BABY ON BOARD

By the_innocent

658K 8.7K 2.1K

Isang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Ar... More

PROLOGUE
CHAPTER I the past
Chapter II PARA KAY JANSEN
CHAPTER III PARA KAY ANDREW
CHAPTER IV PARA KAY KIM
CHAPTER V REALITY
CHAPTER VI The Plan
Chapter VII Andrew's girl?
CHAPTER VIII Bantay Sarado
CHAPTER IX DEBUT
CHAPTER X tuwing umuulan at kapiling ka...
CHAPTER XI I'm Back!
Chapter XII date with him
CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER XIV FIGHT
CHAPTER XV NAG IBA KA NA
CHAPTER XVI DATE AGAIN
CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK
CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY
chapter xix i love you
CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO
CHAPTER XXI I'M SORRY
CHAPTER XXII UMUWI KA NA PLEASE
CHAPTER XXIII The Proposal
CHAPTER XXIV The Wedding
CHAPTER XXV A DAY WITH HIM
CHAPTER XXVII NIGHTMARE
CHAPTER XXVIII I LOVE YOU HUBBY.. FOREVER
CHAPTER XXIX FAREWELL
EPILOGUE
Important Note

CHAPTER XXVI REVELATIONS

11K 169 11
By the_innocent

ANDREW'S POV

Bumalik na kami ngayon sa Manila, nandito kami ngayon sa bahay ng mommy at daddy ko. Nandito rin yung mama at ate ni Kim. Niyaya kasi sila ni Mommy na sunaglit muna sa bahay. Kami naman ni Kim ay nagpahinga lang saglit.

"Ang ganda naman ng mga orchids mo"-mommy ni Kim

"ay oo naman, eto na ang ginawa kong libangan ang mga orchids ko. Gusto lagi silang healthy. Eto ang baby ko ngayon."-mommy ko.

"Siguro dapat mag lagay na rin ako ng Orchids sa bahay, para naman magkabuhay tung garden namin. Ang gaganda kasi nilang tingnan eh."-mommy ni Kim

"oo naman, iba pa rin kapag may Orchids sa garden"-mommy ko.

Masaya ako na kahit papaano ay nagiging close na si Mommy sa mommy ni Kim. Simula kasi nung nagpakasal kami ni Kim. Nung unang kasala pa namin ha, hindi sila gaanong naguusap. Syempre magkaiba sila ng pananaw noon eh. Ayaw ng mommy ko na ipakasal ako kay Kim. At gusto naman ng mommy ni Kim na magpakasal kami. Pero ngayon, nakikita ko yung pagbabago sa kanilang dalawa. Mukhang magkakasundo na ang dalawa kong Nanay.

Biglang nag ring ang phone ng mommy ni Kim.

"ha?! Kanina ka pa nandyan?! O sige papunta na ako. Bye"

"Mga balae sige tuloy na muna ako at may aasikasuhin lang ako. "-mommy ni Kim

Mabilis na lumapit sa amin ang mommy ni Kim. Si kim naman ay puno ng pagtataka ang mukha. Bigla rin kasing nagbago ang facial expression ng mommy nya. Hinawakan ni Kim yung kamay ng mommy nya.

"mommy, may problema po ba sa clinic? Gusto nyo po samahan ko kayo?"-kim

"ah, hindi na anak. Basta wag nyong kakalimutan ni Andrew na dumaan sa bahay ngayon. May sasabihin ako sayo hihintayin namin kayo ng ate mo sa bahay.."-mommy

"eh mommy, bakit hindi na lang po dito?bakit sa bahay pa?"-kim

"basta, sumunod ka na lang sa sinabi ko."-mommy ni Kim.

Naiwang nakatayo si Kim sa harap ng pintuan habang papaalis ang kotse ng mommy nya. Agad ko namang inakbayan si Kim. Ramdam ko kasi na nag aalala sya para sa mommy nya. Pati tuloy ako ay nacurious.ano nga kaya yung sasabihin ng mommy ni Kim? Bakit hindi pa nya sinabi ngayon?

"Andrew.. Kinakabahan ako."

Ngumiti ako kay Kim at hinawakan ang dalawa nyang kamay. Kitang kita sa mukha ng mahal ko ang matinding pag-aalala.

"wag kang mag-alala.. Nandito naman ako eh. Hahawakan ko lang ang kamay mo. Kaya wag ka ng masyado pang mag-isip. Tara na nga.. Pumunta na tayo sa inyo para mawala na yang kaba na nararamdaman mo."

