Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 36

28.3K 823 220
By PrinsesaFever

SORRY HINDI AKO NAKAPAGUD NG ILANG WEEKS AT KAGABI. SANA MAKABAWI AKO. Thankies! Mwa :*

Kylie's Pov

"GARCIA!!!" Sigaw ko kay Blake na kasalukuyang tinatawanan ako.

Halos mamatay na siya kakatawa dahil maluha luha na siya at nakahawak na siya sa tiyan niya.

"Wait, the h--eck! Hahahahaha!" Patuloy nyang pagtawa.

Sinimangutan ko siya. Tinanggal ko ang sapatos ko at binato siya.

"Ouch!" Angal niya ng matamaan siya sa ulo. Ngunit patuloy pa din ang tawa nga hinayupak na 'to!

"Will you please stop laughing?!" Inis kong sigaw sakaniya.

"What? Kasalanan ko bang makita ko 'yung video mong sumasayaw ka ng lasing ka?" Tawa niya. "Mukha kang uod, by!" Asar niya.

Halos mamilog ang mata ko. Bwisit naman kasi talaga si Kuya!! After kasi ng game nagkayayaan uminom. Ayoko naman talagang uminom pero sabi naman ni Kuya nandun naman daw siya para alalayan ako. Eh lintek! Inalalayan nga ako, pero pinagtripan naman muna ako!

Tinignan ko siya ng masama at tinalikuran ko na siya. Bwisit siya! Bahala siya dyan!

"Uy! By! Hahahaha!"

Hindi ko siya pinansin imbes ay naglakad na ako papunta sa likod ng School nang maalala kong wala nga pala yung isa kong sapatos!

Bumuntong hininga muna ako bago ako bumalik sa pwesto ni Blake na tawa pa din ng tawa. Srsly? Ano pa bang tinatawa nito?!

"Hi by! Sorry na." Patuloy sa tawa niyang sabi.

Umirap ako sakaniya at kinuha ang sapatos kong nasa gilid niya. Sinuot ko iyon at naglakad ng muli.

Pumunta ako sa likod ng school ng nakasimangot. Nakita ko sila Jhersel doon na masayang naguusap habang sweet sa isa't isa. Umirap ako at umupo sa tabi ni Doms na nagbabasa.

"San si Ethan?" Tanong ko sakaniya.

"Umalis sila ni Ian. Bumili atang pagkain." Sabi niya.

Tumango na lang ako at tumingin na kila Jhersel.

Maya maya ay nakita ko si Blake na palakad dito. Seryoso na ang mukha niya hindi katulad kanina.

"Hi by!" Bati niya agad sakin ng makita niya ako at ngumiti siya ng napakalapad.

Inirapan ko siya. Nakita kong nagpout siya at aambang lalapitan ako ng inambahan ko siya ng suntok.

"'Wag kang lalapit. Nakikita mo 'to?" Pakita ko sa kamao ko, "Isusuntok ko 'to sayo." Seryoso kong sabi.

Tinaas niya ang dalawa niyang kamay sign of surrendering.

"Uh oh, I smell a fight." Sabi ni John.

"Oops, I'm sorry, okay?" Sabi niya.

Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko, "I'm sorry. I didn't mean to offend you. It's just that..." Nakita kong tatawa na siya kaya tinignan ko siya ng masama. Napatigil naman siya at nagseryoso ng muli ang tingin niya saakin, "I just can't help it. Masiyado akong natutuwa."

Ngumiti siya saakin, "It mades my day, you know." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Ano 'yan ha?!" Panira ni Ian sa moment namin.

Tinignan siya ng masama ni Blake, "Epal." Sabi niya kay Ian.

"Lul." Sabi ni Ian at tumawa sabay kain na.

Umupo si Blake sa tabi ko dahil tumayo na si Doms para makikain.

Ilang minuto din kaming tahimik. Ewan ko, ang weird bigla. Kanina ang hyper niya tas ngayon napakaseryoso niya na.

"Huy!" Sigaw ko sakaniya.

Napatingin naman siya agad sakin, "Bakit?" Tanong niya.

"May problema ka ba?" Tanong ko.

Ngumiti siya sakin ng bahagya. "Wala. Malapit na pala graduation. Bakasyon nanaman. Hindi nanaman kita gaanong makakasama." Napaiwas siya bigla ng tingin.

Hinawakan ko naman ang kamay niya, "Basta pag uwi niyo ha? Magd-date tayo agad." Sabi ko.

"Ofcourse, my queen. I love you." Sabi niya at tinapat ang singsing niya.

"I love you too." Sabi ko at dinikit ang singsing ko sa singsing niya.

**

Graduation Day.

"-- I worked hard. I spend my whole day for my projects, assignments and baby thesis. But hey! Look at me now! I'm here! Standing infront of you all, letting you see that I succeeded. I finished! Woooh!" Natawa kami sa sinabi ni Doms, "The nights that I got my beloved eyebags, the nights that I got pissed because of that Physics! Shit! And now, I'm just gonna scream that I survived! Finally!" Tawa niya. "And I wanna thanks my dear Teachers. Thank you po! I owe you big Ma'am and Sir! And also thanks sa mga abnormal kong mga kaibigan diyan! Kaway! Lalo na sa lalaking hindi ako iniwan... syempre si God 'yun! Oh ano? Kala mo ikaw Ethan? Joke. Syempre salamat din sayo, sa family ko at sa mga fans ko. Hahaha! Salamat! Congrats satin!"

