BABY ON BOARD

By the_innocent

658K 8.7K 2.1K

Isang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Ar... More

PROLOGUE
CHAPTER I the past
Chapter II PARA KAY JANSEN
CHAPTER III PARA KAY ANDREW
CHAPTER IV PARA KAY KIM
CHAPTER V REALITY
CHAPTER VI The Plan
Chapter VII Andrew's girl?
CHAPTER VIII Bantay Sarado
CHAPTER IX DEBUT
CHAPTER X tuwing umuulan at kapiling ka...
CHAPTER XI I'm Back!
Chapter XII date with him
CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER XIV FIGHT
CHAPTER XV NAG IBA KA NA
CHAPTER XVI DATE AGAIN
CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK
CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY
chapter xix i love you
CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO
CHAPTER XXI I'M SORRY
CHAPTER XXII UMUWI KA NA PLEASE
CHAPTER XXIII The Proposal
CHAPTER XXIV The Wedding
CHAPTER XXV A DAY WITH HIM
CHAPTER XXVI REVELATIONS
CHAPTER XXVIII I LOVE YOU HUBBY.. FOREVER
CHAPTER XXIX FAREWELL
EPILOGUE
Important Note

CHAPTER XXVII NIGHTMARE

11.1K 206 54
By the_innocent

Nightmare

A/N this is not the last chapter.

Salamat ulit sa mga nag follow sa akin sa twitter at kumakausap sa akin @xandrachill

KIM'S POV

Nakakainip din pala kapag maghapon ka lang na nasa bahay. Gustuhin man namin ni Andrew na mamasyal pa ay hindi na pwede kasi kailangan na nyang bumalik sa school, baka kasi bumaba yung mga grades nya kapag nagpatuloy pa sya sa pag absent. Sabi nya sa susunod na lang daw kami mamasyal. Nag facebook na lang muna ako, tapos nakita ko yung mga pictures nung mga classmates ko. Haay. Napagiwanan na ako. Gusto ko ng bumalik sa school. Pangako ko sa sarili ko, mag-aaral talaga ako ng mabuti para naman makabawi ako kay mommy at daddy at syempre para na rin kay Andrew at sa magiging baby namin. Habang nag iinternet ako ay nakaramdam ako ng uhaw.Sa pagtayo ko ay nasagi ko yung picture frame na may picture ni Andrew, syempre nabasag yung frame. Nakaramdam ako ng kaba nung mabasag yung frame. Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Andrew, pero nakapatay ang cellphone nya.

"wala to, napapraning lang siguro ako."

Hinawakan ko ang tyan ko,at kinausap ko ang baby ko.

"hi baby, malapit ka ng lumabas.. Sabi ng doctor 2 weeks na lang daw at lalabas ka na. Excited na akong makita ka. Sigurado ako na kapag nakita ka ng daddy mo matutuwa yun,.Pero hindi pa rin namin alam ang gender mo. Gusto ko kasi surprise :)) konting tiis na lanag baby."

natigil ako sa pagkausap sa anak ko dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay si Manang Rosie na naghahabol ng hininga.

"manang, bakit po?"-ako

"may taxi driver na nasa baba nabundol daw nya si Andrew. Dinala na raw nya sa ospital ang asawa mo."-manang Rosie

Nanlambot ako sa narinig ko at muntikan pa akong mapaupo ng di oras buti na lang ay naalalayan ako ni Manang Rosie na noon ay umiiyak na. Kaya pala bigla akong kinabahan kanina.. Ganito pala ang mangyayari. Bakit naman nangyari pa ito kay Andrew? Sana naman ay nasa mabuti syang kalagayan.

"anak, magpakatatag ka. Halika, sasamahan kita sa ospital."-manang

"h-hindi na po manang, ihanda nyo na lang po ang ilang gamit ni Andrew tatawagan ko na lang po kayo kung saang ospital sya dinala."-ako

Dumiretso na ako agad sa labas at nakita ko nga ang taxi driver na nakabundol sa asawa ko. Puro sorry ang sinabi nung driver, ano bang magagawa ng sorry nya eh naaksidente na nga yung asawa ko. Habang nasa byahe kami ay walang ibang laman ang isip ko kundi si Andrew. Sana naman ay maayos ang lagay nya. Dahil kapag nagkataong may masamang nangyari kay Andrew.. Pasensyahan na lang kami ni Manong driver.

Pero... Bigla akong nagtaka.

