Wanted: SomeoneTo Love

By iDangs

7.3M 208K 30.1K

Kung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila... More

Wanted: Someone to Love
Prologue
Chapter 1: I don't love you
Chapter 2: Grounded
Chapter 3: Jaydee and Phoenix
Chapter 4: National Bungguan Day
Chapter 5: Offer
Chapter 6: Good and Bad News
Chapter 7: Prank Call
Chapter 8: What hurts the most
Chapter 9: Be careful what you wish for
Chapter 10: Gitara
Chapter 11: Faith
Chapter 12: Doubts
Chapter 13: Patching things up
Chapter 14: Desperate
Chapter 15: You're okay
Chapter 16: Friends to the rescue
Chapter 17: Improving
Chapter 18: I will marry you
Chapter 19: You're nice.
Chapter 20: Possible
Chapter 21: If I'm Gonna Fall in Love
Chapter 22: Issues
Chapter 24: Are you sure?
Chapter 25: Minus two
Chapter 26: Text
Chapter 27: Another Story
Chapter 28: Soulmates
Chapter 29: All About Timing
Chapter 30: Last Chapter
Other Stories

Chapter 23: Pizza Delivery

136K 5K 419
By iDangs




Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kay Aubrey. Paanong nangyari 'yon? Paano nag-break ang dalawang bestfriends ko? Maniniwala pa ako kung maghihiwalay ang ibang tao. Ibang tao pero hindi silang dalawa. Isa pa, masyado naman atang mabilis 'yon.

"Phoenix, pwedeng sa susunod na lang tayo - "

"Oo naman. Sige, samahan mo muna si Marga."

"Thanks. Please pakisamahan din muna si Rocco ha."

Hinila ko na si Aubrey at tumakbo para sundan si Marga. Saan ba nagpunta 'yong babaeng 'yon? Ayaw niya kapag pinapatakbo kami sa P.E. 'yon pala may tinatagong bilis sa pagtakbo ang bestfriend ko. Hay nako.

"Nasaan na ba 'yon?"

"Ah, kasi, ano.. Ash. After Phoenix called you, tumakbo na siya somewhere. Hindi ko nga siya napansin 'cause, I don't know. Masyado sigurong mabilis? Basta when I looked at where she's supposed to be, wala na siya doon and si Rocco na lang 'yong nandoon. Nakaupo sa stairs tapos sabi niya that they broke up na."

"Ang bilis masyado. Saan kaya 'yon pupunta?"

"I'll call her."

Hakbang na ako ng hakbang habang nagriring ang phone ni Marga. Panay tanong din ako kay Aubrey kung sumagot na ba pero nakakailang missed call na siya, wala pa rin.

"Try mo pa."

Tinawagan niya ulit at after few rings ay sinagot na niya, "Hello, Marga? Where are you? Hinahanap ka namin ni Ash."

"Pakausap, please."

Tumango naman si Aubrey at iniabot sa akin ang phone niya. "Marga, nasaan ka ba? Ayos ka lang ba?"

"Nasa may greenhouse ako."

"Okay. Diyan ka lang. Pupunta kami ni Aubrey diyan. Okay?" Humarap ako kay Aubrey at iniabot ang phone niya sa kaniya, "Let's go sa greenhouse."

Nang makarating kami doon ay nakaupo lang si Marga sa bench sa harap. Nakatulala na para bang ngayon lang nagsink in sa kaniya lahat ng nangyari.

"Marga," I called kaya napatingin siya sa akin. Nginitian niya pa ako pero alam ko behind that smile, gusto na niyang umiyak. Kaya lumapit ako sa kaniya at saka siya niyakap. "I'm here. I am here."

Nang sabihin ko 'yon ay tuluyan na nga siyang humagulgol. Nakayakap pa rin ako sa kaniya habang nakaupo naman si Aubrey sa tabi niya at hinahagod ang likod ni Marga. Nang mahimasmasan na siya ay umayos na siya at ikwinento sa amin ang nangyari.

"Nang mag-usap kami sinabi ko sa kaniya na naiinis ako doon sa babae. Tinanong niya ako kung bakit. Strike 1 na 'yon." Napapailing niyang sabi, "It doesn't take a genius para malaman na naiinis ako sa babae kasi nagseselos ako. Bakit hindi niya maintindihan 'yon?"

"Kasi he's a boy?"

Siniko ko si Aubrey sa sinabi niya. Nakita na niyang seryoso 'tong isa eh.