Sabi ni Doms at bumaba na siya. Siya ang Valedictorian namin book wormer ba naman e. At ang Salutatorian? Syempre! Ako! Hahahaha.

Nagkaroon pa ng konting speech galing kila Tita Anna. After nun ay ayun! Picture picture syempre!

"Kylie!!" Napalingon ako sa tumawag sakin.

Nakita ko sila Ate na papalapit sakin.

"Congrats!" Bati ni Ate sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you ate!" Sabi ko.

Binati din ako nila Kuya. Pagkatapos ay picture picture syempre!

"Ahhhhh!" Angal ko ng pinisil ni Kuya yung pisngi ko at sakto namang kinuhanan kami ng picture.

"Bwisit ka!" Sabi ko sakaniya.

Tinawanan niya lang ako at niyakap niya akong muli. "Baby bunso." Bulong ni Kuya sakin.

Napangiti ako at niyakap din siya. Sumunod ay kami naman ni Vanessa ang nagpicture kasama si Daddy na nakawheelchair okay naman na kasi siya ng bahagya.

Pagkatapos naming tatlo ay kami namang magbabarkada. At syempre, ano pa bang aasahan? Puro kabaliwan ang pose!

"Okay! 1... 2... 3... pose!!" Sigaw ng photographer namin.

Ako naman ay nagduling at dumila habang si Blake ay naka-akbay sakin at hindi ko alam kung anong pose niya.

Nang matignan namin ang picture namin ay hagalpakan kami sa kakatawa dahil sa mga pose namin.

"Kami naman Kuya." Sabi ni Blake kay Kuyang photographer.

"Osige."

Inakbayan ako ni Blake habang ako naman ay nakayakap sakaniya. Tapos sa pangalawang shot ay hawak naming dalawa yung diploma namin.

"Kainan na!" Sigaw ni Bryan.

"Timawa!" Asar sakaniya ni Ian at tumawa siya.

"Pakyu ka."

Tumawa kami at nagusap usap kami kung saan kami kakain. Napagdesisyunan naming sa Chilli's kumain.

Hindi sumama mga magulang namin dahil pagod na din sila at mag enjoy daw kami kaya ayun! Ang ingay namin sa table.

"Umorder na kayo. Gutom na ko." Sabi ni Doms.

"Oo nga! Yung baby namin oh, nagugutom." Sabi ni Ethan.

Namilog ang mata naming lahat sa sinabi ni Ethan.

"Opps? Sorry, hon." Sabi ni Ethan kay Doms.

Napatingin kami kay Doms na nakayuko.

"Are you serious?" Tanong namin.

Napakagat labi si Doms at...

"Gotcha! Hahahaha!" Sigaw niya ng nakuhanan niya kami ng picture na bilog ang mata.

"We hate you!" Sigaw ni Ara sakaniya.

Tumatawa lang silang dalawa. (Ethan and Doms) habang kami ay inis na inis.

Umorder na kami at ilang minutong paghihintay ay dumating na din. Parang mga hindi nakakain ng ilang taon 'tong mga 'to. Nagsign ako kay Kuya na ilagay na dito yung cake na ice cream.

Maya maya ay nilapag na din nila at kami naman ay kinantahan si Blake ng Happy Birthday.

"Tanda mo na!" Sigaw ni Jhersel sakaniya.

"Lul. Pero salamat." Ngiti niya at binlow yung candle. Ang kyut! Hahahaha.

Hindi ko siya binati. Hinayaan ko lang siya. Umupo na kami at siya naman ay nagpaalam.

"San punta?" Tanong ni Kinah sakaniya.

"Lalabas lang." Sagot niya.

Tumango na lang kami at hinayaan siya. Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan muna kami ng magvibrate cellphone ko.

From: Babe-by ❤

- By, baba ka dito.

Sabi na. Nagpaalam ako kila Kinah at bumaba. Nakita ko si Blake sa likod ng Chilli's. Nakaupo sa bench habang feel na feel yung lamig ng hangin.

"By," Tawag ko sakaniya.

Tumingin siya saakin at ako naman ay ngumiti.

"Happy birthday!" Sabi ko at umupo sa tabi niya.

Nilabas ko yung kwintas na pinaukitan ko ng "Life" at sinuot sakaniya. Tapos ay sinuot ko naman yung "Time" na kapartner para Lifetime!

Hinawakan niya 'yun at tinignan ako. "Thank you."

"Suuus! At dahil monthsarry din natin 'no." Sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "I love you."

"I love you too." Sabi ko sakaniya habang nakatingin sa mga tala.

Katahimikan ang bumalot saaming dalawa. Mahabang katahimikan ng siya na mismo ang bumasag nun.

"By, pano kung iwan kita ngayon? Ano gagawin mo?"