"kamusta ang asawa ko? Anong lagay nya?tsaka manong, di ba sabi nyo. Nabundol nyo ang asawa ko? Bakit pa kayo pumunta sa bahay.. Eh may cellphone naman ang asawa ko eh.. Sana tinawagan nyo na lang ako para nakapunta ako agad sa ospital. Tsaka paano nyo naman nalaman ang address namin?"

"okay naman sya,ah.. Ah.. Ano kasi.. Lowbatt yung cellphone nung asawa mo kaya.. Di ko kayo nacontact nakita ko sa I.D nya yung adress kaya nagpunta na lang ako sa bahay nyo."-manong driver

Hindi ko na lang pinansin si Manong, habang nasa taxi kami ay panay ang dasal ko na sana ay hindi malubha ang lagay ni Andrew.. Hanggang sa dumating kami sa isang lugar, pero hindi sa ospital kundi sa isang Abandonadong factory.

ANDREW'S POV

Maaga ang uwian namin ngayon kasi may project nanaman na pinagagawa sa amin kaya ang sabi ng prof namin ay simulan na raw namin ang pag gawa. Ang sabihin nya tinatamad lang syang magturo. Pero okay na rin to atleast ay makakauwi na ako ng bahay. Sigurado akong hinihintay na ako ni Kim. Sumakay na agad ako sa kotse ko. Tapos ay nagsimula ng magmaneho, nasa ikatlong kalye pa lang ako ng biglang may kotse na humarang sa akin. Muntikan ko pa nga kaming magkabanggaan. Ano kayang problema ng driver na 'to?

Bumaba ako ng kotse ko at kinatok ang salamin ng bintana ng kotse. Hindi naman ako makikipag away, sasabihan ko lang sana na mag ingat sya. Pero.. Nagulat ako sa nakita ko. Dahil pag bukas ng bintana ay si Barbi ang nakita ko. Nakashades pa nga sya eh.. Tapos ay bigla syang tumingin sa akin at ngumiti.

"hop in"-barbi

"bakit ko naman gagawin yun? May sarili akong kotse no. Atsaka naghihintay na sa akin si Kim. At nga pala barbi.. Tigil tigilan mo na ang panggugulo sa amin ni Kim."-ako.

Paalis na sana ako ng biglang maglabasan ang apat na lalaki. Parang mga bouncer sa laki ng katawan at pinilit akong ipasok sa loob ng kotse. Nanlaban ako sa loob ng sasakyan.

"ano ba! Pakawalan nyo nga ako! Ano ba 'to Barbi?! Naka shabu ka ha?!! Palabasin nyo ko dito!"

Nagsisipa ako sa loob ng sasakyan at sakto naman ay natadyakan ko si Barbi sa mukha.

"aray! Peste! Patahimikin nyo nga yan!" utos nya sa mga tauhan nya.

Nilabas nung isang lalaki yung baril nya atsaka hinampas sa mukha ko. Na naging dahilan para makatulog ako. Pag gising ko ay nakatali ako sa isang upuan. May isang bumbilya lang ang nagbibigay ng liwanag. Nahihilo ako.. Hindi ko alam kung dahil sa gutom kaya ako nahihilo o dahil sa paghampas sakin nung sira ulong lalaki na yun. Ramdam ko pa rin yung kirot ng mukha ko.

"so gising ka na pala?"

Nakita koa si Barbi na hinihimas nya yung baril na hawak nya. Tapos ay tumingin sa akin.

"excited na akong gamitin 'tong baril. May hinihintay lang akong isang tao, pagdating nya sigurado akong magagamit ko na 'to."

Nagpumiglas ako sa pagkakatali ko sa upuan pero sobrang higpit ng pagkakatali sa akin.

"walanghiya ka Barbi! Bakit mo 'to ginagawa?! Anong kasalanan ko sayo at humantong pa tayo sa ganitong sitwasyon?!"-ako

Naglakad si Barbi papunta sa akin at tsaka nya tinutok yung baril na hawak nya sa ulo ko.

"wala akong galit sa'yo.. Pero sa pamilya ng asawa mo meron. Sad to say nag focus ako sa asawa mo. At sorry na lang ulit kasi nadamay ka sa gulong 'to."-Barbi

"susunugin sa impyerno ang kaluluwa mo! Huwag na huwag mong idadamay dito ang mag ina ko!"

"hahaha! Bakit Andrew? May magagawa ka ba ha? Ang sarap nga ng upo mo dyan eh. Manood ka na lang mamaya kung paano ko pahirapan ang asawa mo."-Barbi

"humanda ka sa akin kapag nakawala ako dito!"

Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas.

"Bitiwan nyo ko ano ba?!"

Narinig ko ang isang pamilyar na boses. At hindi ako nagkamali si Kim ang dumating habang kinakaladkad ng dalawang lalaki. Nabuhay nanaman ang galit sa dibdib ko.

KIM'S POV

"Bitiwan nyo ako ano ba?!"

Dinala ako dito nung bwisit na taxi driver tapos ay may bigla na lang na kumaladkad sa akin na dalawang lalaki, natatakot na ako bakit may ganitong pangyayari at tsaka sino ang nag utos sa nga lalaking to na dalhin ako dito?

"nandito na pala sya."

Nagulat ako ng makita ko si Barbi na nakangiti sa akin. Sya pala ang may pakana nito, wala na talagang pag-asa ang babaeng 'to sukdulan na ang kasamaan ni Barbi.

"Kim!"

Paglingon ko ay nakita ko si Andrew na nasa sulok at nakatali sa upuan. May sugat din sya sa noo na patuloy ang pagdudugo, kawawa naman ang mahal ko.

"hay*p ka Barbi!!! Anong ginawa mo kay Andrew?! Pakawalan mo kami! Napakasama mo talaga!"

Lumapit sa akin si Barbi sinabunutan ako at kinaladkad ako sa isang sulok.

"Barbi! Wag mong saktan si Kim! Leave her alone!"

Narinig ko na sumigaw si Andrew, tapos ay nagpupumilit syang makalapit sa akin.

"manahimik ka dyan Andrew! Wag kang mag-alala mag uumpisa na ang laro natin. Boys! Alam nyo na ang gagawin sa lalaking yan."

Lumapit ang mga lalaki kay Andrew at kinalagan sya. pagtayo ni Andrew sa upuan ay agad syang sinuntok sa mukha, pag harap nya ulit ay sinikmuraan agad sya nung isa pang lalaki. Hindi pa man sya nakakabangon ay tinadyakan sya ng isa pang lalaki. Nakita ko kung paano mamilipit sa sakit si Andrew.

"tama na! barbi please, ihinto mo na'to!!!"

Hawak ako ngayon ni Barbi sa kanang braso tapos yung isang lalaki naman sa kaliwa kong braso. Hinigpitan ni Barbi yung pagkakahawak nya sa braso lo.

"tumahimik ka dyan! Nagsisimula pa lang tayo! Ang saya di ba Kim? Mas matutuwa ka sa mga susunod pang mangyayari."

Kumuha ng kahoy ung isang lalaki at pinaghahampas sa likod si Andrew. Hindi pa sila nakuntento at binigyan pa nila ng tig iisang tadyak si Andrew. Nakita ko naman ang pagsuka ng dugo ni Andrew. Hindi ko na kinakaya ang nakikita ko. Parang nadudurog ang puso ko habang pinapanuod si Andrew na nasasaktan. Gusto ko syang ilayo sa lugar na 'to pero hindi ko magawa. Wala akong magawa para iligtas si Andrew.

"tigilan nyo sya! Maawa na kayo! Wag nyo syang saktan! barbi ano ba?! Napaka sama mo!! Itigil mo na to!"

"ang sakit di ba Kim? Wala kang magawa habang sinasaktan ang taong mahal mo, ganyan din ang nararamdaman ko noon! Nakita ko ang pambabalewala ng daddy mo sa mommy ko! Araw araw nyang ipinapamukha sa amin na hindi nya kami mahal! Isa lang naman ang gusto ko noon eh.. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya! Pero pinagdamot sa akin yun ng daddy.. Kasi alam mi kung bakit?! Dahil sa'yo! Dahil sa pamilya nyo! Mang aagaw kayo!"

"wala akong inaagawa sayo Barbi! Kayo ng mommy mo ang nang agaw! Nilayo nyo sa amin ang daddy ko! Sinira nyo ang buhay namin! Tapos ngayon, ikaw pa ang may ganang magalit?! Kapal din ng mukha mo!"

Paaaak! Sinampal ako ni Barbi tapos ay hinablot nya ulit ang buhok ko, tinitigan ako.