KIM'S POV

Habang nasa byahe kami ni Andrew ay hindi ako mapakali. Iba talaga yung nararamdaman ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam parang may kakaibang mangyayari. Pero di kaya napaparanoid lang ako? Baka naman may surprise lang sa akin si Mommy, baka nahawa na sya kay Andrew na mahilig magsurprise.. After 30 minutes ay dumating na kami sa bahay. Tahimik ang buong bahay pati si ate ay tahimik lang din na naka upo sa Sofa. May nangyayari talaga na hindi ko alam.

Inakbayan ako ni andrew at marahang pinisil ang balikat ko. Parang sinasabi nya na wag akong kabahan dahil nasa tabi ko lang sya.

"mommy, ano po ang sasabihin mo? Tungkol saan po ba?"-Kim

"actually anak, wala akong sassabihin sa'yo.. Pero sya meron."

Bumaba sa hagdan ang isang tao na sobra kong minahal. Sya ang unang lalaki na minahal ko. Pero mas pinili nyang iwan ako. Hindi lang ako.. Kami nina mommy at ate. Mas pinili nya na maging malungkot kami dahil sa pagkawala nya. Mas pinili nyang umalis at iwanan kami ng basta basta. Hindi man nya kami pinabayaan pagdating sa pera, pinabayaan naman nya kami bilang mga anak nya. Gusto ko syang yakapin at sabihing miss na miss ko na sya. Pero hindi ko magawa dahil merong parte ng pagkatao ko na nagsasabing wag ko syang lapitan, dahil darating nanaman ang panahon na iiwan nanaman nya kami. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya nandito. Basta ang alam ko lang ay biglaan ang pagbabalik nya. Bakit ba sya tinanggap ni Mommy? Sana di na lang sya bumalik. Sobrang lungkot at sakit na ang ibinibigay nya sa amin ni Mommy at ate.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"anak ko.."

Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin. At tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Nang magtama ang aming mga mata ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Sigro dahil sa sakit na nararamdaman ko. Masaya na kami eh, pero bakit bumalik pa sya?!

"bakit bumalik ka pa daddy? Anong kailangan mo sa amin? Wag kang mag-alala okay na okay kami ni Mommy dito.hindi ka na namin kailangan."

Hinawakan ako ni Andrew sa magkabilang balikat. Natahimik ang lahat ng bitawan ko ang mga salitang yun. Sorry kung kabastusan na 'to. Pero hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Ang daming taning sa isipan ko na humihingi ng sagot nya. At dapat lang na magpaliwanag sya sa aming pamilya nya. At siguraduhin nya lang na katanggap tanggap ang paliwanag nya.

"bumalik ako anak, kasi hindi ko na kaya. Bumalik ako para sa inyo anak. Dahil walang araw na hindi ko kayo iniisip. Mahal na mahal ko kayo.. Pati na ang magiging apo ko."

Pinahid ni Andrew yung luha ko na walang tigil sa pagtulo. At tska ko muling hinarap si Daddy.

"bakit mo sinasabi yan? Dahil ba sa nakokonsensya ka na ha? Kung mahal mo talaga kami daddy.. Sana noong una pa lang hindi ka nambabae! Sana hindi sumagi sa isip mo na iwan kami!"

Paano nyang nasabi na mahal nya kami nila mommy kung iniwan naman nya kami. Ni hindi nya nga naaalala sa mga mahahalagang okasyon. Pati na rin sa mahahalagang events sa buhay namin. Nakaya namin na mabuhay ng wala sya kaya makakaya ulit namin na mabuhay kahit habang buhay pa syang mawala sa mga buhay namin. At ngayon naman gusto nyang magpaka lolo sa apo nya? Ano ba talaga ang tumatakbo sa utak nya? Naaah! Di ko maintindihan.

"Iniwan ko kayo dahil kailangan.. Dahil kailangan ko kayong protektahan laban sa asawa ko."-daddy

Napatingin ako kay daddy na noo'y umiiyak na. Anong ibig nyang sabihin doon? Ang lakas naman ng loob ng asaw nya ngayon na sirain pa ang mga buhay namin. Eh sya naman tong nang-agaw at nanira ng pamilya. Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon? Masyado na syang desperada!

