Chapter Six
Kenneth's Point of View
Wow naman . May POV rin pala ako . Nahiya naman daw ako sa author eh . Mwahahaha ! Akala niyo One man , One word ako no ? Sa totoo lang wala lang talagang kwenta kausap si Cloud . Pero kaibigan ko siya kaya nagegets niya na ko , Basta LIBRE madaldal ako ! Hahaha ! Pero back to the story .
" Cloud , " Bwahaha ! Magugulatin talaga to . x)
" Ano ?! "
" Feeling ko , "
" Ano nga ! "
" Uhmmmm , " Haha ! Sarap pagtripan nito .
" Gago ka ! Ano nga ?! "
Yan na , Napatingin na dito si Millard . Ibulong ko na nga !
" Feeling ko may gusto si Millard kay Lena , Iwas topic , Tapos tignan mo na reaksyon niya kanina dun sa sinabi ni Harold . "
--
Lena's Point of View
Ano ba yan ! Magsesend nalang ako duduling duling pa . Wrong send tuloy , Ang masama pa sa mahanging ulap ko nasend . Tss , Isipin pa nun may gusto ako sa kanya . Hmp ! Di bale , Susunduin naman ako ni Millard bukas . Ahihihi ! Grabe ?! Pwede bang bumilis nalang yug oras ?! At biglang nag ring ang selpon ko .
Calling ... Bespren Mae :)
Hala ! Bat napatawag to ?
" Hoy babaeng Lena ! "
" Bakit ? Problema mo ? Napatawag ka ? "
" Ay hinde , Text to , Boba lang teh ?! "
" Ay ganun ba ? Akala ko chat to eh . "
" Ay leche ! Oo nga pala , Di ako makakapasok bukas . "
" Ay , Baket ? ... Okay , Ano ngayon ? "
" Wala lang talagang pake ? Yan tayo eh . Oh sige na bye ! Ingag sa Ulap na may kidlat . Hehe ! "
" Pakin --- " *toot..toot..toot*
Ay bastos , Di pa ako tapos sa sasabihin ko eh . Pakinteyp !
Anyways , Antagal magreply ni Millard Mylabs . Haysssss :/
1 New Message
Oh my Juice ! Baka si Mylabs na to ! *Click*
~*~
From : Stupid Cloud
Hoy Nerd , Gising ka pa ?
~*~
Ay hindi , Tulog na ko , Lechugas ! May hinihintay pa ko eh .
~*~
To : Stupid Cloud
Siguro tulog na ko , Nakakapagreply pa ko oh ? Bwiset !
--
Author's Note : Napaaga po ang update , Waaaah ! Di ako makakapag update sa Tuesday eh , May lakwatsa ako . Haha ! Anyways , COMMENT PLEASE ! Lol . XD . Nagustuhan niyo sana . Sayonara ! xD . Btw , I dedicate this chapter to my beri lably bespren *confetti* ! Ahaha ! Sa kanyang idea to actually , Pero wag niyo na siyang pansin . HAHAHA ! Invisible yan . XD
Comment , Vote , Spread the love . :* ♥
Next update will be on Thursday . Bhubye ! :D