"nasira ang buhay mo ha? Saang banda? Ah alam ko na, noong nabuntis ka ni Andrew, Akala ko nga masisira ang buhay mo eh, kaso nakita ko na mas naging masaya ka pa! Sayang at pumalpak ang plano ko, tama ang narinig mo, ako ang nag set up sa inyo ni Andrew, and That's it! May nabuong bata. Kaso wala, ang tindi mo rin no? Ang saya mo pa rin. Lahat ginawa ko maagaw lang ang mga bagay na mayroon ka. Pero bakit ganun? Palagi akong palpak? pero sigurado ako ngayon.. Hindi na ako papalpak!"

Grabe! Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi ng Barbi na 'to, pinalaki nya lang yung gulo, at nandamay pa sya ng ibang tao. Ano bang pumasok sa kokote nya at ginagawa nya ang mga bagay na 'to? Nasisiraan na ba sya ng ulo?!

"B-barbi..W-wag si Kim"

Narinig ko pang nagsalita si Andrew, tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nakikita ko kung paano maghirap si Andrew at mamilipit sa sakit. Unti unting gumagapang papalapit sa akin si Andrew. Nang makalapit sya sa akin ay kumapit sya sa binti ko. Puro sugat at Dugo ang kanyang mukha at katawan. Yayakapin ko na sana sya ng bigla akong pigilan ni Barbi.

"ngayon, andrew ikaw naman ang manood."

Naglakad papalayo si Barbi at tsaka nya ikinasa at tinutok sa akin ang baril.

"bye Althea Kim."

Pumikit ako, at sa pag pikit ko ay narinig ko ang pagputok ng baril, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Pero wala akong naramdaman na kakaiba. Pagdilat ko ng mga mata ko.. Si Andrew ang nakita ko, nakayakap sa akin. At ngayon ay unti unti ng nanghihina. Sya ang nabaril ni Barbi.. Si Barbi naman at ang mga kasama nya ay mabilis na umalis.

Bumagsak si Andrew sa sahig. Tuloy tuloy lang ang pag agis ng luha ko. Kasabay noon ay ang pagkawasak ng puso ko.. Unti unting naghahabol ng hininga si Andrew.

"K-kim.. O-okay k-ka lang?"

Hinawakan ko ang mukha ni Andrew.. Kitang kita ko sa mukha nya ang paghihirap at sakit. Sinalo nya ang bala na dapat ay para sa akin.

"sssh.. Wag ka ng magsalita, dadalhin kita sa ospital."

Kukunin ko na sana ang cellphone ko ng hawakan ni Andrew ang kamay ko.

"wag na.. H-hindi na ako aabot."

"no Andrew, kaya mo yan.. Wag mo akong iwan.. Wag mo kaming iiwan ng anak natin."

Hinalikan ko ang noo ni Andrew. Wala na akong pakielam kung may dugo sa katawan si Andrew wala na rin akong pakielam kung madungisan ako. Ang importante sa akin ay mabuhay sya, mabuhay ang ama ng dinadala ko. Ayokong mawala sya sa akin. Please wag muna.

"Wag k-kang U-umiyak.."

"andrew, tama na dadalhin kita sa ospital halika na.. Tatawagan ko na rin sina mommy."

"H-hindi ko na k-kaya Kim"

"Andrew please.. Stay with Me."

Mas matatanggap ko pa kung magkakahiwalay kami ni Andrew dahil sa hindi na nya ako mahal. Mas matatanggap ko pa kung magkaroon sya ng ibang babae. Mas matatanggap ko pa kung pupunta sya ng ibang bansan at tatakbuhan ang responsibilidad nya sa akin.. Pero ang tuluyang mawala sya sa akin? Yun ang hindi ko kaya.

"I want to stay.. But I can't..... I love you..."

Kasabay ng pagpikit ni Andrew ay ang pagbitaw nya sa kamay ko.Wala akong nagawa kundi ang yakapin sya ng mahigpit at isigaw ang kanyang pangalan. Siguro nakatulog lang sya dahil sa pagod. Siguro masamang panaginip lang 'to tapos mamaya ay magigising na rin ako. Hundi pwedeng mawala sa akin si Andrew, hindi pwedeng mawala sya sa amin ng anak nya. Madami pa kaming pangarap para sa isa't isa at nangako sya sakin na magsasama kami Forever. Naniniwala ako sa pangakong binitiwan sa akin ni Andrew, naniniwala ako na lalaban sya hindi lang para sa akin.. Pati na rin sa anak namin. Naniniwala rin ako na hindi ito ang huling beses na maririnig ko ang pagsabi nya ng 'I LOVE YOU' sa akin. At naniniwala din ako na muli syang kakapit sa mga kamay ko. Hindi.. Hindi ito ang katapusan ng love story namin. Hindi pwede.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...