. Nabuwal siya at napaluhod nang makita ang laman non. "K-kay Joy... kay Joy ang hikaw na iyan..." nilingon niya ang dalawa. "H-hindi pala ito karne ng baboy... katawan pala ito ni... Joy..."

Nang lapitan siya ni Isaac ay naduwal ito. Ang binungkal kasi niyang karne ay puro tattoo ang balat!

JF

Continue Reading

You'll Also Like

118K 5.5K 11
Ito ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
39.3M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...
2.7M 53.6K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...