Insanus

By JFstories

2.1M 73.5K 36.2K

"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She of... More

✞INSANUS✞
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
Epilogue

IX

61.9K 2.8K 717
By JFstories

IX

ISAAC

AGAD HINAGILAP NG paningin ni Isaac si Cristina pagtapak niya sa presinto. May nagbigay kasi ng impormasyon sa kanya na naroon nga ang dating asawa. Maigi nalang at mabilis niyang natagpuan ang babae. Tulala ito na nakaupo sa opisina ng kanilang police chief na si Joshua Ariola.

Patakbo siyang pumasok sa salaming pintuan upang lapitan ito.

Tila naman nagkaroon ng kulay ang blankong mga mata nito nang makalapit siya rito.

"I-Isaac..." nabasag ang tinig nito. Tumayo ito at agad na yumakap sa kanya. "I-Isaac, si Flexus... nawawala si Flexus, tulungan mo ako..."

"Gagawin  lahat ng makakaya ko..." Gumanti siya sa yakap nito.

Kumalas sa kanya ang babae. "N-natatakot ako..." Tigmak ng mga luha ang magandang mukha nito. "N-natatakot ako na baka may nangyari sa kanyang masama..."

"Ano bang nangyari? Nagtalo ba kayo?"

Umiling ito. "N-nag-empake pa siya nang gabing iyon bago siya nawala dahil plano naming mag-out of town. P-paggising ko kinabukasan ay wala na siya. P-pero nakakapagtaka lang na wala man lang bawas ang gamit niya..." Humawak ito sa mga kamay niya. "N-nararamdaman kong may masamang nangyari sa kanya... N-nararamdaman kong napahamak siya..."

Napabuntong-hininga siya. "Mag-iimbistiga muna ako sa mga nangyari, Cristina." Bumitaw siya sa mga kamay nito at humawak siya sa magkabila nitong balikat. "Nasaan ang mga bata? Si Apple? Si Vanessa?"

Yumuko ito at hindi tumugon.

Alam niyang nahihiya lang ito magsabi sa kanya kaya pinangunahan na niya. "Habang inaalam ko ang detalye sa pagkawala ni Flexus, doon muna kayo tumuloy sa amin."

Umangat ang mukha nito. "P-paano si Madelle? Alam mo namang – "

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Gusto ko rin kasing masiguro ang kaligtasan n'yo ng mga bata."

Matagal ito bago nakapagsalita muli. "S-salamat."

Muli niya itong niyakap. "H-hahanapin ko si Flexus... kahit anong mangyari." Subalit ang totoo ay higit siyang nag-aalala sa dating asawa at sa mga anak nito.

***

MADELLE

HUMALUKIPKIP SI MADELLE nang makita niya mula sa pintuan si Isaac, na may bitbit na three-years old na baby sa mga bisig nito, kasama ang kanyang ina na si Cristina. Sa likod ng mga ito ay nakasunod ang magpi-pitong taong gulang na batang babae, si Vanessa.

Nakasimangot siya hanggang sa makapasok sa kanilang bahay ang mga ito. Nagbago lang ang kanyang mukha nang makitang nakatingin sa kanya si Vanessa.

Patakbo niyang nilapitan ito. "Kumusta ang cute na batang ito?" nakangiti siyang pinisil ang pisngi nito bago hinagkan. "Miss na kita."

Gumanti naman ng halik sa kanya ang bata. "Okay lang po, Ate Madelle." Sumungaw sa mga labi nito ang maliliit nitong ngipin.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka napadalaw, ha? At bakit pumayat ka?" Aniya habang kinikiliti ito.

Miss na miss niya na ito, minsan na lang niya kasi ito madalaw sa school nito. Sabik siya sa kapatid. Naging malapit talaga siya kay Vanessa dahil nanatili pa ito sa kanila ng dalawang taon bago nadiskubreng hindi niya pala ito tunay na kapatid sa ama, na half sister niya lang ito.

Hindi ito anak ng papa niya. Anak ito ni Cristina sa ibang lalaki, don sa bago nitong asawa. Pero kahit ganon ay mahal na mahal ni Madelle si Vanessa, kahit si Baby Apple ay mahal na mahal niya rin.

"Hindi siya dumadalaw lang dito, Madelle." Sabad ng kanyang ama. "Dito muna siya pansamantala."

Kuminang ang kanyang mga mata. "Talaga?! Edi mas okay!" kay Vanessa siya nakabaling. Ni tapunan ng tingin si Cristina ay hindi niya ginawa.

Tumukhim si Isaac mayamaya. "Hindi lang siya, anak." Pagkuwan ay tumingin ito sa babaeng katabi. "Pati sila."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Halika na, Vanessa. Ipapakita ko sa'yo ang magiging kwarto mo." Nagbago rin ang timbre ng boses niya. May isa silang bakanteng kwarto, mabuti na lang at palagi niyang nililinis iyon.

"Hindi na, Madelle. Si Cristina na ang maghahatid kay Vanessa." Awat sa kanya ng ama.

"Hindi ba pwedeng ako?"