"Hahabulin kita syempre. Hindi pwedeng maging emo ako dito." Sabay tawa ko.

"Hindi, I mean, yung iwan kita talaga. Hihiwalayan kita, ganun."

Napatingin ako sakaniya.

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang." Hindi ako umimik. "Pero pano nga?"

"Hahabulin kita. Magmamakaawa ako sayo na 'wag mo kong iwan dahil minahal kita ng sobra sobra. Itatama ko lahat ng mali ko."

Nagkatinginan kami. Doon ko napansin na may nangingilid na luha sa mata niya. Niyakap niya ako at sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

"'Wag mo 'yun gagawin. 'Wag na 'wag."

"Ha? Bakit? Teka nga, by, ano ba nangyayari?" Tanong ko sakaniya.

Narinig kong humihikbi na siya. Nararamdaman ko din na basang basa na yung balikat ko ng luha niya.

"Basta. 'Wag mo 'yun gagawin. Dahil ayokong masaktan ka ng todo. Tama na 'yung saktan kita sa paraang totoo kesa sa kasinungalingan."

Tinulak ko siya. "Bakit ba? Ano bang nangyayari?" Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Just promise me one thing."

"Ano?"

"'Wag mong gagawin 'yung mga sinabi mo kanina."

Doon ako kinabahan. Ramdam ko ang maiinit na likido na gustong gusto ng tumulo sa pisngi ko pero pinipigilan ko ito.

"P-promise."

Bumuntong hininga muna siya. Alam ko na. Alam ko na mangyayari. Pero bakit?

"Let's break up."

Those words. Those three fucking words that made me cry again. Those words that made my heart turned into pieces.

"Bakit?" Ayun lang ang natanong ko.

Ginulo niya ang buhok niya atsaka hinilamos ang mukha niya gamit ang kamay niya.

"Hirap na hirap na ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Naiipit ako, Kylie."

"Naiipit? Saan?!" Tumaas na ang tono ng boses ko.

"Hindi mo na kailangang malaman."

"Bakit? Girlfriend mo ko at may karapatan akong malaman 'yun!" Sabay tayo ko.

Sunod sunod na luha ang pumapatak sa pisngi ko.

"Kylie, please, para rin 'to sayo. Iniisip lang kita."

"Iniisip mo ko?! Eh bakit mo ko iiwan?! Bakit mo ko sinasaktan?! Bakit mo kailangang gawin 'to?! Ano bang pagkukulang ko?! Ano bang mali ko?! Sabihin mo Blake kasi ang sakit sakit!"

"Wala. 'Yan lang ang sagot. Kailangan ko lang talagang gawin 'to para sayo."

"Blake, bakit?! Sabihin mo naman..." Pagmamakaawa ko sakaniya.

"Kalimutan mo na ko. Mag umpisa ka ulit. Sa susunod na magmahal ka 'wag mong hahayaan na saktan ka nila tulad ng ginagawa ko. Mahal na mahal kita Kylie..." Sabi niya at niyakap ako.

Pinipilit ko siyang itulak pero ang tigas niya.

"Please, just for a minute."

Hindi na ko kumibo. Tanging hikbi ko lang ang maririnig. Ang sakit. Nanghihina ako.

Kumalas siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinignan niya ako sa mata.

"Remember, I love you. No one can ever change it. Pero kailangan ko talaga 'tong gawin. Gusto kong maabot mo mga pangarap mo di bale ng wala ako sa tabi mo. Knowing you? Matapang ka. Kaya mo lahat. By, you can do it without me." Sabi niya. "I love you." Sabi niya ulit at hinalikan ako.

Ramdam ko. Ramdam ko 'yung pagmamahal. 'Yung pagaalaga. 'Yung pagiging importante ko sakaniya.

Pero ano nga ba kasing dahilan niya para iwan ako? Hindi ko kaya. Napakabigat sa dibdib. Nasanay akong nandiyan siya. Sinanay niya ako. Hindi ko matanggap.

Ang sakit. Putangina.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 61.7K 21
โœ”๏ธŽ๐‘ท๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’”๐’‰๐’†๐’… ๐’–๐’๐’…๐’†๐’“ ๐‘ท๐‘บ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ถ๐‘ด ๐ด๐‘ข๐‘กโ„Ž๐‘œ๐‘Ÿ'๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘ก๐‘’: ๐‘‡โ„Ž๐‘–๐‘  ๐‘๐‘œ๐‘œ๐‘˜ ๐‘–๐‘  ๐‘กโ„Ž๐‘’ ๐‘…๐ด๐‘Š ๐‘ฃ๐‘’๐‘Ÿ๐‘ ๐‘–๐‘œ๐‘›. ๐ด ๐‘™๐‘œ๐‘ก ๐‘œ๐‘“ ๐‘’๐‘Ÿ๐‘Ÿ๐‘œ๐‘Ÿ๐‘ ...
8M 276K 88
Book 1 of First Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. Si Melanie 'Bebang' Dimakales also known as 'Mis...
807K 17K 56
Miala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right...
490 121 48
(Soul Series #1) Am I just dreaming or I've never seen them around in our school? I can assure that there is something wrong with my eyes as I watch...