"So I spelled it out for him. Sinabi ko nagseselos ako doon sa babae. Sinabi niya na friends lang sila at ang babaw ko para magselos. Strike two. Sorry, hindi ko alam na mababaw pala na makaramdam ng selos kapag may nakita kang babae na nakikipagtawanan sa boyfriend mo, nakakakwentuhan ng boyfriend mo, ang flirty ng dating sa boyfriend mo. Mababaw pala 'yon."

"No, it's not mababaw."

Paggatong ulit ni Aubrey kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Sabi ko, wala na akong pakialam. Mababaw na kung mababaw. Basta as much as possible, huwag niyang i-entertain 'yong babaeng 'yon. Kaya lang alam niyong sinagot niya sa akin? Sabi niya hindi naman niya mapipigilan kung lumalapit sa kaniya 'yong babae. Ayaw din naman niyang maging rude doon sa babae. 'Yung tipong makita palang daw niyang papalapit, bigla na lang siyang tatakbo palayo. Ang rude daw ng dating. Strike three."

"Wow. Grabe ha. So mas pinili niyang maging rude sa 'yo?"

"Aubrey!"

"No, Ash, totoo naman. Ang jerk kaya ng dating," depensa niya sa sarili niya.

Napabuntong hininga na lang ako. "Malamang ikaw ang nakipag-break. Dahil ba sa mga sinabi niya?"

Tumango si Marga at napaluha na naman, "Hindi man lang siya nag-abalang ipagtanggol ang sarili niya o pigilan ako. Hindi man lang niya ako hinabol."

"Kasi naman - "

"Aubrey, please stop. Just stop." Pakiusap ko sa kaniya at buti na lang ay nanahimik siya. "Nagpadala ka sa galit. Siguro nainis din si Rocco. Everything's too sudden, don't you think? Magpalamig muna kayo parehas ng ulo at mag-usap after nito."

"I don't want to talk - "

"Ayaw mong makipag-usap? Then fine. Kaya lang isipin mo kung sino ang mawawala sa 'yo, ha. Isipin mo na si Rocco ang pwedeng mawala sa 'yo."

Napayuko si Marga sa sinabi ko. Mukha namang naintindihan niya. Kilala ko ang dalawang 'to. Siguro nga ngayon lang ang unang pagkakaton na naghiwalay or nag-cool off sila. Pero sigurado ako na magkakabalikan pa sila. Please lang. Sana magkabalikan sila.

***

Nagbabasa ako sa room ko nang dire-diretsyong pumasok si Ate Cass at umupo sa kama ko.

"Sumama ka sa akin."

"Nagbabasa ako."

"Ayaw mo? Sige. Kami na lang ang magsla-slumber party nila Zoe."

Narinig ko palang ang pangalan ni Ate Zoe ay automatic na tumigil ako sa pagbabasa. Inipit ko ang bookmark at saka inilapag ang book ko sa side table.

"Wait lang. Magbibihis lang ako."

"Okay. Baba muna ako."

Nang makalabas na si Ate Cass ay narinig ko pa si Kuya Ice na nagpipilit sumama kila Ate Zoe. Parang bata na pilit sumasama sa mama niya. "No. Hindi pwede. Galit nga sa inyo kaya hindi ka pwede doon. Sisipain ka lang no'n palabas ng bahay nila."

Ooh. May away sila huh. Bakit may mga away ngayon ang mga lovers na kilala ko? Ayon ba ang uso ngayon?

Bago kami umalis ni Ate Cass ay nagpupumilit pa rin si Kuya Ice at nang wala ni isa sa amin ang napilit niya ay pinasabi na lang niya kay Ate Zoe na kausapin siya. Which of course I doubt na gagawin ni Ate Zoe kahit sabihin pa namin. Hindi ko man alam kung bakit sila nag-away, sure ako na kapag mainit ang ulo ni Ate Zoe ay hindi niya muna kakausapin si Kuya Ice.

Hindi ko alam if it's a good or bad thing. Good thing kasi hindi niya papaandarin ang galit niya once mag-usap sila and wala ng tendency na may masabi siyang mapagsisisihan lang niya sa bandang huli. Bad thing naman kasi sa halip na maayos ng maaga ang problema, mas mapapatagal pa.

Nang makarating kami sa bahay ng apat ay agad nila kaming winelcome. Nakaayos na rin ang foods and drinks pati ang music nakaayos na rin.

At first nagkwekwentuhan lang kami hanggang sa naisipin nilang magsayawan. Talon sila ng talon and of course nakisama ako. Hanggang sa makaramdan na kaming lahat ng pagod at bumagsak na lang sa floor, bed at couch.

"Ate Zoe, pinapasabi ni Kuya Ice na kausapin mo raw siya."