"Hindi. Dahil mag-uusap pa tayo. Saka don din mag-stay sila Cristina habang nandirito sila."

Wala siyang nagawa kundi ang magtungo sa kwarto niya nang mag-isa. Ilang minuto pa lang siya sa kanyang silid ay kumakatok na ang kanyang ama. Pinagbuksan naman niya ito agad.

"Dito muna sila pansamantala." May pagsusumamo ang tono ng lalaki.

"Ano ba kasing nangyari, Pa?" umikot ang bilog ng kanyang mga mata.

"Nawawala ang asawa ng mama mo."

"Mama? Hindi ko siya ina. Kung ina ko siya, sana ay hindi niya tayo iniwan noon!"

"Madelle, ano ba?!" nagtaas na ng boses si Isaac. "Ngayon pa ba natin ito pagtatalunan?"

Natahimik siya sa sinabi ng kanyang ama.

Napayuko ito bago humugot nang malalim na paghinga. "Kahit baligtarin ang mundo ay ina mo pa rin siya. Hindi ko siya pwedeng pabayaan dahil..." Bahagya itong natigilan. "Dahil..."

"Mahal mo pa rin siya?" Naglandas na ang mga luha niya.

Napatigagal ito.

"N-nakalimutan mo na ba, pa? P-pinagpalit niya tayo... niloko ka niya... tayo... naghanap siya ng iba dahil ayaw na niyang maghirap..." garalgal ang boses niya. "I-iniwan niya tayo at sumama siya sa iba..."

"M-Madelle..."

"K-kaya hindi ko maintindihan, Pa..." Napahagulhol na siya. "B-bakit ang bilis mo siyang napatawad? B-bakit hindi mo magawang magalit sa kanya?"

Hindi na makaimik ang lalaki.

"D-dahil ba mahal mo pa rin siya?"

"H-hindi mo naiintindihan, anak..."

Napapikit siya kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha. "M-matutulog na ako. Kailangan ko na ring magpahinga."

"M-Madelle..."

"Papa, please..."

Walang nagawa si Isaac kundi ang humakbang palabas ng kwarto. Bago ito tuluyang nawala sa kanyang paningin ay nilingon muna siya nito. Pagkasara niya ng pinto ay sumalampak siya sa kama pahiga.

Sumubsob siya sa unan at doon nag-iiiyak. Hindi niya talaga masikmurang makasama ang Cristina na iyon. Ang ina na nag-abandona sa kanila noong mga panahong naghihirap sila. Ang ina na piniling sumama sa mayaman at pinabayaan sila. Ang ina na kailanman ay hindi na niya yata mapapatawad.

***

BINUKLAT NI ISAAC ang folder na inilapag ng kanyang chief of police sa kanyang desk. Naroon ang kuha ng mga larawan na magagamit sa pag-iimbestiga na kinunan sa bahay nina Cristina. Wala siyang masilip na bagay doon na maaaring dahilan ng pagkawala ni Flexus maliban sa foot prints na nasa kisame.

"I can't find anything maliban d'yan." Wika ni Chief Joshua Ariola. Umupo ito sa upuang kaharap niya. "Ngayon lang ako nakakita ng mga footprint sa kisame."

"Dugo? Finger prints? Buhok o kuko, wala ba, Chief?" tanong niya habang patuloy siya sa pagmamasid sa mga larawan.

"Walang bakas na iniwan ang salarin maliban d'yan."

"Hindi iyong salarin ang tinutukoy ko."

"Ha?"

Tumitig siya sa mga mata ni Joshua Ariola, matanda lang ito ng ilang taon sa kanya. "Si Flexus. Wala ba siyang iniwang bakas?" tanong niya rito.

Tumayo ang chief at tumanaw sa binatana. "Ang kanyang tsinelas, mga damit, gamit, cellphone, car at lahat-lahat ay naiwan. Parang imposibleng lumabas siya nang wala ang mga ito. Unless if he was abducted by someone. Pero wala namang bakas ng gulong ng kahit anong sasakyan na lumapit sa kanilang bakuran hanggang labas ng gate. Remember na malakas ang ulan nang gabing 'yon. Imposibleng hindi man lang bumakat ang gulong sa putikan nilang daan."

"Umuulan?" napaisip si Isaac. "Wala bang mantsa ng tubig sa sahig?"

"Meron. Patungo ito sa kwarto ni Cristina. Hindi ito bakas ng mga basang paa bagkus patak ng tubig."

Nangunot ang kanyang noo.

"Isa pa sa palaisipan ay kung bakit basa ng tubig ang kama ni Cristina. Natagpuan niya ring naiwang bukas ang gripo sa kanilang banyo pagkagising niya nang umagang iyon."

Napahimas siya sa kanyang baba. Muli niyang pinagmasdan ang mga larawan. "Meron tayong killer, Chief."

Napatingin sa kanya ang lalaki. "Killer? Hindi pa naman tayo sigurado kung napaslang nga ang missing, ah."

"Hindi nawawala si Flexus."

"Ano?" Napaupo muli si Chief Joshua Ariola sa harapan niya. "Hindi kita maintindihan."