"What do you mean?"-ako

"college pa lang kami ng mommy mo ay kaibigan na namin si Cecille Buenavista. Noong una ay maganda ang takbo ng pagkakaibigan namin. Tinulungan pa nga ako ni Cecille na ligawan ang mommy mo noon. Hanggang sa sagutin ako ng mommy mo, lumipas pa ang maraming taon at nagpakasal kami ng mommy mo. Tapos ay naging anak na namin ang ate mo. Masaya kami noon walang gaanong problema. Lahat ng makakapagpasaya sa ate mo ay ibinibigay namin ng mommy mo. Lumipas pa ang dalawang taon at naipanganak ka na Kim, masayang masaya kami ng mommy mo sa pagdating mo, pero makalipas lang ang ilang buwan ay kailangan kong umalis ng bansa dahil ipinadala ako ng kompanya sa China. Kailangan ko kasing makausap ang mga investors doon. Sinundan ako ni Cecille, hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun. Sobrang yaman ng pamilya nila Cecille kaya kahit anong gusto nya ay nagagawa at nakukuha nya. Buntis sya ng mga panahong yun pero hindi nya alam kung sino ang ama ng dinadala nya. Awang awa ako sa kanya noon dahil galit na galit sa kanya ang kanyang tatay. Tinulungan ko si Cecille sa abot ng aking makakaya, hanggang sa dumating ang isang araw ay may kumatok sa apartment na tinutuluyan ko noon. Si Cecille kasama ang ama nya at ang mga body guards nito. Ako ang itinuro ni Cecille na ama hg kanyang anak. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ayusin ang gulo na iyon. Pero hindi ko kinaya. Natanggal ako sa trabaho ko noon dahil sa kagagawan ng tatay ni Cecille. Binalak kong umuwi ng Pilipinas pero hinarang pa rin ako ngtatay ni Cecille. Ipinakasal kaming dalawa. Sinabi ko na may pamilya ako dito sa Pilipinas pero wala daw silang pakielam. Ayaw na nila na makikipagusap ako sa mommy nyo.Lahat ginawa nila mabago lang ang buhay ko. Sinira nila ang buhay ko, nagpadala rin sila ng ilang litrato sa mommy mo napatunay na may pamilya na akong bago. Sa New york kami namuhay. Sa New york din nasira ang buhay ko. Di nagtagal ay ipinanganak si Barbi, ang anak ni Cecille.."

"Barbi??."

Sabay pa naming sabi ni Andrew. Hindi kaya ang Barbi na anak ni Cecille ay si Barbi Buenavista na pilit sumisira ng buhay ko?

"Barbi, Barbi Buenavista ang gamit nyang pangalan dito sa Pilipinas hindi nya ginamit ang apilido ko. Ginawa kong impyerno ang pagsasama namin ni Cecille ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kanilang lahat na hindi ko mahal si Cecille. At si Barbi ang naging saksi noon. Maging Si Barbi ay hindi ko itinuring na sarili kong anak. Dahil para sa akin ay kayong dalawa lang ng ate mo ang anak ko. Lumaki si Barbi na may galit sa akin. Lalo na ng magkaroon ng breast cancer si Cecille. Kahit sa huling sandali ng buhay ni Cecille ay hindi ko sya nagawang mahalin dahil sobrang hirap ang ibinigay nya sa akin noon. Dahil sa kanya ay nasira ang buhay at ang pamilya ko Bago mamatay si Cecille ay narinig kong nangako sa kanya si Barbi na babalik dito sa Pilipinas at sisirain nya ang buhay ng pamilya ko dito. At sa tingin ako.. Ay unti unti na syang nakakalapit sa inyo. Lalo na sa iyo Kim. Hindi ako nakabalik agad dahil sa matinding galit sa akin ng ama ni Cecille at patuloy akong pinapahirapan. Gusto kong mag ingat kayong lahat. Lalo ka na Kim. Madaming kayang gawin si Barbi dahil sa yaman nito. At ikaw, bilang asawa ni Kim.. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo maprotektahan lang sya at mabigyan ng maayos na buhay. Gustuhin man kitang suntukin dahil sa pagsira mo sa kinabukasan ng anak ko. Pero hindi ko magawa dahil nandyan na yan.. At hindi ito ang panahon para tayo ay magkagalit pa. "

"gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko sir dahil para kay Kim. Hindi ko hahayaan si Barbi na makalapit sa mag-ina ko at.. Sorry po Sir kung sinira ko ang kinabukasan ng anak nyo. Pero gusto ko lang po na sabihin na mahal na mahal ko ang anak ninyo at handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Kahit buhay ko pa po ang kapalit."-andrew

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako at nagulat sa mga nalaman ko ngayon. Masaya ako kasi hindi naman pala talaga kami iniwan ng daddy.. Dahil kung hindi kay Cecille Buenavista ay masaya sana ang pamilya namin ngayon. Maraming taon ang nawala sa amin para makasama si Daddy, at syempre nagulat ako na si Barbi Buenavista pala ay anak ni Cecille at sya pala ang matagal ko ng inaakala na anak ni Daddy, At Sya rin ang inakala kong kapatid ko. Kaya pala ganun na lang ang galit sa akin ni Barbi. Lahat ay gagawin nya mainis nya lang ako. Lagat gagawin nya para lang maagaw ang mga bagay na mayroon ako. At lahat gagawin nya maging miserable lang ako. Pero bakit ako? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Siguro eto na ang tamang panahon para harapin ko si Barbi.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...