Napairap siya sa sinabi ko at itinaas pa ang paa sa wall habang nakahiga sa sahig, "Maghanap siyang kausap niya sa bar na pinuntahan niya."

"What bar?"

Napaayos ako ng upo sa narinig ko. Anong bar sinasabi niya? Kung ano man 'yon, ayon ba ang reason kaya magkagalit sila?

"Alam mo Ash," pagkuha ni Ate Sab ng atensyon ko. "Ang magaling na kapatid at mga kuya kuyahan mo, nag boys night out pala kagabi. Nagpunta sa bar tapos nagchill chill."

"Is it a bad thing?"

Hindi ko alam pero parang wala namang masama kung magkaroon sila ng boys night out. Ang pangit naman kung ikukulong mo 'yong boyfriend mo sa sarili niyong mundo. Mas ayos if you'll let him grow as an individual. Hindi 'yong palaging kayo lang.

"No, it's not a bad thing," sagot sa akin ni Ate Ayu.

"But if you'll lie about your whereabouts, then, yes, it's a bad thing." Dagdag pa ni Ate Yannie.

"Wait. Nagsinungaling sila?"

"Yah. Sabi nila nasa bahay sila kaya lang nagkataon na nakita ng isang kablock namin si Ice. Kaya tinanong niya ako kung bakit hindi ko siya kasama at doon ko nalaman na umalis pala 'yong loko."

"Akala kasi nila hindi namin sila papayagan. As if."

Now, I get it. Oo nga. That's a bad thing. No arguments.

"Ayon kasi ang problema sa mga 'yon. Masunod lang ang gusto, kahit magsinungaling gagawin. Alam naman natin na first year college palang tayo at syempre parang nandoon palang 'yong freedom natin to explore the world and have fun so bakit namin sila pipigilan gawin ang gusto nila kung alam naman namin na hindi 'yon makakasama sa kanila."

"They should've trusted us. Mga lalaking 'yan kapag sa ligawan lang magaling."

"Oo nga. Kapag nagtagal na, wala na."

"Dadaanin ka pa sa mga pangbobola."

"Wala namang ibang ginawa kundi mangbola."

"Bago manligaw kung anu-ano sasabihin sa 'yo na nakakakilig. Pagkatapos no'n, wala na rin."

Kung anu-ano pang sinasabi nila Ate Sab tungkol sa pagsisinungaling nila Kuya Josh. Nagkataon naman na nagtext sa akin si Phoenix.

I really like you, Ash. And I'm going to prove it to you. Hindi ko rin hinihingi na sagutin mo ang sinabi ko sa 'yo ngayon. Handa akong maghintay sa 'yo. Basta believe me. Kilala kita kaya baka iniisip mong nan-goo-good time lang ako. Pero hindi. Seryoso ako. Gusto kita.

"Minsan talaga better kung maging magkaibigan na lang ang isang guy at girl. Walang complications."

Napalunok ako sa sinabi ni Ate Sab. Sign na ba 'yon? Meaning, dapat friends na lang kami ni Phoenix? Na hindi ko na dapat palalimin pa? Ganoon ba 'yon?

At sa mga reaksyon nila ngayon pati na rin sa nangyari kay Marga kanina, parang nakakatakot rin pala. Hindi lang pala puro saya ang bawat relationships.

Natahimik silang lahat nang may mag doorbell. Nagpalitan kaming lahat ng tingin.

"May nagpapunta ba sa kanila dito?" tanong ni Ate Cass.

Sabay sabay naman na umiling 'yong apat.

"Baka nandiyan na 'yong pinadala kong pizza," kibit balikat na sabi ni Ate Sab. "Check ko nga."

"Wait, paano kung si Josh 'yan? Kakausapin mo ba?"

"Aba, hindi muna. Galit pa kaya ako."

"Ako na lang kukuha para safe kayo." Pagprisinta ko at pumayag naman silang lahat.

Sana pizza delivery. Sana pizza delivery. I badly want pizza right now.

"Pizza delivery."

Napahinto ako nang makita kung sino ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Si Jaydee. Anong ginagawa nito dito?

***

Note: 'Yung eksena ng LQ nila Zoe and others, ang setting no'n is before TC2 kaya hindi siya lumabas sa story. Ayon lang. Ingat! :D

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3M 55.4K 26
(COMPLETED) I don't believe in DESTINY... I really don't... but along came this girl.
1M 2.1K 5
Book 2 of A Nerd In Disguise She came back to get what is rightfully hers at para na din tuparin ang kanyang pangako. Pero isang bagay ang gumimbal s...
1.1K 58 10
Louiscito Pedrico Borromeo III... Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. But ironic as he is, hopeless romantic iyan...