"Kailangan ko si Detective Paulo Bart. Siya lang ang makakatulong sa akin pagdating sa ganito." Si Bart ang pinakamagaling na imbestigador na kilala niya. Matalik niya rin itong kaibigan at naging ninong ng kasal nila ni Cristina noon.

Natahimik ang kanyang chief at umiwas sa kanya ng tingin. "I'm sorry, Isaac. Pero wala si Bart."

"Nasaan siya?" tanong niya. "Nakausap ko lang siya kahapon ng umaga, ah."

Yumuko si Chief Joshua at pinili na lang na manahimik.

"Umalis ba siya ng bansa?"

Nagtubig ang mga mata nito nang mag-angat ito ng mukha. "Wala na siya."

"P-paanong wala?"

"W-wala na siya, Isaac." Naikuyom ng kausap niya ang sariling kamao. "Patay na siya."

***

GARCIA RESIDENCE

NAPATINDIG SI AYRAND mula sa sofang kanyang kinahihigaan nang marinigan niyang may kumakatok. Hindi pa rin kasi natatagpuan si Joy at natatakot siyang matulad siya rito. Dis oras din kasi ng gabing iyon tulad ngayon nang may kumatok sa kanila. Nang pagbuksan ito ng kanyang asawa ay nawala na lang ang babae na parang bula.

"S-sino yan?" piyok niyang tanong sa ilang hakbang niyang layo sa pinto.

Walang tugon mula sa kumakatok.

Dumampot siya ng baseball bat sa 'di kalayuan. "S-sino sabi 'yan, eh!"

"Si Mico 'to, pre."

"M-Mico?" Nakahinga siya nang maluwag nang marinig niya ang tinig ng kaibigan. Naglakad siya patungo sa pinto upang buksan ito. "I-ikaw ba talaga yan, Mico?"

"Oo nga! Buksan mo itong pinto."

Sinunod naman niya ang inutos nito. Bumungad nga sa kanya ang lalaki na naka-hoody. May takip ito sa mukha at pawisan ang lalaki.

"A-anong ginagawa mo rito? A-alam ba ni Flexus na narito ka?"

Nagtuloy-tuloy ito papasok sa kanyang kusina. "May pagkain ka ba?"

"Mico, hindi ka pwede dito sa lugar na ito! Hindi pwedeng– "

"Nawawala si Flexus." Hindi na siya pinatapos nito.

"Ha?"

"Hindi mo ba nabalitaan? Kalapit bahay mo lang siya, ah?"

Nanlambot siya at napaupo sa sofa na kanyang hinigaan kanina. Humigpit ang pagkakahawak niya sa hawak niyang pamalo. "B-baka kinuha rin siya..."

"Kinuha nino?"

Tulala niyang binalingan ang kaibigan. "I-iyong kumuha sa asawa ko..."

Nagbago ang mukha ni Mico. "Posible. Iyon talaga ang sadya ko rito, gusto kitang kausapin. Gusto kitang balaan na magpakalayo ka na..."

Namilog ang mga mata niya sa reaksyon nito. "M-may alam ka ba kung sino ang kumuha sa kanila?"

Sunud-sunod itong umiling at lumikot ang mga mata.

"M-Mico, may alam ka ba?"Nilapitan niya ito. Alam niya kapag may itinatago ito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na paranormal expert ito. At kung hindi siya nagkakamali ay may kinalaman ang kababalaghan sa pagkawala ni Joy.

Tinalikuran siya nito. "W-wala. Basta umalis ka na lang sa lugar na ito."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Biglang lumalim ang paghinga nito. "U-umalis ka na lang rito kung ayaw mong matulad kay Flexus. Alam mo? Umalis na lang tayo ng bansa. Pati ako, aalis na rin ako rito sa Pilipinas." Napapikit ito nang mariin. "Shit! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang nagbago na ako?"

"H-hindi kita maintindihan, Mico. Ano ba iyang pinagsasasabi mo? At saka hindi ako aalis dito hangga't hindi ko natatagpuan ang asawa ko."

"Ayrand..." Tumitig ito sa kanya. "H-hindi mo na matatagpuan ang asawa mo..."

Napaatras siya.

"W-wala na si Joy... patay na ang asawa mo..."

Napanganga siya sa sinabi nito. "P-paano mo naman... nasabi iyan?"

"Hindi mo pa ba naiintindihan ang nangyayari? Bumalik na siya. Binabalikan niya na tayo. U-ubusin niya na tayo..." Puno ng takot ang mga mata ni Mico. "Kahit anong iwas natin... kahit anong gawin natin... P-papatayin niya tayong lahat... papatayin niya tayo."

"S-sino?"

Bumuka ang bibig nito at sumambit ng pangalan.

JF

Continue Reading

You'll Also Like

6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
1.5K 172 8
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...
24K 667 8
Marami kang pagsubok na kahaharapin. Problema, higit ka nitong dudumugin. Ikaw ba'y lulupaypay na lamang? Sa kalsada, katawa'y isasalangsang? Bumang...
1.5M 91.7K 34
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...